Thursday, May 30, 2013

The Pulag Proposal

Ipinadala ito sa akin ni Karl Orit a few months after the proposal. Nakumpleto ko ang pagsagot sa mga tanong noong February 2013. Thank you, Karl! Kung hindi dahil sa interview mo, hindi ko mapaglilimian nang husto ang ilang bagay-bagay.

Questions for Mt. Pulag Article:

• Was it your first time to go on a hike outdoors?
Hindi po.

If yes, how would you explain your first time experience? If no, how long have you been going outdoors?


College pa lang ako, umaakyat na ako ng bundok. Pero hindi regular. I mean kung may nakita akong gustong salihan na event para makaakyat ng bundok, ayun, sinasalihan ko. 1st time was sa mt. cristobal sa batangas. Nagtree planting kami. College yun. Malamang libre yung pamasahe at pagkain kaya nakasama ako. Wala naman akong masyadong extrang pera nuong college.


For what reason and purpose.


Minsan naman yaya ng mga kaibigan. Dati akyat kami mt. ampacao sa sagada. Yun aksidente ang pag akyat naming dun. Parang akala naming simpleng burol lang. nakalimutan naming yung meaning ng mount!!! So anyway, sina wenie, haidee, jing, rita at mar ang mga kasama ko dun. At si ej, bebe pa siya nun. Pumunta kami dun para mamasyal.


Nung nag kalbaryo naman ako sa banahaw. Ako lang mag isa. E sobra naman dami ng tao so parang ganon din parang di ka nag iisa in fact sobrang saya rin.
Parang isang malaking party idinadaos sa buong gilid ng bundok hahahaha holy Friday pa naman yun. Kaya ko naman inakyat yun kasi naghahanap ako ng Gawain na kakaiba. At nagkataong me pera ako that day ahahahaha pero wala pa yata 1k ang nagastos ko dun e.


• Was it your first time to climb a mountain, NO


>>> Was it your first time to reach the summit?


YES!!! Yung sa kalbaryo nareach ko rin yung tuktok pero sabi ni poy hindi naman daw talaga mountin yung kalbaryo. So I guess hindi counted yun no? hahahaha


• How would you describe the feeling, from going up to the point you reach the summit?


Noong unang 20 minutes, sobrang nakakapagod. Pero ako naman ay taong matiyaga sa anumang hirap. Kaya okay lang ako, I mean kalmado lang. all through out. wala akong worries. Si ej naman parang nag-eenjoy din. So masaya rin ako. Si poy lang parang sobrang pagod na pagod na. siguro kasi di siya masyadong nakatulog bago ang unang araw ng pag-akyat kaya ayun. Nung bumabagal na siya, gusto ko sanang iwan kasi ayaw ko yung feeling na naghihintay. Gusto ko sana sa totoo lang sumabay sa mga kaibigan (kayo yun,) na mas mabilis-bilis nang konte kesa kay poy. Parang pinagkakatuwaan ko pa yung pagod niya tsaka yun hirap nya yung mga reklamo nya. Hahahaha pero parang naisip ko, kawawa naman si poy kung magha hike mag isa. Hindi ko naman mapabagal si ej kasi siyempre bata yun naiinip sa mabagal. Hahaha mabagal din ako pero mas suso (snail,snail, pare) itong si poy.


Ang pinaka the best part para sa akin ay yung gumising nang madaling araw para maghike at makarating sa summit at the right time. Buong gabi kasi takot na takot ako sa lamig akala ko nakakamatay talaga. E putcha paggising ko tolerable naman pala. Although nanginginig ako paglabas ko ng tent. Pero parang ok na ako nun sobrang masaya na ako na nakalipas na yung gabi. Yun kasi ang pinaka deadly di ba? Feeling ko talaga kapag di natin yun natawid putcha kelangan na ng pangkaskas ng yelo para ma-enjoy naman tayo ng mga makakakita sa atin bilang malalamig na bangkay con halohalo hahahahaha



Yung gabi na rin na yun, iniisip ko si ej. Kasi gusto ko sana magkatabi kami. Para maenjoy ko naman na kasama yung bebe ko. Kasi di ba si poy na yung kasama ko buong trail? Tapos si ej parang nagsprint na sa tuktok. So parang di ko siya masyadong nakasama. Ang problema parang wala namang appropriate na tao para tumabi kay maru hahahaha alangan namang si poy? O si wendel? O si nel? Hahaha si haidee parang ayaw nang lumabas ng tent mula nang mag-upong Buddha siya doon hahaha pwede si mar. kaya lang hndi naman lumalabas sa bibig ni mar at ni maru yung pagtulog nilang magkatabi), at lalo namang alangan kayo ni pat? hahahaa so sige hinayaan ko na si ej na tumabi dun. Nagwoworry ako nung naggising na ako ng mga 12 noon, kako baka nilalamig si ej dahil nanginginig na kami nang bongga! At kayakap ko pa the whole night si poy sa lagay na yun ha. Patong-patong ang human blanket este ang mga dala namng blanket pero malamig pa rin!!!


Anyway, in fairness sobrang alaga ako ni poy nung nasa camp, parang lahat ng pakiusap ko (ayokong sabihin utos paparatangan mo akong bossy hahahaah) sinusunod nya all the time. My gulay. Hindi totoong true love waits. True love follows pala hahaha sunod nang sunod! Ang spoiled ano?


So anyway, basta nag enjoy ako dun sa madaling araw na pag akyat baka dahil na refresh ako? At andaming energy ng mga tao. Ang saya din nung feeling na pina flashlightan mo lang yung dinadaanan mo. At kakaiba din yung pakiramdam na naglalakad ka sa malabukid na mga flat na area ng biundok ng ganung oras. D ko pa nararanasan yun ever. Sa mga ganong uri ng lugar laging maliwanag ang eksena ko sa mga to.


Nalungkot ako siyempre nung sabihin ng guide na hindi tayo pwedeng umakyat ng summit sa saktong sunrise. Akala ko napakalaking kawalan. Pero sa isip isip ko basta aakyat pa rin kami ng summit. Manunulak na kung manunulak para magkaspace basta aakyat kami! Hahaha evil tangina! Pero nung nakaakyat na tayo, ayos na ayos na ako, solb na, quota na, boundary, dun pa lang sa peak 4. Ang ganda. Napakaserene ng langit. Yun talagang literal na nasa alapaap ang pakiramdam mo? Undescribable. Dito sumaklob sa katauhan ko na hindi talaga sasapat ang wika para sa lahat ng emosyon ng tao. Likha, yun baka yun pa ang malapit-lapit nang isang milya sa naiisip ko nang mga time na nakatitig ako sa harap natin nung nasa peak 4 tayo. Likha. Creation.


Gusto ko yakapin hindi lang si poy kundi kayong lahat. Nahiya lang ako kasi siyempre wala naman ako tooth brush toothbrush the whole night. The whole madaling araw! Hahahaha at mukhang malinis ang damit ko pero nanlalagkit na yung loob ko sa pawis hahaha baka kumawala ang amoy habang niyayakap ko kayo isa isa at kino congratulate para sa pagtuntong natn sa peak 4 na yan. At ang malupit diyan, peak 4 pa lang. Wala pa yung summit hahahaha!


>> How were you feeling when Ronald asked you that you’ll be going up to Mt. Pulag?


Wala naman akong naramdaman. Kinutuban ba ako na magpo-propose siya doon? Hindi. Ang naisip ko lang, gusto lang niyang mamasyal. Kasi parang wala pa kaming major physical activity (bukod sa …wink wink…alam na!) nang year na ‘yun or the year before that. Sabi ko lang sa kanya noong magyaya siya, ok sige, sige. At saka feeling ko, hindi matutuloy ‘yong mismong pag-akyat sa bundok. Pagka kasi ganito kalaking event o gawain, parang feeling ko dapat pinaplano nang isang dekada. Di dapat pinlano naming noong 2002 pa. e di pa kami magkakilala no’n. Kaya akala ko, hindi talaga matutuloy. Kumbaga parang wishful thinking lang ito sa part namin as a couple.


>> Did you sense any hidden motives behind the climb?


Wala. Wala talaga. Noong medyo nagkaka-shape na ang mga plano niya, sabi ko seryoso pala ‘to sa climb. baka gusto lang talaga niya ng challenging na physical activity (oo, mas challenging pa doon sa wink..wink.. alam na!) at baka gusto lang niya ng get together ng mga kaibigan. Kahit kasintahimik ng batong panghilod itong si Poy, makaibigan na tao siya, pareho kami.



Yun nga palang unang proposed na petsa for the climb ay april 28. Ito ang date noong first time kaming nag-meet. Gusto talaga niyang matuloy ang climb nang araw na yan. So kinompronta ko siya, magpo-propose ka no? Sabi niya, hindi. Kasi nag-propose na raw siya, hindi ko lang sineryoso. Maraming beses na raw siyang nag-propose, jino-joke ko lang daw naman. (Minsan kasi, kapag magkatabi kami, ‘yung mga walang espesyal na anuman sa paligid namin, bigla siyang magtatanong kung gusto ko na raw bang mag-asawa. Tapos hindi ako sasagot. Kasi tinatanong ko kung nagpo-propose na siya sa lagay na ‘yon. Sasagot siya ng oo. Sabi ko, ayoko, ayoko, walang magic? Walang arte? Walang singsing? Ayoko. Gusto ko ‘yong totoong proposal. Tapos maktol-maktol ako. Tapos tatawa siya. Ako ang hindi niya sineseryoso! Or so I thought…)


Kaya tinanong ko siya kung magpo-propose siya sa Pulag. Kelangan akong makasiguro. Sabi niya, hindi. In-assure talaga niya ako na hindi. At naniwala naman ako. Amalayer pala ‘to.

Hindi natuloy ang April 28 dahil sa ilang kailangan tupdin na gawain sa Maynila. At na-move ang climb nang Mayo. So parang naisip ko, insignificant ‘yong petsa. Wala talagang kinalaman ito sa aming dalawa.


• Going towards the D-day, how was everybody feeling?


I guess, okay naman. Wala akong naririnig na kahit ano mula sa mga makakasama namin. Baka kasi dahil si poy ang nag-asikaso. Bale, all set na. May mga hindi lang makakasama, si wennie, si jing, pinaparating nila na nanghihinayang sila, extremely na nanghihinayang. Hindi naman ako na-weirdohan pero parang ako, ‘wag na kayo manghinayang, tipong okey lang ‘yon. Marami kasi kaming pasyal na hindi kompleto ang panpilpipol. At isa lang naman ‘yong pag-akyat ng bundok. Just one of many. Pasyal lang, kumbaga at maraming marami pa kaming next time na pagsasamahan at papasyalan.

Ito namang si Poy, laging kasama at kausap si Wendell nang mga time na ito. Lagi siyang umaalis ng bahay at may aasikasuhin daw sila ni Wendell. Tapos si wendel, bihira ko namang makausap kapag nandito sa bahay. Parang hi at hello lang. kaya hindi ko talaga natunugan ang anumang “masama” nilang balak.

Nagbuo din ng fb group para lang sa pulag climb. Tapos nag-suggest ako na magsulat kami ng before and after pulag na articles. Para din malaman namin ang expectations namin, feelings, etc. etc. Awa ng diyos ako lang ang nakapagsulat. Yun yung pinost ko sa blog ko at pinost ko sa fb group. Tungkol yun sa proposal. I was joking na magpo-propose si poy sa pulag. I was just trying to excite them and make them laugh. Joke yun talaga, dahil alam kong hindi mangyayari ang proposal. Kinausap ko na nga si poy, di ba? At nagsabi naman siya na hindi nga siya magpo-propose doon.

(later on sabi ni poy, dinisappoint ko raw ang lahat nang ipost ko ang blog entry ko na yun. Kasi ang alam ng lahat, wala akong kaalam-alam at wala akong kaaydi-idea sa gagawin niya.)

(At ngayon ko lang na-realize kung bakit ako lang ang nagsulat ng before na article. kasi pala, lahat sila, kayo! Kasama ka don! alam na ang mangyayari sa tuktok. Ako lang ang hindi! Siguro ayaw nilang makabasa ako ng kahit ano tungkol sa naiisip nila dahil baka maging clue at mawala ang surprise factor.)


• What was on your mind when the day came and everybody’s on their way to the mountain (during the trip going to Benguet, while hiking to reach the camp site, summit day)?


Nasagot ko na ata to.


• How was it? What were you feeling? (the proposal)


Sobrang shocked. Nung time na nakapabilog na tayo at merong munting paprograma itong si poy, natawa ako. Kasi si poy, seryoso talagang tao. So parang ang tingin niya siguro sa climb was like a fellowship kaya parang may ganyan-ganyan pa. sharing-sharing, usap-usap. (Puwede palang tawaging fellowship of the engagement ring ito?) Di ba nagpresident ng cavite young writers ‘yang si poy? Sabi ko baka me hangover pa, akala niya batang writers ng cavite yung mga nakapalibot sa kanya. Yan yung mga naiisip ko nung nakapaikot tayo at nag-request siya na magsalita ang bawat isa. Ano na nga ba yung tanong? Para saan ang pag-akyat mo sa mt. pulag?


Si Nel ang unang tinawag. Katabi ko si Nel. Di, ako na ang next? Kinabahan ako. Kailangan maganda ang sagot ko. Pang-writer, ganyan, malalim, ganyan. Mas hindi maintindihan, mas maganda. Joke. Nag-isip agad ako. Bakit nga ba ako umakyat ng pulag?


1. Kasi nagyaya si poy. Gusto ko siyang samahan.

2. Kasi matagal na rin akong di umaakyat ng bundok e dati naman talaga akong naakyat ng bundok.

3. Kasi yung pulag, metaphor siya ng mga bagay na gusto kong tapusin at umpisahan. Parang pag naakyat ko ito, tuloy-tuloy na ang mga Gawain na dapat gawin, tapusin at umpisahan. I was referring to my masters na sobrang gusto ko na talagang matapos.

4. Kasi gusto ko ring makarating dito si ej at dahil ayoko namang mag-isa lang siyang sumama sa isang group, sumama na ako.
Pero number two pa lang ang naiisip ko, tapos na si Nel. Ako na! Tatayo na sana ako kaya lang iba ang tinawag ni Poy. Nilampasan ako. A… okey lang, naisip ko, baka nahalata niyang hindi pa ako handa. So tinandaan ko na lang ang apat na dahilan kung bakit ako umakyat ng pulag. Para tuloy-tuloy na ko mamya after ng iba.


Wala akong napansin na kakaiba pwera na lang dun sa sagot ni haids at ni mar. sabi nila, kaya kami umakyat dito para sa friendship. Huwat? Ano raw? Para sa friendship? Nagdahilan ang utak ko, aa…baka gusto nilang magkaroon ng mga bagong kaibigan. O baka naman para mapatatag pa ang friendship nilang dalawa. Si haids at si mar kasi ay isa sa mga close friends sa loob ng grupo namin. So parang umakyat sila para suportahan ang isa’t isa at mapatatag pa ang friendship nilang dalawa sa isa’t isa. Yun ang nasa isip ko. At the end of the day ang ibig pala nilang sabihin, love nila ako. Kaya sila umakyat ng pulag ay dahil kaibigan nila ako at gusto nilang maging bahagi ng napakasignificant na event na ito sa aming buhay-mag-jowa. Ang sweet. Siyempre at the end of the day ko na ‘to naisip lahat.


Tapos no’ng ako na, sinavor ko ang moment ko. Sinabi ko yung kasi 1, kasi 2 (at nagyabang pa talaga ako na marami na akong naakyat na bundok. E, puro minor climb lang naman ahahahaha), kasi 3 at kasi 4. Tapos umupo na ako.


Si Poy na ‘yong tumayo sa harap. Putcha, ang lalim ng boses. At ang seryoso ng pagsasalita niya. Paglingon ko sa mga kasama namin, ang tahimik din ng lahat. All eyes kay Poy. Alanganin ang mga ngiti nila. Parang ngiti ng mga taong pagod, ganon. Parang ngiti ng mga naiihi. At hindi nila ako napansin dahil lahat sila nakatingin kay poy. Paglingon ko kay Poy, nagbe-break na ang boses niya. He was saying something like, ‘yong pag-akyat daw sa Pulag, parang relasyon namin ni Beb. Never an easy trail.


Puta, nangilid na ang luha ko, alam mo ‘yon? Naiiyak na rin kasi si Poy nang exact time na ‘to. At sa lahat naman ng panahon at pagkakataon, eto ‘yong time na hindi ko talaga ine-expect na magsa-summarize siya tungkol sa naging relasyon namin for the past few years.


Totoo, it has never been an easy trail nga. Pulag na pulag. Umpisa pa lang, e, parang imposibleng maging kami. May boyfriend ako. ilang taon na kami no’n. At wala na akong balak na palitan ang taong iyon sa buhay ko (or so I thought…). May anak na ako, siyempre, isyu sa pamilya niya ‘yon. Dazzling bachelor siya, pogi may pinag-aralan, may kaya, pogi matalino, magaling magluto, pogi mabait, payat at wala pang bilbil, galing sa disenteng pamilya, at higit sa lahat, kamukha ni Antonio Banderas pag hairline ang pinag-uusapan. Tapos ay ano, mapupunta lang sa isang tulad kong disgrasyada?


And to make the it’s complicated more it’s complicated, sutil pa ‘tong anak ko. Minsan nagkakaaway pa sila. Ni Poy. Isyu sa kanila kung kanino ang atensiyon ko. Pareho kasing KSP, kulang sa pansin. At kapag nag-aaway na sila, nakaabang silang parang mga gorilla kung kanino papanig ang mother gorilla.


Eto pa, isa pang Godzilla na isyu, aayaw-ayaw ang nanay ko kay Poy. Ang nanay kong bakulaw na maarte, sinusungit-sungitan siya. Ewan ko ba’t siya ganon noon. Pero ngayon, okey naman na siya.


O, wait, external factors lang ‘yan, e, yung internal pa? ‘Yong mga away namin? Selos-selos, pera, gawain o mga bagay na dapat gawin at dapat tapusin, schedule, ‘yong pagsasama naming dalawa sa ilalim ng iisang kisame? Maraming beses kaya na parang ayawan blues na kami. Tipong sige, uwi ka na lang sa inyo, kami na lang uli dito ni EJ. Text-text na lang pag magde-date tayo.


At marami pang friction at hitch, etcetera.


Lahat ‘yan, hindi naging madali. Madalas naisip namin na give up na lang, give up na. Pero after a second, ipaglalaban na uli ang aming mga sarili, ang aming pag-ibig.


Siyempre, ine-expect kong gagawin niya ang pagsa-summarize na ito kunwari habang nagdi-dinner kami sa anniversary night namin. Sa isang restawran na inoorder ang pagkain sa menu habang nakaupo at nakatanghod sa amin ang isang waiter. O di kaya kapag magkatabi kami sa kama pagkatapos ng makapugtong-hiningang uri ng wrestlingan. O di kaya kapag magkatabi kami, nakaupo at nakatanaw sa tabingdagat. Mga ganon. Pero ‘yong ganito, sa harap ng maraming tao, sa tuktok ng ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas? Wow, meyn, hindi ko talaga naarok ito. Hindi inasahan. Walang-wala sa hinagap ko.


Di ko na namalayan kung paano akong napunta sa harap ng grupo at sa tabi ni Ronald, pagkatapos niyang magsalita. Tapos dumudukot na siya sa bulsa niya. Putcha, putcha, sa isip-isip ko, totoo na ‘to. Luluhod-luhod pa ang kulugo. Tapos nagtanong na siya, putcha talaga! Umiiyak na ako by this time. Nahihiya ako sa totoo lang. Na ginagawa niya ito sa harap ng lahat. Napaka-private ko pa namang tao. Kaya takip ako nang takip ng mukha! At kaya ako naiiyak kasi naka-video ang dyaheng moment na ito. Hindi, joke lang. Naiiyak ako kasi ang hirap no’ng ginawa ni Poy, hahahaha! At meron pang singsing talaga. Jino-joke ko siya lagi na hindi ako maniniwala sa mga tanong niyang ‘gusto mo na bang magpakasal sa akin’ hangga’t walang singsing. Eto nga, me singsing na this time.


Anlabo na ng mata ko dahil sa mapipintog kong luha. Talo ang malulusog na hamog sa Mountain Province. Pero ayun kindat nang kindat sa akin ‘yong singsing. Tangina, parang pinagtatawanan ako. Parang sabi, joke ka kasi nang joke. Ayan, ngayon, ikaw na ang joke.


Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Poy. (na nakalimutan ko na sa ngayon hahahaha! Will you marry me ba yung tanong niya that moment, Karl? Di ko maalala.) Anyway, ayoko sanang sagutin si Poy dahil ang totoo meron akong surprise sa kanya. It has something to do with the sequel of my book. Balak ko talaga, ako ang magpo-propose. Tipong sa dulo ng aklat ko, ‘yong last essay, will be about us. ‘Yong summary ng mga pinagdaanan namin. Then, magko-commit sana ako ng copyright infringement sa pamamagitan ng pagkopya ng lyrics ni Bruno Mars.


Is it the look in your eyes
Or is it this dancing juice?
Who cares, baby?
I think I wanna marry you!


Para may magic, may arte, at ako ang magbibigay ng singsing sa sarili ko.


Ayun. Kaya ang sabi ko, puwede bang huwag muna akong sumagot? Ahahahaha or something like that. Anyway, napakasaya nang araw na ‘yon. Natupad ang lahat ng kakikayan ko, may magic, may arte, may singsing! Tapos paglingon ko, lahat ng kasama namin, ang gaganda ng mga ngiti. Tipong nakaihi na. Nakaraos na, unbelievable.


Nag-iba ang tingin ko sa bawat isa. Like si Jo, nung nagkasakit siya pagdating namin sa tuktok, sabi ko kawawa naman, hindi niya mae-enjoy ang pulag. si haids at si mar, yun pala ang ibig sabihin nila na ang pagsama nila sa pulag ay para sa friendship. It was for me after all!


After the proposal, I was like, shet andaming nagsakripisyong tao para lang sa proposal na ito. para lang ma-execute ni poy ang proposal, para lang masurpresa ako, para lang makasama namin sa magical moment na ito. Kaya sobrang thankful ako. hindi magiging ganap ang karanasan naming kung hindi dahil sa mga nakasama naming kaibigan sa pulag. The e in e-team, imbes na excited ay naging engagement. Hahaha engagement team!


Once in a lifetime talaga ito. yung proposal, yung nagpropose, yung mga kaibigan, yung feelings, Hinding hindi dapat pinakakawalan.


Summing up on all the events that transpired in Mt. Pulag, what insight can you get/share from the experience?

Parang nasagot ko na ito.

Lalo na sa last sentence ko hahahaha

• What’s next for both of you?

Marami kaming naiisip na projects, para sa career namin. Like ebooks under balangay. Nag-iisip din kami ng mga writing project namin. At saka yung collaboration namin tulad ng sa it’s a mens world. Gusto rin sana naming magproduce ng play tungkol sa intellectual property. This time for kids. Mga ganyan. At saka videos about copyright. Wala kasi niyan sa pilipinas.

Tungkol naman sa relasyon namin, gorang gora na. we are getting married this year! we are planning to have a baby asap. tumatanda na ang matris ko. matris lang, oy. sana magkakotse kami bago ako manganak dahil mahirap mag commute kapag may bata na. regarding sa bahay, baka dito pa rin kami sa kamias manirahan. pero eventually, gusto naming magkaroon ng bahay. Ako gusto ko sana sa probinsiya. ewan ko kay poy kung saan niya gusto. parang ok din sa kanya ang salitang probinsiya wala siyang violent reaction kapag nababanggit ko ito.

ngayon, para sa December, nag-iisip pa kami kung saan kukunin ang panggastos sa kasal. Pero darating naman yan, we believe. Kapag ginagawa mo ang gusto mo, lalapit na lang ang pera sayo.

Book ang wedding ng theme. Wala pang naiisip na colors as motif. Pero may naiisip na kaming activities sa mismong reception, like may storytelling, poetry reading, lira na ang bahala riyan, may book fair, pagtitindahin namin ang mga kaibigang nagtitinda ng aklat, si maru ang una rito siyempre, nakabantay siya sa booth niya habang tayo ay nagdiriwang hahaha

Kinausap ko na ang museo pambata, they will provide a mobile library at yun ang magiging bridal car. Ang dream church namin ay ang san agustin. Sana makapagreserve na kami para blocked off na ang petsa sa kanila.

Definitely, nasa avp namin ang pulag proposal. Its too precious para hindi ibahagi. At sa totoo lang, gusto kong ipakita iyon at gusto kong ipagkalat ang tungkol sa wedding namin. I want everyone to know fairy tales do come true kahit pa it’s the time of jejemons and pekemons. At hindi lang basta-bastang nagkakatotoo ang mga fairy tale na ‘yan, nangyayari pa ito sa mataas na lugar, pinakatugatog, angat sa lahat, maging sa kalmadong karagatan ng mga ulap.






Ang larawan ay kinunan sa ibang pagkakataon (walang kinalaman sa PulaG!). Ang copyright ng larawan ay pagmamay-ari ng tindera ng bakery sa isang bayan ng Cavite.

Friday, May 24, 2013

madugo



hindi naman pala totoong april is the cruelest month!

May pala!

na-reject ang isa kong request na sobrang importante sa takbo ng masters ko. therefore, baka di na ako maka graduate anytime soon.

nawawala ang isa kong translation work na napakatagal kong ni-labor.

buti na lang at napakaraming kaibigan na nagmamalasakit. sino ako para magreklamo?

o, May, hindi ka pa tapos?

BRING IT ON!



Copyright ng larawan: Bebang Siy.

Saturday, May 18, 2013

Cashiers ng SM

Kagabi, nag-decide akong mag-aral sa Centris. Kasi aircon at maliwanag doon. Naghanap ako ng lugar kung saan puwedeng tumambay nang hindi makukuwelyuhan habang ine-escort palabas ng establishment, at natagpuan ko ang ilang mesa at upuan sa labas ng hypermarket, malapit sa mga kainan tulad ng pao tsin at zagu.

ilang oras din akong nagbasa mula sa isa sa mga upuan na yun. pag napapagod ako, nag-aangat ako ng tingin at nagpi people watching. itong mga kahera ng sm ang isa sa mga naobserbahan ko nang maigi.

eto ang aking naobserbahan:

1. lahat sila, pearl ang hikaw.

2. lahat sila, naka-make up at kelangan medyo heavy ang make up sa mata at pisngi.

3. lahat sila, nakapusod ang buhok, naka hairnet at walang bangs.

4. lahat sila nakatayo, nagpa punch man sila ng items o hindi. may customer man o wala, nakatayo sila. walang upuan sa kani kanilang station.

5. kapag walang bagger, sila ang nagsisilbing bagger.

6. lahat sila, naka-stockings.

7. pare-pareho din ang design ng kanilang sandals.



ang titiyaga ng mga babaeng ito. kahirap-hirap ng trabaho nila, sige pa rin. 8 hours na ganun, tuloy-tuloy. paano pa kaya kung peak season sa groserya? wala pa diyan yung usapin ng pag-check and balance ng mga na-punch nila at ng pumasok na pera. di pa kasali diyan yung pagbibigay ng tamang sukli at ang pagre-review ng bills na tinatanggap nila (baka mapasukan sila ng peke).

ganito kahirap ang trabaho pero after 6 months, tapos na ang kanilang kontrata.

lilipat sila sa ibang store para magkahera uli.

usually, isa sa requirements para makapasok bilang cashier ay ang pagkakaroon ng sapat na edad. madalas 18-25 years old lang ang puwede.

ang tanong, bakit me age limit ang pagkakahera? naiisip kaya ng employers tulad ng sm kung saan na pupulutin ang mga kahera nila paglampas ng edad 25 ng mga ito? after 25 years old, ano na kaya ang magiging career nila? at hindi biro ang dami ng mga babaeng ito, ha? aabutin din ito ng libo!

isa pang pumasok sa isip ko ay ang uniform. libre ba ang uniform? imposible. kung hindi ito libre, kaninong negosyo ang pagtahi at pagbenta ng uniform ng mga sm cashier? baka sa sm din? baka kumikita pa rin sila ultimo sa maliliit na bagay tulad nito.

anyway, ang akin lang, dapat isiping maigi ng gobyerno ang pagpoprotekta sa mga manggagawa na posibleng maetsa puwera dahil lamang sa kanilang edad. dapat gumawa ng paraan na mabigyan pa rin ng kabuhayan ang mga ito. in the first place, sila ang nag-allow ng contractualization o yung 6 months-6 months lamang na kontrata, dapat naisip din nila ang mga ito bago nila ipinasa ang batas na pumapayag sa ganitong uri ng palakad sa kompanya.

sana rin, magkaroon sila ng mga research patungkol sa mga skills na natutuhan ng mga cashier para malaman nila kung ano-ano nga ba ang mga trabahong puwede pang tanggapin o pasukin ng mga babaeng ito after their sm experience.






mantakin mong sa clinic pala ito puwedeng ma-avail?



gusto mo?



