Wednesday, July 20, 2016

ito ang tunay na horror story

so may bumastos kasi sa akin over phone sa nbi marikina riverbanks nung july 8, kasagsagan ng bagyong Butchoy. iyon ang reason kung bakit nag-post ako ng commendation letter tungkol sa mga nagtatrabaho doon na talagang tumulong sa akin that day. anyway, binalikan ko ang clearance ko noong july 14 at na-meet ko yung nambastos sa akin over phone. marami kaming napag-usapan. pero halatang-halata ko na marami sa mga sagot niya sa mga tanong ko ay wala sa hulog. halimbawa:

ako: paki-receive na lang po, sir, ang kopya ng commendation letter para kina blah-blah.

siya: hindi, ok na. nabasa ko na iyan sa FB. hindi ko na kailangan ng kopya.

ako: oo nga po. pero receiving copy lang po ito, sir. kahit nabasa na ninyo, ipinapa-receive ko lang po. ipapadala ko po kasi sa personnel dept ng nbi main.

siya: hindi. ayoko. sa iba na lang.

ako: kanino ko po papipirmahan ito?

siya: maghanap ka diyan. ewan ko.

ako: akala ko po kayo ang head dito?

siya: 'wag na nga. ayaw kong i-receive 'yan. baka puwede mong ipa-receive sa guard ng mall. tutal nasasakop naman nila ang mall.

ako: ha? guard? e, sa inyo po naka-address itong letter, sir. hayan na kayo sa harap ko.

siya: hindi kami puwedeng basta-basta mag-receive niyan.

ako: sir, commendation letter po ito. ano pong ikinatatakot n'yo?

siya: basta, hindi puwede. kailangan kong itanong muna sa head ko sa nbi main. si mam blah-blah-blah.

anyway, natapos ang usapan namin tungkol dito nang sa wakas ay sabihin niyang papirmahan ko na lang daw ang letter sa mismong staff niya na kino-commend ko sa letter. iyon nga ang ginawa ko at umalis na kami sa nbi marikina riverbanks.

that same afternooon, sa hindi malamang dahilan ay ipinasok niya sa usapan namin na taga-bignay lang daw siya. kabilang kalsada lang ito mula sa bahay namin. at marami daw siyang kaibigan na nakatira malapit sa kalsada namin (alam niya ang buong address ko dahil nasa nbi clearance ko ito na ini-release niya sa akin that day). binalewala ko ito. akala ko, parang sinasabi niya lang na, magkapitbahay tayo, friend. something like that.

eto ang eerie. noong isang araw, ang tao na ito ay parang nakita raw ni poy (habang karga niya si dagat) sa mercury drugstore na nasa kanto ng kalsada namin. nakamotor daw pero walang helmet. nakapambahay lang. tinawanan ko lang ito. kako baka namamalikmata si poy. siya kasi ang mas nag-aalala sa aming dalawa. dahil taga-nbi nga itong nakasagutan ko.

e kaninang umaga, around 8:50 am, noong naglalakad kami ni dagat at ng kasambahay sa mismong kalsada namin, as in a few steps away from our house, may nakasalubong kaming lalaking nakaputing damit at maong na pantalon, nasa kabilang side ito ng kalsada. nang malapit na kami sa kanya, at siya sa amin, aba, napansin ko, kamukha ng taga-nbi na nakausap ko noong july 14!

ek, ano 'yan, nagmamanman? nag-aabang? ipapadukot na ba ako? kami? ipapabaril? ipapatumba? lalagyan ng packaging tape, duct tape, masking tape, scotch tape, washi tape? sasabitan ng karatulang nagsasabing: drug pusher, wag tularan, lalo na ng mga buntis! ek. nakakatakot.

napilitan tuloy akong ilabas ito. o, friends, may idea na kayo, sakali mang may mangyari sa akin o sa munti naming pamilya, ha?

#itoangtunaynahorrorstory

2 comments:

Arvin U. de la Peña said...

baka tinitingnan ka lang at wala gagawin na hindi maganda...

babe ang said...

sana nga arvin hahaha pero bakit naman niya gagawin ang tingnan ako? tapos na ang usapan namin sa opisina niya di ba?

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...