Tuesday, November 29, 2016

a publisher wants your work in their textbook?

Ano-ano ang mga dapat hingiin kapag kinontak ka ng publisher at isasama raw nila ang akda mo sa kanilang textbook?

1. title ng akda- siguruhin mo muna na akda mo nga ang gusto nilang isama at ilathala sa kanilang textbook. baka hindi mo pala akda ang tinutukoy nila,haha!

2. bersiyon ng akda na ilalathala nila sa textbook- ito ay para makita mo kung anong bersiyon ang pinagkakainteresan nila. dito mo rin malalaman kung saan nila nakuha ang bersiyon ng akda mo. pagkakataon mo na rin ito para maiwasto ang anumang pagkakamali sa bersiyon na gusto nilang ilathala. icheck mo kung buo ba ang akda mo, kulang ba, sobra ba, mali ang format, at iba pa. magbigay ng abiso sa paraan ng paglalathala ng gusto mong lumabas para sa iyong akda sa kanilang textbook

3. title ng textbook- para naman mailagay mo sa iyong resume

4. pangalan at contact details ng publisher- para malaman mo kung reputable ba iyan o hindi. bago ba yan o hindi, malaki o hindi, at legit ba o fly by night. para din malaman mo kung sino ang interesado sa iyo.

5. pangalan at contact details ng editor/s- same as number 3

6. detalye ng permit fee- ang permit fee ay ang fee na ibibigay ng publisher sa iyo kapalit ng pagpayag mo na mailathala ang iyong akda sa kanilang textbook. magkano ba iyan? ok ba sa iyo ang amount? mataas ba? mababa? alalahanin, hindi ka nagde-demand ng bayad para sa iyong akda, ang iyong akda ay priceless! ang permit fee ay bahagi mo sa kikitain ng kumpanya sa sales ng textbook. na siguradong tatabo sa takilya dahil helo ilang estudyante ang bibili niyan, ilang eskuwelahan ang magre-require niyan. magkano ang katanggap-tanggap? ok na ba sa iyo ang piso per copy ng textbook per print/reprint ng isang edition? for example, balak ng publisher na maglabas ng 5k copies, ang hihingin mo ay 5k pesos for this certain edition only. ok ba?

kung ang isang textbook ay P400 ang presyo, at 5,000 copies ang iimprenta nila at ibebenta, bale dalawang milyong piso po ang gross income nila. limang libong piso lang ang dine-demand mo. tinga ba.

7. detalye ng tax na ibabawas sa permit fee- ilang percent ba? ikaw ba ang magre-remit o ang publisher? kung publisher ang magre-remit, humingi ng kopya ng BIR Form 2307 kahit through email lamang. ibigay mo sa kanila ang iyong tax identification number o TIN at ang iyong complete home address. kailangang ilagay iyon ng publisher sa nasabing BIR form.

8. detalye ng method of payment- Cash? Check? If cash, paano ito ipapadala sa iyo? may ikakaltas bang remittance fee? idedeposito ba sa bank account mo? Kung check, kanino mo ibibigay ang bank details mo?

9. detalye ng pagbibigay ng compli copy-ang compli copy ay complimentary copy, meaning kopya para sa iyo. at libre ito dapat. ito ay para may kopya ka ng libro kung saan nalathala ang iyong akda. dapat i-deliver nila ito sa iyo nang libre, meaning, hindi ikaw ang magbabayad ng pagpapadala sa iyo. palagay ko, ok na ang isang kopya.

10. detalye ng presyo kung ikaw mismo ang bibili ng extra copy nito- may discount ka ba?

11. detalye ng format- print lang ba o kasama ang digital format? kung pati digital format, ano ang mga paraan nila para maprotektahan sa mga pirata ang gawa mo?

12. detalye ng edisyon- pang-ilan na nga ba ito? ilang kopya sa isang edisyon ang iimprenta nila? usually 3,000 to 10,000 copies per edition. pag lumampas ng 10,000 copies per edition, super laki ng publisher na iyan. milyon to bilyon ang kita niyan, wag mahiyang maningil ng mas mataas.

13. detalye byline mo- anong gusto mong version ng iyong pangalan ang lumabas sa ilalim ng pamagat ng iyong akda?

14. detalye tungkol sa akda mo- kung na-publish na noon ang iyong akda o nanalo sa contest, mas mainam na nakasaad ito sa textbook, pero it's really up to you kung isasama mo pa ang mga ganyang detalye

Saturday, November 19, 2016

Ang Mga Kuwento ni Lolo

Paano kaya nagbabalik-tanaw ang mga tuta ni Marcos na miyembro ng kapulisan at militar noon? Ano kaya ang ikinukuwento nila sa kanilang mga apo? Ganito kaya?

Noong unang panahon, mga apo, gabi-gabi kaming nangingidnap ng mga aktibista. Wala, di kami makapalag, utos kasi ng nakatataas. Dinadala namin ang mga aktibista sa liblib na mga bayan. Paaaminin namin sila ng kung ano-anong kasalanan. Pag hindi sila nagsalita, bubunutan namin sila ng mga kuko. Iyan, iha, pinky ba ang tawag n'yo diyan ngayon? Iyang pinakamaliit na daliri ang inuuna namin, para hindi naman magulat ang binubunutan. Ay, tawa kami nang tawa habang sigaw-iyak sila. Nakakatawa kasi 'yong mga mukha nila, parang pinipilipit na tsinelas. Kapag naubos na namin ang mga kuko sa kamay, iyon namang sa paa. Kapag naubos ang nasa paa, babalik kami sa ulo. Bubunutan naman namin sila ng ngipin. Iyon ang mahirap, aba'y naiisahan nila kami. Kinakagat nila ang mga palad namin. Matindi sila kung gumanti. Gigil na gigil sila kung mangagat. Nagkakasugat-sugat ang kamay namin. Ang sakit tuloy, lalo na kapag kumakalabit kami ng gatilyo.

Kapag babae naman ang nadudukot namin, naku, mas mahirap. Kailangan naming maghanap ng mas liblib na lugar dahil mas matinis ang mga sigaw nila, kahit pa busalan namin ang kanilang bunganga ng sarilii nilang mga panty. Ay, baka may makarinig. Ang haba-haba ng biyahe kasi kung saan-saang probinsiya kami napapadpad. Gabing-gabi na ang dating namin at saka pa lang kami makakapaghapunan, kanin, galunggong. Pero minsan, laro muna bago kain, pampatanggal ng hapo. Sabay-sabay kaming hihithit ng sigarilyo, tapos sabay-sabay din naming papatayin ang mga ito sa suso ng babae. Magkabilang suso. Unahan pa nga kami sa utong. May premyong dagdag na tasa ng kanin ang sinumang makapagpapatay ng sigarilyo sa mismong utong. Kay babaw ng kaligayahan namin noon, ano?

At alam n'yo, minsan, nangingidnap din kami ng pami-pamilya. Pag may babae at lalaki na magkapatid, ibinubukod na namin iyan. Wala kasing telebisyon sa mga lugar na pinagdadalhan namin sa kanila, kaya sila na lang ang show sa gabi. Pampalipas-oras din ba. Pinagtatalik namin ang magkapatid. Sabi namin, pipilahan naming lahat ang babae kapag sinuway nila kami. Sigaw-iyak naman na susunod ang dalawa. Hala, hubad agad. At kami, tiis-tiis sa lamok. Kagat dito, kagat doon, kay peste. Kailangan talaga naming magtiis para lang mapanood nang buo ang palabas, palakpakan mula umpisa hanggang wakas.

Ganon ang aming panahon, mga iho at iha. Masaya na mahirap. Mahirap na masaya.

Monday, November 14, 2016

Movies that talk about Copyright Issues

Dahil adik si Poy sa mga pelikulang banyaga, at lagi naman akong napapatutok sa computer kapag nanonood siya ng mga ito, nakatuklas ako ng ilang pelikulang banyaga na tumatalakay sa ilang usapin sa copyright. ahaha ang weird naming mag-asawa ano? siya adik sa pelikula, ako, adik sa copyright!

anyway, heto ang ilan sa mga sinasabi kong pelikula:

1. julie and julia

ang bida rito ay sina amy adams as julie at meryl streep as julia. 2009 pa ipinalabas ang pelikulang ito na tungkol sa pagluluto ng mga pagkaing French. si julie ay isang modernong amerikana na nagbabasa ng cookbook na isinulat ni julia child. si julia child naman ay amerikanang namuhay sa Paris, France pagkatapos ng World War II. kasama ang dalawang French na babae, sumulat siya ng cookbook tungkol sa French cuisine, ang target audience nila ay mga amerikana. habang pina-finalize nila ang libro (na umabot ng 760 plus pages grabe!), naghanap sila ng paraan para ma-publish ito. isa sa mga natagpuan nila ay si Irma Rombauer na author ng pinakamamahal nilang cookbook na bestseller at sobrang sikat nang panahon na iyon, ang The Joy of Cooking. sa pelikula, ikinuwento ni Irma kung paanong naging libro ang kanyang cookbook. nagbayad daw siya ng $3,000 sa publisher at na-publish nga ito. siyempre, nang time na iyon, napakalaki ng $3,000! gulat na gulat sina Julia Child, hindi sila makapaniwala na si irma pa ang nagbayad para lang maging libro ang cookbook nito. sa isip-isip ko, aba, halimbawa ito ng self-publishing, a! pero hindi doon nagtapos ang kuwento ni Irma. may nagkainteres daw na publisher sa inilathala niyang libro, ang Bobbs-Merrill Company. mula noon ay dumami ang printed copies ng kanyang cookbook at mas lumawak din ang distribution nito. pero nagulat sina julia nang walang ibang lumabas sa bibig ni irma kundi puro reklamo. sa publisher niya! dahil niloko daw siya nito, kinuha ang kanyang copyright para sa current edition at sa naunang edition na sinelf-publish niya. nanlumo sina julia child sa narinig. in short, parang natakot sila sa publishing business.

ako naman, noong napanood ko ito, nagulat ako dahil dati pa pala ay ganito na ang ninja moves ng mga publisher! talaga naman! at ang masama roon, namana ng mga publisher ngayon ang ganyang ninja moves, at umabot pa yan sa pinas!

2. about a boy

ang bida rito ay si hugh grant as will freeman. 2002 pa ipinalabas ang pelikulang ito. ang pelikulang ito ay tungkol kay will, isang lalaking walang trabaho, walang ginagawa sa bahay at buhay niya araw-araw. pero hindi siya financially naghihirap. in fact, he has a comfortable life! saan galing ang pera niya? dito pumapasok ang copyright. ang tatay ni will ay composer ng isang sikat na sikat na christmas song. deds na ang kanyang tatay. at dahil naipapamana ang copyright, nakakatanggap si will ng royalties mula sa kita ng musical work ng kanyang tatay. gustong-gusto ko ang pelikulang ito dahil bukod sa heartwarming ang kuwento, ipinapakita rin dito kung paanong nakikinabang ang mga tagapagmana ng musicians, na artist ding maituturing. in short, ipinapakita dito ang isang halimbawa ng pamumuhay na maaaring makamit ng tagapagmana ng isang filipinong alagad ng sining.

3. paper towns

ang bida rito ay sina Nat Wolffe as Q at Cara Delevingne as Margo. 2015 lang ito ipinalabas. napanood namin ito ni poy sa moa! konting trivia muna, binasa ko nang mga 15 times ang nobelang pinaghanguan ng pelikula, before, during and after ng pagsasalin namin dito ni poy. yes, around 15x talaga. pinili ito ni poy kaysa sa iba pang nobela ni john green dahil nabalitaan niyang gagawin itong pelikula at naisip namin na mas malaki ang chances na mabenta ang salin namin kapag ganon. pero waley, nag-flop sa pinas ang pelikula, flop din ang salin!

anyway, o eto ang tungkol sa copyright. itong si q ay may crush kay margo since bata pa sila. nag-teenager na sila't lahat-lahat, di pa rin niya masabi ang feelings para sa dalaga. isang araw, bigla na lang nawala itong si margo. siyempre, hinanap siya ni q. may mga natagpuan na clues si q at sinundan niya ito nang sinundan para matagpuan si margo. ang nangyari ay na-obssess pala itong si margo sa isang lugar sa new york na kung tawagin ay agloe. pero ang agloe pala ay isang lugar na sa mapa lang nag-e-exist. in short, japeyks. kasi, noon palang unang panahon, ang mga kompanya na gumagawa ng mapa ay nagkokopyahan lang ng mapa tas piniprint nila at ibinebenta ang mga ito. kaya ang ginagawa ng ibang kompanya (at ng cartographer o iyong mga tagagawa mismo ng mapa) ay naglalagay sila ng copyright trap sa kanilang mapa. nagsisingit sila ng mga pekeng bayan o kaya ng kalsada sa ginagawa nilang mapa. imbento lang ito, pati pangalan ng lugar, imbento. ngayon, once na kinopya ng ibang cartographer o kompanya ang mapa nila, tiyak na masasama rito ang mga isiningit na imbentong lugar. pung! ayun na, huli! puwede na nilang gamiting ebidensiya ang mapa para sa copyright infringement case laban sa nangopya ng kanilang mapa. ang galing, ano? sa pelikula, nag-road trip si q at ang kanyang mga kaibigan para lang mahanap ang agloe at si Margo. happy ending ba? aba, nood na. or puwede rin namang bilhin mo na lang ang filipino version ng libro. kitakits sa national bookstore,my friend. shameless plugging, ano?

marami pang pelikula ang tumatalakay sa copyright issues, im sure. may mairerekomenda ba kayo sa munting listahan na ito? idagdag lang po sa comment box! salamat in advance.










Sunday, November 13, 2016

si colay sa aking panaginip

noong isang gabi, napanaginipan ko si colay. nag-uusap daw kami, kalmado naman kami at ang paligid.

unfortunately, wala na akong maalalang detalye.

pero isa ang malinaw, naroon si colay.

pero ngayon, a few days after, nagdududa na ako kung panaginip nga ba iyon o imahinasyon ko lang, aktibo, hyper-active actually, gumagana. tangina naman kasing rehimeng duterte iyan, andumi. ayaw lumaban nang parehas. natatakot tuloy ako para sa kapatid ko. tatlo na raw ang nababaril sa may bandang lopez at sa mismong lugar nila. yung isa, lumuwa ang mata pagkabaril sa kanya. pero buhay. nasa isang ospital daw sa maynila (sa las pinas nangyari ang pagbaril). gustong-gusto kong magsulat tungkol sa napakaruming laro na ito ni duterte, kaso hindi ko magawa. anlakas ng kutob ko na mahahagip kami ng pakulo na ito ng kasalukuyang presidente.

sana talaga, may magsimula ng call for impeachment o resignation. hindi puwede sa pinas ang ganyang lider, mamamatay tayong lahat diyan. baka mangalahati tayo. e baka nga yan ang vision niya para sa bayan na ito, haha, patay tayo diyan. bat gumagamit pa siya ng baril, mahal pa ang bala. sayang ang buwis na ibinabayad ng karaniwang mamamayan, sayang ang pera.

lasunin na lang niya ang kalahati ng populasyon, ang 50 million. tipid pa.

