Friday, December 23, 2011

Once upon a Panty ni Vins Miranda

“Labhan mo. Tubig lang. Wag kang gagamit ng sabon.
Kusot-kusot lang. Tapos ipunas mo sa mukha mo ‘yang panty.
Tapos sabihin mo, sana maging singkinis ng perlas ang mukha ko.
Ulit-ulitin mo. Habang ipinupunas mo sa mukha mo ang panty.”

- IT’S A MENS WORLD ni Bebang Siy


Isang gabi, buwan ng Enero, noong una akong datnan. Grade 4 pa lang ako nun. Sinabihan ako ng kasambahay namin na ipunas ko sa mukha ko ‘yung panty ko. Ganun daw talaga. Para nga raw maging makinis ang balat ko. Ipinunas ko nga sa mukha ko ‘yung panty. Pero may pero.

Nilagyan ko muna ng Safeguard at saka ko kinusot at binanlawan ng tubig 'yung panty ko. (Kaya pala walang epekto.)

“Dalaga ka na, Van!” sabi pa ni Ate Emily. Kumuha siya ng napkin sa tindahan namin. Those Days. ‘Yon ang unang-una kong napkin. Those days nga naman. Apir kung alam mo ang brand na 'yun!

Bigla akong kinabahan sa pagdadalaga. Parang ayoko yata.

At noong sumunod na araw sa eskuwelahan, naglaro sa isip ko kung sinu-sino sa mga kaklase ko ang “nadatnan” na rin. Grade 6 na ako nung tila mga kabuteng nagsulputan ang pimples ko. Unti-unti ko na ring naiintindihan na ganoon talaga kapag "nagdadalaga." Kaso, kahit na masaya nga ‘yung tatangkad ka (oo, tumangkad naman ako hindi lang halata) at magsusuot ka na ng bra (ang init kasi ng sando), pakiramdam ko noon, unfair pa rin kasi buwan-buwan dumarating 'yung "dalaw." E 'yung sa mga lalaki, one time-big time lang!

Anak ng tumitiling kamote at dinidismenoriyang kawali.


Ang dami ko pang naalala tungkol sa kabataan ko dahil sa libro ni Bebang Siy na “It’s a Mens World.” Extra-special pa ang kopya ko ng libro dahil ibinigay 'yon sa akin ng kapatid kong si Neil. Binasa ko agad, bago ako matulog. Alas-dos ng madaling araw na ako natapos. Para akong ewan, tawa ako nang tawa habang nagbabasa.

Nagnakaw din kasi ako nung 5 years old ako sa Pamilihang Bayan ng Project 4 sa Quezon City. Siyempre, ibinalik ng Mommy ko ‘yung kinuha kong indian mango. Nagulat na lang siya dahil kinagatan ko na pala!

Naiyak din ako habang binabasa ‘yung “Ang Aking Uncle Boy” lalo na ang kuwentong pambata tungkol sa mga seaman. Paborito ko rin ‘yung “BFF x2.” Halos lahat naman kasi tayo, may itinuring na best friend.

May kung ilang beses na namuo-tumulo-umurong ang mga luha ko dahil sa mga kuwento niya. Parang nakikipag-usap ka lang sa isang kaibigan, isang kaibigang masaya kasama, ‘yung maraming maipapasa sa ‘yo na aral sa buhay at kalokohan. Isang kaibigang hindi nauubusan ng kuwento!

Sigurado ako na kapag nabasa mo ang libro, hahanga ka rin sa tapang ni Bebang sa pagbabahagi ng kaniyang buhay, ng kaniyang sarili. Mayroong mga sandaling matitigilan ka. Grabe pala ‘yung pinagdaanan niya.

At mapapaisip ka rin. Mapapansin mong malayo na rin pala ang nilakbay mo. Na kahit pala tahimik ka lang sa mga pinagdaanan mo, may ibang tao na makakaintindi sa 'yo kasi pinagdaanan din pala nila 'yon.

Tunay ngang madugo ang buhay. Minsan, nakakatawa na nakakaiyak na ‘yung sakit. Pero marami rin namang dahilan para magpatuloy at maging masaya, diba? Ang totoo, ikaw ang gagawa ng sarili mong happy ending.

Tama si Bebang Siy. It’s a mens world talaga.



(Nakilala ko sa Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo o LIRA si Bebang Siy. Minsan, naitanong ko sa kanya kung ano nga ba ang dapat na isulat ng isang manunulat. Heto ang kaniyang naging sagot: ang dapat isulat ng isang manunulat ay yung nagpapasaya sa kanya, nagpapalungkot, bumabagabag at tumatakot. Maraming salamat, Ms. Bebang. Aabangan namin ang susunod mo pang mga libro! :) - vins)

Ang rebyu na ito ay ipinost dito nang may pahintulot ni Bb. Vins Miranda. Puntahan ang tawambuhay.blogspot.com para lalo siyang makilala.

Thursday, December 22, 2011

2012, yey!




Sana ay maging mabunga ang 2012 natin!


PS --Ang larawan ay gawa ko sa pamamagitan ng Paint. Yes, copyrighted 'yan!!! Magpaalam lang sa akin para magamit nang libre ang larawan. Email na: beverlysiy@gmail.com.

Monday, December 19, 2011

Our Top 10 books for 2011

By: Ruel S. De Vera
Philippine Daily Inquirer
1:24 am | Monday, December 19th, 2011

In alphabetical order:

“Ambition Destiny Victory: Stories from a Presidential Election” by Chay F. Hofileña and Miriam Grace A. Go (Cacho Publishing House)

“Steve Jobs” by Walter Isaacson (Simon & Schuster)

“In the Garden of the Beasts: Love, Terror, and an American Family in Hitler’s Berlin” by Erik Larson (Crown Publishers)

“A Dance with Dragons: A Song of Ice and Fire Book Five” by George R.R. Martin (Bantam)

“The Night Circus” by Erin Morgenstern (Doubleday) may be the year’s single most magical book.

“Supergods: What Masked Vigilantes, Miraculous Mutants, and a Sun God from Smallville Can Teach Us about Being Human” by Grant Morrison (Spiegel & Grau)

“Lumayo Ka nga sa Akin” by Bob Ong (Visual Print Enterprises)

“Before Ever After: A Novel” by Samantha Sotto (Crown)

“Trese Vol. 4: Last Seen After Midnight” by Budjette Tan and Kajo Baldisimo (Visprint)

AND....


“It’s a Mens World” by Bebang Siy (Anvil Publishing)

A sensationally refreshing voice, Bebang Siy brings outrageous observation and pitch-perfect timing to this smile-inducing yet poignant collection of writing about pretty much everything in her life. In friendly Filipino, she’s also fearless (writing about sexuality and trauma) and funny (writing about pretty much everything else). There, too, are poignant memories of growing up lower-middle-class, all of it draped with Bebang’s distinctive wit and capacity for wonderment.

Para po sa buong artikulo, narito ang link:

http://lifestyle.inquirer.net/28003/our-top-10-books-for-2011

Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta. Maraming salamat din po kay Sir Ruey de Vera!

Paano makatulong sa mga nasalanta ng Sendong

Ito po ay mula sa blog na ito: http://janeuymatiao.com/2011/12/17/how-to-help-victims-of-tropical-storm-sendong/#comment-3401

(nagpaalam po ako sa pagrerepost)

I am creating this post for you, my dear readers, wherever in the world you are. If your heart is touched by some of these pictures, there are many ways you can donate, either in cash (PayPal included) or kind.

Please note that I will try to list as many as I can. I have been listing based on posts in social networking sites, some news sites, government agencies, etc. If I miss some, please leave me a comment at the bottom so I can add to this list.

LAST UPDATE – DEC. 18, 2011 (11:42 PM)

URGENT NEEDS

Blankets
Bottled water (VERY URGENT!)
Canned goods
Clothes
Diapers
Food
Gauze
Hydrogen peroxide
Mats (banig)
Medicines
Milk
Off lotion
Rice
Toothbrushes
Towels
Utensils



DROP-OFF POINTS

Ateneo School of Government and Kaya Natin! - will accept donations from Dec. 19-21 only, 10am to 10pm. Clothes, blankets, ready-to-eat food, toiletries and bottled water accepted. Bring to Fr. Ortiz Hall, Social Development Complex, Ateneo, QC.

Bigby’s – branches in Megamall, Ayala Cebu, SM City Cebu Northwing, Abreeza Davao, SM City Davao, SM City Bacolod, Limketkai Center, SM City Cagayan de Oro, Robinson’s Place General Santos

DSWD Field Office NCR: San Rafael St., Legarda, Manila

DSWD Field Office IV-A: Alabang-Zapote Road, Alabang, Muntinlupa City 1770
Tel. No.: (02) 807-4140 Fax No.: (02) 807-1518
Contact: Gina Laranan 09108860826

DSWD Field Office IV-B: 1680 F. T. Benitez St., Malate Manila
Contact: Shiela Tapia (02) 5252445

GMA 5 (Davao) – Please leave donations at Shrine Hills, Matina, Davao (info from @mindanaoan)

GMA Kapuso Foundation – for info on where to bring donations in kind, click HERE

Kristohanong Katilingban sa Pagpakaban (coordinated with Xavier University) – call (088) 8583116 loc 3210 for details

National Resource Operations Center (NROC) – Chapel Rd. Pasay City (Back of Air Transportation Office)
Contact: Francia Fabian 0918 9302356

La Salle Greenhills - will start accepting donations Monday, Dec. 19 (info taken from HERE)
Donations in cash and kind will be received at Gate 2 of La Salle Green Hills at 343 Ortigas Avenue, Mandaluyong City 1550. You may call any of the following telephone numbers for further inquiries:
Alumni Office — 721-2729, 722-7750, 725-4720
GS Principal — 721-2482
HS Principal — 721-8914
Buildings and Grounds Office — 721-8904 (Telefax)
La Sallian Mission Office — 726-5851 (Telefax)

LBC Foundation – bottled water, food, blankets, clothes, etc. Drop off your donations at the nearest LBC branch nearest you, nationwide. Call (632) 8585-999 to find the closest LBC branch. Donations must be addressed to LBC Foundation; they cannot ship for free if goods are addressed to specific consignees.

Mercato Centrale (BGC) / Soderno (Alabang) - bottled water, rice, canned goods, bottled water, utensils, toothbrush, mats, used clothes, blankets

Moonleaf Tea Shop, Maginhawa St., QC – They’re open every day, 10AM to 11PM.

The Philippine Daily Inquirer, 1098 Chino Roces ave Mascado cor Yague, Makati ph.+63 2 8978808 Ms. Kasilag/Ms. Kalagayan.

Sagip Kapamilya ABS-CBN Foundation Inc., Mother Ignacia cor. Eugenio Lopez St., Diliman, QC – for goods in kind

Sen. Kiko Pimentel – accepting donations starting Dec. 19 at Room 512, GSIS Building, Senate of the Philippines. Contact person: Ron Munsayac (new media group)

TV5 Kapatid Foundation Inc. - Donations in kind like food, clothing, utensils, blankets, mats, water containers, and medicines may be sent to News5 Aksyon Center, TV5 office in San Bartlolome, Novaliches, Quezon City. For inquiries, please call News5 Aksyon Center hotline – 938-6393.

Xavier University KKP-SIO – cash, food, bottled water, clean clothes. You can drop them off at the Xavier University KKP-SIO.



CASH DONATIONS (INTERNATIONAL)

Ateneo de Manila University – please see how to donate HERE

GMA Kapuso Foundation – for info on how to donate dollars, click HERE

HELPCDO (PayPal Donations) – Proceeds will be donated and delivered to Xavier University Cagayan de Oro where the members of CDOBloggers are planning to volunteer. (Note: Info received c/o Ria Jose)
Email Address for PayPal donation: francis.siason@gmail.com

ONE FOR ILIGAN – a Google doc that tells you how you can donate at least US$1 via PayPal
Your Donations will be shown at: www.iliganbloggers.com
For donations on Paypal, your names and initials HERE

Simbahang Lingkod (info taken from HERE)
Direct deposits may be made online from any BPI branches, pay to:
Account Name/Payee: SIMBAHANG LINGKOD NG BAYAN
Bank Name: Bank of the Philippine Islands (Loyola-Katipunan Branch)
Dollar Savings Account Number: 3084-0420-12

TV5 Kapatid Foundation Inc.
BDO Savings Account No. 005310-410164
Bank of the Philippine Islands Savings Account No. 1443-05333-2
For inquiries, please call News5 Aksyon Center hotline – 938-6393.



