Wednesday, December 31, 2014

Mula sa book advocate na si Orly Agawin

Four Years with Flips Flipping Pages (part 1)

by Orly Agawin

Mantakin n’yo? Apat na taon na pala akong miembro ng Flips Flipping Pages! Dati rati, magisa lang ako kung magbasa. Ngayon, maingay na ang mga pagbabasa. May mga ka-inteact na ako. Hindi na malungkot. Kapag napangitan sa binasa, may madudulugan ng reklamo. Kapag maganda naman, may makakasama sa celebration. Kapag ok-ok lang, meron akong nakakasama sa kapihan.

September 2010 noong una akong naimbita na at nagka-schedule para um-attend ng book dicussion. Si Peter kasi ang moderator, kaya medyo nabawasan ang dyahe ko. Late pa kong dumating noon dahil sa Saturday dance class ko, kaya nasa labas ako ng big table nina Peter. Pero OK lang naman daw, sabi ni Peter. Observe-observe lang daw muna ako. I don’t need to participate kung ayaw ko. Basta tingnan ko lang daw kung magugustuhan kong sumali. Wala namang bayad. Walang membership fees. “Basta pumunta ka lang,” sabi nya. No strings attached. If you could read the book before the discussion, the better. No pressure.

WOMAN IN BLACK ni Shirley Jackson ang book of the month noon. Hindi ko na naabutan ang introductions ni Peter, pero nakaabot naman ako sa actual discussion.

Siempre, hindi naman porke bago ako, e hindi na ko mag-pa-participate, ano? Nabasa ko naman ung libro (which was the first book I read in e-format). Epal na kung epal. Bakit ba?

Flips Flipping Pages came to me at a time when I needed a new diversion. Noong mga panahon na yun kasi, I got into a depression that lasted for more than a year. Ayoko nang magtrabaho at magbasa at makipagusap at mabuhay. Kung sinusundan ninyo ang mga kwento ko dito, alam nyo ang sinasabi ko.

From then on, nagsimula akong magkaroon ng bagong diversion. Bagong mga kaibigan din. Ok silang lahat. Walang tapon.

Yes, payat pa ako noon. At mataba pa si Peter. Makikilala ako ng mga kapwa ko Flippers na katulad ng bola ang patalbog-talbog kong timbang through the years. At nagbayad ako sa mga panlalait ko sa timbang ni Peter noon.

Eventually, nakapag-volunteer akong mag-moderate ng discussion. Unang librong minoderate ko ay ang unang Anthology ni Bebang Siy. Yes, ang IT’S A MENS WORLD.

Nagpauso pa ako ng T-shirt Project. Pinapili ko ang mga miembro ng pinaka-bet nilang salita o phrase sa koleksyon ng mga kwento ni Bebang. Tapos gumawa kami ni Shani ng T-shirt design. Tapos pina-print namin. Tapos, yung mga shirts na yun ang pwede lang isuot sa mismong discussion. Ang hindi naka-T-shirt, pangit. O walang lovelife. O pagtsi-tsimisang klosetang-bakla, o lipstick-lesbian.

Ang pinili kong salita ay, Nyemas (para sa puñeta). Glitter-glitteran ang prints ko. Siempre, ako moderator e. Bakit ba? Ginamit ni Bebang ang salitang ito sa isa sa mga kwento nya noong nainis siya sa isang situasyong hindi niya kayang lusutan.

Yung ibang mga Flippers naman, kanya-kanya. May Chicklet (sikat na chewing gum noong 80s), Madugo, Tagos, Regla (usapang coming-of-age kasi ito ng babae, e), Kilig (sa first crush ni Bevs), Award (minsang ginamit ni Peter sa pagtatapos ng kanyang speech bago i-abot ang Reader’s Choice Award kay Bebang para sa IT’S A MENS WORLD), First Crush at marami pa.

At dahil naging malapit sa book club namin si Bebang, napaunlakan niya kami. Pumunta siya sa discussion. Kinabahan ako noong una. Hindi ako sangayon sa pagpunta ng awtor sa mga discussions ng libro nila. Mataas kasi ang pagtingin ko sa prinsipyong Reader’s Response. Mas mataas kaysa sa mismong awtor. Pa’no na magiging malawak ang talakayan kung naroon ang gumawa? E, pa’no kung meron may ayaw ng gawa n’ya? Pa’no kapag kailangan na naming bigyan ng kanya-kanyang ratings ang libro? Hindi man nakakahiya, hindi malabong mag-alangan. Parang nakatungtong ka sa numero. Nababawasan ang academic freedom.

Pero nagulat ako noong sinabi sa akin ni Bebang na gusto n’yang pumunta. Kung OK lang ba? “Hayaan mo, Orly.” Sabi n’ya sa akin noong ininterbyu ko siya ilang araw bago ang discussion. “Doon lang ako sa isang sulok. Promise, hindi ako magsasalita. Makikinig lang ako.”

Aba! Talagang hindi kumibo ni isang beses ang lola n’yo! Nakinig lang siya. ‘Ni hindi siya tumayo o nag-CR. Parang hiyang hiya pa siya. Considering na lahat ng mga nag-attend noon ay natuwa at naaliw sa libro n’ya. Mas tumaas ang respeto ko kay Bevs noon. Totoong nasusukat ang halaga ng gawa, hindi dahil sa kung sino ang nagsulat, kundi dahil sa kung papano ito tinatanggap ng mga mambabasa.

Tapos may mga actual readings kami. I randomly picked ten members to do interpretative readings of their most favorite stories from the book. Excerpts lang naman. Doon ko napatunayan kung gaanong ka-competitive ng mga Flippers. It actually became the highlight of the discussion.

Matapos ang discussion, binigyan siya ni Mother Flipper Gege ng boquet at ilang mga items na binanggit niya sa libro.

Hindi ko na ma-remember kung bakit sobra ang hagikhik ni Bebang dito. Lagi naman siyang ganun e.

Sa unti-unting pagkilala ko kay Bebang, nalaman kong pareho pala ang High School alma mater namin. Dalawang taon lang ang pagitan namin, kaya nagka-abot kami noon sa PCU-UHSM. Pero hindi ko siya nakilala noon. Siguro dahil matangkad ako at maliit siya. Maitim ako at maputi siya. Sa lowest section ako, at sa Cream Section siya. Pero naging favorite adviser niya ang favorite literature teacher ko noong High School, si Ma’am Espie. When we learned about it, mas naging matatag ang pagkakaibigan namin.

At dahil malawak na ang naabot ng technology natin ngayon, the least we can do is let her know how she has changed us wonderfully. Bebang, into an award-winning author, and me into an active reader.

Bebang Siy’s IT’S A MENS WORLD is an anthology of stories written by a Filipina-Chinese author that tackles the issues of growing up, falling in love, and finding one’s identity in a family and a society torn between judging and embracing womanhood. It won the READER’S CHOICE AWARD in 2012. Ngayon, marami nang mga lumabas ng libro si Bebang, ITS RAINING MENS, MARNE MARINO, at NUNO SA PUSO parts 1 and 2, but if you want to get a feel of how Bebang writes about her struggles and how she fights for her own identity, magandang simulan ang inyong Bebang (s)experience sa librong ito.

Siempre, may group photo kaming lahat with the author after the event.

Una pa lang yan. May sumunod pa akong discussion na ako rin ang nag-moderate. Abangan bukas.

Masyado na itong mahaba! To be continued.

P.S. Thank you, Rhett for the wonderful photos. Hanggang ngayon nakikita pa rin namin the fun that we had. I love you! Nanay and I are continually praying for you and your mom!





Ni-repost nang may permiso mula kay G. Agawin. Narito ang orihinal na link:

www.jellicleblog.com/4-years-with-flippers-part-1/

Daghang salamat lagi, Orly, kapatid. Aaat... kailan ang labas ng RTW project?!

Monday, December 29, 2014

Mula sa mambabasa at journalist na si Jord Earving Gadingan

Nabasa Ko Yung Nuno sa Puso

ni Jord Earving Gadingan

Mahal kong mga mambabasa (kung meron man):

Nabasa ko yung Nuno sa Puso. Kambal na aklat ni Bebang Siy mula sa mga advice columns niya sa Responde Cavite. Tungkol ito sa mga problema sa pag-ibig, relasyon, at praktikal na buhay. Dalawa ito (kambal nga e), isang kahel at isang asul ang pabalat. Kung personal mo 'kong kilala, malamang ito sabihin mo: "Si Dyord? Dapat binabasa n'yan hindi "Nuno sa Puso" kundi "Nuno sa Pusong Bato". Say what you want pero binasa ko talaga ito.

"Gawin mong light", ang gaan ng pabalat ng aklat na guhit ni Sean (anak ni Bebang) at cover design ni Poy (asawa ni Bebang). Gaya ng dapat pagsalubong at pagtingin natin sa mga problema sa buhay, kailangan magaan at may kulit.

Hindi ako mahilig sa mga advice columns dahil mukha namang obvious ang sagot sa mga problema noong senders. Hindi ko nga alam kung totoo ba yung mga letter senders. Pero mahalaga ang ganitong babasahin, sa dahilang: Una, kung totoong nag-eexist yung sender, nagkakaroon siya ng avenue para ilabas ang kanyang mga kabigatan sa life lalo na kung wala siyang mapag-kwentuhan. Kapag inipon kasi ito ng inipon, baka sumabog na lang siya one day. Pangalawa, kahit na minsan may desisyon na yung sender sa gagawin niya, nagkakaroon siya ng oras magtimbang-timbang at mag-consider ng mga mas mainam na sagot sa problema niya. Pangatlo, nagkakaroon ng pagsilip ang mga mambabasa sa buhay ng mga tao sa paligid niya at makikita niyang hindi pala isolated case ang problema niya dahil nararanasan din ito ng ibang tao. Kung ang problemang isinasangguni ay hindi pa nararanasan ng mambabasa, magkakaroon siya ng clue kung paano idi-deal ang mga ganitong problema sa hinaharap.

Maganda ang iba't-ibang pag-atake ni Bebang sa mga problema. Hindi siya preachy mag-payo. Bibigyan ka niya ng options na pwede mong subukan. Para ka lang nakikipag-usap sa tropapeeps mo. Ipapakita niya rin sa'yo na hindi siya palaging tama at nasa sa'yo ang huling halakhak kung tama ang desisyon mo.

Isa sa mga paborito ko sa mga isinangguni sa kanya ay 'yung tungkol sa two-timer. Rak na rak ako 'ron katatawa. Napaka-kwela rin ng kanyang mga closing (Ito talaga yung inaabangan ko sa bawat column). Ito ang ilan sa mga paborito ko: Nakalipstick ng itim, Empowering the Prince Charming, Ngumingiti kahit tag-ulan, at Patukso-tukso na lang.

Ang bonus pa rito ay matututo ka ng mga lugar sa Cavite kaya basahin mo na rin!


Ang blogger na walang reader,
Dyord



Ni-repost ito nang may permiso mula kay G. Gadingan. Narito ang orihinal na link:

http://tsa-tsub.blogspot.com/2014/12/nabasa-ko-yung-nuno-sa-puso.html

Daghang salamat, Jord. Kailan uli tayo pupunta sa SLSU?!

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...