Saturday, November 4, 2017

Sample Script for a Show - Filipino

Marami akong pagkakamali rito at na-realize ko iyon nang umuusad na ang show.

1. Dapat ay binanggit ko sa script ang pangalan ng winners ng contest, since parangal din ito sa contest winners. Hindi ko ito isinama sa script dahil nag-assume ako na bibigyan ng ibang speakers (particularly ng WTA) ng moments ang winners para mas makilala ito ng audience.

2. Dapat ay binanggit ko sa script ang paghahabi ng mga disenyong mula sa Bagobo, Kalinga, T'boli at iba pang grupong lumad sa Pilipinas. Hindi ko ito isinama sa script dahil nag-assume ako na sasabihin ito ng speakers (particularly ng Omni at WTA representatives) bilang kuwento sa likod ng kanilang disenyo.

3. Hindi ko nabanggit ang pangalan ng leader ng chamber choir na Kammerchor. Ang husay pa naman niya! Paumanhin po, Ginoong Anthony Villanueva ng Kammerchor Manila.

4. Kung makakapagbigay lang ako ng opinyon tungkol sa sequence ng song numbers ng Kammerchor Manila, magbibigay ako. Dapat ang last nila ay iyong kantang Pasko na ang last line. It was so upbeat! But their last song was slower than the "Pasko na" kaya parang nag-mellow nang kaunti ang audience.

5. I failed to give recognition to the director, Sir Ariel Yonzon! Shocks, dapat inilagay ko siya pagkatapos ng listahan ng mga performer sa dulo ng script. When I realized it, I asked Gee, his assistant, if I could insert Sir A's name in the copy of script that was with Miss Champagne. Sabi ni Gee, naku, wag na, ayaw niya iyon. Wah, buti na lang. Pero kung ako ang masusunod, dapat talaga binigyan ng pagkilala si Sir A.

One last note:

Sobrang husay ng emcee. Ang taas ng energy niya, at kitang-kita ko ang effort niya na gawing mas accessible sa audience ang script at ang show. She used Taglish. She often used "Mga kaibigan." Ang dami niyang adlib sa mga slow parts ng script ko, haaay. Namimilipit ako sa upuan ko, alam kong nahihirapan siya doon bilang emcee, haha! Thank you so much for accepting this gig, Ms. Champagne Morales!

I worked on this script since 11am. Natapos ako around 4:30 pm because I had to wait for the last minute changes in the speakers' line up, performers' names, etc.
Whew, what a day!

SCRIPT FOR HABI NG PAGKAKAISA LAUNCH
NOVEMBER 03, 2017/ 6PM/ CCP MAIN THEATER RAMP

Scriptwriter: Beverly Siy
832-1125 local 1707/ 0919-3175708/
ccpintertextualdivision@gmail.com

Voice Over:

Maligayang pagdating sa CCP Main Theater Ramp!

Sa diwa ng pagbubuklod, sama-sama nating ipagbunyi ang isang likhang sining para sa Kapaskuhan. Halina’t sama-sama nating ilunsad ang Habi ng Pagkakaisa!

Narito ang tagapagpadaloy ng ating programa, ang mahusay na mang-aawit at performer, Binibining Champagne Morales.

CHAMPAGNE:

Magandang gabi po sa inyong lahat! Maligayang pagdating dito sa CCP Main Theater Ramp. Ikinagagalak kong makasama kayo sa kalagitnaan ng Kapaskuhan. Opo, kalagitnaan na! Di ba, September pa lang ay nag-uumpisa na ang Pasko dito sa ating bansa?

Narito tayong lahat para magdiwang. Dahil maya-maya lamang, ang higanteng Christmas Tree na ito na pinangalanang Habi ng Pagkakaisa ay magsasabog ng liwanag sa ating Pasko at sa ating mga puso.

Pararangalan din natin ang mahuhusay na alagad ng sining na lumikha ng disenyo na ito, ang mga nagwagi sa HOLIDAY LIGHT INSTALLATION COMPETITION for 2017 na hatid ng Cultural Center of the Philippines at Omni.

Alam n’yo ba ang tema ng ating programa?

Ito ay ang pagkakaisa.

Isang pagtatanghal ang napanood natin kanina mula sa KOMEDYA NG DON GALO. Palakpakan po natin sila!

(PAGKATAPOS NG PALAKPAKAN)

Ang KDG ay organisasyong panteatro mula sa isang komunidad sa Lungsod Paranaque. Ang pangunahing layunin ng Komedya ng Don Galo ay ang itaguyod ang kultura at tradisyon ng Paranaque sa pamamagitan ng pagtatanghal ng Moro-moro. Ang itinanghal nila ay tungkol sa kapayapaan at pagkakaisang pagkatapos ng digmaan.

Sinundan naman ito ng magandang awitin na pinamagatang Munting Sanggol mula sa Kammerchor Manila. Palakpakan po natin sila!

(PAGKATAPOS NG PALAKPAKAN)

Ang Kammerchor Manila ay mula sa Lungsod Quezon, isa itong chamber choir na tumanggap na ng mga parangal sa loob at labas ng Pilipinas. Ang inawit nila ay tungkol sa sanggol na nagbuklod sa lahat.

Dumako naman tayo sa sentro ng programa, ang napakagandang Christmas Tree ng CCP. Tampok dito kung ano ang nagbibigkis sa lahat ng Pilipino, matatagpuan natin ito sa simbolo ng Kapaskuhan dito sa Cultural Center of the Philippines

Kaya samahan n’yo ako hanggang mamaya.

Sa pagpapatuloy ng ating programa. Ang pambungad na pagbati ay mula sa
tagapangulo ng Lupon ng mga Katiwala ng Cultural Center of the Philippines.
Palakpakan po natin si Ginang Emily Abrera.

(PAGKATAPOS NI GINANG EMILY ABRERA)

CHAMPAGNE:

Maraming salamat po, Mam Emily Abrera. Para magbigay ng mensahe,
kapiling din natin ang kinatawan ng Omni, isa sa mga tagapagtaguyod ng
Habi ng Pagkakaisa. Narito po ang Operations Manager ng OMNI Yatai
International Corporation, Ginoong Henry Yang.

(PAGKATAPOS NI GINOONG HENRY YANG)

CHAMPAGNE:

Maraming salamat po, Ginoong Henry Yang ng Omni Yatai International Corporation. Para naman maghandog ng isang amazing na production number, narito ang AMAZING SHOW MANILA!

(PAGKATAPOS NG AMAZING SHOW MANILA)

CHAMPAGNE:

Maraming salamat, Amazing Show Manila! Namangha ba kayo? Ang Amazing Show Manila ay mapapanood sa Manila Film Center dito sa loob ng CCP Complex. Para sa buong pamilya ang bawat pagtatanghal at regular na rin itong mapapanood sa Cebu at Boracay. Muli, salamat, salamat, Amazing Show Manila.

Marami pang amazing na magaganap, so, please stay with us. Kasama natin ngayon para magbahagi tungkol sa paglikha ng disenyo ng napakaganda nating Christmas Tree, ang Principal ng WTA ARCHITECTURE & DESIGN STUDIO, si Ginoong WILLIAM TI!

(PAGKATAPOS NI GINOONG WILLIAM TI)

CHAMPAGNE:
Maraming salamat po, Ginoong William Ti. Na-inspire ba kayo na lumikha ngayong Pasko? Hindi ba’t napakagandang inspirasyon ang sarili nating kultura? Tumungo na tayo sa pinakaaabangan ng lahat, ang Countdown! Mga bituin na nagniningning ang mangunguna sa ating Countdown. Muli pong nagbabalik sina Ginang Emily Abrera, ang Tagapangulo ng Lupon ng Katiwala ng CCP, at sina Ginoong William Ti at Ginoong Henry Yang ng OMNI Yatai International Corporation. Narito rin at kasama natin sa Countdown ang pinakamamahal na pinuno ng Maynila, si Mayor Joseph Ejercito Estrada.
(COUNTDOWN)

(PAGKATAPOS NG COUNTDOWN)

(PAGKATAPOS NG KAMMERCHOR MANILA)

CHAMPAGNE:

Maraming salamat, Kammerchor Manila, sa pagtatanghal ng mga pamaskong awitin. Lahat tayo ay nakisabay sa pagkanta, di ba? Hindi talaga mawawala ang pagkakaisa ng mga Filipino pagdating sa musika.

Sa puntong ito ay iniimbitahan ang lahat na maging bahagi ng ating Christmas Tree, ang “Habi ng Pagkakaisa.” Isulat lamang ang mga hiling natin ngayong Kapaskuhan sa mga cellophane sheet na matatagpuan doon. Ilalagay po ang lahat ng kahilingan natin sa ilalim ng Christmas Tree. Ang mga ito ay sagisag ng pag-asa at pagkakaisa at siyang ambag natin sa natatanging simbolo ng Pasko dito sa CCP.
Makikita po ang “Habi ng Pagkakaisa” Christmas Tree sa Liwasang Asean hanggang January 14 2018, kasama ang makukulay at kumukuti-kutitap na parol sa harap ng CCP. Imbitahan ang mga mahal sa buhay para pasyalan ito, magpa-picture at para maging bahagi ng Habi ng Pagkakaisa Christmas Tree!
Dito po nagwawakas ang ating programa. Daghang salamat sa pagdalo ninyo sa paglulunsad ng Habi ng Pagkakaisa dito sa CCP Main Theater Ramp. Ang lahat ng ito ay sa pangunguna ng Cultural Center of the Philippines katuwang ang Omni, WTA ARCHITECTURE & DESIGN STUDIO, Lungsod Maynila, Lungsod Pasay at Lungsod San Fernando mula sa lalawigan ng Pampanga. Nais din nating kilalanin ang ambag na pagtatanghal ng Komedya ng Don Galo, Kammerchor Manila at Amazing Show Manila.

Muli, ako si Champagne Morales, ang inyong tagapagpadaloy sa gabing ito. Mas masaya kung tayong lahat ay sama-sama kaya… salubungin natin ang Pasko nang may pagkakaisa!

Friday, October 27, 2017

translation projects and rates

ito ang recent translation projects namin ni poy, ang rates, pati na ang binuno namin na panahon para matapos ang mga ito:

fee, genre, time

30k for a contemporary novel- 1 year
7k- graphic novel- 3 months
40k -for a 1980s novel set in singapore- 6 months
technical stuff like forms para sa pagkukumpuni ng elevator-10k- (15 pages)- one week
50k for historical essays- 1 year
1 short story sci-fi- 5k bukod pa sa royalties - 1.5 months

recommended rate per word and per line

ang recommended rate ko for translation of text in prose form is P1/word
ang recommended rate ko for translation of poetry is P100/line

recommended rate for rush job

times three ang rate kapag rush ang proyekto

rights

mas maganda na shared ang rights with the translator para sa text/translation work niya.
copyright of original text remains with the original author.

Saturday, October 14, 2017

Updated list of publishers of Philippine books for children and young adults

Maraming salamat sa inyong pakikinig sa aking talk na pinamagatang YA-right! sa Philippine Association for School Librarians, Inc. (PASLI) noong Oktubre 10 sa Innovation Center ng Miriam College.

Narito ang mga publisher ng libro sa Pilipinas para sa mga bata at sa young adults. Sana ito ay makatulong sa pagbuo ng sarili ninyong listahan ng mga librong irerekomenda sa young adults at sa inyong mga estudyante.

Adarna House
109 Scout Fernandez corner Scout Torillo Streets, Barangay Sacred Heart, Quezon City 1103 Philippines
Telephone: (02) 352 6765 • Fax local 125
E-mail: adarnahouse@adarna.com.ph
www.adarna.com.ph

Kahel Press
c/o Saint Matthew's Publishing Corporation Office: (632) 426 5611 / Fax: 426 1274
4th Level, First RVC Building, 92 Anonas Street Corner K-6th Street, Brgy. East Kamias Quezon City, Philippines 1102
Ruth Valorie Catabijan / Business Development Manager
0917 582 2309 / ruth.catabijan@stmatthews.ph
www.stmatthews.ph

ABC EDUCATIONAL DEVELOPMENT CENTER
Address: Plaridel St. Kidapawan City, Cotabato
Telephone: (064)288-1691
Fax: (064)288-1691
Contact Person: MS. MARY ANN ORDINARIO-FLORESTA
Position: Directress
Email: abcedc@yahoo.com

Tahanan Books (Ilaw ng Tahanan Publishing, Inc.)
Unit 402, Cityland 3 Condominium, 105 V.A. Rufino corner Esteban Street, Legaspi Village, Makati City, Philippines 1229
Telephone: (02) 813-7165
E-mail para sa editorial queries: fran@tahananbooks.com
www.tahananbooks.com

Anvil Publishing, Inc.
Publishing Department, Anvil Publishing Inc., 7th Floor Quad Alpha Centrum Building, 125 Pioneer Street, Mandaluyong City 1500
Telephones: (02) 477-4752, (02) 477-4755 to 57 Fax: +(02) 747-1622
publishing@anvilpublishing.com
www.anvilpublishing.com

THE BOOKMARK, INC.
264 Pablo Ocampo Sr. Extension Avenue, San Antonio Village, 1203 Makati City, Philippines
Telephone: (02) 895-8061 — 65 Fax: (02) 897-0824
bookmark1945@gmail.com
www.bookmarkthefilipinobookstore.com

OMF Literature
776 Boni Avenue cor. Pinatubo Street, Mandaluyong City
Telephone: (02) 53.143.03 Fax: (02) 53.143.03 loc. 307
Email: omflit.boni@gmail.com
www.omflit.com

Lampara Books
83 Sgt. E. Rivera St., San Francisco del Monte, Brgy. Manresa 1115, Quezon City, Philippines
Telephone: (02) 414-6188 Fax No. (02) 367-6222
E-mail: inquiry@lamparabooks.com.ph
www.lamparabooks.com.ph

Chikiting Books (Vibal Publishing)
Manila Office
G. Araneta Ave., cor. Ma. Clara St.,Quezon City
Telephones: (02) 712-2722 · 712-9156 to 59 Fax: (02) 711-8852
E-mail: inquire@vibalpublishing.com/ rbrigino@vibalgroup.com

Visayas Office
0290 Unit 202 Cebu Holdings Center,
Cebu Business Park, Cardinal Rosales A, Cebu City
(032) 233-0173 · 233-0176 · 233-2568
Fax: (032) 233-2983
vpcebu@vibalpublishing.com

www.vibalpublishing.com/products/chikiting-books

Narito naman po ang mga organisasyon at grupo na maaaring makatulong sa inyo. Marami din silang inilulunsad na mga gawain at kompetisyon na maaari ninyong lahukan.

Philippine Board on Books for Young Children (PBBY)
109 Scout Fernandez cor. Scout Torillo Street, Quezon City, Philippines
Telephone: (02) 352.6765
E-mail: pbby@adarna.com.ph
www.pbby.org.ph

The Center for Art, New Ventures & Sustainable Development (CANVAS)
1 Upsilon Drive Ext., cor. Zuzuareggui St., Alpha Village, Diliman, Quezon City
Telephones: (02) 436-4509, (02)-216-7750
E-mail: info@canvas.ph, gigo@canvas.ph
www.canvas.ph, www.lookingforjuan.com

The Philippine Chapter of the Society of Children's Book Writers & Illustrators (SCBWI)
c/o Beaulah Pedregosa Taguiwalo (taguiwalo8888@yahoo.com/0917-787-4956)
c/o Dominique Garde Torres (nikkigtorres@yahoo.com/0905-347-1668)
scbwiphilippines@gmail.com
www.scbwiphilippines.wordpress.com

Wednesday, October 4, 2017

humor books mula sa pinas

tinext ako ni xta dela cruz na kaibigan ko from lira, she's now working at spot.ph. baka pwede raw akong magrekomenda ng humor books para sa isusulat niyang article about humor books sa pinas.

eto ang mga inirekomenda ko:

60 zens ni abdon balde, jr -tungkol sa pagtanda, senior citizenship

wag lang di makaraos ni eros atalia- flash fiction, dark humor, ang husay ni eros dito

abnkkbsnplko ni bob ong- op kors sinong makakalimot sa unang libro nagpatawa sa isang wave ng readers ng libro sa wikang filipino?

twisted series ni jessica zafra- ang benta ni ate mag-joke kahit ang joke ay nag-e-express ng galit, pagkadismaya, at iba pang negative emotion, mahusay lang talaga sya magsulat at skill iyon, negative yng gusto mong sabihin pero nakakatawa ka, ang hirap kaya nun

i do or i die ni rj ledesma- tungkol sa buhay ng isang groom bago mag asawa, napakahumble ng writer hahaha parang ander de saya siya na sophisticated ang mundo, because la sallista friend

isang malaking kaastigan ni vladimeir gonzales- prosa, matalinong pagpapatawa, magaling talaga si vlad, hindi lang siya mahusay magsulat kundi lumalabas din sa trabaho niya yung talino niya taas ng iq ganun. math major kaya yan dati, idol ko yan kahit noong mga bagito pa kami, unique ang tone nya sa aming lahat, sana nga, magprosa pa siya, mas kaabang-abang kaya ang mga akda niya kesa sa isang leading writer na kaedaran niya na ang daming libro ngayon hay

mga komiks ni manix abrera- ang benta sa mga college kasi sobrang honest at ang tapang, articulate, yung mga tauhan ni manix serve as voice of the youth

kuwentong kutsero ni epifanio matute- siyempre di puwedeng di represented ang thundercats na nauna pa kay sir abdon balde, jr. haha! mga satirikong dula para sa radyo, teatro etc setting is 50s-60s

maginificent benito and his two front teeth ni augie rivera- akdang pambata, nakakatawa to as in, yung malalaki niyang ngipin, imbes na maging liability ay naging asset. nag-carve siya ng magagandang image sa higanteng mga
singkamas gamit ang kanyang malalaking ngipin, winner! dapat lahat ng akdang pambata, ganito

unang baboy sa langit ni rene villanueva- akdang pambata rin, naging santa ang baboy dahil sobrang linis niya! winner! kung di maging benito ang character mo, dapat maging butsiki iyan, ang unang baboy sa langit

lolita chronicles ni criselda santos- indie komiks ito, maliliit na komiks, parang 1/8 na pahiga ang size, mahusay ang wika at nakakatawa ang mga sitwasyon, tungkol ito sa isang career woman, or office girl something like that, minsan she talks about her crush, minsan, boss na masungit or officemate na kakompitensiya. witty si writer!

some books of jullie yap daza (so sorry i don't remember the titles right now)- witty ang essays niya, very straightforward and confident, just like the writer

at ito, dinampot ko dahil alam ko funny ang author sa totoong buhay. irerekomenda ko rin sana kay xta.

barrio to senado by juan flavier- autobiography, highly recommended, well written, insightful, light ang dating at may humor pero maraming lesson about life skills, leadership, government, public service, management skills, doctorship, barrio life, public speaking and pinoy politics, irerekomenda ko sana kay xta kaso di ko na nabitawan ang book pagkabuklat ko nito, xta said ok na raw, hindi ko na kailangang magdagdag pa. ay. in short, time's up!!!

sana mareprint ito or sana may maglabas ng maraming kopya nito at ibenta sa madlang pipol. we need books like this!

anyway, kung may mairerekomenda kayo, go lang, lagay sa comment box.

happy-happy reading, mga kapatid!



eto pala ang govt work!

nakakaloka, pagod na pagod ako. dumating na naman ako sa puntong i am dragging myself to work.

nakakapagod pala ang maging government employee. noong nasa nbdb ako, it was a breeze. siguro dahil mainly ang trabaho ko was my expertise: books, writing, editing, organizing of seminars and events. doon, bagama't nag-asikaso rin ako ng papers para sa mga proyekto, minimal lang ang admin. work na ginawa ko. there are people who will do it for you. straight ako sa proyekto at doon ako napapakinabangan nang husto.

dito sa ccp, my gad, sobrang dami ng admin work. kaya pala ang sentimyento ni sir hermie bago siya mag-retire, feeling niya, hindi siya writer o artist dahil nagtagal siya sa ccp, 27 years, as a govt employee.

there is very minimal creative work, for god's sake. kung meron man, mas reading and research, my gad mamamatay neurons ko rito, i swear hahaha! these past few weeks, i was swamped with contracts, government forms, agreements, memos. tas pina attend ako ng quality management seminar, the fuck, sobrang technical. ina-analyze ang processes, ang work flow, how do you get customer feedback, mission, vision. gad, akala ko natapos na ang chapter na ito ng buhay ko noong umalis na ako sa first ever job ko, isang NGO for women. I had to know swot analysis eklavu dun kasi kami ang nag-oorganisa ng mga seminar to strengthen other ngos for women. what saved me was the creative work i did for the PSR radio drama program every week.

dito sa ccp, ultimo pagbibilang ng acknowledgment forms ng Performatura bags, inaasikaso ko. lord naman.

pero ang saving grace ng sitwasyon ko ngayon, pinupulot ko na lang sa isang book im reading and i am so enjoying: from barrio to senado by juan flavier. yes, the juan flavier! ano ang napulot ko? kung ang mindset mo sa lahat ng mahirap na bagay ay "i will learn from this, im gonna need this kind of knowledge someday" ganyan, makakatagal ka. so, regalo ng diyos na dinampot ko ang librong ito sa ganitong yugto ng aking employment sa ccp. ang ganda ganda ng libro, sobrang dami ng insight about govt work, about leadership, about public speaking and most of all, about public service. i find strength in every chapter i finish. ang galing niya maghimay ng sarili niyang experience. kaya, highly recommended.

anyway, ito ang ilan sa nalaman ko sa pananatili ko sa ccp

kaya pala laging wala ang mga govt employee sa kanilang work stations ay dahil:

1. nasa seminar sila (quality management seminar, gender and development seminar, leadership seminar, etc.)

2. nasa govt agency event sila (anniversary, sports fest, annual physical examination, etc.)

3. ginagawa nila ang task na iniatang sa kanila kahit na ayaw nila ito at hindi ito bahagi ng kanilang main work or function

4. namamasyal, naglalamyerda, kasi sa totoo lang, nakakapagod naman talaga ang stress sa opis

5. nasa cr, kasi naghuhugas ng pinagkainan, naglalaba ng basahan ng hapag-kainan

6. nasa work station ng iba kasi may kailangan na dokumento doon or may kailangang klaruhin, may kailangang ipaliwanag sa workmate, may ipinapahiram na dokumento, may mine-mentor

7. nasa labas, kumain, kasi nakaka-stress namang talaga, so ikain mo na lang ang hirap ng kalooban

8. absent, may sakit, may sakit ang kapamilya, may namatay, naaksidente, etc.

9. on leave, kasi may leave naman, bakit hindi gamitin? bakasyon mode, govt transactional leave, ito yung pupunta ka sa ibang govt agency para mag-asikaso ng sariling papeles like passport, birthday leave (di na kailangan ng paliwanag diyan), special leave (wedding anniversary! yes, may ganyan!)

10. petiks, me ganyan talaga e, pasiga-sigarilyo, paikot-ikot sa iba't ibang opis (nagbebenta ng laing!), hintay ang bundy clock para makapag-out na, tambay sa canteen, nagpi-people watching, lahat ng opis, me ganyang character, they are regulars. hahaha!

i wish matagalan ko ito. sana lang tumaas ang suweldo ko. at sana hindi ko malimot ang pagsusulat. pag naganap ang dalawang sana, pede! pede ako magforever sa ccp.

Monday, September 25, 2017

Dnao (Sanaysay)

Dnao
ni Bebang Siy

Ang sadya namin ay ang makapagbahagi ng tips sa pagsusulat ng sanaysay at iskrip. Inimbitahan kami para sa Dnao Seminar-Workshop sa Panitikan sa Mindanao State University-Marawi Campus. November 2012 iyon at naghahanda kami ni Poy para magpakasal come 2013.

Pagkaraan ng dalawang araw na lecture at workshop kasama ang mga estudyante ng MSU na nasa patnubay ng ilang guro sa Filipino, may maikling programa para sa pagbibigay ng mga sertipiko sa lahat ng lumahok at sa aming mga nag-facilitate ng lecture at workshop. Tatlo kami. Ako, si Poy at ang kaibigan kong si Wennielyn Fajilan, na isang napakahusay na guro sa UST. Masaya kami na matatapos ang event nang maayos at ligtas ang lahat. Bago kasi kami lumipad pa-Mindanao, may pinasabog na internet shop sa loob ng MSU-Marawi. Siyempre pa, lahat ng kapamilya’t kaibigan namin, diniscourage na kaming dumayo roon. Tapos, pagsalubong sa amin ng MSU professor na si Sir Angelito Flores, Jr. sa airport, naikuwento niya na may dinukot daw na estudyante sa loob mismo ng campus.

Cool lang ako sa gitna ng mga balita at ganoong kuwento. Di ako kinabahan. Sa di malamang dahilan, wala akong anumang takot sa dibdib. Di kami nagkukuwentuhan nina Poy at Wennie sa daan papunta sa MSU-Marawi mula sa Iligan. Di ko tuloy alam kung pare-pareho ba kami ng nararamdaman nang panahon na iyon. Pero sa isip-isip ko, di kami mapapaano rito. Ang pakay lang namin, makapagbahagi, at, siyempre, matuto rin. Malinis ang aming agenda.

Pagdating sa MSU, namangha ako sa laki ng school. Bukod sa Flagship Campus ng MSU System, mother university kumbaga, university town din pala ito. Meaning, buong Marawi equals Campus. At lahat nga ng napuntahan naming building doon at structure, para sa akin ay malaki at maluwang. At higit sa lahat, maaliwalas. City girl ako kaya naman refreshing ang mga bukid at ekta-ektaryang talahiban sa likod ng mga classroom. Hiwa-hiwalay din ang mga college building. I mean, layo-layo. Feel ko ang bawat unit ng oxygen na naglalagos sa aking ilong. Hah.

Pero pagsapit ng gabi, nagbago ang lahat ng aking damdamin.

Nakakatakot ang dilim.

Kakaunti ang ilaw (natural, puro bukirin at talahiban ba naman) tapos layo-layo ang mga building (na siyang may ilaw). At ang tahimik. Bibihira ang sasakyan, wala ring establishment na maingay tulad ng mall. Kaya kapag nakarinig ka ng malakas na tunog na sa malayo naman nagmula, aakalain mo talagang putok ito ng baril. O pagsabog ng bomba.

Natulog kami sa isang dorm na napakaliwanag. Naalala kong maghahatinggabi na ay naka-on pa ang lahat ng pahabang flourescent na bumbilya sa lobby, sa hallway at sa mismong sleeping area. Noong una, ang naisip ko ay maganda nga naman ito, safe na safe kami. Pero paglalim ng gabi, ang naisip ko ay paano kung may sumalakay doon sapagkat kitang-kita ang laman ng dorm mula sa labas dahil sa mga ilaw nito? Para kaming nasa loob ng boteng maliwanag, puwedeng obserbahan kahit tulog na ang mga nasa loob. Babae pa naman kaming lahat na naroon.

Sa ilang araw namin sa MSU, nakitulog din kami sa bahay ni Sir Lito sa campus. Si Sir Lito ang talagang contact namin sa MSU. Nagkakilala kami sa UST bilang mga guro ng Filipino sa College of Commerce. Sinubukan niyang magturo dito sa Maynila kahit more than 20 years na siya sa MSU dahil nandito ang kanyang mag-ina. Bumalik siya sa MSU pagkaraan ng ilang semestre sa UST at iba pang kolehiyo sa Maynila, wala kasing security dito ang mga bagong guro. Pagdating ng second sem ay agawan na sa units ang mga teacher. Sa MSU ay stable siya, at higit sa lahat, may bahay siyang natutuluyan sa loob ng campus, pamana ng kanyang tatay na si Angelito Flores, Sr. na naging opisyal ng MSU at siyang lumikha ng MSU Hymn katuwang si Maestro Lucio San Pedro, ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika.

Malaking bahay ito, higit sa lima yata ang kuwarto. Sa araw ay napakaraming estudyante doon, para siyang youth center. May mga nagbabasa ng libro, may nag-aaral sa pahabang mesa sa sala, may naggigitara sa isang sulok. Kristiyano si Sir Lito at binuksan niya ang kanyang tahanan para maging tambayan ng mga Kristiyanong estudyante sa Marawi.

Ang lecture ko sa pagsulat ng sanaysay ay maikling-maikli. Pang-beginner talaga. Magbasa nang maraming sanaysay, mind your basics like spelling, grammar, punctuations, gumamit ng nouns at verbs sa paglalarawan imbes na adjectives at adverbs, at ibahagi at ilathala ang sariling akda.

Mahuhusay ang estudyante roon dahil nakaka-attract ng pinakamahuhusay na high school graduate ang kursong AB Filipino. Kung sa mga unibersidad sa Maynila, palaos nang palaos ang kursong ito, sa UST nga, tinanggal na ang major in Filipino sa College of Education, sa UP Diliman ay laging nae-extend ang enrolment period ng Filipino Department dahil sa kakaunting enrollees, baliktad ang nangyayari sa MSU-Marawi. Ayon kay Sir Lito, pataas nang pataas ang number of enrolees ng AB Filipino. Palagay ko ay dahil laging may pangangailangan sa Filipino teachers sa buong Pilipinas. Lalong-lalo na sa Maynila. Kung wala nang supply mula mismo sa Maynila, saan pa ba kukuha ng guro sa Filipino ang mga eskuwelahan kundi sa lalawigan? At iilang unibersidad lang ang may AB Filipino na kurso, hindi ba? Kaya ang top supplier ng AB Filipino graduates na eventually ay nagiging Filipino teachers ay walang iba kundi ang MSU Marawi.

Anyway, sa workshop ako nag-concentrate. Para sa akin, mas maraming natututuhan ang estudyante sa workshop kaysa sa lecture. Nagpasumite ako ng ilang sanaysay in advance, ito ang ipina-photocopy at ipinamudmod sa mga participant para mabasa in advance at maisalang sa palihan pagdating ng mismong event. Ang mga sanaysay ay walang ipinagkaiba sa mga sanaysay ng teenagers na taga-Maynila o iba pang bahagi ng Pilipinas (aktibo kaming nagbibigay ng palihan sa malikhaing pagsulat sa kung saan-saan, Luzon, Visayas, Mindanao): tungkol din ito sa pamilya (sobrang pagmamahal ng magulang sa anak, pagkakaroon ng iresponsableng tatay, pagiging reliable ng mga ina), tungkol sa mga dinadaanan nilang pagsubok (kulang ang perang pambaon kaya’t nagtinda na ng tinapay at itlog na pugo sa mga kaklase, unang pagsalta sa ibang lugar) at pag-ibig. Gayundin ang weakness, pareho lang: laging nag-uumpisa sa boring na talata, laging nag-e-editorializing, meaning, bigla na lang nagpi-preach tungkol sa buhay na para bang matatanda na sila in an instant, nagaganap iyan sa gitna o dulo ng sanaysay, at laging naglalagom. Siyempre pa, ang payo ko'y iwasan ang mga nabanggit.

Ang lumutang na strength ng mga sanaysayistang estudyante nang batch na ito ay: mahuhusay na pangungusap. Magandang mag-Filipino ang mga batang ito. May pagka-elegante ang paraan ng kanilang pagpapahayag. Bibihira din ang may mali sa spelling at bantas.

Nakakatuwa rin na walang pangingimi ang ilang sanaysay. Isa rito ang tumalakay sa umusbong niyang pag-ibig para sa isang pinsan, na siyempre ay pinigilan niya’t itinigil nang tuluyan dahil alam niyang mali. Babaeng estudyante ang nagsulat. Isang sanaysay naman ang tumalakay sa epekto ng rido sa mga babae at bata. Ang rido ay isang konseptong Maranaw tungkol sa pag-aaway ng dalawang angkan. Ayon pa kay Mam Almayrah Tiburon o Mye, isa sa mga guro ng Filipino sa MSU Marawi at isa ring tubong Maranaw, hindi puwedeng ilibing ang isang tao na biktima ng rido hangga’t hindi nakakaganti ang pamilya nito. Ang pagganti ay madalas na nasa anyo ng pagpatay sa pumatay sa unang biktima, o kaya ay sa kapamilya din nito. Kaya walang katapusan ang rido, dahil buhay at bangkay din ang kailangang ipalit sa nawalang buhay ng kapamilya. Ayon sa sanaysay ng estudyante, nanganganib ang buhay ng mga bata at babae dahil nagsisitago ang mga lalaki ng pamilya para di magantihan ng rido. Ang mga babae ang kumakayod, ang mga bata ang nag-iigib, nagsisibak ng kahoy at tumatao sa bukid. Minsan din, kahit hindi naman talaga sila sangkot sa away ng kanilang angkan, pinupuntirya sila ng kaaway, para lang makaganti ang mga ito at mailibing na ang sariling kapamilya.

Sa aktuwal na workshop, pinakakaunti ang nagpunta sa aking session. Ang pinakamarami ay ang kina Poy (iskrip) at Wennie (akdang pambata). Seventy ang maximum number of participants at naka-sitenta ang bawat session nila. Ako, wala pang singkuwenta. Pero wala akong paki sa bilang. Ganadong-ganado ako dahil gamay na ng mga estudyanteng ito ang wikang pambansa. Puntos agad sa kanila, di ba? Pagkatapos ng workshop ng mga akdang ipinasa in advance, pinasulat ko na sila on-the-spot. Pero mas magaan ang kanilang paksa: isang ispesipikong lugar sa kani-kanilang bayan. May mga sumulat tungkol sa kalsada nila, may tungkol sa isang sikat na resort na pinagsi-swimming-an ng barkada, may tungkol sa eskuwela. Sa session ko, maraming babae ang lumahok, ilan sa kanila ay naka-burka. Nakakailang pala pag may kausap kang ganoon, kasi hindi mo alam kung ano ang reaksiyon niya sa mga pinagsasasabi mo. Ang isa sa kanila ay umiiyak na pala pagkatapos naming mag-comment sa sanaysay niya. Nakalimutan ko na kung tungkol saan ang kanyang isinulat, pero, hayun nga, umiiyak na pala siya. Ang sabi sa akin ng kanyang katabi, habang nakatitig sa akin ang namumulang mata ng estudyanteng naka-burka, “Mam, hindi siya sanay.” Naku, napa-sorry ako nang wala sa oras. At nagtawanan ang lahat. Naningkit ang mata ng naka-burka, malamang natawa na rin siya.

Sabi ni Mam Zian Bankero, tubong Maranaw at guro din sa Filipino sa MSU, mas reserved ang mga estudyanteng naka-burka. Madalas daw na tahimik ang mga ito sa klase kaysa sa counterpart nilang Kristiyano at lumad. Ang hirap naman kasi, kako. Mukha mo pa lang ay kailangan mo nang itago, ano pa kaya ang mas internal tulad ng saloobin? Ng damdamin? Naisip din namin ni Wennie, ano naman kaya ang naiisip nila sa amin, kaming mga hindi nagtatakip ng mukha, braso, at binti? Itinuturing kaya nila kaming makasalanan, or something? Pero ang pinaka-disturbing sa akin, paano ko masisiguro na ang naka-burka ay siya pa ring estudyante ko? What if, uma-absent na pala siya’t naglalakwatsa, may pinapa-attend lang na kabarkada? Attendance, attendance.

Nang matapos ang workshop, tinipon sa IPDM Hall ang participants mula sa tatlong session para makinig sa copyright talk ni Alvin Buenaventura ng FILCOLS. Via cellphone lang ang talk, nasa Antipolo si Alvin. Pinakabitan namin ng mikropono ang cellphone at ang mga estudyante ay nakatutok sa Powerpoint presentation sa screen ng LCD projector. Nairaos ito nang maayos, tahimik at produktibo. Ang isa sa mga tanong ng estudyante ay tungkol sa pagpapa-photocopy.

Pagkatapos nito ay closing ceremonies. Biglang umingay ang IPDM Hall. Parang na-excite ang mga estudyante, at ang lahat ay nakangiti. May kung anong inaabangan. Ang mga gurong babae ay lumapit sa amin ni Wennie. Dinala nila kami sa isang sulok, me mga kurtinang tabing ito, may mesa at tatlong babaeng teacher at estudyante. Pinagbihis kami ng tradisyonal na damit ng Maranaw. Masalimuot ang damit, maraming butones sa harap, tadtad ng sequins ang magkabilang dibdib, long sleeves. May ibinalot na malong sa aking bewang si Mam Mye at sinecure iyon sa pamamagitan lang ng pagtutupi. Ang kay Wennie ay long sleeves din at malong. May naglagay ng telang dilaw sa aking buhok, itinali pa ito sa batok ko. Walang nakalabas ni isang piraso ng buhok. May nag-make up pa sa amin. May nagkabit ng kuwintas, pulseras at hikaw sa akin. Natatawa lang ako. Ang nasa isip ko, putsa, baka magtatanghal kami ng improvised na skit. Na comedy. At ito ‘yong costume.

Habang ginagawa ang lahat ng ito ay biglang naghiyawan ang mga estudyante. Dahil sa tela at kurtina ay hindi namin makita ang nagaganap sa stage ng IPDM Hall. Bakit kaya? Pero masaya naman ang hiyaw, so hindi kami nabahala ni Wennie. Lahat din ng kasama naming babae sa sulok na iyon ay nakangiti, abalang-abala sa pag-aayos ng mga ipinasuot sa amin.

Maya-maya pa ay lumabas na kami sa aming sulok. Hiyawan na naman ang mga estudyante. Ang tawa ko, nasa gitna ng stage si Poy, nakadamit-Maranaw din, na dilaw tulad ng suot ko. Damit-pangkasal pala ang mga iyon.

We are getting married the Maranaw way.

Bongga!

Bongga rin ang hiya ko. Of course. Imagine, lahat ng tao, nakatingin sa amin as a couple? Bale ba, pagpasok ng MSU, we tried our very best from the very start na huwag mahalata ang pagiging magdyowa namin. Kumbaga, pa-innocent, to support our claim, malinis ang aming agenda. Bawal ang sweetness overload, PDA, as in public display of affection. Pakiramdam nga kasi namin, conservative ang mga taga-Marawi.

Tapos, ito pala ang isusurpresa nila sa amin: isang engrandeng kasal sa kanilang paaralan.

Ang estudyanteng emcee na nakabarong ang siyang nagsalita. Isang telang puti na pahaba ang iniabot ni Sir Lito kay Poy. Nakalimutan ko na kung ano ang ginawa namin sa tela na iyon. Pinaupo kami sa harap, kasama ang aming “maid of honor” na si Wennie. Piniktyuran kami nang walang hanggan, hagikgik nang hagikgik ang mga teacher at estudyante. Pinatayo kami ni Poy, pinaghawak nang kamay, bungisngis nang bungisngis ang mga kinikilig. Pinagyakap pa kami, sapilitan kunwari samantalang ang totoo, gusto ko rin. Pinapuwesto si Poy sa aking likod. Kath-Niel? Ja-Dine? Hindi, a, original yata ito: Beboy. Pagyakap ni Poy sa akin, sumabog ang buong hall, sumabog sa kiligayahan.

Nakabalik na kami’t lahat sa Maynila ay di namin nalilimutan ang mga nakasama sa MSU. Turing nami’y kamag-anak at kaibigan ang lahat ng dumalo sa aming “kasal.” Kaya’t nagpasya kami na isama sila sa tunay naming kasal, na ginanap noong December 30, 2013 sa Malate, Maynila. Nag-organisa kami ng mini-book fair sa labas ng reception hall at 20% ng sales ng lahat ng seller ay mapupunta sa Filipino teachers ng MSU Marawi. Ang tanging gamit ng pondo na ito ay pambili ng dagdag na reference materials para sa course subjects na Filipino. Ipinaabot namin ang pera sa isa sa mga abay namin, si Sir Lito.

Di naputol doon ang ugnayan namin sa Marawi. Nang nasa National Book Development Board (NBDB) ako, natuklasan ko na kakaunti ang nagsusulat sa Filipino mula sa Mindanao. Kadalasan, ang mga akda ay nasa katutubong wika at sa Ingles. Kinausap namin si Mam Mye na noong panahon na iyon ay may sarili nang libro ng mga maikling kuwento sa wikang Filipino, ang Terminal 1. Inilathala ni Poy ang ebook version ng Terminal 1 sa pamamagitan ng kanyang kompanya na Balangay Productions. Inilathala din ng Balangay ang ebook at printed versions ng ikalawang koleksiyon ng maiikling kuwento ni Mam Mye, ang Terminal 2. Isang koleksiyon naman ng mga tula sa wikang Filipino ang kanyang Terminal 3. Sa kasalukuyan ay nasa editing stage si Mam Mye batay sa aking mga rekomendasyon pagkatapos ko itong basahin. Ikinonekta namin si Mam Mam Mye sa NBDB at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Nang maghanap si Faye Cura ng Gantala Press ng babaeng kinatawan para sa isang forum sa Quezon City tungkol sa gera sa Marawi ay si Mam Mye ang aming kinausap at inirekomenda. Dapat ay laging may awtentikong boses na napapakinggan ang mga nasa Maynila. Matapang niyang inilahad ang kanyang mga naranasan nang ipataw ni Presidente Duterte ang Martial Law at ang epekto ng digma sa marangal na bayan ng Marawi.

Napakaraming kayang ialay ng bayan na ito sa buong bansa. Kay yaman nito sa lahat ng aspekto: natural resources, human resources, emotional resources, that is pag-ibig at pagpapahalaga sa kapwa.

Kaya mahal ko ang bayan na ito. Hangga’t tumitibok ang puso ko para sa aking asawang si Poy ay titibok ito para sa Marawi, ang lunan ng unang-una naming pag-iisang-dibdib.

Sunday, September 3, 2017

kuwentong taiwan

daming kuwento ni ej kagabi, pasalubong niya sa amin mula sa dalawang linggo niyang pananatili sa taiwan.

nagpunta siya doon para mag-compete sa universiade sa category na wushu. tatlong beses siyang nag-perform: compulsory, sword at staff. nakauwi naman siyang ligtas, dangal lang ang durog sapagkat... 8th place siya out of 9 players hahahaha

anyway, eto mga kuwento niya in a random order:

1. kanya-kanyang uniform na t-shirt ang bawat bansa. sa australia daw, me nakasulat na pride sa kaliwang manggas, at discipline naman sa kanan. sa pilipinas, ang nakasulat sa likod ng t-shirt ay san miguel beer. samantala sa kaliwang manggas ay garfield.

2. nakakita sila ng squirrel sa isang park. nagkagulo sila sa pag-picture. mukha raw pala itong daga sa personal.

3. nasa taipei ang laban, pero nasa labas ng taipei (linkou ang name ng lugar) ang athlete's village.

4. ang olats daw ng ibang members ng philippine team. ni hindi raw nanood ng competitions ng wushu at sanda samantalang sila na raw ang last category. ibig sabihin, tapos na sa sariling competition ang mga ito at hindi na kailangang mag-train. at isang dahilan kung bakit in-extend ang stay ng mga ito ay para makapanood ng competition ng ibang category at para maka-attend sa closing ceremonies. kakaunti lang daw silang nanood ng wushu, sanda at closing. tanging ang filipino representative ng sanda, na si jomar balangui, ang nakapag-uwi ng medalya sa kanilang lahat. silver! yey!

5. top 8 si ej out of 9 players. top 1,2 at 3 may medals. top4 to 8, may certificate. buti na lang daw at pangit ang bagsak ng argentina noong dulo. kung hindi, last si ej ahaha! salamat sa diyos. so nakapag-uwi siya ng certificate!

6. nakipagpalit daw siya ng pin sa mga bansang: us, uk, south korea, australia, south africa, taiwan, etc. sabi ko, engot ka, ba't iyong mga iyon ang hiningan mo ng pin, e walang interesting sa pin nila, mga flag lang except australia na maliit na koala ang pangkapit sa pin. kung ako ang nando'n, makikipagpalit ako sa uzbekistan, iran, switzerland, at iba pang bansang di ko madalas nakikita ang bandila.

7. nanalo raw ang iran, sa women's division. nakaburka daw itong nag-perform. ipinakita niya sa amin ang performance ng nanalo (pero sa ibang competition ang natagpuan niyang video sa youtube). aba ang husay nga at hindi nakakaistorbo ang burka. sabi niya, alam mo, mama, nagulat kami. iran, e. hindi naman sikat iyan sa wushu. lumaban din sila sa sanda, at nakamahaba rin ang competitor nila doon, di rin kita ang mga binti.

8. ang mangga raw sa taiwan, kasinlaki ng mukha ni ej.

9. ang linis daw sa taipei. nagpunta sila sa shilling market na parang divisoria ng taipei. ang linis ng paligid. pero napakamahal ng street food. 450 taiwan dollars daw ang isang lobster. sabi ko, potah, lobster, street food? ok ka lang?

10. lahat daw ng tao ay nakatayo sa kanan ng lahat ng escalator.

11. napakarami daw ng train. kaya marami man ang tao ay hindi naman siksikan. sa isang station, ilang train daw ang puwedeng sakyan papunta sa iba't ibang lugar. sabi ko, ang galing, diyan talaga sila nag-invest noong araw. tayo kasi, kailan lang naman. iisa lang ang lrt noon.

12. ang bawat train station ay may at least one tourist spot. so para daw pinlano ang ruta ng trains ayon sa mga tourist spot. ang galing! sa pinas kasi, pinlano ang ruta ng trains ayon sa mall, hahaha!

13. lahat ng pagkain sa athletes' village ay libre. isang floor daw sa isang condo (puro condo ang nakatayo sa athletes' village) ang nakalaan sa pagkain. parang isang higanteng food court na libre lahat ng malalafang. meron daw chocolate drinks, lahat ng healthy salad, fruits, tinapay, kanin at isang napakahabang ref na puno ng softdrinks haha. hindi raw makahataw si ej sa pagkain dahil sa competition. pero after niyang matalo este after ng competition niya ay humataw na siya ng kain. bawi-bawi rin pag may time.

14. me isang station sa athletes' food court na dedicated lang sa cereals. nagpuslit daw ng isang karton ng cereals ang isang pinoy na athlete. napailing na lang si ej. hay naku, pilipino talaga. im sure yung nanay nun nag-uuwi ng towel pag napapa-check in sa mga hotel.

15. binigyan ang lahat ng athlete ng smart watch. may laman daw itong taiwan dollars na puwede nilang gamitin sa pagsakay ng train, sa pagpasok sa mga tourist spot, pambayad ng ilang bilihin. para siyang beep card pero ang anyo ay relo. nababawasan ang laman kada gamit mo. hindi raw niya naubos ang kanya, kakatipid. may P700 na natira. naku sayang, kako. sabi niya, di bale, ma, pagbalik ko na lang. ahaha ang anak ko, gusto pang magbalik! wala na pira ang inay mo, dudung. purduy na. para kasi sa trip na ito, binigyan namin siya ng P7500 na ipinambili niya ng taiwan dollars sa bangko. ang sakit sa bulsa ng P7500, ha?

16. inilalagay ang flag sa labas ng condo kung saan naninirahan ang athletes ng bansang iyon. sabi ko, nako, di ba yan delikado? mamya me galit sa inyo, pasabugin ang condo na 'yon, e. haha joke lang, pero napaisip ako for iran or other contries na may conflict eklavu.

17. isa sa mga picture na ipinakita ni ej ay isang buong condo na canadian flag ang nakalagay sa lahat ng floor. sosyal! andaming ipinadalang athlete! sabi ni ej, mama, alam mo may dala pang inflatable pool ang mga athlete ng canada, nagsiswimming sila sa tapat ng entrance ng condo. sabi ko, sana sumama ka, marunong ka naman magswimming.

18. may nadaanan daw silang nagra-rally noong papasok na sila sa venue ng opening ceremony. ang sabi raw ng mga nagra-rally, taiwanese sila. hindi chinese taipei. gago talaga ang china. lahat inaangkin. putcha, mabait lang ang taiwan pero kung sa pinas nila gawin iyan, putcha, dadanak ang dugo.

19. ang us athlete na nakalaban ni kuya jomar balangui ay paris lee moran ang pangalan. british na koreano na pinoy? ahahaha anlabo ng pangalan!

20. masayang-masaya si ej na ma-meet ang mga idol niya sa wushu. nakapagpa-picture siya kay Li Yi ng Macau. nilampaso nito si abi hahaha!

21. nakapasyal din daw sila sa chiang kai shek. sabi niya, sino ba yun ma? sabi ko, di ko rin alam, e. school dito yan hahaha! pede naman i-google, bes. kako, baka parang rizal nila. me park e.

22. ang pasalubong nga pala sa akin ni ej ay dalawang kahon ng snacks. ang isa akala namin ay mochi, iyon pala tikoy. ang isa, pineapple cake ang tawag pero parang pulboron na pinya ang flavor. potah, hindi ako kumakain ng pinya! labo. so bumawi agad siya, may isa pang pasalubong, isang scarf na blue. ang gandaaa, isinukbit ko sa leeg ko. sabi ni ej, table runner yan, ma.

Tuesday, August 29, 2017

Pagpupugay sa Isang Guro- Sir Noni Hernandez, teacher ko sa Analytic Geometry noong High School

Average lang po ako sa math, sa English at sa iba pang subject. Palagay ko, below average ako sa Analytic Geometry, ang subject na itinuturo ni Sir Noni noon. I was just getting by. Tulad ng nangyayari sa akin sa iba pang subject.

Noong magbigay ng libreng review ang school namin para sa isang national exam para sa mga high school student, nagturo si Sir Noni ng Abstract Reasoning. Parang isanlibong bombilya ang umilaw sa utak ko sa sobrang galing niyang magturo nito. All of a sudden, nagkaroon ng sense ang mga hugis na magkakasunod, ang mga tuldok na nagbabago ng puwesto, ang bumabaliktad na mga tatsulok. Hindi siya gumamit ng kahit na anong gadget, di pa naman uso ang mga laptop at powerpoint noon, hindi siya gumamit ng kahit anong teknolohiya. Just plain words and illustrations. At malalim na malasakit na maunawaan namin ang konsepto ng trends at patterns gamit ang sari-saring hugis.

Dahil sa kanya at sa paraan ng pagtuturo niya, nagkainteres ako sa bahaging ito ng mga exam. The skills that Mr. Noni shared to us gave me the confidence to face this part of an exam. Mula noon, alert na alert ang neurons ko kapag abstract reasoning na. Mas mabilis akong nakaka-shade ng sagot. I learned to trust my perception. I learned to trust myself.

Ako po si Bebang Siy, dating student ni Sir Noni sa PCU High. Isa po akong writer ngayon. Sobra ko pong na-appreciate si Sir Noni kasi sa palagay ko, dahil sa kanya, mataas ang score na nakuha ko sa abstract reasoning part ng UPCAT. Naipasa ko ito, nakapasok ako sa UP Diliman. At dito rin ako nagtapos pagkaraan nang ilang taon.

Thank you, Sir Noni. I owe you a part of my sablay.

Top 6 Love teams sa Philippine lit

Top 6 Love teams sa Philippine lit batay sa mga nabasa ko:
1. Lea Bustamante at Raffy de Lara –Bata, Bata, Paano ka Ginawa?
2. Julio Madiaga at Ligaya Paraiso- Sa Mga Kuko ng Liwanag
3. Maria Isabella du'l Cielo at Loyal Butcher Boy- The Kite of Stars
4. Lam-ang at Ines Kannoyan- Biag ni Lam-ang
5. Janus Silang at Mica- Janus Silang Series
6. Mike at Chit- Sa Kagubatan ng Lungsod

Top 10 Public Libraries

Top 10 public libraries

Lahat ito, napuntahan ko!

1. CCP Library –Pasay City- free and open to public
2. Pasig City Library and Discovery Centrum- Brgy. San Nicolas, Pasig City- free and open to public
3. Marikina City Library- near city hall, Marikina City- free and open to public
4. Quezon City Public Library- QC Hall, Quezon City -free and open to public
5. National Book Development Board Library –Prestige Tower, Ortigas Business Center, Pasig City- free and open to public
6. Filipinas Heritage Library- Ayala Museum, Makati – may fee
7. Komisyon sa Wikang Filipino Library- Malacanang, Manila- free and open to public
8. City Library ng Puerto Princesa- Palawan - free and open to public
9. Lopez Museum and Library- Benpres Building, Ortigas Business Center, Pasig City- may fee
10. Barangay Library sa Bamboo Organ- tapat ng Bamboo Organ Church, Las Pinas City-

top 11 pala

11. Ortigas Foundation Library- Ortigas Building, Ortigas Business Center, Pasig City- - free and open to public

Share n'yo rin ang top 10, ops, top 11 public libraries n'yo, ha?

Thursday, August 3, 2017

Mga Event ngayong Buwan ng Wikang Pambansa 2017

Mga kapatid, medyo mahaba ito. May nagtanong sa akin ng listahan ng mga pangwika o pampanitikang event ngayong Agosto. Naisip kong i-compile ang mga alam ko. So, heto. Gora na tayo! Please feel free to share!




ASEAN GIANT LANTERN installation @ CCP

August 8, 2017
7 ng gabi
CCP Front Lawn
Hatid ng QUIMAN & QUIMMY LANTERNS, NCCA at CCP


Detalye:

We are celebrating the 50th year of ASEAN on August 8, 2017 thru a grand parade from Rizal Park to the Cultural Center of the Philippines and a landmark lighting program at the CCP grounds.
Join us in an exciting after-party at the BGC Amphitheater, featuring some of your favorite OPM artists plus 10 of ASEAN's most loved pop artists.
The show will start at 7 pm. Admission is free. Bring your friends and family!




Artists Unbound

August 7, 2:30 pm
2F Ayala Museum, Makati
Hatid ng Filipinas Heritage Library

Detalye:

a forum on arts & culture and Martial Law
and a mini bookfair of Martial Law-related publications

with Butch Dalisay, Toym Imao Studios, Julie Po, Paul Galang, Sandra Nicole Roldan, and Bonifacio Ilagan

featuring a presentation by the University of the Philippines Ruby Jubilarians (Class of 1972)

ADMISSION IS FREE but seats are limited! Pre-registration is highly encouraged. Call 7529-8281.

Here's the Program for Aug.7:
1:30 to 2:30 PM = Registration
2:30 to 2:45 = Performance by the UP Ruby Jubilarians
2:50 to 3:00 = Context Setting by Mr Bonifacio Ilagan
3:00 to 5:00 = Forum
> Mr Butch Dalisay on literature and journalism
> Mr Toym Imao on the Voltes V generation
> Ms Julie Po on visual arts and community arts
> Ms Aida Santos on feminist writing, poetry
> Mr Paul Galang on folk music
> Musical Performance by Mr Paul Galang
> Ms Sandra Roldan on continuing to tell the story of Martial Law through arts
5:00 to 6:00 = Summary of Discussion and Open Forum
2:00 to 6:00 = Book Fair




Salin Night
Agosto 8, 2017, 6-9 ng gabi
Conspiracy Garden Cafe, Visayas Ave., QC
Hatid ng KM 64

Detalye:

Ang ganda-ganda ng wikang Filipino. Ipagdiwang natin ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga paborito nating tula na isinalin sa sariling wika. Ika nga, hindi lamang wikang mapagbago ang Filipino, wika ito ng karunungan, wika rin ito ng pagkakaisa, wika ito ng kapayapaan.
Sali na. Salin na. Salang na.



Paglulunsad ng Aklat ng Bayan,
25% deskuwento sa mga piling aklat (book sale)
Agosto 11, 2017, 8nu-5nh
Komisyon sa Wikang Filipino
Bulwagang Romualdez, Gusaling Watson,
JP Laurel, San Miguel, Maynila
Hatid ng KWF

Detalye:
25% Deskuwento at mga Talakayan, abangan sa Paglulunsad ng Aklat ng Bayan ng KWF

Magbibigay ang Komisyon sa Wikang Filipino ng 25% deskuwento sa piling publikasyon sa darating na 11 Agosto 2017, 8:00nu–5:00nh. Sa araw ding iyon ay ilulunsad din ng KWF ang mga bagong publikasyon. Binubuo ito ng salin ng panitikan ng mga rehiyon, mga klasikong akda ng daigdig, at pananaliksik sa wika at kultura.