CASH DONATIONS (WITHIN THE PHILIPPINES)

For Globe subscribers:
via SMS, c/o Red Cross – text RED and send to 2899 – valid donation amounts are P5, 25, 50, 100, 300, 500 and 1000 (For ex, RED 10). Transaction is free.
via GCASH, text DONATE and send to 2882

For Smart subscribers:
via SMS, c/o Red Cross – text RED and send to 4143 – valid donation amounts are P10, 25, 50, 100, 300, 500, 1000 (For ex, RED 10). Transaction is free.
via Smart Money acct. no. 5577-5130-6822-1104 (Baha Fund for Typhoon) at any BDO, Hapinoy or Cebuana Lhuiller outlets. P2.50/text

Ateneo de Manila University – please see how to donate HERE

GMA Kapuso Foundation – for information on how to send Philippine pesos, click HERE

Pilipinas Natin HQ (contact PN Head June Joson at CP 0915-855-2599; 0939-9372353)

Red Cross (cash/check)
Account Name: Philippine Red Cross
Bank Name: Banco De Oro
Peso Savings Account: 453-0018647

RockEd Radio (for soup kitchen and bottled water fund)
Bank Name: BPI Loyola
Account Number: 3080-0073-44

Simbahang Lingkod (info taken from HERE)
Direct deposits may be made online from any BPI branches, pay to:
Account Name/Payee: SIMBAHANG LINGKOD NG BAYAN
Bank Name: Bank of the Philippine Islands (Loyola-Katipunan Branch)
Peso Checking Account Number: 3081-1111-61

Xavier University, Tabang Sendong
Account Name: Xavier University
Bank Name: Bank of the Philippine Islands, CDO Divisoria Branch
Account Number: 9331-0133-63



VOLUNTEERS NEEDED

Metro Manila: National Resource Operations Centers (NROC) – Chapel Rd. Pasay City (Back of Air Transportation Office)
Contact: Francia Fabian 0918 9302356

DSWD - Cagayan de Oro (Masterson Rd, Upper Carmen).
Contact: Manny Borres (0906) 6150095 or 858-8892


From post ni Jun Anteola, nakita ko lang ito from the same blog.

if you have friends/family in CDO, forward these additional info on help being given:

AREAS TO GET WATER:
1) Rainsoft in NHA highway (beside Mazda) is giving free nawasa water
2) balulang booster station
3) production well 3a near Macasandig;
4) COWD Kauswagan Office;
5) Faucet near MUST;
6) some fire hydrants near GSIS Carmen and other areas with BFP coordination
7) Pepsi Cola Phils. is giving FREE WATER at their plant in Tin-ao, Agusan, CDO — just bring containers

FREE TAWAG CENTERS :

GLOBE ADVISORY 18 Dec, 6AM to 6PM. In CdO: Xavier University and City Central School. In Iligan: MSU-IIT, Iligan City National High School.

SMART LIBRE TAWAG, INTERNET and CELLPHONE CHARGING at the PHILCOM OFFICE, MAX SUNIEL ST. CARMEN (RIGHT BESIDE ACSAT GYM), CAGAYAN DE ORO.

Free outpatient consultation and tetanus shots at Polymedic Medical Plaza for flood-related injuries. Dr. Farina will be there everyday except Dec 20. Please spread the word.

got these from FB via Drey Raikkonen

Friday, December 16, 2011

ang susunod na aklat

mukhang hindi masusunod ang unang plano para sa paglalabas ng ikalawang aklat.

mukhang hindi ang advice column na nuno sa puso ang kasunod.

gayumpaman, masaya ako dahil libro pa rin ito.

yey!

tara na, 2012! labas na sa lungga!

Bonus

Dahil may Christmas, may bonus!

Ano ang plano ng karaniwang Pinoy sa Christmas bonus niya?

1. gagastusin para sa noche buena
2. ipambibili ng mga regalo para sa kamag-anak
3. ipapadala sa probinsiya
4. ipapadala sa pamilya sa Pinas
5. ipambibili ng bagong damit, sapatos, bag at kung ano-ano pa
6. ipambibili ng bagong appliances
7. ipambabayad ng utang
8. ipanglalakwatsa
9. iipunin

Sa lahat ng posibleng sagot, sa top 9 ako magsesentro.

Kailangang may ipon ang karaniwang Pinoy kahit paano. Hindi porke't malaki ang bonus ay ilalaan na lang natin ito sa iba't ibang bagay. At hihiling sa Diyos na sana nga ay hindi na maubos ang mga bonus. Nasasaid ang bonus. Nasasaid ang suweldo. Nasasaid ang 13th month pay. Nasasaid ang bigay na pera ng mga tito, tita, ninong, ninang. Kaya bago pa man maubos 'yan, bago pa man masaid, magtabi na.

Oo. Ganon talaga. Kaltasin na ang pang-ipon. Bago ka magplano kung ano pa ang puwedeng gawin sa bonus.

Pagkasayad na pagkasayad ng pera sa palad mo, itago mo na ang 20% nito. Kung sampung libo 'yan, itago na ang dalawang libo. Bahala ka na sa natitirang walong libo. Kung gusto mo ipang-shopping galore, gora! Kung gusto mong ipautang, gora!

Ang importante, may nakatabi na.

At dahil nakatabi na, hindi na siya gagalawin. Hindi iyan ilalagay sa bulsa. Hindi iyan ilalagay sa mga "emergency" pocket. Tabi means hindi masasagi, hindi magagalaw, hindi magagamit.

Marami ang nagtataka kung bakit mahirap ang Pinoy. Ito ang isa sa mga dahilan: hindi tayo palaipon. Kahit noon pa, panahon pa ng ating mga ninuno. Kasi naman, napakayaman ng ating bansa. Kahit anong gawin mo, laging may makakain. Maghagis ka lang ng mga buto-buto diyan, pagdaan ng ilang araw, halaman na. Dahon-dahon na. Puwede nang ilaga at iulam. Kaya ang ginagawa natin, hindi tayo nag-iimbak nang bongga. All year round and pagkain natin, e. Hindi katulad ng mga kapatid nating ipinanganak sa mga bansang may snow, required silang magbanat ng buto as soon as possible at mag-ipon kasi may winter sila. At kapag winter, nangangamatay ang maraming halaman. Kung wala kang naipon na pagkain noong hindi pa winter, masuwerte ka. Haluhalo ang kakainin mo araw-gabi, maghapon-magdamag.

Kaya dapat i-reverse natin 'yan, 'yang ugaling hindi palaipon. 'Yong generation natin, dapat matutong mag-ipon. Hindi naman talaga sa pagkakaroon ng malaking sahod nagkakapera ang mga tao. Kasi aanhin mo ang malaking sahod kung malaki rin ang gastos mo? Meron ka ngang fountain ng pera, pero napapalibutan naman ito ng mga drain, mas malaki pa ang butas kaysa doon sa butas ng fountain. Wala rin, di ba?

Kaya, mga kababayan kong Pinoy, tayo nang mag-ipon. Paunti-unti, painot-inot, lalaki din ang ipon natin. At kapag malaki na 'yan, mas makapangyarihan na 'yan. Mas marami na 'yang magagawa. Puwede na nating utusan, huy, ikaw naman ang kumayod para sa akin. Sabi nga ng maraming pera teacher, make the money work for you.

Wala pa ang bonus ko. Tulad ng karaniwang Pinoy, sabik na sabik na rin ako dito. Parang nanay lang na matagal mong di nakita. O kaya bespren na matagal mong di nakainuman.

Pagdating ni bonus, hahalikan ko ito nang wagas tapos ilalagak ko sa pedestal ang 20% niya. Magkikita kami kapag lumago na siya kapiling ng iba pang 20% ng mga kita ko in the future.

Pag ginawa ito ng lahat ng Pinoy, magkakaroon ng sapat na pera ang bawat isa para makapag-invest. Ke stocks pa 'yan o bagong negosyo, basta investment, gora!

Merry Christmas Bonus sa lahat!

Kung may tanong, mungkahi o komento, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

Wednesday, December 14, 2011

Mula sa Mambabasang si Deidre Morales

waaah sayang po, gusto ko pa naman ng autograph. 😭
natapos ko pong basahin kagabi yung libro. walang halong bola, worth it siyang basahin. napatawa ako, nagreminisce sa sarili kong karanasan noong kabataan ko, nalungkot, natawa uli (nang bongga parang baliw), at sa hulii ang nasabi ko ay "aww."

salamat po! nawa'y maging mabunga nga po ang 2012 sa atin.

Thanks, Deidre! See you soon!

Friday, December 2, 2011

COPYRIGHT 101

Ito ay galing sa binubuo naming Primer para sa mga Members ng FILCOLS:



Ano nga ba ang copyright?

Ito ang proteksiyon na ibinibigay ng batas sa mga author ng scientific, literary, at artistic works. Binubuo ito ng moral rights at economic rights.
Ang copyright (at ang lahat ng rights na nakapaloob dito) ay nasa batas natin, nasa
Intellectual Property Code of the Philippines (RA 8293).

Ano ang IP Code?

Ang Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act (RA) 8293 ay ang batas sa Patent, Trademark, at Copyright. Noon pang 1998 ay ipinapatupad na ito. Dahil dito ay nalikha ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), ang pangunahing government agency na nagtataguyod ng sistema ng Intellectual Property sa bansa.

Ano ang mga moral right ng author?

Ayon sa IP Code of the Philippines, Section 193:
-ang author ay may karapatan na ma-attribute sa kanya ang kanyang inakda.
-ang author ay may karapatan na baguhin ang kanyang akda bago ito ma-publish, may karapatan din siyang hindi ipa-publish ang kanyang akda.
-ang author ay may karapatan na tutulan ang anumang pagbabago o mutilation o iba pang modification na may kinalaman sa kanyang akda na maaaring makaapekto sa sarili niyang dangal o reputasyon. Maaari din siyang tumutol sa anumang derogatory action, kung ito ay may kinalaman sa kanyang akda.
-ang author ay may karapatan na tumangging ilagay ang pangalan niya sa anumang akda na hindi naman siya ang gumawa. May karapatan din siyang tumanggi sa paglalagay ng pangalan niya sa isang distorted na bersiyon ng kanyang akda.

Ano ang mga economic right ng author ayon sa IP Code?

Sabi sa Section 177…

1. Karapatan ng author (at ng author lamang) na i-reproduce ang kanyang akda o ang malaki/importanteng bahagi ng kanyang akda.
2. Karapatan ng author (at ng author lamang) na i-transform ang kanyang akda sa iba pang anyo. Halimbawa ay ang dramatization, pagsasalin, adaptation, abridgment, at iba pa ng kanyang akda.
3. Karapatan ng author ang unang public distribution ng orihinal (kung ito ay mga painting at sculpture) at bawat kopya ng akda (halimbawa ay mga aklat) sa pamamagitan ng pagbebenta nito o iba pang anyo ng pagta-transfer of ownership.
4. Karapatan ng author ang pagpaparenta ng orihinal o kopya ng pelikula, musika, o software.
5. Author lang ang may karapatan sa public display ng orihinal o kopya ng akda.
6. Author lang ang may karapatan sa public performance ng akda.
7. Author lang ang may karapatan sa anumang uri o paraan ng komunikasyon ng kanyang akda sa publiko.

Ano ang reproduction right?

Ang reproduction right ay ang exclusive right ng authors ng mga literary, scientific, and artistic work para magbigay ng awtorisasyon sa publishers o iba pang entity na gumawa ng mga kopya ng kanilang mga article, libro, drawing, retrato, at iba pang akda.

Ang reproduction right ay isang exclusive right, ibig sabihin, ito ay private right ng author. TANGING ANG AUTHOR lang ang may kapangyarihan na magbigay ng authorization sa kahit na sinong tao o entity para gumawa ng mga kopya ng kanyang mga akda.

Ang right na ito ay nakasaad sa IP Code of the Philippines.

Kung lahat ng ito ay exclusive rights ng author at ng author lamang, paano na ang iba pang tao na gustong gumamit o di kaya mag-transform ng akda ng author?

Kailangan nilang magpaalam sa author. Kapag ang author pa rin ang copyright owner, siya pa rin ang magbibigay ng permit. Ngunit kung in-assign na niya sa iba ang ilang karapatang iyan o ang lahat ng karapatang iyan, doon na hihingi ng permiso, hindi na sa author.

Kung walang permiso ang paggamit, ilegal ito, maliban na lamang sa iilang exception na naaayon sa batas.

Puwede bang imbes na tao ay organisasyon ang piliin ng author para pagkalooban niya ng awtorisasyon?

Puwede naman. Sabi sa IP Code, Section 183: Ang mga copyright owner o ang kanilang mga tagapagmana ay maaaring mag-designate ng isang society (o organisasyon sa karaniwang pananalita) ng mga artist, writer, o composer para ipaglaban ang kanilang economic at moral rights.

Ano ang collective management at ano ang connection niyan sa aming mga manunulat?

Ang collective management ay ang kolektibong pagma-manage ng mga copyrighted na akda. Masyado kasing marami ang users ng mga copyrighted na akda. Milyon-milyon. Masyado ring marami ang authors. Kung iisa-isahin ng mga user ang mga author para makahingi sila ng permiso sa pagpo-photocopy ng lahat ng kanilang akda, ubos ang panahon nila, ubos pa ang resources nila. Kung iisa-isahin naman ng mga author ang paghahabol sa lahat ng nagpo-photocopy ng kanilang mga akda sa ilegal na paraan, ubos ang panahon nila, ubos pa ang resources nila. Hindi sila makaka-concentrate sa pagsusulat at paglikha ng mga panibagong akda.

Dahil sa collective management ng copyright, nagkakaroon ng solusyon ang problemang laganap at massive na pagpo-photocopy ng mga copyrighted na akda.
Subok na ito sa buong mundo.

Ang mga organisasyon na ito na collective management ang pokus ay tinatawag na collective management organizations o CMOs.

Sana makatulong ito.

Wednesday, November 30, 2011

Bungad


Ito ang first art exhibit ni EJ. Puntahan po sana ninyo. Sa Conspiracy Garden Cafe, Visayas Ave., Quezon City. Thank you kay Beng Limpin sa pag-imbita kay EJ para makasama ang work niya rito.

Till Dec. 9 po ang exhibit. Ang title ng kay EJ ay Gift of the Sea. Isang landscape na drowing at may mga saknong ng tula sa buong work. Bond paper size ang kanyang work.

See you!

PS Kaya nga pala Bungad kasi lahat ng sumali dito ay first time mag-art exhibit.

Tipid Tip 3

Magbaon ng tubig. Mahal ang bumili ng inumin sa labas. Kinse pesos to as much as thirty-five. Wala nang sampung pisong inumin ngayon sa kalsada.

Laos na ang ice tubig na P2.00. Lahat na yata ay nakabote. (Baka next na, bottled air).

Pag nag-711 ka, mapapabili ka pa ng something bukod sa inumin.