Copyright ng photo: Bebang Siy.

Thursday, May 16, 2013

Survival tips for single mothers

BY IME MORALES
POSTED ON 05/11/2013 8:49 PM | UPDATED 05/12/2013 12:41 PM

MANILA, Philippines - “Becoming a single mother involves more than losing a husband,” writes
Jean Lush in her book Mothers & Sons (Fleming H. Revell Company, 1988).

“It may also mean a drop in income, a loss of family friends, and the loss of a home.”

Being a mother is already a challenging role, and being a single mother definitely multiplies the work many times over. The physical, emotional, psychological, economic toll on the mother and her kids are so overwhelming that many single moms draw strength and support from things — people, activities, belief system — other than themselves. You simply cannot do it alone.

Here are 5 single mothers, all doing an excellent job raising their children singlehandedly, but with some help of course from people around them, from things they hold sacred. These are real moms we can all learn from, whether we are with husband or without, whether we are young or old.

Here are some of their best kept secrets, which they are sharing with all of us today on Mother’s Day, so these may help us through rough patches the way these life lessons have helped them weather many storms:

Regina Abuyuan

Regina Abuyuan with her children and fiance Derek Soriano. Photo courtesy of Regina AbuyuanRegina Abuyuan with her children and fiance Derek Soriano. Photo courtesy of Regina Abuyuan

Regina Abuyuan is a Manila-based journalist, handling the Business Agenda section of Manila Bulletin and Seafarer Asia Magazine of Extraordinary Maritime Publishing. She is also managing partner of Center for Blended Learning, and helps run a pub called Fred's Revolucion.

She has 3 children: Simone, 15, and twin boys Marco and Mateo, 9. She is engaged to photojournalist and Fred's Revolucion's el comandante jefe, Jose Enrique Soriano. She has been a single mother since 2003 and gives the following tips from experience:

1. Get a good support circle. Live near your parents. Get good nannies and helpers — and by “good” I mean those who are coachable and reliable. They are your eyes and ears when you are away from the children. This is not to say you can dump your kids at your mom's all the time and rely on the help to watch them while you go off and party or work your butt off. By having a good support team, and by not being too proud to ask for help, you will be able to "balance" your life — work, play, spend quality time with your children, have a little "me time" — to keep your sanity.

2. Know your rights. Ask your company about extra leaves or considerations. Check your other rights here: http://www.smartparenting.com.ph/mom-dad/relationships/Single-Moms-and-their-Child-Support-and-Child-Custody-Rights/page/1

3. Be friends with your ex. Provided he isn't abusive, a criminal, or a sex offender, there's no use living in a telenovela and declaring never-ending war on him.

4. Have a nest egg. Spend wisely, save as much as you can; even if you've already fallen in love and are about to share your and your children's lives with a new partner. In many ways, you will always still be "single" — carry that independence into your new relationship.

5. When you fall in love, do so with a man who will take care of your children as his own. This goes without saying that you shouldn't bring home every guy you date and introduce him to your kids as their next daddy. Take your time and introduce him slowly into their lives; and them, into his. There will be resistance, but if you keep gently at it, giving each other equal time and explaining to both sides expectations and limitations, you will be rewarded.

Susan Claire Agbayani

Claire Agbayani with son Gideon Isidro. Photo by Linus LopezClaire Agbayani with son Gideon Isidro. Photo by Linus Lopez

Susan Claire Agbayani has been a single mom to Gideon Isidro (22 years old) for 14 years. She shares the following tips for solo mothers:

1. Pray. Never underestimate the power of prayer. Pray alone, pray with your children, pray with your peers. And never be ashamed to ask others to pray for you and your children; or to pray over you.

2. Read the Bible. Reading the Bible, especially the books Psalms and Proverbs, will help you get through the toughest times. Whether you are a widow or not, there are a lot of passages that refer to widows or single moms, and how the Lord was faithful in providing for them. Check out Elijah 17 and the book of Ruth.

3. Have a support group. No need to carry the weight of the world on your shoulders. Out there are single moms who’ve been there, who've done that. They have the wisdom and experience you may not have at this time but will truly help you get through the toughest trials with their comfort, encouragement, and wise words. Someday, you will be in a position to do the same thing to young and new single mommies.

4. Keep a gratitude journal. When our mom, Carmen Rigor Agbayani, passed away in 2001, I had to tearfully "process" her things. What I found: a Gratitude Journal. While all of us use our journals to rant and rave, this was what she had. When I read her entries, I realized that just by reading it, one is naturally refreshed and inspired to go through the day. I hope that all single moms could do this because life as a single mom is way too difficult. What we need is inspiration. And it can start from us, with us.

Marghieth Garcia

Marghieth Garcia with kids Asti and Kylie. Photo by Garrett Leo AlbertoMarghieth Garcia with kids Asti and Kylie. Photo by Garrett Leo Alberto

Marghieth Garcia is an utterly lucky mom because of her irresistibly huggable, giggly, and sunshiny kids. When she's not engaged in interesting pursuits with Asti and Kylie, she keeps busy working as Philippine Country Representative of Crown Agents, an International Development consulting firm. Here are a couple of tips from her:

1. When kids get restless or start misbehaving, channel their energy into something positive and productive, like asking them to help out with a chore. When Asti and Kylie are acting up, I ignore the fact that they are misbehaving. Instead, I divert their attention by asking them a question to introduce the chore that I want them to help out with, like, “So, kids, how many different kinds of clothes do you have?” When they start answering, we then discuss our ideas on how to go about the chore step-by-step and then I ask them to do it. If they’re particularly argumentative with each other, I give them different things to work on and remind them not to bother with the other’s work and just focus on their own task. Once they are done, I make sure they are given affirmation such as, “Wow, look at how neat your closet is now because you helped out!”

2. Set expectations and rules before heading towards a particular destination to ensure they are safe and behave appropriately. Make sure they understand why these rules are needed. When we go to a park, we identify together markers like lamp posts or trees that delineate up to where they can run around so they remain within a safe and visible zone, or when we’re walking and they want to go at a faster pace, I let them as long as they wait for me before turning the corner so I can see them. When we are heading towards an enclosed public place like a restaurant, especially when there’s a lot of waiting like if I’m going there for a meeting, we agree on what sort of things they can do without disturbing other people. For example, we think of a quiet sit-down game they can play like “I Spy” or they can bring puzzles or the longest, most challenging book they would like to read. If they start getting rowdy, I just remind them of the expectations we had set.

Annabellie Gruenberg

Annabellie Gruenberg with her 'fairies.' Photo by Noeleen OrellanoAnnabellie Gruenberg with her 'fairies.' Photo by Noeleen Orellano

Annabellie Gruenberg is an Integrative Psychologist and life coach, educator, workshop facilitator, and single mom to a 30-year old son. She would like to share these 3 tips with all single moms:

1. Nurture yourself physically, emotionally, and spiritually. Replenish. Single moms usually give and give until they get depleted. The children do not want to deal with a mom who is burned-out and depleted.

2. Be involved with other activities outside the family that make you happy and fulfilled. Widen your world.

3. Develop meaningful and healthy friendships with all genders. The key is real friendships, not necessarily romantic relationships. No desperate moves to be in a romantic relationship. Let it unfold naturally.

Beverly Siy

Beverly Siy with son Sean Elijah Siy. Photo by Ronald VerzoBeverly Siy with son Sean Elijah Siy. Photo by Ronald Verzo

Beverly Siy authored the wildly popular It’s a Mens World (Anvil, 2011). She is mom to a 14-year old boy and is one of the most practical and level-headed mothers you will ever meet. She shares the following tips to help other single moms like herself:

1. Get a health card. So that when your child gets sick, you do not have to spend too much.

2. Photocopy or scan all documents related to you and your son, like birth certificates, latest report cards, etc. so that when the originals get soaked in flood waters or burned or whatever, it’s easier to replace them.

3. Spend as much time together. Bring your children with you on errands, when doing chores, when going on gimmicks, etc. There is one missing parent so it is important that the child does not feel this absence too much. Your child should be able to feel your constant presence.

4. Explore non-traditional destinations or activities with your kid. Avoid malls, visit museums instead (there are plenty of museums that allow free entrance), check out public libraries (you can get in for free), go river trekking (with a guide; this is not too expensive), check out free lessons or free classes. I learned meditation with my son in a temple in San Juan for free. Explore small towns, plazas, churches. Teach your child to be observant.

5. Look for cheap swimming classes. It’s very important that you and your child know how to swim because we cannot avoid bodies of water in our lifetime. At least when your child is in the water, you don’t have to worry.

6. Visit your kid’s school once in a while and talk to his or her teacher. You don’t need to tell your child because, sometimes, a child’s behavior is different in school. At least you would know how he or she is doing.

7. Teach kids to love fruits and vegetables so the child is healthier, and the mother gets to save some money as well.

8. Invest in education early. Make sure your child learns how to study independently early on. Moms will get more free time if the child knows how to study on his or her own. - Rappler.com



Happy Mother's Day to all moms! How are you celebrating the day with YOUR mom? Tweet us your pic @rapplerdotcom, use the hash tag #loveyoumom.

For photos, please go to this link:

http://www.rappler.com/life-and-style/28831-survival-tips-single-moms



Sa Rappler unang nalathala ang artikulo. Thank you, Ime!-beb

Wednesday, May 15, 2013

Mula sa Mambabasang si Ally Publico

Hallo, Miss Bebang! Na-meet ko po kita kanina sa class ni M'am Ruby. I really loved meeting you! Actually I kind of wanted to hug you because you were so nice! Ahihihi~ Thank you for inspiring us with your book!

Gusto ko ding mag-share po sa iyo ng scripture (kung pwede lang po, hihi):

"'For I know the plans I have for you,' declares the Lord. 'Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.'" - Jeremiah 29:11

Sana palagi po kayong mag-rely kay God ang lahat ng mga plano niyo po. At super-blessed na din po kayo sa success ng It's A Mens World! Looking forward to seeing It's Raining Mens in stores soon, hihi!

Thank you sa lahat, Miss Bebang. God bless!

Ini-repost ito nang may permiso mula kay Ally Publico.

Uy, salamat, Ally!

Tuesday, May 14, 2013

Eleksiyon 2013

nakaboto ako kahapon. katulad nung 2010, mabilis din akong natapos sa pagboto.

walang pila, walang aberya, tuloy-tuloy lang ang nangyari sa akin. mga 330pm na ako nagpunta sa lugar ng botohan. actually, gusto ko nga sana, 4pm pa. katulad nga nung ginawa ko noong huling eleksiyon pero dahil me sasabayan ako sa paglabas ng bahay namin, napilitan tuloy akong magpunta nang mas maaga. dali-dali akong nagsuklay, nagheadband, nag-face powder, naghikaw at nagpabango, niyakag ko na si aileen palabas ng tarangkahan namin.

sa anonas pa lang, papunta ng quirino elementary school, kaliwa't kanan, hile-hilera na ang mga tent ng iba't ibang kandidato. daming tao sa bawat tent. at ang dami ring kalat sa gutter! habang papalapit ako sa gate ng school, parami nang parami ang basurang nakasudsod sa mga gutter.

finally, sa loob ng school, sa may multi purpose na patag na area (na ngayon ay parang gym at may cover na, noong time ni ej, walang cover pero maraming halaman dito at ilang bench, siyempre, wala na ang mga ito ngayon. natabunan na nga ng "gym") makikita ang grupo-grupo ng mga mesa na may computer. maraming tao sa mga grupo-grupo na iyon at marami ang kabataan. bago ako lumapit sa isang grupo, tiningnan ko ang mga nakapaskil na papel at maliliit na tarpaulin.

dun nakasulat at nakadrowing (may mapa ng mismong "gym") kung saan dapat pumunta ang bawat botante ng bawat barangay. nakita ko ang sa east kamias, ayun sa gitna. so naglakad na ako papunta doon. paroo't parito ang mga tao sa loob ng school. karamihan ay mga nanay ang naglalakad. mga naka-blouse na maluwag at short na kupas. nakatsinelas at iwinawasiwas nang mahinhin ang kanilang mga payong. yung iba, me kasamang bata. meron ding mga lalaki, iba't iba ang edad pero karamihan, nakapambahay lang din.

paglapit ko sa grupo namin, isang teenager na babae ang mabilis na nagbaba ng nginangasab na manok.

ano pong pangalan tanong niya habang ipinapatong ang manok sa isang kahon na lalagyan ng take out na pagkain.

volunteer kaya ito? buti pa siya at narito, kabata-bata, napapakinabangan na ng bayan!

itinaas niya ang mga daliri niyang may mantika at umakmang magta type sa kanyang keyboard habang hinihintay ang reply ko.

s-i-y, kako.

sanay na ako na nag-i-spell out kapag tinatanong ang pangalan ko sa ganitong uri ng pagkakataon. hindi ako sumasagot ng siy o ng beverly. ang lagi kong sagot, s-i-y. weird kasi ang speling ng apelyido ko at aminado akong mas sikat sa angkan namin ang mga sy ng sm. kaya malamang pag sinabi kong siy ang apelyido ko, ang ita-type ng ale o ng mama ay sy. 100% akong sure diyan.

anyway, mabilis na itinayp ni miss oily digits ang apelyido ko.

a... sa 3921-a po kayo. doon po sa likod ng building na ito, sabi niya. wala pang 30 seconds yan.

thank you, kako. thank you!

at naglakad na ako papunta sa sinabi niya. ilang hakbang pa lang ako nang makita ko ang kapitbahay naming si mr. joaquin. tatay siya ng kagawad namin na si denis joaquin. kahit apat na kembot lang ang layo ng bahay nila sa bahay namin, bihira kong batiin ang matandang ito kasi wala naman kaming masyadong mapag-usapan sa kahit saglit na panahon. kahit kapag nagkakasalubong kami sa daan, minsan ngumingiti ako minsan tumutungo na lang ako, kasi wala nga talaga akong masabi o mabati man lang sa kanya. speechless ang peg.

pero dahil halos magkatapat na kami sa gitna ng daanan (na karami-raming nagkalat na basura!) papunta sa aking botohan place, bumati na ako.

helo po.

o, meron ka nang congressman? tanong niya.

wala pa po, e, sagot ko. though alam ko na kung sino ang ilalagay ko sa balota.

kay mat defensor ka na lang. lahat kami dito ke mat defensor. tapos luminga-linga siya. ha, 'ne?

tumango ako. sige ho, sabi ko.

ha, 'ne?

opo, kako uli sabay smile close up quality smile. tipong makaalis lang sa harap niya. sige ho, sabi ko pa.

humakbang na ako palayo sa kanya. pagtapak ko, isang inumin sa plastik ng yelo na nakabilot sa dulo ang naapakan ko. sumabog ang inumin at isang babaeng naka-pekpek shorts sa harap ko ang nasarguhan ng likido.

a! sigaw niya.

a! sigaw ko.

sori po! kako pa makaraan ang one second na pagkagitla.

inangat ko ang binti ko, nge, nabasa rin ako!

mabilis na lumapit ang babae sa akin. inay, isasampal ata sa akin ang likido sa legs niya! ayan na! ambilis niyang maglakad parang naka-rollerblades lang.

tumungo na ako. ayan na!

pero lumampas lang siya. tuloy-tuloy sa gripong malapit sa kinauupuan ni Mr. joaquin.

a, maghuhugas lang pala.

sinundan ko siya, sori po uli, miss, kako.

ngumiti lang siya. binuksan niya ang gripo na kinasasampayan ng mga gamit na plastik ng yelo. bumagsak ang tubig sa mga walang laman na big 250 at clover chips. basura na naman. punong-puno ng basura ang lugar na ito! sumahod ng tubig si miss long legged legs. punas-punas niya ang mga binti niya.

hay. kailan ba tayo matututo? lagi na lamang bang madumi ang mga eleksiyon? napailing ako at tahimik na naghintay sa tubig na lilinis sa akin.

One Creamy Dreamy Day




by Beverly W. Siy

Please come in, said the old woman who opened the gate for me. Oh my. That was the sweetest words I heard that day. After months of searching for UP Professor Emeritus Damiana L. Eugenio, I finally found her!

(Though it wasn’t her who opened the gate for me. It was her maid.)

Mam Demi, as she is fondly called by her colleagues from the UP Department of English and Comparative Literature, is a super accomplished writer, editor and researcher. Since the eighties, she dedicated her time, sweat, blood and brains to compile and edit the Philippine Folk Literature Series of the UP Press. This series is massive. And it was just one of her numerous publications. If all the books she wrote and edited were piled up, they would kiss the skies.

To put it simply, she was an icon.

Though what really brought me there was work, I’ve been a huge fan of hers so it was my dream to meet her, and hug her (if I can). That day, I had with me a copy of one of her books that I own. I WANTED IT SIGNED, of course.

You see, I’ve been reading Mam Demi’s works since I was in college. In most of my subjects that dealt with the history of Philippine literature, I bumped into her works regularly. The myths and legends that she compiled and edited were so easy to understand. She also searched far and wide to document our folk tales, songs, and my personal favourites: proverbs and riddles. These pieces of our oral literature inspired me to write my own creative works, particularly poetry in our national language.

In one of my subjects in the graduate level, I wrote a research about the different versions of the tale of the monkey and the turtle. When I was young, I thought there was just one, the version of our national hero Dr. Jose Rizal. It turned out that most of our ethnic groups had their own versions too. With the help of Mam Demi’s books, I was able to read and analyze sooooo many of them!

I never thought that someday I would meet Damiana Eugenio, the brain behind the books, the name right after the symbol of copyright. I even thought that she had already passed away a long time ago. Her name sounded like she was a batch mate of Maria Clara in the convent, right?

So when my boss asked me to find her, I was shocked to learn that she was still alive. (I’m so rude, I know. I’m sorry. I was worse when I was younger. I always thought all the authors I read were already dead. Not because of their archaic sounding names but because their names appeared in text books, pure and simple.)

Anyway, that clear day of May 2012, I bloated with excitement while I walked into the house and into the dining room of my idol in the field of research.



I turned and suddenly, there was Mam Demi.

!!!



Oh, she was creamy.

I meant, her skin was creamy. Like icing on a butter cake. She was wearing a cream colored dress (a daster, actually) with blue prints, and her hair was all creamy and white. Just like my grandmother’s. She told me, halika, halika. Her hand and her voice were shaky. Just like my grandmother’s.

That made me want to hug her more.

But I willed myself to maintain composure. So I calmly went and sat in front of another old lady who introduced herself as one of the grand nieces of Mam Demi.



She later said that, because of her bursting dedication to research work, Mam Demi never married and never had a child of her own. So the grand nieces and nephews are now taking turns in taking care of their Lola Demi, a woman in her nineties.

What? Nineties? Beat that.

I introduced myself as the Executive Officer for Membership of a collecting society for Filipino authors. I told them it was my job to recruit authors and publishers to become our members and to meet with the members from time to time.

I had some good news for her, actually so I happily announced that Mam Demi would receive remuneration for the reproduction of her copyrighted works. I told them that an institution would reproduce some of her works in an enormous scale and the institution was willing to pay not just for the reproduction costs but also for the use of copyrighted works.

It meant Mam Demi would receive an amount of money for this! Yay!

But I saw a sliver of doubt on the face of her grand niece. Scammers are everywhere nowadays so even if I had the most angelic appearance on earth, hey, I could be lying.

Amalayer?

Of course, not.

So I further explained that it was one of Mam Demi’s economic rights under copyright. It was her right to earn from the reproduction of her works. Reproduction means making several copies of a copyrighted work. And that included photocopying.

Hey, I said, they didn’t have to shell out anything, no pyramid recruitment requirements, really, no cash out and best of all, it is LEGAL. It’s under our laws, the Copyright law, I added. I was brimming with pride. And with love, at that point.

Mam, I said, our laws are very supportive and protective of copyright holders like you.

Mam Demi beamed at me. Her teeth were pearly white cream. I noticed her eyes. They had the biggest smile. (No, her eyeglasses were not of the color cream. Haha.) I was so lucky I had a job that delivers good news to authors like Mam Demi.



We chatted some more. She still went to church every Sunday. She also complained that it took so much time to take a bath now that she’s “a little old.” She still read newspapers. She talked about her grand, grand nieces and nephews whose pictures were arranged neatly under the clear glass table top. She showed me her senior citizens’ ID. Guess what? She looked creamy in the photo!

Then, I requested for her signature on my book. She said she hoped to have a complete set of her own series. Some of her copies were borrowed by… who knew? She already forgot the names of the borrowers. She shook her head and waived her hand as if some names were flying like mosquitoes over her hair.

While she was busy autographing my book, I told her that I also wrote literary pieces. Her face suddenly lit up. With the energy of a young professor, she spoke:

“Maganda ‘yan. Ipagpatuloy n’yo iyan. The young ones should always write about our culture, about ourselves. Ipagpatuloy n’yo lang ‘yan.”

I was more than passionate to say, “OPO!”

A few days later, I saw a friend of mine who worked at the UP Press. I told him about my dream that came true. He congratulated me and told me that Mam Demi was indeed a big name, she was actually one of their best sellers. They regularly sent her royalties for the sales of books which were her copyrighted works with them.

That was awesome to hear.

Mam Demi could not work anymore due to her age.



But she continued to earn from her copyrighted works, or to put it simply, from her copyright.

Through royalties, she was able to pay for her medicine and visits to the doctor. She was able to pay for newspapers. She was able to pay for the things she needed. Besides, even if she was a superb writer, editor and researcher, she was still an ordinary senior citizen with ordinary needs. Just like my grandmother. An ordinary granny.

That night, I read a few pages of Mam Demi’s book. Then I scanned the list of copyright holders that I still needed to meet. I knew some of them personally while some were complete strangers. Some were famous. Some were unknown. Some were young. Some were old. Some were beginners and some were already established in their writing career. Some were financially challenged. Some were rich. Some were alive and kicking. Some were already dead, and that meant I needed to meet their heirs.

A gigantic smile formed on my face. This one was a really long list.

Of adventures. Woho!





Copyright of the photos: Bebang Siy and Ronald Verzo.

Saturday, May 11, 2013

Mula sa mambabasang si Marie Manalili Razon

I. Adik Sa Libro

Adik ako sa libro!

Kapag nasa mall, hindi pwedeng hindi ako dadaan ng bookstore.

Mortal sin yun!

Kahapon sa paglilibot sa bookstore, napukaw ang atensyon ko nung libro ni Bebang Siy na ‘It’s A Mens World’. Sabi ko sa sarili ko seriously? MENS as in MENSTRUATION?

Basa…basa…oo nga…MENS nga! Sa back cover ng libro, isinasalaysay ang istorya ni Colay. Na-curious ako lalo!

Punta sa counter…bayad!

II. Pinoy Authors

Mabibilang lang sa daliri yung mga libro na binibili ko na isinulat ng local/Filipino authors so dapat madagdagan pa. Eto pa lang yung mga meron ako.

1. ‘Twisted’ series ni Jessica Zafra,

2. ‘Youngblood’ Compilation

3. ‘Eureka’ ni Queena Lee

4. ‘A-Side / B-Side’ at ‘Isang Napakalaking Kaastigan’ ni Vlad Bautista Gonzales

5. ‘The Morning Rush Top 10′ ni Chico at Delamar

6. ‘Para Kay B’ ni Ricky Lee

7. Lahat ng Libro (Mula ABNKKBSNPLako hanggang Lumayo Ka Nga Sa Akin) ni Bob Ong

Bagong-bago…dagdag sa listahan ko…

8. ‘It’s A Mens World’ ni Bebang Siy

Gusto ko din yung libro ni Lourd De Veyra at Ramon Bautista kaso laging out of stock! hmpp…ay nakalimutan ko meron din pala akong ‘Pugad Baboy’ ni Pol Medina.

III. Ritwal

Pagdating sa bahay. Habang tutok na tutok sa panonood sa TV si Mimaw, ako naman sinimulan ko na ang aking ritwal.

1. Inilabas sa paper bag (oo, di na sa plastic nakalagay ) ang bagong bili na libro.

2. Inamoy ang mga pahina. (adik nga di ba?!)

3. Dumapa sa kama…

4. At sinimulan na ang pagbabasa

IV. Balik- tanaw (80′s and 90′s)

Basa…basa…

Page 11 pa lang tawa na ako ng tawa. Naalala ko yung mga kalaro ko. Naalala ko yung patintero, mataya-taya, agawan-base, langit-lupa , pati yung shake-shake shampoo. Ang lupet ni Bebang Siy! Ipinaalala nya sa akin ang aking kamusmusan.

Hindi ko mabitiwan yung libro! Sobrang nakaka-relate ako! Kung si Bebang may ‘asin experiment’ ang version ko nun eh vicks vapor rub…ang lamig sa mata pero maiiyak ka hahaha!

Nung umabot na ako sa page 145 (BFF x 2), teary-eyed na ako (dahil sa kakatawa at nostalgia). Paano ba naman may bff din ako na Jocelyn ang pangalan! Akalain mo yun! Hindi pa uso ang social networking sites noon, di pa rin uso ang cellphone. Nung lumipat ng school si Joy, telebabad at conventional snail mail ang means of communication namin noon. At sa awa ng Diyos magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Naalala ko yung mga kaibigan ko nung elementarya, naalala ko yung laman ng tray. Base sa libro mukhang pare-parehas pala ang laman ng tray ng mga pampublikong paaralan noon. Whistle Joy FTW! :p

80′s and 90′s are the best!

V. It’s A Mens World by Bebang Siy

This book is a must read. Ang saya basahin, pero may lalim, ipinakita dito ang tamis at pait ng buhay sa mundo. Punung-puno ng karanasan…may tapang!

“Kung meron kang gustong patunayan, ihanda nang bonggang-bongga ang sarili sa mga psoibleng mangyari dahil siguradong may kapalit ito. Minsan ang kapalit ay maganda, minsan matamis. Pero minsan din ay mahapdi at minsan naman, maalat. As in.” Bebang Siy, Asintada, 29, It’s A Mens World.

“Manghihinayang ka, tapos maiinis ka sa buhay tapos maiiyak ka tapos magagalit ka. Tapos mare-realize mo, wala ka palang magagawa. Hanggang ganyan lang ang papel mo: ang makaramdam ng ganitong emosyon sa ganitong pagkakataon,” Bebang Siy, Emails, 158, It’s A Mens World.

Mabuhay ka Bebang!


Thinking Out Loud: ”Bakit kaya nila pinagkakaguluhan yung 50 Shades of Grey??? Anong meron sa libro na yun??? It’s A Mens World ang bilhin nyo…sulit na sulit!”

Ito ay ni-repost nang may permiso mula kay Bb. Razon. Makikita ang review na ito sa http://razonalized.wordpress.com/2012/09/29/its-a-mens-world/.

Maraming salamat, Marie. Para sa panitikan, para sa bayan.

Thursday, May 9, 2013

Mula sa mambabasang si Mich

My name is Mich.

