Saturday, June 25, 2016

1st birthday party ni dagat

sa wakas ay nairaos na rin namin! isang malaking production number ito para sa buong pamilya at naloka ako sa preparations ni papa p for this. ang gagawin ko na lang na pagtalakay dito ay batay sa bawat bahagi ng party.

june 18- ito talaga ang birthdate ni dagat. and we are so happy kasi naipagdiwang namin ito sa mismong araw ng kanyang kapanganakan. noong una, halos lahat ng napagtanungan naming venue ay june 19 ang bakante. kaya medyo settled na kami na june 19 na nga which is a sunday (at bday ni rizal) iniisip din namin na baka mas marami ang makapunta kung sunday namin ito iiskedyul. pero buti na lang din at bakante ang venue namin sa mismong 18.

the hub kilometro zero- ang venue ay matatagpuan sa loob ng luneta. kung nakaharap ka sa estatwa ni rizal, ito ay nasa kaliwa mo. katabi rin ito ng lights and sounds show tungkol sa huling araw ni rizal sa mundong ito. the venue is a restaurant/coffee shop.

cons- walang spectacular sa kanya, hindi mataas ang kisame, hindi rin masyadong malaki, sapat lang para sa 100 pax, pahaba ang shape niya, maikling rectangle. first 2 hrs free tapos additional P1,500 per hour for every excess hour. according to them, naka-4 excess hours kami! which i doubt kasi 2pm ang start ng party, nagdatingan ang mga tao around 245pm at until 4 ay libre pa, di ba? we spent an hour at the lights and sounds show though some of our bisita did not move, doon lang sila sa kainan, so from 4 to 8pm ba kami nagstay doon? we were there until 8 pero nagse-settle na kami noon at halos nakaligpit na ang lahat ng mesa, upuan, ibig sabihin, they started the egress much much earlier. but still, until 8pm ang charge sa amin.

pros- may garden bago makapasok sa mismong the hub, so parang nakatago siya sa public, may parking spaces na nasa tapat mismo ng venue, may sariling gate kung saan puwedeng pumasok ang mga sasakyan ng bisita, ito yung side na malapit sa planetarium. may space sa labas na may bubong, meron ding mga tables and chairs at magandang swing (dalawa pa) dito namin inilagay ang outdoor games for kids, naisip namin, kahit umulan ok lang kasi nga may bubong, meron pang isang mas maliit na venue sa likod ng the hub at doon ang buffet. so hindi siksikan ang mismong party place, nasa tabi ng lights and sounds show kaya in-incorporate namin ito sa party. doon nagpicture-taking ang mga utaw. pero ang pinakagusto ko sa lahat, ang mismong location ng venue ay nadaanan ni rizal noong naglakad siya mula sa fort santiago hanggang sa luneta noong araw ng kanyang kamatayan. may mga bronze pa na footstep sa may tapat ng parking lot at sa gilid ng mismong venue (yung part na may bubong).in-incorporate namin ang footsteps na ito sa isang game for parents and kids. pinahanap namin sa kanila ang footsteps at ang unang makapagpa-picture kasama ang footstep ay may premyo. ang nanalo ay ang mag-iinang sina jing, nehya at nathan.

lights and sounds show- P10 per head total of P680, sabi ni manong na nagbabantay doon, 68 daw ang lahat ng pumasok, hindi na raw niya ibinilang ang mga bata. bago nag-start ang party, kinausap ko sina manong (dalawa sila sa cashier booth ng lights and sounds show). tinanong ko kung puwede kaming pumasok doon nang exclusive lang. 5-6pm. kaso raw, nagsasara pala sila ng 5pm! at wala rin daw silang show kasi inaayos pa raw ng mga technician nila ang mga ilaw doon. sabi ko, kelan po maaayos? sagot nila, hindi namin alam, miss. sabi ko, e bday po ni rizal bukas. sagot nila, oo nga, e. pero malamang wala pang show kahit bukas. anyway, sabi ko na lang ke manong, ok lang ba kung pumasok kami doon at mag-picture-picture? sa halagang P10 per head at exclusive sa amin? oo raw pero iyon nga, til 5pm lang daw nila kami maa-accommodate.

so ipinasok na namin ito sa program nang hapon na iyon, hehe. around 4pm na namin ito in-announce at nag-exceed kami sa oras, until mga 5:20 kami doon. nakiusap din ako ke manong na sa gate na malapit sa the hub na lang papapasukin ang aming mga bisita para di na kailangang lumabas ng mga bisita sa mismong compound ng the hub, maiiwasan ang biglang pag-uwi ng mga ito, hahaha. at happy naman ako kasi mukhang nag-enjoy ang mga bisita namin sa life size na mga estatwa doon. nag-picture-picture kami doon. nagtakbuhan ang mga bata. ang mga chinese kong kamag-anak, namangha hahaha mukhang first time din nilang nakapasok doon. malinis ang lugar at thank god, hindi umulan. tamang-tama din ang time kasi hindi mainit at maliwanag din.