Kahit sabihin mong hindi ka uhawin na tao, bakit, inumin lang ba ang misyon ng tubig sa buhay niya? Puwede rin siyang panghugas ng kamay, pantanggal ng dumi sa mukha at pambasa ng tuyot na glue sa sarahan portion ng mailing envelope.

Thursday, November 24, 2011

Tipid Tip 2

Alamin kung paanong pumunta sa pupuntahan.

Dati, parang nawiwirdohan ako sa boss ko kapag inaaral niyang maigi at nire-research ang pupuntahan namin. May idea ako kung saan kami pupunta pero ayaw niya ng ganon. Ayaw niya ng vague. Gusto niyang makita kung ano ang mga katabing kalye, saan ang entrance ng building at iba pa.

Weird-weird, di ba?

Pero na-realize ko, tama siya. Praktikal lang. Kapag mag-isa lang ako at hindi ko alam ang pupuntahan ko, kumbaga vague knowledge lang din, nauubos ang pamasahe ko sa kakasakay sa mga maling sasakyan.

Noong nag-exam si EJ sa Pisay, ang inilagay ko ay ang address ng nanay ko sa Las Pinas. Kaya naman, ang venue ng exam niya ay hindi sa Pisay QC kundi sa Paranaque Science High School. Ang nakalagay na address sa exam permit ni EJ ay Paranaque National High School, San Dionisio, Paranaque.

Sabi ko, alam ko na 'to. Ito malamang 'yong school sa tabi ng St. Andrew's at katapat ng St. Paul Paranaque.

Lumarga kami mga 6:00 ng umaga.

Siyempre, naligaw kami. Antanga ba naman ng magulang?

Ipinilit ko sa jeepney driver na 'yong alam ko ang tama. Kahit na sabi niya, ito daw 'yong nasa Olivarez. Along Sucat Road. Kako, hindi naman San Dionisio ang area na 'yon. Ang San Dionisio, e itong nasa La Huerta.

Pagdating namin sa Paranaque High School na nasa La Huerta nga, ang sabi ng napagtanungan namin, Annex lang 'yon. At saka, anya, hindi lang daw kami ang nagkamali. Marami na raw ang nanggaling doon earlier.

Pinasakay uli kami ng dyip papunta doon sa tamang location. Tatlo pa naman kami. Ako, EJ at Poy. Sayang sa pamasahe talaga.

At nakaka-tense, in fairness. Ako na hindi naman mag-e-exam, e tensiyonado, si EJ pa kaya?

Wawa.

Kaya, alamin ang pupuntahan. 'Wag magdunung-dunungan. 'Wag mag-rely sa vague na alam. Mas sakto, mas okey. Mas mura ang mag-Google Earth (kung sino ka mang nakaimbento niyan, salamunch po.) at walang bayad ang magtanong sa lahat ng puwedeng pagtanungan. Tipid na, convenient pa!

Tipid Tip 1

Maging maaga.

Kapag nale-late ako, pansin ko lang, mas napapagastos ako sa pamasahe. Kahit puwedeng lakarin, tina-tricycle ko kasi nga late na ako. Kahit puwede namang idyip o kaya i-MRT, tina-taxi ko kasi mas mabilis. Kung nag-allot lang sana ako ng sapat na panahon para makabiyahe, hindi sana ako gumagastos nang extra sa mga trike at taxi na 'yan.

Tuesday, November 22, 2011

Exhibit Notes para sa Tanglaw


ni Beverly W. Siy

Dalawang magkaibang mundo ang itinatanghal sa Tanglaw. Ngunit sa unang sipat lamang magkaiba ang mga mundong iyan. Kapag sinuri nang maigi, magigisnang magkatulad pala ang kanilang mga ipinapakita.

Ada ang paksa ng apat na likhang-eskultura. Ayon sa artist na si Doris G. Rodriguez, naging inspirasyon niya para sa koleksiyong ito ang mga fairy tale na binasa noong bata pa siya. Magaan daw ang kanyang damdamin sa mga nilalang na ito. Light kumbaga. Kaya raw tamang-tama ang terminong Tanglaw.

Nasa iba't ibang estado ang kanyang mga ada. Sa "Muli," wari ay galing sa pagsisid sa pusod ng dagat ang ada. Saktong pag-ahon niya ang siyang ikinulong ni Rodriguez sa kanyang akdang-sining. Ang resulta ay pagbibigay-liwanag sa sino mang makakita nito. Pagbibigay-pag-asa na anumang lalim at dilim ng iyong pinanggalingan, basta't langit ang titingalain, makakaahon ka rin.

Sa "Panaginip" naman, madaratnang natutulog katulad ng fetus ang isang ada. Walang takot at walang katensiyon-tensiyon sa kanyang kabuuan, isang estadong pinapangarap nating lahat, lalo na kung ang kinalalagyan natin ay isang batong kapiranggot na nga ay pauga-uga pa. May kinalaman marahil ang ginto niyang mga pakpak, handang ilipad siya sa ere anumang saglit na pasukin ng pagkabagabag ang kanyang isip.

Gayundin ang makikita sa "Ngayon" kung saan isang ada na may buntot ng isda ang nagpapahinga sa ibabaw ng isang chopping board. Matataos dito ang konsepto ng impermanence. Bagama't kampanteng nakapahinga ang siko ng ada ay nakataas naman ang kanyang buntot at para bagang sinasabing hala, tingin dito bago ako muling sumibad sa langit. Maging ang pagkakapuwesto ng chopping board sa dingding ay isa ring statement sa impermanence. Patagilid. Kaya puwede itong mahulog, puwedeng mag-slide ang ada. Bigla-bigla. Posibleng mawala at masira ang lahat anumang oras. Isang napakamalikhaing paraan ito ng pagdiriwang sa kasalukuyan. Sa "Ngayon."

At ang pinakamagaan sa lahat, ang "Pasasalamat." Tampok dito ang liyad ng adang mukhang tuwang-tuwa sa dinaranas niyang kalayaan. Kalayaan sa paglipad, sa simpleng pamamasyal sa ere. Mga bagay na dapat nga namang ipinagpapasalamat. Ng kahit na sino. Ang gintong pakpak ay malikot at paikot-ikot na ruta ng isang kumakawala sa landas. Ang arko ng hubad na katawan ng ada ay katumbas ng ngiti ng isang paslit. Ang paang nakataas, magaan na magaan dahil sa ligaya, ang damdaming sumisibol mula sa kalayaan, mga dahilan ng pasasalamat, ito ang mga nagsisilbing Tanglaw.

Samantala, sa kabilang dako ng exhibit, makikita ang exact opposite ng mga akdang-sining ni Rodriguez. Madilim, magaspang, malungkot. Ganyan sa unang tingin ang mga akdang-sining ni Vivian Limpin para sa koleksiyong ito.

Muli’t muli ka tuloy na mapapatingin. Ay, bakit Tanglaw? Kadiliman, kagaspangan at kalungkutan nga lang ba?

Nagtataglay ng kulay ng ligalig, hagod ng panganib, mga peleges o kulubot, patak-patak ng dalita ang buong koleksiyon. Maaaring sa akdang sining na Night Falling, hindi lamang kadiliman ng gabi ang nagbabadya kundi isang bagyo. Nag-uumalpas ang galit. Lagpas sa canvas. Gaano kaya kataas ang bahang idudulot nito?

Mayroon ding estruktura ng bahay. Bagama’t itim, maliit, nasa isang sulok lamang, madarama naman ang katatagan nito dahil nagpaulit-ulit ang imahen sa buong koleksiyon. Dagdag pa, may alay ang munting bahay na ito higit sa kanyang kaitiman, kaliitan at pagiging nasa sulok. Sa akdang Harbor, hindi na makikilala ang estruktura kung hindi dahil sa tanglaw na nagmumula sa bintana ng bahay. Ito ang pinanggagalingan ng liwanag sa buong akda. Ang tanglaw na ito ang silakbo sa bawat bahagi ng koleksiyon. Ang pag-asa.

Dahil sa katangiang ito, maituturing na tahanan ang estruktura. Pakatitigan mo ang tahanan at hindi ka maliligaw sa bawat akdang sining. Pakatitigan ang tahanan at di ka matitinag kahit ano pang ligalig ang dumating, panganib, dalita, ang pinakamalupit mang bagyo.

Malinaw mong makikita, pag-asa ang paksa ng buong koleksiyon ni Vivian Limpin. Na biktima ng Ondoy. Lumubog ang bahay nila, sa Cainta, noong 2009. Lubog ang kanyang mga aklat, retrato, camera, canvas, mga gamit sa pagpipinta. Ang mga akdang sining niya. Lahat.

Lalong-lalo na ang sarili niyang kaluluwa.

Saka ka mapapatango. Sa puntong ito, inaasahang madarama mo ang dahilan, mauunawaan kung bakit nga ba kalahati ng Tanglaw ay kanyang mga akda.

Dalawang magkaibang mundo nga ba ang itinatanghal sa buong exhibit nina Rodriguez at Limpin? Hindi. Iisa lamang. At ito ay walang iba kundi ang mundo ng pag-asa. Mundong hindi kailanman mapaparam. Dahil ang tao ay lagi't laging mangangailangan ng Tanglaw.

Ang Tanglaw art exhibit ay makikita po sa Conspiracy Garden Cafe, katapat ng Shell Gas Station, Visayas Avenue, Quezon City sa buong buwan ng Nobyembre 2011. Libre po ang entrance sa art exhibit.

Ang mga imahen sa blog entry na ito ay ipinost dito nang may pahintulot. Hindi ito maaaring i-repost nang walang pahintulot ni Vivian Limpin.

Integrity in Action for Thomasian CPAs

by Aryane Uy as told to Beverly W. Siy

Thomasian CPAs are simply different. And it is all because of the word Thomasian.

It has lots of meanings.

Brilliance is one of them. UST is number two among the top performing schools for October 2011 CPA Licensure Exams, (in case you haven’t heard yet).

The word Thomasian also means competence, compassion, and commitment. The 3-Cs.

Let’s look for integrity in action through the 3-Cs. Let’s start with the first C.

Competence can also be in the guise of excellence. Thomasian CPA is always in the pursuit of excellence. Trabahong ‘puwede na’ has no slot in this profession. Same with sloppiness. Short to perfection, if not perfection, is always the aim. Therefore, time management is vital.

As an accounting student, I go to class on time not only as respect to my classmates and of course to my professors and to my co-workers in the future but because I believe that the lectures I might miss due to tardiness can cost me a fortune. Being excellent is also about perception. Opportunities are everywhere even in small things like ten minutes of a professor’s lecture.

I submit my projects and assignments on time as well. If you do not give enough time for a project or an assignment, errors or mistakes will hound your work. Ugliness and dirt will creep in. Cramming should never be in a Thomasian CPA’s vocabulary. A work that is not neat and pestered with errors is far from the truth. To be an excellent CPA, one must always present the truth. So to be able to do this, a Thomasian CPA must master time management.

Speaking of truth, I also make sure that all my dealings are in favour of the truth. I am very conscious about this because I have made a decision to become a CPA someday. And this profession demands truthfulness and honesty from those joining the bunch. To top it all, I have made a decision to graduate from UST. More is expected from me. What makes Thomasian CPAs more in demand in the industry is the values that go with the word Thomasian. Remember the 3-C s?

I have to uphold these 3-Cs as well.

There are some students who ask for money from their parents for the required books in school. They jack up the price to gain extra money for themselves. I don’t do this kind of gimmick. In fact, I hate it.

I’m also honest whenever I take an exam. I don’t cheat. And won’t cheat ever. Sometimes, my score is higher than what it’s supposed to be. I approach my professor so he/she can record the correct number of points.

I’m very aware that corrupt and dishonest people don’t start with something big. They start with cheating during exams or copying a classmate’s work. They start with stealing small amount of money from their parents or older siblings. If a CPA has very loose moral fiber during his/her college days, there is a fat chance that he/she can easily fall into corrupt and dishonest work someday.

Excellence also means a high degree of respect in one’s work. Contrary to the belief that something will flourish if we pour love onto it, I think it’s really the respect that makes something flourish. For example, whenever I face a profit and loss statement, I treat every detail with respect. Because I know these details represent other people’s hard work. So I’m ultra careful to the point that I just don’t double check everything after I am done with it, I triple check it. I respect other people’s work. I respect mine. By doing so, I think my work gets a life of its own and soon earns respect from classmates and professors. And from colleagues and superiors in the future.

The next C is compassion.

Thomasian CPAs’ integrity can also be seen in action through provision of service to others. One of UST’s missions is to hone its students so that they will always serve the poor and the marginalized members of society.

One of my idols is Miss Universe 2011 3rd runner up Shamcey Supsup. Beauty and brains. She is very hard working, persevering and a down to earth person despite all her accomplishments (finishing magna cum laude in UP and topping the licensure exams for architects last year). Most importantly, she helps people who are in need.
During the Miss Universe competition, she was one of the contestants who joined the Operation Smile Medical Mission in Brazil. In the local scene, she did some volunteer work last October 9, 2011, right after her win in the glamorous competition. She immediately joined the ABS CBN relief operations in Bulacan to help the victims of typhoon. I bet she has more volunteer works that are not yet publicized.

I believe that the willingness to share one’s blessings is part of integrity. I join volunteer works whenever I can. Sometimes I go with my friends (which is more fun really), sometimes I go with my family. Helping can broaden one’s horizon and it can make someone be aware of the injustices that happen because of dishonesty and corruption. A CPA should not just be curled up in the world of business transactions and cost accounting reports. There is a vast resource of inspiration for hard work and honesty in volunteering and advocacy work.

I also like the fact that Shamcey Supsup hails from General Santos. She is probinsiyana, just like me. I’m from Mindoro. I’m often called probinsiyana. That word connotes being naïve, shy and passive. But I am not like that. And so are the many probinsiyanas in the country like Shamcey Supsup. It’s also being compassionate when we avoid labelling other people. And one of the better ways to stop these labels in spreading is by proving others wrong. I do my best especially with the things I love. For example, problem solving, looking for the figures for this and that kind of transaction and analyses of debits and credits. I know I represent my kapwa-probinsiyana most of the time so I always put all my heart into my work. This is integrity and Christian compassion at its best.

The last C is commitment.

I didn’t really like to be a CPA when I was younger. I mean, I didn’t dream of being one. It was my parents who wanted me to become a CPA. One of their reasons was the pay. I was half-hearted when I first stepped into this college.

But now, as a second year student, I have come to realize that I was really meant to be here. Even though I get jelly knees during exam and jelly head during sleepless project nights, with the help of my passionate and committed professors, I have learned to love (and hate and love and hate) everything about accounting. I get high with general accounts ledger, billing invoices , accounting policies, payroll entries and financial databases. I know it sounds geeky but it’s true.

Being a student is difficult. Being an accounting student is more difficult. But being a professor at UST College of Accountancy (!) is surely the most difficult of all. Teaching and being in the classroom are just two parts of being a professor. It also involves preparation and checking of exams, recording the grades, beating deadlines in encoding the grades and many more. And of course, enduring the flood during rainy season! They can apply for a position in other “floodless” universities here and abroad but they just don’t do it. They choose to stay.

So I am very grateful that our professors here in the AMV College of Accountancy are all committed to share their wisdom and inspire all of us students. Their unwavering commitment is an integrity in action.

They are led by the ever amazing Dean Minerva Cruz, my idol because she spills out the best analyses in the house and works so hard to produce the best CPAs in town in the past few years.

Kaya naman nahawa na ako. I am resolved to continue performing my duties as a citizen of our country even as I graduate. I know I can be a good leader. I can also be a good public servant. During a lecture of one of my professors, I have come to understand why corruption pervades in the government.

It is because people give their nod to candidate/politicians who promise to take all the responsibilities like custody, record-keeping, authorizations of cash transactions and many more. It’s easier for them to cash in because they have the power and the means to mangle the records.

This kind of knowledge and more, I plan to use as a tool to help in the development of my country and fellowmen. All the competence and compassion are useless if one is not committed to something.

Someday, I may experience more difficulties that could cause me jelly knees, jelly head and even jelly body but I won’t give up. I will be persistent in upholding the professional standards I have seen in my professors. I will always strive for the better no matter what it takes.

That is deep commitment, no less.

All of the certified public accountants in the whole world have been college students before. Yeah, just like everyone of us. Molding of one’s personality and values at this stage, the college arena, is a big factor and therefore, will make a big impact in the professional life of a CPA. It can make or break a CPA, actually.
So I challenge everyone to help our beloved alma mater be successful in its mission every single moment. And that is by staying competent, compassionate and committed right now and in our upcoming Thomasian CPA days.

Thank you.

References
Mission and Vision. ust.edu.ph
Article written by author/admin. Miss Universe 2011 3rd runner up Shamcey supsup now a certified kapamilya from mint screen.com.
Article List of Miss Universe 2011 Candidates now on São Paulo, Brazil from Pinoy-thinking.blogspot.com


First time kong sumulat ng oration, anak ng teteng. at sa Ingles pa! Si Aryane po ay kamag-anak ng jowa ng kapatid kong si Insiyang. Hello, Dilat!

Monday, November 21, 2011

YA pala, ha?

Dear Mam, Thank you po.

Narito po ang aking mga sagot:

Dear Clarissa, Bebang and Samantha,

....

Here are some questions that may be asked during the forum. You may also wish to tackle them in your talk and/or narrate how you developed a certain story that addresses young adult readers.

What sorts of books did you enjoy as a girl?

Noong mga Grade 2 at Grade 3 ako, religious readings. Kasi 'yon ang pinakanaaalala kong binabasa namin sa Catholic kong eskuwelahan. Naalala ko ang mga drowing ng Satan at mga angel. Naalala ko rin ang hitsura ni Mama Mary at ni Jesus. Naalala ko ba ang mga kuwento? Hindi.

Noong Grade 4 ako, nakatira ako sa bahay ng nanay ko sa Paranaque at nag-aaral sa public school, ang binabasa ko ay 'yong mga nakakalat na diyaryo sa bahay namin. Ang mga diyaryo na ito ay pagmamay-ari ng pinsan kong security guard. Abante Tonite. Binabasa ko ang Xerex. Nalilito ako sa mga sinasabi ng author no'n. Hindi ko kasi akalain na bastos pala. Kasi parang tungkol sa armas, bolpen o lapis na matulis, bulaklak at saka kuweba-kuweba. Akala ko pa naman adventure.

Noong Grade 5 pataas, bumalik ako sa bahay ng tatay ko sa Maynila. Tambay ako lagi ng department store na Robinson's. Nandoon ang mga libro kasama ng stocking, lipstick, bag, sapatos at mga barong. Basa ako nang basa ng Sweet Valley Twins kasi 'yon 'yong binabasa ng mga kaklase ko. Nasa private school na ako neto. Tuwang-tuwa ako kasi ang sososyal ng mga tauhan. Saka tungkol lang lagi sa mga crush ang problema nila 'tsaka kung ano ang suot ng mga kaklase nila. Kako, okay 'to. Malimutan ko lang saglit ang mga pinoproblema namin sa bahay, ayos na rin.

What inspired you to begin writing?

'Yong pinakauna talaga? Palagay ko 'yong kapatid kong si Colay. Nabasa ko 'yong diary niya. Siyempre, pag kapatid mo, me diary, babasahin mo. E, ba't ba naimbento ang salitang maldita?

Tapos aasarin ko siya tungkol sa laman ng diary niya. Tapos magsasabunutan kami. Hahawakan ko ang makapal niyang buhok tapos iikutin ko ang kamay ko para 'yong ulo niya sasabay sa twist ng kamay ko. Kung hindi, iiyak siya sa sakit.

Pero nalungkot ako no'ng minsang makabasa ako ng tula niya tungkol sa paghihiwalay ng magulang namin. Siya rin pala, kako, apektadong-apektado. Hindi lang halata. Tapos nalungkot din ako kasi siya, nakakasulat ng tula, ako hindi. Kaya nagsulat na rin ako.

Pero diary entries lang din. Pinapaganda ko nang husto 'yong penmanship ko sa diary ko. Tinamad na tuloy akong magsulat. Antagal kasi matapos ang isang page. Pa-curl-curl pa ang mga letra ko, e. Arte.

Tapos no'n, nakabasa ako ng isang literary folio ng pinsan ko. Na taga-Chiang Kai Shek. Me tula siya do'n. Ang pamagat, Kisapmata. Tapos may pangalan niya. Sabi ko, ayos 'to, a. Ando'n ang pangalan niya. Gusto ko rin magkagan'to.

Mula noon, nagsulat na 'ko. Kaya sa tula rin ako nagsimula. Nagpasa ako sa Batubalani yata 'yon o Saranggola? Basta 'yong supplementary magazine sa eskuwela. 'Intay ako nang 'intay ma-publish. Hindi na-publish.

Could you please share with us some information about your early years and how they have impacted you as an author?

Mababasa po sa librong It's A Mens World ang sagot ko rito. Siguro din malaki din ang pagnanasa kong mabigyan ng tribute ang nanay ko para sa lahat ng paghihirap niya, kaya nagsusulat ako. Karamihan sa mga isinusulat ko ay tungkol sa struggle ng babae. Either naranasan ko or ng nanay ko.

Could you tell us about your own path to publication?

Dahil tuwang-tuwa ako na nakikita ang byline ko, sinisikap ko talagang ma-publish ang mga gawa ko. Ako ang naghahanap ng mga opportunity. Hindi ako naghihintay. Nagbabasa ako ng mga bulletin board, ng mga call for submission, nagtatanong-tanong ako. Makapal kasi mukha ko at malakas ang loob. Ba, kahit gan'to ako, alam ko naman kung ano ang maio-offer ko sa mundo.

Kapalmuks kahit no'ng bata pa 'ko.

Noong Grade 6 ako, sumulat ako ng tula tapos pinasa ko sa campus paper. May na-publish na dalawang tula na may byline ko, Ingles ang tula. Hindi ako ang may gawa. E, wala naman akong kasalanan doon. Hindi ko alam kung natuwa ako o nalungkot. Hanggang ngayon, hindi ko alam. Ang damdamin ko at kung sino 'yong orihinal na writer ng mga tula na 'yon.

Pagtuntong ko ng high school, gusto ko pa ring magsulat at ma-publish. 'Yon talagang work ko na siyempre. Pero hindi umuubra ang galing ko sa Filipino at lalo na sa Ingles. Ka-fu-fluent ng mga kaklase ko, e.

Kaya ang ginawa ko ay puro spoof na lang ng campus paper. Ako ang nagsusulat, nag-e-edit, nagle-lay out at nagpa-publish na rin. Sa halagang P2.00, magkakaroon ka na ng kopya ng spoof na gawa ko. Photo-photocopy lang. Pero 'onti lang ang bumili. Hindi elibs ang mga kaklase ko sa mga ginagawa ko no'n. Puro kasi joke lang ang laman ng spoof, e.

Kung may nakapagtago kahit ng isang kopya ng spoof na ito, bibilhin kong talaga. Sa halagang tatlong piso. Joke. Sa halagang sampu.

Many writers describe themselves as "character" or "plot" writers. Which are you? What do you find to be the hardest part of writing?

Pareho. Minsan, character. Minsan, plot. Ang importante kasi para sa akin, may gamit ang plot sa character at may gamit ang character sa plot. That way, lahat ng detalyeng gagamitin mo sa kuwento o sa akda, may saysay at hindi basta pampuno lang ng pahina.

Hardest part of writing para sa akin ay ang umpisa. Napakatagal kong mag-conceptualize. Pero kapag nariyan na, tuloy-tuloy na 'ko. Kaya naiinis ako kapag nai-interrupt ako sa pagsusulat. Kasi minsan, nawawala 'yong natural na flow ng mga ideya. Madalas akong malipasan ng gutom. Nami-miss ko tuloy ang nanay ko kapag gan'to, kasi kapag nando'n ako sa bahay niya, ipinaghahanda niya 'ko. Sulat, kain, sulat, kain lang ako. Sarap-buhay.

What would you like to say to writers who are reading this interview and wondering if they can keep creating, if they are good enough, if their voices and visions matter enough to share?

Ikaw, writer, kahit sino ka pa, importante ka. Importante ang ideas mo. Importante ang naiisip mo, nararamdaman mo at ang paraan mo ng pagsasalita at pagsusulat. Kaya kung ako sa 'yo, i-master mo ang basics as soon as possible, 'yan, grammar, spelling, structure, tapos sumulat ka ng top ten na pinakagusto mong bagay sa buhay mo. Tapos top ten ng pinakaayaw mong bagay sa buhay mo. Kung mahilig ka sa basketball, sumulat ka tungkol sa basketball. Kung pinaka-hate mo ang pumasok sa eskuwela kapag umuulan, sumulat ka tungkol dito. Kahit pa akala mo maliit na bagay at hindi papansinin 'yan, isulat mo. Sulat lang nang sulat. Ilagay mo ang buong puwersa ng mga red blood cell at white blood cell mo sa isinusulat mo. 100% of yourself kumbaga. This way, makakagawa ka ng superb na akda.

Tingnan natin kung hindi ka mahalin ng unang taong makakabasa sa produkto mo.

Do you have another story on the boiling pot?

Another book po. Collection ng mga problema at advice tungkol sa pag-ibig, relasyon at sexuality. So definitely pang mas matandang audience. Pero love ko ang pagsusulat para sa YA kaya I will be back very soon. With a vengeance.

Yakap at kiss,
Bebang

Friday, November 18, 2011

All Because of Literature

All Because of Literature
written by Beverly W. Siy


The 2nd Manila International Literary Festival entitled The Great
Philippine Book Café was a huge success. It was held at the Ayala
Museum, Makati last November 16 to 18, 2011. Writers, publishers,
reading enthusiasts, artists and interested individuals flocked to
Ayala Museum every single day of the Fest.

Keynote speech entitled Where in the world is the Filipino Writer? was
delivered by no less than the great critic and researcher Resil R.
Mojares of Cebu. Two Pulitzer Prize winners Edward P. Jones (The Known
World, 2004) and Junot Diaz (The Brief Wondrous Life of Oscar Wao,
2008) flew in from the US just for this event. They talked about
writing from the margins. Both of them are from minority backgrounds
in the US and yet their works were able to penetrate the mainstream of American
publishing. In the next few days, Jones and Diaz met and talked with
the Filipino audience (mostly writers as well). Book signing after
their talks were also held.

On the first day, the following topics were discussed by experts from
different parts of the country and from abroad: novel writing, hunting
manuscripts and selling them to the publishers, world book market,
world readership, putting literature within context, literary theories
and more.

On the second day, writing away from home, cross-cultural experiences,
literature that offends, assessment of the Philippine book industry,
writing for young adults, reaching women readers, writing crime,
horror and suspense, Philippine children’s literature for the world,
writing memoir, features for folktales, myths, legends in fiction,
many forms of the novel, being a bestseller and writing non-fiction
were tackled.

On the third and last day: writing about war/conflict, writing in the
regional language, mentoring the writer, the many poetic forms,
transforming literature into movies, bringing literature to life by
different media and the traditional bonding/family moment, strategies
to make kids love reading, promotion for the books and
the authors, humor writing, the basics of fiction and non-fiction
writing were discussed.

The atmosphere was strikingly similar to that of the fiestas.

Indeed, it was a very productive and creative (and of course,
colourful) way to show the world that Filipino writers and the
Philippine publishing industry have excellent products and they need
help to get their works out there in the global arena.