Habang nagpapalamig sa Trinoma kanina, napadaan ako sa Powerbooks. (Although hindi naman talaga ako mahilig magbasa.) Lakad lakad lang then habang dumadaan ako sa Philippine Publication section ba yun, (di ko matandaan yung exact section name pero parang yan.) nalalaglag yung mga comics na may title na "Tiktik". Yung si Dingdong ang cover. Naging movie pa yata yun. Dapat hahayaan ko na lang na kumalat sila sa sahig kaso parang nakonsensya naman ako so pinulot ko isa isa. Dun ako napasulyap sa book mo entitled "It's a Mens World". Di ko alam pero binili ko. Perstaym ko bumili ng libro na hindi romance pocketbook. (Nagkwento talaga ako.)
Well anyways, after almost 4hrs, natapos ko na syang basahin. At hinanap agad kita sa facebook.

Salamat. Kasi dahil sa libro mo, nalaman ko na ang magkakaibigan pala, dapat kanya kanya ng bayad. Nanlilibre lang kung bertday, nakapasa sa board o nakakupit sa wallet ni nanay. :))) Ngayon, gumawa na din ako ng checklist para sa first date. Kidding aside, nainspire ako. Especially sa last part, Emails. Truly everything happens for a reason. Maraming salamat for writing this book.

Sana marami ka pang maisulat.

Regards,
Mich

Inilathala ang liham na ito nang may pahintulot mula kay Mich.

Maraming salamat din, M! Kitakits soon.

Monday, May 6, 2013

Ang Imahen ng Middle Class sa Nobelang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon

ni Beverly W. Siy

Ang Imahen ng Middle Class sa Nobelang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon

Ang papel na ito ay pagsusuri sa imahen ng middle class na siyang pinagmulang uri ng mga pangunahing tauhan sa nobelang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon na isinulat ni Efren R. Abueg (ERA). Ang nobela ay inilathala ng DLSU Press, Inc. noong 1998 bilang pagpupugay sa manunulat para sa pagdiriwang ng sentenaryo ng kasarinlan ng Pilipinas.

Pinili ko ang obrang ito dahil ako’y nagtatangkang magsulat ng nobela sa kasalukuyan at tulad sa nabanggit na nobela, babae rin ang aking bida. Bukod dito, naniniwala akong makakatulong sa aking pagkatha ang pagbabasa, pagsusuri at pananaliksik tungkol sa nobela. Pinili ko ang akda ni ERA sapagkat nais kong makapag-ambag sa mga pag-aaral sa kanyang mahahabang akda. Mahigit isandaan na ang nalathala niyang nobela! Dapat ay masigasig ang pag-aaral tungkol sa mga akda niyang ito ngunit sa kasamaang-palad ay kakaunti lamang ang nagsusuri nito. Hindi dahil hindi siya tanyag bilang nobelista kundi mas marami ang nag-aaral sa kanyang maiikling kuwento dahil ito nama’y well-anthologized sa mga teksbuk. Pinili ko rin ang partikular na nobelang ito dahil isa ito sa mga nobela ni ERA na pinakamalapit sa aking panahon.

Introduksiyon

Tungkol sa awtor

Ipinanganak si Efren R. Abueg noong 4 Marso 1937 sa Tanza, Cavite. Lumaki siya sa masagana at malusog na rural Cavite. Payak ang kanilang pamumuhay at paaral lamang siya ng kaniyang mga tiya pagtuntong niya ng high school. Sa Maynila siya nag-aral, sa Arellano Public High School. Doon siya unang nagsulat, para sa pahayagan ng paaralan. Pero sinasabayan na niya ito ng marubdob na pagbasa, hanggang sa magbinata ay mambabasa siya ng Liwayway (Baquiran 133-136).

Pagkatapos ng sekondarya at nagbalik siya sa Cavite upang mag-aral ng dalawang taon na kursong Associate in Arts. Lumuwas siyang muli pagka-graduate, pumasok sa Manuel L. Quezon University sa Quiapo tuwing gabi at sabay nagtrabaho sa araw. Sa unibersidad, nakilala niya ang karamihan sa mga dakilang manunulat na makakasama niya sa bantog na antolohiya ng maiikling kuwento, ang Agos sa Disyerto: Rogelio Sicat, Rogelio Ordonez, Eduardo Bautista Reyes (na kalaunan ay mapapalitan ni Dominador Mirasol) at Edgardo M. Reyes (Baquiran 136-137).

Naging produktibo ang kanilang barkadahan. Maraming beses na nagpapayabangan sila sa pagkatha ng akda, pagsali sa mga patimpalak gaya ng Palanca, paglalabas ng mga akda sa Liwayway, Bulaklak at iba pang publikasyon. Ngunit dumating ang panahong nabagot na sila sa formula ng mga kuwento sa bestseller na mga lingguhang magasin. Panay na ang sulat nila noon tungkol sa realidad at maseselang usapin sa lipunan, bagay na malayo sa pintig ng mga tinatalakay sa pang-Liwayway na akda, na pawang pag-ibig, sentimental na mga bagay. Nang tuluyan na nilang kalabanin ang matatandang manunulat at ang paraan ng pagsulat ng mga ito, na-ban sila sa Liwayway! Lumipat silang lahat sa Bulaklak at nag-publish ng nobelang dugtungan, Ang Limang Suwail. Ang perang nakuha sa nobela ang siyang ginastos nilang pang-imprenta ng Agos sa Disyerto (Baquiran 139-140).

Hindi lamang sa pagsulat naging aktibo si ERA. Naging mahusay din siyang organisador ng mga manunulat at naging bahagi ng Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN), writers’ sector ng Movement for Advancement of Nationalism (MAN), Kilusang Pilipino (KIPIL), Katipunan ng mga Manunulat sa Pilipinas (KAMPI), Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA) at iba pa. Naging aktibo siya sa pagsusulat kahit noong panahon ng batas-militar. Ginamit niya ang mga popular na magasin para mailabas ang mga nobela niya ukol sa aktibismo, halimbawa nito ay ang nalathala sa Bulaklak na “Sugat sa Kanilang Dibdib (Baquiran 145).”

Kuwento pa ni ERA, sa personal na panayam sa kanya ng mananaliksik, noon pa man ay alam na niyang tau-tauhan lang ng US ang pamahalaan ng Pilipinas. Anya sa panayam sa Likhaan, “Kasi, ang pamahalaan, lumilitaw na parang kalaban pa.” Kaya sa sariling paraan ay tumulong si ERA sa pagsalungat sa administrasyong Marcos. Hindi niya iniwan ang pagtuturo sa MLQU kahit na mainit na noon ang turing sa kanya ng administrasyon ng unibersidad dahil siya ay binansagang aktibista. Patuloy siyang nagturo doon, sa mga estudyanteng aktibista rin. Dinadalhan din niya (kasama ang misis niyang si Mam Lita Abueg) ng pagkain ang mga estudyanteng aktibista sa Philippine College of Commerce (PUP na ngayon).

Sa paglalathala sa Liwayway, noong umpisa ay niro-romanticize niya ang aktibismo para malathala pa rin ang kanyang nobela pero di naglaon, natanto niyang kailangan nang iwan ang pagsusulat ng revolutionary romanticism. Anya, “kailangan na ang hayagang pagkilos ng mga tauhan sa kuwento (Baquiran 151).” Pero natutunugan siya ng mga editor ng Liwayway!

Inulit ni ERA ang kaisipang ito sa pagsusulat nang siya ay magbigay ng isang panayam tungkol sa nobela noong 1970. Anya, “ang bagong kabataang manunulat, sa halip na magkaroon ng hinog na oryentasyong pulitikal, ay nagkaroon lamang ng ilusyon ng romantisismo ng reporma, na sa palagay nila ay magagawa sa pamamagitan ng nobelang kung lumalampas sa pagbubunyag ng mga “bulok na bahagi” ng lipunan ay hindi naman nagmumungkahi ng pagbabago, naglalarawan lamang.”

Ito marahil ang isa sa mga sagot ni ERA sa problema niya sa mga patnugot ng Liwayway at sa pagbalikwas sa sinasabi niyang puro na lamang pagsisiwalat ng kabulukan. Isinulat niya ang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon noong kabi-kabila na ang military coup sa administrasyong Aquino. Nalathala ang nobela pagkalipas ng maraming taon.

Tungkol sa aklat

Ang Isang Babae sa Panahon ng Pagbangon ay nobelang inilathala ng De La Salle University Press, Inc. noong 1998 bilang bahagi ng kanilang Centennial Literary Series. Si Marjorie Evasco ang nagsilbing patnugot ng buong serye at siyang sumulat ng Paunang Salita na matatagpuan sa unang bahagi ng aklat. Pawang mga akda ng mga residenteng manunulat ng DLSU ang inilathala para sa seryeng ito. Nagpupugay ang paunang salita sa mga manunulat sapagkat ang mga ito raw ang “patuloy at tapat na tumatanod sa bukana at pasilyo ng ating makasaysaysang kasalukuyan.”

Ang nobela ay nasa wikang Filipino at nahahati ito sa labing-isang kabanata. Bagaman maikli, hitik naman ito sa mga eksenang may mahigpit na kaugnayan sa kasaysayan. Bukod dito, malaki rin ang papel na ginampanan ng kababaihan sa akda.

Linear ang pagkakalahad ng kuwento at gumamit ng maraming flashback ang may akda para isiwalat ang buhay ng bidang tauhan. Sa aantok-antok na mambabasa, hindi niya masusundan ang kuwento ni Bernice sa dami ng pagpapabalik-balik sa nakaraan.

Ang mga pangunahing tauhan

Si Bernice Marasigan ang bida sa nobela. Siya ay isang Filipina na nagtatrabaho bilang manager sa isang promotion agency. Mukha siyang modelo sa tindig at ganda. Sa Pilipinas siya ipinanganak at dito rin nag-high school, pagkaraan ay nagtapos siya ng theatre arts sa isang unibersidad sa New York. Umuwi ulit siya sa Pilipinas upang dito maghanapbuhay. Ulila na siya sa ama na isang eskultor at ang ina naman niya’y isang real estate agent sa U.S.

Dati ay masalapi si Bernice ngunit dahil ilang ulit siyang niloko at pinagsamantalahan nina Mac, Ronnie at Judy, nangupahan na lamang siya sa isang townhouse kasama ang kasambahay na si Denang. Mula umpisa ng nobela, plano na niya ang maghiganti sa tatlo.

Si Judy Paez ang nagpapatakbo ng promotion agency ni John Tomskin. Nang panahon ni Marcos, isa siyang organizer ng mga bold show para sa malalaking negosyante. Nagsumikap siya at ngayon nga ay fashion show na ang kanyang inoorganisa. Ngunit kalauna’y matutuklasan na hindi pala niya iniwan ang pangangalakal sa kababaihan. Siya ay lihim na karelasyon ni Mac.

Si Macario Dacanay, Jr. o Mac ay isang aktibista at manggagantso at the same time. Naging nobya niya si Bernice ngunit hinuthutan lang niya ito ng pera. Mahal siya ni Bernice dahil siya ang nagpakilala kay Bernice ng buhay-aktibista. Nakulong si Mac sa bandang huli ng nobela pero tinulungan pa rin siya ni Bernice na makalaya.

Si Ronnie naman ay abogado ni Bernice. Siya ang nag-asikaso ng mga papeles ni Bernice nang ibenta nito ang tanging ari-arian na mayroon ang pamilya, ang ancestral house ng ama nito. Siya rin ang nag-asikaso ng pag-i-invest ni Bernice sa stock exchange. Pinagkatiwalaan siya nang husto ni Bernice pagdating sa pananalapi at naging magnobyo pa sila. Sa pagtatapos ng kuwento, sinikap ni Ronnie na magbagong-buhay. Siya ay naging isa sa mga presidential assistant ng pamahalaang Aquino.

Si John Tomskin ay ang Amerikanong negosyante at may ari ng promotion agency nina Bernice at Judy. May asawa na siya ngunit muntik nang magkaroon ng romantikong nakaraan kay Bernice. Ang nakaraan namang ito ay ginawang puhunan ni Bernice para mapagkatiwalaan siya ni John sa pagpapatupad ng kanyang balakin laban kay Judy gamit ang promotion agency nila.

Buod ng Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon

Si Bernice ay may kaya, matalino at magandang babaeng produkto ng broken home. Nagkahiwalay ang kanyang magulang noong siya ay high school dahil nambabae ang tatay niyang eskultor, nanlalaki naman ang nanay niya na minsang nangarap na magkanegosyo sa Pilipinas. Nang pumunta ng US ang nanay niya, sumunod siya doon upang mag-aral ng Marketing, pero pagkaraan ay lumipat din siya sa theatre arts. Inuugat niya ang hilig sa sining sa kanyang amang eskultor. Sa U.S., natuklasan niyang ka-live in na pala ng kanyang nanay si Uncle Mars, ang lalaking pinagseselosan noon ng kanyang tatay.

Sa sobrang inis niya, naglakwatsa siya kasama ang ilang kaklase sa unibersidad. Sa isang disco, nakilala niya si John Tomskin, isang napakayaman na negosyante at kapitalista. Nagkita silang muli sa unibersidad nang pumunta si John dito. Donor kasi si John ng isang professorial chair at mga kasangkapan sa Chemistry Laboratory ng unibersidad. Mula noon, naging malapit sila sa isa’t isa. Ngunit hindi ito natuloy sa relasyon dahil binabagabag ng ilang family problem noon si John.

Pagka-graduate ni Bernice ay agad siyang umuwi sa Pilipinas. Isang araw pagkaraan, inatake sa puso ang ama ni Bernice at pumanaw ito. Nagpasya si Bernice na ibenta na lamang iyon at bumili ng townhouse na angkop ang laki sa kanya dahil masyadong malaki ang ancestral house para sa sarili lamang. Ayaw naman niyang bumalik ng U.S. dahil di niya gusto si Uncle Mars para sa kanyang ina.

Noon niya nakilala si Ronnie na tumayong abogado niya para sa pagbenta ng ari-arian at pagbili ng bagong townhouse. Naging smooth ang pagbenta at pagbili sa mga ari kaya lalong humanga si Bernice. Mula noon ay lagi na silang nagkikita nang si Bernice ang gumagawa ng paraan. Naging magnobyo ang dalawa.