Bukod sa paglulunsad ay magkakaroon din ng talakayan, sisimulan ng 9:00nu-12:00nt ni Dr. Isaac Donoso ng Unibersidad de Alicante, España. Magiging paksa ng kaniyang panayam ang tungkol sa Mindanao at sa kaniyang aklat na Islamic Far East: Ethnogenesis of Philippine Islam. Susundan naman ito ng talakayan sa Pagsasalin ng Karunungan, tampok ang mga manunulat nat tagasalin na sina Edgardo Maranan, Joaquin Sy, at Roy Rene Cagalingan.

Gaganapin ang talakayan at paglulunsad sa tanggapan ng KWF, Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, Malacañang Complex, San Miguel, Maynila. Bukás ito sa publiko. Ang pagbebenta ng mga aklat ay mula 9:00nu-5:00nh. Para sa mga tanong at detalye, maaaring makipag-ugnayan sa KWF sa telepono bilang (02)2521953 o sa dendenqnipes@gmail.com. Maaari ding bisitahin ang www.kwf.gov.ph.



Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas sa Wikang Filipino 2-4 Agosto 2017, National Museum, Lungsod Maynila
Hatid ng KWF

Detalye:
Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino

Panahon nang ibantayog ang Filipino bilang wika ng karunungan at gamitin ito sa iba’t ibang disiplina o larang, lalo na sa mga pag-aaral hinggil sa ating bansa upang mapalaganap ang diskurso ukol sa pagiging Filipino at para sa sambayanang Filipino.

Layunin ng Kongreso na:

makabuo ng isang bagong pagtanaw sa Filipino
matipon ang mga iskolar at mga pag-aaral hinggil sa Filipino at mahimok na gamitin ang wikang Filipino sa kanilang saliksik
malikom ang mga pinakaprogresibo at siyentipikong pagsusuri sa wika, panitikan, kasaysayan, sining, at kultura ng Filipinas
mabalangkas ang isang pangmatagalang estratehiya tungo sa edukasyon hinggil sa Filipinas na gumagamit sa wikang Filipino
Inaanyayahan ang mga kasapi ng Philippine Studies Association at mga kaugnay na kapisanan o organisasyon, mga iskolar sa lahat ng disiplina, sa loob at labas ng bansa, na magsumite ng panukala.

Ang mga tatalakayin ay:

makapag-aambag ng bagong idea at/o saliksik sa mga nabanggit na larang o disiplina; at
nasa wikang Filipino; Filipino rin ang gagamiting wika sa presentasyon;
orihinal na akda at hindi pa isinusumite sa iba upang ilathala o ipresenta;
makapag-aambag sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa Filipino at Filipinas at humahámon sa mga umiiral na kaisipan o teorya.

Rehistrasyon Mga kalahok (nasa Filipinas) Regular rate PHP3,500 Maagang pagpaparehistro PHP3,000 (hanggang 15 Hulyo 2017) Estudyante (may balidong ID) PHP2,000

Mga banyaga Regular rate $150 Maagang pagpaparehistro (hanggang 15 Hulyo 2017) $120 Estudyante (may balidong ID) $100

Mga paksa ng presentasyon ng indibidwal o panel

Ang Bayan at Kasaysayan
Pagwawasto sa Kasaysayan
Espasyo ng Kasaysayan sa Edukasyon
Pagtuklas sa mga Bagong Bayani ng Bayan/Bansa
Ang Etniko at ang Popular
Wika at Media
Pagbuo ng Isang Pambansang Panitikan ng Filipinas
Bagong Pagtanaw sa Kritisismong Pampanikan
Popularisasyon ng mga Epikong Bayan
Komparatibong Pagsusuri sa mga Panitikang Bayan
Gramatikang Filipino
Kasalukuyang Tunguhin (recent trends) sa Lingguwistika
Wika at Politika
Wika at Demokrasya
Federalismo: Pros at Cons
Integrasyon ng Katutubo at Separasyon ng Muslim
Ang Bangsamoro
Pangkulturang Ugat ng Suliranin sa Droga
Problema sa Reporma sa Lupa
Migrasyon
Mga Katutubong Kaalaman
Wika at Saliksik
Wika at ang Produksiyon ng Kaalaman
Wika at mga Agham at Matematika
Pagsusumite at Pagsusuri

White Wall Poetry (WWP) sa Aug 25
Kundiman - Kwento at kanta ng bayan, pag-ibig at kultura.
Sa The Warrior Poet Art Cafe. Open mic.



Pista ng Pelikulang Pilipino
Agosto 16-22, sa mga pangunahing sinehan sa bansa
Film Development Council of the Philippines

Detalye:
Sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ipapalabas ang mga full-length na pelikula:

100 Tula Para Kay Stella
Ang Manananggal sa Unit 23B
AWOL
Bar Boys
Birdshot
Hamog
Paglipay
Patay na si Hesus
Pauwi na
Salvage
Star na si Van Damme Stallone
Triptiko

TIMPALAK #BUWANNGMGAKDANGPINOY
Santinakpan.com
Buong buwan ng Agosto
Hatid ng awtor na si Edgar Samar


Detalye:
TIMPALAK #BUWANNGMGAKDANGPINOY

Pinakasentro pa rin sa pagdiriwang ang pagbabahagi ng mga paborito nating akdang Pinoy sa anumang wika sa social media (FB, Instagram, Twitter, Snapchat, YouTube, atbp.) gamit ang hashtag na #BuwanNgMgaAkdangPinoy. Mahalaga siyempreng naka-public ang settings ng inyong account para ma-view at ma-share ng lahat ang inyong post.
Bawiin natin ang social media mula sa kasinungalingan ng mga trolls at fake news. Muli nating ipakita ang suporta at pagmamahal sa mga akdang Pinoy sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ito. Ipakita natin na hindi kayang lupigin ng mga digmaan at karahasan ang ating kamalayan at na may mga positibong bagay na maaari pang pag-usapan sa social media tulad ng patuloy na pagkatha at paglikha ng mahuhusay na akdang Pinoy sa kabila ng mga hamon at limitasyon ng ating kondisyon at panahon!
Kaugnay nito, magkakaroon ulit ng Timpalak para sa mga sumusunod na kategorya:

1. Pinakamalikhaing Larawan
2. Pinakamahusay na Written Post
3. Pinakamahusay na Video
4. Pinakamaraming Share/Like/RT
5. Pinakamahusay na Themed Posts

Maaaring i-post sa Comment section sa ibaba o ipadala sa aming Contact page ang inyong mga nominado kasama ang direct link sa kanilang FB/Twitter/IG/blog post. Huwag kalimutang banggitin kung saang kategorya ninyo ito ipinapasa. Para sa ikalimang kategorya na Pinakamahusay na Themed Posts, kinakailangang hindi bababà sa 10 magkakaugnay na posts ang ipapásang links na ginawa ng isang tao/pangkat sa loob ng magkakaibang araw sa buwan ng Agosto na umiinog sa isang temang kaugnay ng mga akdang Pinoy. (Yes, hindi puwedeng last-minute decision na mag-post ng sampung link sa huling araw ng Agosto! Well, puwede mo iyong gawin, pero hindi qualified sa Timpalak para sa ikalimang kategorya. Puwede pa rin siyempreng ipasa ang mga iyon para unang apat na kategorya.)
Pipili ako ng mga hurado para sa Timpalak na siyang magpapasya ng tigdadalawang mananalo sa bawat kategorya. (Siyempre, napaka-objective ng batayan at mas hindi pagtatalunan ang Pinakamaraming Share/Like/RT.)
Bawat isa sa walong magwawagi sa unang apat na kategorya ay makatatanggap ng:

1. PHP2000 gift check na maaaring gamitin sa pagbili ng mga libro sa Manila International Book Fair sa Setyembre;
2. dalawang ticket sa staging ng Tanghalang Ateneo sa Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabárang sa Setyembre–Oktubre;
3. signed copies ng unang tatlong aklat ng aking Janus Sílang Series at Alternatibo sa Alternatibong Mundo: 13 Metakuwento/Malakuwento;
4. merchandise package mula sa Linya-Linya shirts na mabilis na nagpaunlak para maging co-sponsor sa #BuwanNgMgaAkdangPinoy ngayong taon (Salamat, Ali at Panch!)
5. newly-published book mula sa Haliya Publishing na nag-volunteer ding mag-sponsor ng papremyo! (Maraming salamat, Mervs, Aliyah, at Adam!); at
6. pinakabagong libro mula sa Visprint na nag-volunteer ding mag-sponsor ng papremyo! (Maraming salamat po, Ma'am Nida!)

Para naman sa dalawang magwawagi sa ikalimang kategorya, makatatanggap ang bawat isa ng:

1. PHP5000 gift check na maaaring gamitin sa pagbili ng mga libro sa Manila International Book Fair sa Setyembre;
2. dalawang ticket sa staging ng Tanghalang Ateneo sa Si Janus Sílang at ang Labanáng Manananggal-Mambabárang sa Setyembre–Oktubre;
3. signed copies ng unang tatlong aklat ng aking Janus Sílang Series at Alternatibo sa Alternatibong Mundo: 13 Metakuwento/Malakuwento;
4. merchandise package mula sa Linya-Linya shirts;
5. newly-published book mula sa Haliya Publishing; at
6. pinakabagong libro mula sa Visprint!



MGA SUSING SALITA: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng Diskurso sa Konseptong Filipino
AUG 24 25 THURS - FRI 2017
Awditoryum ng Kolehiyo ng Edukasyon
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon
Hatid ng Sentro ng Wikang Filipino - UP Diliman

Detalye:
Sa taong ito, ipinagdiriwang ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ang BUWAN NG WIKA 2017 na may temang WIKANG FILIPINO: DALUYAN NG PAMBANSANG PAGKAKAKILANLAN AT PAGKAKAISA. Layunin nitong patuloy na itaguyod at palaganapin ang wikang Filipino bilang pagtalima sa 1987 Konstitusyon at Palisi sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas. Para sa taong ito, hitik sa samu’t saring gawain ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa UP Diliman. Kabilang dito ang pagsasagawa ng dalawang araw na seminar na may pamagat na “Mga Susing Salita: Pambansang Seminar sa Pagbuo ng Diskurso sa Konseptong Filipino” sa Agosto 24-25, 2017 sa Awditoryum ng Kolehiyo ng Edukasyon, UP Diliman. Tampok dito ang mga kilala at batikang mga iskolar, manunulat at mananaliksik mula sa iba’t ibang akademikong disiplina na magbabahagi ng kanilang karanasan at kaalaman sa paggamit sa wikang Filipino sa pananaliksik at pagtuturo. Bukas ito sa lahat ng mga guro, mag-aaral at mananaliksik na nais palawakin ang kanilang kaalaman hinggil sa silbi at mahalagang ambag ng Filipino tungo sa pagbuo ng mga batayang kaalaman at pagpapataas ng pambansang kamalayan.