Saturday, November 5, 2016

Last Two

hay. natapos ko rin ang translation at editing ng 3rd to the last piece ng Rizal Without the Overcoat (RWTO) project. bale, ang natitira kong gawain para sa proyektong ito ay translation na lang ng dalawang interview na nakapaloob sa rwto. itong dalawa pa naman ang pinakamahirap. hinuli ko talaga ito, kasi nga pinakamahirap i-translate sa tingin ko. pinakamahaba rin sa lahat ng piyesa ang dalawang interview na ito. mali pala ang ganitong strategy, kasi nga mas mahirap so mas tinatamad kang gawin ito, mas wala kang motivation na gawin ito. hinding-hindi ko na ito uulitin, sa susunod, iyong mahihirap ang uunahin ko.

natutuhan ko rin sa translation project na ito na kasinghaba ng translation process ko ang editing process ko.

ang ginagawa ko kasi para mapabilis ako, ang translation ko on the spot ay ang first draft na rin ng piyesang aking isinasalin. as in wala muna akong pakialam sa tamang termino, sa syntax at iba pa habang nagsasalin. wala rin akong pakialam sa spelling. pag masyado ko kasing pinolish, aabutin ako nang till the kingdom come, hahaha. sa editing ko lahat iyan ginagawa. at sa proofreading.

ibig sabihin, kahit hindi required sa akin, ine-edit ko ang lahat ng gawa ko. na-train akong mag-edit at mag-proofread noong ako ay nasa popular books pa, time na ako ang leader ng group namin na nagsusulat ng popular books tulad ng hilakbot, sopas muna, haunted philippines 8 and 9 at palalim nang palalim. lahat ng ipasa sa akin, ine-edit ko at pino-proofread kahit na hindi ito hinihiling sa akin ng kapwa ko writers at ng mismong resident editor ng publisher. basta't dumaan sa akin ay lagi kong ine-edit at pino-proofread bago isumite sa editor o publisher namin noon.

kaya ganyan din ako ngayon sa mga proyekto ko. pati na rito sa translation project. nakakailang hagod ang mata ko sa teksto bago ko ipadala sa kinauukulan.

na-realize ko rin na halos lahat ng librong nasa merkado ngayon ay dumaan sa napakatagal na proseso. ibig sabihin, ang new books ay hindi naman kasing-new ng iniisip natin. new lang ito physically, as in newly printed. pero ang content, puwedeng ilang taon na palang nakatengga sa laptop ng mga writer o ng translator o ng editor o ng publisher. kasi nga hindi biro-biro ang pinagdadaanan nito.

kumakain talaga ng oras, araw, linggo, buwan, taon, at minsan pa nga, dekada.

Tuesday, November 1, 2016

boo-laga!

hello, kumusta? antagal ko ring hindi nakapag-blog, a. pasensiya na, ha? nanganak lang ako. nagluwal ng kalabaw, bahaha!

sa ngayon, wala pa akong tulog. ngayon lang kasi ako bumalik sa internet. kaya sinasagad ko ang time ko rito. nag-update ako ng ilang post sa blog. nakipag-chat ako sa ilang kaibigan sa pamamagitan ng FB, sumagot din sa ilang PM. bihira na akong mag-open ng laptop o computer, nakaka-stress kasi ang FB at iba pang social media. puro bad news, puro away, puro patayan ang nababasa ko. nakakapagod na at nakakatakot. kaya ayoko munang lumapit sa laptop o sa anumang medium of communication na dinadaluyan ng teknolohiya, pakiramdam ko kasi may bubulwak na naman na pangit na balita anytime, haha!pati nga cellphone ko, bihira ko nang masulyapan.

hindi pa naman ako masyadong pagod kahit puyat ako, buong araw lang naman kaming nasa bahay kahapon at kagabi. nanood kami ng mga pelikula:

1. gosford park, isang period film set in london. murder mystery ang pagkakabenta sa akin ni poy kaya pumayag akong manood. pero in the end, mas tungkol pala siya sa pagkakahati ng mga tao noon batay sa ari arian, impluwensiya at pera. yung mga atsay, parang mga langgam na nagsusumiksik sa gilid ng pinto, para lang makapakinig ng himig ng piano sa pinaka sala ng mansiyon, samantalang ang mayayaman, nabuburat pa na makarinig ng tunog nito at ang gusto ay tumigil na lang ang pianista sa pagtugtog. isang halimbawa lang 'yan ng eksena sa gosford park.

2. road trip, starring bata bata pang paul walker, tungkol sa dalawang magkaibigan na laging nagmamaneho ng kanilang kotse

wala si dagat sa bahay, nasa parents ni poy, kaya medyo naka-relax kami. haggard lang talaga pag dalawa ang kasama naming bata at wala kaming kasambahay! nag-aaway na kami sa sobrang kangaragan.

ngayong hapon naman ay pupunta kami sa parents ni poy kasi may padasal doon para sa mga namayapa. i respect these family rituals and traditions. kasi wala kaming ganito sa pamilya namin. ang pinakatradisyon namin ni ej, gumagala kami sa labas ng maynila. hindi kailangang undas, o summer time o kaya holy week. basta't long weekend, at may budget, gagala kami. nothing spiritual, nothing special. at kadalasan e kaming dalawa lang.

to be continued muna ito! happy undas sa ating lahat!

Tuesday, September 27, 2016

Mula sa mambabasang si Cranky Frankie

Miss Bebang, kasalukuyan ko pong binabasa ang It's Raining Mens. Sulit po ang pagpapahirap ko doon sa kuya sa Powerbooks na hanapan ako ng kopya kasi wala na sa shelf. Para po akong baliw na tatawa and biglang malulungkot sa mga binabasa ko. Thank you for making us readers feel things :)

Salamat, Cranky! PM-PM lang po tayo!

Wednesday, August 31, 2016

Ilan sa mga Suggestion kay PDigong para sa Kapakanan ng mga Writer

mula kina bebang siy at rise/ryan ng palawan

-dapat ay wala nang tax na kakaltasin sa kita ng tao na gagawa ng creative work kahit pa ito ay commissioned work

-dapat ay wala nang vat o anumang tax na babayaran ang sinumang bumibili ng books o anumang cultural o creative products na gawang filipino

-dapat ay magkaroon ng mas active (as in more! more! more!) na promotion ng writers, books from the philippines sa ASEAN at sa buong mundo, marami na tayong books, kaya ang kailangang dagdagan ay ang pagpapakilala ng mga ito sa mga bagong merkado

-sana ay suportahan pa ang mga translator from fil to english, sana ay magkaroon ng mas maraming translation projects, translation grants from local languages to fil and english (i love sir rio pero puwede kayang tama na ang pagpopondo sa translation ng mga akdang banyaga to filipino? dapat ang nagpopondo diyan, hindi kwf kundi mga embassy andami dami kaya nilang pera)

-dapat may financial assistance sa shipping fees ang mga book na ipinapadala within the philippines (as in inter-region) kung puwede sana, gawing free ang shipping pag state u o state colleges o public libraries ang destinasyon ng libro o anumang publikasyon.

-pag book store ang itatayo sa isang lugar o commercial establishment, dapat mas mura ang rent, as in 50% off para naman may laban siya kung ikukumpara sa iba pang establishment.

-dapat ang may rule para sa mga book store na up to 50% ng space nila ay dedicated sa filipiniana books. The other 50% puwede nang i-dedicate sa imported books and school and office supplies kung gusto nila. puwede rin namang 100% ng space ay para lang sa filipiniana books. mas maganda!

-sana ay magdaos ng free trainings/seminars/orientation tungkol sa mga filipino authored works para sa mga literary agent mula sa iba't ibang sulok ng mundo, (puwede ring ipasok ito as dept of tourism project, sila ang maghohost ng event para sa mga literary agent from all around the world, ipasyal nila sa boracay hahaha)

-dapat may free legal assistance as in lawyer that will represent writers (regardless of writer’s age, career, number of works produced, etc.) in court, ang poorita kaya ng mga writer kaya lagi na lang silang inaapi ng malalaking kumpanya kasi di sila maka-afford ng lawyer na puwedeng magtanggol sa kanila o mag-represent sa kanila.

-dapat maglabas ng rules and regulations ang govt agency (like nbdb) re: writers contracts (dapat nakalagay don ang mga dapat sundin ng kahit na sinong gumagawa ng contract for writers: me downpayment, me compli copy, me royalties if applicable, copyright of text should stay with the author, marami pa ito, di ko lang maalala ngayon

-all kinds of contests kahit magkano pa ang premyo, dapat copyright of the text belongs to author. Hindi dapat isinusuko sa contest organizer (unahing sitahin ang palanca awards) ang copyright ng teksto.


Monday, July 25, 2016

Sample Demand Letter for Publisher that Published Your Work Without Your Permit

Ang orihinal na bersiyon ng letter na ito ay isinulat ni Atty. JP Anthony Cunada. Nirebisa ni Beverly Siy ang letter ayon sa ilan pang ispesipikong pangangailangan kung ang akda ng isang copyright holder ay inilathala nang walang permiso.

Nagbibigay ng permiso sina Atty.Cunada at Bb. Siy na makopya ang letter na ito para gamitin ito sa tama at angkop na pagkakataon.

Kung may tanong, mungkahi o komento, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.


Date

NAME
Designation
Name of Company/Institution
Address

Dear __________:

I am ______________, a writer and _________ (day job, if applicable). My literary work entitled ____________________ was published in the book/textbook/magazine/etc ______________________ (title of publication) edited by ________ (name of editor/s) published by _______________(name of publisher).

ADD THIS SENTENCE IF YOUR LITERARY WORK HAS APPEARED PREVIOUSLY IN OTHER PUBLICATIONS: The literary work originally appeared in ______________ (title of publication), published by __________ (publisher) in _____ (year).

Upon my initial investigation, the said book/textbook/magazine/etc has been in publication since _____ (earliest year indicated in the copyright page of the book/textbook/magazine/etc) and is being sold up to the present as a book/textbook/magazine/etc of the students at ________________ (name of school or learning institution) clearly an indication of the very wide scope of the sales and marketing of the book/textbook/magazine/etc.

The publication is a clear case of copyright violation.

The selling price of the book/textbook/magazine/etc is ______ pesos per copy. Since several authors are included in the book/textbook/magazine/etc, I am collecting a reasonable amount of _____________ (state the amount you wish to receive) as one-time payment in exchange for my permit to include my literary work in this particular edition.

FINAL REQUEST is made upon you to pay _______________________ (amount in words, all caps) (amount in figures) within 10 working days from receipt of this letter. Kindly deposit the amount to my _____________ (bank name and branch), _____________ type of bank account, _____________ (account number) under the name ____________ (insert your legal name). Kindly send me a copy of the deposit slip through email. I am also requesting you to send my complimentary copy of the book/textbook/magazine/etc for my personal documentation to this address: ________________.

I strongly advise you to settle this amicably within the time prescribed to avoid legal complications and inconvenience of court litigation not to mention damages and 25% attorney's fees.

I hope that you give this matter your preferential attention.

Respectfully,


YOUR LEGAL NAME
Cellphone number/s, Landline number
Email address


cc: Atty. Louie Andrew Calvario from the Office of the Director General of the Intellectual Property Office of the Philippines Intellectual Property Center, # 28 Upper McKinley Road, McKinley Hill Town Center, Fort Bonifacio, Taguig City 238-6300 loc. 121/122 www.ipophil.gov.ph mail@ipophil.gov.ph or louie.calvario@ipophil.gov.ph

Atty. Aneka Rodriguez, Deputy Executive Director, National Book Development Board, Unit 2401 Prestige Tower, Ortigas Business District, Ortigas, Pasig City,
http://booksphilippines.gov.ph/copyright-assistance/ or copyright@nbdb.gov.ph



Wednesday, July 20, 2016

ito ang tunay na horror story

so may bumastos kasi sa akin over phone sa nbi marikina riverbanks nung july 8, kasagsagan ng bagyong Butchoy. iyon ang reason kung bakit nag-post ako ng commendation letter tungkol sa mga nagtatrabaho doon na talagang tumulong sa akin that day. anyway, binalikan ko ang clearance ko noong july 14 at na-meet ko yung nambastos sa akin over phone. marami kaming napag-usapan. pero halatang-halata ko na marami sa mga sagot niya sa mga tanong ko ay wala sa hulog. halimbawa:

ako: paki-receive na lang po, sir, ang kopya ng commendation letter para kina blah-blah.

siya: hindi, ok na. nabasa ko na iyan sa FB. hindi ko na kailangan ng kopya.

ako: oo nga po. pero receiving copy lang po ito, sir. kahit nabasa na ninyo, ipinapa-receive ko lang po. ipapadala ko po kasi sa personnel dept ng nbi main.

siya: hindi. ayoko. sa iba na lang.

ako: kanino ko po papipirmahan ito?

siya: maghanap ka diyan. ewan ko.

ako: akala ko po kayo ang head dito?

siya: 'wag na nga. ayaw kong i-receive 'yan. baka puwede mong ipa-receive sa guard ng mall. tutal nasasakop naman nila ang mall.

ako: ha? guard? e, sa inyo po naka-address itong letter, sir. hayan na kayo sa harap ko.

siya: hindi kami puwedeng basta-basta mag-receive niyan.

ako: sir, commendation letter po ito. ano pong ikinatatakot n'yo?

siya: basta, hindi puwede. kailangan kong itanong muna sa head ko sa nbi main. si mam blah-blah-blah.

anyway, natapos ang usapan namin tungkol dito nang sa wakas ay sabihin niyang papirmahan ko na lang daw ang letter sa mismong staff niya na kino-commend ko sa letter. iyon nga ang ginawa ko at umalis na kami sa nbi marikina riverbanks.

that same afternooon, sa hindi malamang dahilan ay ipinasok niya sa usapan namin na taga-bignay lang daw siya. kabilang kalsada lang ito mula sa bahay namin. at marami daw siyang kaibigan na nakatira malapit sa kalsada namin (alam niya ang buong address ko dahil nasa nbi clearance ko ito na ini-release niya sa akin that day). binalewala ko ito. akala ko, parang sinasabi niya lang na, magkapitbahay tayo, friend. something like that.

eto ang eerie. noong isang araw, ang tao na ito ay parang nakita raw ni poy (habang karga niya si dagat) sa mercury drugstore na nasa kanto ng kalsada namin. nakamotor daw pero walang helmet. nakapambahay lang. tinawanan ko lang ito. kako baka namamalikmata si poy. siya kasi ang mas nag-aalala sa aming dalawa. dahil taga-nbi nga itong nakasagutan ko.

e kaninang umaga, around 8:50 am, noong naglalakad kami ni dagat at ng kasambahay sa mismong kalsada namin, as in a few steps away from our house, may nakasalubong kaming lalaking nakaputing damit at maong na pantalon, nasa kabilang side ito ng kalsada. nang malapit na kami sa kanya, at siya sa amin, aba, napansin ko, kamukha ng taga-nbi na nakausap ko noong july 14!

ek, ano 'yan, nagmamanman? nag-aabang? ipapadukot na ba ako? kami? ipapabaril? ipapatumba? lalagyan ng packaging tape, duct tape, masking tape, scotch tape, washi tape? sasabitan ng karatulang nagsasabing: drug pusher, wag tularan, lalo na ng mga buntis! ek. nakakatakot.

napilitan tuloy akong ilabas ito. o, friends, may idea na kayo, sakali mang may mangyari sa akin o sa munti naming pamilya, ha?