The event was organized by National Book Development Board headed by the
indefatigable Atty. Andrea Pasion-Flores with support from Filipinas
Heritage Library, Philippine Airlines, National Book Store, Penguin,
Central Books, Vibal Foundation, Book Development Association of the
Philippines, Ayala Museum, Manila Bulletin and the Embassy of the US
Manila.

Filipinas Copyright Licensing Society or FILCOLS joined the
celebration of the Philippine Book Development Month (through the
aforementioned event). FILCOLS Executive Officer for Membership and
Documentation Beverly W. Siy came as a speaker and as a participant as
well. Her sessions included: When Literature Offends, Writing the Woman
Reader and What's so Funny (humor writing).

This is how a sweet November transforms into the busiest month of the year. And all because of literature.

For queries, reactions and suggestions, please email filcols@gmail.com

Liham

Sobra talaga akong natuwa sa sulat na ito. Galing kay Faye.

Nakilala ko siya noong book signing ng mga Anvil author sa Manila International Book Fair. Pagkaraan ng ilang araw, natanggap ko ang message na ito through FB. Nakakatunaw ng taba este ng puso. Bakit? Kasi galing sa kapwa nanay.






Hi, Bebang.

Katatapos ko lang basahin ang 'yong librong "It's a Mens World" at masasabi kong nagustuhan ko ito nang todo. naaliw ako sa 'yong pamamaraan ng pagkuwento ng 'yong pakikibaka sa buhay. Natawa ako sa ilang bahagi, bagama't may sundot sa bandang huli ng mga entries na 'to. Di miminsang nakaramdam ako ng mas malalim na kurot sa puso, lalo na para sa batang Bebang.

Nabili ko ang libro no'ng hapon ng Sabado sa International Book Fair. Kasama ko ang aking 8-yr-old daughter na si Luce, at nagpa-autograph pa kami sa 'yo. Nasabi mo pa ngang hindi akma ang libro sa kanya, at sumang-ayon naman ako. Kako pa, babasahin niya ito paglaki niya. (Malamang, pag nagka-mens na siya.)

Pero sa isang banda, parang akma na rin 'to sa anak ko, indirectly nga lang. Kasi, sa mga entries na nagkuwento ka tungkol sa 'yo at sa 'yong Mami, para bang nai-imagine ko kami ng anak ko. Nakakuha ako mula sa 'yo ng dagdag insights mula sa perspective ng batang babae. Naisip ko, ano naman kaya ang naiisip o nararamdaman ni Luce pag pinagagalitan/pinagsasabihan/atbp ko siya? Ano kaya ang mananahan sa kanyang puso't isipan hanggang sa kanyang paglaki? Baka 20 yrs from now, siya naman ang susulat ng librong kagaya ng sa 'yo, ano naman kaya ang ikukuwento niya tungkol sa 'kin, sa 'ming dalawa?

Nakuwento ko na nga sa mister ko ang ilang entries mo. At malamang, sa mga susunod na araw, ikukuwento ko rin kay Luce, simplified version nga lang, pambata kumbaga.

Congratulations sa 'yong libro. Tiyak, bukod sa akin ay marami pang susulat sa 'yo para batiin ka. (Alam mo, "Bebang Siy" ang una kong sinearch dito sa FB. Para kako hindi ako matulad kay Penpen na naghanap sa 'yo sa Friendster. Ngek, buong pangalan mo pala ang nandito.)

Sana'y magkaroon kayo ng happy ending ni Ronald. "Produkto ng pagmamahal" ang kanyang sinulat nang pumirma siya sa tabi ng kanyang pangalan. Sweet naman. Sana, sa book two mo, maikukuwento mo na ang kakaibang proposal niya sa 'yo.

Para sa patuloy na pagsulong ng panitikan, go, go, go, Bebang!

Regards,
Faye

PS
Napansin kong common friends natin sina Ariel Tabag at Naomi Tupas. Small world nga talaga, ano? Tulad ni Ariel, ako rin ay Ilokano, at matagal na akong may utang sa kanila sa Bannawag Magasin para mag-submit ng short story sa Ilocano. Tulad ni Naomi, ako rin ay isang manunulat, bagamat wala pa akong sapat na kalipunan ng mga akda dahil mas nangingibabaw ang procrastination kaysa sa excitement sa pagsusulat.

Pagkatapos kong basahin ang 'yong libro, Bebang, nai-inspire akong muling magsulat.

Maraming salamat sa paggising sa aking diwa, sa aking pagmamahal sa panitikan, sa aking pangarap na maging isang ganap na manunulat.

five tips

Ito ang binasa ko kaninang umaga sa session na Writing for the Woman Reader. Kasama ko si Tweet Sering. At si Mam Anna Sobrepena, ang aming moderator.

Five Tips sa Pagsusulat para sa Babaeng Mambabasa

ni Beverly W. Siy

Malaking pagkakataon ito sa mga popular writer na tulad ko. Bibihira kaming magkaroon ng chance na makapagsalita sa ganitong audience: ‘yong mga nagpupunta sa literary festival. Wow talaga. Kasi ang laging naipapadala sa mga ganitong event ay ‘yong mga manunulat na inaaral sa eskuwela.

Kaya naman, maraming salamat sa NBDB sa pamumuno ni Mam Andrea Pasion-Flores. Salamat din po sa lahat ng entity na sumuporta sa proyektong ito. Dahil sa inyo,
andito kaming mga poplit writer!

Anyway, eto po ang five tips sa pagsusulat para sa babaeng mambabasa:

1. Don’t forget the details – Mahilig tayo sa detalye. ‘Yan ang dahilan kung bakit sa mga manufacturing plants ng maliliit na bagay halimbawa ay microchips, babae ang mga empleyado. Kasi ultimo ‘yong maliliit na bagay, napapansin TALAGA natin. Noong bata ang anak ko at inihahatid ko pa siya sa eskuwela, lumuluhod ako sa bangketa para ayusin ang maling pagkakatupi ng medyas sa kaliwang paa. O di kaya ay papantayin ko ang mga medyas niya. Kapag bumibili ako ng bigas, chine-check ko ang butil. Dadakot ako at pagkatapos ay ibubuhaghag ang mga butil sa aking palad. Ang lalaki, kapag bumibili ng bigas, sasabihin lang ang presyo ng bigas na gusto niyang bilhin. ‘Yong tigti-thirty three pesos nga, sabay abot ng bayad sabay talikod sa bigas. Ni ayaw hipuin. Ni ayaw ituro ang bigas.

Eto pa ang ebidensiya: ang ibang babae (madalas kong makasabay ito sa MRT), maingat pa ngang naglalagay ng mascara sa pilikmata. Sa bawat isang pilikmata. Sa bawat isang pilikmata sa ibaba ng mata. Pati ang mga ito, napapansin. Napapagdiskitahan. Minsan, nagkakadikit-dikit ang mga hibla, pagtitiyagaan talagang paghiwa-hiwalayin ang mga ito.

Napapansin ba ng mga lalaki ang bawat hibla ng pilikmata? O kahit ang lahat ng pilikmata? Hindi. Ang nakikita nila, e ang buong mata.

Kapag nagbabasa tayo ng mga detalye sa isang akda, para nating naa-affirm na normal lang itong trait nating ito. Na normal tayo. At mas natutuwa tayo kapag may gamit ang mga detalyeng ito sa buong kuwento. Kasi subconsciously, ina-absorb ng utak natin ang lahat ng detalyeng ‘yan. At kapag nagagamit ang mga ito sa akda, naa-affirm natin na matalino tayo. Kasi at the back of our mind, habang umuusad ang kuwento, sinusubukan din nating alamin kung ano-ano ang magiging gamit ng mga detalye. Isang bahagi ng utak natin ang gumagawa na ng mga haka-haka o hula kung para saan nga ba ang mga detalye sa isang akda.

2. Be realistic, really! – Kaya nakakabagot manood ng mga commercial. Kasi
talagang binebentahan lang tayo, e, hindi naman talaga tayo maka-relate. Ang mga feminine wash, amoy-bulaklak daw pagkatapos mong gamitin. E , hindi naman. Amoy-bagong hugas pero hindi amoy-bulaklak. Bagong hugas na plato, puwede pa. Pero bulaklak? ‘Yon, mag-aamoy-bulaklak?

Eto pa, kailangang uminom ng calcium capsule kasi andaming bubuhatin na shopping bag at para makapagpatuloy pa sa pagsa-shopping ang isang babae, sabi sa isang commercial. E, samantalang andaming ginagawa ng babae kung saan kailangan niya ng tibay ng buto: pagkarga sa bata nang ilang oras, pagbuhat sa mga napamalengkeng dalawang kilo ng bigas, isang kilo ng manok, isang kilo ng baboy, kalahating kilo ng baka, isang kilo ng tilapya, isang pakwan, isang kilo ng dalandan, kalahating kilo ng repolyo. 8 kilos. Mula sa palengke hanggang sa sakayan ng dyip. Mula sa babaan ng dyip hanggang sa bahay. Mula sa pinto hanggang sa kusina. 8 kilos. Calcium talaga ang kailangan diyan. At sa marami pang ibang gawain. Pero hindi sa pagsa-shopping sa mall!

Eto pa, nakangiti ang mga naglalaba kahit ga-bundok ang labahin. And many more examples. Mas makaka-relate at hindi mabo-bore ang babaeng mambabasa kung magiging realistiko kang lagi sa mga isinusulat mo.

3. Share! - Share information or experiences that will help other women. Sa Mingaw, may eksena doon na makikipagtalik ang bidang babae sa isang lalaki. Ang nag-initiate ng paggamit ng condom ay ang bidang babae. At inilarawan ko kung paano ito inilagay sa titi. Ang bidang babae ay hindi naghintay na kumuha ng condom ang lalaki. At hindi talaga ako papayag na magtatalik lang sila nang basta. Nang walang condom.

It’s like saying, hoy, babaeng reader, ikaw, kung gusto mong mas maproteksiyunan ka sa ganitong pagkakataon, puwede namang ikaw na ang mag-initiate ng paggamit ng condom. Heto ang paraan kung paano gawin. Kapag ikaw ang umaksiyon, sigurado ka pang nakasuot 'yan nang maayos.

Sa It’s A Mens World, isang essay doon ang galing talaga sa advice column ko na Nuno sa Puso sa lingguhang pahayagan na Responde Cavite. Tungkol siya sa mga dapat gawin ng isang babae (at ng lalaki na rin) sa first date.

Sabi ko doon, bago pa magkita ang magde-date, naka-set na ang oras ng meet up at oras ng uwian. Naka-set na rin ang lugar. At dapat alam ng babae ang lugar kung saan idadaos ang first date. Hindi puwedeng "bahala na." Lalo na kung galing ang phrase na ito sa lalaki. First date, bahala na? E, kung ikabig ang manibela sa motel? Iba na ang may kasunduan. Alam ng isa't isa ang mga dapat asahan. At dapat alam ng babae ang lugar na pupuntahan (at kung paano makakauwi mula doon) para sakaling something goes wrong, madali siyang makakaalis sa lugar.

So, ganon. Kung sa tingin mo, wais ka sa isang bagay, i-share ito sa iba gamit ang mga tauhan mo (kung kuwento ang isinusulat) para maging wais din ang iba pa nating kabaro. Empowering ang tawag dito sa Ingles.

4. End with happiness. End with hope. – Hindi kailangang happy ang ending. Hindi kailangang magkatuluyan lagi ang boy at girl o ang magkarelasyon. Hindi kailangang ipakita na nabuong muli ang nawasak na pamilya. Ang kailangan lang, kahit ano pa ang nangyari, nakipaghiwalay, bumagsak ang negosyo, inabandona, nawasak ang tahanan, nanakawan, naaksidente, nasunugan, nagunaw ang mundo, sa ending ay mayroon pa ring kislap ng pag-asa. Kasi iyan ang magpapasaya sa babae. Sa reader na babae. Ang idea na mayroon pa ring pag-asang maging okey ang lahat. Kumbaga, gigisingin natin ang resident sunshine sa puso ng ating mambabasa. Innate sa ating mga babae ang maging optimistic, di ba? Kaya, mali talaga ‘yong kasabihang hangga’t may buhay, may pag-asa. Dapat ‘yan, hangga’t may babae, may pag-asa.

5. Inspire!- Actually, sa umpisa pa lang, ito na dapat ang nasa isip mo. Kasi ang aim dapat ng isang akda is to inspire. Kaya ididisenyo mo ang buong akda ayon sa aim na ito. Ano ang dapat kong gawin, ano ang dapat kong sabihin, ano ang dapat kong ilagay para makapag-inspire ako ng kapwa ko babae?

Ang pinakagusto kong feedback mula sa mga nakabasa ng It’s A Mens World ay ang mga sumusunod:

1. Parang gusto ko tuloy bumalik na sa creative writing. Puro kasi academic papers ako ngayon, e.
2. Gusto ko ring sumulat ng libro. Tungkol naman sa amin ng nanay ko. (Sabay kuwento ng adventures nilang mag-ina.)
3. Paano ka ba na-publish? Ako rin, gusto ko. Patulong naman.

Sana, hindi lang maganda ang akda mo kundi sana rin, na-inspire mo rin ang readers to take action about something. Hindi lang sila naiyak. Hindi lang sila natawa. Hindi lang sila na-entertain. Your work can move them to take a step. To act. ‘Yan ang ultimate test. Nagawa mo bang mang-inspire?

Ang panitikan, parang teacher ‘yan. Aanhin mo ang teacher na matalino, hindi mo naman maintindihan? Nagpapa-tutor ka pa sa iba para lang maintindihan mo siya. E, di ‘wag ka nang pumasok sa klase niya, magpatutor ka na lang. Ganon din. Sayang lang oras mo kakatanghod sa matalinong teacher.

Aanhin mo ang teacher na maganda nga, wala ka namang natututuhan? Absorbed na absorbed siya sa kagandahan niya at napaniwala ka pa na maganda nga siya. Titingalain mo siya sa ganda niya pero hanggang doon lang. Kahanga-hanga lang ang kanyang ganda. Ang tendency mo bilang estudyante, gayahin ang mga ginagawa niya para magaya mo ang kanyang ganda.

Aanhin mo ang teacher na patawa lang nang patawa? Pagkatapos ng klase, napapalitan ng sad face ang laughing face kasi kapag wala na ‘yong nagpapatawa, mare-realize mo, wala ka palang natutuhan! Niloko ka lang ng teacher mo, inubos niya ang oras ng klase ninyo sa pagpapatawa lang pero hindi naman siya nagturo kasi wala naman sa inyo ang natuto.

So sino or ano ang pinakamahusay na guro?

The greatest teacher is the one who inspires. Ganon din sa panitikan. Dakila ang akda mo kapag nagawa nitong makapagbigay-inspirasyon sa isang reader na gumawa ng hakbang o ng isang concrete action. Lalo na ang lumikha ng sarili niyang obra.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ordinaryong mga eksena sa buhay-buhay ang featured sa It's A Mens World. At kung bakit mga kapamilya, kaibigan, katrabaho at kakilala ang mga bida sa bawat akda. At kung bakit sa napakagaan na wika ko isinulat ang lahat.

Kasi ang gusto ko maisip ng reader na, ‘ikaw kaya mo ring sumulat ng ganito. May mahirap ba sa wika ko? Wala, di ba? Kailangan mo ba ng outstanding na vocabulary? Hindi, di ba? May kagila-gilalas ba sa mga isinulat ko? Wala, di ba? May tauhan bang mga unreachable at diva sa mga akda ko? Wala, diva? Kaya kayang-kaya mo rin ‘to. Magkuwento ka lang. Kuwento, arya, kuwento. Walang pahirapan. Walang magic tricks. Purely pagiging babae lang. O pagiging tao.

Pag nagawa mo, ‘yan, nakagawa ka na rin ng panitikan.

At nakagawa ka rin ng para sa bayan.

Thursday, November 17, 2011

bukas na

magsasalita ako sa isang lit fest bukas. excited ako siyempre pero kinakabahan din kasi baka hindi ko maideliver nang maayos ang mga gusto kong sabihin. namamaga ang buong bibig ko sa isang kakaibang allergy. hindi sa kiss, 'no? hahahha

basta mahapdi ang labi ko at di ako masyadong makangiti kasi nababanat ang pagkatuyo-tuyo kong labi.

pero sobra pa rin akong masaya. last year kasi, naghihimutok ako. saksi ang boss ko. noong nasa LOL kami, sabi ko, bat sila lang ang naiimbita? bat ako hindi?

after 1 year, eto na hehehe turn ko na pala. sabi pala ng diyos, wag kang attache case. darating ang panahon mo.

marami pong salamat, god. sa lahat ng blessings!

Thursday, November 10, 2011

Alaala ng nakaraan nating lahat

Alaala ng nakaraan nating lahat

Ni Chen Sarigumba

Ang panahon ng ating kabataan ay punung-puno ng nakakatuwang mga alaala. Kapag nagugunita natin ang mga bagay na ginawa natin noon, madalas ay napapangiti tayo o minsan naman ay nahihiya tayo. Ganito ang damdaming naramdaman ko nang basahin ko ang “It’s a mens world” na isinulat ni Bebang Siy. Ito ang lupon ng mga sanaysay na naglalaman ng mga alaala ng kaniyang kabataan.

Sa unang kwento pa lang na kaniyang inilatag ay naalala ko na rin ang aking sariling karanasan. O mga bagay na naganap nang ako ay bata pa lamang. Nakatutuwa sapagkat damang-dama mo ang katotohanan sa kaniyang mga kwento. May kwento ng pagdadalaga, kwento ng mga nakaw na sandali, pinyapol, at tungkol sa kung saan saan pa.

Ang bawat karanasang nakapaloob sa kaniyang aklat ay tunay na may pinanggalingan. At hindi mo ito makukwestiyon sapagkat nakikita natin itong nangyayari sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw. Sa mga kaibigan pa lamang natin ay sari-saring kwento ang ating naririnig na kaparis ng mga sinabi sa nasabing aklat. Nagmistulang sine ang mga pangyayaring nabasa ko mula sa aklat ni Bebang Siy. Lahat ay malinaw kong nakikita sa aking sariling isipan.

Ang librong “It’s a mens world” ay tunay na nakakaaliw. Walang pahina kang palalampasin. Puro tawa, ngiti, halakhak at bungisngis ang tugon mo sa pagbabasa. May ilan ring maselang paksa (o ako lang ang nag-iisip na maselan iyon) na naiidaan niya sa isang nakakatawang pagsasalaysay. O nailalahad niya sa mas magaan na paraan.

Sa akin ngang isipan ay nakikita ko ang itsura ng mukha ni Bebang Siy sa kanyang mga sanaysay. Kung paano niya inilarawan ang mga kaganapan ay ganoon ko rin nakikita ang kaniyang mukha sa aking utak. May mga panahon kasing nagkakaroon kami ng pagkakataon na magkasama. Sa akin ngang pakiwari ay larawan niya ang bawat sanaysay na mababasa mo sa kaniyang libro.

May maaalala ka ring pamahiin na palaging nababanggit ng mga nakakatanda kapag nabasa mo ang librong ito.

Sa aking palagay ang librong “It’s a mens world” ay hindi lamang naglalayong ibahagi sa atin ang mga karanasan ni Bebang Siy. Isa rin itong kalabit sa atin upang balikan ang ating mga karanasan. Mga sariling alaala na kusang babalik habang binabasa natin ang libro ng manunulat na si Bebang Siy.

Ito ay nirepost nang may pahintulot mula kay Chen Sarigumba mula sa gurlispinays.wordpress.com/2011/11/10/tapang-sa-mga-pahina-ng-it’s-a-mens-world-alaala-ng-nakaraan-nating-lahat/

Tapang sa mga pahina ng It’s a Mens World

Tapang sa mga pahina ng It’s a Mens World
isinulat ni Che Sarigumba

Karaniwan, kumbaga ang mga salitang ginamit sa It’s a Mens World. Pero ang hindi pangkaraniwan ay ang kakayahan ni Bebang Siy na magpatawa. Hindi lahat ng manunulat ay kayang gawin iyon. Lalo na sa mga seryosong pangyayari, mahirap man at nakakagulat ang mga pinagdaanan niya, nagawa pa rin niya iyong isalaysay ng magaan sa mambabasa. Mabigat na pangyayari pero magaan sa damdamin. Mas nakakaya mong dalhin. Mas naeengganyo kang basahin.

Ito na yata ang librong sa bawat pagbukas mo ng mga pahina ay tatawa ka na lang nang tatatawa nang tatawa. At sa sobrang kakatawa ko, hindi pa ako nakuntento, kinulit ko nang kinulit si Joel Pablo Salud, kahit na may tinatapos siyang mga articles. Nilalapitan ko talaga siya para lang basahin iyong nagpapakiliti ng sobra sa’kin. Atgayako, tawa na lang din siya nang tawa. Hindi na ako nagmukhang tanga sa kakatawa mag-isa, may karamay na ako.

Hindi lamang puro katatawanan ang nakapaloob na mga sanaysay sa It’s a mens world, marami ka ring mapupulot na aral. At siyempre, hindi rin nawawala ang kilig na sumasayaw-sayaw sa ibang parte ng mga pahina. “Makinis ang mukha ni Michael. Ang mga mata niya, malalaki, parang sa kuwago. Pero cute na kuwago. Iyong tipong puwedeng ilagay sa logo ng Sterling notebook.” Nakakatawang paglalarawan pero maaaninag mo na may pagtingin ang naglalarawan kay Michael.

Maganda ang pagkakasulat. Magaan sa mambabasa. Nakakapanabik ang bawat pangyayari. Nakakantig ng puso ngunit mapapangiti ka. At kapag kilala mo si Bebang Siy, mas lalong iindayog sa iyong kamalayan ang bawat salita. Sumasalamin ang It’s a Mens World, kay Bebang Siy.

Kung ilalarawan ko si Bebang Siy sa isang salita, para sa akin ang angkop na salitang iyon ay TAPANG. Bakit? Sapagkat, bihira lang ang taong magkakaroon ng lakas ng loob na ipaalam sa marami ang kanyang mga pinagdaanan lalo na ‘yung nahipuan siya… basahin n’yo na lang. May mga mag-iisip na nakakahiya kapag nalaman ng iba. Pero, iba ang umiindayog sa isipan ni Bebang, iyon ay ang imulat ang bata pati na rin ang mga magulang na may mga pangyayaring nangyayari nang hindi mo inaasahan. Kahit pa kamag-anak mo ‘yan. Pinitik tayo ni Bebang para ipaalam na posibleng mangyari ang mga ganoong bagay.

At sa katapangang ipinakita ng manunulat sa kanyang mga sanaysay, sumasalalim lamang iyon kung gaano siya kalakas. Hinulma na siya ng mga pangyayari, ng hirap at karanasan, kaya tiyak kong ano pa man ang pagdaanan niya sa hinaharap, kagaya ng mga sanaysay niya, tatawanan lang din niya iyon. At sasabihin niyang “kayang-kaya.”

Maikling talambuhay ang It’s a Mens World na isinulat ng kakaiba ni Bebang Siy.

Ang It’s a Mens World ay inilathala ng Anvil Publishing.

Ito po ay nirepost nang may pahintulot ni Che Sarigumba mula sa http://gurlispinays.wordpress.com/2011/11/10/tapang-sa-mga-pahina-ng-it%E2%80%99s-a-mens-world-alaala-ng-nakaraan-nating-lahat/

Tuesday, November 8, 2011

another book coming up!

naku masayang-masaya ako kasi nagkakahugis na ang susunod kong libro.

compilation ito ng column ko sa Responde Cavite.

di ninyo nalalaman, si ate bebang pala ay expert sa pag-ibig, relasyon at...

SEX.

a, alam n'yo?

sori naman. akala ko kasi hindi halatang expert ako diyan. ahahahaha

basta, abangan na lamang ang aklat!

Thursday, November 3, 2011

Halloween Storytelling

Noong 31 Oktubre 2011, alas-nuwebe ng umaga, ginanap ang isang Halloween Storytelling sa may amin. Sa may Kamias, Quezon City. Sa Joaquin Residence to be exact, 133 K-8th Street.

Dalawampu't apat na bata at mangilan-ngilang isip-bata (or matatanda for short) mula sa Kasing-kasing St., Kamias ang nakinabang dito.

Siyempre pa, dahil pakulo ito ng DDP, ako ang nagpakilala sa lahat ng naging tagapagtaguyod. Una, ang Dagdag-Dunong Project na siyang nagsilbing coordinator para sa proyektong ito, ang Isang Bata, Inc. na pinangungunahan ni Ime Morales na nagbigay ng mga laruan para sa lahat ng batang lumahok, ang Balangay Productions na nag-sponsor ng documentation at mga sertipiko at si Kagawad Dennis Joaquin na siyang nagpameryenda at nag-provide din ng venue.

Pagkatapos ipakilala ang mga tagapagtaguyod, ipinakilala ko naman ang unang storyteller, si Bb. Ahliya Alanna Miranda. Si Ate AA ay second year student ng Philippine Science High School Diliman Campus.

Nagpalaro muna siya. Pina-line up niya ang ilang bata sa harap pagkatapos ay nagpakontes siya ng "pinaka-nakakatakot na itsura o dating." Audience siyempre ang hahatol. Pare-parehong nag-akting na leon at tigre ang mga contestant habang nauutot na sa katatawa ang mga nanay nila.

Tatlo ang nanalo! Nag-uwi sila ng school supplies mula kay Ate AA.

Pagkatapos ay kinuwento na ni Ate AA ang Bruhahahahaha Bruhihihihi ni Ompong Remigio.

Ang sumunod naman na nagkuwento ay si Bb. Angelika Joyce Escobar. Si Ate Angelika ay katulad ni Ate AA. Second year student din ng Pisay. Ang ikinuwento naman niya ay ang Itim na Kuting ni Natasha Viscarra.

Pinagmiyaw naman niya ang mga batang nag-volunteer na maging contestant. Tatlo din ang nanalo. School supplies again from Ate Angelika naman.

Pagkatapos magkuwento ni Ate Angelika, nagpalaro pa kami. Charades. Noong una ay bata ang umaakting. Pero dahil pare-pareho ang konsepto (at akting) ng mga bata sa sari-saring Pinoy scary creatures, minabuti kong ibigay na lang ang trabahong pag-akting kina EJ, Ate Angelika at Ate AA.

Kaya mabilis pero masaya namang natapos ang laro.

Hinati sa dalawang grupo ang mga bata at ang grupong nanalo ay ang siyang unang makakapili ng sarili nilang laruan (mula sa Isang Bata, Inc.)

Pagkatapos ng mga laro ay nagsalita na si Kagawad Dennis Joaquin. Ginawaran din namin siya ng sertipiko ng pagpapahalaga. Gayundin ang dalawang storyteller na kuntodo pa sa costume parang kagagaling lang sa pelikulang Harry Potter.

Pinasalamatan din si Sean Elijah Siy sa kanyang pagtulong sa Halloween Storytelling. Siya ang nag-pick up ng mga laruan mula sa bahay ni Ime sa Delta, QC at siya rin ang nag-sort ng mga laruan. Tumulong din siya sa documentation ng event.

Pinasalamatan din si Ate Jane ng Brgy. East Kamias dahil sa paghahanda ng mauupuan ng mga kalahok at sa pakikipag-coordinate kay Kagawad.

