Paano kaya nagbabalik-tanaw ang mga tuta ni Marcos na miyembro ng kapulisan at militar noon? Ano kaya ang ikinukuwento nila sa kanilang mga apo? Ganito kaya?
Noong unang panahon, mga apo, gabi-gabi kaming nangingidnap ng mga aktibista. Wala, di kami makapalag, utos kasi ng nakatataas. Dinadala namin ang mga aktibista sa liblib na mga bayan. Paaaminin namin sila ng kung ano-anong kasalanan. Pag hindi sila nagsalita, bubunutan namin sila ng mga kuko. Iyan, iha, pinky ba ang tawag n'yo diyan ngayon? Iyang pinakamaliit na daliri ang inuuna namin, para hindi naman magulat ang binubunutan. Ay, tawa kami nang tawa habang sigaw-iyak sila. Nakakatawa kasi 'yong mga mukha nila, parang pinipilipit na tsinelas. Kapag naubos na namin ang mga kuko sa kamay, iyon namang sa paa. Kapag naubos ang nasa paa, babalik kami sa ulo. Bubunutan naman namin sila ng ngipin. Iyon ang mahirap, aba'y naiisahan nila kami. Kinakagat nila ang mga palad namin. Matindi sila kung gumanti. Gigil na gigil sila kung mangagat. Nagkakasugat-sugat ang kamay namin. Ang sakit tuloy, lalo na kapag kumakalabit kami ng gatilyo.
Kapag babae naman ang nadudukot namin, naku, mas mahirap. Kailangan naming maghanap ng mas liblib na lugar dahil mas matinis ang mga sigaw nila, kahit pa busalan namin ang kanilang bunganga ng sarilii nilang mga panty. Ay, baka may makarinig. Ang haba-haba ng biyahe kasi kung saan-saang probinsiya kami napapadpad. Gabing-gabi na ang dating namin at saka pa lang kami makakapaghapunan, kanin, galunggong. Pero minsan, laro muna bago kain, pampatanggal ng hapo. Sabay-sabay kaming hihithit ng sigarilyo, tapos sabay-sabay din naming papatayin ang mga ito sa suso ng babae. Magkabilang suso. Unahan pa nga kami sa utong. May premyong dagdag na tasa ng kanin ang sinumang makapagpapatay ng sigarilyo sa mismong utong. Kay babaw ng kaligayahan namin noon, ano?
At alam n'yo, minsan, nangingidnap din kami ng pami-pamilya. Pag may babae at lalaki na magkapatid, ibinubukod na namin iyan. Wala kasing telebisyon sa mga lugar na pinagdadalhan namin sa kanila, kaya sila na lang ang show sa gabi. Pampalipas-oras din ba. Pinagtatalik namin ang magkapatid. Sabi namin, pipilahan naming lahat ang babae kapag sinuway nila kami. Sigaw-iyak naman na susunod ang dalawa. Hala, hubad agad. At kami, tiis-tiis sa lamok. Kagat dito, kagat doon, kay peste. Kailangan talaga naming magtiis para lang mapanood nang buo ang palabas, palakpakan mula umpisa hanggang wakas.
Ganon ang aming panahon, mga iho at iha. Masaya na mahirap. Mahirap na masaya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment