Wednesday, June 29, 2016

girl boy bakla tomboy

magpapa-3d kami mamya! yey! excited na rin akong malaman ang kasarian ng ipinagbubuntis ko. ano ang wish ko?

boy!

ayoko ng girl talaga kasi nakakatakot pa ang mundong ito. not in my lifetime na magiging maayos ang mundong ito para sa kababaihan. im sorry, i know i am being pessimistic pero kay rami naman kasing karumal-dumal na karanasan ang nakakabit sa mga taong may pekpek at matris. imagine, ipinanganak ka lang na may ganyan e, andami nang panganib sa paligid mo?!

napakalakas sumipa ng fetus sa tiyan ko lately. kaya confident ako na boy uli ito.

kagabi rin, napag-usapan ulit namin ni poy ang pangalan. kako, ok ba sayo ang baybayin ke babae o lalaki itong bago nating baby? oo raw. ako rin, solb na ako.

pero nagsalita pa siya, sabi niya, maganda rin daw ang dalampasigan. ek, parang di ko type, kako. parang hindi na siya pangalan ng tao, e. sabi ko, e kung daluyong? ang ganda, sagot ni papa p. pero ang ibig sabihin niyan ay tsunami, counterflow ko. anlabo ko rin kausap kung minsan, ano? basta, sabi ko, ayoko ng daluyong kasi negative 'yon. hindi tulad ng karagatan at baybayin.

ilang buwan na lang pala at manganganak na ako. sana ay maging ok ang lahat, tulad ng pagsilang ko ke dagat. gusto ko na ring matapos ang mga bagay-bagay bago ako manganak dahil siguradong panibagong challenges na naman ang kahaharapin namin pagdating ng bagong baby. at ang pinakamalaking challenge ay ang paghahanap ng oras para sa sarili, para sa relasyon, para sa iba pang kasapi ng pamilya, para sa kabuhayan, at iba pa. na-realize ko na ang panganganak ay parang deadline, ahaha!

maigi na rin na meron ako niyan. minsan kasi, akala ko forever akong trenta anyos, forever akong may oras para sa mga pangarap ko. hindi pala. tulad ng maraming bituin na bilyong taon na sa kalawakan, nabubura din ang mga ito, minsan pa nga, sumasabog. dahil sa panahon.

1 comment:

Ivy Bernadette Nobleza said...

Boy na naman ang wish mo Miss Bebang! Hahaha! Oo nga hirap maging babae sa mundong ito, pero masaya din magka-anak na babae kasi naayusan mo. Basta sana healthy ang magiging baby mo. Di pa kita nakikita na buntis ulit! See you soon, hopefully.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...