Saturday, April 27, 2019

Mula sa mambabasang si Kris Angel

Isa muling ambag sa aking mga sanggunian para sa Malikhaing Sanaysay (Creative Nonfiction) ang aklat na "It's A Men's World" ni Bebang Siy.

Sa pamagat pa lang ay mababakas na ang paglalaro ni Siy sa wika kaugnay ng diskurso ng pagiging babae. Hindi ako binigo ng pamagat. Una, si Siy na yata ang isa sa pinakamakulit na manunulat na nakilala ko--sa pamamagitan ng mga pahina. Ikalawa, napanindigan nito ang pangakong paglalahad ng madugong mundo ng isang babae.

Nagsimula ang libro bilang madugo-- isang pagdiriwang ng pagiging babae sa pagdanak/pagdanas ng dugo bilang dalaga bago tayo maglakbay sa mga sumunod na sanaysay ng madugong daigdig ng mga babae, sa pagkakataong ito sa mas malalim na pagtingin sa mapaglarong salita na "madugo."

Naranasan ng manunulat ang mga agam-agam ng isang babae-- ang ilang sa pagtingin ng mga tao sa ari, ang multo ng molestiya, ang isang ideyal na date.

Nariyan at katunggali rin ng anak na babae ang isang namamalong ina na pagdating sa isa pang sanaysay mapapalo rin naman ng una ng salita dahil sa bisyo. Sa kabila nito, ang ina ay hindi santo at hindi rin naman berdugo; isa rin siyang tao-- malakas at mahina.

Ito marahil ang inibig ko sa libro: ang babae ay tao at hindi lamang isang babae. Sa pagitan ng mga mapanghimagsik na sanaysay ukol sa pagiging babae, sumulat din siya tungkol sa iba pang mga karanasan at pakikibaka. Ang babae ay hindi lamang babae at hindi lang nakakahong problemado sa usapin ng kasarian; siya rin ay nababagabag sa lahi niya, sa uring panlipunan, sa kanyang mga relasyon bilang anak, kapatid, apo, pamangkin, at kaibigan.

Doon sa makulit na mga pangungusap ng manunulat sa mga mambabasang humihiwa ang pagiging tapat.

Dito sa madugo (o mareglang) bansa natin, hindi takot si Bebang sa dugo. Nalalasahan natin ang regla ng bayan sa pamamagitan ng pagtawa. At kung ang pagtawa ay isang gamot, marahil si Bebang ay may-ari ng botika.

salamat sa rebyu na ito, kris angel. napakaganda!

rebyu ng earnings from january to april 2019

total =P51,800

ok na rin, ano? though originally, ang target ko ay 120,000 hahahaha unrealistic pala yan.

ito ang breakdown

january
1,800-GLO
19,000-ISM

february
13,000-ECP

march
2,000-ECP
1,000-IRC
13,000- PLC (dividend)

april
2000- ECP

paper loss: 252,000 ahahahaha #getscrazy #isnowdead

batay sa figures at buwan at name ng stock na binanggit ko sa itaas, ano ang masasabi ko sa trades ko?

1. love ko ang ecp ahahaha, puro ecp ang bina-buy and sell e!
2. relatively mas malaki ang kita sa dividend pero hello once in a blue moon lang iyan
3. january ang pinakamalaki ang kita, meaning, bunga lang ito ng buys ko noong 2018
4. iyong mga buy and sell ko ng january to march ay di masyadong nagbunga meaning wrong decisions ng buy noong january to march




Friday, April 26, 2019

biyaheng probinsiya na ito!

3 hours ako bumiyahe from makati to ccp, 5 to 8pm, kasama na riyan ang mga biyahe sa dyip, pagtayo sa mga waiting shed at bangketa ng EDSA, Buendia, Libertad, Taft, paghahanap ng masasakyan, paglalakad, paghabol sa mga bus at dyip, at pagkatok at pagpapaawa sa mga bus na punong-punong-puno na kaya ayaw nang magbukas ng pinto sa tulad kong kumakatok at nagpapaawa.

mula manila pen, naglakad ako pa-EDSA, akala ko ay makakasakay ako ng bus doon papuntang Heritage. walang masakyan at sobrang dami kong kasabay sa paghihintay ng masasakyan. lahat ng bus, puno. naglakad ako hanggang Buendia MRT, napakahaba ng pila. naglakad uli ako hanggang sa himpilan ng dyip sa buendia. may mga dyip na washington-buendia kaya kahit di ko alam kung saan papunta ang mga ito, sumakay na ako, hahaha. bago sumapit sa dulo ng ruta, may nakasalubong kaming dyip na may nakasulat na libertad evangelista sa katawan. kaya nang nagbababaan na ang lahat ng pasahero, meaning end of route na, bumaba na rin ako at nagtanong kung nasaan ang sakayan pa-libertad. ayun, sa tapat lang daw. tawid naman ako. punong-puno rin ng nag-aabang na mga pasahero ang kantong iyon na di maalwang-side ng makati. may mga sabit pa ang dyip kahit bawal na ang sabit. di ako pamilyar sa lugar kaya di ko na alam ang gagawin ko. dumaan ang isa pang dyip na may dalawang sabit, huminto ito sa kanto, lampas na sa amin. para kaming mga zombie na nagtakbuhan. pero strategic zombie ako, tumabi ako at sa bangketa tumakbo. sila, sa kalsada. kaya naungusan ko silang lahat, nasa unahan na ako nang bumaba ang lalaking kahilera ng driver. yey. tumamlay ang mga humahabol na zombie este pasahero nang umandar na ang dyip na nasakyan ko. meaning, isa lang ang nabakanteng upuan at ako nga ang nakaokupa nito.

naghintay uli akong makarating sa dulo ng ruta ang dyip. ayun, libertad nga, malapit sa kanto ng taft avenue. naglakad ako, matao ang lugar kaya nakakapit akong maigi sa bag ko, nasa harap ko ito at baka malaslas kung nasa likod o gilid. noong una ay sa bangketa ako kaso after a few steps ay sarado na ang dulo ng bangketa, napalipat ako sa kalsada. may nakita akong pila, sa libertad lrt station pala, sa kalsada na sila nakapila, katabi nila ang mga kotse, dyip, motor. kami ring mga naglalakad, sila ang katabi. binaybay ko ito hanggang sa kanto ng taft dahil akala ko, mayroon na doong pa-harrison plaza na dyip, wala pala. so sumakay na lang ako doon ng pa-pasay city hall. pagdating sa pasay city hall, naglakad ako hanggang sa kanto, sa may cuneta astrodome. doon ako nakasakay pa-harrison plaza. ang tagal ng biyahe, omg. sobrang trapik sa pagitan ng libertad at buendia at sa pagitan ng buendia at vito cruz. after almost an hour, tinanong kami isa-isa ng driver. saan po ang punta n'yo? sagot ng katabi kong pamilya, sa aliwan, sagot ko, sa ccp rin po, sagot ng isang babae, diyan lang sa malapit, halos lahat ay sa malapit na. sabi ni manong driver, lusot na lang po kayo sa mga kalsadang iyan, ang labas po ay aliwan na. kung maghihintay kayo ay ubos oras lang sa trapik na ito.

lahat sila bumaba except ako. alam ko ang distansiya sa pagitan ng lugar na iyon at ng vito cruz, ilang kanto pa. no. pagod na ako sa init at sa kalalakad, kahahabol. so para kaming magkagalit na lovers ni kuya driver. ang lapit namin sa isa't isa, pero di nag-iimikan.

sa gitna ng lahat ng ito, sa mga waiting shed at sa mga pagkakataong nakasakay na ako't nakaupo sa dyip, ka-chat ko ang mga ka-gantala. nagbe-brainstorm kami tungkol sa possible lines na puwedeng iimprenta sa gantala shirt or merchandise. we came up with feminista: lumilikha, lumalaban, lumalaya.

after 3 hours, pagsayad ng talampakan ko sa ccp, gusto kong maiyak. finally, nakarating din. isang feminista: lumiligaya, lumuluha, lumuluhod sa tuwa.

siyet ka, friday.

earnings sa stock market ngayong april 2019

i received dividends from traditional broker ko- 1300
nag-buy and sell ako ng ecp- 2000 ang earnings, net, (april 2 ko nabili, april 25 ko na-sell)

total ay 3300

sobrang short sa target kong 30k per month tapos may back log pa ako sa mga nakaraang buwan. di bale, babawi ako in the next few months.

Thursday, April 25, 2019

condition ni dagat

so, may autism si dagat. mild siya, though.

pero kahit na. kumusta ka, girl?

Thursday, April 18, 2019

visita iglesia 2019 ng loving friends

kahapon, holy thursday, sa visita iglesia 2019 ng loving friends (name ng group namin hahaha, mga kaibigan na nakilala ko sa ust college of commerce noong guro pa ako doon). kami lang ni papa Bon ang nakapunta pero kasama ni papa bon si mama bon, at ang kids nilang sina nika at gab.

it was our 11th yr of doing this tradition na inumpisahan at unang inorganisa ni M A Lukban Rosete noong 2008.

ang ruta namin kahapon ay
1. ust

ang tahimik sa labas ng campus. akala ko nga sarado ang church, e. pero pagpasok mo sa loob thru p. noval gate, ayun na ang crowd. bago tuluyang pumasok sa pinto ng simbahan, bumili kami ng book na pangdasal, 4 pcs, 100 pesos. nilibre ako ni papa bon! i have a lot of this booklet of prayer. 11 years ba naman. kaso mo, dahil once a year ko lang gamitin, itinatago ko nang maigi ang mga kopya ko nito. sobrang igi, di ko na siya lagi mahanap pag holy week na. tas, nagpunta kami nina papa bon sa pinakaharap, malapit sa altar kasi doon nakasabit ang wood carving na pang- 1st station. after naming magdasal, lumabas agad kami at nagpa-picture sa pinto nito. hawak namin ang numbers na 11 at letters na LF na yari sa karton at felt paper na dilaw. ginupit-gupit at dikit ko lang iyan sa biyahe ko pa-ust that same day. nag-cr din kami. ihing ihi na kasi ako at kahit may pila, alam kong wengweng na ang cr sa quiapo kaya better na dito na ako makawiwi. nakasakay kami agad sa tapat ng ust pero... ang trapik sa quezon boulevard mini tunnel cor recto. like what we expected, matao sa quiapo.

2. quiapo church

business as usual sa quezon blvd leading to quiapo, raon area. andon pa rin ang nagbebenta ng mga helmet at storage na pangmotorsiklo, buko juice,p rutas tulad ng hiniwang indian mango na nakasupot, apat-apat per supot. nadaanan ng dyip namin ang globe electronics store kaya naalala ko ang globe lumpia. unfortunately, ang nahagip na ng mata ko ay ang bukas na bukas na bakers fair, nalampasan na 'ata namin ang lumpiyaan. sarado ang ma mon luk, watda, nagsasara pala iyon? naalala ko ang food? no, though hands down, masarap talaga ang mami, siopao at siomai doon, pero ang memorable sa akin sa bawat kain ko doon ay ang matatandang waiter at cashier. mga pinoy sila, 'apakaloyal sa boss nilang chinese. the boss must be super nice, ano, whatdyathink?

pagpasok namin sa church doors aptly labeled pasukan, hinanap ko agad ang 2nd station. it was right across the pasukan. kaya nagpunta kami sa dulo ng simbahan, doon kami tumawid para makarating sa may bandang unahan din, sa may altar. may napakalaking tv monitor, naka-feature ang top view ng interior ng quiapo church, ang ganda tingnan. parang maayos na nakasalansan sa upuan at taimtim ngang nagdadasal ang mga pilipino. pinikyutran ko nga, e. akala mo talaga, banal kaming mga naroon. 'kala mo, walang mga mandurukot, magnanakaw, budol-budol, kidnaper (ng bata!), politiko (!) among our midst. after naming magdasal, lumabas na agad kami sa side na papuntang lrt carriedo. nagpiktyur kami sa gilid ng simbahan at lumarga na.

it was a normal quiapo business day din sa area na iyon. ang sikip ng mga daanan, pang-isahang tao lang because of the stalls, kaliwa't kanan ay informal na stall ng sando, t-shirt, rash guard, evening gown, dvd, suklay, bra, panty, mittens ng bata, fried chicken, kandado, ukay na damit, ponkan from china, beachball, salbabidang hugis-swan, hugis-buwaya, at swimming pool na inflatable. sa haba ng paglalakad namin, ang pinatutugtog ng mga nagtitinda doon ay modern pop music, salita ng diyos, kanta ni moira. mabaho, mainit, masikip. para akong nasa pelikulang poverty porn. kulang na lang may nagmumurang nanay, may kagat na sigarilyong may sindi.

finally, lumuwag ang daan after ng lrt carriedo. pagtawid namin, may nakasabay kaming isang group ng namamanata, naka-yellow at violet na pantaas. pangarap ko ring magkaroon ng uniform ang LF. gold ang kulay. kulay ng uste dahil doon kami nagkakila-kilala. a, yellow pala, sori. tuition pala iyong gold.

3. sta cruz church

hindi na kami nagtangkang pumasok sa loob nito. namumuwalan na ang simbahan. nagdasal kami sa station of the cross sa loob ng compound nito at nag-picture sa gilid. naglakad kami papunta sa harap dahil doon kami lalabas para sumakay ng dyip na pa-pier/manila cathedral. sa harap ng sta cruz church, may higanteng numbers at hashtag at letters, ang sabi 400 yrs. ganon na katanda ang simbahan na iyon, precious! sabi ko kay gab, alam mo ba, dito bininyagan ang nanay ni rizal? di ko na binanggit kay gab na unfortunately, nawawala ang baptismal records nang taon ng binyag ni teodora alonso ayon sa isang article ni ambeth ocampo. may something kasi sa lineage ng lola mo, at baka raw sadya ang pagkawala ng baptismal documents nito (para walang physical evidence kung sino ang parents at grandparents niya?)

sa tapat ng sta cruz church, sumakay kami ng dyip pa-pier. mabilis naman ang biyahe, sa mismong intramuros na kami natrapik.

4. guadalupe sa loob ng fort santiago

pagbaba namin sa manila cathedral, naisip ko na hindi pala magkakasunod geographically ang simbahang inilista ng dept of tourism at intramuros admin, at inilabas ng media. una sa list nila ng 9 na simbahan at chapel na binuksan sa intramuros for semana santa 2019 ay ang manila cathedral at huli ang guadalupe sa fort santiago. so nag-decide kaming unahin na lang ang fort santiago, balak namin, ang last ay PLM para doon kami sasakay ng dyip pa-ermita church. moderate ang dami ng tao pa-fort, kaya happy kaming lahat. sa gate, may mga guwardiya, may ilang foreigner din. may signs kung saan kami dapat lumiko. maganda rin ang trimmed lawns ng fort, malinis ang tunnel na dinaanan namin papunta sa guadalupe chapel. at finally, ang kyot ng chapel. sa sobrang liit niya, wala siyang stations of the cross. tatlong hilera ng upuang pangsimbahan, nasa altar ka na. huwag magpakasal dito dahil walang change na magpakitang-gilas dito ang tear ducts mo. kyot din ang chandelier, pang-resto ang size. ang maganda rito ay damang-dama ko ang espanyol vibe. mukhang reconstructed lang ang lahat, including the guadalupe image at the altar, except for the site, pero... mukhang may chapel na talaga doon, noon pa, panahon pa ni damaso.

umupo kami sa isa sa hilera, iyong malapit sa exit, para may hangin. nagdasal kami at agad na lumabas para magparaya sa mga kararating pa lang. papaakyat ang mga tao paglabas namin. iyon pala ay may view sa taas. ang ganda, ang aliwalas, langit na kay asul. ka-level ng paa at tuhod namin ang bubong ng chapel. may mga kanyon pa na nakausli sa mga gilid ng area na iyon. noong panahon ng espanyol, magdadasal ka sa chapel, tas kakanyunin mo ang mga kalaban mo at ang mga bahay nila at bangka? harsh. punyetang mga espanyol talaga ito, mga qaqo. but i so love manila. first time ko doon, e. manila keeps on giving, 'kala mo, alam mo na ang lahat sa kanya? no. dyaraaan, may surpresa siya lagi for people like me, who grow old with her. anyway, doon namin nakita ang writer friend ko na si giselle, na sumabak uli sa entrepreneurship thru her handmade earrings halina ph. nagsaglit na kumustahan kami, tas sa kanya na kami nagpa-picture.

then lumarga na kami, sayang at di kami masyadong nakapasyal sa loob ng fort santiago. first time pa naman nina mama bon doon. sa bandang gate, nakasalubong naman namin ang college classmate ko na si Angelica, na ngayon ay guro ng filipino sa uste. lagi ko siyang nakikita at ang mga baby niya sa fb. kaya masaya akong makita siya in person at ang family niya. may dala pa silang stroller! maglalakad galore yata sila for the rest of the day, 1st church nila ang guadalupe. im sure magugustuhan din nila ito.

5. manila cathedral

pagdating namin sa manila cathedral, ang notre dame ng pilipinas, nanlumo ako sa dami ng tao. imposible nang makapasok kami sa loob. may stage na naka-set up sa pagitan ng plaza roma at palacio del gobernador. nakita namin ang ilan sa mga aktor. ng senakulo siguro. karamihan ay kabataan. good to know they are participating in this religious activity. nandoon sila sa gilid ng stage at backstage, nagli-lipstick, nagkukuwentuhan, nakikinig sa misa.

nagsasalita si cardinal tagle sa loob ng simbahan, may malaking malaking monitor sa labas, sa pinto ng katedral, close up sa mukha niya. sori, wala na akong maalala sa sinabi niya dahil naka-focus ako sa paghahanap ng spot para kami ay makapag-station of the cross. agad na kaming nag-decide na doon na lang mismo sa kung nasaan kami dahil di ka talaga makakagalaw sa dami ng tao.

pagkatapos naming magbasa ay nagpa-picture kami sa isa sa mga katabi namin sa misa. patawarin kami sa pang-iistorbo, pero mabilis naman kaming nag-pose at nagpasalamat. dati, since ako lagi ang nag-i-initiate mag-group picture bilang souvenir sa bawat simbahan, ang sinasabi ko lang ay, salamat po, happy holy week. na siyempre, na-realize ko na hindi angkop dahil papatayin na si jesus, hello. so nag-evolve ang pasasalamat ko sa mga nahihila ko na mag-picture sa aming group. ito ay naging god bless you po, mamser.

naglakad kami sa general luna street at nagtanong sa infotmation booth na nakaset up sa gilid ng manila cathedral kung ano ang nearest site doon. san agustin daw. pero nang sabihin kong PLM ang balak namin na huling station, bir chapel na lang daw ang isunod namin imbes na san agustin.

sa likod ng cathedral kami naglakad. ano ang meron doon? mga 5 o 6 na vendors ng mais at iba pang street food na de ihaw. que horror, ang init. sana haluhalo na lang or saba con yelo. that time, makulimlim na at inaabangan ko na ang ulan. after a few minutes, sa gilid ng isang sari sari store, ayun na nga, ang laki ng bawat patak ng tubig. umambon na. pag angat namin ng ulo, nasa tapat namin ang pares-kimchi na restaurant. nag-decide kaming pumasok at kumain habang nagpapalipas ng ulan. na hindi naman pala natuloy as ulan, anlabo. climate change is real. kaso mo, naka-order na kami kaya tumuloy na rin kaming kumain sa maliit na kainan na iyon,i forgot the name, but the waiting time was horrible. kami lang ang customers, saka na lang nagdatingan ang iba, pero almost 40 mins yata kaming naghintay for spicy squid plus 2 rice for mama bon and nika,chapchae na walang beef (ito ang akin), turones for papa bon, na ang nipis-nipis,wala yata yung turon kundi balat lang ng turon ang pinirito, at beef stew na set meal na fake news, hindi pala siya set dahil malamig daw ang soup so hindi nila sinerve at ubos na raw ang bean sprout, sori daw, so... wala, hindi rin sinerve. kaloka. anyway, nabusog naman kami, except for papa bon kasi nga, wala siyang kinain kundi balat ng turon este turones. nag-load up din ako roon ng malamig na tubig. saka kami naglakad papuntang bir chapel.

6. st matthews chapel, bir intramuros

ang lapit pala nito sa major road! dinaanan pala namin ito noong nakasakay kami ng dyip mula sa sta cruz. madali naming nahanap ang chapel dahil bukana lang ito ng building. maliwanag doon at may lady guard. pumasok kami, may aircon, at nagdasal sa pinto kasi nasa gilid lang ng pinto ang 6th station. maliit lang din ang chapel, parang dalawang burger machine. matao rin doon. nagdasal kami at lumabas agad para magpa-picture sa isang lalaki na nakatambay sa gilid ng elevator na may higanteng logo ng bir. habang naglalakad palabas, nagbibiruan kami ni papa bon kung bakit may full blown, please note, not makeshift, chapel sa bir. para makahingi agad ng tawad ang empleyado sa mga transaksiyon nila? o para magpasalamat sa mga biyayang lumalapag sa kanilang palad?

ang next na pinuntahan namin ay ang father willman chapel, knights of the columbus. pag nagtatanong ako sa mga guard at tindero, knights of the columbus lang ang sinasabi ko. ang itinuro sa amin ay pabalik sa spot namin sa manila cathedral. super lapit sa information booth. sabi ko, ba't ganon? ba't hindi iyon ang itinuro ng information booth kanina kung nasa likod lang nila ito? kaya pala, ang knights of the columbus, pagdating namin doon, ay isang gym! malayo pa roon ang chapel nila, after pa ng san agustin. kaya inuna na namin ang san agustin.

nadaanan namin ang cbcp. sabi ko kay papa bon, may masarap na resto sila sa likod nito, i-date mo si mama bon diyan. talaga, ano kinakain diyan, ostiya? oo, kako, banal na banal na kayo after n'yo kumain! paghakbang pa namin nang kaunti, ayun, mitre pala ang pangalan. sabi ni papa bon, kaano-ano ni mitra ang may ari niyan? sagot ko, mitri ko rin alam.

7. san agustin, intramuros

eto talaga, piyesta ang atmosphere. ang ingay, ang gulo, sumobra ang dami ng vendors sa parking lot. trapik din sa main road. may ilaw ang outline ng facade ng simbahan. so sa pictures, parang... nasusunog ito, mukhang apoy ang ilaw. nyah! i cant imagine na masunog ang san agustin na isa sa piiiiinakamatandang simbahan sa pilipinas. no. sana naghigpit sa fire prevention maintenance ang san agustin pagkatapos ng nangyari sa notre dame sa paris.

ilang beses na akong nakapunta rito kaya kahit magandang-maganda ito at engrande ay di na ako sabik makapasok sa loob. dito nga pala kami ikinasal ni papa p. hahaha, 25k for one hour, catholic business is booming, juskoday. dito kami ikinasal hindi dahil bongga kami kundi dahil kay sta rita of cascia sa loob nito. sa santong ito raw ako ipinagdasal ni papa p noong masalimuot pa ang sitwasyon naming dalawa. nang malaman naming malayo na sa maynila ang mga simbahan ng sta rita (north edsa, q.c. ang isa, baclaran ang isa), pina-reserve na agad namin itong san agustin for our wedding.

hinanap namin ang 7th station of the cross sa parking lot, nagdasal, nag-picture at umalis na agad kami. madali naman naming nahanap ang kasunod na site.

8. fr. willman chapel knights, intramuros

mula sa labas, aakalain mong malapad itong restawran dahil sa lighting. malamlam na maliwanag at the same time at ang ganda niyang tingnan dahil solid ang building kung nasaan ito (ground floor, parallel ito ng kanilang gate kaya para kang wine-welcome ng chapel pagpasok sa gate. ang building ay rectangular na maraming columns at guhit, well-lit ito, may guard at volunteer booth sa magkabilang gilid ng bakuran. may cr na maayos, napakaluwag ng bakuran na rectangular din ang hugis. gusto ko sanang pumasok sa loob, kaya lang, wala namang difference dahil mababaw ang chapel. parang dalawang dipa lang ito, kaya kita mo na ang lahat sa lawak ng mga pinto nito na hugis-half circle kahit nasa labas ka. pahaba nga lang ang chapel kaya mukha siyang malaki. sa gitna ng chapel ay isang rectangular na flower arrangement at sa tapat nito ay mga upuan na pangsimbahan. in short, parang may lamay. at yung rectangular na flower arrangement ay mukhang kabaong na tinadtad ng bulaklak.

nagbasa ako ng posts sa bulletin board habang naghihintay kina mama bon na makapag-cr (may pila pa rin). may ilang job ads doon, nangangailangan ang knights of columbus intramuros ng mga tao from the finance, business and admin sectors. may 2 o 3 brochure din about investment at educational.plans for their members. may picture din ng isang gathering sa simbahan. may mga babae sa picture so i guess, it's a family thing. siyempre, knights-knights, akala ko, puro lalaki lang ang puwede diyan. piniktyuran ko rin ang photo ni father willman, may estatwa din siya sa bakuran, nag-picture kami doon ni papa bon after naming magdasal.

gusto ko ang experience ko rito kasi maaliwalas ito, hindi nakakarinding magdasal, hindi mainit kasi open air, though umaambon na that time, relatively kakaunti ang tao. may nag-abot din sa amin ng libreng 2 postcard ni father willman at isa pang pari na naglingkod sa mga pamilya sa komunidad. gusto kong nag-uuwi ng ganito kasi... souvenir! at may koleksiyon ako ng bookmark.

after this, bumalik kami sa main road at naglakad kami pa-PLM. kaso, sarado na raw ang chapel nito sabi ng kanilang security sa main gate nito. ibu-bully ko sana siya para buksan ito lalo na at dumadami kaming nagdaratingan doon, nagtatanong tungkol sa plm chapel, kaso sabi ko sa sarili, di ba nagtitika ka kaya ka nga 'andito? behave!

nag-panic lang kami nang slight dahil kailangan naming magdagdag ng simbahan sa labas ng intramuros para maka-14 pa rin kami. habang naglalakad pa-mapua ay nag-isip kami kung mag-a-adamson,sabi ko, mahabang lakad kasi iyan. e, kung sa church sa likod ng harison na lang after ng malate church, counter offer ko as our 14th church. umoo naman si papa bon. less lakad kasi iyon mula sa babaan ng dyip. that was what we needed: less lakad.

9. mapua chapel

after a few.minutes mula sa plm, narating namin ang mapua. may guard, opkors, na sa tingin ko ay ang reason kung bakit nagsara agad ang PLM: walang security personnel na nai-assign after 7pm just for the semana santa rush. so, sori na lang, public. sabi nga ni mama bon, iisang beses sa isang taon lang iyan, di pa nila itinodo. agree! gobyerno talaga, oo.

ang ganda ng chapel ng mapua na dati ay natatanaw ko lang sa labas, malaki siya, puti, mataas ang kisame at pabilog. napakaliwanag, marami ding tao kaya di na rin kami nagtagal. dahil 1st time ko ay nag-wish na rin ako: sana matapos ko na ang m.a. ko at ma-promote ako at nang lumaki sahod ko. all about money pala, watda! suntok sa buwan ang wish na ito.

ako lang ang pumasok at nag-picture. tapos ay nagdasal na kami at nagpa-picture as a group. kahit matao, medyo tahimik sa simbahan na ito compared sa iba pang napuntahan namin.

10. lyceum chapel

ilang hakbang lang, mga 23, ay nasa lyceum na kami. nasa bukana lang as in malapit sa main entrance ang kanilang chapel. it was a small chapel walang bintana, may ilang aircon pero mainit talaga at pawisan na talaga kami dahil sobrang dami ng tao. tapos brown pa ang mga dingding. ganon daw iyon, dark things absorb heat. kaya kapag summer, its best to wear something white para mas presko. malapit sa entrance ang 10th station so agad na kaming nakapagdasal. umikot kami hanggang sa altar para maka-exit. ano ang sumalubong sa amin sa exit? malaking electric fan na pang-aircon ang ibinubugang lamig. nagtambay doon sina papa bon and family kasama ang iba pang pamilya, haha!

nag-picture kami sa may tapat ng signage na may mga halaman sa ilalim. nag-refill ako ng tubig sa kanilang dispenser. in fairness, may patubig si mayor lyceum, haha! pinakanaalala ko sa lugar na ito ay ang dalawang atm sa tabi ng main entrance ng school. parang weird na may atm sa main entrance ng isang educational institution, di ba?or, ako ang weird?