Tinulungan siya ni Ronnie na maghanap ng trabaho. Inirekomenda siya kay Judy, isang organizer ng mga fashion show at kliyente ng law office na pinaglilingkuran nito. Noong umpisa ay modelo siya ni Judy ngunit di nagtagal, siya na ang tagapagsanay ng mga recruit na modelo. Nang panahon na ito ay ipinagkatiwala rin ni Bernice ang natitira niyang pera sa bangko kay Ronnie. Inilagak ni Ronnie ang pera ni Bernice sa money market, sa kamay ng isang Gerry Dee, na pamoso sa pagpapalago ng pera sa Manila Stock Exchange.

Masaya si Bernice sa piling ni Ronnie ngunit binabagabag siya ng paraan ng pamamalakad ni Judy sa sa agency. May nakita siyang mga iregularidad sa “fashion show” ng mga recruit nilang modelo tulad nina Debbie at Susie. Bigla na lang “huhugutin” ni Judy ang dalawa dahil mayroon daw ibang show ang mga ito na hindi wholesome. Nagbebenta rin ng mga damit si Judy samantalang dapat ay sa modelo na ang mga damit na ito. Isang gabi, sa townhouse ay biglang umuwi si Ronnie na lasing at muntik nang makapanggahasa kundi lang nanlaban si Bernice. Bago makatulog si Ronnie, isiniwalat nitong pabagsak na ang ekonomiya ng Pilipinas at nagtatakbuhan na palabas ng bansa ang mga investor. Kasama raw doon si Gerry Dee, tangay ang kalahating milyon ni Bernice.

Gimbal si Bernice at nagkahiwalay ang dalawa mula noon. Saka nakilala ni Bernice si Mac. Ipinagtanggol siya nito sa mga lalaking gustong magmolestiya sa kanya isang gabing mag-isa siyang naglalakad sa kalsada. Sa townhouse, pinatuloy niya si Mac na nagpakilalang aktibista at mula noon ay naging malapit sila sa isa’t isa. Nagkarelasyon sila. Isinasama siya nito sa mga rally, ito ang nagpaliwanag sa kanya ng tunay na nangyayari sa bansa nang patapos na ang rehimen ni Marcos. Dumalas ang pagtatago ni Mac at kay Bernice siya humihingi ng panggastos. Isang gabi, biglang dumating si Mac para magpaalam kay Bernice ngunit nagpumilit si Bernice na sumama rito. Dinala siya ni Mac sa isang giray-giray na bahay sa Guadalupe at nakipag-inuman sila sa mga aktibistang kaibigan ni Mac. Nalasing siya at nakatulog. Nagkamalay siya nang hinuhubaran na siya ni Mac at nagtalik sila kahit langong-lango siya sa alak at antok.

Pagkaraan, bumalik na sa townhouse si Bernice at si Mac ay tuluyang nagtago sa piling ng mga NPA sa Davao. Isang araw, may dumating na liham kay Judy para sa kanya. Galing iyon kay Mac at kailangan daw magbigay ni Bernice ng P300,000 kung hindi ay ikakalat daw ng mga aktibista niyang kaibigan, sina Hector at Pol, ang mga retrato nila habang nagtatalik. Deep penetrating agent daw pala sina Hector at Pol at ngayon ay bina-blackmail nga ang magnobyo.

Ibinenta ni Bernice ang townhouse niya para lang maibigay ang P300,000. Si Judy ang namahala sa pagbebenta nito. Lumipat sa mas maliit na townhouse si Bernice kasama pa rin ang kasambahay niyang si Deling, pamangkin ng dati nilang kasambahay. Noon natuklasan ni Bernice ang panloloko nina Ronnie, Judy at Mac sa kanya. Isang araw, lumapit sa kanya si Tonton, isa pa sa mga aktibistang kaibigan ni Mac at isa sa pinagbibintangan ni Mac na nag-frame up sa kanila sa photo scandal. Ibinulgar nito na lahat pala ay pinlano nina Ronnie, Mac at Judy. Sina Ronnie at Mac ay magpinsang-buo, si Judy ay girlfriend ni Mac. Mula sa investment ni Bernice kay Gerry Dee (hindi pala ininvest ni Ronnie ang pera ni Bernice!) hanggang sa kung paanong nagkakilala sina Mac at Bernice hanggang sa pagkuha ng mga larawan nila habang nagtatalik, lahat ay planado para mahuthutan si Bernice ng pera.

Kaya nagdesisyon si Bernice na maghiganti. Hindi alam ni Judy na may nakaraan sina John at Bernice pero isinet up pa rin siya ni Judy sa Amerikano. Inatasan siyang “aliwin” si John hangga’t nasa Maynila ito at hangga’t di pa napipirmahan ang approval para sa isang malaking fashion show sa Riyadh. Sumang-ayon si Bernice pero nag-propose din siya kay John Tomskin na gawin siyang partner sa promotion agency para mapag-aralang mabuti ang lahat ng transaksiyon ni Judy. Pumayag naman si John. Si Bernice ang naging mata at tainga ni John sa negosyo nito sa Pilipinas. Kinuhanan din ni Bernice ng testamento ang mga “nawawalang” modelo na sina Debbie at Susie. Nang mahuli si Mac ng mga puwersa ng pamahalaan ay gumawa si Bernice ng paraan para makalaya ito. Inupahan niya si Mac para maging mata at tainga sa mga ilegal na hakbang ni Judy.

Si Ronnie naman ay biglang sumulpot at nag-alok ng bagong bahay at tahimik na buhay kay Bernice. Ngunit tumanggi si Bernice, humingi lang siya ng tulong kay Ronnie dahil si Ronnie ang kinuhang abogado ni Judy para sa promotion agency. Hawak nito ang ilang dokumento hinggil sa mga fashion show. Ibinibigay nito ang mga dokumento kay Bernice dahil mahal pa nito ang dalaga. Ngunit walang ibang nasa isip ang dalaga kundi ang makapaghiganti sa tatlo.

Nagaganap ang lahat ng ito nang ang background ay ang mga pangyayaring patungo sa People Power Revolution. Nang manalo si Cory bilang pangulo, naging presidential assistant si Ronnie. Sina Judy at Mac ay paalis na ng bansa nang masakote ng Immigration Office. Nagsampa na pala ng kaso si Bernice sa dalawa. Lumabas sina Debbie at Susie para tumestigo laban kay Judy. Si Ronnie naman ay biglang hinuli ng mga pulis dahil lumabas ang mga detalye ng pang-eestapa niya kay Bernice at ang pagiging kasabwat niya sa mapanlinlang na management ng promotion agency.

Sa korte sila nagkaharap-harap: Mac, Judy, Bernice at mga modelo. Ngunit pagkatapos ng hearing ay nakapagpiyansa pa rin sina Mac at Judy. Nang sumunod na paghaharap-harap nila sa korte, kinompronta ni Mac si Bernice. Nagalit siya sa “pagtraydor” sa kanya ni Bernice. Naging tapat naman daw siya kay Bernice at isinumbat pa ang pagsisiwalat ng lahat ng alam niya sa mga kalokohan ni Judy. Hindi alam ni Mac na nasa likod pala niya si Judy. Nagalit ito at bigla na lamang nagbunot ng baril at inasinta ang bibig ni Mac. Sabog ang bibig ni Mac, agad itong namatay.

Naibalita sa buong mundo ang nangyari sa korte. Kinontak ni John si Bernice at nagsabi ito na: ang mga abogado na lang nila ang bahala sa lahat ng nangyari, at ikakasal na siya sa isang Australyana. Noon nagbago ang isip ni Bernice, pinuputol na niya ang partnership niya kay John para sa promotion agency nila. Nagpaalam na siya kay John.

Hinanap ni Bernice si Ronnie at natuklasan niyang nag-iisa ito sa bahay na dati’y inalok sa kanya para sa kanilang tahimik na kinabukasan. Nag-usap sila at natuklasan niyang wala na pala siyang damdamin para sa unang lalaking pinag-alayan niya ng pag-ibig.

Mula sa bahay na iyon, walang katiyakan kung saan patungo si Bernice. Ngunit isa ang sigurado, hindi na siya babalik sa landas patungo sa kasukalan.

Pagsusuri

Sa unang basa, aakalaing inspirational na nobela ito tungkol sa isang babaeng niloko nang paulit-ulit ngunit nagtagumpay sa katapusan. Aakalain ding may bahid ng erotika ang nobela dahil sa inihahaing maiinit na eksena ng pakikipagtalik ng bida sa tatlong lalaking minahal niya.

Lahat ito ay akala lamang.

Dahil kung susuriing mabuti ang nobela, lilitaw na ito ay isang matalas na pagpuna sa uring middle class sa lipunang Filipino sa pagtatapos ng rehimeng Marcos at pag-uumpisa ng administrasyong Aquino. Tinatangka rin ng nobela na ipaliwanag ang pinagmumulan ng uring middle class at kung bakit nila ginagawa (at di ginagawa) ang kanilang ginagawa (at di ginagawa).

Ang middle class

Narito ang mga katangian ng middle class na mahihinuha mula sa iba’t ibang tauhan ng nobela:

1. Nasa puso ang America

Laging America ang hantungan ng mga Pilipino lalo na ang mga middle class.

Bakit nga ba?

Ayon sa History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo, ilang ulit na sinubukan ng middle class nang panahon ng Espanyol na tumulong sa reporma at rebolusyon sa pamamagitan ng pag-aambag ng pera sa mga organisasyon at pahayagan tulad ng La Liga Filipina, La Propaganda, La Solidaridad, Cuerpo de Compromisarios at iba pa. Ngunit laging hindi nagtatagal ang mga organisasyon dahil sa iba’t ibang problema. Sabi nga ni Agoncillo, “most of the members of the middle class were conservative and lacked the courage and the vigorous hope to continue an unequal struggle” (Agoncillo 147-148).

Bale, pagod na sila.

Wala naman daw kasing nangyayaring pagbabago. At kailangan nilang proteksiyunan ang kanilang ari-arian at mga posisyon. Nasa ganitong mindset ang middle class ng Pilipinas nang biglang dumating ang mga Amerikano, pilit na sinakop at ginyera ang mga Filipino. Lumaban nang husto ang mga Filipino ngunit dahil sa maraming salik, natalo ang mga ito. Ang pinakamadaling napaluhod sa kolonyalismong nananaig ay ang mga elite o ang may kaya. Dahil, ayon kay Agoncillo, sa takot ng mga elitista sa sumisingasing na demand ng maralita na ipamahaging muli ang mga pang-ekonomiyang benepisyo at yaman noong panahong nagpapalit ng pamahalaan, mabilis na silang nagdesisyon na makipag-cooperate na lamang sa mga Amerikano. Bakit? Aba, may mga ari-arian, interes at posisyon silang kailangang pangalagaan! At ang mga Amerikano naman daw, talagang tinarget ang mga elite, pati na ang middle class, at nakipagkaibigan din sila sa mga ito dahil alam nilang mas mabilis silang dadami, kailangan ng elite at ng middle class ang proteksiyong maibibigay ng Amerikano (Agoncillo 300).

In fact, sa mga mananakop na Amerikano, nakikita nilang mas maaliwalas ang kanilang kinabukasan kung ikukumpara sa piling ng mga Espanyol. Wala nang tiwala ang middle class sa masa. Basag-ulo na lang ang tingin nila sa mga ito (Agoncillo 300-301).

Nang pumasok ang administrasyon ni Harrison (1913-1920), nagkaroon ng batas na pabor sa middle class na may ari-arian. Para makapasok sa burukrasya o di kaya ay mahalal sa puwesto, isa sa mga kuwalipikasyon, dapat ay property owner ka (Agoncillo 309). Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang middle class na magkapuwesto at maging makapangyarihan. Salamat kay Harrison, salamat, America.

Isa pa, nakinabang ang middle class at mayayaman na may ari ng mga lupain sa mga batas na ibinaba ng US sa Pilipinas tulad ng Free Trade ng 1909 at Underwood-Simmons Tariff Act ng 1913. Naging merkado ng kanilang mga agricultural export ang buong America. Mainam sana ito hindi lang para sa mayayaman at middle class kundi para sa buong bansa. Ang problema, mas maraming ipinapasok na produkto ang US sa Pilipinas nang walang buwis-buwis. Mas malaki ang kinikita nila sa atin kaysa ang tayo sa kanila (Agoncillo 310-311). At sa ganitong set up, ang mga may ari lang ng lupain ang nakikinabang. Hindi naman ang buong bansa.

Mula rin nang 1903-1914, ang magagaling na estudyante ay ipinadala sa US bilang mga pensiyonado para mag-aral (Agoncillo 372). Kaya hindi nakakapagtakang hanggang ngayon, US ang target destination ng mga gustong mag-aral sa abroad tulad ni Bernice at ng kanyang pamilya.

Maaaring ilan lang ito sa mga dahilan kung bakit mahal ng middle class tulad ni Bernice ang America. Naging kanlungan nila ang naturang bansa.

Nang magkaproblema sa sariling pamilya ang nanay ni Bernice, agad na tumakas ito at nagpunta ng California para pumisan na lamang sa kapatid na lalaki. Di nagtagal, doon na ito nanirahan kasama ang boyfriend nitong si Uncle Mars. Naging stable ang kanyang real estate business doon at di na ninais pang bumalik ng Pilipinas kahit nang mamatay ang asawa na ama ni Bernice. Tuluyan nang inabandona ng nanay ni Bernice ang Pilipinas at ang asawa.

Dramatics o theater arts ang hilig ni Bernice. Magaganda ang drama school at theatre school sa London, bakit hindi London ang pinili niya, tutal ay sabi naman ng magulang ni Bernice ay sa abroad pagkokolehiyuhin ang anak? Ibig sabihin ay kahit saang bansa, kaya nilang pag-aralin ang dalaga. Ngunit sa US pa rin nag-aral si Bernice. Sa New York to be exact. New York ang pangarap na mapuntahan ni Bernice.

Nang nasa New York siya at nakasalamuha ang Amerikanong si John Tomskin, pinangarap naman niyang magustuhan siya nito at asawahin. Walang ibang romantikong kuwento sa panahon ng kanyang paglalagi sa US. Ang Amerikanong si John lang ang tanging lalaking pinursige niya roon. Gumawa siya ng paraan para magkita silang muli. Nang ikalawang date nila, gustong-gusto na niya si John na maging boyfriend kahit alam niyang may asawa na ito. Laking panghihinayang nga niya nang walang seksuwal na nangyari sa kanila sa America.