Pinasalamatan din si Ronald Verzo ng Balangay para sa disenyo at pagpi-print ng sertipiko at pagkuha ng ilang mga retrato.

Nagtapos ang lahat habang kumakain ng meryenda.

Marami pong salamat at patuloy sana ang mga ganitong munting proyekto para sa kabataang Filipino.

Pauso pa rin ng Dagdag-Dunong Project.

Mga bata sa Halloween Storytelling:
Jonard Pineda
Angelika P. Cruz
Denmark P. Cruz
Ram Joshua Cruz
Denver P. Cruz
Oliver Flores
John Rey Ulip
Yshey Ulip
Mark Ulip
Kryzel Ulip
Jeremiane Ulip
Jumaine Jan Ulip
Dylan Jan Ulip
Christopher Angelo Flores
Cyver Nicole Flores
Cyril Aaron Flores
Jersee Mae Siping
Karl Graza
Arnie Graza
Kate Graza
Christian James Siping
Luis Justine Paz
Aldwin Graza
Jaden Miranda

Saturday, October 22, 2011

Kung paano maging excited sa pagdadalaga at iba pa: Ang munting pagninilay sa librong “It’s a Mens World” ni Bebang Siy

Ang book review na ito ay isinulat ni Noel Sales Barcelona. Matatagpuan ito sa sigliwa2.tk.

Kung paano maging excited sa pagdadalaga at iba pa: Ang munting pagninilay sa librong “It’s a Mens World” ni Bebang Siy

Anvil Publishing, 2011, 174 na pahina

Kagaya ng masalimuot na mga kalye sa Maynila, ang kumplikasyon ng paglaki, pagkilala sa sarili at iba pang mga karanasan bilang babae ang ibinahagi ni Beverly “Bebang” Wico Siy sa kanyang unang aklat ng mga sanaysay—ang “It’s a Mens World.”

Hindi nagkamali ang Anvil Publishing nang tanggapin nito ang manuskrito ni Siy, pagtiyagaang suriin ang bawat pahina para iayos ang mga pagkakamali—sa tipo man o sa balarila (grammar), itapat sa kamera ang layout at padaanin sa makina para ilimbag ang mga akda ni Siy.

Pero hindi lamang ito tungkol sa personal na mga karanasan ni Siy—kundi dugtung-dugtong na mga kasaysayan ng buhay-buhay na may kaugnayan sa may-akda: mga kamag-anak, kaibigan at estrangherong natagpuan at nakasalubong sa kung saan. Ang mga karanasang ito, sa abang palagay, ang humubog sa sensitibidad at sensibilidad ng may-akda bilang mangangatha (manunulat) at bilang isang buhay na entidad sa gumagalaw at masalimuot na lipunan na labas sa mga kahon at kalyehon ng buhay ni Siy.

Kumbaga sa siklo ng regla o menstrasyon (menstruation) ng isang babae, ang akda ni Siy ay isang kabit-kabit na serye ng mga pangyayari (phenomena) gaya ng paglabas ng itlog buhat sa obaryo (ovulation), pagdaan nito sa tubo ng itlog para makapuwesto sa pinakakuwelyo ng matris (uterus), ang paghihintay nito na makaniig ang punlay ng lalaki (fertilization) o ang pagkabasag kaya ng “pader ng dugo” sa matris at pagdaloy nito bilang buwanang dalaw (menstruation). At sa paglabas ng mens (pinaikling termino para sa menstruation), dito naman nalilinis at naihahandang muli ang buong sistemang panreproduksiyon ng babae para sa panibagong siklo ng obulasyon at pagpapalabas ng maruming dugo buhat sa sistema.

Sa kontekstong ito, sa pamamagitan ng magaan at nakatutuwang mga paglalahad, unti-unting napupurga ng may-akda ang sarili mula hindi kanais-nais na mga karanasang may kaugnayan sa kanyang kabataan.

Samantala, pagbabalik-tanaw rin naman sa unti-unting nawawalang kultura’t tradisyon ang It’s a Mens World ni Siy. Sino pa nga ba ang nakaaala ng softdrink na Fanta? Ang kutkuting Chikadeez at Zeb-Zeb? Sino ba sa atin ang nakatitikim pa ng cherry balls at sundot-kulangot? O ng tinatawag na “kulangot ng Intsik”? Ang pagkonsumo ng nabanggit na mga produkto, noong kabataan mo pa, ay bahagi ng pagsakay (bagaman hindi mo nalalaman dahil bata at uhugin ka pa nga) sa sasakyan o dyip ng kulturang popular noong mga panahong iyon.

Nakatutuwang nabanggit din ni Siy, bagaman bahagya, ang ilang larong panlansangan na ngayon ay maituturing na “extinct” na, kumbaga sa mga dinosaur at ilang uri ng halaman, hayop, isda, at iba pang nilalang na unti-unti na ring nawawala dahil sa labis na konsumo ng mga tao, sa giya ng tinatawag na modernisasyon. Sino pa ba sa atin ang nakapaglalaro ng patintero, ng “langit at lupa”, ng base-to-base? Palagay ko wala na. Maging ito ay extinct na rin dahil ang pinagkakaabalahan ng mga tao ngayon ay ang online role playing games at ang sarisaring larong iniaalok ng social networking na Facebook.

Sa kabuuan maganda ang libro ni Siy. Higit pa ito sa mga emosyon o mga karanasan—pagbibigay buhay ito sa mga ala-alang pinagtagni-tagni ng bahaging iyon ng Ermita (ang lugar na kinalakhan ng may-akda) at ng iba pang lugar at pagkakataon sa buhay ni Bebang Siy.

Higit pa sa buhat-bangko, hindi nakahihiyang irekomenda sa mga mambabasa ang libro ni Bebang Siy. Hindi man ito maihahanay sa mga akda nina Amado V. Hernandez o ni Jose P. Rizal, masasabi naman itong isang mabisang panlipunan at pansariling komentaryo sa karanasan ng isang karaniwang Filipina-Chinese na nabuhay at nabubuhay sa iba’t ibang bahagi ng panahon at sa kasalimuotan ng takbo ng lipunang Pilipino. Wala itong halong pagkukunwari. Kumbaga sa salitang lansangan eh, wala itong ‘kiyeme’ sa pagbabahagi ng karanasan—na bagaman kaiba sa atin ay masasabi nating maaaring naganap o nagaganap sa atin sa iba mang anyo. Sa madaling-sabi, makare-“relate” tayong lahat—babae ka man o lalaki, o kung ano ka pa man.

Pero ang tanging habilin o tagubilin lamang ng manrerepasong ito: Huwag na huwag ninyong gagayahin ang mga kapalpakan ng may-akda gaya ng pagbubudbod ng asin sa pinakabola ng iyong mata. Huwag kayong masyadong patangay sa inyong emosyon at ituring na isang “testamentong dapat sundin” ang librong ito. Tandaan ninyong si Bebang Siy lamang ang inyong binabasa.

Posted with permission from Noel Sales Barcelona.

Thursday, October 20, 2011

Yehey! Nasa Manila Standard si Bebang!

Written by Jenny Ortuoste! Thank you po thank you po talaga!

pop goes the world: breasts, blankets, and bebang

If you love to laugh and cry and laugh again while reading a book, you must read Bebang Siy’s It’s a Mens World. Recently published by Anvil, I first spotted the book at the Manila Book Fair and was intrigued by the title. Was it a typo error? A deliberate naming ploy to attract buyers?

The mystery is solved in the first chapter. No spoilers here, I’d rather you read it for yourself for maximum impact, but this book is full of clever tricks that hook the reader, set her up, and deliver bang-up punchlines that will result in laughter, tears, or both.

Masterfully written in Filipino, it’s a memoir of a Filipino-Chinese girl growing up in a broken home. Though beset by financial disadvantages and adversity, her spirit is not quelled; instead, she fights back with humor, and emerges from the ring wiser and wackier.

Bebang (Beverly) Siy is a creative writing graduate of the University of the Philippines. She was a working student and a single mother to her son EJ, yet still managed to finish cum laude and serve as the UP Writers’ Club vice-president. She works for the Filipinas Copyright Licensing Society (the country’s reprographic rights organization for authors and publishers). Her poetry and short stories in different genres – romance, horror, erotic – have been published in various anthologies.

It’s a Mens World is available at all major bookstores, and will be followed by an “ala Margie Holmes” book where Bebang presents “advice but in a wacky way”. And what better way to receive advice?

Have your copies of It’s a Mens World autographed at Bebang’s talk on humor writing on October 21 at the Conspiracy Garden Café, Visayas Avenue, Quezon City. The event, organized by the Freelance Writers of the Philippines, starts at 6pm. The P100 entrance fee gets you a free beer and a raffle ticket. ***

This article is written by Jenny Ortuoste. Please ask for her permission if you wish to repost or publish. Thank you.

http://gogirlcafe.jennyo.net/2011/pop-goes-the-world-breasts-blankets-and-bebang/

Reproduction Right-positive or negative?

May nabasa akong research paper mula sa Mississippi School College of Law. Isinulat ito ni Alina Ng. Nakakaintriga kasi negative ang tingin niya sa reproduction right ng isang author.

Wait, bago ang aking comment sa paper ay definition muna. What is reproduction right?

Ito 'yong isa sa mga karapatan ng writer. Nakapaloob ito sa copyright (yes, maraming right under the term copyright). Ang reproduction right ay may kinalaman sa pera. Ito 'yong karapatan ng manunulat na paramihin ang kopya ng kanyang akda. At ito rin ang karapatan ng manunulat na magbigay ng permission sa ibang tao o kompanya para paramihin ang kanyang akda.

So, yes, tama ka ng naiisip. Ang pagpaparami ng kopya ng isang akda ay hindi karapatan ng kahit na sino. Si Writer lang ang may K.

Ang photocopying ba ay pagpaparami ng kopya ng akda?

Ano sa tingin mo? Ikaw ang sumagot.

Anyway, dahil sa right na ito ay kumikita ang writer. So halimbawa, kapag may 10 kopya ng aklat ng isang writer at nabenta ang lahat ng ito, kikita siya mula sa 10 na 'yon. Kapag mayroong 1 million kopya ng aklat ang isang writer at nabenta lahat ng ito, kikita siya mula sa 1 million na 'yon. At kapag isa lang ang kopya ng aklat niya at ito ay nabenta na, kikita siya mula sa isa na iyon at napakalimitado na ng paraan para kumita pa siya sa partikular na kopya ng aklat na iyon.

Pero sabi ni Alina Ng, posible rin na dahil sa reproduction right ay bumaba ang quality ng mga output ng writers (o ng creator, kasi sa paper ni alina ay lahat ng uri ng creator ang tinukoy niya) dahil isa sa mga gusto niya, siyempre, ay ang kumita siya mula sa dami ng kopya ng kanyang aklat. Ibig sabihin, madi-discourage siyang gumawa ng aklat na hindi mare-reproduce nang marami. Ibig sabihin, madi-discourage siyang gumawa ng aklat na hindi bebenta. At ano ang mga aklat na ito?

'Yong sobrang literary, sobrang artistic, sobrang scientific.

Kapag ang creation daw ay laging nape-perceive ng lipunan as a product, ang creator ay laging mag-a-aspire na tangkilikin siya ng market. So mababawasan ang pagnanasa niyang sumulat ng mga bagay na gusto niya talaga or mga bagay na mas importante.

I think puwede namang ma-compromise ito.

Sa dami ng puwedeng gawin at sa dami ng dapat gawin ng mga tao sa mundo para lang maka-survive, dapat maintindihan din ng mga creator ang competition na pinapasok nila once na nag-decide silang mag-create.

Kaya dapat lang din na aayon sila sa gusto at kailangan ng mga tao. at saka, hindi naman sila nag-e-exist nang sila lang. maging ang creation nila ay hindi naman nag-e-exist ng ito-ito lang o iyan-iyan lang.

Lagi pa ring may purpose. Lahat ng creation, may layuning pinagsisilbihan.

At walang kuwenta ang layunin, walang kuwenta ang creation kung hindi naman ito makakabuti at makakarating man lang sa mas nakakarami

Thursday, October 13, 2011

I Write Pop



Oct. 29, 2011
St. Dominique College of Asia, Bacoor, Cavite
whole day event

Please text Karl for details: 0927-7999897, 0922-8783629.

Brought to you by: Cavite Young Writers Association, Visprint Publishing and St. Dominic.

Wednesday, October 12, 2011

happy-sad, happy-sad, happy-sad

noong unang panahon, naniniwala ako na kapag masayang-masaya ka ngayon, mamya, malungkot na malungkot ka na. pag tawa ka nang tawa, asahan mong iiyak ka pagkaraan.

matagal na akong hindi naniniwala diyan.

nalimutan ko na nga na naniwala pala ako diyan once upon a time.

kahapon, nangyari uli sa akin.

ang saya-saya ko. kasi nakatapos ako ng trabaho at akda. at bihira 'yon, a. matagal kasi bago ako makasulat. kailangan munang may pagkalupit-lupit na deadline bago ako makatapos ng trabaho. at akda.

e, di lunoy na lunoy ako sa tuwa. nakatapos , e. yahoo. yahoo.

tapos kahapon din, nabalitaan ko, out of nowhere, na ang isang bagay na sobrang gusto ko noong-noong-noon pa, more than ten years old nang pangarap, ay hindi na pala puwedeng mapasaakin magpakailanman forever and ever magpasawalanghanggan.amen.

end. period. kaboom-bookzhdash-chuk-chuk-tongks.

naglaho ang happiness sa puso ko. hanggang ngayon, nangingilo pa ako sa lungkot.

hindi talaga puwedeng lagi kang masaya. 'yan ang isang palatandaan ng pagiging mortal.

SM College Scholarship Program

Dear All,

The SM College Scholarship Program is now accepting applicants for SY 2012-2013! Applicants must meet the following criteria:

1.Qualifications for SM College Scholarship program:

a. Graduates of public high schools in:
 NCR
 Luzon: Batangas, Pampanga, Benguet, Pangasinan, Bulacan, Quezon, Camarines Sur, Rizal, Cavite, Tarlac, Laguna, Zambales
 Visayas : Cebu, Negros Occidental, Iloilo
 Mindanao: Davao, Misamis Oriental, General Santos

b. Total household income of at most P150,000 per year, and

c. Fourth year weighted average grade of at least 88% in the second or third grading period.

Submit the accomplished application form and all required documents to the Customer Service Counters of SM Supermall, SM Department Store, SM Supermarket, SM Hypermarket and Save More on or before December 20, 2011.

Attached is the poster, application form and guidelines.

For your info and guidance.

Yours truly,
Lingling Lansang
SM Foundation
831-8282/ 0933-7201297

Tuesday, October 11, 2011

:)

'yan. para sa 'yo.

kahit malungkot ako.

maligayang bati sa inyong dalawa. sana lagi't lagi ay kayo.

habambuhay.

hay.

ang pinakaunang sanaysay ng librong It's A Mens World

It’s A Mens World
Bebang Siy

Unang nagka-mens ang kapatid kong si Colay kesa sa akin. Ten years old siya noon at ako, magtu-twelve. Sabi ng mga pinsan ko, nauna raw si Colay kasi mas mataba siya at mas aktibo sa paggalaw-galaw kesa sa akin.

Naging sentro ng atensiyon si Colay noong araw na reglahin siya. Lahat kami, nasa labas ng kubeta, naghihintay sa paglabas ng “bagong” dalaga. Pagbukas ng pinto, itong stepmother ko, biglang pumasok. Hinanap niya ang panty ni Colay sa loob ng kubeta. Gulat na gulat si Colay siyempre.

Bakit? Tanong niya sa stepmother namin.

Labhan mo. Tubig lang. ’Wag kang gagamit ng sabon. Kusot-kusot lang. Tapos ipunas mo sa mukha mo ’yang panty. Tapos sabihin mo, sana maging singkinis ng perlas ang mukha ko. Ulit-ulitin mo. Habang ipinupunas mo sa mukha mo ang panty.

Sumunod si Colay. Walang tanong-tanong. Mas matanda ’yon, e.

Noong malaman ng mga dalagang pinsan namin ang nangyari sa kapatid ko, kilig na kilig silang nagpayo kay Colay: “Magkilos-dalaga ka na kasi maliligawan ka na. Whisper ang gamitin mo. Huwag. Mahal ’yon. Newtex na lang. Mahal din ang may wings ng Newtex, ’no? ’Wag kang kakain ng mangga. Maasim ’yon, sasakit puson mo.”

Ang tatay ko, biglang kuwento nang kuwento. Noong apat na taon daw si Colay, meron itong paboritong shorts na mukhang bloomer. Kahit daw basa pa at nasa sampayan ay hahablutin at susuotin pa rin ito ni Colay. Si Colay daw, magaling sa Math. Si Colay daw, magaling sumayaw. Si Colay at si Colay at si Colay.

Nakakainggit naman, naisip ko. Kailangang magkaregla na rin ako.

Una, nilakasan ko ang kain ko. Dinoble ko lahat. Triple pa nga, e. Kung isang tasang kanin lang ang nauubos ko dati, ginawa kong dalawang bundok ng kanin. Kung isang galunggong lang ang sinisimot ko noon, biglang naging dalawang ga-brasong galunggong. Pampagana pa ang suka at asin. Pati Coke, dati, isang bote lang sa maghapon. ’Yong eight ounce. Biglang nagko-Coke five hundred na ako.

At pagdating sa pagkikikilos, tinigilan ko muna ang paglalaro ng Word Factory at Scrabble. Tutal wala naman akong makalaro kundi ang sarili ko at hindi naman talaga Scrabble ang ginagawa ko kundi domino effect. Itatayo ko ang tiles na letra, magkakatabi, sunod-sunod tapos gagawa ako ng hugis-hugis. Minsan, parang bulate.
Minsan, pabilog.Minsan, pa-letrang S. Tapos itutulak ko ang unang tile ng letra na itinayo ko. Sunod-sunod nang hihiga ang lahat ng tiles. Tiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktiktik, sabi.

Ang tiles nga lang ang napapagod, hindi ako. Kaya kailangan ko na ring baguhin ’to. Sa ngalan ng regla.

Batang kalye din naman ako noon pero mas batang kalye talaga si Colay. Kaya kailangang pantayan ko siya sa pagiging batang kalye niya. O higitan pa.
Dati, kapag nagmamataya-taya kami, sampung minuto na at wala pa akong natataya, umaayaw na ’ko.

Pero mula nang maging “dalaga” si Colay, hindi na ako humihinto sa paghabol sa mga kalaro ko maabot ko lang sila ’tsaka mataya. Bloke-bloke kung sukatin ang habulan namin. Keber na sa mga kotse at polusyon, Ermita lang naman ’yon, pero ang halaga ng buhay namin noon e masusukat kung maaabot ang kalaro at masisigawan ng TAYA!
Ke agawan-base ang laro, patintero, langit-lupa o shake-shake shampoo, game na game na ’ko. Hamon ko pa, maunang lumawit ang tonsil, talo.

Nakipagsabayan talaga ako. Noon dumalas ang pagsali sa amin ni Michael.

Siya ang nagbinyag sa sarili niya ng Michael. Mas masarap daw pakinggan kesa Manolito, ’yong tunay niyang pangalan. Fourteen years old siya at nagtitinda ng sigarilyo sa kalsada kapag hindi siya nakikipaglaro sa amin. Ang nanay niya, nag-aalaga ng mga kapatid niya. Maraming-maraming kapatid. Ang stepfather niya, nagtitinda rin ng sigarilyo pero sa isang puwesto lang, hindi palakad-lakad o patakbo-takbo katulad ni Michael. Nakapuwesto ito sa labas ng isang night club na katabi ng tindahan namin.

Ang bahay nila ay isang dipa ang laki. Pinagpatong-patong na mga kahoy, tabla, sako ng bigas o kung minsan, sako ng semento at karton ng sigarilyo. Nakasandal ito sa pader ng isang kongkretong bahay. Pito silang magkakapatid, panganay si Michael. Ka-berks din namin si Jelo, ang kapatid niyang sumunod sa kanya.

Nakakainis kalaro si Michael kasi siya ang pinakamatangkad sa amin. Siyempre mahahaba ang binti niya. Siyempre malalaki ang hakbang niya. Natural, mas mabilis ang takbo niya. At dahil sabi sa science class namin na proportionate sa haba ng binti ang haba ng braso ng tao, mahaba rin ang mga braso niya, siyempre mas madali niyang naaabot ang gusto niyang abutin, siyempre mas madali niyang natataya ang gusto niyang tayain.

Kaya kapag nandiyan siya, nag-iiba kaming bigla ng laro. Bawal ang agawan-base, bawal ang mataya-taya, bawal ang patintero. Ayaw naman niya ng shake-shake shampoo kasi, anya, nadi-diyahe na siyang kumendeng-kendeng kapag naabot ng taya at nasigawan ng shake.

Ang lagi naming nilalaro kapag nandiyan si Michael: langit-lupa. Dito kasi, kailangan lang e, bilis at presence of mind. Ginagawa naming langit ang bangketa, lupa ang lupa. Ibig kong sabihin, lansangan. Ang lupa, lansangan. Dapat bago ka umalis sa langit, nakahanap na ang mata mo ng matutuntungang isa pang langit: malapad na paso, likod ng nakaparadang pick-up truck, base ng poste ng ilaw, upuan ni Manong Guard, ke ano pa ’yan basta mas mataas sa lansangan, puwede nang ituring na langit.

Minsan, mula sa bangketa, matulin akong tumawid ng lupa para sumampa sa langit. Na isang scaffolding. Siyempre, hinabol ako ng taya. Si Michael. Pagtapak ng isa kong paa sa scaffolding, alam kong ligtas na ako sa mahaba niyang braso. Kaya mabilis na itinapak ko ang isa ko pang paa sabay sigaw ng….

Langit!

May ibinagsak ang langit.

Plongk!

Isang bakal na tubo ang bumagsak sa ulo ko. Mula sa likod ay may biglang yumakap sa akin. Si Michael! Tapos mabilis niyang tinakpan ng sariling kamay ang bumbunan ko. Siguro naisip niya, guguho ang scaffolding o may babagsak na isa pang tubo.

Pero wala nang bumagsak. Wala na kundi ang mga luha ko na lang.

Ansaket.

Dahil takot akong umuwi nang may injury sa paglalaro, iniuwi muna ako ni Michael sa bahay nila. Bumili siya ng yelo, binalot ito sa isang bimpo at ipinatong sa bukol kong isang dangkal ang taas. Feeling ko, nagkagulo ang mga kuto ko. Bundok Hibok-Hibok waaah, anila siguro. Si Michael, mga isang oras na hinaplos ang likod ko. Ako, nguyngoy pa rin nang nguyngoy sa sakit. Di naman ako makangalngal nang todo kasi nagpapahinga ang nanay niya’t mga bulilit na kapatid.

Noong wala nang masyadong kirot at baby mountain na lang ang Hibok-Hibok ko sa ulo, umuwi na ako sa ’min.

Kinabukasan, paglabas ko ng bahay, may naghahamon ng mataya-taya. Sali raw ako. Sabi ko, masakit pa ang ulo ko. Nandoon si Michael. Niyaya na lang niya kami na mamasyal sa Manila Bay, sa bahaging katabi ng U.S. Embassy. Okey naman sa lahat kaya lumarga na kami.

Napunta ako sa dulo ng pila naming magbabarkada. Mabagal lang ako dahil takot akong maalog ang dugo sa tuktok ng Hibok-Hibok kapag binilisan ko ang lakad ko. Sinabayan ako ni Michael.

Beb, ’wag ka na kasing makipaghabulan.

Napatingin ako sa kanya.

Pinatunog niya ang portabol niyang tindahan ng sigarilyo.

Takataktak… takataktak…

Dalaga ka na, Beb, hirit niyang parang nang-aalaska.

Di pa, ’no? Ikaw nga, matanda pa sa ’kin. Ba’t nakikipaghabulan ka pa sa ’min?

Me gusto kasi akong habulin, sagot niya.

Takatak.

Napatitig ako sa kanya. Sumusundot-sundot sa mga pisngi ng ilong niya ang mahaba
niyang bangs pero, noon ko lang napansin: makintab pala ang buhok niya. Makinis ang mukha ni Michael. Ang mata niya, malalaki, parang sa kuwago. Pero cute na kuwago. Iyong tipong puwedeng ilagay sa logo ng Sterling notebook.

Katamtaman ang ilong ni Michael. Di matangos pero di rin pango. At amputi-puti ng pantay niyang mga ngipin. Noon ko lang napansin, guwapito pala ang kalaro kong si Michael kahit may pagka-nognog siya.

Siguro namula ako no’ng maalala kong ito ang kalaro kong yumakap sa akin kahapon. At sa totoo lang, ang ginhawa ng pakiramdam no’ng hinahaplos niya ang likod ko. Nabawasan nang konti ang sakit na dulot ng gigantic na bukol.

Yihi!

Tukso ng mga kaibigan namin. Kami na lang pala ang naglalakad. Nakaupo na silang lahat sa semento na naghihiwalay sa dagat at bangketa sa may Manila Bay. Nakiupo na rin kami. Maghapon kaming nagkuwentuhan ni Michael tungkol sa stepmother kong atribida kung minsan, kay Colay na anlaki na ng itinaba mula noong magkaroon ng mens at sa mga school project tulad ng pagpapasindi ng isang ga-kulangot na bombilya ng flashlight gamit ang isang switch ’tsaka isang baterya. ’Tsaka tungkol sa nanay niya (ni Michael), sa mga kapatid niya at sa tatay niyang hindi na nagpakita mula pa noong unang unang panahon. Parang bagumbago kong kaibigan si Michael. Masarap kilalanin.

Paglubog ng araw, sama-sama kaming naglakad pauwi. Mag-aalas-sais y medya na noong makarating ako sa bahay. Walang kaabog-abog na sinurot ako ng tatay ko. Sa harap ng mga kapatid ko.

Sino ’yong kasama mong lalaki sa embassy?

Ha?

Umamin ka na. May nakakita sa inyo!

Dad, si Michael ’yon.

Sinong Michael?

‘Yong anak ni Manong diyan sa Lovebirds.

Halos bumaligtad ang salamin ng tatay ko sa sobrang galit.

Boyfriend mo ’yon?

Halos bumaliktad ang sikmura ko sa gulat at takot. Ako? May boypren?

Dad, hindi.

Ilang taon ka na ba?

Twelve.

’Yon lang at tumalikod na siya. Naiwan akong inaatake ng hiya at ng sakit. Sakit sa mata, naluluha na ako, sakit sa ulo dahil siguro sa bukol, ’tsaka sakit sa tiyan.
Ewan ko kung bakit pati sa tiyan. Baka sa puson, baka naiihi lang ako.

Pumasok ako sa kubeta. Sinubukan kong umihi. Doon ko nalaman na dalaga na nga pala talaga ako. Malungkot kong tinitigan ang mantsa sa panty. Ay, ang dami mo namang hinihinging kapalit. Demanding, parang ganon. Napaka-demanding naman pala ng pagdadalaga.

Nag-lock ako ng pinto. Mabilis akong naghubad. Tapos pinihit ko ang gripo. Mula sa timba, tinabo ko nang tinabo ang tubig. Naka-sanlibong buhos ako ng malamig na tubig. Parang gripo rin ang pekpek ko. Agos ang mens. Dalaga na ako.

Ano nga uli ang dapat ipagdiwang?