Sunday, December 30, 2012

ang magpalaki ng nanay

kumana na naman si tisay.

last year, christmas eve, ginulat ako ng nanay ko. Bandang alas-onse ng gabi, dumating kami sa bahay ng nanay ko sa las pinas, nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay niya. tahimik na tahimik ang loob nito, total opposite sa kaliwa't kanang pagvivideoke at pagpapaputok ng mga kapitbahay namin. mula sa labas, binuksan ko ang bintana ng bahay ni tisay. at nakita ko si iding, naka-fetal position sa upuan sa sala.

ding!

NR, no response.

ding!

NR, no response pa rin.

DING!

naalimpungatan ang pamangkin kong si Iding. nag-angat siya ng mapungay na mukha at nang makilala ako ay agad na binuksan niya ang pinto. pumasok ako bitbit ang lahat ng regalo para sa kanya, sa nanay ko, sa mga kapatid ko't iba pang pamangkin. pumasok din si poy at si ej dala ang iba pa naming gamit.

asan si mami? tanong ko ke iding.

di ko alam, tita, sagot niya. tapos bumalik siya sa upuan at natulog uli.

asan si tisay?

anak ng tisay na patola. wala kaming kaaydi-idea kung asan ang nanay ko samantalang mag-aalas dose na. noche buena na. hindi lang 'yon, walang nakahain sa mesa, ni isang baso ng tubig.

hinintay namin si tisay hanggang 12 pero hindi siya dumating. ginising ko uli si iding at pinagbihis ng pang-alis na damit. kakain na lang kaming apat sa labas. at naglakad na kami sa gitna ng mga putukan sa kalsada ng compound palabas sa may sakayan ng dyip, sa may bamboo organ.

pagkaraan ng ten minutes, nakasakay kami ng dyip papuntang paranaque. sabi ko kung anong madaanan naming kainan, doon na lang kami. kumbaga, wala nang pili-pili. pero i was hoping, at the back of my mind, na sana talaga bukas ang maty's sa may pagkalampas ng san dionisio. tapsilugan yun na 24 hours. matamis ang tapa nila at nakakakilig sa sarap ang sawsawang suka.

pagdaan ng dyip namin sa maty's, sarado pala ito. kaya hindi na kami bumaba. nag-abot kami ng dagdag na bayad hanggang baclaran. kako, siguradong makakakain kami sa baclaran. andaming kainan dun, kabi-kabila.

pero himala nang himala, walang bukas na kainan sa baclaran.

ay! may isa, nag-iisa, bukas 24 oras, walang iba kundi ang chowking, sa may baclaran lrt station side. agad naming pinasok ito at nag-order na kami ng noche buena: mami, siomai, siopao, at value meals na may kanin at ulam. pansin kong napakadumi ng sahig at napakaraming mesang hindi pa nadadaanan ng crew na in charge sa pagba-bus out. siyempre, sino ba naman ang gustong mag-mop at magbasahan nang saktong noche buena time? kaya okey lang 'yon. simbolo naman 'yon ng pagdiriwang ng mga chowking crew sa pagkakasilang kay jesus. i mean, ang magpahinga saglit, kumain nang sabay-sabay, walang ibang iisipin kundi ang mag-happy-happy time.

mga 230 am na kaming nakauwi pagkatapos namin sa chowking. pero wala pa rin si tisay sa bahay pagdating namin.

asan ba siya?

walang makapagsabi.

natulog na lang kami at kinalimutan for the meantime na minsan kaming nagkamagulang.

nagising ako nang marinig na may kumalampag sa gate namin. 4 am na.

aba, si tisay!

san ka galing, ma?

diyan kila glo.

si mami talaga. sugalan yun, e.

hay, sabi niya. pagod na pagod ako. tapos tumalikod na siya sa akin at humiga sa upuang na-vacate ni iding. (pareho silang kasya sa upuang iyon dahil magka-height sila.)

mula nang moment na iyon, ipinangako ko sa sarili, hindi na kami magno-noche buena sa bahay ni tisay. dun na lang kami kina poy, tapos sa umaga ng dec. 25 tsaka na lang kami uuwi kay tisay.

akala ko suwail na talaga akong anak, akala ko kaya ko tong ipinangako ko sa sarili. HINDI PALA. pagdating ng dec. 24, 2012 nag-text ako kay tisay na doon kami magno-noche buena. sa kanya. sa bahay niya. di siya nag-reply baka walang handa. hindi nakapagluto o anuman. me nakahanda na kaming solusyon doon: kami na ang magdadala ng pagkain.

dec 24 ng mga 7 ng gabi, nagliwaliw kami nina poy at ej sa luneta, kumain sa aristocrat pagkatapos. dun na rin kami bumili ng cake at ng mga pagkain para sa noche buena kina tisay. me sinigang na baboy, fish fillet, dalawang order ng chicken barbecue (my favorite!), pansit palabok at chopsuey. yung cake, pinasulatan ko ng dedication: pasko, paksiw, tisay!

pagdating namin sa bahay ni tisay, punong-puno ng teenager ang sala. naglalaro sila sa mga piso net computer na business ni tisay. ang ingay ng kabataan, parang sabungan coliseum ang bahay namin. aba, nagno-noche buena sila sa harap ng mga computer! asan ang mga magulang neto? ba't di sila hinahanap?

doon pa lang, medyo naasiwa na ako, gayumpaman, ayokong ma-bad trip. sayang ang okasyon. krismas naman. masaya kong hinanap si tisay sa mga batang naglalaro sa pisonet.

ayun o.

nakita ko si mami, naka-fetal position sa pinagdikit-dikit na upuan sa may kusina, tulog.

hindi ko na ginising si tisay. mukhang puyat ito sa pagbabantay sa kanyang bagong negosyo.

sinalubong ako ng mga pamangkin ko, si noah at si iding. nakatira sila sa lolo nila sa father side at kaya nasa bahay ni tisay nang gabing iyon ay dahil namamasko sila kay tisay. pinagbantay daw sila ng pisonet para makatulog saglit itong si tisay.

sabi ko sa mga nagpipiso net, 30 minutes na lang kayo ha? kasi kakain sana kami, magno-noche buena, walang magbabantay sa inyo. um-oo naman ang lahat ng batang nagpi-piso net. umakyat na kami sa taas ng bahay para hintaying maubos ang 30 minutes.

after 30 minutes, nagising si tisay. bumaba ako at nakitang nagpapasok pa siya ng mga gustong maglaro sa computer. sabi ko, ma, kain na muna tayo. mamya ka na lang uli magpapasok ng customer.

hindi! sagot niya habang sinesenyasan ang mga teenager na gustong mag-computer.

ma, saglit lang. kakain lang tayo. bumalik na lang sila mamya o bukas.

ano? hindi puwede! sagot niya sa akin.

nakapuwesto na ang tatlong teenager na lalaki sa harap ng mga computer unit.

ano ka ba, ma? di bale sana kung karaniwang araw, e. pasko naman ngayon. kumain na muna tayo. mag-noche buena!

labas na muna kayo. mamya na kayo bumalik! sigaw ko sa mga teenager.

ay naku, beb! hayaan mo sila. ano ka ba? ba't ka nakikialam? alam mong diyan ako kumukuha ng panggastos ko, sa negosyong ito, ba't ka ba nangengelam?

ma naman! saglit ka lang magsasara, kasi kakain tayo, sama-sama.

e di kumain kayo kung gusto ninyo! ba't kelangan isara ang piso net? aber? gawin ninyo ang gusto ninyo! kumain kayo, matulog kayo, ba't kelangan maapektuhan ang piso net? di ko kayo aabalahin. kung gusto ninyo, sa taas pa kayo kumain, e, sagot ni tisay.

sa sobrang inis ko, umakyat ako sa taas. kinausap ko sina ej, iding at poy (naiwan si noah sa baba.) gusto ko nang umalis, ngayon na, sabi ko.

sa'n tayo? tanong ni poy. sa cavite?

mga alas-tres na yun ng madaling araw. kung magca-cavite kami (sa bahay nina poy), mabubulabog ang mga magulang niya, masa-shock pa dahil alanganin ang oras at ang dami naming bitbit na bata. hindi namin maaabisuhan ang parents niya kahit sa text dahil madaling araw na nga. isa pa, wala kaming matutulugan doon.

sa qc na lang tayo. balik kamias, sagot ko.

uuwi rin tayo ng cavite pagkaraan ng ilang oras, paalala ni poy.

oo nga parang magra-round trip kami kung uuwi pa kami ng kamias ngayon tapos tutuloy sa cavite afterwards.

e san tayo?

nang mga puntong ito, bad trip na bad trip pa rin ako sa nanay ko. ano ba 'tong babaeng 'to? inuuna pa ang negosyo kesa pamilya? inuuna pa ang pera kesa sa amin? ba't ba ako nagka-nanay nang ganito? puwede bang magreklamo sa diyos? puwede bang pakibalik na lang ako sa sinapupunan at habambuhay na lang akong walang malay sa ugali ng babaeng ito, na tatawagin kong nanay eventually? e, siya ba talaga ang nanay ko? baka ampon lang ako. okey lang kung ganon, ikatutuwa ko pa. anlayo-layo talaga ng values ng babaeng ito sa values ko, putcha, putcha talaga. pampalubag loob sana kung ibang araw nangyari ang lahat ng 'to, e. tipong hindi december 25.

ang sarap magpasko sa piling ni tisay, walang paulit-ulit na experience, pansin ko lang.

pero bad trip akong lalo sa mga nagco-computer. anlakas pa kamo ng tugtog nila: gangnam style. sakali ngang sundin namin ang payo ni tisay na kumain at matulog that christmas eve, makakatulog kaya kami sa gitna ng tugtog ng mga customer niya?

habang nag-iisip ng escape route para sa aming lima, napa-at home nang kaunti ang likod ko sa kutson ng aming kama. ilang minuto pa, di ko na namalayang nakaidlip na ako. good for me. mabuti raw na nakakaidlip bago magdesisyon ng malalaking bagay. power nap ang tawag dito.

pagdilat ko uli, alas-otso na ng umaga! nakaligo na sina noah, iding at ej. ako na lang ang hinihintay nila. si poy, gising na rin at ready to go na. lahat, gusto nang umalis sa bahay ni tisay.

e, si tisay, asan?

pagbaba ko, andun pa rin siya sa may kusina, tulog, naka-fetal position sa mga upuang pinagdikit-dikit.

naligo ako at nagbihis at nag-ayos ng mga gamit. iniwan namin ang mga regalo para kay mami, sa mga kapatid ko at sa mga pamangkin ko. pinaayos ko rin ang mga pagkain para mas madaling initin pag nagutom si tisay. biglang nagising si mami. o, aalis na kayo?

oo, punta pa kami ng cavite.

o sige, para makapamasko ang mga pamangkin mo. meri krismas na lang. wag mo akong alalahanin dito. maraming nagpupunta rito pag pasko, hindi ako nag-iisa. masaya rito.

hindi ako umimik. panong masaya? e hindi naman niya kaano-ano ang mga "dumadalaw" sa kanya.

kunin mo yung pabango sa taas tsaka mga damit, nakaplastik na. pasalubong sayo yun ni ate my.

nakita ko nga ang mga ito noong nag-aayos kami ng gamit.

akin yun?

oo.

dalhin ko na ngayon, matulin kong sagot. galing din ke ate my iyong pabango sa tokador mo?

oo, bigay niya sa akin. gusto mo 'yon 'no? tanong ni mami.

napangiti ako.

sige, iyo na. pakrismas ko sa yo. hindi naman ako nagpapabango.

kuting ka talaga, sabi ko tapos mabilis akong umakyat. at pagbaba ko, sabi ko, thank you, ma. meri krismas.

oo na, meri krismas kung meri krismas, ang arte mo, beb. alis na nga kayo, marami pang customer na aasikasuhin.








wedding date

ang hirap naman palang pumili nito. e hindi ka puwedeng magplano nang walang petsa.

scrapped na totally ang feb 14, 2014. dahil sa feng shui. di daw maganda ang petsa. at isa pa, dalawa ang four. sa chinese, katunog ng salitang four ang salitang kamatayan.

ang naisip namin, iurong ng 2013 ang petsa. e siyempre, december agad yun dahil ang habang preparation ang kailangan. so dec 2013. at naisip naming maganda ang may number na 8 kaya dec. 28.

kaso yung friend naming si tin, makakasabay namin kapag dec. 28. at saka parang april fools day din daw ang dec. 28. so scrap uli.

ang next kong naisip na petsa: dec. 30. rizal day. siyempre, dahil book ang theme namin, di ba fitting tribute na sa araw ng pinakamahusay na nobelista sa balat ng pilipinas magaganap ang aming kasal?

so dec. 30. hopefully. hindi pa kami nakapagpa-reserve sa church. e meron daw mga simbahan na hindi na nagkakasal after christmas. naku, wag naman sana sa san agustin, ang aming dream church. sana tumatanggap pa rin sila.

lagi kaming naso-short sa pera kasi. di makabuo-buo ng pang-down hahahaha halagang walong libo. ano pa kaya ang pangkasal, 'no? pero may nabuo na kaming plano para maitawid nang matiwasay ang kasal na 'to. so dont worry, folks!

pag nakita n'yo 'ko sa quiapo church, naka-sun glasses, nakatalungko sa bangketa at me lata, alam na.