Isasagawa rin ang paglulunsad ng mga bagong publikasyon ng SWF-UPD. Kabilang dito ang pinakabagong isyu ng Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, ang BUNGKALAN: Manwal sa Organikong Pagsasaka, ng Unyon ng mga Manggagawang Agrikultura (UMA), SUSMATANON: Mga Kuwentong Pambata ni Eddie “Edong” Sarmiento, isang bilanggong politikal, Pag-oorganisa ng Pamayanan Tungo sa Kaunlaran na Mula sa Tao Para sa Tao ni Dr. Angelito G. Manalili, at ang Bungkalan sa Diliman: Manwal sa Solid Waste Management ni Prop. Armand Basug. Kikilalanin din ang mga guro at mananaliksik na binigyang-gawad sa Gawad Teksbuk at Gawad Saliksik-Wika ng SWF-UPD. Sa huling araw ng seminar, magkakaroon ng pagkakataon ang lahat ng mga delegado na mapanood ang dulang Putri Anak: Isang Bagong Komedya na gaganapin sa University Theater sa ganap na 3:00 ng hapon. Mapapanood dito ang pinagsama-samang mga talento sa musika, sayaw, at artista sa teatro ng Unibersidad ng Pilipinas.

Samantala, bilang pagkilala sa ambag ni Rogelio Sicat sa pagsulong ng wikang Filipino sa larangan ng malikhaing pagsulat, pananaliksik at panunuring pampanitikan, isa muli sa mga tampok na aktibidad ng SWF ang “Gawad Rogelio Sicat 2017: Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay, Tula, at Maikling Kuwento” sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Bukas ang patimpalak sa lahat ng estudyanteng di-gradwado at gradwadong masteral ng buong UP System. Kasama rin sa aktibidad ang taunang Hakbang Kamalayan. Paglalagay ito ng mga tarpaulin sa paligid ng Acamedic Oval na naglalaman ng mga natatanging ambag ng wikang Filipino sa pagbuo ng ating pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa.

Naging posible ang lahat ng gawaing ito sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Departamento ng Linggwistiks ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, UP Erya ng Araling Wika ng Kolehiyo ng Edukasyon, Kolehiyo ng Musika, Center for International Studies at DZUP. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2017 ay suportado at itinataguyod ng Opisina ng Tsanselor ng UP Diliman.

P2,500 bawat delegado para sa pagkain sa 2 araw (meryenda sa umaga at hapon, tanghalian), sertipiko, mga hand-out, ID, conference kit, at entrance ticket sa dulang "Putri Anak: Isang Bagong Komedya". Mamamahagi rin ng LIMANG LIBRENG LIBRO para sa unang 100 delegado (rehistrado at nakapagbayad).

1. SALIKSIK UP
Rosario Torres-Yu
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (2015)

2. VIVA FILIPINAS!
Edgardo Tiamson Mendoza
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (2001)

3. SINING AT LIPUNAN
Patrick D. Flores at Cecilia Sta. Maria de la Paz
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (1997)

4. E-MAHINASYON AT E-SALIN
Lilia F. Antonio, Florentino A. Iniego, Jr., at Roberto D. Tangco
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (2006)

5. ADYENDA SA SALIKSIK WIKA
Galileo S. Zafra
UP Sentro ng Wikang Filipino - Diliman (2008)

Para sa iba pang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Gng. Gemma Dalmacion. Tumawag lamang sa Tel. Blg. 9244747 o 981-8500 lokal 4583, o mag-email sa swf@upd.edu.ph. Maaari ring bisitahin ang aming facebook page sa https://www.facebook.com/UPsentrowikangfilipino at website sa swf.upd.edu.ph para sa iba pang anunsyo at aktibidad ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.

Monday, June 26, 2017

masahe at kalusugan

ngayon ang libing ng ina ng kaibigan naming si maru. 55 lang si tita girlie. walang sakit. hindi naaksidente. namatay siyang natutulog.

noong biyernes ng gabi, nakiramay kami ni poy, at doon namin nalaman mula kay maru na hindi pa rin matukoy ng pamilya ang tunay na dahilan ng pagpanaw ng kanilang nanay. gulat na gulat sila dahil ang tatay nila ang may sakit sa puso, at ilang dekada na rin ito. ang papa nila ang umiinom ng gamot. ito ang binabantayan ng lahat. pero noong isang gabi, iyon na nga, ang kanila palang ina ang siyang papanaw nang di inaasahan.

wala naman daw unusual kay tita girlie. nagpamasahe daw ito bago matulog. at ang katabi nito sa kama ay si rain, ang 4 year old nitong apo kay maru. after that, hindi na nagising si tita girlie. dead on arrival sa ospital pagsapit ng umaga.

dati na raw nagpapamasahe si tita girlie kaya hindi nila ito tinitingnan bilang cause o nag-ambag sa cause of death.

totoong maganda sa katawan ang masahe. pero kailangan munang alamin ang kalagayan ng may katawan bago ito lapatan ng masahe.

paminsan-minsan ay nagpapamasahe din kami ni poy. noon ngang wedding anniversary namin last year, isa iyon sa mga ginawa namin. nagpamasahe kami sa isang spa sa anonas. we were feeling okay, neutral, hindi pagod, hindi rin super energetic. normal lang. we had regular amount of food. wala kaming ininom na alkohol. basta, walang weird sa loob at labas ng aming katawan.

noong nakadapa na kami, inumpisahan na ang masahe sa aking mga paa at binti. bigla akong nagka-runny nose. hindi ko pinansin. baka kako sa aircon lang, though hindi naman masyadong malamig noon. nakatungo ako sa butas ng massage bed. so tulo nang tulo ang "sipon" mula sa butas ng ilong ko. sinisinghot ko na lang pabalik para di tuluyang tumulo sa sahig. finally, noong pakiramdam ko ay sobra-sobra na ang "sipon" kumuha na ako ng isa pang towel at pinunasan ang ilong ko. pagtingin ko sa towel, ang itim-itim ng towel. wow, yak sabi ko. ano ba tong spa na to ang dudumi ng towel?

and then it hit me. hindi siya dumi. the black thing was actually blood.

nagdudugo na pala ang ilong ko the whole time!

napaupo ako agad. napatigil ang nagmamasahe sa akin. lumabas siya at pagbalik niya ay may towel na siyang iniaabot sa akin. basa ito at nakarolyo. ipatong ko raw sa ulo ko.

ginawa ko nga iyon at nag-robe ako. tumayo ako at dumiretso sa lababo ng cr ng spa. siyet, andaming dugo, parang regla. 2nd day, ganon. ang ilong ko!

si poy ay napaupo rin. nagulat siya, napatunganga. ganon ko siyang iniwan sa massage room.

sa cr, i checked my face. okey, normal. tiningnan ko rin ang mga mata ko. puti, walang broken veins, whatsoever. i checked my arms, wala namang pasa, walang sugat, okey. ilong ko lang talaga ang dinugo. nag-stay ako nang ilang minuto doon. hinga-hinga lang ako. pinakiramdaman ko ang sarili ko kung nahihilo ba ako o ano. hindi naman. good. so, bumalik na ako kay poy.

pinagpahinga muna ako ni poy bago ipina-resume ang masahe. ang naging theory naming lahat (ako, si poy, ang masahista ko at ang masahista ni poy), na-pressure daw ang veins sa ulo ko, particularly sa ilong ko nang magsimula ang pagmasahe sa aking talampakan at mga paa. nagka-surge ng dugo, at nag-shoot up ang dugo sa upper part ng aking katawan. and i believe ito nga ang nangyari sa akin.

at mayroon akong kutob na ganito rin ang nangyari sa katawan ni tita girlie. may pressure sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. then there was a surge of blood that went directly to her head, to her brain. baka may pumutok na ugat or something. it was so fast, at dahil tulog siya, hindi siya nakasigaw sa sakit, hindi siya nakaangal o daing o ungol man lang. the vein bursted with blood at naapektuhan na ang buo niyang utak. the brain stopped communicating with the heart. they both went dead.

so unnecessary ang katamayan na ito ng ina ng kaibigan namin. kung hindi siguro siya nagpamasahe ay baka buhay pa siya ngayon.

hindi naman masama ang masahe per se, but i believe it should not be given to someone who is sleepy or who is most likely to fall asleep. kasi nga, may nagaganap sa loob ng ating katawan na hindi natin nasasaksihan. mahirap na, iisa lamang ang katawan. iisa lamang ang buhay.

180 items!

Lately, medyo negative ang nangyayari sa akin.

1. Hindi nakapag-deliver ng output ang art director namin, na friend ko, kinuha ko siya, I recommended him dahil mahusay at dahil kaibigan ko ay sigurado akong hindi ako ipapahiya. But I was so fucking wrong. Wala akong nai-present sa bosses ko. Deadline noong Friday. And I gave this person another chance. The deadline was kaninang 12midnight. Wala siyang reply. Ni ha, ni ho. Wala. I am so fucking pissed off.

Tapos a few minutes ago, chineck namin ni Poy ang FB ni friend. Well, what did we see, ampota, naglalaro siya the whole day! Yung game na may game pieces! Puro ganon ang wall niya today. Fuck it. Di na lang magsabi na, oy bebang sori ayoko na bigay mo na sa iba ang di ko natapos na trabaho. E di, malinaw sana sa akin, di ba? e, hindi, e. tangina lang talaga.

2. Binaha kami. Kahapon. Habang kami ay nasa robinson’s imus, umulan nang super lakas. Me kutob na akong me mangyayaring masama sa bahay namin. Na nilipatan namin noong marso lang, kalagitnaan ng tag-init. So akala naming lahat, ang super perfect ng bahay. At ng neighborhood. Well, well, well, bahain pala ang lugar na ito! At pinapasok ng baha ang likod ng bahay which is the kusina. Nadamay ang ref namin, pumasok ang baha sa sala. E yung nagdidivide sa kusina at sa sala ay isang book shelf na puno ng libro mula cuticle hanggang anit! So pag uwi namin, sinabi agad nina ej na pinasok ng baha ang sala, ang una kong naisip ay ang mga libro sa divider na book shelf. Kasi puro iyon pambenta ni poy. Thank god at lahat ng ito ay nakaplastik! So walang nasira. Ang nasira lang ay ang mga libro sa pinakamababang level ng mas maliit naming bookshelf na katabi ng divider. As of now, ayoko pa ring alamin kung ano-ano ang mga libro na iyon. Kanina, ipinalipat ko ke ate ang books at mga gamit na nakalapag sa sahig. Sabi ko, iakyat na lang muna lahat. Isang kahon ang ipinakita niya sa akin. Sabi niya, ate nabasa rin ito. Siyempre, ayokogng tingnan ang laman ng kahon. Si poy ang tumingin, sabi niya, yung mga gamit mo panturo ng ingles sa koreans. Im sure may iba pang documents at books na kasama ang mga gamit ko na iyon. As of now, ayoko munang malaman kung ano ang mga iyon.

3. Makakaltasan ako ng 13k sa sahod ko because of an error made by our staff in one of our Performatura contracts. The staff was much older than me. Matanda pa kay tisay. She’s been with ccp for almost three decades. The quality of her work is deteriorating according to ccp co-employees. So nung una, I was ok with it. Natatawa na lang ako. Hindi ko siya sinasabihan because of her age and years of work in ccp. Pero lately, nakakaloka na siya.

Naranasan kong makaltasan ng 3,500 because she missed to do a simple task that I asked her to do. And it was because she went out, she went to ncca to submit things for another project (nagsa-sideline, sabi nga ng isang employee na matagal na siyang kilala). Pinalampas ko iyon, kahit masakit sa dibdib ang 3,500. Because partly it was my fault too. nakalimutan kong ipaalala sa kanya ang task niya that day.

