Tuesday, November 29, 2016

a publisher wants your work in their textbook?

Ano-ano ang mga dapat hingiin kapag kinontak ka ng publisher at isasama raw nila ang akda mo sa kanilang textbook?

1. title ng akda- siguruhin mo muna na akda mo nga ang gusto nilang isama at ilathala sa kanilang textbook. baka hindi mo pala akda ang tinutukoy nila,haha!

2. bersiyon ng akda na ilalathala nila sa textbook- ito ay para makita mo kung anong bersiyon ang pinagkakainteresan nila. dito mo rin malalaman kung saan nila nakuha ang bersiyon ng akda mo. pagkakataon mo na rin ito para maiwasto ang anumang pagkakamali sa bersiyon na gusto nilang ilathala. icheck mo kung buo ba ang akda mo, kulang ba, sobra ba, mali ang format, at iba pa. magbigay ng abiso sa paraan ng paglalathala ng gusto mong lumabas para sa iyong akda sa kanilang textbook

3. title ng textbook- para naman mailagay mo sa iyong resume

4. pangalan at contact details ng publisher- para malaman mo kung reputable ba iyan o hindi. bago ba yan o hindi, malaki o hindi, at legit ba o fly by night. para din malaman mo kung sino ang interesado sa iyo.

5. pangalan at contact details ng editor/s- same as number 3

6. detalye ng permit fee- ang permit fee ay ang fee na ibibigay ng publisher sa iyo kapalit ng pagpayag mo na mailathala ang iyong akda sa kanilang textbook. magkano ba iyan? ok ba sa iyo ang amount? mataas ba? mababa? alalahanin, hindi ka nagde-demand ng bayad para sa iyong akda, ang iyong akda ay priceless! ang permit fee ay bahagi mo sa kikitain ng kumpanya sa sales ng textbook. na siguradong tatabo sa takilya dahil helo ilang estudyante ang bibili niyan, ilang eskuwelahan ang magre-require niyan. magkano ang katanggap-tanggap? ok na ba sa iyo ang piso per copy ng textbook per print/reprint ng isang edition? for example, balak ng publisher na maglabas ng 5k copies, ang hihingin mo ay 5k pesos for this certain edition only. ok ba?

kung ang isang textbook ay P400 ang presyo, at 5,000 copies ang iimprenta nila at ibebenta, bale dalawang milyong piso po ang gross income nila. limang libong piso lang ang dine-demand mo. tinga ba.

7. detalye ng tax na ibabawas sa permit fee- ilang percent ba? ikaw ba ang magre-remit o ang publisher? kung publisher ang magre-remit, humingi ng kopya ng BIR Form 2307 kahit through email lamang. ibigay mo sa kanila ang iyong tax identification number o TIN at ang iyong complete home address. kailangang ilagay iyon ng publisher sa nasabing BIR form.

8. detalye ng method of payment- Cash? Check? If cash, paano ito ipapadala sa iyo? may ikakaltas bang remittance fee? idedeposito ba sa bank account mo? Kung check, kanino mo ibibigay ang bank details mo?

9. detalye ng pagbibigay ng compli copy-ang compli copy ay complimentary copy, meaning kopya para sa iyo. at libre ito dapat. ito ay para may kopya ka ng libro kung saan nalathala ang iyong akda. dapat i-deliver nila ito sa iyo nang libre, meaning, hindi ikaw ang magbabayad ng pagpapadala sa iyo. palagay ko, ok na ang isang kopya.

10. detalye ng presyo kung ikaw mismo ang bibili ng extra copy nito- may discount ka ba?

11. detalye ng format- print lang ba o kasama ang digital format? kung pati digital format, ano ang mga paraan nila para maprotektahan sa mga pirata ang gawa mo?

12. detalye ng edisyon- pang-ilan na nga ba ito? ilang kopya sa isang edisyon ang iimprenta nila? usually 3,000 to 10,000 copies per edition. pag lumampas ng 10,000 copies per edition, super laki ng publisher na iyan. milyon to bilyon ang kita niyan, wag mahiyang maningil ng mas mataas.

13. detalye byline mo- anong gusto mong version ng iyong pangalan ang lumabas sa ilalim ng pamagat ng iyong akda?

14. detalye tungkol sa akda mo- kung na-publish na noon ang iyong akda o nanalo sa contest, mas mainam na nakasaad ito sa textbook, pero it's really up to you kung isasama mo pa ang mga ganyang detalye

1 comment:

Arvin U. de la Peña said...

Suwerte ang mga manunulat na may napapublish sa book na sinulat nila..

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...