11 to 14. letran chapel

sa loob ng 11 yrs, first time naming hindi naka- 14 na iba't ibang church. dahil first time din naming naranasan ang malakas na ulan nang holy Thursday. napilitan tuloy kaming tapusin ang 14 churches sa ika-11 na site, ang letran chapel, na uber salamat sa diyos, tadtad ng aircon, halleluya.

letran is so ready for the devotees. well lit ang lugar, may mga signages para di maligaw sa loob ang mga nagbibisita iglesia. at kahit relatively ay malaki ang kanilang chapel, nag-set up sila ng isa pang space sa labas ng chapel para sa mga ayaw pumasok sa mismong chapel. hile-hilera ang upuang pangsimbahan ang nakita namin doon. pero hello, sinong aayaw sa aircon!? sa loob na lang kami.

favorite ko ang the last supper na mural sa likod ng chapel. maganda siguro kung ito ang 1st station of the cross para swak sa unang pangyayari sa kuwento ni jesus. nagustuhan ko rin na may podium sa gitna at may bible na nakapatong dito. nakakita rin ako ng 2 pari na personal na nag-aasikaso sa mga tao. meron ding signages para sa mga CR. after our 11th station, we took our photos sa mga malalaking letters at hashtag sa garden, tapos naghanda na kami para lumabas. ayun, doon umulan! naghintay kaming tumila ito para makalakad kami hanggang sakayan kaso mo mga 15 minutos na wala pa ring patda ang ulan. sa gitna ng panonood ng promotional video ng school featuring a former prof/official of ust (sister school ang uste at letran, konti lang ang nakakaalam niyan), nag-decide kami ni papa bon na doon na lang tapusin ang aming 14 churches. so, balik kami sa aircon, sarap-buhay. ganern lang talaga.

dahil dito, 1st time kaming natapos nang maaga. usually ay 2pm to 12 midnight ang visita iglesia namin. kahapon, past 3pm na kami nagsimula, natapos kami nang past 9pm.

all in all, napakarami talagang tao sa intramuros, nakita ko rin ang 2 kaibigan na sina Giselle at Angelica. kahapon, parang may piyesta, napakaraming stall, tindero at tindera sa kalsada. inihaw na mais, milk tea, pizza, relo, suman, lobo featuring hello kitty, peppa pig. masaya ang atmosphere, pero siyempre, maingay, parang hindi religious ang event.

nilagyan ng intramuros admin ng stations of the cross ang buong gen. luna street. kumbaga, kung ayaw mo nang pumasok sa mga chapel at simbahan, puwede ka nang sa kalsada na lang magdasal. i think, it was a good move kasi sobrang init, kahit pahapon at gabi na kaming naroon. pawis na pawis ako. basa ang buong likod ng bestida ko. humid kasi, walang hangin. actually, parang walang oxygen, siguro sa sobrang dami ng tao. saka umambon nang around 5pm. so, alimuom, yay.

matinding konsentrasyon ang ginagawa ko kapag nakaharap na kami sa bawat station of the cross. minsan lang sa isang taon ang pagbabasa ko ng buhay ni jesus. kaya kailangang karerin. for the past 9 yrs, kasama ko si poy sa tradisyon na ito. ngayon lang siya nag-skip dahil kailangang may maiwan sa bahay kasama sina dagat at ayin. sabi ko bago ako lumarga pamaynila, anong gusto mong ipagdasal ko? sabi niya, maging effective ang 6 months to 1 year na intervention na gagawin namin for dagat. iyon nga ang pinagdasal ko for every station, tas dinagdag ko rin na sana malampasan ni boss alvin ang paparating niyang heart operation next month.

pansarili na wishes ko, kaloka. noong mga unang taon ko sa tradisyon na ito, world peace ang hiling ko, saka sana lahat ng bata, may sapin sa paa, ganyang kiyeme. as you get older pala, nagiging specific na ang mga wish-wish mo, ano?

Friday, April 12, 2019

for the curated shelf at kwago

#1 Edgardo M. Reyes: Sa mga kuko ng liwanag
Paulit-ulit ko itong binabasa since college ako. Ang tindi ng sound effects sa utak ko, ganoon kagaling pumili ng mga salita si EMR. Sa pamamagitan ng nobelang ito, saka ko lang lubos na naintindihan ang kahulugan ng onomatopoeia, weird, oo, na hindi sa pamamagitan ng tula. Ang galing din niya lumikha ng buhay ng tauhan at ang pagkakakawing-kawing ng tadhana nila. Magbabago ang tingin mo sa mangingisda, sa construction worker, sa puta, sa Intsik, sa bugaw pagkatapos mong basahin ang librong ito.

#2 Lualhati Bautista - Bata, bata paano ka ginawa (cacho)
Ang tapang ng bidang si Leah Bustamante. Unconventional ang buhay, ang choices, ang linya ng pag-iisip. Saka ang daldal niya, at di siya nangingimi, di siya natatakot. Wala siyang pakialam kung nadadaldalan ka sa kanya. Parang iyong buong libro. Ayaw mo sa madaldal? Puwes huwag mo akong basahin. Love, Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? The novel. Palagay ko, marami sa mga bida ko ay mana kay Leah sa tapang.
#3 una kong milenyum by virgilio s. Almario
Ginagawa ko itong source ng mga salita kapag nauubusan ako habang lumilikha ng tula. Sa librong ito, makikita ang lawak ng bokabularyo ni Sir Rio, marami ka rin ditong matutuklasan pagdating sa wika, sa tunog ng bawat salita, sa pagtutugma at iba pa. Makikita rin dito ang mga kakaiba niyang kombinasyon ng salita para makabuo ng taludtod. Mapapansin din ang mga last line niyang laging lihis sa inaasahan, kaya nagiging mas poetic ang kanyang mga tula. I once wrote a paper about writing poetry using the titles of Almario’s poems in this book. I called it Eksperimentalmario.

