Tuesday, November 1, 2016

boo-laga!

hello, kumusta? antagal ko ring hindi nakapag-blog, a. pasensiya na, ha? nanganak lang ako. nagluwal ng kalabaw, bahaha!

sa ngayon, wala pa akong tulog. ngayon lang kasi ako bumalik sa internet. kaya sinasagad ko ang time ko rito. nag-update ako ng ilang post sa blog. nakipag-chat ako sa ilang kaibigan sa pamamagitan ng FB, sumagot din sa ilang PM. bihira na akong mag-open ng laptop o computer, nakaka-stress kasi ang FB at iba pang social media. puro bad news, puro away, puro patayan ang nababasa ko. nakakapagod na at nakakatakot. kaya ayoko munang lumapit sa laptop o sa anumang medium of communication na dinadaluyan ng teknolohiya, pakiramdam ko kasi may bubulwak na naman na pangit na balita anytime, haha!pati nga cellphone ko, bihira ko nang masulyapan.

hindi pa naman ako masyadong pagod kahit puyat ako, buong araw lang naman kaming nasa bahay kahapon at kagabi. nanood kami ng mga pelikula:

1. gosford park, isang period film set in london. murder mystery ang pagkakabenta sa akin ni poy kaya pumayag akong manood. pero in the end, mas tungkol pala siya sa pagkakahati ng mga tao noon batay sa ari arian, impluwensiya at pera. yung mga atsay, parang mga langgam na nagsusumiksik sa gilid ng pinto, para lang makapakinig ng himig ng piano sa pinaka sala ng mansiyon, samantalang ang mayayaman, nabuburat pa na makarinig ng tunog nito at ang gusto ay tumigil na lang ang pianista sa pagtugtog. isang halimbawa lang 'yan ng eksena sa gosford park.

2. road trip, starring bata bata pang paul walker, tungkol sa dalawang magkaibigan na laging nagmamaneho ng kanilang kotse

wala si dagat sa bahay, nasa parents ni poy, kaya medyo naka-relax kami. haggard lang talaga pag dalawa ang kasama naming bata at wala kaming kasambahay! nag-aaway na kami sa sobrang kangaragan.

ngayong hapon naman ay pupunta kami sa parents ni poy kasi may padasal doon para sa mga namayapa. i respect these family rituals and traditions. kasi wala kaming ganito sa pamilya namin. ang pinakatradisyon namin ni ej, gumagala kami sa labas ng maynila. hindi kailangang undas, o summer time o kaya holy week. basta't long weekend, at may budget, gagala kami. nothing spiritual, nothing special. at kadalasan e kaming dalawa lang.

to be continued muna ito! happy undas sa ating lahat!

1 comment:

Rise said...

Ansaya! Isang pagbati sa iyong pagluluwal, Ms Bev!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...