noong isang gabi, napanaginipan ko si colay. nag-uusap daw kami, kalmado naman kami at ang paligid.
unfortunately, wala na akong maalalang detalye.
pero isa ang malinaw, naroon si colay.
pero ngayon, a few days after, nagdududa na ako kung panaginip nga ba iyon o imahinasyon ko lang, aktibo, hyper-active actually, gumagana. tangina naman kasing rehimeng duterte iyan, andumi. ayaw lumaban nang parehas. natatakot tuloy ako para sa kapatid ko. tatlo na raw ang nababaril sa may bandang lopez at sa mismong lugar nila. yung isa, lumuwa ang mata pagkabaril sa kanya. pero buhay. nasa isang ospital daw sa maynila (sa las pinas nangyari ang pagbaril). gustong-gusto kong magsulat tungkol sa napakaruming laro na ito ni duterte, kaso hindi ko magawa. anlakas ng kutob ko na mahahagip kami ng pakulo na ito ng kasalukuyang presidente.
sana talaga, may magsimula ng call for impeachment o resignation. hindi puwede sa pinas ang ganyang lider, mamamatay tayong lahat diyan. baka mangalahati tayo. e baka nga yan ang vision niya para sa bayan na ito, haha, patay tayo diyan. bat gumagamit pa siya ng baril, mahal pa ang bala. sayang ang buwis na ibinabayad ng karaniwang mamamayan, sayang ang pera.
lasunin na lang niya ang kalahati ng populasyon, ang 50 million. tipid pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment