Wednesday, December 29, 2010

trip-trip lang 1

may nakasakay ako sa dyip kanina. babaeng sobrang dami ng silver sa katawan tipong pag tinamaan siya ng sinag ng araw, mas mukha siyang asoge kesa tao.

may kuwintas siyang kasingkapal ng dalawang daliri ko pag pinagpatong. ang pendant niya, silver na otap.

may hikaw siyang loop. malaki rin. parang bangles sa laki. bangles sa tenga?

at eto ang malupit: sa isang kamay niya ay mayroong tatlong singsing na malalaki at iba't iba ang design: ahas na para tuloy nakapulupot sa hintuturo, kuwago na brilyantitos ang mga mata at isang rose. metallic rose. animal activist kaya ang babae?

sa isa pang kamay niya, tatlo uling singsing na ganito naman ang mga design: babaeng naka-side view at naka-beach hat, (yes. ganyan kalaki ang design. beach hat talaga.) chicken wire na makapal at ang panghuli, bungo. itim na itim ang mga mata. ng bungo.

nakahinga ako nang maluwag nang pagtuntong ng mata ko sa kanyang mga daliri sa paa ay wala itong anumang aksesorya kundi ang kyutiks na pula.

makutitap lang naman kung marami siyang suot na ganito. mabuti nga dahil silver lang dahil hindi siya mahoholdap. hindi rin naman nakakaabala sa iba ang pagsusuot niya ng mga binanggit ko. at lalo namang hindi ikamamatay ng ibang tao o hayop pa nga ang ginagawa niya.

pero ang tanong: bakit may ganitong pangangailangan sa silver ang babae sa dyip?

may agimat ba ang silver? makakain ba ito? makakagamot ng kanser?

a, baka naman negosyante ang babae. at katulad ni kris aquino na imino-model ang lahat ng ine-endorse na produkto, heto ang babae, ginawagang display at showcase area ang sariling katawan.

sa susunod na makasakay ko siya, magtatanong na ako. ale, baka meron kayo diyan, 'yong puwedeng hulug-hulugan?

things to do

mahilig akong gumawa ng ganitong listahan.

kasi kapag wala nito, nauubos ang oras ko kaka-facebook. kaadik talaga ang gawaing yan. bat ba naimbento yan? para siguro yamutin ang mga employer.

para sa 2011

-tapusin ang masteral
-gawin ang paper sa mga inc. kahit yun lang. saka na ang mga exam-exam at pagpepenalty course
-mai-enrol si ej sa magandang eskuwelahan
-idemanda ang tatay ni ej
-magsulat
-magsulat ng tulang pambata particularly
-mag-invest sa stocks
-bilisan ang pagpapa-publish ng it's a mens world
-i-conceptualize ang ikatlong libro
-tapusin ang sopas 2
-ilabas ang zambales book (long overdue)
-tumanggap ng maraming raket
-makipagbati kay mami
-maghanda para sa 2012, yehes maka-graduate lang ako, patay kang 2012 ka
-magpa-publish ng mga tula


lord, bless this list. tulungan mo ako, please. last year wala naman akong list e. sige na. sige na.

amen. bring it on, 2011.

a thank you letter

maraming salamat, 2010.

marami akong natutuhan sa 'yo.

tungkol sa sarili ko.
tungkol sa pagiging nanay.
tungkol sa pagkakaroon ng EJ.
tungkol sa relasyon. sa pakikipagboypren.
sa pamilya.

tungkol sa pag-asa.

bagama't marami akong di nagawa at di natapos,
masaya pa rin ako. masaya ako na magwawakas ka na, 2010.

dahil ang pagwawakas mo ang hudyat ng muli kong pagsisimula.

Wednesday, November 3, 2010

Not so beri good

Lumuwas kami noong 1 November 2010 dahil may pasok na si EJ nang November 2.

Gumising ako nang maagang-maaga dahil baka inanunsiyong bigla na holiday na nga ang November 2.

Pero sabi ng mga newscaster na borderline na ng mga loudmouth na tao sa pagnanasang maging energetic ang dating nila sa umaga, ipinagmamalaki raw ni P-Noy na hindi niya idineklarang holiday ang araw na ito.

Okey. Fine. Tama nga naman. Dapat maging produktibo kahit araw ng mga kaluluwa. Ilang araw nang bakasyon ang sangkapinoyan, di ba?

Nagpainit ako ng tubig at naghanda ng makakain ni EJ. Inilabas ko na ang mga isusuot niya, polo, pantalon, (na pinlantsa ko kagabi) sando, brip at medyas.

Ginising ko na si EJ at pinakain ng cereal at isang pirasong cupcake (hindi po ako marunong magluto).

Lulugo-lugo siya. Pero HOY, KELANGAN MONG MAG-ARAL, BATA KA!!!

Kaya ayun, kumain, naligo, nagbihis at pumasok na siya sa eskuwela.

Pagsapit ng alas-nuwebe, nang dalhan siya ng meryenda sa eskuwela, kinuha niya ang kanyang bag at naglakad palabas ng eskuwela, dire-diretso hanggang sa makarating sa bahay namin.

Bakit, oh no?

Wala na raw klase. Wala raw ang mga teacher. Nagmi-meeting. Baka nagkukuwentuhan ng ghost stories nung Undas. O kaya nagpapayabangan sa kung anong inihanda para sa kanilang mga yumao sa buhay noong dumalaw sila sa sementeryo.

Kaya walang gagawin sa eskuwela ang mga estudyante.

Kaya pinauuwi na lang sila.

Pero tanging ang mga may sundo lang ang puwedeng umuwi. Kaya ang mga walang sundo na gumising nang maaga para mag-aral at matuto ay naiwan sa eskuwela. Magkukuwentuhan silang magkakaklase na pawang mga gumising din nang maaga para mag-aral at matuto hanggang sa mag-ring ang bell at oras na para umuwi.

Mahusay. Kapaki-pakinabang. Napakaproduktibo talaga ng school days sa public.

I-enrol n'yo na ang mga anak ninyo dito, pipol. Sulit na sulit. Ramdam ninyo ang ibinabayad ninyong buwis.

Tuesday, October 26, 2010

Beri Good, DepEd

Nagulat ako nang ianunsiyo ng DepEd sa TV na walang pasok ngayon.

Bakit?

E, ang pagkakaalam ko, wala naman na talagang pasok ang mga bata. Iyon kasi ang sabi sa akin ni EJ, ang anak kong Grade VI student sa Quirino Elementary School, noong Biyernes pag-uwi niya galing school.

Wala na nga raw pasok at 2 November 2010 na ang balik-klase.

Kaya naman umalis na kami ng QC at nagpunta sa isang liblib na lugar sa Luzon.

Ako na lang ang kailangang lumuwas para magtrabaho ngayong linggo na 'to.

So, ayun na nga. Kung talagang wala nang pasok, bakasyon na, sembreak na, e bakit kelangan pang mag-announce ng DepEd sa TV ng ganon? E, di ba awtomatiko na iyon?
Kasi kung hindi, kailangang abangan ang bawat anunsiyo na ilalabas nila sa TV.

Okey lang iyon kung nasa bahay ka lang. At sige na nga, palampasin na 'yong 5am ka gigising kung 6am ng umaga ang pasok ng anak mo para abangan sa TV kung may pasok nga o wala sa araw na 'yan.

Pero paano naman 'yong umuwi na ng probinsiya? O kaya ay may pinuntahang kamag-anak o lugar na malayo sa eskuwela? E di kelangan na nilang umuwi ngayong gabi pagkatapos ay tumututok sa Balita channel at pakinggang mabuti ang lahat ng sasabihin ni Mike Enriquez regarding sa abiso ng DepEd para lang malaman kung may pasok o wala?

E, nasaan naman ang sistema riyan?

So ang ginawa ko ay tumawag ako sa DepEd: 6361663

Nakita ko ang number na ito sa diyaryo dati pa. Nakalimutan ko na kung ano ang isyu that time. Baka baha o bagyo.

Ang unang nakasagot sa akin ay isang lalaki.

Wala siyang matinong kongklusyon kung may pasok o wala. Kesyo kelangan daw abangan ang sasabihin ng eskuwela. Puntahan ko daw ang eskuwela. Kasi baka raw ginamit ang eskuwelahan bilang botohan. Kaya puntahan ko na nga raw bukas. I-check ko raw kung puwede nang magklase. Kung puwede naman nang magklase, magkaklase ang mga teacher.

Ang galing.

Are you DepEd, Sir? E ba't pa ako tumawag sa 'yo, di ba? Kung iyan din lang pala ang ipapayo mo sa aken? Siyempre, silent munimuni ko lang 'yan.

Gigil na gigil na akong ibaba ang phone pero hindi ako sumuko. Nararamdaman ko na ring gumagapang ang inis sa boses niya. Ako lalo na, kasi naeengotan na ako sa mga sagot niya, pero hindi ko ipinahalata. Talagang kelangan ko lang malaman kung luluwas na ba kaming mag-ina ngayong gabi o hindi pa.

Pero inaamin kong masuwerte rin ako at naroon pa sila sa opis. Ngayong past five ko na lang kasi naalala na tawagan ang DepEd. Hindi ko rin naman alam ang phone sa eskuwelahan ng anak ko. So no choice din ako kundi tawagan sila.

Sabi ko, Sir, wala po kami sa Maynila. Hindi ko po alam kung may pasok ang anak ko bukas. Samantalang sabi ng teacher niya, wala na raw.

E, iyon naman po pala. Sinabi na ng anak ninyo na walang pasok, e.

Ha? So okey lang na mag-rely ako sa sasabihin ng anak ko? Siyempre hindi ko tinanong kay Sir iyan.

E, kung wala naman po talagang pasok, bakit po kailangan pa po ninyong i-announce sa TV na walang pasok?

Para kasi sa mga teacher iyan, Miss. Ina-announce na wala pa silang pasok ngayon kasi pagod pa sila.

Ha? E, paano kapag di na sila pagod? E di biglang mag-aannounce ang DepEd na may pasok na nga uli? Siyempre di ko pa rin sinabi ito kay Sir.

Ibig po ba ninyong sabihin, depende po kung ginamit ang eskuwelahan bilang botohan o hindi?

Ganon nga. Kaya kelangan talaga sa eskuwelahan kayo magtanong.

Ha? E, kung sa eskuwelahan naman pala, bakit kailangang mag-isyu ng announcement ang DepEd over nationwide TV? Anak ng taragis, oo. E, di sana ang abiso na lang nila, abangan ang anunsiyo ng kani-kanilang eskuwelahan sa pagbabalik-klase.

Ayun, e di mas malinaw!

Anyway, nakulili na siya sa wakas.

So, may tinawag siyang babae. At iyon naman ang kumausap sa akin.

Huwag kayong mag-alala, dear readers. Kung anong mga argumento at rason ang ibinigay sa akin ng lalaki kanina, iyon din ang sinabi ng babaeng ito. Ika-copy paste ko na nga lang sana ang nasa itaas, e. Pero huwag na. Sayang pa ang space. Basahin na lamang muli kung nais pang ma-entertain. Imadyinin na lang na babae this time ang nagsasalita ng mga salitang iyan.

Pero ako pala ang nagbago. At this point kasi, ipinahalata ko nang namimilosopo na ako nang bonggang-bongga.

In fairness naman, may binanggit itong si Mam na hindi binanggit ni Sir. Ang school calendar.

Pare-pareho po ba ang school calendar ng mga eskuwelahan sa buong bansa? tanong ko.

Oo.

So batay po sa kalendaryong ito, may pasok po ba ngayong linggo o wala?

Alam mo, may mga pagbabago kasing naganap. 'Yong kahapon tsaka ngayon.

Okey po. Okey po. Ipasok po natin ang pagbabagong iyon. Kasama po iyong barangay elections kahapon at 'yong kawalan ng pasok ngayon, may pasok po ba bukas?

Patlang.

Alam mo hindi namin masasagot iyan. Kelangan mo talagang pumunta sa eskuwelahan.

Mam, iyon na lang po. May pasok po ba this week batay diyan sa binagong kalendaryo na 'yan?

Patlang

Mam?

Alam mo, kasi, 'yong ibang eskuwela, kapag walang pasok nagde-declare pa rin silang may pasok para mag-make up classes. Baka mag-make up class sa eskuwela ninyo.

Nako. Lalo na akong nalito. Anak ng botyog. Kahit ideklara, halimbawa ng DepEd na wala nang pasok, kapag sinabi ng eskuwelahan na may pasok, me pasok pa rin?

O, baliktarin naman natin. Halimbawa, ideklara ng DepEd na may pasok sa partikular na araw na ito ngunit nagdeklara ang eskuwelahan na walang pasok kasi sobra na ang magmake up classes ng mga bata, sobrang genius na sila kahit iyong nasa lowest section na nasa fourth row at 146 silang estudyante sa isang classroom.

Sino ang masusunod?

Tagisan ba ng bagang ito? DepEd sa eskuwela?

Anyway, ako, e, di kelangan na talagang umantabay sa gate ng eskuwelahan ng anak ko para dito. Bukas ng 6am. Ayokong maka-miss si EJ ng kahit na make up class lang. Sayang, aba. Anlaki ng tax na ikinakaltas sa akin, e.

So umagang-umaga, bukas, gigisingin ko siya para magsepilyo, Tapos pakakainin ko siya ng cupcake at saging habang naghihintay na uminit ang tubig pampaligo. Tapos ako ay maglalakad papunta sa eskuwela nila para makiramdam kung me pasok nga o wala.Sakaling hindi rin alam ng ibang magulang na mauuna sa akin o makakasabayan ko kung me pasok o wala, uuwi na lang muna ako. Para sabihin kay EJ na, di tayo sigurado, e. Kaya pumasok ka na lang, anak.

Resigned na ako sa kapalaran ko. Ganyan ang maging nanay, e. Part talaga ang mga DepEd induced pains and headaches and backaches and exhaustion.

So sabi ko sa kausap ko sa phone, sige po. Salamat na lang po.Puwede ko po bang malaman ang pangalan ninyo?

Sa Text Messaging Central Office po ito ng DepEd.

A, okey po. Sino po sila ulit?

Sa Text Messaging Central Office nga ito ng DepEd.

Opo. Ano pong pangalan nila, Mam?

Saan ba nag-aaral ang anak ninyo?

Quirino Elementary School po. Maagap na maagap akong sumagot. Nagliliwanag na ang kinabukasan naming mag-ina. Kako, may tao po ba doon ngayon kung tatawagan?

Oo. Meron 'yan. Akin na po'ng phone number ninyo, itatawag namin sa inyo mamya kung anong sabihin doon.

Sinabi ko naman, maagap na maagap din. Ibinigay ko ang cellphone number ko. Tapos nagpasalamat ako.

After 15 minutes, nagring ang cellphone ko. Si Sir! Ang lalaking sumagot sa aking tawag kanina.

Hello, kayo po ba ang tumawag sa amin?

Opo.

Sa Nov. 2 na raw ang resume ng klase ninyo.

Ayun!

Kaya naman super salamat sa Text Messaging Central Office ng DepEd.

Biruin ninyo, nakaligtas kami ng isang malaking aktibidad sa kalsada na kung tawagin ay pagluwas.

Hey, I really mean it. Thankful talaga ako. Talagang tumawag pa sila, e.Sa cellphone pa. Sana lahat ng ahensiya ng gobyerno, ganito ka-accommodating, ano?

MORAL LESSON: Pag tumatawag sa opisina ng gobyerno, alamin ang pangalan ng kausap mo. Para mangingimi siyang magpa-lousy-lousy sa pagsagot-sagot sa 'yo at nang makamtan ang inaasahang serbisyo-publiko!

Monday, September 27, 2010

hikaw at ako

23 September 2010
Opis, FILCOLS

Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng matinding realization tungkol sa sarili ko, of all places, sa harap ng tindahan ng mga hikaw.

Araw-araw, pag papasok ako ng opisina, nadadaanan ko ang mga tindahan ng hikaw (at bimpo, headband, tsinelas, modern medyas for the working women, blouse, nipper, hair clip at iba pa) sa ilalim ng Boni MRT Station. Sa araw-araw na ito, imposibleng hindi ako lilingon sa mga hikaw habang naglalakad ako papunta sa sakayan.

At kapag may panahon ako, madalas uwian time, titigil ako at titingin. Hihipo. Pipili. Magtatanong ng presyo. Itataas ang hikaw sa tapat ng butas ng tenga. Titingin sa salamin. Ibababa ang hikaw. Titingin-tingin. Hihipo. Pipili. Aatras. Lilipat sa ibang puwesto. Titingin. Hihipo. Pipili. Tatalikod. Aalis.

Oo. Wala akong binibili.

Hindi ko akalaing ang ganitong gawain ay sintomas pala ng napakalaking problema.

Kagabi, sa harap ng daan-daang pares ng hikaw na perlas, plastic, clay at beads, gawa sa China at Korea at kung saan-saan pa, natanto kong hindi pala ako marunong gumawa ng desisyon.

Lalong lalo ka na kung maraming pagpipilian.

First time kong magtrabaho sa isang organisasyon na dalawa lang ang empleyado. Ang boss ko at ako. Siya, isang taon na sa trabaho niya. Ako naman, tatlong buwan pa lang.

Parang NGO ang set up namin. Good. May advocacy. Good. Para sa mga manunulat. Lalong good.

Dahil dalawa lang kami na laging magkasama, naoobserbahan akong maigi ng boss ko. Isa sa mga observation niya ay nakayanig sa akin noong marinig ko.

Bebang, hindi ka marunong mag-decide.

Tumawa lang ako.

Kasi tuwing tatanungin niya ako ng “ano sa tingin mo?”
Ano sa palagay mo?
Alin ang dapat unahin?
Saan tayo dadaan, sa EDSA o sa White Plains?
Kakain na ba tayo o mamaya na?
Sasama ka ba sa conference o hindi?

Ang lagi kong sagot, kayo po. Kayo pong bahala.

Siya ang pinagde-decide ko. Kahit na ipinagkakatiwala niya sa akin ang kapangyarihang magdesisyon.

Natatawa lang ako kapag sinasabi ito ng boss ko. Hindi ko sineseryoso. Para sa akin kasi, maliit na mga bagay lang iyon at hindi na kailangan pang ako ang magdesisyon.

Siguro kaya rin kami nagtagal ni Joji (halos walong taon). Para siyang tatay ko. Siya ang nagde-decide para sa akin. Para sa amin ni EJ. Hindi ako conscious noon na siya lagi ang taga-decide pero gusto ko ang ganong set up. Mabilis na lumipad ang halos walong taon. Hindi ko naisip na may masama palang epekto sa akin ito.

Paano na ako? Ngayon na hinihingi na ng panahon at pagkakataon na ako ang gumawa ng desisyon?

E, hindi ako marunong. Hindi ako marunong sa maliliit na bagay: kakainang restaurant, kulay ng headband, hihiramin na DVD (si EJ ang in charge dito), papanooring sine.

Paano pa sa malalaki?

E, bakit nga ba ako naduduwag magdesisyon?

Bakit sa harap ng mahal at mura, maganda at pangit, makulay at boring na mga pares ng hikaw, hindi ako makapili ng bibilhin?

Kasi ayokong magkamali. Kasi alam ko, gagastos ako. Mawawala ang sampu hanggang trenta’y singko pesos ko dahil sa pagbili ko. At ayokong magkamali. Ayokong pagsisihan ang mabibili ko. Na matutuklasan kong pangit pala pag malayo, pangit pala pag malapit, madali palang mapigtal ang bulaklak na design, mabilis palang mangitim ang perlas, masyado palang maluwag ang pakaw, hindi pala bagay sa akin, mukha pala talagang mumurahin, masyadong maliit, masyadong malaki o masyadong mabigat, hindi ko kayang dalhin literally at metaphorically.

Kaya ayoko. Masaya na ako sa ginawa kong pagtingin-tingin, paghipo-hipo, pagpili-pili. Para walang maling desisyon.

‘Yon nga lang, wala rin akong hikaw.

May mga hikaw ako sa bahay pero halos lahat ay bigay lang, regalo, bili lang ng ibang tao para sa akin o pamana ng mga kapatid kong kikay.

At hindi puwedeng ganito na lang lagi.

Lalo na kung gusto ko ng hikaw. Kailangan, magkaroon ako ng hikaw na ako mismo ang pumili at bumili.

Weno kung pangit pala pag malayo, pangit pala pag malapit, madali palang mapigtal ang bulaklak na design, mabilis palang mangitim ang perlas, masyado palang maluwag ang pakaw, hindi pala bagay sa akin, mukha pala talagang mumurahin, masyadong maliit, masyadong malaki o masyadong mabigat, hindi ko kayang dalhin literally at metaphorically? Weno naman?

Ang importante, pumili ako, bumili, gumawa ng choice, nagdesisyon. E, ano kung mali? Ikagugunaw ba iyan ng mundo? E, ano kung mali?

At kung mali nga, at least, matututo ako. Na ang ganito-ganyan palang hikaw e… pangit pala pag malayo, pangit pala pag malapit, madali palang mapigtal ang bulaklak na design, mabilis palang mangitim ang perlas, masyado palang maluwag ang pakaw, hindi pala bagay sa akin, mukha pala talagang mumurahin, masyadong maliit, masyadong malaki o masyadong mabigat, hindi ko kayang dalhin literally at metaphorically.

Diyan naman natututo ang tao na gumawa ng tamang desisyon. Sa mga maling desisyon.

Wrong moves are part of life. So bakit ko iiwasan?

Kagabi, pag-uwi ko at habang naghihilamos na sa bahay, napahawak ako sa mga tainga kong hubad sa hikaw maghapon.

O maghanda kayo, kako. Bukas na bukas din, sa mga butas ninyo, may ipapasak akong bago.

Ay. Bastos.

Sunday, June 20, 2010

What is irony?





Sa kurso kong MA Filipino major in Panitikan at BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino, tinuturuan kaming kilalanin at pahalagahan ang natatagong husay at kapangyarihan ng mga akdang popular. Basa kami nang basa ng kung ano-anong teorya (karamihan ay nasa wikang Ingles kaya madalas na nagdudulot ng balinguyngoy, nose bleed,hello, sa sinumang babasa, lalong-lalo na sa akin) para lamang magawa ang pagtatangi sa mga akdang popular.


Tinuturuan kaming tingnan ang mga akdang popular bilang isang Narda/Darna chuvachuchu. Sa unang tingin ay isa lamang siyang karaniwang babae, na lumpo, na maganda, oo, maganda pero ganon lang, iyon lang. Ngunit kung oobserbahan siya at talagang susundan mula araw hanggang gabi, matutuklasan natin na she is more than that. Na may natatago pala siyang kapangyarihan. Na ginagamit niya para sa kabutihan, na ginagamit niya upang makatulong sa tulad niyang karaniwan at minsan sa tulad niyang lumpo. Bigla na lang siyang nagiging Darna. Makapangyarihan. Nagniningning at boobsie.


Pero ang katakataka dito, kapag ikaw na isang manunulat mula sa akademya ay nagsulat na ng mga akdang popular, ala, bigla-bigla, ay bababa ang tingin sa iyo, as in mawawalan ng respeto sa iyo ang mga kapwa mo manunulat na karaniwang mula rin sa akademya at higit sa lahat, hindi ka na kukunin sa mga seryosong proyektong pampanitikan. At sasama ang loob mo. Kasi, e ba’t ganon? Kasi pwe, di naman pang-intelektuwal iyang isinusulat mo, ching-ching-ching. E, ba’t nga ganon? Di ko alam.


Katulad ng di ko talaga alam kung paano ipaliwanag ang sagot sa tanong na What is irony?

Anyway, ang inaalala ko lang, baka manawa na ang mga Mars Ravelo na bigyan ng mahiwagang bato ang mga Narda ng panitikan.


(Ang larawan ay mula sa www.mangocomics.com/img/title_darna.)

Saturday, April 17, 2010

Ilang puntos

Curriculum Alignment, Curriculum Pacing and Curriculum Mapping
Lecture ni Prof. Allan B. De Guzman
Pan Pacific Manila, Malate, Manila Abril 17, 2010

Dapat mataas ang expectation sa mga estudyante. At dapat alam din ito ng mga estudyante.

Ang silabus ay isang learning contract. Kung ano ang nakasaad doon ay dapat natalakay o natapos sa isang buong semestre.

Pangit kung patse-patse o pira-piraso ang naituturo sa estudyante kasi hindi nakakamaster ang estudyante ng isang paksa.

Mas maganda kung may articulation system ang isang kolehiyo para magkaalaman kung ano-ano na ang mga natatalakay ng bawat isang guro at kung anong mga kasanayan na ang natututuhan ng estudyante.

Dapat aware ang teacher sa instructional framework na ginagamit niya. Kung case-based ba iyan or instructionist, multiple-intelligence based, apprenticeship at iba pa.

Dapat aware ang teacher sa MVGO (mission-vision-goals-objectives) ng college para naka-allign ang kanyang lessons at strategies doon. At para magagamit ng mga estudyante ang skills na matututuhan sa klase niya sa iba pang klase at pagka-graduate.

Mag-lecture ka lang kung wala ang ituturo mo sa libro.

Dapat personalized ang silabus para sa estudyante. Iyong para lang kinakausap ang estudyante.

Ilagay sa silabus ang mga sumusunod:

a. Anong gagawin kung naka-miss ng test ang isang estudyante

b. Maaari bang ma-late ang isang estudyante? Kung oo, gaano kadalas? May limit ba ito?

c. Pagpapakilala sa sarili bilang course facilitator

Tuesday, March 23, 2010

Mga Aklat, Sa ituktok ng Bundok








akala ko hindi na matutuloy ang proyektong mag-akyat ng aklat. dahil sa totoo lang, walang nagdonate. isa lang. si wennie lang. pero kabog ang lahat ng donors. one thousand na aklat naman.

kaya lang, naabutan ito ng pasko. naabutan ng prelims. naabutan ng pagpunta ni wennie sa us. naabutan ng isanlibo't isang dahilan para maantala ang proyekto.

kaya mabuti na lamang at hindi ako tinantanan ni ime. text nang text sa akin si ime kung kailan na ito matutuloy. noong pasko, bagong taon, valentine's day, at ngayon ngang marso. sabi niya, kahit wala nang programa para sa mga bata. tutal marso na. halos wala nang klase. makapag-turn over na lamang tayo. ito na lamang ang target namin.

kaya naman, sa bisa ng mga text at email at usap ay nairaos naman ang proyekto. Nasa baba ang detalye. Isang kaibigang manunulat ang sumulat ukol dito.

pero may ilang detalye ang hindi nabanggit sa artikulo. heto ang mga iyon:

1. kasama ko sina iding at poy. si iding at hindi si ej dahil si ej ay nananakit ang hita. nagkikiskisan na kapag naglalakad dahil sa taba. si poy ay hinatak ko lang. natakot kami ni ime na dalawa lang kaming magbubuhat ng mga libro. kaya kahit sobrang abala sa troyanas si poy ay pinilit ko siyang talaga. pareho kaming tingting ni ime. isang libong libro din iyon, hello.

kaya maraming salamat kina iding, na nagbuhat ng dalawang kahon nang kantiyawan kong hindi na pala siya kailangan doon, at kay poy, na nagbuhat din, nagtala ng bilang ng aklat, nakibulatlat ng mga aklat para sa klasipikasyon ng mga ito at tagakuha ng mga larawan.

2. pagdating sa wawa, naroon pala at naghihintay ang apat na guro na siyang tumulong sa amin sa pagbubuhat at pagbibilang at pagsasalansan kung alin ang pang-high school at alin ang pang-elementary. maraming salamat po sa inyo.

3. ito ay proyekto din ng dagdag dunong project. si russell mendoza, ang aking boss, na umuwi from canada, ang isa sa mga pumirma sa sertipikong inihandog sa donor (c/o wennie) ang languages area, faculty of engineering, ust.

maraming salamat, wennie, sa paniniwala at pagkilos para dito at kay ms. becky na ang tunay na pangalan pala ay ma. corazon. kamusta naman, ang layo sa palayaw. thank you, becky, sa pag-asikaso sa amin nang sinusundo na namin ang aklat mula sa inyong building.

maraming salamat din, russ, sa pagkakataong ibinigay mo sa akin noon at hanggang ngayon na makatulong sa kapwa. kung hindi dahil sa iyo, hindi ko mauumpisahan ito ang mga susunod pang proyekto.

4. pagkatapos ng pormal na turn over ay ipinasyal kami ng wawa group sa wawa river/dam. napakaganda ng lugar. isa ito sa pinakamagagandang lugar na napuntahan ko. nakakaintriga din ang mga butas sa bundok. parang ang sarap manguweba. nangako kami nina wennie na babalik kami. promise. at kahit may hadhad, kakaladkarin ko talaga doon si EJ.

maraming salamat po kay sir jim, ang aming instant tour guy.

5. siyempre, hindi ito mangyayari kung wala si ime. si ime ang nagdala sa amin sa wawa. marami akong natuklasan at natutuhan. salamat, ime, ha? sa uulitin. pagpasensiyahan mo na ang kabagalan ko.

6. para sa artikulong mababasa ninyo sa ibaba, salamat kay abet umil. at salamat din sa mga nagkomento sa kanyang blog. nakakataba talaga ng puso.

more projects to come para sa atin!


Akyat-Aklat ni Abet Umil

“Nasa mataas na lugar ang community. Malapit sa Wawa dam/river. Sa mga bundok sa Rodriguez, Rizal (setting ng alamat ni Bernardo Carpio). Pag akyat mo, makikita mo ang gilid ng bundok na may quarrying operations. Nasa baba ang ibang mga bahayan, sa may bangin,” paglalarawan ni Ime Aznar sa pinuntahan nila noong Marso 14, 2010.

Kasama niya sina Babe Ang at Wennie Fajilan, mga guro sa isang Katolikong pamantasan.

Kulang-kulang dalawang oras nilang biniyahe ang sementadong kapatagan galing Quezon City at Maynila.

Alas-9:30 n.u., naakyat nila ang Wawa Elementary School (WES). At sa di kalayuan ang Wawa High School (WHS) sa Bgy. San Rafael. May pitong kilometro ang layo nito sa kabahayan. Nilalakad lang ito ng mga bata para makapasok. ‘Yong iba ay wala, o kaya ay sira ang tsinelas.

Tumatawid sila ng ilog at bundok para makarating sa eskuwela.

Katatapos mag-inat ng araw. Pasigabo ang salab nito sa balat ng mga nagbubuhat ng humigit-kumulang sa dalawampung kahon. Mga aklat ang laman. Dala ng grupo nina Ime.

Karaminihan ay textbooks. History, Filipino, English, Science. Mayroong mga brand new. Pero karamihan ay segunda, pang-elementari at hayskul.

Ang init na ipinawis at bigat na nagpakuba sa mga tagabuhat ay lalong nagbigay-kabuluhan sa tulung-tulong na sakripisyo para sa kawanggawa.

Hindi narinig sa araw na ‘yon ang sabay-sabay na “welcome, Mam, welcome, Sir!” ng mga estudyante. Pati di magkamayaw na ingay pag recess ay wala. Linggo kasi. At laban ni Manny Pacquiao kay Joshua Clottey.

Malugod silang sinalubong nina Principal Mercy Gutierrez, WES; Ritchelle Yorsua, English teacher sa WHS at dalawa pang kapwa guro nila.

Ayon sa kanila, “meron naman ginagawa ang LGU at DepEd. Kaya lang, lumalaki din ang population every year. Kaya kinakapos pa rin sa books. Medyo nali-lessen naman ang problema. ‘Yon nga lang, di pa rin 1:1 ang ratio ng books at mga estudyante."

“Hekasi at iba pang Makabayan subjects, kulang ng libro. Other subjects, okey na. Many books were washed out by the typhoon,” dagdag ni Principal Gutierrez.

Mga kaibigan ko sina Ime at Babe Ang.

Bukod sa pagiging ina ni Ime, guro ni Babe Ang, sila ay mga kapwa manunulat din.

Pagkatapos ng limang taon mula nang magsama kami sa isang short film, isang gabi ay natiyempuhan ko si Babe Ang sa 1962, bar na tambayan ng artists, writers, at journalists.

Hinihintay niya si Ime nang gabing ‘yon at naikwento niya ang proyekto nila.

Nanawagan sila ni Ime ng paghingi ng donasyon ng mga libro pagkatapos ng Ondoy habang si Wennie naman ay bahagi ng Book for the Barrios, Outreach Program ng mga guro sa Faculty of Engineering ng UST.

Naimungkahi ni Babe Ang kay Wennie na ang gawin na lamang na benipisyaryo ay ang Isang Bata, programa ni Ime, at doon idonasyon ang mga aklat na naipon nina Wennie.

Ganun ang bahagi ng katuparan ng proyektong "Mag-akyat ng Aklat sa Wawa."

“Pangangalakal ang isa sa ikinabubuhay doon. ‘Yong pagkuha ng mga prutas at gulay sa bundok. May mga nag-uuling din. Kalimitan na 'yong pinaghahanapbuhay ng magulang ang mga anak.

“Nagbubuhat ang mga bata ng sako-sakong kalakal o uling galing sa bundok pababa sa bayan. Kaya minsan, ang mga bata ay hindi nakakapasok. At marami sa kanila ay bansot. Under-nourished na, overworked pa sa pagbubuhat ng napakabigat na mga sako,” kuwento ni Ime.

Matapos ang pagtanggap sa kanila, biglang nawala si Principal Gutierrez.
Pinatawag pala sa pamumudmod ng mga bag para sa mga estudyante. School bag na may mukha ng tatlong politiko. “Ang nakakalungkot,” sabi ni Babe Ang, “ay patapos na ang klase. At panahon ng eleksiyon.”

Hindi lamang mga aklat ang kailangan ng mga estudyante sa Wawa. Sa katunayan, ipinaabot pa ni Principal Gutierrez na malaking tulong din kung magkakaroon ng Breakfast Program sa kanilang paaralan.

Laganap at sagabal din kasi sa pagkatuto ng kabataan ang gutom at kahirapan.
Patse-patseng tipo ng solusyon lamang ang sigasig ng tatlong magkakaibigan.

Maaaring napangungunahan nila ang tungkulin ng mga opisyal ng Rodriguez. At kahit ng DepEd. Pero ang mahigit isang libong mga aklat ay posibleng tulong sa mga nakapaang estudyante ng Wawa na magiging propesyonal balang araw.

Mabisang gaspang ang mga kapabayaan sa sistemang bulok ng lipunang Pilipino.

At pinakakapal nito ang kalyo sa puso ng mga tiwaling opsiyal ng gobyerno. Pero pinananatiling nakadarama ang mga damdamin ng mga gaya nina Ime, Babe Ang at Wennie.

Hindi gaya ng mga laptop, bagong modelo ng cellphone, o kotseng giveaways sa promo ng mga produkto ng kung anong korporasyon, o milyong dolyar na gawad ng kung anong news agency sa isang mapag-kawanggawa, may napala rin ang Tatlong Maria.

“Pinakain kami ng kaimito (isa sa mga pinagma-malaking kalakal ng Wawa) at pinainom ng tubig. Tamis.” At pinagbitbit din sila ng dalawang kilo nito pauwi, sabi nina Ime at Babe Ang.

Pansin pa ni Ime, “tahimik ang atmosphere, kasi nga linggo at Pacquiao fight pa. Pero napakaraming taga-Wawa ang wala namang pakialam sa fight. Nando’n pa rin sila, nagbubuhat ng kalakal galing bundok. Bata at matanda, kahit linggo at tanghaling tapat.”

Habang idinideposito ng papalubog na araw sa alaala ang karanasan nila, nagtext si Wennie kay Babe Ang, “Uy, slmat s pagsma s akin s wawa knina. Mas nmotiv8t akng tpusin ang MA para mas mk2long tau nxt time. hapi rin aq n nkilala q c ime.:-)”

Matatagpuan ang artikulo sa http://blogs.gmanews.tv/abet-umil.

narito ang mga komento sa artikulo ni Abet:

1. Civil Volunteerism on 2010-03-19 00:23
NGO nalang tlga ang gaganap para mapunuan ang kulang ng LGU at DepED

Palaging kulang sa pondo ang gobyerno para sa kanilang tao pero kabi-kabila naman ang usok ng kurapsyon promotor pa yung Pinakamataas

Madali sanang i-rally ang buong bansa para magmalasakit kung pinagtitiwalaan ang Ehekutibo at me kredibilidad sana

Kaya lang sa halip tumulong sa Ondoy victim si FG & Sons nagpakasaya pa mandin sa brandy-whisky pantanggal cguro ng ginaw kase ubod tataba nila

Isang bago at batang politika na dapat at sentro sa serbisyo-sakripisyo ng sarili para sa bansa gaya nina Wen at Babe Ang Mabuhay kayo!

2. tasya on 2010-03-19 00:35
maganda yan ginawa nila Babe Ang,maraming bata ang madaragdagan ang kanilang kaalaman.

minsan ng may gumawa nyan if i remember it right it was a certain Naomi Campbell,nagdonate sya ng maraming libro from US to some school,somewhere in bicol region but end up dead somewhere in northern part of Luzon.

makakabuti rin sana kung mayroon bahay Aklatan ang bawat baranggay ng sa gayon hindi lang mga batang mag-aaral ang may karapatan matuto ng mga bagay-bagay pati na rin ang mga may-edad na na gusto pang madagdagan ang kanilang kaalaman sa buhay.

importante rin sa kahit may mga asawa´t anak na ang magbasa ng mga aklat na may kapupulotan aral,ideya o mga inpormasyon na kailangan alam nila.

siguro pwede mong umpisahan ang ganyan proyekto Abet,dahil kahit moderno na ang henerasyon ngayon marami pa rin sa mamamayan ang walang alam kung paano gamitin ang internet kaya sa mga aklat pa rin sila nagsasaliksik ng mga inpormasyon gusto nilang malaman.

3. Abet on 2010-03-19 08:25
Civil Volunteerism,

mas mainit ang pakiramdam pag mataba di ba?

kapag mainit tapos umiinom pa ng pampainit, iba na yata 'yon?

hindi yata uso ang nangungurakot, tapos iapangkakawanggawa ang nakurakot.

panahon pa ni robinhoood 'yon.

alam ko hindi kamag-anak ni robinhood ang magbarkadang ime at babe ang.

tasya,
umabot sana sa tamang tenga ang alingawngaw ng mungkahi mo.

4. uhay on 2010-03-20 19:01
mabuti ang naisip ninyo my rating is 10 dapat masalinan ng aral ang isip ng kapus sa libro makatulong ng malaki sa pagpapabuti ng kanilang moral at maka tulong sa bayan sa hinaharap kung sila ay nasalinan na ng karunungan.

aasahan pa ba natin ang DepEd siyempre siguro naman nakakatulong din sila, pangit naman kasi kung sisirain natin ang isat-isa lalo tayo babantot sa ibang bansa.

ipagpatuloy pa ninyo mga kababayan ko ang pagdamay sa mga kapus sa libro natin mga kababayan. pagpalain nawa kayo ng ating dakilang lumikha.

5. dine laang on 2010-03-21 13:12
maganda yan!

6. Watch Online on 2010-03-21 13:33
sana madami pa ang tulad ng ganyan proyekto

7. Iwa Moto on 2010-03-22 10:29
WOW, BRAVO....... Naka2taba ng puso ang mga ginawa ng tres mujeres at talagang marami pang mga lugar na kulang talaga at hindi sapat ang libro para sa mga student. Talaga yatang wala ng pag-asa ang pinas na magbago ang mga walang HIYANG mga KURAP na politiko!!!!!!!

If, I have tym sna mkasama rin ako sa kanila kc masarap yung pakiramdam na naka2tulong ka sa kapwa mo na wala kang inaantay na kapalit at maging masaya ka sa bawat ngiti na galing sa kanila.........GOD BLESS PO SA INYO.......

(Lahat ng larawan sa blog entry na ito ay mula sa cellphone ni Ime.)

Monday, March 22, 2010

Salit Sining




Bisita po kayo!

Salit Sining: Wordsmiths Turned Visual Artists

TaUmbayan Restaurant
40 T. Gener cor. K-1 Streets (near Kamuning Road), Quezon City
Exhibit lasts until 8 April 2010

Featuring the works of:

Gian Abrahan
Mariane A.R.T. Abuan
Rommel Chester Boquiren
Jeremiah Faustino
Mikael Gallego
Phillip Kimpo Jr.
Vivian N. Limpin
Pamela Maranca
Carla Payongayong
Beverly W. Siy

Poets paint scenes, capture snapshots, and weave worlds with words—most of the time, that is. When they rest their pens for actual brushes and cameras, some of them can cross over from the art of letters to the visual arts.

In Salit Sining, several of these poets demonstrate their talent (or at least, their passion) for their “other arts.” They are all members of the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), the premier organization of poets in Filipino celebrating its 25th anniversary this year. These young men and women have proven their mettle in taming the salita in one way or another; in Salit Sining, they humbly present their capabilities as painters and photographers.

To adapt what we wrote in a previous exhibit of two poet-painters, the works at Salit Sining might be art for some and fart for others. Outsider art, untrained craft, mere daubs and splashes and wayward camera clicks, or whatever you call it—drop by anyway. Visual art will be the main course and poetry readings the appetizers.

THE ARTISTS

Some of the LIRA poets featured in Salit Sining are:

GIAN ABRAHAN was born on 25 August 1989 in Sampaloc, Manila. He is taking up BA Film at the University of the Philippines Film Institute. He is an alumnus of Dulaang Sibol of Ateneo High School and is a member of Cinema Arts Society.

MARIANE A.R.T. ABUAN ("Ynna" to friends and family) is the Public Relations Officer of LIRA. She has been painting since 2003 but kept her works a secret except to those close to her until 2009, when her paintings were included in two exhibits. Admittedly, she has never thought of exhibiting a photograph until today...because she ran out of new paintings to display.

ROMMEL CHESTER "Mel" BOQUIREN takes pride in his ‘geek’-ness, as he constantly practices his psycho-motor skills be it with the keyboard and mouse or the joystick and buttons. Besides the eventful life as a geek and a literature teacher in PAREF-Northfield, he also finds time to create things his hands could muster, may it be writing, painting, or even crocheting. Currently, he is trying to improve his HoN skills online, where he is known as “mapagkalinga.”

JEREMIAH FAUSTINO graduated from FEU-FERN College in 2006 with a degree in Computer Science. He is the illustrator and cover designer of the book "The Freedom Fighters of Northern Luzon: An Untold Story" by the Department of National Defense. His comics collaboration with his brother won the People’s Choice Grand Prize in the 3rd Philippine Graphic Fiction Awards.

As a young artist, MIKAEL GALLEGO was first inspired by nude painting. He is working as a freelance graphic-artist- web-designer- layout-artist. He practices voodoo with his shinigami in Netsite.

PHILLIP KIMPO JR. is the President of LIRA and co-author of the book "The Freedom Fighters of Northern Luzon: An Untold Story" by the Department of National Defense. He bought his second-hand DSLR to document literary events in late 2008; his laziness prevents him from delving into his Nikon D80's intricacies. Visit him at www.phillip.kimpo.ph.

VIVIAN N. LIMPIN is an artist that goes by many labels: writer, poet, photographer, painter, filmmaker... and we’re not actually sure that it ends there. Her films, photos, and paintings have been shown locally and internationally, as well as having snagged their share of awards. Currently, she is the Secretary of LIRA and is a member of the Board of Directors of Tudla Productions, a progressive student video documentary organization of UP Diliman.

CARLA PAYONGAYONG does not own a DSLR Camera yet, she only borrows from her brother or settles on her good old digital point-and-shoot. Her love for photography started during her grandfather's funeral when her father lent her a Canon EF camera. She is currently working as a Promo Producer in ABS-CBN where she gets to do the things she loves most: writing, photography, and video production.

BABE ANG teaches Filipino at the College of Commerce of UST and is the immediate former president of LIRA. She likes to take photos (when there's an available camera) to document her thoughts and observations of a certain place at a certain time. Her son EJ takes better photos than she does.

HOW TO GET THERE

From Kamuning turn at T. Gener Street; first corner on your left (K-1st Street) is TaUmbayan. For more info, you can reach us through our exhibit curators, namely Vivian Limpin (09158107898) and Ynna Abuan (09179017090).

Ang larawan sa entry na ito ay kinunan ko at isa sa aking tatlong larawan na naka-exhibit sa Taumbayan. Ang pamagat nito ay Digma.

Thursday, March 18, 2010

corky days



isang bote ng red wine ang utak ko. malaki at mabagsik ang nakapasak na cork.

kailangan kong magpasa kay sir vim ng koleksiyon ng mga akda na book length bago matapos ang marso.

ang target ko ay 24,000 words.

nakaka-19,000 pa lang ako. me 5,000 pa akong dapat isulat.

saang utak ko kukunin ito? kasi itong akin ay may nakapasak na cork.

wala na akong maisulat.

nagyaya sina paguts at ms. claire na magmeryenda kahapon. wala akong masyadong pera...

paguts: kakasuweldo lang natin noong isang araw, a?
ako: e, umuwi ako sa nanay ko, ayun, naholdap na.

kaya sabi ni paguts, ililibre daw niya ako. yey! sobrang kuripot itong kaibigan kong 'to. sa sobrang kakuriputan nga minsan, e, na-bad trip ako sa kanya. iyong tipong parang lambak sa Cagayan ang lalim ng kabad trip-an. tapos ngayon ay ililibre ako? yey!

at ikinuwento ko sa kanila ni ms. claire ang aking problema. sa dami ng itinugon ni paguts, andami ko ring naisip na isulat. idinagdag ko agad ang mga ito sa listahan ng aking mga to write about (actually, may mga nakalista pa doon bago kami magmeryenda nina paguts kaya lang, kamukha din ito ng mga naisulat ko na noon. walang bago kaya ayaw ko nang isulat pa.)

imagine? natanggal ang cork? minsan, isang simpleng pakikipagkuwentuhan lang pala sa mga kaibigan ang bottle opener o ang sagot sa writer's block, ang notorious na problema ng mga manunulat.

panahon na lang ang aking kailangan. panahon para magsulat.

maraming salamat sa meryenda at kuwento at pagkakaibigan, ms. claire at paguts!

ipinapangako ko, babaha ng red wine.

bottoms up!

(Ang larawan ay mula sa www.burrenwine.ie/gallery/red-wine.jpg.)

Thursday, March 11, 2010

wala

akong maisulat dito. akala ko pa naman sa blog ko ay maaari kong isulat ang anumang gusto kong isulat.

blog ko na nga, hindi ko pa mapag-express-an ng tunay kong saloobin. anak ng...

bakit? may masasaktan kasi. pati ako masasaktan sa mga sasabihin ko dito. kasi maski ako, nasasaktan sa katotohanan.

pero hello? ang katotohanan, kahit kasinsakit ng sugat sa tuhod ay kailangang tanggapin kasi hindi mo ito puwedeng takasan.

kaya may pananaliksik na nagsasabing ang taong mabilis tumanggap ng sitwasyon, iyong taong madali para sa kanya ang acceptance ay mas masaya kaysa doon sa taong hirap tanggapin ang kung ano man ang umiiral.

matagal din akong naging malungkot.

kaya nagbabawi ako.

sige, tanggap lang nang tanggap.

para masaya.

Saturday, March 6, 2010

papapapalda



ngek. pang-women's month pa naman itong entry ko tapos ang pamagat ay masculine! papa...papapapalda? hahahaha

Oy, sa 22 Marso 2010, iniimbitahan ang lahat na magbasa ng tulang ukol sa kababaihan sa Magnet Katipunan, 7:00 ng gabi. Ito ay pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ng O.M.G (Open Mic Gig ng magnet).

kung lalaki ka at gusto mong magbasa, kelangan mong magpalda. kung wala kang palda, magsabi ka lang, dadalhan at papahiramin kita. huwag kang mag-alala, titiyakin kong asul ang isusuot mo.

kung babae ka, cheers, ate. Pagkat nanunuot sa palda mo ang kagitingan ng kasariang matagal nang nakikitunggali sa mundong anong lupit. (nakanang).

at siyempre, ate, mula sa aking ano, binabati kita ng maligayang buwan ng pagkakaroon ng pek squared!

(Ang larawan dito ay mula sa mylittlepockets.com.)

Kung Kami’y Magkakapit-bisig



IMBITASYON

Ilulunsad ang Kung Kami’y Magkakapit-bisig, edisyong multilingual ng mga tula (circa dekada 60) sa Hacienda Luisita ni Gelacio Guillermo sa Marso 10, 2010, Mierkoles, 7 n.g., sa CafĂ© 1962 (dating News Desk), ikalawang establishment mula kantong Scout Madrinan at Scout Tobias, Timog , Lungsod Quezon.

Sa tangkilik ng MAKABAYAN bilang suporta sa patuloy na pagkilos ng mga manggagawang bukid para sa makatarungang pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita sa pamumuno ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) at United Luisita Workers Union (ULWU).

Punta tayo! Malamang pupunta ako rito. matagal na rin akong hindi nakakadalo sa ganitong pagtitipon. maghe-hello na rin ako kay sir bomen. at isa pa, dahil kailangan kong makausap si Ime para sa Mag-akyat ng Aklat. Naroon daw siya at ang isa pa naming kaibigan, si Alvin. Si Alvin ang isa sa mga may ari ng Bahandi Restaurant sa Malate. Dati ay nag-oorganisa ako rito ng buwanang pagbasa ng tula. Ngunit katulad ng maraming establishment na nagpapahalaga sa kultura at sining, bumagsak ito. Marahil, napakahaba pa ng panahon bago maging ganap ang pagtangkilik natin sa mga bagay na hindi nakakapagbigay ng pisikal at pinansiyal na ginhawa tulad na lamang nitong binanggit na paglulunsad-aklat.

(Ang larawan dito ay mula sa vincenteleazar.blogspot.com.)

Friday, March 5, 2010

isang tawag mo lang



kakaiba talaga ang powers ni god. godly powers talaga. pramis.

Kahapon, halos buong araw akong hirap na hirap mag-isip nang maayos. andami kong natuklasan at natanto sa aking sarili at sa dati kong relasyon at karelasyon. sabay-sabay akong inatake ng lungkot, pagkadismaya, poot, panghihinayang at iba pang damdaming hindi maikukulong sa anumang titik o salita.

hindi ako makaiyak. paisa-isang luha ang lumalabas sa akin. hindi kasi ako madramang tao. at ayaw ko namang may nakakakita sa akin kapag umiiyak ako.

kaya pagdating ko sa bahay, gusto kong lumabas uli. gusto ko na namang umalis, tumakas, tumakbo katulad ng ginagawa ko noon.

pero di ko na nga ginawa ang alinman sa aking nabanggit kasi alam ko naman na ang kahihinatnan nito: ang kalmado ngunit mas windang na ako.

kaya naisip kong kailangan lang talaga ng kausap.

tinext ko nang tinext ang taong gusto ko sanang mabahaginan ng aking naiisip at nararamdaman pero mukhang abala siya. kaya hindi ko na lang inistorbo at hindi ko na rin kinulit.

naroon din naman si ej. no, hindi naman siya ang kinuwentuhan ko. i mean, andoon naman siya, nagkuwentuhan na lang kami tungkol mga kaklase niyang apak nang apak sa lupang pinagtatamnan niya ng halaman sa eskuwela. naghanap pa siya ng tali para itali sa apat na barbecue stick na mataba. pinanood ko siyang isulat sa karton ang: BAWAL TAPAKAN ANG PLOT.

tapos nilabas ko ang papers ng mga estudyante ko. binantaan ko ang lahat ng nararamdaman ko nang gabing iyon (kahit na alam kong mali na hindi ko ilabas ang aking nararamdaman), sabi ko, tulad noong panahon ni Noah, you will all be washed away.

therapy sa akin ang trabaho. kaya rin siguro kung kumayod ako e walang patumangga.

anyway, check ako, check, check, check. biglang nag-ring ang aking cellphone. international ang number.

sino kaya to?

hello?

si eris!

ang aking best friend since high school! ahahaha ibang klase ka talaga, god. grabe. imagine?

ito kasing si eris ay tumatawag lamang kung narito siya sa pinas, kung paalis na siya ng pinas at kung may okasyon: pasko, birthday ko, birthday ni ej.

wala siya sa pinas, definitely. ilang taon na siyang naninirahan sa australia. at wala rin namang okasyon. so bakit siya tumawag?

magkakaroon kasi ng reunion ang high school batch namin at tinatanong niya kung para saan ang donation na hinihingi ng ilang mga kaklase namin para sa event.

tuwang-tuwa naman akong ipinaliwanag sa kanya na siguro pambayad iyon sa magiging share ng mga guro naming darating sa reunion. may bayad kasi ang reunion event. pero siyempre, hindi na namin pagbabayarin ang mga teacher namin, umattend lang sila, di ba?

pero mula doon, dumako ang usapan namin sa buhay-buhay namin ngayon. at dahil wala siyang alam sa mga nangyayari sa akin (hindi ko siya makuwentuhan sa email dahil may nagbubukas ng mailbox ko), parang tubig sa san roque dam noong bagyong pepeng ang mga kuwento ko sa kanya.

whooshh...bumaha!

at sa wakas, naikuwento ko rin ang mga nangyari sa akin sa buong araw.

anong ginhawa!

hindi ako relihiyosa but god really moves in mysterious ways, alam mo?

alam ni god kung ano ang kailangan mo at kung kailan mo ito kailangan. at dahil mahal ka niya, ipadadala niya sa iyo ito nang naka-gift wrap. bonggang-bongga pa ang pagkakabalot.

hay.

so, i thank you, god. really.

that phone call was the most precious one i've ever received.


bilang pagpapasalamat, nais ko na rin ibahagi itong natanggap ko bilang forwarded message...

read on.

CHRISTIAN WAYS TO REDUCE STRESS
Author Unknown
March 2, 2010


An Angel says, "Never borrow from the future. If you worry about what
may happen tomorrow and it doesn't happen, you have worried in vain.
Even if it does happen, you have to worry twice."



1. Pray



2. Go to bed on time.



3. Get up on time so you can start the day unrushed.



4. Say No to projects that won't fit into your time schedule, or that
will compromise your mental health.



5. Delegate tasks to capable others.



6. Simplify and unclutter your life.



7. Less is more. (Although one is often not enough, two are often too
many.)



8. Allow extra time to do things and to get to places.



9. Pace yourself. Spread out big changes and difficult projects over
time; don't lump the hard things all together.



10. Take one day at a time.



11. Separate worries from concerns . If a situation is a concern, find
out what God would have you do and let go of the anxiety . If you
can't do anything about a situation, forget it.



12. Live within your budget; don't use credit cards for ordinary
purchases.



13. Have backups; an extra car key in your wallet, an extra house key
buried in the garden, extra stamps, etc.



14. K.M.S. (Keep Mouth Shut). This single piece of advice can prevent
an enormous amount of trouble.



15. Do something for the Kid in You everyday.



16. Carry a Bible with you to read while waiting in line.



17. Get enough rest.



18. Eat right.



19 Get organized so everything has its place.



20. Listen to a tape while driving that can help improve your quality
of life.



21. Write down thoughts and inspirations.



22. Every day, find time to be alone.



23. Having problems? Talk to God on the spot. Try to nip small
problems in the bud. Don't wait until it's time to go to bed to try
and pray.



24. Make friends with Godly people.



25. Keep a folder of favorite scriptures on hand.



26. Remember that the shortest bridge between despair and hope is
often a good "Thank you Jesus ."



27. Laugh.



28. Laugh some more!



29. Take your work seriously, but not yourself at all.



30. Develop a forgiving attitude (most people are doing the best they
can).



31. Be kind to unkind people (they probably need it the most).



32. Sit on your ego.



33 Talk less; listen more.



34. Slow down.



35. Remind yourself that you are not the general manager of the
universe.



36 . Every night before bed, think of one thing you're grateful for
that you've never been grateful for before. GOD HAS A WAY OF TURNING
THINGS AROUND FOR YOU.

"If God is for us, who can be against us?"

(Romans 8:31)

Ang larawan sa entry na ito ay mula sa cindykassab.com.

Tuesday, March 2, 2010

dalawang puntos

number one:

wala kang napa-publish na akda dahil hindi ka aktibong naghahanap ng mapagpa-publish-an ng akda mo.

number two:

nakaka-turn off talaga ang mga lalaking kuripot.

Saturday, February 27, 2010

Huling huling papel na talaga para sa Panitikang Oral


Yey! 3 units din ito! hahahaha sana mabilis niya akong mabigyan ng grade!

Kakaiba ang experience na ito para sa akin. Ang pagbabasa ng readings ukol sa pasyon na pawang mabibigat na babasahin, ibig sabihin, nose bleed, mahahaba at talaga namang kritikal ay maihahambing ko sa mismong bahagi ng pasyon kung saan pinahirapan si Hesus. Mega-tiis siya sa lahat para lang mailigtas ang sangkatauhan. Parang ako si Hesus hahaha in terms of hirap na dinanas. Feeling! Nag-labor kasi talaga ako sa readings na ito. Pero, naman, pagkatapos ay anong ginhawa! Hindi, wala naman akong messianic complex pero feeling ko namatay ako sa pagbabasa ngunit nabuhay muli at napasalangit sa dami ng aking natamong karunungan. At ang karunungang iyon, sa pamamagitan ng blog entry na ito ay makakapagdulot ng mga butil ng liwanag sa iba. Bongga. Kaya from now on, pasyon is my passion.




Ilang tala mula sa Gaspar Aquino de Belen and the Pasion ni Bienvenido Lumbera

 Ang Mahal na Passion na isinulat ni Gaspar Aquino de Belen (GADB) ay ang pinagbatayan ng Pasion Pilapil na siyang sumikat na bersiyon ng pasyon sa Pilipinas noong ika-19 na siglo.

 Konting-konti lang ang pagkakahawig nito sa mga relihiyosong epiko mula sa kulturang Kastila.

 Tampok sa mga pag-aaral at binabasa pa rin sa kasalukuyan ang pasyon ni GADB dahil sa malupit na imahinasyon ng awtor nito. Dagdag din ang husay niyang pasukin, galugarin at ihayag ang isip ng mga tauhan. Psychological ang approach, ganon.

 Tagalog ang ginamit sa Ang Mahal na Passion. Nang panahon na iyon, hindi pa malayo ang gap ng Tagalog ng tula sa pang-araw-araw na Tagalog. May mga saknong nga sa Ang Mahal na Passion na maituturing nang kolokyal (nang panahong nabanggit.) Taong 1704 ang petsa ng publikasyon.

 Mas epektibo ang mga saknong dahil may konsepto sa kulturang Filipino. Halimbawa ay ang pakikisama:

Di cayo,y nagsasangbahay,
iysa ang inyong dulang?
cun icao ay longmiligao,
may laan sa iyong bahao,
canin at anoanoman. (VII)

(Didn’t the three of you
share the same board?
while you were out, roaming around,
didn’t she set aside some food for you,
rice and whatever else there was to eat?)

Halimbawa pa ay ang tampo:

Caya ca gongmagayan
opan icao ay may avay,
sa Yna mong lapastangan
iyo nang panghihimagal,
caayavan mong daingan. (XXV)

(You say all this
because you want to put me off,
your uncouth mother;
this explains your coldness,
your refusal to be comforted.)

Makikita dito na imbes na gumamit ng GADB ng abstraktong konseptong panteolohiya, ipinaalala na lamang niya kay Judas sa pamamagitan ni Marya, ang uri ng pakikisamang ipinakita ni Marya sa kanya.

Ilang tala mula sa Pasyon and Revolution ni Resil Mojares

 Nang patuloy nang bumaba nang bumaba ang popularidad ng epiko, napanatili pa rin ng mga Pilipino ang kanilang world view at ang papel nila sa kasalukuyang mundo sa pamamagitan ng pasyon. Ang pasyon ay mukhang alien sa Pilipinas pagdating sa nilalaman ngunit kapag sinuring mabuti, makikita rito kung paanong mag-isip ang mga Pilipino.

 Ang Pasyon Pilapil ay ang ikalawa sa tatlong bersiyon ng pasyon na inaprubahan ng Simbahan (una ay ang kay GADB. Ikatlo ang El Libro de la Vida, ang pinaka halos perpekto sa lahat ngunit hindi pa rin nito natalbugan sa kasikatan ang Pasyon Pilapil). Ang Pasyon Pilapil ay isinulat daw ng isang katutubong pari na si Mariano Pilapil. Ngunit batay sa ilang tuklas, hindi siya ang sumulat nito kundi kaunting editing lamang ang kanyang ginawa/ambag dito.

 Ayon sa iba, ito raw ay walang literary merit o theological standpoint. Ngunit itinuturing pa ring mahalaga sapagkat ito ang sumasalamin sa kolektibong kamalayan ng mga Pilipino.

 Maituturing na social epic ng mga Tagalog (at ng iba pang mga tagapatag) noong ika-19 na siglo ang Pasyon Pilapil. May mga episode ito ukol sa pagkakalikha sa mundo, ang pagbagsak ng sangkatauhan at Huling Paghahatol o Last Judgment. Para itong kasaysayan ng isang mundo at hindi lamang basta kuwentong hango sa Bibliya.

 May mga saknong sa pasyon na nag-eencourage ng paglaban sa namamayaning paniniwala at kaugalian. Halimbawa raw ay ang pagpapaalam ni Hesus sa ina niyang si Marya na ang dahilan ay upang sagipin ang sangkatauhan. Sa lipunang Filipino, dini-discourage ang paglayo ng mga anak sa magulang. Lalo na kung ang anak ay nag-iisang anak. Ngunit sa partikular na saknong na ito, makikitang bumabalikwas si Hesus sa nakasanayan at inaasahan sa kanya sapagkat mayroon siyang dakilang misyon. Ibig sabihin, maaaring ine-encourage ng saknong na ito ang pagbalikwas sa kung ano ang namamayani kung para naman ito sa kabutihan ng nakararami.

 Maaari ding kaya sumikat nang husto ang pasyon ay dahil ang bida rito ay isang simpleng taong bayan, mahirap, hindi nakapag-aral at maging ang pinagmulan ay payak na magulang lamang. Nakaka-relate ang taong bayan kay Hesus. Maaaring nakita nila ang kanilang posibilidad na mamuno rin sa panahon ng pangangailangan. Kahit payak na tao si Hesus ay nagawa niyang makaengganyo ng mga apostol na bagama’t kapwa niya payak ang pamumuhay ay handa namang maglingkod para sa kanyang mga proyekto at layunin.

 Maaaring basahin ito bilang empowerment sa karaniwang tao. Na taliwas sa nais mangyari ng Simbahang Katoliko nang panahong iyon. Siyempre, ang gusto nila ay maging tagasunod lang ang karaniwang tao. At hindi ang mga ito ang mga tagapagpasunod at tagapag-organisa ng kanilang mga kapwa.

 Kung empowerment nga ito, nakakatuwa dahil nagawang mailusot ng mga karaniwang tao sa mapagmasid na mata ng mga prayle ang mensahe nila sa isa’t isa, ang empowerment. Noon ay inaawit pa ng mga tao ang pasyon kahit hindi naman panahon ng Kuwaresma! Sari-saring paraan ang naisip at ginawa ng mga tao para mapalaganap ang Pasyon Pilapil, halimbawa ay ginagamit itong himig at tekstong pangharana sa babae ng ilang kalalakihan kapag Mahal na Araw. Isa pang paraan ay may basbas ng simbahan: ang senakulo, isang stage play version ng pasyon na kadalasa’y idinaraos sa tabi ng simbahan.

Ilang tala mula sa The Christ Story as the Subversive Memory of Tradition: Tagalog Texts and Politics Around the Turn of the Century ni Jose Mario C. Francisco, SJ

• Ang sanaysay na ito ay paglalahad ng kasaysayan ng kuwento ng buhay ni Kristo. Sinuri din ng may akda ang pagkakaiba ng bawat bersiyon at inisa-isa niya ang posibleng mga dahilan kung bakit magkakaiba-iba ang mga ito.

• Ang kuwento ni Kristo ay isinulat sa paraan kung saan madaling makaka-relate ang mga tao saan mang panig ng mundo siya nagmula. Kaya kapag binasa mo ito, kahit sino ka pa, may makikita at makikita kang similarity doon at sa iyong buhay.

• Ang Pasyon Pilapil ay may 2660 saknong at 5 taludtod kada saknong.

• Unang Tagalog form ng buhay ni Kristo ay ang salin ng Apostle’s Creed na matatagpuan sa Doctrina Cristiana (1593). Muli itong isinulat at ikinuwento ng mga Espanyol na misyonero at ng katu-katulong nilang mga katutubo bilang mga bahagi ng devocionario at vocabulario.

• Sa pamamagitan talaga ng anyong pasyon ay naipakalat ang buhay ni Kristo. Wagi ang anyong pasyon. Ang unang pasyon sa wikang Tagalog ay ang isinulat ni GADB noong 1703. Mayroon pang isang bersiyon na kung tawagin ay Pasyon Guian (1740) ngunit nawawala at hindi makita-kita ang hard copy nito (wala rin namang soft copy siyempre). Sunod ay ang Pasyong Pilapil na kilala rin sa tawag na Pasyong Henesis kasi nagsimula ito sa kung paanong nilikha ang mundo (1814). Noong 1852 naman ay nalathala ang isang bersiyon na isinulat ni Aniceto de la Merced. Ang bongga dito kay Aniceto de la Merced, chinaka-chaka niya ang Pasyong Pilapil. “It no longer conformed to the lofty canons of current literary style,” anya at ito raw ay may faulty scholarship at senseless moral lessons. Aray.

• Ang mga printing press noon ay pag-aari ng mga prayle kaya kontrolado talaga nila ang anumang printed material na lalabas sa publiko.

• Dahil dito, dagdag pa ang mga tulad ni de la Merced na malupit manlait, lumabas ang political unconscious ng mga katutubo. Natanto nilang ang isang teksto, kapag ni-recite o itinanghal, ay imposibleng hindi magbago kung ikukumpara sa orihinal. At kapag inulit-ulit ang pagrerecite o pagtatanghal, nababago ito nang nababago. Ang mga pagbabagong ito ay dumadaan na sa isip ng mismong nagre-recite o nagtatanghal. At sila iyon, ang katutubo, wala nang iba. So ibig sabihin, nababago nila ang teksto ng pasyon. So ibig sabihin uli, ang pasyon ay unti-unting nagiging bersiyon na ng mga katutubo.

• Kaya naman ang kasunod na eksena, nagkaroon ng time, noong ika-19 na siglo, na sinikap ng mga prayle na magkaroon ng isang definitve na teksto para mabalewala ang iba pang teksto ng pasyon. Sinubukan din nilang pigilin ang mga pabasa (ng pasyon) dahil ito raw ay nag-eencourage ng heresy. Hindi lang iyon, dahil din daw dito ay nagkakaroon ng pagkakataong magkita/mag-date ang mga lalaki at babae. Yes, dahil ang pabasa ay pagtitipon-tipon ng mga tao sa isang lugar na kadalasan ay isang bahay na may malawak na bakuran. Siyempre, sinasamantala na ito ng mga mag-irog para makapag-meet.

• In short, nagkakaroon ng public disorder dahil sa pabasa. Kaya noong 1827, kinulit nang kinulit ng mga prayle ang pamahalaang Espanyol na i-ban ang pabasa.

• Ano ang implikasyon nito? Nagkaroon ng tunggalian sa pagkontrol sa kuwento ng buhay ni Kristo. Kaninong bersiyon nga ba ang dapat na manaig? Iyong sa simbahan o iyong sa karaniwang tao?

• Aral ang tawag dito sa mga saknong na mababasa pagkatapos ng mga episode o section ng pasyon. Magkakaiba ang sinasabi rito ng mga bersiyon ng pasyon. Halimbawa na lang ay iyong aral ni de la Merced pagkatapos magbigay ng regalo ng Magi kay Hesus. Sinabi niya rito na ang kayamanan at kahirapan ay idinudulot sa atin ng Diyos. Bahagi iyon ng plano sa atin ng Panginoon. Para bagang, “tanggapin mo ang kahirapan kung mahirap ka dahil plano iyan ng Diyos para sa iyo.” Kaya pala, itong si Villar, tanggap na tanggap niya nang siya ay iadya ng Diyos na maligo sa dagat ng basura. Magagamit daw pala kasi niya sa eleksiyon balang araw tulad ngayong 2010.

• So anong moral lesson? Iyan ang tanong na pinaikot nang pinaikot sa pasyon pagpasok ng 1800s dahil ito ang panahon na developed na developed na ang ekonomiya at pampolitikang estado sa Pilipinas gayon din sa Espanya. Anong konek? Gumanda-ganda ang buhay sa Pilipinas kaya kailangan na raw magkaroon ng urbanidad ng taong bayan. At dahil ang pasyon naman ay popular, ito ang ginamit upang ituro ang urbanidad sa kanila. Pero hindi sapat ang pasyon, dito na rin pumasok ang komedya, awit at korido, kuwento ng buhay ng mga santo at iba pa. Hindi na si Hesus ang tampok sa mga ito kundi mga karaniwang tao na nagsikap na maging mabuti o di kaya ay tampok naman ang pananaig ng Kristiyano sa iba pang relihiyon.

• Hidden agenda pala ng Espanyol na ituro ang urbanidad sa pamamagitan ng panitikang ito. Oo nga naman, hindi namamalayan ng taong bayan na bine-brainwash na pala sila. Akala nila ay pang-aliw lamang ang lahat.

• Pero kung inaakala mong walang ginawa ang mga katutubo sa hidden agenda ng mga Espanyol, nagkakamali ka. Kahit na bino-bombard ang mga katutubo ng ganitong panitikan ay nagawa pa rin nilang lumikha ng mga panitikang may appropriation ng kuwento ng buhay ni Hesus. Noong katapusan ng 1800 hanggang sa gitna ng 1900, maraming akda ang lumabas kabilang dito ang dalawang pamphlet sa anyo ng awit. Isinulat ito nina Mariano Sequera at Joaquin Manibo. Ang una ay Justicia ng Dios na nagtampok ng isang tauhan na pari bilang counterexample naman ni Kristo. Ang ikalawa naman ay Lilim ng Dalawang Batas, patulang paglalahad ng batas ng Diyos, bansa at ang tunggalian ng mabuti at masama. Ginigising nito ang mga paring Filipino upang sumali sa nagaganap na pagkalas sa namamayaning mga prayle upang tuluyang buuin ang Iglesia Filipina Independiente (IFI). Ang Patnubay ng Binyagan ay ang epiko ng IFI at isinulat ni Pascual Poblete. Kamukha nito ang bersiyon ni de la Merced ngunit may idinagdag si Poblete na tumutuligsa sa Katolikong Simbahan.

• Pagpasok naman ng panahon ng Amerikano ay dalawang malikhaing akda rin ang makikitaan ng appropriation ng buhay ni Hesus: ang Bagong Cristo ni Aurelio Tolentino at ang Pinaglahuan ni Faustino Aguilar. Kapwa maihahalintulad kay Hesus ang mga pangunahing tauhan ng dalawang akda. Maging sa pangalan pa lang (at gender, lalaki tulad ni Hesus!!!) ay kita na ang ebidensiya: Jesus Gatbiaya at Luis Gatbuhay. Take note natin ang paggamit ng dalawang manunulat sa Gat bilang bahagi ng pangalan. Clue ito na ang may ari ng pangalan, bagama’t karaniwang tao kung titingnan ay mayroon namang dakila at noble na origin. In short, parang royal blood. Ang ibig sabihin ng gat ay dakila. (Kaya lagi nating dinadagdagan ng Gat ang pangalan ni Jose Rizal. )

• Sa dalawang akda na ito, ang bida ay karaniwang tao, manggagawa at mahirap. Kalaban nila ang mga makapangyarihan, may awtoridad at ang may kapital. Idiniin sa dalawang akda ang halaga ng katwiran bilang rasyunal na pundasyon ng kaayusang moral. Kung nais natin ng mahusay na personal at panlipunang pag-iral sa mundong ito, ang kailangan lamang ay katwiran. Mula sa salitang ugat na tuwid!

• Maraming pagkakatulad sa buhay ng mga bida sa dalawang akda at kay Hesus. Marami ring pagkakaiba. Ngunit hindi ito ang mahalaga. Ang mas mahalaga ay ang pagtatangkang maikuwentong muli ng lipunang Tagalog ang kuwento ng buhay ni Hesus. Sa ganitong paraan kasi nakikita ang silbi at halaga ng buhay ni Hesus sa ating lipunan. In short, sa ganitong paraan, sa appropriation ng kuwento ng buhay ni Hesus, mas nakakarelate tayo kay Papa Jesus.

• Masasabi kong ang kuwento ng buhay ni Kristo ay hindi na nga simpleng pagkukuwento ng buhay ng isang anak ng Diyos. Ito ay kasangkapan na ginagamit ng mga taong gustong magpamayani ng isang uri ng kamalayan, ito ay behikulo ng itinataguyod na ideyolohiya o advocacy. Sa kasalukuyan, maraming muling pagkukuwento ng buhay ni Kristo. Nariyan ang bersiyon ni Villar, na galing din sa mahirap at payak na pamilya (claim niya) at ngayon, sa husay magsalita at mag-preach ay nakakaakit ng libo-libong believers. Ang tanong, kung siya nga alter Christus ng ating panahon, magpapaligtas ka nga ba?

Ilang tala mula sa paliwanag ni Rene B. Javellana, SJ sa Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin na Tola

• Tine-trace ng may akdang si Javellana kung ano-ano kayang mga aklat ang nasa harap ni GADB habang isinusulat niya ang Mahal na Passion. Ilan sa mga posibleng pinaghanguan nito ay Vulgata (sipi ng Banal na Kasulatan na kumalat noong panahong Kastila), katipunan ng mga kuwentong Biblikal o Vita Christi, pasyong mga Kastila, Luma at Bagong Tipan ng Bibliya, mga likhang Apocrypha (mga lumang akda sa anyo ng ebanghelyo, liham at mga gawa ng nagsasalaysay ng mga lihim-_at may lihim na mga tagpo pala sa buhay ni Jesus-na tagpo sa buhay ni Jesus at ng mga alagad niya) at mga leyendang Kristiyanong sinagap sa mga awit, at ang mga awit mismo at siyempre ang sutil at malikhaing isip ng manunulat, ayon daw kay Nicanor Tiongson.

• Pero anya, pinakahawig sa nilalaman at balangkas ang pasyon ni GADB sa Retablo de la Vida de Cristo ni Juan de Padilla na inilimbag noong 1585. Kaya malamang ay ito raw ang nagsilbing gabay ni GADB sa pagsulat. Marami raw pagkakataong mukhang malayang salin ang gawa ni GADB kung ikukumpara sa sa gawa ni JDP.

Mula sa panalangin ni Jesus para sa Inang Birhen at mga alagad,

GADB

Inoolit inaambil,
Yaong onang panalangin,
Na dating idinadaying,
At toloy ipinagbilin
Ang caniyang Inang Virgen.

JDP

Pero con gran aficion
!O piadoso Senor Padre!
Porque se que mi passion
Herrir ha su Corazon
Te enconmiendio aquella

• Pero ang ending, ayon sa may akda, hindi nakabuklat sa harap ni GADB ang sipi ng Bibliya habang kinakatha ang pasyon. Maraming marami siyang pinagsanggunian ng mga salaysay na hango sa Bibliya.

• Ang isa sa ikinaaangat ng pasyon ni GADB ay ang pagkakaroon nito ng talinghaga. Gumamit ng talinghaga si GADB marahil ay upang maging mas interaktibo sa nakikinig/mambabasa ang akda at upang makahikayat ng mas maraming tagapakinig/mambabasa dahil pamilyar ang talinghaga sa kanila.

• Bakit nga ba may pasyon? Noong unang panahon, laging may shortage ng mga pari. (Well, hanggang ngayon naman.) Hirap kasi sa klima ng Pilipinas ang mga pari/prayleng puti kaya madalas silang nagkakasakit at eventually nga ay nangamamatay. Tapos usad-pagong naman ang pag-oordena ng mga katutubong nais maging pari kaya walang agarang replenishment sa kaparian. Kaya natanto ng mga prayle/pari na kailangan nilang bumuo ng lupon ng mga sinaunang Kristiyano na tutulong sa mga pari sa pagbabasbas sa mga Kristiyanong maysakit, naghihingalo na at nasa bingit ng kamatayan. Ang tawag sa lupon na ito ay magpapahesus. Sila ang mga bumabasa ng panalangin para sa maysakit habang ito ay naghihingalo. Kapag pumanaw na ang naghihingalo, ang pasyon naman ay babasahin para sa mga naglalamay. Yes, sa okasyon ng kamatayan ng karaniwang tao originally ginagamit ang pasyon.

• Kaya binabasa sa namatayan ang pasyon ay upang makatulong na maibsan ang takot ng mga namatayan sa susuunging journey ng mahal nilang namatay. Napakamisteryoso kasi ng kamatayan. Wala namang nakakaalam kung anong klaseng paglalakbay ang gagawin ng bawat isa sa atin pag tayo ay namatay na. Sa pasyon, namatay din si Hesus. At doon ay ipinapaliwanag kung ano ang kanyang mga naisip at naramdaman, at ano ang mga nangyari sa kanya. Kaya masasabing nakakatulong sa mga namatayan ang pasyon para mas magkaroon sila ng malinaw na larawan ng sinusuong na sitwasyon ng kanilang mahal sa buhay. Isa pang nagagawa ng pasyon ay nakakatulong na maging mas kampante ang mga namatayan kasi maiisip nilang kasabay ni Hesus sa paglalakbay (dahil ito ay namatay nga sa pasyon) ang kanilang mahal sa buhay. Tingnan mo nga naman, akala natin ay pang-Holy Week lang ang pasyon!