#4 Virgintarian by Mayette Bayuga
I fell in love with the author the first time I read this book. Nawirdohan ako in a good way sa pagkakatipon ng kanyang works, iba-iba kasi, may erotikang akda, may akdang ang tampok ay bata. Matindi. Gusto ko ring gumawa ng ganyang libro. Saka pagkabasa mo sa kanya, ito iyong tipong alam mo na matalinong tao ang awtor, mabuti ang kanyang puso, at gusto mo siyang makilala, at gawing kaibigan, kasi feeling mo andami mong matututuhan sa kanya at feeling mo, safe ka, kasi kaya kang ipagtanggol ng mga astig niyang tauhan.
#5 Personal by Rene O. Villanueva
Isa ito sa inspirasyon ko sa pagsulat ng libro kong It’s A Mens World. Dito ko napulot iyong teknik na pag-focus ng sanaysay sa isang sitwasyon at mula roon ay ibi-build mo ang damdamin na gusto mong palitawin at gusto mong ipadama sa mambabasa. Hihilahin mo ang lahat ng bagay sa uniberso mo at ipapakilala mo ang mga ito sa iisang sitwasyon para mabuo sa isip ng mambabasa ang kuwento o episode ng buhay mo na gusto mong ibahagi sa kanya. Dito ko rin napulot ang teknik na hindi linear na pagkukuwento ng talambuhay. Puwede naman kasi itong maging thematic.
#6 Ang Silid na Mahiwaga: Kalipunan ng Kuwento't Tula ng mga Babaeng Manunulat
by Soledad S. Reyes (Editor) Anvil Publishing
Si Mam Chari Lucero ang nagpakilala sa akin ng librong ito. Ni-require niyang basahin namin ang kuwentong Tulad ng Dati, Sa Underpass ni Amor Datinguinoo, tapos tinalakay niya ito sa klase. Tungkol ito sa kolehiyalang buhat sa probinsiya at ngayo’y nasa Maynila, sa Quiapo, to be exact. Tinuruan kami ni Mam Chari na magbasa between the lines, at doon na-reveal sa amin na posibleng breadwinner ang bidang kolehiyala, posible ring prostitute siya, at posibleng nakaranas na ng abortion. Ngunit ang tiyak, naroon siya sa underpass dahil hinihintay niyang magbalik ang isang taong grasa, na kanya palang tatay.
Mula nang matuklasan ko iyang reading between the lines, dumami ang paborito kong akda mula sa librong ito: Dalaw ni Francine Medina at Arrivederci ni Fanny Garcia. Naging paborito ko rin sa mga tula ang Dyugdyugan ni Lualhati Bautista, mga tula ni Ruth Elynia Mabanglo, ang tula ni Oryang, ang lakambini ng Katipunan. For me, this book must be used in all Filipino college courses. At dapat masundan na ito dahil marami nang umusbong na mga manunulat na Filipina. They are equally good, relevant, and most all, wala ring pag-aalinlangan sa pagtalakay ng di malumanay na mga paksa.
#7 Pera mo, palaguin mo by Francisco Colayco
Mahal ko itong librong ito kasi dito ko na-realize na puwedeng talakayin ang financial management sa Filipino at sa simpleng paraan. Tinulungan ako nitong maging smart sa pera at sa investment. I discovered him through a magazine for entrepreneurs tapos written in Filipino ang mga akda roon. Ipinapabasa ko si Colayco noon sa mga estudyante kong Commerce ang course, para makita nila na hindi lang Ingles ang wika ng komersiyo. Na-meet ko rin in person si Sir Colayco, niyaya ko (at pumayag naman) siyang maging member ng copyright organization na pinaglilingkuran ko noon. Sana balang araw, makapagsulat din ako ng libro tungkol sa kaperahan at investment.
#8 Impersonal by Rene O. Villanueva
Anvil Publishing, this is still being sold.
I want to write a similar book. Self-help ito para sa mga gustong sumabak sa malikhaing pagsulat. Habang gina-guide ka ni Sir Rene sa pagsusulat, you will also get to know him more. So para siyang kalipunan ng mga personal na sanaysay na ang pokus ay makapagbigay ng instruction on how to write creatively and how to survive in the Pilipins as a creative writer (you won’t, so, ngayon pa lang ay mag-quit ka na).
#9 Without Seeing the Dawn by Stevan Javellana
I think this is out of print, this is a very old book, it’s about the horrors of WW2 in rural Philippines, I will try to find my personal copy of this book.
Katulad ng Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes, tragic ang nobelang ito at tungkol din ito sa couple na batambata, inosente, wala pang malay sa kalupitan ng kapwa. Pakahusay ng characterization dito. May bagong kasal na road to happiness sana ang tatahakin kaso mo, dumating ang mga Hapon, and the rest became an endless flow of human blood. Bagama’t sa Ingles nasusulat ang nobela, ramdam mo ang hirap ng magsasakang Filipino, amoy mo ang pagka-rural ng lugar, halos matikman mo ang mumunting hamog sa umaga. Walang masyadong nasusulat tungkol sa awtor na si Stevan Javellana. Sad. Kaya sana ay marami pa ang makabasa ng libro niyang ito, lalo na iyong nasa kasalukuyang henerasyon.
#10 UMPIL Directory- can this be part of my list? It is not a book, haha, it is just a directory. But this directory was the first and only directory of Filipino literary writers. It was published by the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. I have a copy of this directory.
Super love ko ang directory na ito dahil isa ito sa iilang attempt ng mga writer na Pinoy na organisahin ang kanilang mga sarili. Ito ay inilathala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, unfortunately ay hindi na ito nasundan pa. May pangarap ako bilang isang manunulat: ang magkaisa ang mga manunulat para ipaglaban ang kanilang mga karapatan laban sa mga mapansamantalang publisher at iba pang uri ng negosyante. I believe, first step ito, ang directory. Sa pamamagitan nito ay mas madali ang komunikasyon ng manunulat sa isa’t isa, mas madaling mahanap ng mga entity ang manunulat para mabigyan ng writing job o mahingan ng permit to publish their works, etcetera, etcetera. Kaya naman, kahit saan ako mapadpad, hindi naaalis sa sistema ko ang baby steps para maisakatuparan ang pangarap na ito. Sa Freelance Writers Guild of the Philippines noon, nag-oorganisa kami ng mga talk at lecture tungkol at para sa mga writer. Sa Filipinas Copyright Licensing Society, naglunsad kami ng Huntahan, isang programa kung saan nagkikita-kita ang mga writer para pag-usapan ang copyright issues na kinakaharap nila. Dito sa CCP ngayon, ang isa sa mga una kong pinropose na project ay updating ng directory ng mga manunulat. Pangarap kong masundan ang librong ito. Na isa nang alamat!

#11 Educational Material on Collective Management of Copyright and Related Rights Module 4: Management of Rights in Print and Publishing by Tarja Koskinen-Olsson and Nicholas Lowe (WIPO)
Download it here:
https://www.wipo.int/edocs/pubdocs/en/wipo_pub_emat_2014_4.pdf
Nabasa ko ang printed copy nito noong bago pa lang ako sa Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS). Wala akong kaalam-alam sa copyright noon kaya noong first few months ko ay tinambakan ako ng boss kong si Alvin Buenaventura ng mga babasahin tungkol sa nasabing paksa. Isa ito sa mga ni-require niya sa akin. Malaki ang naitulong ng librong ito para maunawaan ko nang husto ang sistema ng kolektibong pagkolekta ng pera para sa mga copyright owner. Dito ko rin natuklasan na late na ang Pilipinas, as usual, sa pagtatatag ng sistema para mabayaran ang mga writer at copyright owner para sa massive na photocopying at reproduction ng kanilang mga akda. Pero dahil din sa librong ito, na-realize ko na, shet, puwede pala. If we will just implement this, puwede palang magkaroon ng dagdag na kita, passive income pa man din, ang mga writer sa Pilipinas dahil sa mga akda nilang paulit-ulit na ginagamit at pino-photocopy sa mga eskuwela.