#itoangtunaynahorrorstory

Wednesday, July 13, 2016

Ang Sari-saring Pakinabang ng Bilingual Books (Sanaysay)

ni Beverly W. Siy

Alam mo bang ang mga bilingual na libro para sa bata ay maaaring makapag-produce ng batang mahusay sa wika, sensitive sa sariling kultura at kultura ng iba, may paggalang sa kapwa, open-minded at adventurous?

Pero first things first, ano nga ba ang mga ito?

Ayon sa mga guro at dalubhasa sa University of Texas, “bilingual books are books that have two texts written in two languages. They are also known as dual language books, available across genres and age groups, including classics and picture books in fiction and nonfiction.”

Ang pagtutuunan natin ng pansin ngayon ay ang bilingual books for children. Ang dami kasi nating makukuhang benefit mula sa ganitong uri ng librong pambata. Narito ang top 5.

#5- Dalawang wika ang tampok sa bilingual books, at dahil dito ay nae-expose sa dalawang wika ang bata. Tulay ito para makabasa at makarinig ng iba pang wika ang isang bata. Dito ay maaaring maipakilala ang ilang salita na partikular sa isang wika at kultura at makakatulong din ito sa pagbubuo ng kanilang bokabularyo. Matututo rin ang mga bata ng pagbigkas at paraan ng pagbabaybay ng mga salitang hindi nila madalas na makasalamuha sa sarili nilang wika. Isang magandang halimbawa nito ay ang librong Hagdan/Agdan (Stairs) na isinulat at ipinublish ng award-winning Ilokano writer na si Sherma Benosa noong 2015.

Ang Hagdan/Agdan (Stairs) na in-illustrate ni Bianca D. Fuentes ay ang unang pambatang aklat na inilahad sa komiks na format, ito ay nasa wikang Filipino at may salin sa wikang Ilokano. Makikilala sa akda ang mga salitang Filipino at Ilokano para sa mga bahagi ng bahay.

#4-Dahil ang wika ay bahagi ng kultura, nagiging tulay din ang bilingual books para ma-expose ang bata sa dalawang kultura. Isa sa maaaring talakayin ng guro o magulang gamit ang tauhan, lugar, kaugalian, pagkain, damit at iba pa na tampok sa bilingual books ay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang kultura. Ayon sa blog na languagelizard.com, “they are helping children feel comfortable with cultural diversity.” Maaari din daw itong magamit ng mga guro para linangin sa mga batang estudyante ang kanilang kaalaman at pagpapahalaga sa sari-saring kultura.

Isang magandang halimbawa nito ay ang librong Shelah Goes to a Da-ngah na isinulat sa wikang Ingles ng Baguio-based writer na si Padmapani Perez. Ito ay may salin ni Sheila N. Aniban sa wikang Kalanguya. Si Padmapani ay isa ring anthropologist at indie publisher, inilathala niya ang aklat na ito sa pamamagitan ng kanyang Alam-am Publishing. Tampok sa nasabing libro ang pagsali sa da-ngah ng batang si Shelah na mula sa komunidad ng Kalanguya sa Tawangan, Benguet. Ayon kay Padmapani sa isang interview na isinagawa ng xizuqsnook.com, “The da-ngah belongs to the forms of cooperative labour around the Philippines that we know as bayanihan… When a person needs assistance in completing or quickening a difficult task such as carrying timber for a house from the pine forests, or even setting the foundation for building a new house, then this person can call for a da-ngah.” Kontemporanyong panahon ang setting ng nasabing libro dahil nais ipakita ni Padmapani na isang living practice ang da-ngah at hanggang ngayon ay pinahahalagahan ito ng komunidad.

Makikita rito ang role ng bata sa community work, na bagama’t may pagkakaiba ay mayroon din namang pagkakatulad sa community work na nakikita ng karaniwang bata sa sarili nitong kapaligiran. Makikilala ng batang mambabasa si Shelah, isang batang iba ang wika, nakatira sa ibang lugar, nabibilang sa ibang komunidad at may ibang kultura, pero tulad din siya ng karaniwang bata sa iba pang panig ng mundo sapagkat siya ay “inquisitive, assertive, independent, has a mind of her own,” ayon sa deskripsiyon ni Padmapani.

#3- Sa pamamagitan ng bilingual books ay nagiging open-minded ang bata. Dahil nagkakaroon siya ng pagkakataon na makakilala ng iba pang tao sa ibang bayan at iba pang panig ng mundo na may sariling wika at kultura, bukod sa mga kakilala niyang tao at sa sarili niyang wika at kultura. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na masilip ang mga bagay-bagay mula sa iba’t ibang punto de bista ng iba’t ibang tao. At ang mga pagkakataong ito ay naglilinang ng paggalang at acceptance sa mga bagay na iba sa sariling pagkatao at danas ng isang bata.

Makakatulong ito para lumaki ang bata nang walang diskriminasyon sa kapwa. Ang diskriminasyon, ayon sa Amnesty International ay, “treating someone differently simply because of who they are or what they believe… Discrimination doesn’t only mean a lack of equality, it actually perpetuates harm.” At hindi basta-bastang bilingual books ang dapat na ibigay at ipabasa sa mga bata. Ayon sa website na partnersagainsthate.org, dapat masigurong ang bilingual books ay may, “accurate and positive representations of the many cultural groups that make up the community, society and the world in which they live,” upang matulungan ang mga bata na matukoy ang mga stereotype at biases kapag naengkuwentro nila ito sa tunay na mundo.

Isang magandang halimbawa ay ang librong Si Faisal at Si Farida na isinulat ni Rhandee Garlitos at inilathala ng Vibal Publishing. Ito ay nasa wikang Filipino at Ingles. Nagsimula ang lahat sa pagmamasid at pagkilala ng mga Kristiyanong batang sina Adrian at Nerissa sa mga bata na bagong salta sa kanilang eskuwelahan at komunidad. Ito ay walang iba kundi sina Faisal at Farida, mga batang Muslim na nagmula pa sa Tawi-tawi at Cotabato. Ipinakita rito ang proseso ng pagkakalinang ng pagkakaibigan ng mga bata mula sa magkaibang relihiyon. Nakatulong din ang ilustrasyon ni Tinsley Garanchon, dahil bagama’t ibang-iba ang kasuotan nina Faisal at Farida, litaw pa rin ang pagiging karaniwang batang Filipino sa hitsura nila’t mukha. Isang paraan ito ng pagsasabi na mas maigting ang pagkakatulad natin kaysa sa pagkakaiba, kaya dapat na magturingang magkapatid, imbes na magkaaway.

#2. Nakakatulong ang bilingual books para maging mas adventurous ang bata dahil alam nilang napakarami palang lugar at komunidad na dapat mapuntahan, kultura at tao na dapat makilala, at panahon na dapat mabalikan.

Makakatulong dito ang Si Ambongan na isinulat ni Lamberto E. Antonio sa Filipino, isinalin naman ni Dr. Erlinda K. Alburo sa Cebuano at inilathala ng Adarna House. Isang umaga, naglakas-loob na mangisda nang walang kasama ang batang si Ambongan para sorpresahin ang kanyang mga magulang ng mga isdang mahuhuli niya sa dagat. Ngunit iba ang nakita niya pagdating sa laot! Pagkalaki-laking bangka sakay ang mga di niya kilalang tao. Dahil sa tapang at liksi ng isip at katawan ni Ambongan, naipagtanggol ng datung si Lapu-lapu ang bayan ng Mactan laban sa mga mananakop. Bagama’t paglingon sa mga munting bayani ng kasaysayan ang tampok sa nasabing kuwento, makikita na binigyang-diin ang pagiging matapang at adventurous ng bidang bata na nagdulot ng maganda para sa buong komunidad.

#1- Nagiging mas produktibo ang mga manunulat at publisher sa iba’t ibang wika dahil nadadagdagan ng outlet ang kanilang mga akda, at ito ay ang bilingual na mga librong pambata.

Ang ilan sa mga kasapi ng pinakamalaking organisasyon ng mga manunulat sa Ilokano, ang GUMIL, ay naglathala ng isang koleksiyon ng mga kuwentong pambata sa wikang Ilokano. Pinamagatan itong Dagiti Napili a Kapipintasan a Kabukbukodan a Sarita a Para Ubbing Umuna a Libro o The Best Ilokano Short Stories for Children, Volume One. Sina Cles B. Rambaud, Mighty C. Rasing, Anna Liza M. Gaspar, Godfrey Dancel, at Martin T. Rochina ang mga manunulat. Nakahanda nang isalin nina Cles at Ariel S. Tabag, mga editor ng nasabing koleksiyon, ang mga kuwento para sa sinuman na nagnanais na magbasa nito sa wikang Filipino. Samantala, ang akda rito ni Anna Liza na pinamagatang Anna in the Town of Partas Gasto ay inilathala ng Vibal Publishing noong 2015 bilang isang bilingual na librong pambata. Ito ay nasa wikang Ilokano at Ingles.

Ang libro ng manunulat sa wikang Hiligaynon na si Early Sol Gadong na pinamagatang Si Bulan, Si Adlaw kag Si Estrelya o Moon, Sun and Star ay inilathala ng indie publisher na Balay Sugidanon, Inc. noong 2014. Wikang Kinaray-a lamang ang nasa libro, pero sa pamamagitan ng email, ibinabahagi ni Early Sol ang salin sa wikang Filipino para mapabasa at maunawaan ng mga batang Filipino ang muli niyang pagsasalaysay sa matandang kuwento ng paghihiwalay ng buwan, araw, at bituin.

Samantala, ang mga libro nina Sherma E. Benosa at Padmapani Perez ay self-published.

Ang bilingual books at ang posibilidad ng paglalathala ng mga akda sa dalawang wika ay mahuhusay na outlet ng pagkamalikhain ng ating mga manunulat at ilustrador. Naibabahagi ang kanilang talento hindi lang sa lokalidad nila kundi sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nakakatulong pa ito sa pagpaparami at pagpapayaman ng panitikang Filipino. Higit sa lahat, maaaring makapagdulot ng inspirasyon sa batang nabibilang sa dalawa o higit pang cultural background ang mga bilingual na libro para siya naman ang lumikha at mag-ambag ng sarili niyang kuwento


Sanggunian:

Electronic journal

European Scientific Journal February 2015 /SPECIAL/ edition vol.3 ISSN: 1857 – 7881 (Print) e - ISSN 1857- 7431 132 USING BILINGUAL BOOKS TO ENHANCE LITERACY AROUND THE WORLD Peggy Semingson, PhD Kathryn Pole, PhD Department of Curriculum & Instruction, University of Texas at Arlington, USA Jodi Tommerdahl, PhD Department of Curriculum & Instruction, University of Texas at Arlington, USA Center for Mind, Brain and Education, University of Texas at Arlington, USA

Mga website at blog

www.amnesty.org/en/what-we-do/discrimination/

www.bilingualism-matters.ppls.ed.ac.uk

blog.languagelizard.com/2011/05/16/10-ways-to-use-bilingual-books-with-children/

www.partnersagainsthate.org/educators/books.html?referrer=https://www.google.com.ph/?referrer=http://www.partnersagainsthate.org/educators/books.html

www.scottishbooktrust.com/the-benefits-of-bilingualism

www.vibebookstore.wordpress.com/2012/08/20/harmony-on-and-off-the-playground/

www.xizuqsnook.com/?tag=shelah-goes-to-a-da-ngah




/

Tuesday, July 12, 2016

A Letter of Commendation for NBI Staff in Marikina Satellite Branch

July 11, 2016

MR. MARK VALLIDO
Officer-in-Charge
National Bureau of Investigation Satellite Branch
E-com Building, Marikina Riverbanks, Marikina City

Dear Mr. Vallido:

Re: Commendation – Catherine Nicolas and staff of NBI Marikina Riverbanks Satellite Branch

The purpose of this letter is to formally and publicly commend Catherine Nicolas and the NBI Marikina Riverbanks Satellite Branch staff for the excellent service they have provided to me, who is six months pregnant, throughout my transaction and queries last July 8, 2016. In my opinion, the level of assistance that they have extended to me was truly reflective of good public service.

I arrived in your office at around 12:15, I was scheduled in the morning that day, but due to the stormy weather (Typhoon Butchoy), I had to wait until the flood in Anonas Street, Quezon City subsided. Upon my arrival, I was immediately assisted by one of your staff. She informed everyone who came before me that I was being given priority status because of my pregnancy. The encoding staff, after confirming my payment and taking my photo and fingerprints, told me that I needed to come back on July 18 because, “may hit po kayo.”

