Saturday, November 5, 2016

Last Two

hay. natapos ko rin ang translation at editing ng 3rd to the last piece ng Rizal Without the Overcoat (RWTO) project. bale, ang natitira kong gawain para sa proyektong ito ay translation na lang ng dalawang interview na nakapaloob sa rwto. itong dalawa pa naman ang pinakamahirap. hinuli ko talaga ito, kasi nga pinakamahirap i-translate sa tingin ko. pinakamahaba rin sa lahat ng piyesa ang dalawang interview na ito. mali pala ang ganitong strategy, kasi nga mas mahirap so mas tinatamad kang gawin ito, mas wala kang motivation na gawin ito. hinding-hindi ko na ito uulitin, sa susunod, iyong mahihirap ang uunahin ko.

natutuhan ko rin sa translation project na ito na kasinghaba ng translation process ko ang editing process ko.

ang ginagawa ko kasi para mapabilis ako, ang translation ko on the spot ay ang first draft na rin ng piyesang aking isinasalin. as in wala muna akong pakialam sa tamang termino, sa syntax at iba pa habang nagsasalin. wala rin akong pakialam sa spelling. pag masyado ko kasing pinolish, aabutin ako nang till the kingdom come, hahaha. sa editing ko lahat iyan ginagawa. at sa proofreading.

ibig sabihin, kahit hindi required sa akin, ine-edit ko ang lahat ng gawa ko. na-train akong mag-edit at mag-proofread noong ako ay nasa popular books pa, time na ako ang leader ng group namin na nagsusulat ng popular books tulad ng hilakbot, sopas muna, haunted philippines 8 and 9 at palalim nang palalim. lahat ng ipasa sa akin, ine-edit ko at pino-proofread kahit na hindi ito hinihiling sa akin ng kapwa ko writers at ng mismong resident editor ng publisher. basta't dumaan sa akin ay lagi kong ine-edit at pino-proofread bago isumite sa editor o publisher namin noon.

kaya ganyan din ako ngayon sa mga proyekto ko. pati na rito sa translation project. nakakailang hagod ang mata ko sa teksto bago ko ipadala sa kinauukulan.

na-realize ko rin na halos lahat ng librong nasa merkado ngayon ay dumaan sa napakatagal na proseso. ibig sabihin, ang new books ay hindi naman kasing-new ng iniisip natin. new lang ito physically, as in newly printed. pero ang content, puwedeng ilang taon na palang nakatengga sa laptop ng mga writer o ng translator o ng editor o ng publisher. kasi nga hindi biro-biro ang pinagdadaanan nito.

kumakain talaga ng oras, araw, linggo, buwan, taon, at minsan pa nga, dekada.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...