Parang Pilipinas-US ang relasyon ng middle class sa bansang America. Lagi na lang nakalingon sa US ang Pilipinas. Pinaasa na nga siya at lahat, pahabol-habol pa rin sa U.S. Halimbawa, ang pagpirma natin sa Bell Trade Relations Act pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Bell Act ay isang batas na inihain ng US sa Pilipinas kung saan nakahatag ang patakaran para sa isang pang-ekonomiyang ugnayan ng dalawang bansa sa unang 28 taon ng bagong republika. Ibig sabihin, dapat sana ay nakawala na tayo niyan sa US, pero hindi pa rin pala nila ibibigay ang kasarinlan na gusto natin bagkus ay itinali pa rin nila ang galaw ng ekonomiya ng Pilipinas sa US. Ay, pumayag naman tayo! Ang batas na ito ay isang pang-ekonomiyang paniniguro na magiging merkado o tagatangkilik ang Pilipinas ng mga produkto ng US. Bili lang nang bili. Sure buyer, kumbaga. Samantala, may quota naman ang pagpapasok ng produkto ng Pilipinas sa kanilang bansa. Ibig sabihin, kahit gusto nating kumita nang malaki mula sa ating mga produktong ibebenta sa kanila, hindi puwede (Diokno 15).

Kinompirma at nilagom nga ito ni Prop. Randy David, isang dalubguro sa pag-aaral ng lipunang Filipino, may “natatanging” relasyon ang Pilipinas sa US.

May problema ba doon?

Wala naman ngunit ang walang humpay daw nating pagtangkilik sa relasyong ito ay parang sumpa sa pang-ekonomiya at pampolitika nating buhay (David, Understanding 100).

Sa kasamaang palad, hindi pa nalilirip ng mga middle class na tulad ni Bernice na negosyo lang ang habol ni John sa kanya. Sa nobela, alam ni John ang atraksiyon na naramdaman ni Bernice sa kanya noong sila ay nasa New York pa. Hindi niya agad sinunggaban ang dalaga doon pero “nakipaglandian” pa rin siya kay Bernice. At nang malaman ni John na nagtatrabaho si Bernice sa kanyang promotion agency, agad niya itong ginawang industrial partner para mabantayan nang maigi ang sariling negosyo. Alam niyang may kalokohang ginagawa si Judy kaya kailangan niya ng tututok dito. Si Bernice ang ginamit niya.

Puwedeng ihambing ang mga desisyon at galaw na ito ni John Tomskin sa pakikitungo ng US sa Pilipinas.

Katulad ni Bernice sa nobela, nang magising siya sa katotohanan na hindi naman siya gusto, wala talagang interes sa kanya si John at ginagamit lang siya nito para sa pagbabantay ng sariling interes, halos huli na ang lahat, wala na siyang masyadong self-esteem sa dami ng kanyang pinagdaanan. Obserbasyon pa ni Randy David sa ugnayang Pilipinas-US, “by the time we realized that being a client state of America had made us into a weak nation, it was quite late (David, Understanding 100). ”

Masasalamin din ang mga obserbasyon ni Efren R. Abueg sa relasyong US-Pinas sa ilang akda niya tulad ng maikling kuwentong nagkamit ng Unang Gantimpala sa Gawad Palanca noong 1967, Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel, kung saan ang bidang si Felipe ay lubos na nagtiwala sa amain niyang si Tiyo Samuel para sa lahat ng kanyang ari-arian at lupain mula nang mamatay ang sariling magulang. Siya kasi ay masyado pang bata noon para mag-asikaso ng mga ito. Kaya nakinabang si Tiyo Samuel at yumaman pa dahil dito. Ngunit nang malaki na si Felipe, hindi na angkop sa kanyang pangangailangan at kaisipan ang mga bagay na gustong mangyari ni Tiyo Samuel. Inilalayo pa siyang pilit sa pinakamamahal niyang si Ligaya. Doon na sila nag-away at isang araw, di niya namalayan, sa isang iglap, napatay niya si Tiyo Samuel.

Ayon kay Loline Antillon, isa sa mga sumuri ng maiikling katha ni ERA, may-ari si Felipe (na maaaring kumakatawan sa mga Filipino), dayuhan si Tiyo Samuel (na maaaring kumakatawan sa US). Ang may-ari ay napilitan pang pumatay upang maangkin ang sariling buhay at kayamanan (Antillon 143-144).

Ang ganitong kaisipan marahil ang patuloy na nagtulak kay ERA upang sumulat muli ng mga akda tulad ng Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon na sumusuri at nagpapakita ng paatras na mga hakbang na dulot ng patuloy na matalik na relasyon ng US at Pilipinas.

2. Pretentious, hindi sanay sa hirap, runner

Isang halimbawa ng pagiging pretentious ng middle class mula sa nobelang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon ay ang nabanggit na suliranin sa pera ng pamilya ni Claire, ang malapit na kaibigan ni Bernice noong siya ay third year high school. Buhay-mayaman ang pamilya ni Claire. Nakatira ito sa White Plains, isang lugar sa Quezon City kung saan kaliwa’t kanan ang nakatindig na mga mansiyon ng mayayaman ng kalakhang Maynila. May limang modelong kotse sa garahe nina Claire pero natuklasan ni Claire na hindi pala kanila ang lahat ng yaman na iyon kundi sa lola niya. Nang pagpartehan ang lahat ay walang natira sa kanila. Napilitan tuloy kumayod nang totoo ang ama ni Claire na dati ay pinagkatiwalaang humawak ng kabuhayan ng kanilang lola.

Isa pang halimbawa ng pagiging pretentious ay nang ibenta ni Bernice ang sariling townhouse para may maibigay siyang P300,000 sa namba-blackmail sa kanila ni Mac, pinilit pa rin niyang manirahan sa isang townhouse. Kahit alam niyang mahihirapan na siyang makabayad sa upa, nag-townhouse pa rin siya dahil para sa kanya ay nakakatanggal ng dignidad ang pag-upa sa apartment (mas mura ang renta sa apartment). Nang panahon na iyon, ang townhouse ang siyang bahay ng mga middle class. Katumbas ito ng condominium ngayon.

Hindi rin pinakakawalan ni Bernice si Deling, ang kanyang kasambahay, kahit na paubos na nang paubos ang kanyang pera at alam niyang di maglalaon ay hindi na niya kayang magpasuweldo ng kasambahay. Marahil ay takot siyang gumawa ng mahihirap na gawaing-bahay. Hindi naman siya sanay dahil hindi siya pinalaking nagtatrabaho sa loob ng bahay.

Marahil kaya ganito si Bernice ay dahil sa ugali rin ng kanyang nanay. Natakot ang nanay ni Bernice na tuluyan silang maghirap sa piling ng asawang eskultor kaya sinikap nitong magkaroon ng sariling negosyo. Ngunit nang hadlangan ito ng asawa dahil sa selos sa corporate partner nitong si Uncle Mars, agad itong nakipaghiwalay at lumipad patungong US para doon magpatuloy sa pagnenegosyo.

Ang ganitong ugali ng mga may kaya ay maaaring ugatin sa ilang mayamang pamilyang Filipino noong panahon ng Kastila. Magsisilikas sila sa Europa sa oras na makaramdam sila ng panganib o pangangailangan na makipaglaban para sa sarili nilang kapakanan (Agoncillo 129). Natatakot siguro silang makaranas ng hirap sa bansang Pilipinas kaya walang kaabog-abog na magsisilipad pag nakaamoy ng panganib. Gumagawa sila ng paraan na magmukhang wala silang problema, iyon pala ay tumatakas lang sila sa problema.

May isa ring anecdote sa Zambales noong nagsisimula pa lamang ang pamahalaan ni Aguinaldo kung saan nabanggit na iniwanan ng mayayaman ang kanilang mga bahay para pumunta sa mas ligtas na lugar. Sinamantala ito ng magkapatid na Pansacula at ipinamahagi ang mga bahay at lupa sa mahihirap (Guerrero 260). Makikita rito na lumilikas na naman ang mayayaman at umiiwas lang sa gulo, hindi hinaharap ang problema at hindi tumutulong na malutas ang problema.

3. Matalino pero dahop ang kaalaman sa nangyayari sa paligid at madalas, walang pakialam sa iba

Marahil, kaya madaling maloko at naloko nang paulit-ulit itong si Bernice ay dahil wala siyang alam at pakialam sa nangyayari sa kanyang paligid. Nabalitaan na lamang niya kay Ronnie na bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, mabilis na pinatatagas ng mga negosyante ang kani-kanilang puhunan sa bansa at lumarga na ang mga crony ni Marcos. Nagsipag-abroad! Isa na rito si Dewey Dee na nag-iwan ng humigit-kumulang 100 milyong dolyares na utang sa iba’t ibang financial institution ng pamahalaan (Magno 179). Sa nobela, siya si Gerry Dee. At ito ang ginamit ni Ronnie na excuse para maumit ang P500,000 na investment sana ni Bernice sa money market. Nang panahon na ito ay inlab na inlab siya kay Ronnie kaya ni hindi siya nag-imbestigang maigi kung ipinuhunan nga ba ng abogado ang kanyang pera sa stock exchange.

Minsan naman ay harapang kinutya ni Mac si Bernice. Sinabihan siyang “you are not reading afternoon papers again! Talagang wala kang pakialam sa mundo!” Nangyari ito noong ipinaghahanda niya ng makakain si Mac sa kanyang townhouse at isiniwalat ni Mac na baka sa susunod na mga araw, hindi na makakakain nang maayos ang milyon-milyong Pilipino. Ibig sabihin ay hindi updated si Bernice sa krisis na nararanasan ng bansa.

Sa kasagsagan ng military coup nina Enrile, General Ver at Marcos, nasa loob siya ng kanyang kuwarto at nanonood ng TV.

“Nang gabing iyon, nabuksan niya ang telebisyon. Magagalaw ang mga eksena sa picture
tube. Nakita niya si Marcos, kaharap ang isang grupo ng mga sundalo na waring mga maamong
kordero. May sinasabi si Marcos tungkol sa isang military coup na hindi niya maintindihan.
Narinig niya ang pangalang Gen. Ver, ngunit hindi naman niya kilala ang mukhang iyon.
Lumipat siya sa ibang tsanel.

Si Enrile naman ang bumungad sa kanya. May nakasaklay na baril sa isang balikat nito.
Nagpapaliwanag ito tungkol sa paghiwalay nito kay Marcos. Alam niyang puno ito ng
Ministry of National Defense at nang gabing iyon, nasa loob ito ng isang gusali sa Kampo
Aguinaldo, pinoprotektahan ng mga kapanalig na sundalo at opisyal ng Armed Forces of the
Philippines.

Naglipat-lipat siya sa iba’t ibang tsanel, ngunit sumisingit ang eksena sa Malacanang. Ngayo’y
nakikita niyang nagagalit ang kaharap ni Marcos na si Gen. Ver. Ipinakikita ang gulilat na
reaksiyon ng mga naroroon. Isinara niya ang telebisyon. Nakinig na lamang siya sa stereo.
Inantok siya at isinara din iyon. Natulog na siya. ”

Nagkakagulo na ay kampante at waring bagot na bagot pa si Bernice. Nandoon siya, sa kaligtasan sa loob ng kanyang komportableng kuwarto. Parang hangin lang na dumadaan sa kanyang mukha ang imahen at balita tungkol sa sariling bansa.

Ninuno talaga ni Bernice ang uring middle class noong panahon ng Kastila, mga ayaw makialam. Karamihan nga sa kanila, sarili lamang ang nasa isip.

Saan nga ba sila nagmula at bakit sila ganito ngayon?

Ayon sa History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo, isinilang ang uring ito dahil sa pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila. Nagkaroon ng economic power ang ilang pamilyang Filipino-Spanish at Spanish-Filipino. Ang kalahati ay mayaman sa ari-arian at ang kalahati ay mga intelektuwal (Agoncillo 129-130).

Si Bernice at ang kanyang pamilya ay hybrid nito. Matatandaang mayroon silang ancestral house na naipagbili nang mahal at sila rin ay matataas ang mga pinag-aralan.

Nang panahon ng Kastila, ang mga supling ng pamilya ng middle class ang namuno sa kani-kanilang komunidad maging sa larangan ng pananalapi at edukasyon. Unti-unti nilang pinasok ang mga tanggapan at burukrasya para maging mas impluwensiyal at madagdagan ang seguridad sa kanilang posisyon. Ngunit dahil hindi naman sila purong Kastila, minamata sila ng mga tunay na Kastila. Samantala, ang kapwa nila Pilipino na 100% katutubo ay wala namang tiwala sa kanila. Out of place ang mga middle class pero hindi sila nagpatinag. Pinili nila ang “lesser evil,” at iyon ay ang 100% katutubo. Dito nag-umpisa ang kanilang kooperasyon (Agoncillo 130).

Ayon pa kay Agoncillo, ang middle class ang makulit na nag-request na gawing probinsiya ng Espanya ang Pilipinas. Nauumay na kasi sila sa pang-aabuso ng mga Kastilang opisyal at taong simbahan. Naisip nila na kapag naging probinsiya na ng Espanya ang Pilipinas, magiging Kastila na rin ang lahat ng Pilipino. Samakatuwid, hindi na sila aabusuhin ng mga opisyal at taga-simbahan, hindi na sila sisingilin ng pagkatataas na buwis at higit sa lahat, magkakaroon sila ng boses sa Spanish Cortes. Ito ang hinihiling ng middle class. Samakatuwid, repormista sila, hindi rebolusyonaryo. Ayaw nila ng rebolusyon dahil manganganib ang kanilang ari-arian. Ayaw nila ng rebolusyon dahil matalino sila at natanto nilang kulang ang armas nila at ng masa. Imposible silang manalo sa ganoong sitwasyon (Agoncillo 130-131).

Noon pa man, ang middle class ay nakasentro na sa pagbibigay-proteksiyon sa kanilang ari-arian at posisyon.