#12 Pinay ang title ng book. Essays ito on crime by Sol Juvida Mendoza, Anvil publishing

Bukod kay Tony Calvento, wala na yatang nagsusulat tungkol sa krimen noong 1990s. Kaya nang mabasa ko ang librong ito na isinulat ng isang babaeng journalist, na naging teacher ko (Wah! Super suwerte ko, ‘no?!), manghang-mangha ako. The author was very meticulous: walang iniiwang detalye, lahat isinusulat niya. Maaamoy mo ang dugo, mararamdaman mo ang hapdi ng paglapat ng talim sa balat ng biktima, parang gusto mong suklayin ang sabog na buhok ng biktimang nakahandusay sa isang lote na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanilang tahanan. One of her subjects was the rape and murder cases in Marikina. I wish I had the guts to write this way and write about this topic. Bullet day, bullet day.
#13 Ang Pag-ibig ni Lam-ang, muling pagsasalaysay ni Virgilio S. Almario, Adarna House, this is still being sold.
Noong freelance storyteller pa ako, I love telling this story to kids. Ang adventurous kasi ng buhay ni Lam-ang, nakipaglaban siya sa dambuhalang buwaya, nakipaghagisan siya ng sibat sa isang kalaban na ga-plato ang mga mata. Ang ganda rin ng illustrations, center lagi ang matikas na si Lam-ang, kayganda at kay-delicate na mahal niyang si Ines Kannoyan, at very unpredictable ang iba niyang kalaban tulad na lang ni Saridandan, na isang napakagandang bruha. Buong-buo si Lam-ang dito bilang isang tauhan. This children’s story has a very good focus on the main character, his flaws, his power, his decisions, his actions, his destiny. Para sa akin, naituturo ng librong ito ang mahusay na paglikha ng tauhan na puwedeng maging bida o di kaya ay superhero. Nagbabasa pa lang ang bata ay natututo na siya sa ilang batayang prinsipyo sa larangan ng malikhaing pagsulat.

#14 Terminal 1 by Almayrah Tiburon, self-published, baka mayroong ibinebenta ang Gantala Press. Kung wala, I will ask writer if ok ang ipadala ko sa inyo ang soft copy ng book niya.

I personally met the author nang maimbitahan kami ni Sir Lito, ang kaibigan kong propesor sa Mindanao State University Main Campus sa Marawi City, para mag-talk tungkol sa iba’t ibang genre ng panitikan. Pagbalik namin ni Papa P. sa Maynila, the author, Mam Mye, asked us if we could publish her Terminal 1 manuscript under Balangay Books. Dadalawa lang naman kami ni Papa P. sa Balangay, so bilang isa sa dadalawang editor nito ay nabasa ko ang manuscript ni Mam Mye. Napahanga ako sa mga akda niya. Una, sa wikang Filipino ito nakasulat. A few months before that, when I was still with the National Book Development Board, I found out, walang nagsusulat ng akdang Mindanao at Marawi sa wikang Filipino. Imagine?! So napunan iyon ng librong ito ni Mam Mye. Ikalawa, napaka-cool ng genre niya: horror stories and suspense. Na bihirang-bihira sa mga Mindanao/Marawi literary work. Ikatlo, Meranao culture was highlighted in each of her story. This book made me understand the Meranao culture better. It helped me become more sensitive to Meranaos. This book made me realize that books can be the ambassadors of other people’s culture.

#15 Arimunding-munding: 107 saknong mula sa mga awit at tulang bayan sa daantaong panulaang Tagalog ng mga makatang Filipino na di-kilala
Editor at nag-compile: Alberto S. Florentino
Publisher De La Salle University Press, 1998
Baka out of print na ito. Sa mga library na lang makikita.
I was still in college when I read this book. Aksidente ko lang itong natagpuan sa library. At dahil aspiring poet ako noon, aspiring pa rin hanggang ngayon, haha, gumagawa ng mga bagong tula mula sa ilang linya ng nursery rhymes na Filipino, I immediately sensed that this collection would be an important source of inspiration to write more poems. Lagi kasing halaw sa nursery rhymes at tulang bayan ang mga akda ko noon, feeling ko, nakahawak ako sa kamay ng matatandang makata, ng sinaunang mga makata, ginagabayan ako hanggang maitawid ang aking bawat kaisipan. Feeling ko, every time na lalapat ang panulat sa papel, nagpupugay ang panulat ko sa mga sinaunang makata, para sa kanilang gabay, para sa kanilang talino. Until now, I have this habit of singing a folk song or a nursery rhyme in my head, when I write, when I write poetry. Na bihirang-bihira na, hay. Puro tuluyan, puro prosa na ang isinusulat ko, gaya na lang nitong binabasa mo ngayon.

Tuesday, April 2, 2019

Performatura 2019 April 5,6 and 7 at the CCP

FREE AND OPEN TO PUBLIC!

Day 1: April 5 (Friday)

AKLATAN ALL FILIPINO BOOK FAIR
KOMIKS GUILD OF THE PHILIPPINES FAIR
9:00 AM to 6:00 PM at Main Theater Lobby and Little Theater Lobby

CCP CAFÉ: Resil Mojares and Hope Sabanpan-Yu
9:00 AM - 10:00 AM at Main Theater Lobby
Have a light and enjoyable conversation with the National Artist for Literature Resil Mojares and Dr. Hope Sabanpan-Yu.

FILM SCREENING: Ang Paglilitis ni Mang Serapio
10:00 AM to 12:00 NN at Tanghalang Manuel Conde (Dream Theater)
Director’s Khavn Dela Cruz’s film version of Paul Dumol’s classic “Ang Paglilitis ni Mang Serapio” will be screened for the Intellectual Property Office of the Philippines

PAGTUKLAS: Performatura 2019 Opening Ceremony
10:30 to 11:30 AM at CCP Main Theater Lobby
A variety show directed by Renz Sevilla will feature CCP VP and Artistic Director Chris Millado, Festival Director Vim Nadera, National Artist Resil Mojares, PHSA Musika Ibarang, PHSA Sanghiyas Pangkat Mananayaw, Karl Orit, Criselda Marie L. Go and Sam Roxas-Chua.


TANGHAL-TANGHALIAN led by Kuwit of PHSA
12:00 NN to 1:00 PM at Silangan Hall
A set of literary performances from Kuwit of the Philippine High School for the Arts, Claudia Monette Enriquez and Melanie Ramirez and Jose Tomasito Fernando of National Library of the Philippines Kuwentistas. A 15-minute open mic will follow.

LITERATURO 1:Sam Roxas-Chua
1:30 PM to 2:30 PM at Silangan Hall
Sam Roxas-Chua, an international poet, gives lecture-demo about Asemic writing.

TANGHAL-TULA: Elimination Round
3:00 PM to 5:00 PM at Main Theater Lobby
Spoken word artists and performance poets will have a battle of words at the first ever Tanghal-Tula Performatura Slam Poetry Contest.
Hosted by The Makatas
Judges include Joselito delos Reyes, Skyzx Labastilla and Khavn dela Cruz.

PELITERATURA 1:Balangiga: Howling Wilderness
4:15 PM to 6:30 PM at Tanghalang Manuel Conde (Dream Theater)
Watch Khavn Dela Cruz’s award winning “Balangiga: Howling Wilderness” for free and join him for the open forum after the film screening.



ORATURE OVERTURE: Dumagats from Mauban, Quezon
6:00 PM to 7:15 PM at Tanghalang Huseng Batute
Dumagats from Mauban, Quezon, will stage the story of their hero Gat Uban.

TANGHAL -TULA: Final Round
7:30 PM to 9:00 PM at CCP Powerhouse
The best among the champion poets will compete for the final round of the first ever Tanghal-tula Performatura Slam Poetry Contest
Hosted by The Makatas, the final round will also feature performances by Azam Rais of Malaysia and Kooky Tuason.
Judges include CCP VP and Artistic Director Chris Millado and Kooky Tuason

Chesca Lauengco serves as emcee/host/voice over.

