Tuesday, March 17, 2020

emergency break

sarado stock market starting march 17.

ang good news, mahihinto ang tuluyang pagbagsak ng mga presyo ng stocks.

ang bad news, hindi naka-pull out ng pera ang mga gustong mag-pull out.

hopefully, after all this, akyat uli ang stocks.

this too shall pass!

#veeruskalangfilipinokami

Monday, March 16, 2020

may withdrawal na naganap

update, guise:

may withdrawal na naganap! wagi ang lola n'yo ngayong gabi na ito!

at sinamantala ko talaga dahil minsan lang 'to. sinaid ko hanggang sa wala na siyang mailabas.

suko na, suko na!

sabi ng atm card ko.

withdrawal

nakow, kailangan kong lumabas para mag-atm!

pag-uwi ko, may magaganap na naman na hubaran at wasiwasan ng alkohol.

bale, i-update ko na lang kayo kung maka-iskor ako this time kay papa p. o kung may withdrawal na mangyayari.

#pera
#withdrawalngpera
#anube

starve them!

kumikitang kabuhayan na naman ang sitwasyon for the trolls.

ganito po iyan, kapag nagre-react kayo o nagre-reply o nagko-comment under a post or an fb page or a comment, trolls get a certain amount. ang balita ko 50 pesos ang pinakamura.

so, what do they do? mapanghamon ang kanilang mga post at comment, ipo-provoke ka talaga. to the point na tangang-tanga ka na sa kanila at sa mga pinagsasasabi nila.

natural, papatol ka. mapapa-comment ka.

cash iyan para sa kanila.

so, what to do, what to do?

huwag mag-comment under their fb posts or fb comments.

kaya ba natin ito? yes.

ang talino nila, ano? pero mas matalino tayo.

#letsstarvethetrolls

ang tv news bow

nakapag tv news kami sa kabilang bahay, bahay ng kapatid ni papa p.

napanood ko sa balita na kailangan nang pumirma ng mga pasahero sa isang papel para maitala kung sino sila at saan sila papunta.

so, pinapaikot ang papel at bolpen sa lahat ng nasa bus.

kasama ang virus!

ipinakita rin sa news na inilalapat sa noo ng mga commuter ang thermal scanner na hawak ng mga militar at pulis.

siyempre pa, kasama uli ang virus!

#antatangatalaga
#bestandthebrightestkungsinomannakaisipnito
#papatayintayonggobyernongito

Thursday, March 12, 2020

community quarantine at regional lockdown

seryoso na to! kaka-announce lang ni du30 na kailangang mag-community quarantine at mag-regional lockdown ang pilipinas.

nakakatakot na talaga ang novelcorona virus na yan. or ncov for short.

ano nga ba ang alam ko at naiintindihan sa virus na iyan?

1. novelcorona ang pangalan nito dahil novel, meaning, unique, kakaiba sa mga dati nang virus.
2. corona dahil mukhang korona ang virus na ito kapag idinaan sa microscope
3. pumapasok ang ncov sa katawan ng tao sa pamamagitan ng butas ng katawan, halimbawa, mata, ilong, bibig.
4. ito ay nagdudulot ng respiratory problem. ibig sabihin, inaatake nito ang baga at ang kaugnay na mga tissue at muscle ng baga.
5. namamatay ang tao na may ncov dahil hindi na siya makahinga.
6. mas mabilis mamatay ang tao na may ncov kapag mahina ang resistensiya niya o kaya ay may iba pa siyang sakit bago pa siya dapuan ng ncov

ano ang mga dapat gawin?

a. gumamit ng mask. kung wala nang mabiling mask, ugaliing magtakip ng ilong at bibig gamit ang towel o bimpo.
b. mag-alcohol pagkatapos ma-expose sa lugar na maraming tao. maraming germs at virus ang napapatay ng alcohol.
c. maghugas ng kamay kapag nakahawak sa mga bagay na hinahawakan ng maraming tao, lalo na at di mo kilala ang mga tao na humahawak sa mga bagay na iyan. halimbawa nito ay estribo ng dyip, handle bars ng mga pinto ng fast food restaurants, landline, mouse ng computer at keyboard sa mga internet shop, door knobs at door handles ng mga cr.
d. mag-vitamin c, kumain ng maraming prutas.
e. laging uminom ng tubig. dahil kapag tuyot ang lalamunan, mas likely na magkagasgas ito sa loob at mapasukan ng virus.
f. lumayo muna sa mga tao. iwasang sumakay sa bus at van na masikip. huwag munang sumakay sa dyip na matao. huwag munang magpunta sa mga crowded na lugar gaya ng palengke, groserya, simbahan, sinehan.

dito sa ccp, nagka-online meeting kami via the app called zoom. sabi ng vp at artistic director namin na si sir chris na nasa bahay nila dahil siya ay maysakit, cancelled na raw ang lahat ng public events namin nang buong marso. isasara na rin sa publiko ang ccp. so wala nang puwedeng makapasok for art exhibits, building tours, and the library. hinihintay na lang namin ngayon ang opisyal na announcement ng management.

nalungkot ako pero natuwa at the same time. puwede pala iyon, hahaha.

nalungkot dahil alam ko ang preparasyong ginawa para lang sa mga nakanselang event. grabehan. dugo't pawis ng mga artist, performer, writer, director at production team iyan. minu-minutong rehearsals! ahahay. masasayang pala. ang lupet mo, ncov, hayop kang virus ka.

natuwa dahil nairaos na namin ang festival of plays by women 2020. oh my fucking god. buti talaga at ginawa namin ito nang unang weekend ng marso! kung hindi, sapul na sapul kami ng ncov. andami pa naman naming performers at speakers from the regions. imagine kung di sila natuloy! napakaraming salapi ang masasayang.

anyway, sa isang banda, kahit halimbawa ay hindi ikansela ang public events sa ccp, may manonood ba? siyempre, takot na ang mga utaw sa matataong lugar!

mas masaklap naman iyong nag-rehearse ka't naghanda, go na go ka, bigay na bigay, pero... walang nanonood kundi ang nanay mo. na naka-mask.

as of this moment, i heard that 48 hrs from now, may lockdown na sa ncr. at ipagbabawal na rin ang bumiyahe sa mga rehiyon. pati flights, cancelled till april. dami talagang apektado. damay-damay na. ang silver lining na lang dito, we are all alert and aware. may panganib!!!

mabuti at gising tayo, nag-aabang sa pagsalakay nito.

Wednesday, March 11, 2020

maghubad ka na

maghubad ka na, sabi ni papa p.

dito? sa sala? tanong-sagot ko.

oo, sabi niya.

dali-dali akong sumunod. sa isip ko, aba, wild na jowa ko ngayon. sa sala na gustong makipag-chenerlu, kita ng kapitbahay.

iwinasiwas muli ni papa p ang alkohol sa akin. natamaan ang dede ko, kilikili, tiyan, pusod, pek squared, at mga hita. pinasirit niya ang alkohol sa aking mga paa. patay, pati fungi!

o, ayan, na-disinfect ka na. damit ka na uli, sabi niya sa akin, sabay abot ng daster.

ay, pakyu, love in the time of corona.

wasiwas

so, tanong ni papa p. maliligo ka ba? sagot ko, hindi. bakit, may balak ka ba or something?

iwinasiwas niya uli ang alkohol sa akin.

precautions and safety measures

sa mga nag-aalala dahil sa pagiging pulot-barya gang ko, don't worry. i take precautions naman and safety measures.

bago ko pulutin ang barya, nag-aalkohol ako. mahirap na at baka magka-virus ang barya.

manananggal

so, pagdating ko sa amin ay binuhusan ako ng alkohol ni papa p. nasa loob siya ng bahay, nasa labas naman ako.

ito pala iyong feeling ng manananggal towards the holy water of the father.

Thursday, March 5, 2020

q and a with bebang


Ano-ano ang mga nag-udyok sa ‘yo na mag-ipon?

pala ipon ako kahit noon pa. nag umpisa sa alkansiya, tapos sa bangko. noong malaki na ako, time deposit. kaya lang lagi kong nagagastos ang naiipon ko.

mahilig ako mag-ipon kasi lagi itong sinasabi sa akin ng papa ko, mama ko, at mga pinsan kong chinese, noong bata pa ako, mga starting 8 years old.

nadala ko ang habit ng pag iipon hanggang sa tumanda na ako. napakatipid ko lagi as in way if life ko ang kakuriputan hahaha. at kahit gaano kaliit ang kita, lagi akong nagtatabi ng pera. tapos noong mga late 20s ako, nagtime deposit ako, mga 200k na ang pera ko that time. i make sure kahit anong nangyayari sa buhay ko,di ko nababawasan ang ipon na iyon. (dumating kasi ang time na natanggal ako sa full time kong trabaho as a teacher sa uste dahil di ako makagraduate sa ma ko).


Paano ka nagsimulang mag-invest sa stock market?

nagsimula ako noong 2009 yata or 2010. nababasa ko sa books na maganda mag invest sa stock market. that time bagal na bagal ako sa growth ng ipon ko sa time deposit. hindi ako makapaniwala na kapiranggot lang ang kita ng 200k na di ginagalaw for so many years. so, sabi ko, walang asenso sa time deposit. nababanggit ko sa bf ko na interesado ako sa stock market. pinakilala niya ako sa mama niya na cpa. dati itong accountant ng isang stock broker. through her help, nagkaroon ako ng account sa human broker (kasi ngayon ay may online broker na like col financial). then paunti unti tinuruan niya ako how to read tables ng stock market sa diyaryo. wala akong background sa stock market, as in malikhaing pagsulat ang course ko sa college at filipino literature sa ma level. at lahat gn work ko ay walang kinalaman sa pera at stock market. pero sa husay niya magturo, naunawaan ko ang basics ng s.m. (ps ngayon ay husband ko na nga pala si bf).

that time ang mama ni bf ay nagwowork na sa ibang company. ang big boss ay nag iistock market din. kapag bumibili ito ng certain stock, sinasabayan ito ng mama ni bf. so ang ginawa ng mama ni bf kapag bibili ang boss niya, bibili rin siya, sasabihin niya sa akin, bibili rin ako. so nakiki ride kami sa stock market research team ng boss niya hahaha. it worked for a number of my buy and sell through human broker. kumita naman ako doon. pero sabi ko, hindi naman puwedeng lagi akong nakaasa kay muma (iyan na ang tawag ko sa mother in law ko). dapat matutuhan ko paano nakakapag buy and sell at kailan dapat mag buy and sell. so, inaral ko ito. nagbasa ako ng book ni bo sanchez, francisco colayco, nag open ako ng account sa col financial. nagbasa ako ng mga article at tutorials dito. nag experiment ako sa maliliit na amount as in 1k buy and sell, kita ng 100 pesos sell na. gusto ko lang talaga matry na sarili ko nang diskarte ang buy and sell kosa col financial. nag attend din ako ng seminars ng col financial sa tektite at sa meralco theater. nanood ako videos sa youtube nina marvin germo (muntinlupa), lloyd bazar (cebu) at alex onze (marikina). i also started following alex onze's fb page. habang nagko commute ako papasok sa work, cavite to pasay/manila, videos nila pinapanood at pinapakinggan ko.ang time ko ng commute ay umaabot ng almost 2 hrs one way, so almost 4 hrs per day

nagbabasa rin ako sa phil stock exchange website. nagbasa din ako mga forum (noong di pa uso ang mga group chat at fb page), ngayon member ako ng fb page na may kinalaman sa stock market.



Sino ang naging modelo mo para sa P1M stock investment challenge? At bakit P1M?


sa 1m sa stock market challenge, wala naman akong model. around 3 yrs ago, akala ko marunong na ako. so ang ganda ng kita ko, around10% per yr. so sabi ko, baka pag 1m na ang pera naming mag asawa sa sm, kayang kaya na namin ito palaguin via buying and selling sa sm. kaya noong nagka permanent work ako, kinompyut ko kung magkano kailangan itabi every month para maging 1m ang aming pera sa sm. then i stuck to that amount. i religiously followed my plan. bonggang bonggang pagtitipid x pagraraket ang ginawa namin ni papa p para matupad yan. and then, the realization came. na putcha di pa pala ako ganon kagaling sa sm. kasi napakarami kong maling buy. hanggang ngayon, ipit ang pera namin sa stock market kasi di ko winiwdraw pera namin don. as of.now nasa 400k ang paper lugi namin! imagine that.


wala namang special sa number na 1m. its just that theoretically, kung lalaruin ko sa sm ang 1m, at posible akong kumita ng kahit maliit na percentage for every buy and sell transaction, naisip ko na puwedeng di na ako magwork, baka puwedeng sa bahay na lang ako! hahahaha! every working parent's dream



Ano-ano ang mga ginawa mo at ang iyong pamilya para makatipid at mas mapabilis ang pag-abot sa P1M?

Napakarami. Una, laking tulong na iyong panganay ko, public school mula grade1 hanggang college. Wala akong gastos sa schooling niya. kinompenseyt ko na lang ang edukasyon niya by bringing him everywhere i go. kaya laking lira iyan hahaha. i also bought second hand books and read to him regularly (namana nina dagat at ayin ang books ni ej, the panganay!) i also traveled with him halimbawa sa biak na bato sa bulacan (mura entrance,historical yung lugar, nature tripping pa!), i also brought him to angono petro glyphs walang entrance fee. i remember this so well dahil umiiyak na si ej sa sobrang pagod dahil wala palang regular na sasakyan papunta doon at pauwi hahahaha so naglalakad kami kilo kilometro hahaha pababa ng mataas na lugar nanginginig na tuhod namin hahahahaha

i also brought him to corazOn aquino's wake sa intramuros. gusto ko, kahit public lang siya, makaranas siya ng mga bagay na higit sa nararanasan ng public school student. tapos nung nahilig siya kay jackie chan, naghanap ako ng magtuturo sa kanya ng kung fu. i forgot kung sino ang una niyang guro pero nakahanap ako ng isang maliit na temple sa harison st sa pasay. monk mula sa china ang nagtuturo. 200 per session, 2 hrs. tapos marami sila sa isang session, mga 4 to 6 pax. dalawa silang bata. he was 10 yrs old that time. commute kami every weekend sa pasay from qc just to attend kung fu lessons

those kung fu lessons eventually led us to wushu gyms and teachers na siyang nagturo at nagtrain kay ej sa wushu. nang maging wushu athlete siya, nakapag-abroad siya for free at nakapag-compete. china,taiwan, macau,etc. last yr, right after his coege graduation, nakapagrussia siya for free as leader of wushu athletes' group. ngayon, nagwowork siya sa isang bpo sa makati, sa human resources. pyschology grad siya ng pup. nung baby yan, am lang pinadede ko diyan hahahaha dahil walang financial support tatay niyan tapos breadwinner ako ng nuclear family ko, ako nagpapaaral sa mga sis ko (lahat kami girls) at ako rin nagpapaaral sa sarili ko (ba malikhaing pagsulat sa filipino, up dil). sobrang hikahos talaga kami, i swear, tipong wala kaming sariling linya ng kuryente, nagta tap kami. pinagandang term para sa jumper hahaha ang bayad namin ay sa kapitbahay dahil siya yung may legal na meralco. wala rin kaming linya ng tubig, per container ang bili namin ng tubig. di makapaniwala ang up noong nag aapply ako sa kanila ng stfap (standardized tuition fee assistance program). kasi hinihingi doon ang metro ng tubig at kuryente e wala akong mapresent kaya lagi akong narereject.


anyway, all these things made me so kuripot. nanay ko, napakatipid din, mahilig mag ipon at madiskarte. kaya niyang magpalaki ng maliit na pera. laki ng impluwensiya niya sa akin.


sa pamilya namin ni poy, towards 1m, hindi kami nag hire ng yaya. bukod sa mahirap maghanap, sayang din ang 10k na pinasahod namin sa 2 kasambahay noong bago at pagkatapos ko manganak kay ayin. so ang nagdusa dito, si poy hahaha siya kasi nagluluto at asikaso sa 2 bata dahil full time ako sa ccp.


laking suporta din ng mother ni poy sa groserya namin. kaya nakakapag invest ako regularly sa stock market (nong magdecide ako na mag 1m challenge). di na namin prob ang groserya, salamat sa diyos at sa mga in law! sa personal level naman, hindi ako palataxi kaya laking tipid sa transpo expenses ko. di rin ako mahilig magpa salon. ako gumugupit ng buhok ko, ng bangs ko hahahahaha. wala manicure at pedicure. ok na sa akin na basic, meaning malinis lang, brush brush lang pag naliligo. inaral ko mag make up dahil mahal magpa make up! sayang pera diyan. tinititigan ko mga pic ng face ng models sa magazine at display sa mga dept store, tapos gagayahin ko. bibili ako ng mumurahin na eyeliner at lipstick na ilang daang taon ko na magagamit hahaha minsan binibigyan din ako ng mga kapatid ko saka mama ko. puro kami girls sa fam. papa ko lang ang lalaki.


di rin ako bumibili ng bagong damit. mahal. saka marami nang basura sa mundo, isip ko wag na dagdagan. so ukay ukay ang mga damit ko. usually 10 to 50 pesos. beyond that price, mahal.na for me. yung mga sis at mama ko, binibgyan din ako damit. minsan ukay din, minsan bago. si papa p, binibilhan ako ng damit kahit ayaw ko. sinusurpresa na lang ako. example nito ay nung national book awards akala kasi niya aakyat din onstage ang mga finalist hahaha binilhan ako ng bonggang damit. di ko na ito naisuot. nang kunin akong ninang sa isang kasal, ska ko na lang isinuot.




di rin ako bumibili napkin. cloth napkin ang gamit ko for around 4 yrs na yata. 1x a month ko lang nagagamit each napkin bec. i have 6 pads. 1st and 2nd days lang 2x ako nagpapalit, the rest 1x a day lang. sulit na yung ibinayad ko sa cloth napkin


nagbabaon din ako ng food sa work for lunch. napansin ko kasi na kapag bumibili ako ng food, nahihiya ako na sarili ko lang ang binibilhan ko. weakness ko ito, mahilig ako manlibre ng dine out, kain sa labas. esp with my officemates. yan na ang pinakabisyo ko hehehe



nakatulong din na simple lang ang wants ko. example, pag sa pasyal, nagre research ako ng mga walang bayad na pasyalan, ok na ako doon. ilog sa bailen,cavite. falls sa amadeo, cavite. park sa dasma. playground sa luneta. mga museo na free entrance. sa food, luho ko, cheetos hahaha. siguro mga 6x a year pinagbibigyan ko ang sarili ko niyan. cravings ko, pipino,mais,singkamas sa suka, cream o. so, hindi mamahalin! hahaha!


isa pa palang weakness ko, gumagastos ako sa party ng mga anak ko saka kapamilya. yan ang pinakamalaki sa mga gastos ko na unnecessary. pero awa ng diyos, katuwang ko uli ang in laws ko rito. ambag ambag kami.




ang mga lakwatsa namin ni papa p ay laging diy. kaya nakakatipid kami kahit paano. nakakapagod nga lang hahaha hindi kami sa hotel nag iistay, sa mga inn o pension house. meron kaming isang travel, sa mt samat sa bataan, di ako makapaniwala na 400 pesos ang trike paakyat ng mt samat. kahit alam kong ayaw ni papa p, naglakad kami paakyat hahahahaha wala siya magawa e hahahahaha


hindi nga lang pala kami nagtipid, rumaket din kami nang bongga. wala akong tinatanggihan na speaking engagement, tinatanggap ko rin ang magjudge sa mga writing contest. dagdag kita rin kasi



Ano ang susunod na savings/investment challenge para sa isang Bebang Siy?

ang goal ko ngayong 2020 ay property. tama na sa sm. kasi pababa lahat ng presyo. baka dahil kay du30 hahaha. sa property, lagi ako nagtitingin ng foreclosed properties sa website ng mga bangko. maraming mura kaya lang malayo. sa 2021, ang goal ko naman ay matapos na that yr ang hinuhulugan kong insurance. para di ko na iisipin.

for 2020, i am also thinking of buying a vehicle. jeep sana kaya lang baka daw mahal din ang jeep. jeep sana kasi marami ang maisasakay! pero mas priority ang property.





Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...