I was very alarmed. My name is not common and I have never experienced it in my walk-in NBI applications before. I told the encoder I needed the clearance that day, I also asked if there was a possibility I could be informed of the reason behind the “hit”. The encoder replied, “hindi po namin alam. NBI Main na po ‘yan.” I asked for the contact number of the NBI Main and the person whom I could talk to. There was no reply. I asked if there was someone else in that satellite branch whom I could talk to, a supervisor or a manager. One of the female staff directed me to Ms. Catherine Nicolas, a cashier.

At the inner office, Ms. Nicolas told me that the OIC, Mr. Vallido, is on his way to the NBI Main, so they could not assist us. She also told me that I had to go to NBI Main if I wanted my clearance or the information I needed on that day. Since I am pregnant and going to NBI Main in a stormy weather will be very, very difficult, I asked again for the contact number of the NBI Main and the name of the person I could talk to. The male staff inside the inner office dropped a name, a certain Mam Meann. I asked if they could call Mam Meann since there was a landline in front of us. Ms. Nicolas made the initiative to call her up and immediately handed me the phone receiver so I could make my queries.

Miss Mary Ann “Meann” Mangaloso, programmer of the ICT NBI Main, explained to me the process very well. She told me the possible reason behind the “hit” on my name. I was very enlightened. Information empowers everyone. She also told me, I could possibly get my clearance that afternoon. Unfortunately, bad elements such as poor internet connection and suspension of work (half day) due to typhoon Butchoy interceded. I explained this to the entity where I was supposed to submit my NBI clearance and I was told that I could submit it as soon as it is available.

I was impressed by the assistance provided by Ms. Nicolas and other members of your staff that I believe I needed to go on record with my praise. These public servants truly deserve it. I was able to receive information without going to the NBI Main on a stormy weather. In an era where exceptional one-to-one service excellence has virtually disappeared from our government, the work that Ms. Nicolas and your staff did should be held up as an example for others to try to emulate.

In closing, I believe that Ms. Nicolas and your staff truly deserve to be congratulated and rewarded for providing excellent public service well beyond the expectations of an ordinary Filipino citizen like me.

I have posted this letter on my Facebook wall and on my eight-year old blog (babe-ang.blogspot.com). I will also send a copy of this letter addressed to the personnel department of the NBI Main through email, fax and courier.

Congratulations and more power.

Very sincerely,


BEVERLY WICO SIY
Writer, Translator and Copyright Advocate
0919-3175708
beverlysiy@gmail.com

Sunday, July 10, 2016

Children's Party

Kagagaling lang namin sa isang children's party. Doon ay kumuha ako ng isang maliit na cup ng chocolate candies para maiuwi sa amin.

Pagtawid namin ni Poy mula sa venue, nakita namin ang Pan de Manila, nagyaya siyang bumili ng tinapay para maiuwi rin sa aming bahay. Dahil may nakaparadang sasakyan sa tapat nito, lumakad pa kami nang pa-letter C para makarating sa tapat ng pinto ng Pan de Manila. Doon namin nakasalubong ang isang babaeng may kipkip na maliit na supot ng Pan de Manila. May hawak din siyang school bag na napakarumi at sira-sira. Sa kanang binti niya, nakakapit ang isang bata, mga 5 years old, at sa kabilang binti naman ay isa pang bata, mas maliit, mga 2 years old. Kaydungis ng mga bata, malayong-malayo sa mga batang kasama namin sa children's party kanina, nakabihis ang mga ito in their sunday dresses, shirts and pants, mukhang alagang-alaga at araw-araw na nilulunod sa Johnson's baby cologne.

Nilapitan agad ako ng batang 5 years old. Isinahod ang palad sa akin. Umiwas si Poy, naglakad nang pa-letter C para makarating sa pinto. Sumunod naman ako. Hindi ako nagbibigay sa namamalimos. Ever. Ang katwiran ko'y lalong magpapakalat-kalat sa daan ang mga ganyan. Kasi may nahihita sila sa pamamalimos.

Pero naalala ko 'yong mga chocolate candy. Wala namang kakain niyon, ako lang at si poy. Ang anak naming si Dagat ay nasa Sta. Mesa. Ang teenager kong anak na si EJ ay nasa training. Busog naman ako dahil sa lakas ng paglafang ko sa party. Si Poy ay mas type ang mga jelly candy na nasa candy buffet din kanina. Pagpasok namin sa Pan de Manila, lumingon ako. Nandoon pa ang bata sa labas, nakatingin pa sa akin, habang naglalakad na palayo ang kasama niyang babae at isa pang bata. Pinakuha ko kay Poy ang cup ng chocolate candies, nang hawak ko na ito ay lumabas ako ng panaderya para iabot ito sa bata.

Mabilis na sinapo ng bata ang cup at ibinaba ito sa kanyang dibdib para makita kung ano ang laman ng cup. Naglalakad na pabalik ang babae at isa pang bata, papalapit sa batang naiwan sa tapat ko. Hindi ko alam kung bakit pero siguro ay sa sobrang tuwa ng bata sa natanggap, natabig niya ang cup at mula doon ay nalaglag ang dalawa sa chocolate candies. Gumulong ang mga ito. Ang isa ay gumulong sa harapan ng nakaparadang sasakyan, sa may bumper. Ang isa naman ay gumulong sa pagitan ng gulong sa harapan at gulong sa likuran. Maliksing tumakbo ang bata papunta sa harapan ng nakaparadang sasakyan. Nagulat ako. Napatunganga. Kasi kung ako 'yon, hahayaan ko na lang 'yon. Sa sobrang dami ba naman ng nakita kong chocolate candy at iba pang uri ng candy sa party na pinanggalingan namin.

Isa pa, biglang umandar ang sasakyan! Mabubundol ang bata! Hindi alam ng driver na may batang tumatakbo, nang nakayuko, papunta sa kanyang bumper.

Buti na lang, maagap ang babaeng may kasamang isa pang maliit na bata. Mabilis siyang dumikit sa pinto ng passenger side at saka siya tumakbo palapit sa bumper. Dagling huminto ang sasakyan. At hindi nabundol ang bata. Tumayo nang tuwid ang bata, hawak niya ang na-rescue na chocolate candy. Sa chocolate candy lang siya nakatitig.

Dinala ng babae ang bata sa gilid para makaabante na ang sasakyan. Pinanood namin ang pag-usad nito. pero napansin kong yumuko ang bata. Iyon pala, nakahimpil sa tabi ng gulong sa likuran ang isang chocolate candy. Magugulungan ito, mapipisak.

Napahakbang siya, pero pinigil siya ng babae.

Di nagtagal, umabante na ang sasakyan at tuluyan ngang nagulungan ang chocolate candy. Lumigwak ang tsokolate sa makintab nitong balat.

Nasaksihan naming lahat ang pagkakapisak. Ako at si Poy, mula sa loob ng panaderya. Ang babae, ang bata, at ang mas maliit na bata, mula sa labas.

Pagtakbo ng sasakyan, mabilis na yumuko ang bata.

Marahan niyang tinuklap ang buong chocolate candy mula sa pagkakapisak nito sa semento.

Nang maiahon ito sa impiyerno, masigla siyang tumayo, kuyumos niya ang cup, para siguro hindi na malaglag ang mga chocolate candy mula rito. Masigla siyang nilapitan ng mas maliit na bata, nagpumilit itong buksan ang kanyang kamao.

Pagdaan ng ilang sandali, naglakad na ang tatlo pasalungat sa direksiyon ng mga sasakyan. Akay ng babae ang dalawang bata sa kaliwa niya't kanan. Ano ang huli kong natanaw?

May nabubuhay na kandirit sa mga hakbang na bulilit.



Tuesday, July 5, 2016

Copyright at ang Filipino Author (Sanaysay)

ni Beverly W. Siy

Isang araw ng summer 2016, isang kaibigan ang humingi ng permiso ko para ilathala ang teksto ng aking children’s book na Marne Marino, para sa isinusulat at ine-edit niyang textbook. Sa pag-uusap namin ay nalaman kong napakaliit ng bayad sa kanya bilang writer at editor ng textbook, siya rin ang pinagbabayad para sa publishing rights ng mga akdang mapipili niya para sa textbook. Napagkuwentuhan din namin ang ilang maling practices pagdating sa copyright at publishing.

Dahil dito, nag-post ako sa Facebook ng ilang impormasyon tungkol sa dalawang nabanggit na paksa. Pagkaraan lamang ng ilang minuto, dumagsa sa inbox ko ang napakaraming tanong tungkol sa copyright at publishing. Mayroon ding nagsangguni ng mga problema at isyung kinakaharap nila. Karamihan sa mga kumontak sa akin ay bata pa at baguhan. Karamihan sa kanila ay nagtatanong tungkol sa mga dapat gawin kapag may interesado sa kanilang akda.

Sa pamamagitan ng multi-media company ng aking asawa, ang Balangay Productions, pinangunahan ko ang pag-oorganisa ng Seminar on Philippine Copyright and Textbooks. Nakipag-partner kami sa National Book Development Board (NBDB), Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Freelance Writers Guild of the Philippines (FWGP) at C and E Publishing, Inc. at idinaos ang seminar noong 7 May 2016 sa C and E Information Resource Center, Quezon City. May mga lecture tungkol sa copyright basics, textbook production sa Pilipinas at book piracy, pero idinisenyo ko ang seminar para idiin na labag sa batas ang laganap na practice sa industriya: ang paglalathala ng mga akda nang hindi nagpapaalam sa mga sumulat o lumikha ng akda. Isa pang binigyan ko ng highlight dito ay ang pagbabayad sa may-akda kung ito ay humingi ng kabayaran kapalit ng pagbibigay ng permiso sa paglalathala ng kanyang akda. Karapatan nila at naaayon sa batas ang paghingi nila ng kabayaran. Bukod dito, bilang isang copyright advocate at copyright coordinator, napakarami kong nakilalang manunulat na sikat at well-anthologized ang mga akda, pero lagi pa ring kapos pagdating sa pera dahil wala silang natatanggap na anuman para sa pagkaka-anthologize ng kanilang mga akda, samantalang ibinebenta ang mga aklat na kinapapalooban ng kanilang mga akda. Napakarami ko ring nakilalang pamilya ng mga yumaong manunulat ang naghihirap sa kasalukuyan, dahil lamang hindi nila alam na sila ay may karapatang kumita mula sa copyright ng yumao nilang mahal sa buhay, at hindi rin sila hinahanap at binabayaran ng mga naglalathala ng akda ng pumanaw nang manunulat. Sa Pilipinas, ang copyright ay may bisa hangga’t buhay ang awtor o manunulat ng isang akda at may 50 taon pa ang bisa nito pagkatapos ng kanyang pagpanaw. Ibig sabihin, ang copyright ay naipapamana!

Dito ko napagtanto kung gaano talaga kahalaga ang idinadaos na mga event at ipinapatupad na mga programa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tungkol sa copyright at publishing industry. Ibang animal ang copyright, napakahirap nitong ipaliwanag dahil ang pinoprotektahan ng batas na ito ay intangible o hindi nahahawakan, ito ay ang mga intellectual property, partikular na ang iba’t ibang anyo ng sining tulad ng panitikan.
Kaya naman, nakakatuwa ang iba’t ibang approach ng gobyerno sa pagpapakilala ng copyright sa mga manunulat o awtor at iba pang copyright owners. Nariyan ang Learn, be Empowered, Adopt and Profit (LEAP) seminars ng IPOPHL. Dinaluhan ko ang session na pinamagatang On Copyright and Copyright in the Digital Age na ginanap noong 27 Abril 2016 sa Multi-purpose Room ng IPOPHL, Taguig City, dito ay ipinaliwanag ng copyright experts na ang pag-a-upload ng mga copyrighted material sa internet ay isang uri ng communication to the public at ito ay isa sa mga karapatan ng awtor. Kung gagawin ito nang walang pahintulot mula sa awtor, posibleng natatapakan niya ang karapatan ng awtor at ito ay labag sa batas.

Isa pang halimbawa ng proyektong hitik sa kaalaman para sa mga manunulat o awtor at iba pang copyright holders ay ang 7th Philippine International Literary Festival na ginanap noong Abril 28-29, 2016 sa QCX Museum sa Quezon City. Dumalo ako sa session para sa Rights, Copyright and Publishing Contracts na pinangunahan nina Atty. Andrea Pasion-Flores at Atty. Nicolas Pichay. Napaka-author-friendly ng naging talakayan dahil makikita ang malalim na malasakit ng dalawang abogado sa mga manunulat dahil sila mismo ay manunulat din ng malikhaing akda. Fictionist si Pasion-Flores at makata/mandudula naman si Pichay. Sa naging talakayan naman ni Atty. Pasion Flores (na isa ring literary agent) at ng international speakers na sina Claudia Kaiser at Stacy Whitman tungkol sa pagpasok sa international market at rights trading, lumitaw kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman ng mga manunulat sa copyright at sa tamang pakikipagnegosasyon sa mga publisher at literary agent. Malaki ang tsansa ng isang akdang Filipino na maibenta sa iba’t ibang bansa, lalo na’t aktibo ngayon ang Pilipinas sa pagsali sa mga international book events tulad ng Frankfurt Book Fair (FBF) sa Germany. Taong 2015 mula nang magkaroon ng exhibition booth ang NBDB sa FBF. Ang FBF ang pinakamalaking trading centre sa buong daigdig para sa rights at licenses sa publishing industry. Mayroon din itong Literary Agents & Scouts Centre na siyang itinalagang working area para sa higit sa 600 literary agent mula sa mahigit 30 bansa. Mula sa session nina Pasion-Flores, Kaiser at Whitman, nalaman kong mas maganda kung limitado ang ibinibigay na rights ng isang manunulat sa sinumang interesado sa kanyang akda sa local publishing industry para ang kanyang akda ay mas madaling mai-market at manatiling bukas sa mga oportunidad mula sa ibang bansa.
Speaking of international exposure, dahil din sa ASEAN integration, nagbubukas para sa mga akdang Filipino ang tarangkahan ng mga publisher mula sa mga kapit-bansa natin. Ang ASEAN ay binubuo ng sampung bansa at ang kabuuang populasyon nito ay 600 milyon. Puwedeng-puwedeng tingnan ito bilang market ng mga copyrighted material mula sa ating bansa. Ang kailangan lamang ay mahuhusay na translator para sa sari-saring wika sa ASEAN. At magiging madali ang pagma-market sa mga akdang Filipino kung maayos ang mga copyright agreement nito at malinaw ang availability ng translation rights.

Importante ring maging mulat ang general public sa copyright at iba pang intellectual property rights. Kapag malalim ang pag-unawa ng masa rito, sa kanila mismo magsisimula ang kultura ng paggalang sa may-akda at sa likha ng mga ito. Isa sa maaari nitong maging epekto ay pagbaba ng plagiarism at mga insidente ng pamimirata ng aklat at mga pelikula. Kaya’t taon-taon ay palaki nang palaki ang pagdiriwang ng World Book and Copyright Day tuwing Abril 23 sa Pilipinas. Ngayong 2016 ay ginanap ito sa Ayala Triangle, isang park sa gitna ng business-district ng Makati City. Bukod sa ang Abril 23 ay kaarawan ng mga dakilang manunulat na sina William Shakespeare at Miguel de Cervantes, ginanap ito nang Buwan ng Abril bilang paggunita sa buwan ng kapanganakan ng makata at bayani ng Pilipinas na si Francisco Balagtas.

Sanib-puwersa ang gobyerno sa pangunguna ng NBDB, IPOPHL, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Library of the Philippines (NLP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at ang pribadong sektor sa pangunguna ng Instituto Cervantes, Embassy of Spain, Ayala Land, at WTA Architecture & Design Studio. Namigay ng libreng materyales tungkol sa copyright at intellectual property rights ang IPOPHL at ang NBDB naman ay nagpasimuno ng libreng t-shirt printing ng quote at pangalan ng mga awtor mula sa nagwaging mga aklat sa 34th National Book Award. Kahit sinong may suot ng inimprentang t-shirt ay maaaring mag-promote ng mahuhusay na akdang Filipino. Naghandog din ito ng henna tattoo sessions na nagtatampok ng mga imahen na may kinalaman sa panitikan at pagmamahal sa aklat. Nagkaroon din ng book market kung saan ang lahat ng bumili ng aklat ay binibigyan din ng rosas, mga pagtatanghal tulad ng balagtasan, puppet show at storytelling activities. Ang layunin ng buong event ay mapatatag ang pagmamahal ng kabataan sa pagbabasa at itaguyod ang respeto sa mga karapatan ng mga may-akda sa kanilang mga likha.

Malayo pa ang lalakbayin natin para tuluyang maipaabot sa nakakarami ang mga benepisyo ng sa pagrespeto sa copyright, pero tama ang direksiyon natin. Nag-uumpisa talaga ang lahat sa awareness campaign. May Copyright component ang Publishing Course na inilunsad ng NBDB at Book Development Association of the Philippines (BDAP) nitong June 2016. Sa kasalukuyan ay itinatayo na ng IPOPHL at pinupunan ng personnel ang Bureau of Copyright and Related Rights. Sa personal level, dumarami pa ang mga manunulat (ang iba sa kanila ay mga bata pa at baguhan) na nagpapadala ng mensahe sa akin sa email at Facebook sa tuwing magpo-post ako ng mga bite-size na impormasyon tungkol sa copyright at publishing. Isang kaibigang makata ang nagpatulong na magpa-compute ng royalties na dapat singilin sa isang kumpanya na naglathala ng kanyang tula nang walang pahintulot at bayad. Kayrami din ang nagkuwento tungkol sa sariling karanasan sa copyright at publishing. Kapag hindi ko masagot o masolusyunan ang kanilang mga concern, agad ko silang inire-refer kay Atty. Louie Andrew Calvario ng IPOPHL sa email address na mail@ipophil.gov.ph at kay Director Wilfred Castillo ng NBDB sa email address na helpdesk@nbdb.gov.ph.



Sanggunian:
http://lifestyle.inquirer.net/226645/books-roses-at-the-park-celebrate-dia-del-libro-in-ayala-triangle#ixzz4DWMxFmaQ
nbdb.gov.ph/index.php?option=com_content&task=view&id=1024&Itemid=28
http://nbdb.gov.ph/images/Downloads/aec.pdf

collectibles ahahay

update lang itey, parang paalala sa sarili na may susuwelduhin pa ako sa mga susunod na araw/linggo/buwan. nakakangarag kasi, bayaran na naman ng bahay :(

2,500-kwf- mukhang nabayaran na ito, pero 1660 lang ang pumasok na pera- for verification pa- nabayaran na ito, yun ngang 1660 na pumasok na pera. kaya pala malaki ang kaltas, bukod sa tax ay may kaltas din ang bpi na siyang dinaanan ng pera. sad. updated as of oct. 6, 2016

30,000- vibal
33,000+- dswd, para sa buong workshop
4,000= unilab foundation, para sa editing at proofreading ng nutri-guidebook at nutri-cookbook
1,000+-cfa -para sa storyline
7,500-isa pang sangay ng gobyerno, para sa editing at proofreading ng isang manuscript
8,000-dswd, office of the director, para sa creative thinking process workshop, ang winner nito, naging 16k ang total na ibinayad sa akin. pero siyempre minus tax tax. updated as of coct. 6, 2016.
5,000-kwf para sa translation ng isang maikling kuwento, isa pang winner ito. ginawang 6k ito. pero hindi pa bayad. mabuti ngang hindi muna bayaran hangga't walang go signal ng family ni estrella alfon, ang writer ng kuwentong isinalin ko. updated as of oct. 6, 2016
2,000- nbdb para sa dalawang article sa bookwatch-updated, naging P2500 ito, yey, bayad na, ambilis right after na mailabas ang digital copy ng magazine.
5,000-para sa talk sa csb-updated
1,800- c and e, sa paglalathala ng sanaysay kong Ang Piso sa kanilang textbook, updated

Isang maikling panayam tungkol sa apat na libro ni Bebang Siy

Ang mga tanong dito ay inihanda ni Bb. Rhea Gulin ng UP DFPP at Manila Bulletin


1. Ano po ang pangunahing layunin nyo sa pagsusulat ng It's a Mens World?

Wala sa isip kong magiging libro ang It's A Mens World (IAMW). Narito ang link na maaaring makatulong sa iyo:

http://www.panitikan.com.ph/content/kung-paano-akong-nagkaroon-ng-mens-ni-bebang-siy


Kaya noong isinusulat ko ang bawat piyesa, iba-iba ang layunin ko. Halimbawa, iyong IAMW na unang sanaysay, naisip kong magsulat tungkol sa pagdadalaga ng isang karaniwang Pinay sa wikang Filipino kasi walang nagsusulat tungkol dito. Iyong pagsusulat ko ng mga sanaysay tungkol sa tatay ko ay dahil naisip kong walang nagsusulat tungkol sa karaniwang tatay sa wikang Filipino. Ayun, parang ang nangyari, tagapuno ako ng mga puwang.


2. Ganito pa rin po ba ang naging layunin nyo sa pagsusulat ng It's Raining Mens?

Aaa.... sa IRM, ganon din ang proseso e, hindi ko siya isinulat bilang isang buong libro. Paisa-isa rin. Kaya iba-iba rin ang layunin ng bawat akda. Actually, kaya natagalan bago nailabas ang sequel ay dahil hirap na hirap akong ikalma ang sarili ko, hahaha, natatakot ako sa mga sasabihin ng tao sa koleksiyon na ito. Hirap din akong pagsunud-sunurin ang mga akda kasi medyo nakakalito ang chronology niya (pansin mo ba?) pero naisip kong tama lang iyon, kasi kahit ako, nalito na rin ako nang panahong iyon, hahaha, palipat-lipat ang huwisyo ko, minsan, nasa utak, minsan, nasa puso. Ganon. Kaya nagtagal talaga ako doon sa paraan ng pagkakasunod-sunod, ilang beses na napalitan iyon.

Re: layunin, halimbawa, iyong Birhen, ang objective ko ay makapagsulat ng akda sa punto de bista ng GRO. Hindi puta, ha? Marami tayong akdang ganyan sa wikang Filipino, hitik ang panitikan natin sa mga Magdalena.

Eto, sa Birhen, ang character ay GRO. Guest relations officer, nagtatrabaho sa gabi, sa mga night club, sa mga KTV, pero hindi naman maika-categorize talaga na puta. Alam mo ba, noong ipinresent ko ito kay Sir Jun Cruz Reyes bilang fiction (sa isang klase namin), di niya nagustuhan, kasi ang tingin niya agad sa GRO, puta. So napaka-unlikely daw na may ganitong uri ng puta, in short, unrealistic. Medyo nalungkot ako siyempre, kasi parang medyo makaluma ang pananaw ng ilang manunulat (lalo na ng mga lalaki) sa mga ganitong trabahador sa gabi.

Ito iyong mga gusto kong mabigyan din ng boses, ang mga GRO. Kasi marami akong naging kaibigan na iyan ang trabaho noon, at oo, hindi sila puta all the time. Well, wala rin namang masama kung puta sila, pero ang gusto kong linawin dito, ibang specie ito ng mga trabahador sa gabi, kaya huwag naman sana silang lahatin.

Hanapin mo iyong line na "Naihahanay pa ngang puta kung minsan." Iyan ang pinakapuso ng kuwentong iyan. Medyo nga nalulungkot ako na hindi napapansin ang linya na iyan, hahaha. Pero ok lang, idinisenyo ko talaga siya para manatiling nakatago, para hindi mapansin nang bonggang-bongga. Para ang tumatak sa isip ng tao ay iyong erotic parts, ahahaha, naniniwala kasi ako na kailangan munang maaliw ng mga mambabasa bago siya ma-injection-an ng mga ideya.

Isa pa palang paborito kong kuwento sa IRM ay iyong nagpapalit-palit ng punto de bista. Ano na nga ang title niyon? Nakalimutan ko, ahaha, sori, sori. Anyway, ang layunin namin (dalawa kaming sumulat, ako at si Russell Mendoza) ay makapag-experiment sa wika, punto de bista at sa plot. Wala nang iba, hahaha. Kakaiba ang proseso niyan. Si Russell ay bespren ko na nasa Canada that time (andun pa rin siya ngayon). Tapos, lagi kaming nagcha-chat. Nakilala ko siya sa UST National Writers Workshop noong, I think, 2005. Fictionist siya sa Ingles. After that, nagkaroon kami ng mga proyektong may kinalaman sa charity, development work. Siya, nasa Canada, ako, narito. Tapos one time, I think 2007 or 2008, wala lang, napagtrip-an lang namin na gumawa ng kuwento na may set na instances at lunan: may isang babae at lalaki na magkikita sa sinehan, tapos sa Jollibee (adik sa Jollibee si Russ) tapos sa kama. Pero dapat hindi ito love story at dapat hindi sila mag-uusap. Tapos, sabi ko, sa Filipino ako susulat, siya rin daw, sa Ingles. Then, isinulat namin iyong separately, I mean, isinulat niya ang piyesa niya, tapos ako rin, mag-isa. Then nagpalitan kami. Then, natuwa naman kami, kasi ibang-iba ang treatment. Tapos, ako na lang ang nag-merge ng dalawang kuwento para maging isang kuwento siya.

Alam mo bang na-publish na iyan, sa isang literary folio ng UST, i think 2008. Ang saya namin, para kaming nagsilang ng anak hahaha! Then, isinali ko siya sa Palanca (with his permit of course). Talo, hahaha! Sa Ingles na category ko isinali. E, hindi ko rin alam kung saang wika ko isasali iyan, haha! Anyway, ayan na siya. Feeling ko dapat maisama siya sa IRM kasi sa part na isinulat ko, autobiographical, e. Though, meron din akong mga nirebisa pero very minimal naman.

Ayun.

3. Paano at bakit nyo po napagpasyahan na isusulat nyo ang inyong personal na mga danas sa anyong creative nonfiction?

Aam... well, halos lahat ng akda ko (sa iba't ibang genre: tula, maikling kuwento, at iba pa) ay kinapapalooban talaga ng personal kong mga danas. Nahihirapan ako kapag hindi ako humuhugot sa karanasan ko o sa mga bagay na alam ko. Kaya palagay ko ay patungo na rin ako sa CNF. I mean, hindi na mahirap sa akin i-explore naman ang CNF para sa mga danas ko.

Naisip nyo po bang gamitin na lang silang inspirasyon para sa ibang genre tulad ng maikling kwento, nobela, etc?

Ay, sori, nasagot ko na pala ang tanong na ito, hahaha!


4. Nagkaroon po ba kayo ng mgasuliranin sa pagsusulat at paglalathala ng It's a Mens World at It's Raining Mens?


Yes. Sa IAMW, sa cover, kasi ang layout at cover design, si Poy, husband ko. Tapos, nag-submit siya ng mga tatlong studies para dito, inaprubahan iyong isa (iyong cover ngayon). Ito rin ang paborito ko sa lahat ng ginawa niyang studies. kasi parang naalala ko talaga ang sarili ko sa batang nasa cover. Anyway, inimprove ni Poy ang napiling design, after a few months, ipinadala uli niya sa Anvil. Na-reject. Humihingi sila uli ng studies. Naku, nakakainis. So ang ginawa ni Poy, inemail sa kanila pabalik ang mga email tungkol sa mga naunang studies, ipinaalala pa sa kanila na nakapili na sila and all! Hay, medyo nakakabahala iyon that time kasi start from zero si Poy kung sakaling sinunod niya ang sinabi ng Anvil na " reject ito, magbigay ka ng bagong studies." Ayun.

Isa pa, wala akong kontrata kahit tapos na akong magsumite ng manuscript at kahit nasa gitna na ng production ang IAMW. Nakakaloka! I trusted them of course, it was sort of a first time for me. My first book (nobelang Mingaw), sobrang dali ng pagkaka-publish, hahaha. Pero ibang publisher ito, hindi kasinlaki ng Anvil. So akala ko, lahat ng nararanasan ko sa Anvil ay iyon ang tama kasi hello, napaka-prestigious ng Anvil bilang publisher, di ba? Nine time publisher of the year awardee pa nga. Anyway, it turned out, norma pala iyon, na nade-delay ang kontrata or kailangan pa minsan na hingin sa kanila ang kontrata. Sad, 'no? I know. Sana nga mabago ang mga ganitong kalakaran.

Re: content ng book, hindi naman ako nagkaproblema. Confident ako, ang isinusulat ko ay katotohanan. For example, iyong sa pinsan ko na nang-harass sa akin, then kalaunan, namatay bilang isang hitman, hindi ko naisip na madedemanda ako whatever. Feeling ko, kapag idinemanda ako ng sarili kong mga pinsan, magkakahalukayan ng baho ng kapatid nila, hahaha. Well, iyong tungkol sa utang ng nanay ko sa Uncle Boy ko, doon ako nalintikan kasi ang kuwento ng mama ko, inaway-away daw ang Uncle Boy ko ng sarili nitong pamilya dahil natuklasan nga nila na may utang ang mama ko kay Uncle Boy. Parang palihim pala ang pagpapautang ni Uncle Boy kay Mami! So, ayun. Nabunyag tuloy. Pero sabi rin naman ng Mami ko, matagal na niyang nahulugan iyon kay Uncle Boy tuwing dumadalaw ito sa bahay namin sa Las Pinas. Padalawa-dalawang libo raw, for so many years. At sabi rin ng mami ko, mabuti nga at may utang ako sa kanya, kasi kung wala, wala raw kapera-pera lagi ang Uncle Boy ko. Hindi kasi binibigyan ng mga anak at ng asawa. Pumanaw na nga pala si Uncle Boy, nagkaroon ito ng kanser sa bituka. Mama ko ang nag-alaga sa kanya, nanirahan pa sa Laguna iyang si Mami kasi nag-stay doon ang Uncle ko (sa bahay ni Kuya Toto sa Laguna). Ang hinala ni Mami, kakatipid daw sa sarili, nagka-ulcer si Uncle. Tapos, dahil me isawan sila sa may bangketa ng Lawton (as in sa may tapat ng Met, malapit sa post office) at nanghihinayang ito sa mga natitirang isaw-isaw, iyon na lang ang inuulam nito sa araw-araw. Nakakalungkot, 'no?


Sa IRM, naikuwento ko na sa iyo, pinakanahirapan ako (actually, kami ni Poy) sa pagkakasunod-sunod. Sinubukan din naming i-categorize by men, hahaha! At sinubukan din naming i-categorize by feelings (as in ano ang happy, ano ang sad, mga ganyan, haha!). Buti na lang din at nag-click naman itong ganitong arrangement (iyong arrangement na lumabas sa book).

Meron din akong problema sa copyright ng IRM. I-copy-paste ko na lang ang isinulat ko para sa isang papel ko sa school, ha?

Ang pang-apat, panlima at pang-anim kong libro ay inilathala sa loob ng iisang taon, taong 2014. Ang It’s Raining Mens ay isang autobiographical collage, walang iisang genre sa loob ng libro at ito ang sequel ng It’s A Mens World. Sa Anvil pa rin ako nagpalathala dahil nagbitaw ako ng pangako kay Mam Karina na sa kanya ko isusumite ang sequel ng It’s A Mens World kung ito man ay magkakaroon ng sequel. Siyempre pa, hindi ko naisip na puwede ko rin namang hindi tuparin ang pangako ko, lalo na kung may hindi ako nagustuhan sa naunang kontrata na aking pinirmahan noon. Ang nasa isip ko lang ay tuparin ang pangakong binitawan. Pero bago ako magsumite ng manuskrito at pumirma ng kontrata, nanaliksik ako hinggil sa copyright policy ng Anvil. Nalaman kong ibinibigay nito ang full copyright sa ibang manunulat na Filipino. Sa copyright page ng ilang libro, ang katabi ng copyright symbol ay tanging pangalan ng awtor. Wala ang pangalan ng publisher sa tabi nito. Ganyan ang copyright page ng libro ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario at ng librong Walong Diwata ng Pagkahulog ng manunulat na si Edgar Samar. Naglakas-loob ako na humingi ng one-on-one na meeting kay Mam Karina hinggil dito. Isang umaga ay nagkita kami sa isang coffee shop sa Katipunan Avenue, Quezon City. Doon ay kinausap ko siya para mahingi na ang copyright ng It’s Raining Mens ay sa akin lamang. Sinabi ko sa kanya ang mga nabanggit kong libro ng ibang awtor. Sumang-ayon sa akin si Mam Karina at ilalagay din daw niya ang napagkasunduan namin sa kontrata ko para sa It’s Raining Mens. Di nagtagal ay isinumite ko na ang manuskrito sa editor ng Anvil at nagsimula na ang pre-production stage nito. Takang-taka ako dahil wala namang dumating na kontrata para dito. Kinailangan ko pang i-follow up sa assistant ni Mam Karina ang kontrata. Dumating ito at anong gulat ko nang makita na hindi naman nakasaad doon ang pinag-usapan namin sa coffee shop sa Katipunan. Agad kong kinontak si Mam Karina at ang sagot niya sa akin, nagkaroon ng pagbabago sa administrasyon ng Anvil at isa sa mga ipinabago nito ay ang patakaran ng pagbibigay ng buong copyright sa mga awtor. Hindi na raw puwede sa Anvil ang solo ownership ng copyright. Sa madaling salita, hindi masusunod ang napagkasunduan namin sa coffee shop. Bagama’t napakasama ng loob ko ay pumirma na rin ako sa kontrata. Kaya naman, makikita sa copyright page ng It’s Raining Mens, sa tabi ng copyright symbol ay ang pangalan ko at ng Anvil. Kalaunan ay malalaman ko na hindi totoo ang pagbabagong ipinapatupad ng administrasyon. Dumating at inilunsad ang iba pang aklat ng Anvil na kinatha ng ibang manunulat, at makikita sa copyright page nito na ang tanging nasa tabi ng copyright symbol ay ang pangalan ng manunulat. Ano ang ibig sabihin nito? Namimili lamang sila ng manunulat na pagbibigyan ng solo ownership ng copyright? May diskriminasyon? Iba-iba ang polisiya para sa iba’t ibang manunulat?

Mula nang mangyari sa akin ito, nawalan na ako ng gana na i-market ang mga aklat ko sa Anvil. Hay.


5. Anu-ano po ang mga ito at paano nyo sila hinarap/sinolusyunan?

Ayan, nasagot ko na pala ito. Ano ba 'yan, lagi yata akong advance? Sori-sori.

6. May mga nagsasabi po na mapanlinlang ang mga alaala, paano nyo po ito hinaharap bilang manunulat ng CNF?

Ay, totoo iyan. Maraming version, minsan, ang naaalala mo. Pero bilang manunulat, para ka ring kapitan ng barko. Kailangan mong pumili ng iisang direksiyon, hindi puwedeng marami at maliligaw ang buong barko.

Pero alam mo, natural lang sa tao iyong nililinlang ka ng sarili mong alaala, kasi ang tendency talaga natin, iligtas ang ating mga sarili kaya iyong magaganda at makakatulong lamang na mga alaala ang pinipili nating i-play nang paulit-ulit sa utak natin.

Kung kabaliktaran ang nangyayari sa atin, baka napakarami na ng suicide. As in, kalahati lang ng populasyon ng mundo ang nakaka-survive, ano? Ang harsh kaya ng buhay. Iyon ngang simpleng traffic na binabaka natin araw-araw, di ba, nakaka-depress na? What do our memories retain? Iyong mga nakakatawa, nakakamangha, iyong mga trivial na bagay, at iba pa. Hindi iyong mismong problema at wasted time or iyong galit sa dibdib natin, kasi talagang nakakamatay maalala ang mga iyan, hahaha!


6. Ano po ang nagling layunin nyo sa pagsusulat ng Nuno sa Puso I at II?

A, ito malinaw. Ang layunin ko ay maimulat ang kabataang Filipino tungkol sa pag-ibig, sex at relasyon. Coming from the point of view ng isang tao na bagama't medyo bata-bata pa ( I was 26 or 27 when i wrote the bulk of Nuno sa Puso I at II) ay napakarami na ng karanasan (at pagkakamali) sa tatlong bagay na iyan, gusto ko sana, matuto sila from me. Gusto ko sana, maiwasan nila ang mga dapat e naiwasan ko noong unang panahon, hahaha!


7. Bakit ninyo po napili ang ganitong anyo ng CNF?

Noong may diyaryo si Eros Atalia sa Cavite, Responde Cavite ang pangalan, inimbitahan niya akong mag-column dito. May nauna nang magsusulat para sa kultura, so tiningnan ko kung ano ang wala sa diyaryo, ayun, advice column! Doon nagsimula ang anyo ng Nuno sa Puso. Nag-enjoy din ako sa pagsulat nito. Kasi, marami sa mga entry diyan ay sarili kong problema. Para ko na ring pinapayuhan ang sarili ko, di ba? Para akong nagmumuni-muni sa sarili kong problema, hehehe! Two years din ang column na iyon, ha? Napagtiyagaan ko ang sarili kong mga payo, haha!

Salamat, Rhea Gulin ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Good luck sa iyong paper at presentation.

Thursday, June 30, 2016

girl boy bakla tomboy part 2

ey, natuloy kami sa delgado hospital kahapon. hindi pala 3d yung ginawa sa akin, kundi congenital anomaly scan. parang ultrasound din siya pero may mga specific na mga bahagi ng katawan ng fetus ang mine-measure at chine-check para masiguro na normal nga ang mga ito.

siyempre, sinabi rin ng doktor kung ano ang gender ng baby namin.

hindi ko muna ire-reveal dito, hehehe, kasi after namin sa ospital, napagkasunduan namin ni poy na huwag munang sabihin sa iba kung ano ang resulta. mag-iinarte muna kami, haha!

mga 445pm na kami dumating kahapon sa delgado. walang pila sa ultrasound room, ayee! last time kasi, pumila kami nang matagal, mga 2 hrs! at noong nagutom ako at lumabas kami para magmeryenda, pagbalik namin ay wala na yung ob sonologist na mag-u-ultrasound sa akin. so nang-away pa kami ng staff kasi nagpaalam kami sa kanya at nag-iwan ng cellnumber para kung sakaling kami na ay maite-text niya kami. buti na lang at nagawan nila ng paraan. may isang doktor sila na sa kamuning lang nakatira kaya pinapunta nila ito at iyon ang nag-ultrasound sa akin. si dagat ang baby!

kahapon naman, ang bilis ng proseso. pagkabayad ni papa p sa cashier (P1750 ang congenital anomaly scan o CAS doon), pinapasok na kami sa ultrasound room at pinahiga na ako sa kama. pinataas ang dress ko para ma-expose ang aking botchog na tiyan. pinahiran ito ng gel, anlamig, tas inilapat na ng doktor sa tiyan ko ang kanyang hawak na parang scanner ng barcode sa groserya. tapos ayun, nakita ko na sa monitor sa tapat ng kama ang aming baby! napangiti agad ako kahit di ko alam kung anong bahagi ng katawan niya ang natutunghayan ko, ahaha! si papa p, parang natutuwa na naiiyak, ewan ko dun, emosyonal lagi, hawak ni papa p ang camera namin at picture siya nang picture sa monitor. e ambilis mag-scan ng doktor kaya sabi ng doktor, sir mamaya na po para di kayo malito. uulitin ko na lang iyan at ipapaliwanag sa inyo mamya.

good! at least na-enjoy ni papa p ang on the spot na pagtunghay sa bago naming baby. although walang sinasabi si dok na abnormalities or anything, kampante kami at di matanggal sa mukha ko ang ngiti. iniisip ko, lahat ok, lahat normal kasi nga, walang sinasabi si dok. at parang pleasant naman ang mukha niya the whole time na nag-i-scan siya ng tiyan ko. ipinakita niya ang spine ni baby, ipinakita rin niya ang labi, ang mata, ipinakita rin niya ang skull at brain, ang mga kamay, apat lang ang nabilang niyang daliri baka raw nakatago ang hinlalaki, itinuro din niya ang legs, at ang toes.

mukhang all good!

habang nag-i-slide-slide ang scanner sa tiyan ko, me pasundot-sundot na takot sa puso ko. what if nakaapekto sa fetus ang pagiging careless ko noong unang tatlong buwan, noong di pa namin alam na buntis ako, what if nakaapekto sa fetus ang pagkakalanghap ko ng mga pintura noong gumagawa kami ng props para sa unang kaarawan ni dagat? what if nakaappekto sa fetus ang pag-inom-inom ko ng kape at ng sopdringks kahit ilang beses akong pagbawalan ni papa p at ni dok sharon (ang aming ob gyne)?

what if, what if, what if.

pero nanaig ang optimistic neurons ko, buti na lang. lumabas kami ng ultrasound room nang masaya, at bouncy ang bawat hakbang. ang gaan-gaan sa pakiramdam.

sabi ng doktora at ng assistant niya, maghintay na lang kami sa mga upuan sa labas para sa printed na resulta ng aming CAS. napansin ko ang isang napakaliit na baby na karga ng isang babae sa waiting area. napansin ko rin sa bandang dulo ng hallway ang isang batang lalaki na palipat-lipat sa mga upuan at sa katapat nitong pader. ibinabangga ang sarili sa dalawang panig. mga 2 years old siya. natatawa lang sa nakikita ang babaeng kasama niya. humahalakhak ang bata sa tuwing mapapatingin siya sa babae.

napaisip ako na ang galing talaga ng cycle ng buhay, hanep. parang kelan lang, yung sanggol na yun, tuldok lang sa sinapupunan, tas naging bungo, utak, mata, labi, kamay, mga daliri, paa, spine. yung batang lalaki na yun, ganun din, tuldok lang noon. eto na ngayon, may sarili nang hininga, may sarili nang lakas, tumatakbo na, nakikipagharutan na, humahalakhak. napahawak ako sa tiyan ko. ano pa ang kayang ihandog ng isang babae sa mundong ito?




for the nth time

katatawag ko lang kay ate jane ng graduate studies office. mag-a-apply kasi ako ng extension para sa MA ko. dapat 10 years lang ang maximum diyan. pero wala, hindi ko talaga matapos ang thesis ko. tapos na ako ng thesis proposal defense noong 2013, two months bago ako ikasal. unfortunately ay hindi ako nakapagsumite ng thesis kaya naman, di ako nakagraduate on time.

mukhang magpapalit na talaga ako ng thesis topic. kasi hindi ko kayang panindigan ang ipinropose ko noon. kahit anong gawin kong research, wala doon ang puso ko. hindi ko nakikita ang praktikalidad ng pag-aaral na iyon.

sabi ni ate jane, subukan ko raw mag-apply at ang mga kailangang isumite ay ang sumusunod:

1. letter of request for extension
2. endorsement ng thesis adviser na nagsasabing kaya kong matapos ang thesis ko within x period of time
3. time table
4. draft ng thesis

andali lang ano? lalo na yung number 4. hahaha! kelan kasi ang deadline sa pag-a-appeal? bukas.

so mula ngayon hanggang bukas kailangan kong makapag-produce ng draft ng thesis. ano nga ba ang choice ko? either lamayin ko ito ngayong gabi o umulit na lang ako sa ma ko. or lumipat na lang ako sa ibang school at umulit ng ma ko.

may idea naman na ako tungkol sa gagawin ko. siyempre pa, tungkol na ito sa copyright. feeling ko kasi, nariyan ang lahat ng resources na kakailanganin ko, suportado ako ng mga tao sa paligid ko at ang pinaka importante sa lahat, wala pang gumagawa nito sa pilipinas.

ang tentative title ay: ang copyright law at ang panitikang filipino.

aba tugma pa, haha!

Wednesday, June 29, 2016

girl boy bakla tomboy

magpapa-3d kami mamya! yey! excited na rin akong malaman ang kasarian ng ipinagbubuntis ko. ano ang wish ko?

boy!

ayoko ng girl talaga kasi nakakatakot pa ang mundong ito. not in my lifetime na magiging maayos ang mundong ito para sa kababaihan. im sorry, i know i am being pessimistic pero kay rami naman kasing karumal-dumal na karanasan ang nakakabit sa mga taong may pekpek at matris. imagine, ipinanganak ka lang na may ganyan e, andami nang panganib sa paligid mo?!

napakalakas sumipa ng fetus sa tiyan ko lately. kaya confident ako na boy uli ito.

kagabi rin, napag-usapan ulit namin ni poy ang pangalan. kako, ok ba sayo ang baybayin ke babae o lalaki itong bago nating baby? oo raw. ako rin, solb na ako.

pero nagsalita pa siya, sabi niya, maganda rin daw ang dalampasigan. ek, parang di ko type, kako. parang hindi na siya pangalan ng tao, e. sabi ko, e kung daluyong? ang ganda, sagot ni papa p. pero ang ibig sabihin niyan ay tsunami, counterflow ko. anlabo ko rin kausap kung minsan, ano? basta, sabi ko, ayoko ng daluyong kasi negative 'yon. hindi tulad ng karagatan at baybayin.

ilang buwan na lang pala at manganganak na ako. sana ay maging ok ang lahat, tulad ng pagsilang ko ke dagat. gusto ko na ring matapos ang mga bagay-bagay bago ako manganak dahil siguradong panibagong challenges na naman ang kahaharapin namin pagdating ng bagong baby. at ang pinakamalaking challenge ay ang paghahanap ng oras para sa sarili, para sa relasyon, para sa iba pang kasapi ng pamilya, para sa kabuhayan, at iba pa. na-realize ko na ang panganganak ay parang deadline, ahaha!

maigi na rin na meron ako niyan. minsan kasi, akala ko forever akong trenta anyos, forever akong may oras para sa mga pangarap ko. hindi pala. tulad ng maraming bituin na bilyong taon na sa kalawakan, nabubura din ang mga ito, minsan pa nga, sumasabog. dahil sa panahon.

Friday, June 24, 2016

kasi may internet!

pag nagsasalin ako, madalas akong gumagamit ng bolpen at papel. mas mabilis kasi akong nakakatapos ng isang akda sa ganitong paraan kaysa iyong itinatayp ko na ang salin nang diretso sa computer.

pag naka-computer kasi ako, natutukso akong mag-internet, mag-FB at mag-email. tas hindi ko namamalayan, ilang oras na pala ang nakakain mula sa aking working hours. tapos mare-realize ko, pagod na ang mata ko, inaantok na ako at kailangan ko nang matulog. another day is wasted! kinabukasan uli.

at panibagong pakikibaka na naman kung computer ang gagamitin ko.

hindi ko sinisisi ang internet. aba, anlaking tulong niyan sa lahat ng tao sa mundo. actually, ang access sa internet ay isa nang karapatang pantao ngayon. ibig sabihin, kapag ipinagkait mo iyan sa kapwa mo, tinatapakan mo ang karapatan niya bilang isang tao.

ang problema talaga ay disiplina, kapag nariyan ang tukso, kapag nakabukas ang internet, mahina ang loob ko na tumanggi rito. wala akong disiplina na tumutok sa aking ginagawa at kailangang tapusin.

so anong ibig sabihin nito?

hindi dapat sisihin ang internet, o ang teknolohiya sa pangkalahatan. sinasalamin lang nito ang uri ng pagkatao na mayroon tayo.

o tingnan n'yo ngayon, napa-blog ako samantalang may tinatapos pa akong salin. ang title nito ay may (as in yung buwan) at isinulat ito sa wikang Ingles ng batikang awtor na si Estrella Alfon. maganda ang kuwento, maganda rin ang himig. parang hindi 1940's ang setting! kahanga-hanga rin ang detalye niya't paglalahad ng mga damdamin. o siya, tama na muna itong pagba-blog ko, haha. para matapos ko na ito ngayong gabi.

see ya!

Wednesday, June 22, 2016

ang maging milyonaryo

yan na ang bago kong pangarap.

gusto ko nang magkaroon ng isang milyon bago mag-40 years old. ipampapagawa namin ng bahay.

recently ay nalaman ko na marunong na akong tumayming sa stocks. sa isang group of friends ko na kung tawagin ay esbat, na-engganyo ko silang pumasok sa stock market. pito kami at apat sa kanila ang nag-apply ng account sa colfinancial sa ortigas noong abril, bago mag eleksiyon.

active ang group thread namin sa fb at nagse-share sila ng mga natutuhan nila sa stock market sa araw-araw na pagche-check nila nito. dahil dito, pati tuloy ako naging conscious sa bawat transaksiyon ko sa col. at nitong nakaraan, may nagtanong sa akin (sa esbat group thread) kung magkano na nga ba ang kinita ko at kung may ibinenta na ba akong stocks nang palugi. anlakas ng loob ko sa pagsagot ng wala. kasi matiyaga akong maghintay, kako.

pero dahil sa mga tanong na ito, nagdesisyon akong i-summarize ng lahat ng buy at sell transactions ko sa col. at ano ang aking mga natuklasan?

1. napakatapang kong mag-buy and sell kahit noong bagita pa lang ako. meron akong mga transaction na tipong nag-buy and sell ako on the same day, noong tumaas na ang presyo ng stocks. meron din akong transactions na isang araw lang ang pagitan.

2. noong umpisa, hindi mahalaga sa akin kung mataas o mababa ang kita. basta may kita na ako, kahit mababa, nagse-sell na ako.

3. meron pala akong lugi. ibig sabihin, hindi ko na nahintay ang pagtaas uli ng stock na iyon. ang pinakamatagal na paghihintay kong tumaas ang nabili kong stock ay 2 years. ibinenta ko na ito nang palugi, mga 1k plus ang lugi ko.

4. iyong mga pangarap kong stocks ay nabili ko na pala dati. at na-sell ko na rin. akala ko kasi, never pa akong nakakabili nito. isang halimbawa nito ay ang ALI o ayala land, inc.

5. meron akong ibinenta nang palugi dahil kailangan ko ng pera for a birthday occasion. birthday ni papa p. that was May 2013. iyon ang aking bachelor's blow out sa kanya. kasi last year na ng pagiging binata niya (ikinasal kami noong december 2013). sabi ko nga sa mga taga-esbat, nakakaapekto sa timing ng selling transactions ang love life. next time, mag ipon na lang para sa love life para hindi nalulugi ang investment sa stock market.

6. halos lahat ng stocks na napili kong mag-buy and sell ay tumaas ang value ngayon. siguro mga 80% ng napili kong stocks noon. ang galing ano? ano ang ibig sabihin nito? ang stocks, pag binili mo, puwede mo talagang iwan at mag isa lang siyang maggo-grow. no need to do anything, no need to worry. ilan diyan ay ang ALI (na 16 pesos lang noon, ngayon 39 pesos na), JFC (na 68 pesos lang noon, ngayon ay 239 pesos na), SMDC, etc.

7. from 2011 (noong nag-umpisa ako sa col) hanggang ngayong 2016, around 10% ng investment ko ang kinita ko. not bad, ha? for someone like me na wala naman talagang training na seryoso sa stocks.

8. importante talaga iyong consistency mo sa pagbili ng stocks. marami akong transaction sa stock na PLC, as in napakaraming buy, at napansin ko na minsan, kaunti lang ang nabibili ko sa isang buying transaction, meaning yung maliit na kita namin sa publishing services, ipinapasok ko agad sa stock. at nakatulong iyon para makapag-accummulate ako ng isang klase ng stock sa mababang presyo.

kahapon, bumili ako ng JFC sa halagang 239 pesos each. lahat ng natirang pera sa col account ko ay ipinambili ko ng jfc. i am hoping for a 10 pesos na tubo. tapos mag-sell na ako. kaso kanina, pag-check ko, nasa 234 pesos na lang ang jfc. mukhang matagal akong maghihintay ng pagtaas nito at pag-abot sa 10 pesos na tubo na target ko.

anyway, may pakiramdam ako na thru stock market ay kaya kong magkaroon ng isang milyon bago mag-40. kailangan ko lang dagdagan pa ang lakas ng loob ko sa pag-buy and sell at mula ngayon, hindi ko na katatakutan ang mga stock na mamahalin like GLO (around 2380 pesos each).

hay. mahirap maging mahirap. pero mas mahirap ang walang plano para umangat man lang nang kaunti.

so, bebang, lez do diz.


Tuesday, June 14, 2016

ayan na ang bayarin!

e kaya siguro ako di makatulog kagabi pa e dahil me due ako na bill bukas. around 9k. medyo kulang pa ang cash ko ngayon at kailangan ay ngayon na ako magpunta ng bangko para magbayad dahil may meeting ako sa malayong lupain bukas.

meron akong around 5k ngayon, tapos 3k sa atm. hmmm... kung tama ang pagkakaalala ko e meron pa akong mawiwidraw mula sa joint account namin ni poy. pero kung mali ang pagkakaalala ko, waley na yon. as in baka closed account na kami don haha. baka di ko naisoli ang inutang kong 10k sa account na iyon.

bayaran na rin ng tuition ni ej this week. di naman kalakihan, around 2.5k. pero hello, wala na ngang cash. dahil ibabayad ko na doon sa bill na due bukas. aahahay buhay.

hmm.. ang dami ko kayang collectibles. sana magbayad na sila, ang tagal ko na rin/naming tinrabaho ang mga bagay-bagay.

anyhow eto sila

2,500-kwf
30,000- vibal
33,000+- dswd
4,000= unilab foundation
1,000+-cfa
7,500-isa pang sangay ng gobyerno

yun nga palang translation fee ko para sa ambeth book, nakuha ko na. nag down sila, tapos nagbayad uli ng remaining balance after ng deadline ko sa other half. ang problema, may 11 articles pa akong di nasa submit. pag ako na-penalty doon, patay. bawi lahat ng kinita ko hahaha. ang masaklap nga doon, kung saan-saan lang napunta ang translation fee na iyon. wala man lang yata akong naitabi.

end of journal

nung buntis ako ke dagat, nabasa ko yung operating instructions ni anne lamott. na-inspire akong mag-journal tungkol ke dagat dahil sa aklat na ito. nag-umpisa ang journal niya noong nanganak siya at nagtapos ito noong 1st bday ng baby niya.

nag-journal din ako, yey. nung umpisa, ang dalas kong magsulat dito. at kahit nasaan ako, kahit nasa dyip, nagsusulat talaga ako. pero wala, tinamad nang tinamad nang tinamad. ayun, sobrang dalang ko na lang magsulat dito.

at kagabi, bigla ko na lang na-realize na matatapos na pala ang pagjo-journal ko sa unang taon ni dagat! wah. ba't ganon?! ambilis.

so anyway, nalulungkot ako kasi hindi ko masyadong na-enjoy ang pag-aalaga kay dagat. lately, lagi siyang nasa parents ni poy kasi

1. dumaan ang summer. sobrang init dito. doon may aircon.
2. umalis ang kasambahay namin noong april. sobrang hirap ng buhay namin ni poy, wala na kaming nagagawang iba kapag nandito sa amin si dagat. doon sa parents niya, may kasambahay, kaya nakakapagsalit-salitan sila sa pag-aalaga.
3. buntis ako. anak ng tokneneng, andali kong mapagod. di ko na kayang magbuhat nang matagal.
4. at ang init ng ulo namin ni poy kapag naii-stress na kami sa pag-aalaga at sa pag-aasikaso ng bahay.

hay. i wish i could just stay at home and take care of the baby. at i-enjoy lang ang pagngiti ni dagat, ang pakikipaglaro sa kanya, ang pagpapakain sa kanya, ang paghabol, ang pakikipagkilitian, ang pakikipag-iyakan, pagpapatulog, pagkarga, ang pagpapaligo.

kahit kelan, ang depressing maging ina.

Friday, May 27, 2016

Sample Permission Request Letter for Copyrighted Materials

Ito ang isa sa ipinamigay naming dokumento sa mga attendee ng Seminar on Copyright and Textbooks. Ang seminar na ito ay inorganisa ko sa tulong ng Balangay Productions, Freelance Writers Guild of the Philippines, C and E Publishing, National Book Development Board, Intellectual Property Office of the Philippines at Filipinas Copyright Licensing Society. Ginanap ito noong May 7, 2016 sa isa sa mga function room ng C and E Book Store, Quezon Avenue, Quezon City.

Ito ay sample na liham para sa mga kailangang humingi ng permiso sa paggamit ng copyrighted material. Ito ay ibinibigay sa mga may ari o may hawak ng copyright ng materyal o materyales na nais ninyong ilathala sa inyong textbook o sa anumang publikasyon. Maaari ninyong kopyahin ang liham na ito.

Kung may tanong, mungkahi o komento, mag-email sa akin sa beverlysiy@gmail.com.



SAMPLE PERMISSION REQUEST LETTER
Date:_______________________

NAME OF COPYRIGHT HOLDER
Address

Dear Sir/Madam:
I am _______. I am a/an (PUT DESIGNATION HERE). I am preparing a manuscript to be published by (NAME OF COMPANY) written/edited by (NAME OF TEXTBOOK AUTHOR/EDITOR) with the tentative title (TITLE OF TEXTBOOK).
I request your permission to include the following material in the (STATE NUMBER OF EDITION) edition of the above-referenced book.
Title of selection:_________________________________________________________________________
Author(s) of the selection:__________________________________________________________________________
Title, publisher and year of publication of book/textbook/newspaper/magazine/blog/website where the selection was found:_________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

From page__________, line_________, beginning with the words__________________________________

To page____________, line_________, ending with the words____________________________________

(IF NECESSARY, ADD MORE SHEET FOR THIS LIST)

Please indicate agreement by signing and returning the lower portion of this letter to me through mail, fax or email on or before (INSERT DEADLINE OF GATHERING PERMISSIONS).
In signing, you will receive (INSERT AMOUNT IN WORDS AND FIGURES) for (INSERT NUMBER OF YEARS). It is a one-time payment either through check or deposit in lieu of royalty payments. Production of another edition of our textbook that includes your material is subject to additional fees that will be agreed upon by you and our company. You will also receive (INSERT NUMBER) of complimentary copy of the textbook once printed. (STATE HERE IF THE COMPLI COPY MUST BE CLAIMED OR IT WILL BE DELIVERED TO THE COPYRIGHT HOLDER.)
In signing, you warrant that you are the sole owner of the rights granted and that your material does not infringe upon the copyright or other rights of anyone. If you do not control these rights, I would appreciate information about the copyright holder.
My address and contact details are: (INSERT ADDRESS OF COMPANY, CELLPHONE NUMBER OR LANDLINE/FAX NUMBER AND EMAIL ADDRESS). Thank you very much.
Sincerely,
SIGNATURE OVER PRINTED NAME

=====================================================================================
Agreed to and accepted

by:_________________________________________________________________________
(signature) (date)
The usual form of acknowledgment or appropriate credit is to quote the author(s) and publication title of the original material. (INSERT NAME OF COMPANY) will include the words:
“Reproduced by permission of [the copyright holder]”
NAME OF COPYRIGHT HOLDER OF THE ORIGINAL MATERIAL:
_______________________________________________________________________________
BANK DETAILS OF THE COPYRIGHT HOLDER:
_______________________________________________________________________________

Monday, April 18, 2016

jowa jokes

nung sabado, nandito si ser lourd sa bahay. may book discussion kasi ang prpb at tampok ang lourd de veyra's little book of speeches. since kapitbhay namin si ser, inalok ko kay kd (founder ng prpb) na dito na lang ganapin ang discussion.

pero bago mo basahin ang buong post, sasabihin ko na sayo, hindi ito tungkol kay ser o sa book nya o sa discussion. so kung yun ang inaasahan mo, scram. joke lang. 'wag, 'wag ka nang umasa. masasaktan ka lang.

moving on. eto na dumating na si ser. me dala siyang maliit na cooler. akala ko e may something siya para sa lahat. after a few minutes ng kuwentuhan, sinabi niya sa amin kung para saan talaga iyong cooler. may laman pala itong good morning towel na may mukha ni jesus, nakaimprenta rin sa baba ng mukha ni jesus ang mga salitang i thirst. tapos basa ng pabango at tubig ang buong towel. sabi niya, hangga't malinis daw ang kanyang towel, puwede daw kaming mag-share sa tubig na malamig at pabango (one direction daw na bigay lang sa kanya, amoy babae daw ang pabango, di pa siya nambababae, amoy babae na siya) sa kanyang cooler. siyempre, hindi para inumin ito kundi para basain ang sari-sarili naming towel o panyo.

sa buong panahon ng aming discussion, paminsan-minsan niyang inilalabas ang towel para idampi sa kanyang batok at mukha. minsan, sa alak-alakan.

napansin kong init na init na kaming lahat, pero siya, hindi pinagpawisan. at ang bango-bango niya! actually, 'yong sala namin, ambango dahil sa kanya.

ting!

ang gandang idea! magaya nga.

so kahapon pa ako may basang lampin sa batok. nilagyan ko ito ng konting cologne ni dagat, hehe para mabango-bango rin ako. ipinapatong ko ito sa ulo ko kapag sobra na ang init. epektib. ang saraaaap. as in. di naman close to aircon pero much better nang bare skin lang.

kanina pagkagising ko, kinuha ko uli ang lampin (same lampin) at binasa ito sa gripon. same old, same old. wah. ang sarap talaga. ngayong malapit nang magtanghali, sabi ko kay poy, gusto mo nito? kukuhanan kita ng lampin, babasain ko na rin. lagay mo sa ulo mo o sa batok mo.

sabi ni poy, hindi wag na. meron naman ako neto. mula sa mesa niya, iniangat niya ang isang pares ng gamit na medyas (i am so sure na gamit na yon parang medyo nakalobo-lobo na ito), babasain ko lang to at ilalagay ko rito, ayos na ako. isinuot niya ang medyas sa magkabilang tenga. tas ngumiti siya sa akin.

yak. baboy.

pano giginhawa ang pakiramdam mo kung memedyasan mo ang tenga mo?

ng medyas na mabantot?

since asawa ko siya at kailangan kong panindigan na nag-asawa ako ng weirdo, ang naisagot ko na lang.. kung saan ka masaya, suportahan ta ka.




Friday, April 15, 2016

Vinzons

Papuntang laguna ngayon sina EJ. Manonood sila ng libreng stage play na hango sa buhay ni Wenceslao Vinzons. Wala akong alam sa taong ito kundi ang apelyido niyang wala palang apostrophe sa pagitan ng N at S. (Buong buhay ko kasi na sumasakay ako ng dyip sa tapat ng Vinzons hall sa up diliman, akala ko’y Vinzon’s Hall ang spelling nito.)

Nag-post sa Facebook ang pamosong playwright na si Layeta Bucoy tungkol sa stage play na ito na sa UP Los Banos gaganapin. At nag-comment ako na kaibigan ni ej ang mga apo ni Vinzons. Sina james, jack at jopet. Sina james at jack ay ka-batch ni ej sa ramon magsaysay cubao high school, magkakasama rin sila nang apat na taon sa wushu club doon. Tapos hanggang ngayon ay magkakasama pa rin sila sa mei cheng gym kung saan nagwu-wushu si ej thrice a week. Si jopet, ang bunso, ay laging kabuntot ng dalawang kuya kapag may lakad sila, kaya naging ka-close din ito ni ej.

Kako kay Miss Layeta, baka gusto nilang imbitahan ang mga bata na manood ng stage play para naman makilala pa nila ang kanilang lolo. Humingi pa ako ng compli tickets. Biglang nag-reply si Miss Layeta. Libre daw ang stage play, at oo, puwedeng-puwede raw na manood ang mga batang vinzons. Nagpalitan kami ng PM. Nagtanong ako kung paanong makarating sa venue mulang Cubao at sinagot naman ito ni Miss Layeta. Pati pamasahe, tinanong ko na, kasi gusto kong ipasama si ej para din makapasyal ito sa labas ng maynila kasama ang mga kaibigan. Maya-maya pa, sabi ni Miss layeta, kung makakapunta ang mga batang vinzons, iti-treat sila ng dinner at baka raw mabigyan pa sila ng pamasahe pauwi. Winner!

Mababait ang mga batang vinzons. Kuwento ni ej kagabi, ang pangalan ng tatay ng mga batang ito ay wenceslao vinzons III. Pero hindi raw ito anak ni wenceslao vinzons, kundi pamangkin lamang. So ang mga kaibigan ni ej ay apo sa pamangkin ng dakilang wenceslao vinzons. Anyway, na-meet ko na si the third nang minsang magpunta ako kina james para ihatid si ej. Nakatira ang kanilang pamilya noon sa isang prime lot sa may alabama st., new manila. Malaki ang bungalow nila, pero lumang luma na ito. Madilim sa loob, kahit araw at nakasindi ang ilaw. Medyo nangingitim na ang mga pader. Giray na ang mga sofa, makutim ang tiles. Isa pang nakapagpadilim sa buong sala ay ang mga bookshelf sa dingding na punong-puno ng mga librong kulay kape. Mga hard bound na law books daw iyon ng dakilang wenceslao, sabi sa akin ni wenceslao III nang minsan ngang mapadpad ako doon. May kakilala raw ba ako na bumibili ng ganoong libro, meron din daw siyang lumang medical books na gusto na niyang ibenta. Tulungan ko raw siya. Kako, magtatanong-tanong po ako. Una kong naisip, ang UP para sa law books ng dakilang wenceslao. Para naman sa medical books ay ang mga antique stores sa cubao x.

Sa kasamaang-palad ay wala akong hakbang na nagawa para matulungan siyang makakonekta sa up. Bihira na ako noon sa up. Bitter lang ang peg. Sa cubao x naman, nagtanong ako sa isang antique store na nagbebenta rin ng mga libro. Ang sabi, kadalasan daw, siya ang nagpupunta sa bahay ng gustong magbenta ng lumang gamit at libro. Siya ang mag-a-assess kung ano ang mga puwede pang bilhin. Tineyk nowt ko lang ito pero nawala naman sa isip ko na i-relay kay ej o kina james at jack para sabihin sa kanilang tatay.

Dating doktor si wenceslao III at medyo may edad na ito. Ang nanay ng mga batang vinzons ay parang mas bata pa sa akin (turning 37 na ako ngayon). Napakabait ng babaeng ito (sori at hindi ko alam ang pangalan niya, aalamin ko pagdating ni ej), halata naman sa ugali ng mga batang vinzons. Malumanay at magalang silang makipag-usap at hindi magaspang ang pakitungo sa bata at matatanda. Lagi kong nakakasama ang nanay ng mga vinzons kapag may wushu performance sina ej sa kung saan-saang panig ng metro manila. lagi itong nakangiti sa akin at kitang-kita ko kung paano niyang inaasikaso ang tatlo niyang boys (bitbit niya si jopet lagi) kahit medyo malalaki na ang mga ito (parang si ej, bakulaw na!).


Isang araw, ibinalita sa akin ni ej na namatay na ang nanay nina james. Gulat na gulat ako, parang wala naman itong sakit. Medyo chubby siya, maputi at rosy pa ang cheeks, paanong magkakasakit? Inatake daw ito ng hika kalagitnaan ng gabi, ayaw namang magpadala sa ospital kahit na ilang kanto lang ang layo nila sa St. Luke’s. Takot daw kasi ito sa gastos.

Hikahos ang pamilya nila nang panahong iyon. Naalala ko pang minsan daw ay naglalakad lang ang magkapatid na james at jack mula bahay hanggang ramon makapasok lang sa klase. At medyo dumalas din ang pagpapalibre ni james kay ej pagdating sa pagkain. (Pag may wushu performances sila, pag binibilhan ko ng inumin o pagkain si ej, ibinibili ko na rin ang mga kaibigan niya, kasama na doon sina james at jack. Alam kong kakarampot lang ang kikitain nila sa wushu performances, hindi sapat para man lang makabili ng disenteng meryenda. Talagang love lang ng mga bata ang sports na ito.)

Na-meet ko uli si wenceslao III noong burol para sa kanyang asawa. Nang magpaabot kami ni poy ng condolences sa kanya, ang sagot niya sa amin, ayaw kasi niyang magpapayat. Buti ikaw, na-maintain mo ang katawan mo. Ramdam kong lumaki nang konti ang pupil ng mga mata ko. At siyempre, wala naman akong naisagot doon. Pero pag-uwi namin, napagkuwentuhan namin ito ni poy. Sabi niya, loko ‘yon, tipikal na lalaki, katawan ng babae ang iniisip.

Ahahay!

Pagka-graduate nina james at jack sa high school, inengganyo ko silang mag-enrol sa pinapasukan kong school, sa PCC. Nag-exam naman sila doon, noong ang campus namin ay nasa divisoria area pa. isinama sila ni ej (nag-exam din si ej doon at inalok ng 100% full scholarship, pero PUP pa rin ang pinili niya). kasabay din nilang nag-exam ang iba pa nilang kaibigan: si eunice at si abi (ang tanging kaibigan ng anak ko na tumuloy sa PCC at incoming 2nd year IT student na this june). Sabi ko kina james, malapit lang ang bagong college campus namin sa kanilang bahay. Isang maikling sakay lang, sa may Quezon Avenue lang, meaning hindi magastos sa pamasahe. At posible silang makakuha ng scholarship kaya hindi kailangan ng limpak na salapi para maka-enrol. At ang importante kako, aalalayan kayo ng admin sa bawat sem. Ang konti kasi ng estudyante doon, 100 lang ang population ng buong college. Kaya talagang namo-monitor ang progress ng bawat estudyante.

Pero nang time na iyon, unti-unti na ring bumubuti ang kalagayan ng pamilya. Ito palang si wenceslao III ay may mas matatandang anak (sa ibang babae) at isa sa mga ito ay sundalo sa US. Ito ang sumuporta kina james at jack para makapag-enrol sa kolehiyo. Nag-IT sa Mapua Makati si James, samantalang Engineering naman ang kinuha ni Jack sa Mapua Manila. Recently ay nabalitaan naming lumipat na sila ng bahay. Nagrerenta na sila ng apartment sa 12th street, new manila. naibenta na pala ang bungalow nila at lote sa alabama. Tiyak akong milyon-milyon iyon dahil ang ganda talaga ng lokasyon. Commercial na ang area doon, sila na lang yata ang residential at that time.

Sabi ni ej, 20k a month daw ang renta sa bagong apartment. Ang dami na raw gadgets ng mga batang vinzons. May kasambahay na rin ang mga ito. Lagi na rin daw nanlilibre ng pagkain ang mga ito lalo na kung may okasyon tulad ng birthday. Na siyang ikinatatampo ni ej dahil nitong huling bday ni jack ay hindi siya inimbitahan, samantalang kumpleto daw ang buong squad nila (siya lang ang wala, awts). Lilipat na rin sa FEU sina james at jack kasi… nitong huling sem ay PE at CWTS lang ang subject na naipasa nila sa Mapua, maryosep!

Sabi ko kay ej, sabihan sina james na sa pcc na lang mag-enrol dahil posibleng maulit sa feu ang nangyari sa kanila sa mapua. Kasi parehong malaking university ang dalawa. Sa dami ng estudyante, bahala na sila sa kani-kanilang buhay. Sabi ko rin, mas maganda kung ang pera ng pamilya ay iinvest na lang sa real estate para pagdating ng panahon, hindi sila mangungupahan. Sabi ko, bumili sila ng condo o kaya ng maraming townhouse o apartment at paupahan nila ang mga ito. Para may steady income sila. Sa ngayon kasi, parang palabas ang lahat ng pera ng pamilya.

Nakakatuwang malaman na mas maayos ang kalagayan ng mga batang vinzons ngayon. Sayang at di ito naabutan ng kanilang nanay. Ang dalangin ko na lang, mas maging wais sana si wenceslao III para sa kanyang mga anak. Dala-dala nila ang pangalan ng dakilang wenceslao. Ang saklap naman kung in the future ay nasa marawal na kalagayan ang mga batang ito, ang mga batang vinzons.