• At lalo pang kinumbinse ni GADB ang mga tagapakinig na kasa-kasama at maituturing na kaibigan sa paglalakbay si Hesus dahil sa malimit niyang paggamit ng mga salitang: sasama, casamang irog, manga ibig co’t, catoto, casama’t abay, catoto’t irog at pagaagbay. Ang image na naproject ay ang Diyos hindi bilang Diyos kundi Diyos bilang taong malalapitan, kaibigan, nakikibagay sa kapwa.

• Inisa-isa ng may akda ang mga tauhan sa pasyon. Si Judas daw, ang weakness ay mas mahal niya ang salapi kaysa kay Hesus. Sayang sapagkat bagaman isang traydor ay hindi siya pagsasawaan ni Hesus na ibigin. Kung siya lamang ay bumalik at hindi nagpakamatay! Si Pedro naman ay iba ang weakness. Mas internal. Libo-libo ang ipinangako niyang gagawin para kay Hesus pero pagdating ng kagipitan ay hindi niya ito napanindigan. Pero ipinarating ni Hesus kay Pedro na matatamo pa rin nito ang kapatawaran at kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos Ama sa pamamagitan ng pagtitig nito bago tuluyang dakpin ng mga kawal. Ang ganda naman ng kay Marya. Sabi raw dito ay nauunawaan ni Marya ang misyon ni Hesus sa lupa, ang iligtas ang sangkatauhan. Pero sana ay maunawaan pa rin daw ang kanyang damdamin dahil hindi lang siya kabilang sa sangkatauhan kundi isa rin siyang ina. At ang makita ang sariling anak na lubos na nahihirapan? Anong pasakit nga naman! Ang galing nito, naging very human si Mama Mary.

• Isa pang mensahe ng pasyon ay ang simbolo ng krus na binuhat ni Hesus. Ito ay ang paghihirap. Sa buhay daw, hindi maiwasan ang paghihirap. Ano ang tanging makakapagbigay ng ginhawa? Ang mga tulad ni Simon, na pansamantalang bumuhat ng krus ni Hesus. Bagama’t saglit lang niyang binuhat ang krus ay nakadama ng ginhawa si Hesus.

• Naniniwala ang mga sinaunang Tagalog na hindi naman talaga namamatay ang mga taong namamatay. Pumupunta lang daw sila sa banal na bundok tulad ng Banahaw at patuloy na mamumuhay doon batay sa kung ano ang panlipunang estado nila bago sila namatay. Halimbawa, alipin pa rin ang mga alipin. Dahil dito, nawawala ang misteryo ng kamatayan. Hindi sila naguguluhan. Nauunawaan nila ang cycle ng buhay. Pero pagdating ng kristiyanismo, binago nito ang konsepto ng kamatayan. Ang death ay naging tuldok. As in the end. So paano nga ba ito matatanggap ng isang lipunang may sarili nang paniniwala ukol sa pag-iral at pagtatapos ng buhay tulad ng lipunan ng sinaunang Tagalog? Noon ipinakilala ang konsepto ng langit kung saan maluwalhati ang pamumuhay kasama si Hesus. Sabi ng sinaunang Tagalog, “e, hindi naman pala nakakatakot mamatay basta’t susunod lamang sa mga turo ni Hesus.” Aha, kaya pala madali na nitong nakalimutan ang pag-akyat sa Banahaw ng mga mahal na pumanaw! Ang lahat nang ito ay mahusay na nailahad at naipaabot ni Gaspar Aquino de Belen sa kanyang bersiyon ng pasyon.

Ilang puna sa aktuwal na teksto ng pasyon ni GADB

 Pormalistiko naman ang komento ko sa ilang saknong sa pasyon ni GADB. Bagaman ayon kay Lumbera,

sensitibo si GADB sa paggamit ng Tagalog bilang wika sa isang tula. Kung ibang misyonerong makata ang sumulat ng Ang Mahal na Passion, malamang ay tadtad ito ng ko, mo, na, ba, baga, pala para lamang may maipantugma. Sa mga saknong ni GADB, dahil sa lawak ng bokabularyo ng may-akda, ay hindi makikitaan ng ganong tendensiya. Ang mga salitang pantugma niya ay kadalasang iyon ding pinakamahalaga sa taludtod na iyon. Hango ito sa unang saknong sa pinakaunang pahina ng papel na ito ang mga salita niyang pantugma: nagsasangbahay, dulang, longmiligao, bahao, anoanoman. Pawang mahahalaga ang salitang naroon.

….ay marami pa rin akong nakitang saknong na halatang kinapos sa pantugma.

Saknong 345

Tayo ay nagcalotas na,t,
ang sulat ay nayari na,
iyo ang pilac, at amin siya
capoua natin minaganda,
ay ngay-on ca pa ngangapa?

Saknong 691

Magsaoli ca na Ina,t,
ang loob,y, gao-in mo na,
mahirap ma,y, anhin baga?
aquin uang iorong pa,y,
maronong acong magbata.

Saknong 754

Sabing ito,y, paganhin na
ang bahalang maghalaga,y,
ang bait mo, at sucat na,
caloloua mo,y, iisa
cun masira, y, omano ca?

2 out of 5 na pantugmang salita ay na o pa at iba pa. Mahinang pantugma ang mga salitang iisa ang pantig. Hindi rin ganon kahalaga ang salitang baga.

Nakakatuwa naman ang saknong na ito. Hindi ko alam kung paano babasahin ang dulong salita ng taludtod para magkaroon ng isahang tugmaan.

Saknong 820

Pagcasulat ay ga yari
isang I icalaua,y, N.
at ang icatlo ay R.
ang icapat nama,y, I.
cahoogan ay ga yari.

At may pandaya rin pala pagdating sa sukat o bilang ng tugma itong si GADB. Tunghayan:

Saknong 875

Poon at Panginoon co
(a niya) yaring salaring tauo
mari alalahanin mo,
cun moi ca sa Bayan mo,
cahariang dating iyo.

Bukod sa tatlong taludtod ang nagtapos sa iisang pantig na mga salita, na itinuturing ngang mahinang pantugma, ay may paltos din sa sukat. Sa ikalawang taludtod, gumamit siya ng panaklong para hindi na maibilang ang (a niya) bilang mga pantig ng taludtod na iyon.



Mula rito ang larawan sa blog entry na ito: http://images.google.com.ph/imgres?imgurl=http://www.asianews.it/files/img/FILIPPINE_(F)_0408_-_Pabasa_Settimana_Santa.jpg&imgrefurl=http://www.asianews.it/news-en/Easter-in-Manila,-kissing-the-cross-of-Jesus-14942.html&usg=__uVOkllzyxRDKOgiwHWzNvYnvIno=&h=300&w=400&sz=34&hl=tl&start=3&um=1&itbs=1&tbnid=igv2iPiFlnETdM:&tbnh=93&tbnw=124&prev=/images%3Fq%3Dpabasa%26um%3D1%26hl%3Dtl%26sa%3DN%26tbs%3Disch:1

tibao



Related pala ang space sa death.

Paano?

Laganap sa lahat ng kultura ang pag-alis o paglalakbay bilang tayutay ng kamatayan. Kaya sa Ingles, gamit nila ang passed away, dumaan, ibig sabihin, may pagkilala sa espasyo. Hindi ka makakapaglakbay kung walang espasyong paglalakbayan at all. At hindi ka makakarating, ni hindi makakaalis saanman kung walang espasyo. Kasi raw space is anything that is being occupied by matter. 'Yan ang sabi ng teacher ko sa Science noong Grade 4.

Sa kultura natin, gamit natin ang yumao, pumanaw at sumakabilang-buhay. Ang yumao at pumanaw ay hindi naman talaga ukol sa pagkamatay noon. Ang orihinal nitong kahulugan ay pag-alis sa kinaroroonan. Kaya ang mga lolo natin pag nagsalita ng yayao na ako, huwag tayong magsisisigaw, magngangangawa, huwag mabahala. Ang ibig lang sabihin niyon ay aalis na siya, maglalakwatsa, pupunta somewhere else. Hindi siya nagpapaalam sa atin na mamamatay na siya. Baka makikipag-eyeball lang, ganon.

Sa sumakabilang-buhay, kitang-kita na ang pinakaimportanteng salita rito ay kabila at hindi buhay. Kasi ang buhay ay given naman doon sa sitwasyon ukol sa kamatayan. Pero pansinin na may kaugnayan uli ang salitang ito sa espasyo. Ang kahulugan ng suma ay pumunta o nagpunta. Sumalangit nawa=pumunta sa langit nawa.

So ibig sabihin, sumakabilang-buhay means pumunta sa other side ng buhay. May other side ang buhay. Kumbaga sa kalsada, may dalawang lane. Ang isa ay buhay ang tawag. Ang isa, iyon na nga. Iyong pagsasakabilang-buhayan ninyo. Death nga. Kamatayan.

Kumbaga naman sa magkapit-bahay, ito ang side ko. paglampas ko ng bakod, other side na iyon. Hmm...

So ang buhay bilang isang konsepto ng espasyo.

Ayan.

At ang tunay at tanging dahilan kung bakit ko naisulat ang blog entry na ito ay hindi naman espasyo at kamatayan. Balikan ang title ng entry. Tibao, di ba?

So eto na. Kinopya ko ito mula sa paliwanag ni Rene Javellana ukol sa pasyon ni Gaspar Aquino de Belen:

"Naniniwala rin ang mga sinaunang Tagalog na may pinupuntahan nga ang mga yumao. Bagaman hindi malinaw kung saan ito, naniniwala sila na bumabalik ang mga yumao sa ikatlo at ikasiyam na araw pagkatapos mamatay. Dahil dito, naghahanda sila ng piging na binansagang tibao sa bahay ng namatayan. Naglalatag sila ng banig na may abo habang nagdiriwang upang kung sakaling dumalaw ang patay, maiiwan ang kanyang bakas."

Ngi. Scary.

Ngayon, alam ko na kung bakit may pasiyam. Alam ko na rin kung bakit mukhang party sa dami ng pagkain ang pasiyam. Para pala itong homecoming ng taong namatay.

Pero ang tanong, sino naman ang gustong sumalubong sa nagho-homecoming na patay? Ngi. Lord.

At ang hindi kayang ma-take ng duwag kong mga tuhod ay ang pag-iiwan ng bakas ng namatay. Utang na loob. Kung sakaling ako ang mamatayan at may makita nga akong bakas sa ibinudbod kong abo, mapupunit ang bibig ko sa kakasigaw.

:-o

Pero in fairness, magandang gawan ito ng kuwento, ha?

Ang larawan ay mula rito>> jures1979.wordpress.com/.../sa-aking-pagtanda/.

paalam




idine-delete ko ang mga email address ng mga kaibigan kong yumao na. ngayon ko lamang ginawa ito. samantalang ang marami dito ay matagal nang namaalam.

soselyn floresca
vincent jan rubio
rene villanueva
astrid tobias

maraming salamat sa mga payo, tuwang hatid ng bawat pagkikita, mabuting pakikitungo at higit sa lahat, sa inyong handog sa ating mundo, ang mundo ng panitik. salamat.

(Ang larawan ay mula sa http://symbian-lifeblog.com/2009/01/goodbye-symbian-life-blog.html)

Thursday, February 25, 2010

Patimpalak sa Pagsulat ng Kuwentong Pambata




It's that time of year again!!!

CANVAS invites you to join and submit an entry its annual Romeo Forbes Children's Story Writing competition, and possibly see your written text rendered in full color in a children's book.

This year, 13 Artists* Awardee Don Salubayba does the honors and provides the inspiration with this untitled contest piece:

* Given by the Cultural Center of the Philippines every three years, the Thirteen Artists Award is the country's most prestigious award given to any Filipino artist under the age of 40, and is intended to nurture and promote artistic excellence by recognizing progressive and innovative art.

Contest Rules and Conditions

1. The Romeo Forbes Children's Storywriting Competition is open to all Filipinos.

2. Entries must not have been previously published, and all entrants must warrant the originality of their submitted entries.

3. Writers may submit only one entry, in English or Filipino, which shall be of 1,600 words or less.

4. There is no particular theme, other than the use of Don Salubayba's contest piece, shown above, as the inspiration or basis for the entry.

5. Judging Process. A CANVAS review panel shall read and award points for all stories received based on the following criteria:

* Originality and Storyline (40%)
* Imagery (30%)
* Quality of Writing (20%)
* X-Factor/Judges' discretion (10%)

Based on the points received, CANVAS shall forward a shortlist of at least five stories with the highest scores to the Artist. The Artist shall then provide comments on any or all the stories, for consideration by the panel of judges.

The panel of judges - taking the contest criteria and Artist comments into non-binding consideration - shall collectively choose the winner from the shortlist of stories.

If the judges cannot come to a consensus on the winner, they shall take a vote and the entry that gains the most number of votes shall be declared the winner.

None of CANVAS' review panel, the judges or the Artist shall see the entrant's name until the winner is chosen.

6. Entries must be submitted by email, as a Microsoft Word attachment, to storycontest@canvas.ph with the subject heading 2010 ROMEO FORBES CHILDREN'S STORYWRITING COMPETITION. In the body of the email, entrants must provide their name, the title of their entry, mailing and email address, and telephone/cellphone number. Only the story title should appear on all pages of the attached entry.

7. The deadline for submission of entries is 5:00 p.m. (Manila time), Tuesday, 30 March 2010. Entries received after the deadline, even if sent earlier, will no longer be considered for the competition.

Kindly note that CANVAS acknowledges each and every entry that we receive. If you submitted a story, and do not receive an acknowledgement from us within 24 hours, please assume that your story was not received and kindly resend it to us.

Entries received after the deadline, even if sent earlier, will no longer be considered for the competition. CANVAS shall not be responsible for entries which are not received, or which are received after the deadline, due to technical failure or for any other reason whatsoever.

8. All entrants hereby agree to authorize CANVAS to post such entries on its website, as CANVAS deems fit, and free from any payments, royalties or fees whatsoever.

9. There shall be only one winner, who shall receive a cash prize of PhP 35,000.00 (less applicable withholding tax) for his/her entry.

The winning writer shall also be entitled to five (5) free copies upon publication of the book.

The winner shall grant and transfer to CANVAS all intellectual property and publication rights to the story, including any translations, adaptations or modifications thereto.

It is hereby understood that the cash prize to be awarded to the winner shall include consideration of such intellectual property and publication rights to the story, and the writer shall not be entitled to any other royalties or fees from earnings, if any, that may result from future publication of, licensing of, or other transactions on the same.
(Please see our note below on why we have this rule.)

10. Except for the right to publish any received entry on its website, CANVAS shall not retain any other rights to entries that are not selected as the winner, except where separate agreements are reached with the writers.

11. CANVAS shall exercise full and exclusive editorial and artistic control over the publication of the winning entry and resulting book.

While, it is the full intention of CANVAS to publish the winning entry as a full-color children's book, CANVAS reserves the right not to publish the same for any reason whatsoever.

12. The winner of the CANVAS storywriting competition will be announced on or around the first half of June 2010 on the CANVAS website. The winner will also be notified via email on the same announcement date.

13. CANVAS reserves the right not to award the top competition prize in the event that the judges decide that no entry was received that is deserving of the top prize. In such event, however, CANVAS shall have no right whatsoever over all entries that were received; and shall not publish any entry, in its website or in any other venue, without the prior written consent or agreement of the author.

14. The decision of the competition judges shall be final, and no correspondence or inquiries into the same - including requests for comments/feedback on received entries - shall be entertained.

15. Employees of CANVAS, and members of their immediate family, as well as the CANVAS Fellow's immediate family, are disqualified from participating in the competition.

Talaang Ginto



Ang Patimpalak sa Pagtula na Talaang Ginto ay bukas na!

Halina't sumali. Pumunta lamang sa www.kwf.gov.ph para sa tuntunin at pormularyo sa paglahok.

Wednesday, February 24, 2010

one proud mam



Natuwa ako sa email ng isa sa mga estudyante ko ngayong sem. Isa siya sa mga dahilan kung bakit napakasaya ang maging guro.


Ang nakasulat sa subject ng kanyang email ay:


Pasasalamat sa pagtuturo niyo sa aming maging observant. :D hehehe


At eto ang nakapaste sa email niya bilang mensahe:


ANG OVERPASS SA QUIAPO, RAON
ni Kaymar Alekzis Lopez



Anyone can start a business but not everyone can make a GOOD and efficient business. Isang overpass malapit sa Raon Shopping Center ang lagi kong nilalakaran pauwi. Tambak ito ng iba’t ibang paninda mula sa bawat sulok ng Quiapo. Dikit-dikit at magkakapareho ng ibinebenta ang mga tindero’t tindera doon. Hindi pa pala sekyu ang pinaka-pantamad na trabaho. Nakakaawa ‘yong mga tinderang nakatunganga at naghihintay ng mga kustomer. May ibang nagbebenta ng underwear sa ilalim ng hagdan, SOBRANG TAGO! Oo nga pinili nila ‘yong lugar kung saan maraming tao ang dumadaan PERO kasi kung sa isang makitid na overpass with continuous flow of people, talagang lalangawin ang mga paninda nila. Di ba’t istorbo sa daloy ng mga tao kung hihinto ang isa para lang bumili ng kung anuman sa may bandang gitna ng overpass? Malulugi talaga kung hindi sila lilipat ng puwesto pero saan naman sila pwedeng lumipat? And considering the products they’re selling, talagang malulugi!


Sintas ng sapatos, plantsa, heater, light bulb, baraha, gamit na pam-pedicure o manicure at kung anu-ano pang China appliances na halatang madaling masira! Isama pa ninyo ang Swiss knife, ice pick at sex toys!


ICE PICK? Paano pag biglang may riot sa overpass? O kaya biglang gamitin ito ng holdaper bilang panakot sa biktima?


SEX TOYS? No’ng una, nagtataka talaga ako kung bakit ganon ‘yong itsura no’n kaya napatitig talaga ako para hanapin ‘yong product label. Hanggang sa mapansin na ako ni Manong at i-market ito sa ‘kin.


“Iha, bili na. Sex toys.”


Ang sarap magmura! Sinong malakas ang loob na bumili no’n sa harap ng madaming tao at sa harap ng tinderong mukha pa namang manyak? At talagang naka-display pa ang dignidad ng lalaki sa gitna ng overpass!


Nakakailang talagang lumakad sa overpass na ‘yon lalo na kung close-minded ka. Maliban sa mga paninda, may tatlong taong laging nakaupo sa may hagdan ng overpass. Sa pag-akyat ko, may isang lola na laging tulog, naka-extend ang isang kamay niya at anyo itong nanlilimos. Sa pagbaba ko naman ay ang mag-asawang may kargang sanggol. Si Manong pulubi sa overpass na ‘yon ay ibang-iba sa mga pulubing nakikita ko na. Nagagawa pa niyang manigarilyo sa kabila ng hirap ng buhay.



Sa araw-araw na paglalakad sa overpass na ‘yon habang suot ang CORPORATE UNIFORM ko at bitbit ang pulang Nine West bag, hindi pa naman ako nabibiktima ng holdap (ipinagdarasal kong ‘wag na sana mangyari ‘yon ever.) Napagtanto ko na kahit ganon ang piniling hanapbuhay o kahit hindi kumikita nang malaki ang mga tao sa overpass, hanga pa rin ako at saludo sa kanila! Mas mabuti na kasi ang ganon kaysa sa magnakaw, di ba?


‘Yon lang naman ang mayroon sa overpass na ‘yon. Realidad ng buhay. Walang itinatagong dumi.


(Ako ang naghanap ng larawan ng Lola sa Overpass. Dito ko ito natagpuan>> http://flickr.com/photos/armaneugenio/3585577063. Salamat sa potograpo.)

Friday, February 12, 2010

there is beauty in darkness



hep...

hindi akin iyan.

linya iyan sa isang tula ni ned, ka-batch ko sa ust writers workshop.

isinalin ko ito sa Filipino. eto ang version ko:

may dilag sa dilim.

pero mas malupit ang salin ni sir mike:

may kariktan sa karimlan.

at kagabi ko lang ito napatunayan.

nagpunta kami sa dangwa kagabi. mag-aalas-onse. ang liwa-liwanag sa dapitan at lacson pero pagtawid sa laong-laan at dimasalang, bumabaha na ng kadiliman.

brownout pala.

pero nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. gusto raw niya akong bilhan ng bulaklak. ayoko naman. sayang ang pera. pero ayoko rin naman siyang mapahiya. sabi ko, tingin na lang tayo. binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone at iyon ang ginamit namin sa pagsipat-sipat ng libo-libong kariktan sa karimlan.

na-realize kong noon lang akong nakapasok nang husto sa mga kalye roon: dos castillas, kalye ng dangwa transport, isang bahagi ng laong-laan at marami pa. pag bumibili kasi ako ng bulaklak para sa tatay ko ay sa quiapo lang tinatangay ang aking mga paa. pero minsan na akong bumili sa area na ito para kay joi barrios nang magsalita siya sa event ng umpil sa ust. iyong pinakamalapit na tindahan ang agad kong nilapitan.

wala nang bangketa sa dakong iyon. iyong loob-loob na mga kalye. ang meron ay pagkahaba-habang carpet ng mga rosas: pula, orange, dilaw, puti, peach, asul, pink( na may iba't ibang bersiyon: dark pink, baby pink, fuschia). naaawa ako sa mga bulaklak na nasa ilalim. anong silbi ng ganda kapag lamog-lamog na?

halos hindi mo na rin maaninag ang kalsada. nararamdaman na lang ito ng iyong paa. mapapatabi-tabi po nuno ka sa dami ng mga halamang nagkalat. may nakapaso, may nakasuksok sa bansot na timba, may nakasandal sa mga dingding, may nakahiga at patong-patong ding mga dahon-dahon at may nakasabit sa nangangalay nang mga tolda.

inuusisa ko ang nagtitinda kapag may natipuhan akong bulaklak o halaman. ano po iyan? e eto po? ano pong pangalan nito uli? e ayun pong nakatiwarik?

buti at walang nakulitan sa akin kahit di naman kami bumibili.

magigiliw ang mga tindero't tindera kahit hirap sila sa pagbebenta. imadyinin ninyo na lang kung gaano karaming bungkos ng pangungumbinsi na maganda at sariwa ang kanilang bulaklak ang kailangan nilang gawin sa gitna ng dilim.

kung maliwanag lang ay hindi na kailangang magsalita ni kuya o ni nanay. mga talulot na ang mangungusap sa mga mata ng mamimili. andali-dali palang ibenta ang sarili kung isa kang bulaklak.

good mood pa ang lahat ng nagtitinda. Siguro dahil malamig ang panahon at di sila nauubusan, nalalagasan ng kustomer. isa pa'y hindi pa lanta ang kanilang katawan. ngayon pa lang nagdadatingan ang trak-trak na bulaklak, karamihan ay galing pa sa benguet. meron nga raw na galing sa cotabato. noon pa lang bumubukadkad ang kanilang araw.

halos dalawang oras din kami sa maliliit na kalsada.
sako-sakong pangalan na ng mga bulaklak at halaman ang nakalap ko.

rose (siyempre)
tulip (na naka-ref pa talaga. ang sosi.)
carnation
paper roses (hindi lang pala ito pamagat ng kanta)
malaysian mums (may version nito na ang pangalan ay spider at scary siya)
berry (isang lunti, makinis at mahabang sanga na may butlig-butlig)
kulot( isang halaman na maroon ang dahon at hugis matatabang luha ang talulot. madahon at mahaba, ewan kung bakit kulot.)
statice
angels breath
daisy (na lagi kong pang-opening line. 'te, 'yan po ba ang daisy? ay, miss, hindi.
donald yan. ducks ba?)
gerbera daisy
fern (malaki, maliit, medium, pampalaspaspas ang dating)
chrysanthemum
orchids (na puti nakasabit ito nang pabaliktad sa isang sampayan)
sweet william
sunflower (na maliliit. wala akong nakitang kasinlaki ng mga itinatanim sa up kapag malapit na ang graduation)
mickey mouse (isang mahabang tangkay na may bungang kulay dilaw at hugis mahaba-
habang mickey mouse.)
cactus
anthurium (iyong pula na may titing dilaw. nakakabad trip tingnan ang bulaklak na
to. lalo na kung kumpol-kumpol. kung galit ka sa isang tao, ito ang dapat
iregalo.)
pink na pinya (dalawang pulgada lang ang laki nito pwera pa yung pinakakorona niya.)
cabbage rose (anlaki nito. para talaga kay karen. malaki pa siya sa karaniwang
repolyo at nakabuka ang mga talulot nitong mangasul-ngasul na
malaberde-berde.)

ang mga bouquet ay nagkakahalaga ng P250-350. walang ek-ek ito. i mean, walang palamuti. bulaklak lang at iyong wrapper ng bulaklak. yung ibang bouquet kasi may stuff toy na kasinlaki ng kamao mo. yung iba, may nakatindig na pulang plastic na hugis puso. sabi, i love you. me bouquet na nga, may ganon pa. redundancy department of redundancy.

dala niya ang camera ng ate niya pero wala raw flash kaya hindi namin nagamit. malas. brownout nga kasi. pero nang magkailaw na, nakalimutan na namin itong gamitin.

enjoy na enjoy kasi kami sa mga bulaklak. puwede palang gawing pampalipas-oras ang simpleng pagtingin sa mga ito. nakakatanggal ng stress at pagod.

kung magnenegosyo ako, gusto ko bulaklak din. o di kaya prutas. kahit hindi ako kumita nang malaki, buo pa rin ang araw ko. maganda ang bulaklak. pampalusog naman ang prutas.

NAKATULONG SA PAG-ALALA KO SA MGA PANGALAN NG BULAKLAK ANG WEBSITE NA ITO:

http://www.buzzle.com/articles/list-of-flower-names-with-meanings-and-pictures.html