Sunday, July 31, 2016

Hinggil sa Librong Toto O. ni Maine Lasar

Noong una, sabi ko, ano 'to? Ordinaryo lang ang mga tauhan. Ordinaryo ang panahon at lunan. Ordinaryo ang mga eksena. Ordinaryo ang wika. Ordinaryo din ang pagkakalahad ng kuwento.

Uso pa ba ito? Makaka-compete ba ito sa mga babasahin ngayon na para bang ang tanging layon ay gutay-gutayin ang pandama ng mga tao?

Sa gitna ng nobela, saka ko napagtanto na ang lahat ay teknik pala ng manunulat. Iyon ang kanyang secret at super power. Ang ordinaryo. Mahusay na ipinakita ng manunulat na isang uri din ng pagtitimpi ang pagiging ordinaryo.

Dahil dito, naging kayanig-yanig ang mensahe ng Toto O. pagsalpok nito sa mukha ng tulad kong mambabasang Filipino.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...