Saturday, December 29, 2012

2013, HELLo!

noong isang araw ay nagkuwentuhan kami ni mam andrea, cv at ate grace sa may pancake house ortigas, sa ortigas na kasi lilipat ang nbdb at dinalaw namin ang bagong opisina.

nang time na yun ay inis na inis ako sa nanay ko (susulat ako ng separate entry tungkol dito). naikuwento ko kina mam andrea yung mga ginawa niya. tapos tanong sa akin ni mam, ano ang work ng mga kapatid mo?

sabi ko, yung isa po si incha, negosyante sa mindoro. di po yun masyadong matalino pero napaka-streetsmart. very entreprenuerial. nagpapa load po siya sa mindoro. saka po nung unang dating niya doon, pinagkaguluhan siya kasi ang puti puti niya. tanong daw nang tanong sa kanya yung girls doon kung anong ginagamit niyang sabon, e wala naman siyang ginagamit na espesyal na sabon. (miski ang nanay kong tisay ang nickname, walang espesyal na sabon para sa katawan. minsan nga, sabong panlaba pa ang gamit niyan pag nataon na walang-wala, ni pambili ng sabong mabango.) so naisip ni inchang magbenta na lang ng sabon at lotion-lotion. yung sarili niya ang ginawa niyang endorser. si kim ang bumibili sa divisoria at ipinapadala sa mindoro, hati sila sa kita. e talagang andaming bumibili ng sabon at lotion ke incha, andami nilang kita.

yung si kim naman, malas sa trabaho. sa di malamang dahilan ang lagi niyang inaaplayan ay yung entry level: cashier, marketing staff at iba pa. college graduate naman, business admin pa ang course pero iyong mga posisyon na yon ang ina-apply-an niyang lagi. o, ganito kamalas ang batang yan: dalawa na ang nagsarang establishment right after na mapaglingkuran niya o habang naglilingkod pa siya. tipong kaya siya mawawalan ng trabaho e dahil nga magsasara na yung establishment. ang isa ay bing-go na convenience store sa kanto ng kamias at edsa, ang isa naman ay isang japanese restaurant ni leilani enriquez (jowa ni erap) along e. rod. at malapit sa st. lukes. hindi ko naman alam kay kim kung bakit hindi siya nagle-level up kapag nag-a-apply siya ng bagong work samantalang nag-gain na siya ng experience. anyway, nasa vigan si kimkim ngayon. nandoon kasi si erwin at si atom. ngayong december, natanggap daw si kimkim sa puregold vigan at nagsimula na agad na mag-training. office work daw siya this time.

si budang naman, manager ng jollibee sa glorietta. dati siyang manager sa yellow cab kaya lang ang bigat daw nung trabaho dun dahil isa lang ang manager kada shift at kapag uma absent ang kapalit niyang manager, dire diretso ang shift niya. kaya nag-quit na lang siya at lumipat sa jollibee. dun daw kasi ay 7 silang manager kada shift kaya mas magaan daw ang trabaho. (ano raw? di ba kayod bubuyog doon? nahihibang lang ata itong si budang)

si colay naman... wala. nasira talaga buhay nun. di namin alam kung ano ang ginagawa ngayon, kung saan nakatira o kung saan kumakain/nakikikain. pasulpot-sulpot sa bahay ng nanay ko para kumain, makiligo at kumuha ng damit. minsan dala niya si bianca at hihingi ng pera para kay bianca. minsan makikitulog silang dalawa doon. aasarin ang nanay namin. mumura murahin niya si mami. aawayin tapos mapipika naman ito, si mami, na mapagpatol sa katulad ni colay at dahil pareho silang emotionally unstable or aning-aning sa madaling salita, magsisigawan sila at papalayasin si colay. pati si bianca. at aalis naman yung pinapalayas. ganun ang gawain ni colay buong taon, taon-taon.

sabi ni mam after marinig ang mga sagot ko, so ikaw na ang pinaka-financially stable sa inyo?

opo kako. siguro na-shock siya.

a few months ago kasi, nagpaalam ako sa kanya. sabi ko tatapusin ko na lang po ang kontrata ko sa nbdb, till dec. 31 na lang po. nakakapanghinayang, sa totoo lang. ang laki kasi ng suweldo. 27k. net yan! at malapit pa sa bahay namin ang opis. nakakasalamuha ko pa ang mga manunulat at publisher sa trabaho ko.

kaso lang, pagkaraan ng ilang buwan ko sa nbdb, may mga bagay na sa tingin ko ay naiipit dahil sa trabaho ko doon. yung respeto ko sa sarili ko, yung ilang prinsipyo ko, at eventually, yung happiness ko. puwede ka ba namang maging masaya nang tapyas-tapyas ang respeto mo sa sarili at patiwarik ang ilan mong prinsipyo? hindi. hinding-hindi.

at kapag di ka na masaya, kahit milyones pa ang suweldo mo, balewala rin. the best talaga ay umalis, lumipad at dumapo sa bulaklak ng kalachuchi. mabilis akong nag-decide. alam n'yo kung bakit? parang relasyon lang yan. noon, nagtagal ako sa isang relasyon nang halos walong taon. kahit di na ako masaya. dahil...ang dami-dami kong dahilan. pero primarily dahil sa takot. natatakot akong baka di ko kaya. yung sitwasyon na kinasasadlakan ko noon, parang flying house, uprooted at nasa ere. at pakiramdam ko, pag lumabas ako, malalaglag ako. mamamatay ako. e ako lang mag-isa nun. at saka pala si ej. so malalaglag at mamamatay kaming dalawa. ready ba ako? hindi.

kaya naipit ako. yung respeto ko sa sarili ko. saka yung ilan kong prinsipyo. ipit na ipit. sobrang sad ko noon. what to do, what to do? ewan. que sera sera? ewan. kaya tumagal nang halos walong taon. baka nga sumampa pa ng isang dekada kung hindi lang talaga may dumating sa buhay ko na nagpalakas ng loob ko.

si poy.

kaya labs ko yan, e. kasi naging simbolo siya ng hope sa buhay ko that time. sabi ko, susubukan ko lang. try lang. try ko lang na makaalis sa relasyon na to. kasi may poy. kasi paglabas ko ng pinto, kahit napakadilim, kahit wala akong makita, alam ko, may hahawak sa kamay ko, sa kamay namin ni ej. paglabas ng pinto, bubulusok kami from langit to lupa in one second siguro. basag-bungo in one second. pero at least me hahawak sa kamay ko, namin, for a second, at least may comfort.

nilakasan ko loob ko. nakipag-break ako. finally. after almost 8 years!

siyempre iyak ako. iyak siya, si ex. sa sobrang iyak namin, nagduda ako kung tama ba yung gagawin ko. gulo-gulo rin ang isip ni ej. almost 8 years yun. almost 8 years naming mag-ina yun. pagulong-gulong ang mga alaala sa ulo ko. pagulong-gulong din ang mga luha ko. pero tumuloy ako. im sorry, im sorry, kako kay ex, but i just have to do this.

binuksan ko ang pinto saka ako pumikit. bumulusok na kung bumulusok.

paglabas na paglabas ko ng pinto, tangina, me maaapakan naman palang lupa. hindi pala uprooted ang bahay. wala pala sa ere! pagmulat ko, andun si poy. walang dalang parachute o lobo o isang bote ng helium o kahit man lang plastic balloon. wala. pero andun ang mga kapamilya't kaibigan ko, nakangiti, masaya para sa akin. e kaya ko palang lumabas. kaya naman pala namin ni ej. bat ba pinatagal ko pa nang halos walong taon? bakit? anong meron? takot?

kaya nang maramdaman ko ulit ang pagkaipit ng respeto sa sarili at ilang prinsipyo dahil lang sa trabaho, agad akong nag-decide. ang kaligayahan at kapanatagan, hindi pinakakawalan. dapat lagi kang on the go para habulin ang mga 'yan. lalabas uli ako ng pinto kung kinakailangan.

nagpaalam ako kahit di ko alam kung saan ko kukunin ang 27k buwan-buwan na mawawala sa akin. madilim uli sa labas ng bahay, tanaw na tanaw ko, pero di ako natatakot. nagawa ko na 'to noon, magagawa ko uli ngayon. at di na kelangan pang patagalin, utang na loob. six months ang contract ko sa nbdb, (parang service crew sa jollibee i know, pero renewable naman yun, kaya lang pag di ako nagustuhan after 6 months, eventually, tatanggalin din ako. sad.) pero hanggang diyan na lang 'yan.

nang magpaalam ako, tinanong ako ni mam kung ano ang balak ko. sabi ko, gusto ko pong mag-aral. tatapusin ko na ang masters ko. totoo naman. sampung taon ko na itong binubuno ay nako. overstaying na. baka madeport na nang tuluyan.

yun lang ang tinanong niya. anyway, so paano nga yung pera, yung source of income di ba? ang totoo, hindi ko alam. wala akong plano. ito yung darkness sa labas ng bahay. pero may munti akong parachute this time, sakali ngang uprooted naman pala itong kinasadlakan kong bahay. may konti akong savings. ang naiisip ko, ito ang gagamitin namin habang tinatapos ko ang pag-aaral ko, plus raket-raket, pantawid-gutom din ang mga yon.

kaya financially stable? hindi a. baka nga mas financially stable pa si incha. maraming pera yun dahil mas magaling siyang mag ipon.

ngayong 2013, i am expecting magiging crunch time ito para sa amin nina poy at ej. ikakasal pa naman kami ni poy. hay. iba na kasi ang hell ngayon. mobile na, tipong ikaw ang dadalawin. o, e, ano naman? para hell lang, hello? i've been there, anyway.

kaya hoy, 2013, hell ka man o ano, walang natatakot sayo dito, oy. bring it on, keep your fire burning.

Thursday, December 27, 2012

isang araw, sa cubao

niyaya kong maglakad-lakad si poy sa cubao, isang umaga ng linggo. heto ang aming nakita:



halina't mamasyal sa cubao!

Copyright ng photos: Ronald Verzo.



Tuesday, November 27, 2012

Assignment

Merong project sa office ngayon na palagay ko ay napakaganda.

Gagawa kami ng writing journal kung saan naka-feature ang mga quote mula sa iba't ibang literary works. ang theme ay erotika. si cv ang head ng project. naghati kami sa quotes. tig 50 kami. sa kanya, english, sa akin, filipino.

yan ang assignment ko.

dahil saksakan ako ng hambog at akala ko e ang dali-dali ng assignment na ito, nag-suggest pa ako ng mas specific na qualification ng quotes. sabi ko, mula sa 50 na yun, dapat ang 25 ang contemporary, 10 ang klasiks, 5 ang mula sa luzon, 5 ang mula sa visayas at 5 sa mindanao.

naisip ko kasi, dapat kahit paano me representative ang iba't ibang sector. para mas alive ang journal. sa pagkakalap ko, hindi lang regions at panahon ang pinagbatayan ko, isinama ko na ang genre, kaya hindi lang tula at prosa ang makikita sa journal na ito. meron ding dula, screenplay at iba pa. pinagbatayan ko rin ang gender. me gawa ng lalaki, babae at bakla. naghahanap pa ako ng lesbian naman. 11 quotes na lang ang kulang ko. napakarami at napakadali ng contemporary siyempre. medyo mahirap ang sa klasiks. kasi kelangan kong magbasa nang pagkatagal-tagal bago ko matukoy ang mga erotikong linya ng akda. nakahanap ako ng mula sa luzon at visayas.

pero walang mindanao.

puro ingles ang akda mula sa mindanao. meron mang nakasulat sa orihinal na wika ay nakasalin naman sa Ingles. May ilan akong nakita mula sa mga antolohiya, text book at sa aklat ng kritisismo, pero pulos akdang pambata ang mga ito. either lullaby o bugtong na wholesome. at take note, iilan lang ang mga ito.

ngayon ko lang na-realize, napakakonti ng mga akda mula sa mindanao na nasusulat sa wikang Filipino. Kahit ngayon. kahit ngayong modern na ang panahon.

nananawagan ako sa mga taga-mindanao at sa mga gumagawa ng aklat ukol sa mindanao, sana ay isulat ninyo ang kultura ng islang ito sa sarili ninyong wika at sa wikang Filipino. malaon nang namayagpag ang wikang Ingles sa pagsasalaysay ng kulturang Mindanao. its about time para isulat naman ito sa sarili nating wika.

hindi ako hater ng Ingles. nagbabasa ako ng mga akda sa wikang Ingles. marami akong aklat sa wikang ingles. ang akin lang, kung marami na iyong nasa wikang Ingles, baka puwede ring paramihin din ang nasa wikang filipino. para balance lang ba.

ano sa tingin ninyo?

Panalangin in a flash

Nakalagay sa program, ikaw ang mag-i-invocation.

Ako?

Ay, oo nga! Nabanggit sa akin ito ni CV a few days ago. Pero nawala sa isip ko. Mag-uumpisa na ang programa in a few minutes. Kumuha ako ng papel at ballpen. Nagdasal ako na sana matapos ko ang dasal bago magsimula ang event. Pero wa epek. Walang lumalabas sa akin. Panic-panic na ako, shengks. Ba't naman kasi nalimutan ko ito? Baka pautal-utal ako sa stage kapag wala akong babasahing prayer. Kelangan me babasahin ako.

Makikinig pa naman si Sir Rio! Si Mam Karina! Si Mam Neni, ang chair namin! At si Mam Andrea!

God, God, anong sasabihin ko sa Inyo?

May bumulong sa akin. Sabihin mo kung ano ang gusto mong mangyari sa umagang ito. Iyon lang, iyon lang.

Tama!

Pumikit ako at huminga nang malalim. Heto ang naisulat ko:

Tayo pong manalangin. Panginoon, marami pong salamat sa napakaganda at payapang umaga. Narito po kaming lahat umaasa sa Inyong patnubay upang maging lubos na produktibo ang aming maghapon. Hinihiling namin sa Inyo ang tuloy-tuloy na pagbukas ng aming isipan at ang tuloy-tuloy na pagtanggap ng bawat isa sa karunungang mula sa aming mga tagapagsalita at sa kapwa namin kalahok sa kumperensiya. Nawa po ay pagpalain Ninyo ang aming mga gawain lalo na iyong may kaugnayan sa pagtataguyod ng pagmamahal sa sariling mga aklat at sa sariling kultura. Alay po namin sa Inyo ang tagumpay ng araw na ito.

Amen.

Monday, November 19, 2012

Mula kay Dr. Elena Cutiongco

Hi! Isang padyak ng paa kasabay ng dagundong na sigaw ng ANG GANDA!!!!!!!!!!

ang ipinaabot ko sa yo pagkatapos kong mabasa nang halos walang puknat pati ang mga huling pahina ng barangay na pinasasalamatan mo. Wala naman akong kilala doon kundi sa Karina Bolasco.

Para ko nang nakinikinita ang dami ng bisita mo sa oras na pumayag si Ronald na iharap mo siya sa dambana. Parang nakasakay sa roller coaster ang puso ko habang binabasa ang maganda mong aklat- medyo naiiyak sa lungkot, nahihinayang, natatawa, natatakot, humahalakhak, ngumingiti, nagagalit, humahanga, nagmumura, narririmarim, naiinggit, nagmumura, nagugulat, etc. etc. Paano mo nagawa iyon?

Saludo ako sa mga birada mo at ito naipasya ko sa huli- di ko na aambisyuning makasulat- di ko pala kaya. Sa susunod nating pagkikita, lalgyan mo na ng dedcation ang aking kopya- mahal din ito ha- Pp195.00!

Humahanga,
Ma'am Ellen

Inilathala rito nang may permit ni Mam Cutiongco. Maraming salamat, Mam Ellen!

Sunday, November 18, 2012

Winner!



Hindi nanalo ang mens sa 31st National Book Awards.

Malungkot ako siyempre kasi sabi ng apog ko, mananalo ako.

Anyway, masaya pa rin ako kasi sobrang pagmamahal naman yung naramdaman ko last night. Dumating ang nanay ko. Kahit mag-isa lang siya. Bihira lumakad yun nang mag-isa at hindi siya sanay sa sosyalan na katulad ng event kagabi. Isa pa, hindi na yun lumalabas ng bahay namin dahil sa pagbabantay niya sa negosyo niyang piso net. kaya himalang sumulpot siya kagabi sa awarding ceremony namin. at nag-stay siya mula umpisang-umpisa hanggang matapos kahit wala siyang kausap buong gabi at anlakas ng aircon sa kinauupuan niya (lamigin ang nanay ko).

Paroo't parito ako sa buong Old Senate Session Hall ng National Museum, nag-a-assist sa staff ng NBDB. Si Poy ay nagpi-picture. si ej? kumakain. kumakain nang kumakain nang kumakain. uwian na noong makita ko uli ang nanay ko. Sabi ko, Ma, thank you ha, pero sayang no? hindi ako nanalo. sabi niya, tanga ka, ang tatanda na ng nananalo, hindi mo napansin? ibig sabihin, marami ka pang bigas na kakainin. oo nga naman! kaya kahit paano napanatag ako.(pero mahirap yatang kumain ng bigas? sobrang crunchy?)

si poy at ej naman ay sinurprise ako.

noong nov. 16 ng gabi after ng last day ng read lit district, nag-fashion show ako sa harap ng dalawa: ej at poy. sila ang aking stylist. sila ang nagsabi kung itataas ko ba ang buhok ko o ilulugay. sila ang sumigaw ng wag! wag! nang sabihin kong ipapares ko sa long gown ko ang tsinelas na paborito ko. kasi kako hindi naman makikita kapag naglakad ako. kasi nga long gown ang suot ko. sila rin ang nag-apruba na ang gold na sapatos na lang ang isuot ko. 3 inches lang ang heels. kayang-kaya.

sila rin ang tumango dahil bagay ang hikaw ko sa damit: cascading na pearls. sila rin ang umiling dahil di bagay ang pearl kong kuwintas. dapat simple ang hikaw mo kung ganyan ang kuwintas mo, sabi ni poy. dapat mag-pulseras ka na lang at wag nang magkuwintas kung ganyan ang hikaw mo, sabi naman ni ej. o sige, sige. kaya napagkasunduan naming gagawin na lang na pulseras ang pearl kong kuwintas.

ayan, all set na ako. inihanda ko na ang lahat para sa 31st NBA. nakatulog kami sa sobrang pagod. ako pa lang ang binibihisan sa lagay na yun.

kinabukasan, nagpunta si Ej sa MTAP nila. si poy, nag edit ng video sa media monster. ako, nasa bahay lang at nagbabasa ng mga akda ng kaklase at ng dalawang manunulat na kahenerasyon ko. na-cancel ang aming klase at ito ang assignment ng aking teacher.

pagdating ni ej, pinapunta ko na siya sa cubao. kasi don sila mamimili ni poy ng damit nila. ako ay didiretso na sa national museum dala ang lahat ng isusuot ko. nakapagshopping nga ang dalawa at nakarating naman ako sa venue. after 1 hour ng pag-iikot at pagsalu-salubong sa mga taong dumarating sa session hall, nagpasya na akong magbihis sa CR. andun pala ang nanay ko at doon tumatambay dahil malamig sa may session hall.

tinulungan niya akong magbihis at mag-make up. tapos nakipag piktyuran kami kay Jullie Yap Daza na idol ko sa humor writing at kaklase pala ng isa kong auntie noong college days nila. Jullie Yap was very very accommodating and humble. at saka masaya ang aura niya. Idol.

paglabas namin ni mami, dinala ko siya sa front part ng venue. yung malapit sa stage para mas maginhawa ang panonood niya. tapos umikot-ikot na ako para mag-usher. biglang dumating sina ej at poy. naka tshirt lang si poy. sabi ko mag bihis ka na. si ej naka japorms, parang coat na modern at naka long sleeves siyang polo sa loob. pero naka rubber shoes! hahahaha d bale bagay naman at ang pogi pa rin niya.



lumarga na sa CR si poy. si ej naman e hinatak ako sa CR. pinagpapalit niya ako ng sapatos. binilhan pala nila ako ng bagong sapatos!



ayaw na ayaw ko sa lahat ang binibilhan ng sapin sa paa. kasi weird ang size ng paa ko. alanganing 8 at 9. kasinlaki kasi ng buto ng santol ang buto ko sa paa kaya anlapad lapad niya. kahit 8 lang ang size ko, nagiging 9 para makahinga pa ang santol seed. sabi ni ej, yon na daw dala niyang sapatos ang isuot ko. sabi ko ayoko, ok na ako sa suot kong gold na high heels. biglang dumating si poy. isuot mo na yan, 8.5 ang size niyan. siguradong komportable ka diyan saka mas bagay sa suot mo.

hindi, hindi, sabi ko.

i-try mo lang, usig ng dalawa.

hindi, sabi ko.

sukat mo lang.

sinukat ko na nga at antagal na namin sa entrada ng CR.

pagsuot ko, mas bagay nga. at pwedeng pwede ko na itaas nang bongga ang long gown ko kapag naglalakad ako. paglabas ko uli, may inabot sa akin si ej, eto pa, isuot mo. dalawang bangles na gawa sa parang capis. napakaganda at mukhang mahal. yung naka-display sa Kultura shop ng SM. naiinis ako na natutuwa. maganda kasi, bagay na bagay sa akin. pero ang iniisip ko ay gumastos pa sila para lang dito. in-unlock ni ej ang pulseras kong pearl para hindi hahara-hara sa bago nilang bili na bangles.

maya-maya naman ay may inilabas si Poy: isang kuwintas na cascading or drop ata iyon. pearl din. napakaganda. naiinis na naman ako na natutuwa. maganda kasi, bagay na bagay na naman sa akin. pero ang iniisip ko ay gumastos pa talaga sila para lang dito. hay. isinuot ko na ang kuwintas. sabi ko, pano yan, hindi bagay. kasi cascading na ang hikaw ko, e. parang OA na kung cascading pa ang kuwintas. hinubad ko ang hikaw ko at sabi ko ke ej, kung pearls ang hikaw ni mami, hiramin mo. eto muna ang isuot niya. pagbalik ni ej, dala-dala niya ang hikaw ng nanay ko: pearl earrings na kasinlaki ng mata ng isda. isinuot ko na agad ito. total package!

gandang-gana sa akin si poy at si ej. picture kami nang picture. maya-maya pa, picture-picture na rin ako with friends na mga nominees din.




di namin alam ang magaganap buong gabi!

magkatabi kami ni poy nang ina-announce na ang para sa category ng mens.

grabe ang kaba ko at parang pila sa MRT ang mga tanong sa isip ko:




1. anong gagawin ko kapag mens ang tinawag?

2. tatakbo ba ako pa-stage? (nasa dulo kami ng venue, malapit na sa exit, andun kasi ang staff ng nbdb) kung lalakad lang kasi ako ay ang tagal naman.

3. anong sasabihin ko kapag nanalo ako at kailangan nang mag-thank you sa mikropono? si mami, poy at ej lang ba ang pasasalamatan ko? pati ba si sir rio, na isa sa mga judge sa category ko, babanggitin ko? hindi ba unethical yun? baka isipin nila kaya lang ako nanalo e dahil andun si sir rio? e si sir vim kaya, pasasalamatan ko rin? wala siya that night asa thailand pero isa rin siya sa mga judge ng category ko. at siya ang teacher ko sa subject kung saan isinubmit ko ang koleksiyon ng mens bilang requirement. unethical yatang banggitin ko na teacher ko siya dahil judge nga siya. pasasalamatan ko ba ang anvil? ang nbdb? hindi kaya isipin ng mga tao na nanalo ako dahil lang sa taga nbdb ako?

4. paano ako tatayo sa harap, sa may stage? magdadala ba ako ng pantabing like book ko or souvenir program? kasi wala akong bra, me nipple tape naman akong itinapal sa dalawang munting mamamayan sa dede ko pero dahil sa lamig ay naka-standing ovation sila, que horror. tsaka isa pa, dahil wala akong bra, lawlaw ang dede ko, bakat sa damit for all to see.

5. bat ba ito pang damit na to ang isinuot ko? hindi ko ba nahalata kagabi na lawlaw ang dede ko sa damit na to? antagal ko pa naman sa salamin, paroo't parito, harap, likod, tayo, upo, tuwad. lahat talaga ng anggulo. dala-dalawa pa ang ilaw namin sa sala at kusina. pero nge, hindi ko napansing lawlaw ang maliliit na bombilya?

6. kung manalo ako, pa'no namin iuuwi ang trophy na saksakan ng laki at bigat? wala kaming extrang bag. ipapatong na lang namin sa upuan at ibayad ng extra sa dyip? kung magta-taxi naman, may extra ba kaming pera, pan-taxi? baka naubos na pera namin kasa- shopping ng dalawang stylist ko. teka, nasasanla ba ang cascading kuwintas na pearl? may bukas bang pawnshop sa gabi?

7. paaakyatin ko ba sa stage ang nanay ko at yung dalawang glamour boys? di kaya pagalitan ako? kasi dapat ata winners lang ang umaakyat, pwera kamag-anak please?

8. pano naman pag ibang aklat ang tinawag? iiyak ba ako? tatakbo habang humahagulgol? mag-aaklas ba ako? magpoprotesta?

9. bat ba kasi nagpunta-punta pa ako sa awards night na to?

10. sino-sino nga uli ang mga kalaban ng mens?

sinigawan ko si manix na nasa kabilang sige ng venue. manix! ako na, category ko na! ano, bigkas ng mga labi niya. ako na, category ko na, ano, bigkas uli ng mga labi niya. CATEGORY KO NA! sigaw ko.

biglang tinawag ang mens.

bilang nominee.

nominee pa lang.

palakpakan ang mga tao. siyempre andami kong kaibigan ahahahaha! palakpak din kami ni poy. si ej, hindi ko makita. tinabihan kasi niya si mami sa may unahan. pero malamang pumapalakpak din yun. silang maglola.

humiyaw ako, go bebaaaaang! lingunan sina mam gwenn, sa akin. tawa nang tawa. pati si kristine ng flipreads, na nasa unahan namin, tawa rin.

tawa rin ako.

tapos tinawag na ang winner: dyeeegeng...

almanak ng isang aktibista.

shemay shet talo ako.

hinalik-halikan ni poy ang noo ko. wag ka malungkot. wag ka malungkot. isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni poy. halik pa rin siya nang halik. sa noo (andaming tao kasi, nakakahiyang mag-lips to lips)

nalungkot ako. sayang, kako. akala ko pa naman, me laban talaga ang libro ko. pumikit ako. pero hindi naman ako naiyak. e kahit anong pilit ko, hindi ako maiyak. narinig ko ang tear ducts ko, oi, lahat ng mahal mo sa buhay, masaya na nandito kayong lahat at naimbitahan sa ganitong patimpalak. aba, bebang, ika'y mahiya, walang puwang ang mga luha.

tama. tumayo ako. tara, labas tayo, sabi ko kay poy.

nag-aalala siya.

aalis na tayo? uuwi na? si-CR ka? tanong niya.

sagot ko, hindi, a. anong gagawin ko don? magmumukmok?

e, san tayo?

kakain!

binusog namin ang gabing maningning.





(Copyright ng mga larawan: Ronald Verzo, Sean Elijah Siy at Beverly Siy.)

Sunday, November 11, 2012

Katuray

finally, nakakita ako ng bulaklak ng katuray!

sa palengke ito ng kapitolyo ng ilocos norte.

puwede palang isahog ito para ulamin at kainin! hay, katuray, you are a blessing.

maganda naman pala siya in fairness pero bakit parang lagi na lang siyang nilalait at pine present bilang pangit na bulaklak?

sa sobrang ganda, pinagmodel ko pa si sak at si atom.




hindi mabaho yung bulaklak. nagtakip lang ng bibig itong si kim kasi pinapa-smile ko. e, nag-iinarte?




Copyright ng photos: Bebang Siy.

Sunday, September 23, 2012

Tuesday, September 4, 2012

Lapatan ng Ritmo ang Pagbubungkal



Lapatan ng ritmo
Ang pagbubungkal
At itanim nang taimtim
Ang liriko ng butil.
Tiyak na ipaghehele ng lupa
itong malamyos na punla.

Pagkatapos ay tabunan ang pangako
Ng kinabukasan. At diligan
ng lunting awitin ang araw-araw.

Matining ang tinig ng panganay
na usbong.
Makinig.
Makinig sa tahimik
nitong pag-ugat sa sarili.
Tutubo,
Lalago,
ang sanga-sangang sagot sa paghihintay.
Hindi maglalaon, ang bawat dahon
ay buong siglang sasayaw
sa saliw ng mapagpalang hangin.




Ang copyright ng larawan ay kay Sean Elijah Siy.

Saturday, August 25, 2012

Mula sa kapwa manunulat

Hindi pa ako tapos, pero ang dami ko nang tawa. Parang baliw matalik na kaibigan lang si Miss Bebang na nagki-kwento sa iyo ng mga kakaibang karanasan niya: noong naunang magka-regla sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid (“It’s a Mens World”), noong “kinidnap” siya ng sariling ama (“Ang Lugaw, Bow”), noong akalain ng kanyang mga kamag-anak na nasugatan niya ang pekpek niya (“Hiwa”). Oo, pekpek. Diretsong magkwento si Bebang (o di ba parang close na kami). Walang hiya-hiya. Marami akong naalala habang binabasa ang mga sanaysay niya. Tulad niya, hindi rin kami mayaman. Pero hindi siya nagsusulat ng poverty porn (siguro medyo porn lang hehe). May kaunting muni-muni, kaunting hindsight, pero sa huli, gusto lang niya sabihin sa iyo ang naramdaman nya noong nangyari ang mga pangyayari. Ganun naman yun e; kapag bata ka, hindi mo naman maiisip na kawawa ka. Maiintindihan mo na mahirap kayo, oo, pero masaya ka pa rin. Na para bang lahat e laru-laro lang. -Eliza Victoria, author, A Bottle of Storm Clouds Reposted with permission from Miss Eliza.

Tuesday, August 21, 2012

mula kay Peter Sandico ng Filipino Readers Conference Organizing Committee

Wala, wala na yata kaming masasabing iba pa tungkol sa antholohiya ng mga sanaysay ni Bebang Siy. Lahat na yata nasabi na ng sangkatauhan tungkol sa It's a Mens World—literally madugo (magsimula ka ba naman sa kwento tungkol sa mens), impormal (Taglish kung Taglish, walang pake si Ms Bebang), patawa (hindi mo nga alam kung seryoso pa ba sya or jumo-joke na naman, ewan, nakakaloka).

Pero nahihirapan na ako sa derechong Filipino. Magpapakatotoo na ako at mag-swi-switch na ako sa English. Parang Sprite lang at tumo-Toni Gonzaga lang ako. But instead of “I love you Papa P,” ang isisigaw ko ay, “I love you, Bebang Siy!”

It was never an easy task to pick from the three nominated books, but there's one thing that Siy's book did to us judges. We were all disarmed by the author's unapologetic honesty, superb wit, and unconstrained humor. Siy's writing is very fresh and unpretentious, ranging from the mundane to the profane, and her narrative style pleasantly unpredictable. Here's a woman who seems to lead a very uninteresting life, but one who's managed to make the reader empathize with her by writing scenes from her childhood, her relationships, and her eventual maturity as a woman. One word—award.

Si Peter ay isa sa mga judge ng Filipino Readers Choice Essay Category. Ni-repost ito nang may permission mula sa kanya.

Maraming salamat, Peter, at sa buong team ng Filipino Readers Conference. Sama-sama tayong magparami ng ating uri! Uring mambabasa, yahoo!

Tuesday, August 14, 2012

Owmaygawd, ang gawn!

May gawn na ako. yehes. Rhett Eala lang naman. around 50k. 50k lang naman. sikat.

hiram lang ito, friends, ano bah? ako pa? josko, wala nga akong damit na higit sa isandaang piso, e. at baka hanggang sa huling hininga ko, suot-suot ko ang gawn na ito kung ako nga ang bumili niyan. para lang masulit ba.

at dahil hindi nga ako ang bumili, hindi ko siya susuotin from now and forever till the day i die.

ipapahiram lang sa akin ang damit na ito. ng aking boss.

ay teka, yung babaeng boss ko ang tinutukoy ko dito. although kaka-google ko gumagawa rin ng men's barong si rhett eala, hindi barong ang susuotin ko. gawn nga talaga. as in yung strapless gawn, simpleng simple, puting puti, may trail, short and sweet.

bilang kapalit ng pagpapahiram sa akin ng gawn ay dinigitize ni poy ang lahat ng wedding photos ng aking boss. 900 plus lahat ng photos. at mahirap 'yon, ilang araw niyang ginawa 'yon. nagkakulani na nga siya sa kilikili kakabuhat ng camera. at nangapal na ang dulo ng hintuturo niya kaka-click. at napapapikit ang isa niyang mata nang mag-isa kahit hindi siya sumisilip sa lens ng camera. so basically, he paid for my gawn. 50k. all in all. puwede na. puwede ko na talagang pakasalan ang lalaking 'to.

barong na lang ang kulang.

ngayon, friends, me kakilala ba kayong may maganda, maayos, malinis na barong na puwedeng hiramin pangkasal? puwedeng-puwede akong maghugas ng plato. puwede rin akong maglaba. isanlinggo, sige, game. ano? ayaw? wala? okay, idagdag natin, puwede akong mag-isis ng sahig. puwede rin akong maghinguto ng aso o ng pusa. persian ba? kakasa 'to. e ano kung trilyon-trilyon ang balahibo?

o eto email ko: beverlysiy@gmail.com
eto naman cell ko 0919-3175708

and if you pick up your phone and dial right now, you will get a freebie. the best freebie, putsa. eto, eto, eto naaaaa: ipagluluto ko kayo.

'yan talaga ang pinakamasarap na promo. i cannot assure you though na hindi sasakit ang lahat ng internal organs na bahagi ng digestive system n'yo. so far, pati hotdog kasi nagtututong sa style of cooking ko.

o di ba, handang-handa lang sa pag-aasawa?





Sunday, July 29, 2012

From Andrea Teran

Malapit ko nang matapos ang Its a Mens World (sinimulan ko nung Linggo). Ang ganda! Matagal kong pinostpone ang pagbasa nito dahil akala ko mahihirapan ako (di kasi ako sanay magbasa sa Tagalog, Ilonggo ako eh). But no. I have to admit may words na di ko alam, pero ayan, naimprove ang vocab ko. Hehe.

Btw, gagayahin ko ang first date idea mo.

Congrats Bebang! at Salamat! Ang galing galing!

--Andrea

PS. We met sa launch ng libro ni Krip sa Manila Hotel last year (?) (in case di mo ako maalala at mawirduhan ka sakin).

Reposted with permission from Drea. Thank you so much po!

Tuesday, July 17, 2012

Mula kay Nuelene Gallos

It’s a Mens World: A Book Review.
January 14, 2012 by nuelene

It’s not my first time to read a book written by local authors. There’s Bob Ong kaya. But it’s my first time to write a review about that.

It’s a Mens World was written by Bebang Siy and released in 2011 by Anvil Publishing. I wish I can publish a book too. In the future.

The cover photo was a six to seven-year old girl. I don’t know if she’s that though.

Usually, from the first look, maybe some of you would read Mens as Men’s. Or maybe, it was just me.

It was not a typo. It was actually a short term for Menstruation. Yes! But mind you, the book was anything but X-rated. Which, to the biggest consternation of my siblings, is my 100 % disappointment. Haha!

It was a(n)* autobiography written in a funny way so readers would not be bored. I wouldn’t read Arroyo’s autobiography (or even Bush, bestfriends kaya sila) unless it was required by my school. Haha!

Reading this book made me look back during my childhood days.

Those times when I played patintero, hide and seek, langit-lupa, habul-habulan, 10-20, Sawsaw suka, Mahuli Taya, and other games I bet children of this decade are not playing. 21st century children (most probably) are staying in their houses playing PSP, laptop, iPad, or Tetris in Facebook.

80’s and 90’s are the best!

I felt like I am close to Bebang Siy just by reading her book. It was as if I am in a gallery and I was looking at candid black and white pictures taken by a Polaroid. Siy definitely described what Manila was during her time. I’ve been to Baywalk long before it was called that. But since Bebang is older than me, I think what I have seen are those what we called tira-tira. haha!

This is a book created for all audiences.

She’s a good author. And brave at that. I wouldn’t reveal any secrets using my real name. Call me names but there are many things to consider. I wouldn’t want my father declaring a war. Exaggerated much?