ang con lang doon ay una, may iilang tao (mga apat) ang hindi namin kakilala, pero nasa loob din ng lights and sounds show. baka naghabol pa ng additional na kita sina manong hahaha kaya pinapasok ang mga ito, at pangalawa, iyong tiyo ni poy na naka-wheelchair at ang family nito ay hindi nakapasok kasi ang daan papasok ay hindi friendly sa wheelchair. sabi nila, namasyal na lang sila sa loob ng luneta particularly sa tapat ni rizal, hahaha!

set up- free- nasunod ang table set up lalo na sa colors ng table cloth, table runner at damit ng chair. yellow, red, blue and white ang pinili namin bilang mga kulay ng philippine flag. napaka-festive ng atmosphere kahit walang balloons. ang gift table din ay maayos at maganda, tapos naglagay din sila ng stage sa harap, may platform, may sofa, may wooden/bamboo divider na pinagsabitan namin ng birthday banderitas na ginawa ko.

lcd projector- free- kaso hindi gumana sa computer ni poy, dinala pa naman niya ang mac niya. walang umubrang kable. sabi ko, ano ba ang gusto mo sanang ipalabas? mga pics daw ni dagat mula nang isilang ito. ay sayang :(

sound system- free- medyo mahina, and there was no one to assist us. inis na inis ako kasi ano naman ang alam namin sa mga buton doon at mga pinipihit na kung ano? baka masira naman namin kung pakikialaman namin. but no one really helped us, not even the wait staff! me isa doon na umaastang parang alam ang sound system pero once lang siya lumapit, noong binuksan niya ang sound system at sinet up ito. hay kaka-frustrate

food- for adults: P350 + vat- rice, roast beef (recommended ni mam babes, manager ng the hub), chicken galantina, carbonara, leche flan, one serving of cucumber lemonade

di ako nakakain during the party, pero noong nagtaste-test kami, natuwa ako sa carbonara at spag (for kids), natuwa rin ako sa cucumber lemonade. si poy, bumalik para mag-down at nag-taste test siya ng roast beef, masarap naman daw. during the party, all praises ang verzo family sa roast beef at generally sa food. mas masarap daw kaysa noong binyag ni dagat na sa hotel h20 ginanap.

for kids: P250 + vat - spaghetti, one slice ng pizza, chicken lollipop, one round ng juice

additional food c/o verzo family
lechon- two medium, P16,000
isang bilao ng lumpiang sariwa- around P700

photography- kami kami lang hehe camera ni poy, camera ni jo (kuya ni poy), mga camera at cellphone ng mga kaibigan, sa FB ay sinasamsam na lang namin ang mga pics

emcee- free- ako, hahaha! wala ako sa hulog. kasi wala talaga sa isip ko na ako ang mag-e-emcee.the whole time ang nasa isip kasi namin ay ang guest list, kung kakasya ang food, sino pa ang hindi dumarating, at ang games. maryosep. it was one of the worst hosting gigs ko hahaha buti na lang party ng anak ko to

cake- Cafe Boulangerie along Roxas Boulevard na malapit sa Luneta, P595-695 each, limang cake ang binili ko at in-arrange na lang namin ito sa isang bilugan na table. shet, sobrang thankful ako na me bakery/cafe/semi-grocery sa tabi ng bayview hotel. as in! binili ko ang mga cake na ito around 2pm, as in 2pm! e yun ang oras na nakalagay sa invitation namin, haha! iba't ibang flavor ang binili ko. so pagkatapos naming kantahan si dagat ng happy birthday ay nag-unli cake ang mga bisita. at least iba't ibang flavor ang natikman nila.

decors ng cake -mga P200, binili namin sa Chocolate Lover, Inc., isang tindahan ng baking supplies, hugis kastilyo! store pa lang, panalo na, matatagpuan ito sa 45 P. Tuazon Blvd., Cubao, QC. ang decors na binili namin ay sugar decorettes na hugis boat, anchor at iba pang may kinalaman sa dagat. 6 pieces per set, around P54 pesos per set. ang plano kasi namin talaga ay kami ang magde-decorate ng cake, at itong sugar decorettes ay dadagdagan pa namin, pauna lang siya. kaso di na kami nakabalik, medyo challenging kasi ang magpunta doon, tatawid ka sa cubao, edsa!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...