Day 2: April 6 (Saturday)

AKLATAN ALL FILIPINO BOOK FAIR
KOMIKS GUILD OF THE PHILIPPINES FAIR
9:00 AM to 6:00 PM at Main Theater Lobby and Little Theater Lobby

ESTELA VADAL INSTALLATION by Marlon Hacla
9:00 AM to 9:00 PM at the Main Theater Lobby

CCP CAFÉ: Lulu Coching and Marabini Coching-Williamson
9:00 AM - 10:00 AM at Main Theater Lobby
Have a light and enjoyable conversation about the life and works of the National Artist Francisco V. Coching with daughter Lulu Coching and niece Marabini Coching-Williamson

PANUNULAY: National Artist Francisco V. Coching Birth Centennial Show
10:30 to 11:30 AM at Main Theater Lobby
A variety show directed by CJ Andaluz will feature Festival Director Vim Nadera, Jeralyn Develos of Ang Pinoy Storytellers Group, Remus Villanueva, and komiks creators Danny Acuna, Dave Shaun Garcia, and Randy Valiente. The response of the family will be delivered by Macoy Coching.
TANGHAL-TANGHALIAN led by Tadhana
12:00 NN to 1:00 PM at Silangan Hall
A set of literary performances by Hannah Pauline Pabilonia, Sabrina Nicolas, Dzeli Del Mundo, Jenilyn Manzon, Carla Nicoyco , Maningning Vilog, Aubrey Joy Salvador and Jazzmine Pena, women spoken word artists led by Tadhana group in honor of Coching’s women characters such as Marabini.
COCHING IN HENNA: Noel Batiancia
2:00 PM to 5:00 PM at Main Theater Lobby
Take home a Coching character as souvenir on your body by getting inked by henna tattoo artist Noel Batiancia for free.

LITERATURO 2: Ernesto Patricio
1:30 PM to 2:30 PM at Silangan Hall
Ernesto Patricio, a veteran illustrator, gives a lecture-demo about komiks illustration.

BOOK DISCUSSION 1: Pinoy Reads Pinoy Books Book Club
3:00 PM to 4:00 PM at Bulwagang Pambansang Alagad ng Sining (MKP), 4F
Ella Betos of Pinoy Reads Pinoy Books Book Club leads a book discussion about the National Artist Francisco V. Coching’s graphic novel El Indio.

PELITERATURA 2: Lapu-Lapu (1955)
4:15 PM to 6:30 PM at Tanghalang Manuel Conde (Dream Theater)
Watch the Lapu-Lapu film directed by National Artist Lamberto V. Avellana. Join Xiao Chua for the open forum after the screening.

ORATURE OVERTURE 2: Eastern Samar High School students
6:00 PM to 7:15 PM at Tanghalang Huseng Batute
Amassing more than five million views on Facebook and Youtube, selected students from Eastern Samar will read National Artist Francisco V. Coching’s komiks Lapu-Lapu. Join komiks creator Randy Valiente for the open forum after the performance.

BOOK LAUNCHINGS
7:30 PM to 9:00 PM at Little Theater Lobby
Catch the launching of National Artist Francisco V. Coching’s latest books published by Vibal Foundation and the multiple book launchings of contemporary komiks artists led by Randy Valiente and Macoy Coching. Led by Jewell Enrile, mimesis will be performed by Daryl Shai Garces, Nicole Frances Fajardo, Samuel Ocampo and Joaquin Kyle Vincent Saavedra, cosplayers from iAcademy.

Bianca Louise Gabon serves as emcee/host/voice over.

Day 3: April 7 (Sunday)

AKLATAN ALL FILIPINO BOOK FAIR
KOMIKS GUILD OF THE PHILIPPINES FAIR
9:00 AM to 6:00 PM at Main Theater Lobby and Little Theater Lobby

ESTELA VADAL INSTALLATION by Marlon Hacla
9:00 AM to 9:00 PM at Main Theater Lobby

CCP CAFÉ: Ramil Digal Gulle and Jaime An Lim
9:00 AM - 10:00 AM at Main Theater Lobby
¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬Have a light and enjoyable conversation with notable poets Ramil Digal Gulle and Jaime An Lim about National Artist Edith Tiempo’s life and works.

OPENING CEREMONY: Hymn, Sob, Psalm, National Artist Edith L. Tiempo Birth Centennial Exhibit
10:30 to 11:30 AM at Main Theater Lobby
Curators Danilo M. Reyes and Gwen Bautista will lead the opening of the Centennial Exhibit together with readings by Peachy Paderna, Mikael de Lara Co and Padmapani Perez. Musical compositions by Carlos Pizarro will be performed by Jay Gomez and Michelle Nicolasora.

TANGHAL-TANGHALIAN 3 led by Pakinggan Pilipinas
12:00 NN to 1:00 PM at Silangan Hall
Elyss Punsalan, a podcast producer of the Pakinggan Pilipinas, will lead a series of reading of Tiempo’s works by Alma Anonas Carpio, Patricia Evangelista, Noel Pingoy and Michelle Alagao with dance performances by Kahayag Dance Company Philippines, Inc.
LITERATURO 3: Dr. Belen Calingacion
1:30 PM to 2:30 PM at Silangan Hall
Dr. Belen Calingacion, a speech communication professor, gives workshop about teaching Edith Tiempo poetry as material for speech choir performance.

BOOK DISCUSSION 2: Flips Flipping Pages
3:00 PM to 4:00 PM at Bulwagang Pambansang Alagad ng Sining (MKP)
Gege Sugue and Orly Agawin of Flips Flipping Pages lead a book discussion about Edith Tiempo’s collection of short stories Abide, Joshua, and Other Stories.

PELITERATURA 3: A Nation is Born by David Griffin
4:15 PM to 6:30 PM at Tanghalang Manuel Conde (Dream Theater)
Watch A Nation is Born, believed to be the first film shot in Dumaguete, for free. Film critic Ed Cabagnot will discuss the film and the milieu of EdithTiempo after the screening.

ORATURE OVERTURE 3: Azam Rais of Malaysia
6:00 PM to 7:15 PM at Tanghalang Huseng Batute
A champion spoken word poet from Malaysia performs live on stage.

PAGSASARA: National Artist Edith Tiempo Birth Centennial Show
7:30 PM to 9:00 PM at Little Theater Lobby
A variety show directed by Domingo Lazam III will feature Ralph Justine Alconaba, Shamel Icy Bebita, Hans Christian Baldono, John Diether Amoyo, Julius Val Beringuel, Danielle Esther Lois Sabungan, and Kim Chantal Capones of Kahayag Dance Company Philippines Inc. led by Aiken Emmanuel Quipot. One of the highlights is the projection show of Annie Dennise P. Lumbao with dancer JM Cabling. Poetry reading and musical numbers will be rendered by John Labella, Katrina Marie Saga, Jasper Domingo, Gemino Abad, Susan S. Lara and Alfred Yuson. The response of the family will be delivered by the son, Maldon Tiempo.

TIEMPOETRY IN CALLIGRAPHY: Lexter Victorio, Peter Sandico and Chloe Arun
9 AM to 8:00 PM at the Main Theater Lobby and Little Theater Lobby
Take home for free the poetic lines of Edith Tiempo by asking our calligraphers to do their art on your bookmarks, journals or notebook covers.

Jalandoni Oliveros serves as emcee/host/voice over.


Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...