Anyway, grab a copy of this one. I’m so lucky, I got a BFF who lend me her copy which she borrowed from her classmate. Haha!

nuelene

May 23, 2012 at 7:54 pm

Hello Miss Bebang. Salamat sa pagbisita sa blog. Pwede mo siyang i-post kaso lang nakakahiya kasi hindi naman talaga ‘to proper review. Naisip ko lang na di ko talaga gustong palampasin yung opportunity na ma-i-share sa iba yung thoughts ko, kesyo gumamit ako ng mga salitang di makikita sa Philippine dictionary.

Sa totoo lang, pinatawa at pinaiyak ako ng libro na to. Nakaka-relate ako dun sa pagkakaroon ng crush (ayieee!) at pagbili ng buko at pandan juice sa Divi, pati na nga yung Mrs. one fourth. Haha. Pero yung nakakatawa sa lahat eh yung pangalan sa phonebook na ‘Bangkay.’ HAHA!



Reposted with permission from Miss Gallos. Thank you po! Sana ay lagi kang magbabasa ng mga akdang Filipino!

Check her site here

http://nuelenegallos.wordpress.com/2012/01/14/its-a-mens-world-a-book-review/

Wednesday, July 4, 2012

cHEEZY chizim

sa paraan ko ng pananalita, sa kilos ko, galaw, pananamit, legs, kilikiling laging litaw, hindi na ako dapat magulat kung natsitsismis ako. na, a...ano ba? malandi? kiri? flirt? mahilig sa lalaki?

di na ako magugulat sa ganyang paratang. at magtatawa lang ako. hindi ako napipikon sa ganito. babanatan ko pa ito ng isang oras na joke. iuutot ko lang ito sa katatawa.

pang-aaping harap-harapan lang ang makakapagpapikon sa akin. harap-harapang pang-aapi sa manunulat. at iba pang inaaping nilalang.

ang ikinagulat ko lang ay nang malaman kong pinagtsitsismisan ako ng isang elite na grupo. yung mga kagalang-galang at napakaraming dapat asikasuhin bukod sa pagpaparami ng pera. at pagtsitsismis. ito kasi yung mga tipo ng tao na napakaraming hawak na kapangyarihan.

at ano ang pinag-uusapan? lagi ko raw kasama ang boypren ko. ano pa? na lagi kaming magkasama sa FILCOLS office.

may malisya? ahahahaha gulay. hindi talaga ako makapaniwala na issue ito sa ibang tao. lalo na sa katulad nila. hangang-hanga pa naman ako't napakatatalino at napakalalayo na ng narating. at mga higante ito sa isang industriya sa pilipinas (putcha sige pa clue pa para na talaga tong blind item kesa blog entry tungkol sa damdamin)

hindi ko akalaing issue rin na lagi kaming magkasama ni boyfriend. sa buong buhay ko, nitong huling dalawang taon lang ako nagpakilala ng boypren sa madlang pipol. ngayon ko lang nae-enjoy talaga ang pagboboypren, kaya napakasaya ko na kasama ko siya sa karamihan sa aking ginagawa at nasusundo niya ako sa FILCOLS pag libre siya.

pero ang gawin itong issue against me? at sa kakayahan kong magtrabaho?

GULAY. ANAK NG PATOLA AT SINGKAMAS.

ano kaya ang tumatakbo sa isip nila pag nakikita kami? san kaya galing ang dalawang to? bat pawisan? bat parang gusot-gusot ang damit nila? at kusot-kusot ang buhok? at basa ang mga labi?

pano kaya tumakbo ang usapan nila? hahahaahaha

natatawa ako pero antotoo, naiinis ako, nakaka-disappoint, e. sa kanila kasi nanggaling. i can't help but utter these words: ang cheap lang. ang cheap pala netong mga hinahangaan ko.

di ba nila naisip na kahit lagi kong kasama si boyfriend ay natatapos ko naman ang inaasahan sa akin? nagagawa ko naman nang maigi ang trabaho ko, at higit pa? na nakakapag-ambag pa rin ako sa mga dapat kong pag-ambagan? ba't ganon ang tingin kay boyfriend? di ba nila makita na parang lucky charm ko ito? at source ng strength kapag nalo-lowbat na ako?

pati pagpunta (at pagtambay) niya sa office namin!!! yown talaga ang di kow matanggap hahahahaha

iniisip ba nila, me ginagawa kami sa opis?

bat ko gagawin doon, ay bukas naman ang sarili kong bahay bente kuwatro oras siyete days a week? me bahay din si boyfriend na bente kuwatro oras at siyete days a week ding bukas para sa aming dalawa, sa aming dalawa lang dahil walang taong nakatira dun, puwedeng puntahan anytime!

ay, ay, ay.

ang hirap nga naman kapag ang pino-project mo talagang personality ay approachable, masiyahin, accommodating, madaldal, all out at open-minded. akala yata nila kapag ganyan ka e ganyan ka na sa lahat ng aspekto ng pagkatao mo. at akala yata nila, kahit makarating sa akin ang mga itinae ng mga bibig nila, ok lang. hindi ako maiinsulto.

ay totoo naman. wala silang ibang ininsulto kundi ang kanilang mga sarili at ang mga bibig nilang ubod ng baho.

Saturday, June 30, 2012

From Gazelle Macaida of FEU Advocates

Wednesday, June 27, 2012
It's A Mens World (Book)]

"Isang sulyap sa mundo ng alaala (Isa lang ha!)"

"Manghihinayang ka, tapos maiinis ka sa buhay tapos maiiyak ka tapos magagalit ka. Tapos mare-realize mo, wala ka palang magagawa. Hanggang ganyan lang ang papel mo: ang makaramdam ng ganitong emosyon sa ganitong pagkakataon," Bebang Siy, Emails, 158, It's A Mens World.

Alaala ang nagsisilbing patunay na tayo ay dumanas ng kaginhawaan at kahirapan. Ito ang saksi sa pagbabagong ating napagdaanan sa ilang taong pamamalagi natin sa mundong paikot-ikot. Walang kasawa-sawang umiikot at iniikot ang buhay ng mga taong nakatira sa kanya. Bawat alaala ay may matamis at mapait na kwento. Bawat luha at tawa ay may kaniya-kaniyang pinagmulan. Ngunit higit sa lahat ng ito, kung sino ka 'ngayon' ay nagmula sa 'noon'.

Halu-halong istorya ng buhay na bumuo sa mapa ng Maynila ang nilalaman ng It's A Mens World ni Bebang Siy. Iba't ibang istorya na may kaniya-kaniyang flavors kulay (ideya mula sa Pinyapol, 38) na siya namang papatok sa panlasang pinoy with a touch of chinese.

Magmula sa lugaw hanggang sa pagnanakaw, pangingidnap, pakikipag-date at piso, nailarawan ni Siy hindi lamang ang Maynila kun'di pati na rin ang mga binibigay ng mundo, pananaw ng mundo, paningin ng mundo, panlasa ng mundo, kahit ang third sense ng mundo at ang uncommon common sense ng mundo patungkol sa mga babae. Lalo't higit pa sa buwanang dalaw. Sa pagkakataong ito, sa wakas! Babae ang bida sa Mens World.

Hindi nakapagtataka kung ang mga kuwentong ibabahagi natin ay patungkol sa kagandahan ng buhay. Kay dali nga namang i-kuwento na nagpunta ka sa Disneyland at nakipag-hotdog kay Mickey Mouse. Masaya nga namang alalahanin ang mga wapak na bonding niyo nina nanay at tatay. Higit sa lahat, hindi mo ba ipagmamalaki kung hahalikan ka ni Johnny Depp sa pisngi? Pero sa librong ito, hindi nagpunta ang bida sa Disneyland kun'di sa Divisoria, hindi rin si Mickey Mouse at hotdog ang kasama niya kun'di si Manong na may binubutingting sa tenga at ang malamig na pinyapol. Ang wapak na bonding niya sa kaniyang mga magulang ay ang pangingidnap sa kanya ng tatay niya na tila nakikipaglaro ng pingpong sa nanay niya---sila ang bola. Lalo't higit hindi si Johnny Depp ang humalik sa kanya. Naisip ko tuloy kung may mens ba siya noong sinusulat niya ito. Siguro oo, dinatnan siya ng regla ng buhay.

Lahat tayo may mens. May maruming dugo. May maruming alaala na kailangang mailabas dahil hindi na natin ito kailangan. Ang mens ng buhay ay parang pagpapatuli ng lalaki, pwedeng isahang beses lang. Pwede rin namang buwan-buwan. Taon-taon. Unti-unti. Ang mahalaga ay mailabas ito.

Ang mga bagay na ito ay mga alaalang hindi na makakatulong sa kung ano tayo ngayon. Para silang mga dugong minsan nating ginamit para mabuhay, pero dahil marumi na ito, kailangan ng ilabas para mapalitan ng bago. Ng mas bago at sariwang ikaw.

Para magkaroon ng mens, maraming bagay ang dapat isaalang-alang. Gaya ni Colay, dapat bibo ka, malakas kumain, at mahilig sa softdrinks. Pero ang pinaka-importante sa lahat, dapat handa na ang iyong katawan. Handa na ang puso't kaluluwa mo na humarap sa mens. Hindi lang ang panahon kun'di ang sariling kahandaan mo rin ang magdidikta ng mens mo.

Gusto mo ba magka-mens? Ako, gustong gusto ko. Hindi ko nga lang alam kung kailan, irregular kasi ako e.

Maaaring maging iritable tayo bago pa man harapin ang mens, 'wag mag-alala, PMS lang 'yan. Pre-menstrual syndrome, HINDI pre-marital sex. Ang kailangan lang natin gawin ay tiisin ito. Ganun talaga, parte 'yan ng paglalabas mo ng lahat ng marumi mong dugo.

Bago lumabas ang dugo, marami pa itong pinagdadaanan. Tulad ng mens ng buhay, marami kang dapat malampasan bago mo masabing kaya mo na talagang bitawan ang mga mapapait na alaala. Kung ano man 'yung pagdadaanan na 'yun, hindi ko alam. Hindi kasi ako mahilig sa science, basta ang alam ko, may dugo (ang iyong alaala), masakit sa puson (oo, masakit ang pagdadaanan mo, pero kailangan mong masaktan para malaman mong kailangan mo na itong bitawan, minsan kasi may pagka-t**** din tayo e. Kailangan pang masaktan bago matauhan.), at kailangan ng napkin (kung sino man siya na tutulong para saluhin ka habang pinagdadaanan mo ang malakas na agos ng pagsubok).

At dahil dito, iniisip ko tuloy. Sa dalawampung istorya na mayroon sa libro, gaano kaya kadaming dugo ang nailabas ng may-akda? Sa lahat ng ito, tibay at lakas ng loob ang kailangan. Para siyang si Captain Barbell(a). At ang tibay din ng napkin niya.

"Mas naintindihan ko ang sarili ko. Mas naintindihan ko ang nangyari. Biktima ako. Hindi ko kasalanan ang nangyari sa akin. Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin. Wala akong ginawang masama. Hindi ako marumi, ibulong man ng sanlaksang daluyong ng malamig na hangin. Pero kahit nalaman ko ang lahat ng ito ay hindi pa rin natanggal ang imbisibol na pabigat sa puso ko," Bebang Siy, Sa Ganitong Paraan Namatay Si Kuya Dims, 111, It's A Mens World.

Minsan, hindi sapat na maintindihan mo lang ang mga bagay para masabing tapos na ito. Minsan, kailangan din natin ng closure. Minsan din, ang closure ay hindi lamang natatagpuan sa sarili.

For the "First Week-sary" special of my blog, I chose this book as the review because it is one of the books that inspires me, not just as a writer, but also as a person. Looking at the brave work that Ms. Bebang did in revealing the mysteries of her life, and looking at how she turned out to be now, little by little, it pinches my heart, reminding me of how beautiful the future will always be.

Past never defines our entirety, not even our future. Not only the book but the author herself has inspire my life, and surely others' too. No one could reach immortality unless one has able to mark into other's life, and able to prove it with their remarkable work-of-art. With this, Ms. Bebang Siy is one of the goddesses who's punished to be a human in order to share their powers to mankind.

One thing I desire the most now is to make a Wedding Review of this candid author. How I wish... Still, best wishes in the future, soon-to-be Mrs. Verzo. hihi. :)

This was reposted with permission from the author. (Gazelle, salamat po!)

Gazelle's blog entry can be found here:
http://gaziie33.blogspot.com/2012/06/its-mens-world-book.html?zx=588dd2825efcaf6b

Thursday, June 28, 2012

From Anna Karina Heruela Casiding

finally found a copy of your book! whew! i finished reading it in one day, in-between completion of tasks!!! your readers are right; it is a book difficult to cease reading. i was actually surprised to realize that I have reached the credits part already.

keep writing, bebang! you are gifted with a command of the language plus the beautiful scars of life--only with these are warriors made.

197 Days

Written by Sean Elijah Siy



I have been living with my mom since I was a child. But sometimes my dad visited me and sometimes, I visited him. Every time I stayed in his house, he tried to turn me into a real man. He taught me a few things about being a tough guy such as how to use bro, ‘tol, brad and, p’re. He also taught me how to play basketball (which was not my sports, actually), how to court girls, make friends with guys, etcetera. But the thing was, I was not the kind of person who is friendly with guys (they were always bullying me), and I was not a “babaero” either. So my dad failed and he got mad when he found out I could do a split.

But of course, my dad did not give up. He pushed me more to become a real guy! He let me read his magazines with girls in bikinis, he let me watch “American Pie” even if I was just 6 years old then. He gave me some toy guns and toy cars and many more. But he turned red when he saw me petting a small kitty and playing with my Ate Ja and her girl playmates. Then he stopped. Maybe he lost his patience for me.

Anyway, when I went back to my mom, she taught me creative writing. She just let me write my daily journal and some poems and I had more time to practice my real sports, “wushu” (maybe my dad didn’t know what wushu was). The more I spend my days with my mom, the better I get in doing splits and the more I get in touch with girls. It was not my fault, my mom’s friends were all girls.

The second time I visited my dad, it was summer, he gulped when he saw me sitting in crossed legs. One night, he let me choose the movie to watch: The Grudge 2 or The Notebook. He scratched his head and started crying, “Why? What happened to my son?” I don’t know what bothered him, I just pointed at The Notebook. But since he was the boss, we watched The Grudge 2. There was this part of the movie when I screamed like a girl. There was no drama part in the movie but my dad was close to crying when he heard me scream. My grandfather (my dad’s father) acted like the way my father did. He saw me doing a split at the corridor of their house and I was smiling at him just to look cute. He tapped my dad’s shoulder and turned his head side to side.

One day, my dad brought me to the mall. He said we were going to buy a toy for me. He showed me two toys. One was three Dragon Ball action figures in one set and one was a five-Barbie-dolls set. I was thinking of choosing the Dragon Ball set, but the doll set was bigger than the action figures and it was cheaper. So I chose the dolls. My dad told the cashier, in a very loud voice, that it was for my sister.

The next day, he saw me practicing wushu and he asked me where I learned my moves. He bought me Jackie Chan and Jet Li movies and he was teary-eyed when he discovered that I was interested in action movies. He let me punch and kick my cousins and bought me more action movies.

The summer was over and I had to go back to my mom. My dad said that I should fight back if someone tried to hurt me. Then he gave me some perfume that he used to spray all over his body and all the movies he bought for me before I went home.

When I went back to my mom and started schooling again, one of my classmates tried to bully me. He always kicked me and knocked my head. I got mad so I slapped his face and kicked him hard. My mom and I went to the guidance center with the guy I slapped and his parents. I wondered why he got bruise and I didn’t have any even if he was the one who was always hurting me. My mom got mad not because of me, but because of my classmate who bullied me. She kept shouting over and over again and I was doing eye to eye contact with my classmate and smiled at him like a devil. When the meeting was done, my mom and the parents of my classmate did shake hands. They wanted me and my classmate to hug like friends but I did not want to. When my father heard all of these, he was very proud. He taught me more self-defense and how to use his airsoft guns.

I’m a teenager now. The last time I was with my father was two years ago. One of the things I learned from him was cooking. He knew how to cook any kind of food. Every time I cook for myself, I think of my dad and all the 197 days I was with him.



Copyright of the first photo belongs to Joshua Dominic Siy. The copyright of the second photo belongs to Ronald Verzo.

Sunday, June 24, 2012

para sa mga guro: the power of group work

Noong nagtuturo pa ako sa uste, isa sa mga characteristic na napansin ko sa mga estudyante ay ang pagiging team oriented nila.

kapag individual ang quiz, napansin ko na walang pakialam ang ilang estudyante sa makukuha nilang score. hindi sila careful sa pagsagot, basta makapagpasa lang. pero kapag may sangkot nang ibang tao, nag-e-effort sila nang kaunti. palagay ko ay dahil nahihiya sila sa kagrupo nila.

at itong hiyang ito ang sinamantala ko. nang maraming-maraming beses.

naaalala ko ang ilang group quiz namin.

the baybayin quiz

by row ang grouping (lahat ng estudyante ko tinuruan ko kung paanong sumulat ng baybayin, im so proud of this talaga hahahahaha). bawat group ay may hawak na isang white board marker at may nakalaan na space sa white board na nasa harap ng classroom. bawat member ng team ay magkakaroon ng pagkakataon na sumagot at sumulat ng baybayin sa harap.

anong nangyari? pati ang mga kolokoy kong estudyante na hinihikaban ang pag-aaral ng baybayin, biglang nag-aral, nagpraktis at nagsulat. instant bibo kid!

palagay ko ay dahil nahihiya silang malaman ng iba na bano sila sa lesson na yun. imagine, buong klase ang makakakita ng paraan nila ng pagsulat ng baybayin. na sa totoo ay napakasimple lang naman. kaya nakakahiyang talaga na malaman ng iba na ang ganito kasimpleng bagay ay hindi nila magagawa nang tama.

isa pang palagay ko ay dahil nahihiya silang maging reason ng mababang score ng kanya-kanyang team. aba'y siyempre, ok lang kung sariling score lang ang apektado. pero apektado ang score ng buong team dahil lang sa iyo? hindi yata katanggap-tanggap yon! yan ang naisip ng mga kolokoy na to. kaya nag-aral sila at nakita ko sa harap ko mismo, nagpapaturo pa ang iba kasi nga naman, baka may maling hook o kaya maling curve silang maisulat.

ang mga estudyante na nasa pinakakanan ng bawat row ang unang pumupunta sa board. bibigyan ko sila ng salitang isusulat sa baybayin tapos bibilang ako ng 5 seconds habang mabilis nilang isinusulat ito sa board. hindi magkakaroon ng score ang team member na mahuling nagsusulat pa after kong bumilang.

madadali lang naman ang mga salita sa quiz na ito:

1. kita
2. tingi
3. utang
4. Filipino
5. negosyo -(commerce students kasi ang mga estudyante ko)
6. puhunan
7. deposito
8. ekonomiya

lahat yan, one point each. bihira ang nakakatama sa lahat ng yan, sa walong yan. kaya naman ang numbers 9 at 10 ay two points each at may privilege ang bawat grupo na magpadala ng best member nila. mayroong sampung segundo ang bawat member para isulat ang sasabihin ko.

(at sinisiguro ko na wacky ang mga salita/phrases/sentences sa 9 at 10 hahahahaha)

9. Bababa ba? Bababa.
10. Papaypay-paypay pa.

at sa puntong ito, lahat ng members ng group, nagchi-cheer na sa kanilang representative, kahit pa iyong pinakawalang interes sa baybayin.

hahahaha masaya na ako sa ganon. nagawa kong makita niya ang baybayin in a different light? na masayang aralin ang baybayin? di boring tulad ng inaakala niya? achieve!

dahil sa pagnanais ng mga estudyante na maka-ten over ten, bigla, ang classroom ko nagpaparang matinding session ng larong charades hahahaha riot talaga. kanya-kanya silang coach sa representative nila. hindi na ako nagsasaway o nagbabawal kasi siguradong sa gulo nila, wala namang maiintindihan ang bawat isa.

minsan, sa faculty room, tinanong ako ng co-teacher ko. bat daw ang ingay namin? at nakatayo pa ang maraming estudyante. sabi ko, me quiz kasi kami hahahaha nambibilog ang mga mata niya. quiz? bat ganon? hahahahaha hindi ko na ipinapaliwanag dahil baka sitahin pa ako.

the weekly task quiz

usong-uso noon ang pinoy big brother. kaya ginamit ko ang phrase na weekly task sa classroom. ang 2nd sem ng Filipino subject sa college ay devoted sa reading and research. linggo-linggo, me binabasang text sa wikang Filipino ang mga estudyante ko. iba-iba: me komiks tungkol sa epekto ng kahirapan sa paggaling ng isang maysakit, me essay tungkol sa wika na isinulat ng isang sikat na writer (si Gilda Olvidado), me informative essay ni Francisco Colayco tungkol sa tama at maling pangungutang (dahil nga commerce students ang aking mga estudyante), me tungkol sa work ethics, Ang Trabahong Stapler ni Rio Alma, me tula tungkol sa ecology "Larawan ng Isang Labak" ni Rio Alma uli (obvious ba kung sino ang paborito kong writer), me essay tungkol sa politika, tungkol sa wikang Filipino at marami pang iba.

dati, me reaction paper ang bawat estudyante ko sa bawat text. at na-realize ko na ito ay nakakaubos ng oras sa part ko (pagbabasa at pagge-grade ng lahat ng essay bawat week will cost me two days a week, kumusta naman? wala na akong ibang buhay kundi pagche-check ng papel?), ginawa ko na lang itong weekly quiz sa loob ng classroom. ginagawa ito every monday or every first school day of the week para may time silang mabasa ang text for the rest of the week.

pero may twist ang weekly task quiz na ito. nakabatay sa dice ang bilang ng magku-quiz sa isang grupo. tuwing pupunta ako sa classroom, bitbit ko ang isang higanteng dice. kasinlaki ng isang personal TV. pipili ang klase ng representative nila para ipagulong ang dice mula sa teacher's desk hanggang sa pader ng classroom sa likuran. kung ano ang lumabas na number, say 3, tatlong tao sa isang grupo. sila na ang pipili ng mga kagrupo nila. tapos saka kami magku-quiz, one to ten. isang papel lang para sa bawat grupo. pero kapag ang lumabas na number sa dice ay 1, individual ang quiz. at sinisisi nang buong lupit ang estudyanteng nagpagulong ng dice. iniismiran na siya nung mga hindi nag-aral, pinandidilatan nung mga hindi nagbasa at binabantaan ng mga walang pakialam sa klase.

kaya kadalasan, ang pinipiling mga tagapagpagulong ng dice ay iyong mga siga at sanggano ng klase. para wala silang ibang sisisihin kundi ang mga sarili nila, silang mga hindi nag-aral, hindi nagbasa at mga walang pakialam sa klase.

sa quiz na ito, ang riot na part lang ay yung pagpapagulong ng dice. lilinya ang mga estudyante sa pathway na tatahakin ng dice. para lang silang mga bouncer at bodyguard ng celebrity. at ang celebrity ay ang humble kong dice. nakasungaw ang mga ulo ng ibang estudyante sa mga puwang na nalilikha ng mga katawan ng bouncer at bodyguard. nagchi-cheer ang lahat.

Siiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiix!

minsan, mas mabilis ang cheer.

sixsixsixsixsixsixsixsixsixsix

at matatapos sa masigabong palakpakan ang lahat. kahit hindi pa pinapagulong ang dice. if only the dice could talk, sasabihin nito, "pressure naman kayo, classmates."

kapag pinawalan ng tagapagpagulong ang dice, mamamayani ang kakaibang katahimikan. ito ang uri ng katahimikan na mae-experience kapag hinuhugot na ang huling bola para sa lotto draw. ito ang uri ng katahimikan mula pagkatapos ng UPCAT hanggang i-announce ang results. ito ang uri ng katahimikan bago i-announce kung sino ang first runner up at ang bagong miss universe. ito ang uri ng katahimikan sa pagitan ng tanong na puwede pang pautang ng limang libo? at sa sagot ng inuutangan.

ganyan.

at paglagpak ng dice, ang maririnig ay depende sa lumabas na number sa dice. kung 1 ay puro ungol ng kinakatay na baka, atungal ng binibiyak na baboy at iyak ng hinihiwang palaka. kung 6 ay hiyaw, sigaw ng tagumpay. wala pa man ang tunay na laban, ang quiz, nagbubunyi na ang lahat. feeling nila perfect na ang score nila sa parating na quiz!

celebrate the times, c'mon!

dahil siguro sa paniniwalang mas marami, mas kayang-kaya.

sabi ko minsan sa mga estudyante ko, wag naman kayong masyadong maingay at wag masyadong masaya. baka me sumilip na teacher at tanungin tayo, anong nangyayari dito? anong sasabihin natin? magku-quiz po kami. di ba? quiz? bat parang casino? in a winning streak? o, e ang saya saya nyo, mapagkamalan pa kayong sinto-sinto. quiz!

totoong masaya naman, di ko rin masisi ang mga estudyante ko. dahil sa dice-dice na ito, bawat quiz para sa weekly readings ay inaabangan na nila, with matching excited wriggly bodies. pagpasok ko pa lang ng kuwarto, dala-dala ko ang dice, tumatayo agad sila, ang sigla-sigla ng kilos, nakangiti pa. ayan na, ayan na, sabi ng iba. parang hindi ako magpapa-quiz. parang ang bitbit ko ay isang malaking kahon ng goldilocks.

saan ka nakakita ng mga estudyante na ganito ang attitude sa isang quiz? hahahaaaha imagine, hindi na sila natatakot dito, in fact, nae-excite sila.

Friday, June 22, 2012

Blog tungkol sa K-12 program ng DepEd

Dapat alam ito ng lahat ng Pilipino. Lahat ng susunod na henerasyon ang maaapektuhan dito.


http://philbasiceducation.blogspot.com/2012/06/deped-k-to-12-overview-of-this-blog.html

Mula kay Rigolets Florendo

Bukod sa mga nobela nila Eros at Ricky Lee, ang aklat na ito ay isa sa mga pinananabikan kong bilhin at basahin simula noong una ko ito nalaman at sa kadahilanan na rin na ang may-akda ay naging propesor ko sa UST.

Noong ito ay nakita ko sa bookshelves ng isang bookstore sa Greenbelt, wala talaga akong ka-idea-idea kung tungkol saan ang aklat ni Mam Bebang hanggang sa nabasa ko sa likod nito na tungkol ito sa regla o ang pagdadalagang tao ni Colay. Subalit ang una kong impression ay mali pala. (Infairness kay Mam Bebang, magaling siyang pumili ng pamagat. Takaw pansin sa mga mambabasa.)

Ang It's A Mens World ay matuturing kong diary ni Mam Bebang sapagkat napapaloob dito ang mga hindi malilimutang gunita niya simula noong kabataan pa niya. Nagustuhan ko ang libro pagkat simple ang pagkakasulat, hindi nakakabagot basahin, nakakatuwa at nakakatawa ang ilan sa mga pahina at paminsan minsan ay nakaka-relate ako sa aking binabasa. Kung ako'y tatanungin, ito ang kaunaunahan kong non-fiction book na binasa.

Noong matapos ko ito, mas nakilala ko ang may-akda at dating kong propesor, hindi naiiba sa iba, simple pero matapang, family-oriented, may utang na loob, may pagkamausisa at pasaway at higit sa lahat, tulad ng mga ibang babae, rineregla rin.

Thank you, RV!!! -Mam Bebang

Ipinost po dito nang may pahintulot mula kay Ginoong Florendo. Makikita rin ang post na ito sa Good Reads Website.

Friday, June 15, 2012

Projects

andami naming gustong isulat at i-publish ni Poy.

1. aklat ng mga play na pambata.

Meron siyang dalawang play na isinulat at na-stage na in the past two years.

Tapos meron akong dalawang play na isinulat sa Filipino at isinalin ni Poy sa Ingles, na-stage din this year. Meron akong isinulat na play tungkol sa counterfeit products, pambatang play ito. Wala pa ang last page. At hindi pa ito naii-stage. Pero kung matutuloy ang aklat namin, gusto ko, kasama ang play na ito.

2. process ng pagsulat ng script ng pelikula. with the Musiko script.

gusto ko sanang isulat niya ang proseso niya ng pagsusulat ng Musiko. Mula sa conceptualization, storyline, sequence treatment at mga draft. maganda ito. sana magawa niya.

3. sopas muna 2. antagal na nito putek di ko lang talaga maharap. andami ko nang utang sa panpilpipol.

4. sanaysaya.

compilation ito ng mga akda ng mga naging estudyante ko sa essay writing class sa Filipinas Heritage Library. kasalukuyan ko itong ine-edit.

5. compilation ng mga comics script na pambata.

yung lahat ng gawa namin sa gospel. puwede na i-compile at gawing book.

6. dyip tips

compilation ng essays ko tungkol sa pagsakay ng dyip.

7. pinaka book

compilation ng essay tungkol sa mga bagay na pinaka. funny ang tone nito siyempre.

8. young adult novel tungkol sa musiko. parang adaptation ito. medyo bata ang main character. sa musiko kasi, working na ang bida.

9. libro ni jonte

gusto ko talaga ma-publish ito. sana lord, sana walang aberya, sana pumayag ang parents ni jonte. at sana maganda ang output namin.

10. its raining mens

ako talaga ang me problema dito. editing portion na ako dito. at yung last part op kors.

11. patungong panumtom

lord isang kembot na lang libro na ito. hay naku bakit ba antagal-tagal nito matapos? sana matuloy ang usapan namin ni mayor marty next week. me printer na, nakaantabay na. pondo na lang ang kulang. o pondo, halika na, come to mama!

ang daming dapat gawin at dapat isulat at dapat i-publish. bat naman kasi ambagal magsulat ng mga filipino? dalawang magkasunod na araw na kaming dumadaan sa book sale ni poy. at tuwing nagpupunta kami doon, nai-inspire kami na magsulat at mag-publish ng libro. kasi naman, parang lahat na lang ng uri ng paksa, inilibro na ng sangkatauhan. puro ingles nga lang. kaya malaking market talaga itong sa Filipino.

god bless this list. at sana dumami pa ang nasa listahang ito.

amen.

Responde: Isang Rebyu

Nagandahan ako sa librong Responde. Isinulat ito ni Norman Wilwayco, mas kilala bilang Iwa, graphic artist/writer na naka-base ngayon sa Australia. May ilan na siyang nobelang naisulat. Ito pa lang ang nababasa ko. Binubuo ito ng 12 na maikling kuwento at inilathala ng Black Pen Publishing noong 2011.

No’ng unang mga pahina, sabi ko, eto na naman, tungkol na naman sa buhay ng mga adik, kanto boy, tambay, prostitute at iba pang iniilingan ng lipunang Pinoy. Ang una kong tanong: anong bago ang masasabi nito?

At napakarami pala.

Hindi lang inilarawan ni Iwa Wilwayco ang buhay ng mga nabanggit kong tao sa napakatotoong paraan, binigyan din niya ang mga ito ng pagkakataon na mailahad ang sariling mga angas, ang mga hinaing, ang sariling mga pangarap.

Ang inaangal ko sa mga ganitong akda, kadalasang hindi naka-capture ang tunay na esensiya ng karanasan ng mga taong tampok dito. Kasi lagi na lang itong isinusulat mula sa punto de bista ng taga-labas. OUTSIDER. Kumbaga sa lente ng camera, nagpipiktyur ang mga manunulat mula sa labas ng pangyayari, sa labas ng mga eksena. Kung mag-close up naman sila ay palaging mula sa taas ang shot. Kaya mga bumbunan ang nakikita at lumalabas sa picture. O kung di man, yung zoom out na mga picture. Yung malaki at malawak ang sakop, kaya di nakikita ang mga detalye sa picture.

Ibang-iba itong gawa ni Iwa. Ang linaw ng mga detalye. Puro close up shot ang ginawa niya. Kaya capture na capture ang bawat ngiwi, ngiti at buntong-hininga ng mga tauhan. Kitang-kita rin sa lengguwahe na ginamit sa mga akda, isa si Iwa sa mga taong kanyang isinusulat. Pagka binasa mo siya, kung nalalapirot ang puso ng tauhan dahil sa mga nangyayari, madarama mong nalalapirot din ang puso niya, siya mismong manunulat.

Kabadong-kabado malamang si Iwa habang ang bida ng kuwentong Dugyot ay naghahanap ng bagong mabibilhin ng drugs pagkalabas nito ng parlor. Kinakabahan si Iwa kasi di malaman ng bida kung saan siya iiskor ng drugs. At kapag di kasi nakaiskor ng drugs ang bida, baka kung ano ang gawin sa kanya ni Ompong, ‘yong siga na nagpapabili ng drugs.

Buwelta.
Walang ibang dapat gawin kundi maghanap ng ibang mabibilhan. Balik ako sa lugar nina Olsen. Mabuti na lang, wala siya sa bungad, naispatan ako ng isang runner. Kahit labag sa loob ko dahil di ko kilala, kinindatan ko. Lumapit sa akin at iniabot ko ang lahat ng pera sa bulsa ko.
--Dos, bato, singkuwenta, chongki, sambit ko.

Malamang ay heart-shaped naman ang mga mata ni Iwa habang sinusulat niya ang kakaibang show of love ng tauhang si Jean para sa kapwa adik at boyfriend niyang si Tony sa kuwentong Drug War.

“Anong ginawa nila sa iyo, Jean?”
“Saka na natin pag-usapan. Ang importante, buhay ka pa. At ako. Magkasama pa rin tayo.”
Hinawakan ni Tony ang mga palad ni Jean at sa hindi na niya mabilang na pagkakataon, muli siyang pinahanga ng tibay ng loob ng katipan.
“Ano, subukan mo kung kaya mong tumayo. Dadalhin kita sa ospital.”
Iginala niya ang paningin sa paligid. Malinis. Ibig sabihi’y nakapaglinis na si Jean. Nakita niya sa mesita ang supot na binili niya kay Mart.
“Hindi nila dinala ‘yong stash?” tanong ni Tony.

Nagagandahan din ako sa lengguwahe, hindi dahil lengguwahe ito ng kanto boy kundi dahil napakasimple ng kanyang mga salita, simple ang mga pangungusap, maayos ang mga spelling, kumbaga, simple lang ang lahat, at palagay ko, mas tamang termino ang "suwabe." Hindi masakit sa ulo. Kahit walang pinag-aralan ang nagsasalita, angkop pa rin ang wika na ginamit ng manunulat at hindi pa rin masyadong bumabali sa mga kumbensiyon ng grammar.

Higit sa lahat, nagagawa nitong makapagparating ng mga puntong mabibigat. Nagagawa nitong maging tinig ng sari-saring tauhan.

Hindi ko natipuhan ‘yong kuwentong Ang mga Bagay na Wala Kami. Kasi ay parang Jun Cruz Reyes na Jun Cruz Reyes ang dating ng kuwento. Nabasa ko na ito sa isa sa mga koleksiyon ng akda ni Sir. At para sa akin, ang render ng kuwento ni Iwa, masyadong melodramatiko.

Kuwento ito ng isang mahirap na pamilya at isang gabi, kailangan nilang makatawid ng ilog para humanap ng doktor. Inaapoy ng lagnat ang bunso ng pamilya. Bumabagyo noon at lunod na ang ilog. Apaw na. Ang tubig-baha, tubig ng ilog, pati ang lungkot at takot ng pamilya, umaapaw na.

Pinakapaborito ko sa lahat ang kuwentong Imat. Tungkol ito kay Imat, isang babaeng naging palaboy at sinto-sinto nang ma-gang rape. Sa probinsiya. (Oo, hindi lang sa gubat ng Maynila nangyayari ang mga ganitong bagay.)

Ang punto de bista ay sa binatang papunta na sa landas ng tagumpay. Bagong graduate ang binatang ito at nagawaran ng titulong engineer. Pag-uwi niya sa probinsiya upang i-celebrate ang lahat ng biyayang natamo, naalala niya ang lahat ng eksenang may kinalaman sa kanya at kay Imat. Dito ay binanggit niya kung paano niyang niliyo minsan, noong panahon ng kanyang kabataan, itong si Imat para maisama sa kama. Inilahad din niya ang kanyang saloobin nang mga panahong nagaganap ang pakikipagtalik niya kay Imat at ang pakiramdam niya ngayon na naaalala niya ang mga detalye nito.

Ano ang pakiramdam ng bully? Paano nga ba maging gago? Ano ang pakiramdam ng isang taong nang-aabuso? Ano ang pakiramdam ng isang nang-aabuso, nanggagago at nangbu-bully ng kapwa na walang kamuwang-muwang, walang sala sa kahit na sino? At habang inaabuso, ginagago at binu-bully ay umiiyak na lamang at nakatingin sa kawalan? Ano ang pakiramdam ng isang lalaking nakikipagtalik sa ganito? Tinitigasan ba siya? Nakakaraos?

Lahat ‘yan, inilahad ng bida sa Imat.