Ngunit may isang maliit na grupo ng middle class na sumikat nang lubos nang panahong iyon. Ito ay sina Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Jose Rizal, Antonio Luna, Mariano Ponce, at iba pa. Lahat sila ay nagsipagluwas sa Espanya para mag-aral at naging bahagi ng komunidad ng mga Filipino sa Espanya at naging aktibo sa pag-oorganisa ng kanilang mga sarili para maging epektibong tinig ng Pilipinas. Sila ang nagsulong ng asimilasyon ng Pilipinas (Agoncillo 130-131).

Kaunti lamang sila ngunit naging tanyag sila dahil sa dami ng hakbang na kanilang ginawa. Akala tuloy ng marami, lahat ng middle class ay katulad nilang mag-isip.

Marahil ay hindi descendant ng mga propagandista si Bernice Marasigan. Dahil tulad ng mas nakararaming middle class nang panahon ng Espanyol, kontento at masaya na siya sa loob ng kanyang townhouse, kahit nagkakarambola na ang sambayanan sa mga nagaganap sa politika at sa bansa. Si Bernice, ang inaasikaso lang ay ang pagkakaroon ng lovelife. Nakikipagmabutihan siya kay Mac nang nagaganap ang pagpapataob sa administrasyong Marcos at iniluluklok sa pagkapangulo si Aquino.

Matalino naman si Bernice. Sa exclusive school pa siya nagsekondarya at sa ibang bansa nagtapos ng kolehiyo. Madali rin siyang matuto. Intelektuwal! Nang ipaliwanag ni Mac kung paanong lumitaw dahil sa pagkakapatay kay Senador Benigno Aquino ang mga lihim ngunit pagkabibigat na problema ng bansa gaya ng pagkalugi ng mga industriya na nag-e-export sa ibang bansa at pagkalugi ng mga proyektong inutang lamang ang puhunan sa ibang bansa, agad namang nakapagdugtong si Bernice ng bunga ng mga suliraning nabanggit.

Sayang at hindi niya ginagamit ang talinong ito para talagang makapag-ambag sa progreso ng bayan.

Kapansin-pansin ang eksena kung saan ang kasambahay pang si Deling ang nagbalita sa kanya na may rebolusyon na sa EDSA. Sarado ang pinto ni Bernice at kinakatok pa siya ni Deling.

Napabalikwas siya. narinig niya ang tinig ni Deling. “Ate… ate, rebolusyon na!”

Nagbalabal siya ng robe. Binuksan ang pinto. Hangos na pumasok si Deling sa kuwarto
at histerikal na napabulalas hinggil sa milyon-milyong tao sa EDSA.

Napakahusay na paglalarawan sa stand ng middle class sa mga usapin ng kanyang bansa. Kailangan pa silang pukawin ng masa (kinakatawan ni Deling) sa pagkakatulog at kailangan pang mag-effort ang masa para buksan ng middle class ang kanilang pinto, pandama at buhay sa nangyayari sa kapaligiran. Pansinin din na histerikal si Deling. Ibig sabihin ay transparent ang kanyang malasakit sa mga nangyayari. Ikumpara ito sa aantok-antok na pakiramdam ni Bernice habang nakakasagap ng balita tungkol kina Enrile at General Ver noong gabi bago magkarebolusyon sa EDSA.

“Maaga akong natulog kagabi, Ate. Maaga rin akong nagising. Narinig ko sa radyo
ang kaguluhan sa EDSA. Kagabi pa pala nagdeklara si Enrile ng paghiwalay kay Marcos.
Sinamahan siya ni Fidel Ramos na galing naman sa Crame. Nag-umpisang dumami ang
mga tao sa paligid ng dalawang kampo, karamihan ay dala ni Butch Aquino, ‘yong
kapatid ni Ninoy. Tumugon naman si Cardinal Sin sa panawagan ni Butch Aquino…
protektahan daw ang mga tao sa loob ng Crame at Aguinaldo. Aatekihin daw ng mga
tangke o kaya bobombahin ng mga eroplano. Kung maraming tao roon… hindi
makakasalakay ang puwersa ni Marcos.”

Detalyadong-detalyado ang pagkakakuwento ni Deling. Isa itong magandang paglalarawan na hindi lahat ng masa ay walang iniisip kundi ang malamnan ang tiyan nang makaligtas sa gutom. Marami ang gaya ni Deling na nag-iisip patungkol sa kaligiran at nauunawaan ang mga usapin ng bayan kahit politikal ang kalikasan ng mga ito. Isa rin itong patunay na minsan, ang masa pa ang gumagabay sa middle class na wala ngang alam.

Maaaring nais ipahiwatig ni Efren R. Abueg na mahalagang magtiwala sa masa ang middle class. Alam nito ang nangyayari, hindi paris nila na madalas ay clueless.

Isa pang magandang halimbawa ng pagpapakita ng karunungan ni Deling ay nang bigyan niya ng babala si Bernice hinggil sa relasyon kay Ronnie.

“Hindi ko ito dapat sabihin sa ‘yo, Ate. Naaalangan ako, Ate, kapag dito natutulog
si Attorney. Di pa naman kayo mag-asawa.”

Natawa siya. alam niyang pagmamalasakit ang oryentasyong ibinigay dito ni Aling
Gelay. Isang konserbatibong pananaw sa buhay.

“Mabait siya, Deling… pakakasalan niya ako, sigurado ‘ko.”

“Mabuti, Ate. Kasi… ‘yong napapanood ko sa TV na kapareho ng sitwasyon mo,
laging agrabyado ang babae!”

“Relax ka lang…”

Hindi gusto ni Deling si Ronnie, napansin ni Bernice. Bahagya itong makipag-usap sa
lalaki. Parang walang tiwala.

Ipinakikita rito na nagmamalasakit si Deling kay Bernice. Ang masa ay ganoon din. Ayaw naman nilang napapahamak ang middle class.

Makikita rin dito na bunga ng matinding malasakit na iyon, at sa tulong ng available na mga balita at pangkulturang produkto halimbawa ay ang mga napapanood sa telebisyon, nakakabuo ng mga persepsiyon patungkol sa mga bagay-bagay at personalidad ang masang tulad ni Deling. May sarili siyang pamamaraan sa pagsukat ng tao, bagay, pangyayari at iba pa.

Sinusuportahan ito ng resulta ng pananaliksik ng Hasik (Harnessing Self-reliant Initiatives and Knowledge), isang NGO na pinangungunahan ng asawa ni Prop. Randy David, si Karina David. Noong 1997, nagsagawa ng survey ang Hasik sa maralitang tagalungsod ng Quezon City. At karamihan daw sa maralitang tagalungsod ay nag-aaral, 75% ng kanilang mga anak na nasa gulang para mag-aral ay nagsisipasok sa eskuwelahan at mas gusto ng mga taong ito na manood ng balita at programang pantelebisyon na ukol sa usaping pampubliko at pambansa kaysa mga telenobela at variety show (David, Surveying 91).

Kongklusyon

Iisa ang pulso ng ilan sa mga akdang tulad ng nobelang Isang Babae sa Panahon ng Pagbangon ni Efren R. Abueg, masidhi ang pagbatikos sa patuloy na pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa mga Amerikano at sa mga hakbang na nagiging paborable sa Amerikano para maging mas madali ang pananamantala ng mga ito sa atin.

Sabi nga ni Mac, ang aktibistang naging nobyo ni Bernice, “kailanman, kahit mula pa 1946, hindi na tayo naging tutuong malaya!”
At marahil ay hindi nasasalamin ng nakasulat nating kasaysayan ang bagay na ito. Kasi paulit-ulit nating nagagawa ang ating pagkakamali.
Sang-ayon ako sa manunulat ng historical fiction na si James Alexander Thom nang sabihin niyang “Most historical accounts were written by fallible scholars, using incomplete or biased resource materials; written through the scholars own conscious or unconscious predilections; published by textbook or printing companies that have a stake in maintaining a certain set of beliefs; subtly influenced by entities of government and society – national administrations, state education departments, local school boards, etc. –that also wish to maintain certain set of beliefs. To be blunt about it, much of the history of many countries and states is based in delusion, propaganda, misinformation and omission (Thom 12).
Ang bulto ng ating kasaysayan ay palihim na nagsisilbi sa mapanamantalang uri kaya ang mga manunulat na tulad ni ERA ay gumawa ng malikhaing paraan upang maisiwalat ang mga sosyo-politikal na relasyon sa likod ng pagkakasadlak natin sa ating kalagayan ngayon. Isinilang niya ang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon.

Nais niyang makatulong na mamulat ang lahat lalo na ang middle class sa papel hinggil sa ginagampanan at posisyon na kinatatayuan nila sa lipunang Filipino. Pinaniniwalaan ni ERA na malaki ang magagawa ng mga ito para sa ikaaangat ng mga nasa mababang antas ng lipunan. Maaaring ituring ang nobela bilang isang manual. Narito ang kanilang mga pinagdadaanan, pati ang kanilang mga dumi sa mukha, ayaw man nilang tingnan ang mga dungis na ito nang harap-harapan. Sinasalamin din ng nobela ang kanilang mga pinahahalagahan. Narito ang kanilang mga pangarap. Ang pinakaimportante sa lahat, tangan ng nobelang ito ang ilang mungkahi (malinaw ang step by step procedure!) kung paanong mapapaganda ang kalagayan ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng uring middle class.

Noon at kahit sa mga pinakahuling pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas, makikitang malaki ang papel ng middle class. Sila kasi ang puwersang makakapag-organisa at makakapagpagalaw sa masa. Ayon sa pag-aaral ni Pia Bennagen Raquedan, “the masses, in most instances, do not organize on their own, so social movements play an important role not only in getting the people together behind a common cause but also in sustaining a sense of ‘activism’ among those whose support they harness (Raquedan 55).”

Kaya nagtagumpay ang People Power Revolution noong 1986 ay dahil sa aktibong partisipasyon ng middle class. Ayon pa sa ulat ni Raquedan na pinamagatang If Things are So Bad, Why Aren’t People Out in the Streets, eleven percent ng Class ABC na respondent sa isang survey hinggil sa antas ng partisipasyon sa EDSA Revolution ang nakilahok dito kumpara sa 2% ng Class E at 4% ng Class D (Raquedan 52).

Isa pang survey ang isinagawa noong Marso 2001, dalawang buwan pagkatapos mailuklok si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa puwesto. Ang mga respondent mula sa Class ABC ay 100% na nakilahok sa EDSA II (ang rali sa likod ng pagpapatalsik kay Pangulong Joseph Estrada). Samantala, 47% lamang ang mula sa Class D at 23% naman ang sa Class E (Raquedan 52).

Marami talaga ang magagawa ng middle class.

Hindi nangangako ang nobela ng maalwang Pilipinas para sa middle class kung ito ay tuluyan nang makikisangkot sa nangyayari sa paligid. Sang-ayon sa sinabi ng kolumnistang si Norman Solomon noong 1976, “turning a blind eye to ugly aspects of the past can be a bad habit that carries over into the present (Thom 15).” Tulad ni Bernice Marasigan sa pagwawakas ng nobela, ang middle class, kung panghahawakan, tatanggapin at isasapuso ang lahat ng pinagdaanan nito, madilim man, marangya, maganda o masagwa, unti-unti siyang matututo, unti-unti ay malalaman niya kung saan dapat itapak ang mga susunod na hakbang at kung sino ang mga dapat pagkatiwalaan, ang dapat mahalin, ang dapat tulungan, hindi lang para sa sarili kundi lalong lalo na, para sa buong bayan.

Sanggunian

Aklat

Abueg, Efren R. Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon. Manila: De La Salle University Press, Inc., 1998.

Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People. Manila: G.P. Press, 1990.

Antillon, Loline M. “Kabalintunaan: Pangunahing Paksa ng Buhay at Sining sa mga Piling Kuwento ni Efren R. Abueg.” Panunuring Pampanitikan: Mga Nagwagi sa Gawad Surian sa Sanaysay. Maynila: Surian ng Wikang Pambansa, 1984, 137-151.

Baquiran, Romulo P. Jr. “Sa Mga Paraiso ng mga Katha ni Efren R. Abueg.” Likhaan IV The Journal of Contemporary Philippine Literature, Quezon City: UP Press at UP ICW, 2010, 139-174.

David, Randolf S. “Understanding Poverty.” Nation, Self and Citizenship An Invitation to Philippine Sociology. Pasig City: Anvil Publishing, 2002, 99-101.
______________ “Surveying Squatters.” Nation, Self and Citizenship An Invitation to Philippine Sociology. Pasig City: Anvil Publishing, 2002, 90-92.

Diokno, Ma. Serena I. Up From the Ashes Volume VIII Kasaysayan The Story of the Filipino People. Manila: Asia Publishing Company Limited, 1998.

Gamboa-Alcantara, Ruby V. Ed. et al. “Romantisismo, Estilong Pilipino Itinatak sa Nobelang Tagalog.” Nobela: Mga Buod at Pagsusuri. Quezon City: Rex Book Store, 1989, 8-22.

Guerrero, Milagros C. at Schumacher, John N. S.J. Reform and Revolution Volume VI Kasaysayan The Story of the Filipino People. Manila: Asia Publishing Company Limited, 1998.

Lumbera, Bienvenido L. at Lumbera, Cynthia N. “Literature under the Republic (1946-1985).” Philippine Literature A History and Anthology English Edition. Pasig City: Anvil Publishing, 2005, 180-202.

Magno, Alexander R. A Nation Reborn Volume IX Kasaysayan The Story of the Filipino People. Manila: Asia Publishing Company Limited, 1998.

Raquedan, Pia Bennagen. “Politics and the Poor If Things are So Bad, Why Aren’t People Out in the Streets?” Understanding Poverty The poor talk about what it means to be poor. Ed. Paulynn P. Sicam. Makati: Institute for People Power and Development of the Benigno S. Aquino, Jr. Foundation, 2007, 49-60.

Thom, James Alexander. “History: A Distillation of Rumor.” The Art and Craft of Writing Historical Fiction. Ohio: Writer’s Digest Books, 2010, 12-20.


Panayam

Personal na panayam kay Dr. Efren R. Abueg na naganap noong 4 Mayo 2013 sa CAL AVR, ikaapat na palapag, Main Building, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa, Maynila.

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...