Masaya akong may ganitong uri ng mananalaysay sa Panitikang Filipino. Patunay lang na kahit ano pang karanasan ang ikinukuwento, kahit pa iyong sa pinakakaraniwang mga tao, kung ito ay ikinuwento sa napakahusay na paraan, walang dahilan para hindi ito bansagang OBRA MAESTRA.

Para kay Iwa, more works to come, congratulations, pare. Nadale mo, putek.

Thursday, June 14, 2012

Daddy

Fathers' Day na naman.

Katulad ng Mothers' Day, medyo kabado ako, or say, uncomfortable ako kapag paparating na ang araw na 'yan.

Kasi wala na akong maisip na ipanreregalo sa celebrant.

This year, hindi pa ako nakakadalaw sa puntod ni Daddy. Si Daddy, madaling regaluhan. Apo lang, masaya na 'yan. Lalo pa't lalaki ang apo. Joke. I mean, bulaklak lang, ok na sa kanya. Makakaangal pa kaya siya, e wala na siyang ibang maco-consume kundi ang samyo ng bulaklak?

Ang iniisip ko ngayon ay ang regalo para sa tatay ni Poy at kay Tatay, ang lolo ni Poy na 90 something na. Nitong mga nakaraang taon, ang iniregalo namin sa kanya ay shirt, shorts, tsinelas, tuwalya, 'yong mga ibinabalot na tela sa kamay para di mabalian at iba pa. Wala na akong maisip na regalo. Sabi ko kay Poy, cake na lang. Na hugis bola ng bowling. Mahilig kasi sa bowling 'yon, 'yong tatay niya, hindi 'yong lolo.

Sabi niya, mahal daw 'yon. Kung tunay na bola na lang ng bowling ang ibigay namin, mas sasaya pa raw 'yon. Oo nga naman. Kaya lang, ano naman ang alam namin sa bola ng bowling? Baka magkamali pa kami ng bili, ay naku lang.

Gusto ko rin palang mapuntahan ang uncle ko sa Ermita. Hindi pa ako nakapunta sa kanya uli. Last Christmas, di ko siya nadalaw. Noong death anniversary ni Daddy, May 16, sobrang nalimutan ko. Dati, nagdadala ako ng flowers sa altar niya sa Ermita at tuloy nadadalaw ko ang Uncle ko. Siguro dahil sa mga problema sa werk that time, nalimutan ko ang petsang ito.

Ang dami ko lang talagang backlog. Pati birthday ni Daddy, na-iskipan ko. March 1. Pero hindi ko naman nalimutan 'yon. Nagte-text din kaming magkakapatid. Parang sabi namin, o magdasal kayo. Daan kayo church para kay Daddy. Dati rin, nag-aalay ako ng flowers sa altar niya sa Ermita at tuloy nadadalaw ang Uncle ko. So di na naman ako nakapunta sa kanila.

I don't know how to thank daddies. Sapat ba 'yong mga regalo? Noong bata ako, puro handmade card lang ang regalo ko sa tatay ko. Nang lumaki-laki ako, t-shirt na may tatak na woody woodpecker sa harap. kahit na maliit sa kanya, sinuot yun ng tatay ko the day i gave it to him. the last birthday gift he received from me was a burger from Tropical Hut. Hawaiian burger, 'yong may pinya. Binili ko 'yon umagang umaga (24 hours ang Tropical sa may Padre Faura.) tapos inilagay ko sa mesa. sinulatan ko ng happy birthday dad yung styro na pinaglalagyan ng burger.

and for dramatic effects, nagsindi ako ng matangkad na kandila at ipinatong ko ito sa libreng baso mula sa Great Taste coffee. 'yon ang kanyang birthday candle.

Tapos umupo ako sa sofa at inabangan ko siyang magising. sa ganda ng upo ko, nakatulog ako. at paggising ko, wala na yung kandila. wala na rin yung burger. thank god, siya naman ang nakakain. hindi ko alam kung pano niya sinelebreyt ang birtday niya that day. Pero yun lang kasi ang natatandaan ko. hindi kami kumain sa labas. hindi nag-party. hindi nanood ng sine. hindi naghapunan sa bahay. Wala siya buong araw. malamang me sariling lakad.

after two months, ginamit namin ang same kandila na yun sa burol niya. wala talagang pasintabi ang kamatayan. ayan, boom. sino mag-aakalang ang ikli-ikli lang talaga ng buhay?

45 lang siya no'n. dapat 63 na siya ngayon.

18 years ko na pala siyang di nakikita. 18 years na pala akong walang tatay. ano ba ang pakiramdam nung walang tatay? e hindi ko made-describe kasi parang hindi ko naman alam kung ano ang pakiramdam nung meron. i mean, pano ko malalaman ang difference kung di ko naman alam ang pakiramdam ng meron akong tatay?

siguro para malaman ko, imaginin ko na lang na meron. so i'll know what im missing.

kung nandiyan siya, malamang, yun na ang nakikialam sa paparating kong kasal. baka ini-scrutinize na ang boypren ko nang bongga. kakausapin niya siguro, one on one conference over san mig light. tapos pa-text text din siguro kung kelan ang uwi ko sa bahay niya. o kung kelan dadalaw si ej sa kanya. papayagan ba ako nun na bumukod? malamang, hindi. kuripot yun, e. sasabihin nun, sayang pa pangrenta, pambayad sa meralco, nawasa. dito ka na lang.

so hindi ako magkaka-love life ever. kasama ko sa Ermita yung mga manang at manong kong pinsan. dadalas siguro ang away namin ni daddy tungkol sa pangangarera niya. part ng kita ko, mapupunta sa kabayo. kaya mahihilig siguro ako sa tapa ng kabayo.

ano na kaya ang itsura ng tatay ko ngayon? kalbo na, malamang. dati kasi me butas-butas sa buhok yun e. pinapalagyan pa niya ng iodine sa akin 'yung bawat butas bago siya magsumbrero at lumabas ng bahay. payat pa rin 'yon malamang. wala yata sa kanilang magkakapatid ang mataba. tingting ang hita at binti. maputi pa rin. malamang mas matangkad na ako sa kanya.

kung nandito pa siya, ang ireregalo ko sa kanya, yung electronic cigarette. mahal 'yon, mga dalawang libo. pero malamang kasi, di pa rin tumitigil ang tatay ko sa paninigarilyo. kaya 'yan na lang ang ireregalo ko sa kanya. 63 na siya, dapat maghusto na siya sa yosi, ano?

magyayaya yun mamasyal ngayong fathers' day. nung bata kami, bihira kaming mag-out of town. andami naming magkakapatid kasi, siguro kapos sa budget.

dadalhin ko siya sa silang, cavite. parang tagaytay na rin ang place na 'yon. ikakain namin siya sa isang healthy na kainan. kasi tadtad na siya ng sakit. sakit sa atay, baga, bato, apdo, balun-balunan, sakong. diabetic din siya. akala ko dati, normal na nilalanggam ang ihi ng isang tao. kapag me langgam ang toilet bowl, alam kong tatay ko ang last na umihi. akala ko normal yun. maski siya, walang alam sa mga sakit niya.

kung buhay pa siya, magpapa-party ako. fathers' day party. isasama ko ang uncle ko. ayan, para isang party na lang sa lahat ng tatay sa pamilya ko at sa pamilya ni poy.

PAPARTY. Puwede.

Tuesday, June 12, 2012

A Day with Mr. D

By Beverly W. Siy

He smiled at me then showed me his penis. Ops, I said. That was way below the belt. So I sent him to jail.

It was a sweet summer day of 2010. I was in a hurry to get to the LRT Station in Katipunan. There was a guy near the waiting shed who smiled at me then pulled up his shirt that covers his unzipped pants. Boom. There it was.

The tiniest penis in the planet.

Don’t get me wrong. It wasn’t the gargantuan disappointment I felt instantly that made me decide in sending him to jail.

I walked past Mr. D (short for Disappointing) then I looked back to check. He might have followed to entice me with his mini titi. He wasn’t. He was standing on the same spot observing women walking past him. When a woman in a knee-length skirt passed by, Mr. D pulled up his shirt again. The woman ignored him; she didn’t even turn around to take a second look.

Then Mr. D went near a teenage girl who seemed to be waiting for a jeepney ride. He was still holding on the edge of his shirt. I looked around in a hurry. There weren’t any policeman or security personnel nearby. Hey, there’s this shameless guy who’s about to showcase a nasty black wriggly worm to a minor. That will be way, way below the belt. I thought I had to do something.

I hurriedly walked towards the intersection of Katipunan and Aurora where a police outpost was located. I dashed in and found a policeman in his undershirt.

And in his dark blue pants, of course.

He was watching TV as I reported the event. He replied, “The roaming team is still roaming around. You better wait.”

Right.

Okay.

So I sat there wishing Mr. D had not abandoned his post yet. After 20 minutes of waiting and watching TV with the helpful police guy, the roaming policemen arrived. I got in their car and off we drove to the waiting shed. Imagine my joyful squeak when I spotted Mr. D.

A policeman immediately got off the car and approached him. He pulled up Mr. D’s shirt. Boom. There again was the Philippine’s newest entry to the Guinness Book of World Records for small things.

Mr. D was arrested. And we were brought to the Police Station 9 along Anonas Street (which was a two-minute walk from my house.)

Mr. D turned out to be a 27 year old vendor from Marikina. He had a record in Quezon City Jail for possession of illegal drugs. The police asked if he was in drugs. Of course, Mr. D denied. That morning it was just marijuana, he said.

I was interviewed while he was ushered into the cell. Then, we were escorted to Quezon City Hall to file a case against him. The interviewer, after consulting the fiscal, declared that Mr. D’s crime was Immoral Exhibition found in the Article 201 of the Revised Penal Code. I signed several documents before I was allowed to go home. Mr. D stayed with the police.

What a day, really.

But it was perfectly fine with me. Justice was one of the reasons why I wanted Mr. D to get jailed. He did me wrong. He must pay for it. And oh, by the way, I’ve always been victimized by random exploits of “sex maniacs.”

When I was a skinny teenager, my flat breast was sideswiped by some shitty guy inside the Star City’s Haunted House attraction. I didn’t see who did it. Even if I did, I’d probably just shut up and exit the house. I didn’t know what to do or say anyway. Should I scream? Should
I head butt that person?

When I was working as a waitress in Malate, I walked every night from the main road to a side street to get to our restaurant. One time, I saw a middle aged guy biking towards my direction. When he got near me, he touched my breast. I was so shocked. Of course, I never thought he'd do that. And most of all, I never thought someone in a moving vehicle can actually commit sexual harassment to pedestrians like me.

I turned around, expecting him speeding away because of fear. But he wasn’t. He biked in the slowest possible manner and he even had the nerve to turn his head and take a look at me. I wanted to run after him but I knew he would just pedal away. I wanted to throw stones at him but there wasn’t any where I stood. I could have used my coin purse but the fifteen one-peso coins were the only money I had.

When I was a volunteer storyteller at the National Children’s Medical Center, I experienced sexual harassment inside a jeepney on my way to a session. A yuppie sitting next to me "secretly" touched the side of my breast. Yes, it was, again, my breast. (What’s with the breast, guys? No, really. A bunch of cells, tissues and fats topped with a smaller bunch of tissues and cells, what’s the fuss?) Anyway, this time, I fought back. I shouted at him: BASTOS! Then I bullied him to get off the jeepney. He did. But throughout the trip, all of the passengers were staring at me. Waah. Was I the bad guy here?

Some people think that touching someone’s body part as a joke or just for “good time” is okay and should not to be taken seriously. I totally agree.

IF I am the “toucher.”

From the “touchee’s” point of view, it’s always more than that. It’s not a joke and it can never be for “good time.” Sexual harassment causes more than stress to women.

So guys, spare us! More exclamation marks needed here.

Back to Mr. D, after a few months, two hearings were held. The judge commended me for my attendance. He said, after filing their cases, most women don’t bother to pursue them. So cases were usually dismissed, the suspects were set free. I was different, he said. I was more determined.

I brimmed with pride. I thought, hey, this is the 21st century way of fighting for women’s rights. And for that, I held my chin high.

Then the judge declared: But, Ms. Siy, you filed the wrong case.

My chin fell on the floor.

Mr. D’s lawyer (from Public Attorney’s Office) said that Mr. D would be given the more appropriate (but milder) case and if he admitted his guilt, his sentence would be down to six months of imprisonment.

Well, that was fair enough for me. But I threw in a short prayer: Mr. D, have a change of heart. Don’t commit that crime EVER again.

So from April to November 2010, Mr. D spent his sunny days in Quezon City Jail.

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...