Now, 13k ang worth ng plane tickets na kailangan bayaran dahil ayaw ng budget division na i-charge iyon sa ccp. Because the plane tickets weren’t written in the contract that we submitted to them. Sino ang gumawa ng contract? Yung staff ng office namin na tinutukoy ko. OMG. Mauubusan ata ako ng pera dito hahaha! The only reason why I applied for this job is the sahod. Regular na sahod. For my children!

4. Kanina, napadaan kami ni poy sa filipiniana ng national book store. Isa na lang ang its raining mens. That was nice. Wala nang mens. That was good. Pero nalaman ko na naglabas ang anvil ng rizal without the overcoat ngayong 2017. And it was the original work. Nadagdagan lang ng one page intro, written by Ambeth last May 2017. I felt sad. I don’t know what happened to my translation. Hindi naman ako ina-update. Ipa-publish pa ba nila iyon? I don’t know. Nagustuhan kaya ni Ambeth ang translation ko? Baka hindi. Kaya nag-decide sila na ang i-publish ay iyong original pa rin. Hay. Fuck it. Nakakalungkot. Nakakababa ng self-esteem. Fuck, wala na naman akong librong lalabas this year. Fuck.

5. Then I saw my friends’ translations of foreign novels. At nainggit ako. Bakit di na ako kinuha? Di na rin siguro nagustuhan ang translation namin sa Paper Towns? But I believe it was really good! Ba’t ganon? Ang konsolasyon ko na lang, buntis at kapapanganak ko lang last year, and most of my friends’ translations were published last year. So, maybe, just maybe, it was because of my pregnancy and child birth kaya di na ako kinuha as translator. Hay. Sana nga. Tangina naman, ang hirap ng ganito.

Hay. Kung maire-record lang ang aktuwal kong buntong-hininga dito sa blog ginawa ko na, para talagang maramdaman ninyo ang kalungkutan ko’t matinding sama ng loob. Wala. Sobrang bad, bad day. Bad, bad week. Bad, bad whatever. Gusto kong sumigaw. Fuck it! Putangina n’yong lahat!
putangina lang! tangina n’yo!

Then I remember that for the past week, I have been using the gift of my friend, Ime. The gift is Santosha. Isa itong kuwintas na gawa sa iba’t ibang beads. 180 lahat. then you touch each one of them for something you are grateful with. I mean, isang bead, isang something to be thankful for. I felt happy every single time I did santosha. Usually, on my way to work ako. O kaya pauwi. Ang saya lang. akala mo you have nothing more to be thankful for, pero biglang may makakalkal ang isip mo, ting! Ayun, another bead is conquered!

Now that I remember the santosha, bigla kong naisip, mas marami pala akong dapat ipagpasalamat kaysa ikabahala o ikalungkot.

ito ang ilan:

1. dagat turned 2 last june 18! he is healthy, he is ok. and most of all, cute pa rin siya. mana sa mama, hehe!
2. isinabay namin dito ang pagse-celebrate ng father's day for poy. yey! tipid!
3. nakapag-celebrate kami sa eagle ridge golf and country club sa gen. trias, cavite. buong pamilya kami. kasama rin ang buong pamilya ni poy.
4. walang ibang tao sa place na iyon kundi kami! so para kaming nagrenta ng isang buong resort. seriously, napaisip ako kung bakit parang walang nakaisip na mag-celebrate doon ng father's day!
5. nakapag-overnight kami sa microtel eagle ridge branch for free. napanalunan ko ang room voucher sa pa-raffle ng ccp noong sportsfest!
6. nakapag-celebrate kami ng bday ni dagat kasama ang pamilya ko (tisay, incha, dilat, gome, colay, bianca, budang, kiss, at ej) a week earlier dahil iyon lang ang panahon na nakaluwas si incha sa maynila. sa bahay namin sa bacoor ito ginawa.
7. nakapagkuwentuhan kaming magkakapatid, nakapag-games, nagtawanan, nag-asaran. just like the good old times.
8. kahit kapos kami sa pera para ilabas sila at ikain sa resto, nakapaghanda naman kami sa bahay: carbonara (luto ni poy, mga P300 good for 20 pax), cake (sa isang tindahan ng tinapay sa palengke ng binakayan, P225), siomai (na binili ko nang isang pack for P65 at kami na ang nag-steam), isang manok sa uling roasters (kasi di hamak na mas mura kaysa andok's o baliwag, around P200, sori nalimutan ko ang eksaktong presyo), isang kilo ng indian mango (P20).
9. regalo ng verzo family kay dagat- isang plastic na motorsiklo, wow!
10. nakarating kami sa gen. tri nang ligtas kahit na biglang umulan nang malakas sa daan. hindi pa sanay si rianne sa long drive at first time niyang inabot nang mala-bagyong panahon habang nagmamaneho.
11. noong nag-emcee ako for word of mouth event sa BGC, nakabili ako ng mga regalo para kina rianne at poy sa art mart doon. ang hirap kasing bilhan ng regalo ang mga mahal sa buhay. parang naibigay mo na kasi ang lahat, di ba? so, ang saya ko nang makita ko ang ilang crafts booth sa art mart. isa doon ay yung binilhan ko ng copper wire craft. pinagawa ko ang key chain na hugis ngipin at sa loob nito ay pangalan ni rianne. hehe ang cute. mura pa! pinagawan ko rin si poy ng bookmark na may hugis book sa tuktok, may name na poy sa gitna at paikid-ikid na design sa dulo,
12. nakakita ako ng isa pang regalo for poy ngayong fathers' day. isang book tungkol sa pagpa-publish ng gawa ng mga bata! nabili ko sa booksale for P230 lang.
13. nang makita ko ang book na ito, wala pa akong pera no'n, tinanong ko ang store attendant kung puwedeng ipa-reserve na lang muna iyon. hurray, pumayag siya! so binalikan ko yung book after a few days, noong may pera na akong pambili.
14. si marj, ang aming office assistant na masipag at mabait
15. ang apat naming intern na napakabilis magsipagtrabaho at masiyahin. nababago nila ang mood ng munti naming opisina!
16. nai-deliver na at napapirmahan ang mga kontrata ng VLF 3 anthology authors. kailangan kasi naming humingi ng permit sa kanila para mailathala sa nasabing antolohiya ang kanilang mga gawa.
17. natagpuan ko na ang mga papeles na may kinalaman sa NCBD sa CCP. makakagawa na ako ng program for that day.
18. na-meet ko si carlos celdran sa isang meeting sa ccp. napiktyuran ko pa siya.
19. at noong tapos na ang meeting, papalabas na kaming lahat, at since kaming dalawa ang nasa dulo, hinagkan niya ako sa cheek! omg. putcha, bigla akong nahiya kahit beso-beso lang yun! wala akong pabango at patapos na ang araw, amoy-singit na ako!
20. i brought up the need for training of literary agents in the philippines during the apc meeting and sir chris approved of it.
21. arts ed will help in the ncbd event! maglo-launch sila ng my ccp story a child's activity book.
22. nakabili kami ng baby days na libro sa booksale robinsons imus. tungkol ito sa activities, ideas, and games for enjoying daily life with a child. it was just P10!
23. ngayong june, marami kaming shortened period because of holidays! shortened period means 8 hours lang kami sa office, maaga ang uwi. hurray! 1st shortened period was for the independence day.
24. 2nd shortened period was for the celebration of the end of ramadan.
25. lately, i find it easy to go to work. usually, isang van lang ako.
26. i also find it easy to get home. usually, van din. ang ginagawa ko na lang, para makatipid ay ang maglakad papasok ng subdivision. mahaba-haba rin pero ok lang, exercise na rin.
27. noong isang araw na naglakad ako papasok sa subdivision, may sumunod sa akin na aso. hindi ko ito pinansin pero hindi ako tinantanan nito at paangil-angil na siya. so, hinarap ko ito, voila! bigla itong naging mabangis. nagpanic ako, siyempre. iniumang ko ang baunan ko at nang point na iyon, umatras ang aso at may babaeng lumabas ng gate. dinistract niya ang aso sa pagbuntot at pag-angil sa akin. hurray!
28. nakatapos ako ng isang libro sa biyahe. ang title ay in the eyes of a healer. ganda. tungkol siya sa mga doktor sa pgh. cnf. edited by dok joti. doktor na tagalira din. bongga no? kasalukuyan siyang vp ng lira.
29. am reading i remember book of travel essays ni mam jing hidalgo. and so far, im liking it!
30. i found a cerveza negra beer in our ref. at inubos ko ito. yahoo! tas nung nalaman ni poy, naasar siya sa akin kasi rare daw iyon at regalo nina ina at partner sa kanya noong binyag ni ayin.
31. im seeing a college buddy active in FB again. he has experienced a lot of down times lately. and i am really really grateful he is up and running again. i love you badong. and wifey april!

32. ej got two unos in the past summer term. weee! wala na talaga ako pinoproblema sa batang iyan. hey, i think i raised him well. salute.


okay, too many to mention here. More than 180 items, yes!

O, ano, lungkot at sama ng loob? You still wanna mess with me?! Hindi n’yo ako matitinag, oy.
Mababaw kaligayahan ko, hah!

Saturday, June 10, 2017

Good points at Bad points- Wonder Woman

Gandang-ganda ako sa pelikulang Wonder Woman (WW). Napanood namin ito kagabi ni EJ.

Good points:

1. Ang perfect ng role para kay Gal GAdot, ang babaeng gumanap bilang Wonder Woman. Ang pretty niya, hindi nakakasawang panoorin sa big screen. Ang tangkad niya, ang sexy niya at sapat lang ang arte. Hindi mahusay na mahusay, ala-Nora Aunor ang acting at ang mga mata, pero ok lang kasi ‘yong genre ng pelikula, action-fantasy, hindi naman nangangailangan ng La Aunor kind of acting. So, para sa akin, sakto lang ang acting ni Gal. I also think na sakto lang din ang tunay na edad ni Gal sa kanyang role. Maiinggit siguro ako kung ang ikinast bilang WW ay mas bata. Itong si Gal ay 32 years old! Malapit sa edad ko, 33! Joke, 37 na ako, pero ayun nga, malapit pa rin, hindi ba?

2. Ang aastig ng action scenes, lalo na iyong mga bahagi na may mga slow motion. Hyper ang puso ko sa tuwing may sasagupain na kalaban si WW. Ang ganda rin ng mga anggulo, they really helped make her stronger, faster, more strategic sa kanyang pakikipaglaban. In short, mahusay ang direction. Congratulations sa director na si Patty Jenkins!

3. Nagustuhan ko na may love interest si WW. Ito ang aktor na si Chris Pine na gumanap bilang Capt. Steve Trevor. Ang real ni WW, naiinlab! Tulad ko, tulad mo, tulad nating lahat. At siyempre, nakikipaglandian. E, bakit ba, nataypan naman niya si Capt. Steve, e di go. Single naman silang pareho. Sa pelikulang ito, kahit gaano ka-super galing ang isang babae, ina-acknowledge na kailangan din ng lalaki bilang ka-equal. E, ang mga lalaki, kapag gumagawa ng pelikulang tungkol sa mga bayani, akala mo, e walang strong women sa buhay nila. At kung meron man, laging ka-sex lang ang role nito. O inspirasyon (kung ina ang supporting woman sa pelikula). Tse! Sa totoong buhay, hindi lang kami ka-sex, ‘no? At hindi lang kami inspirasyon. Sa totoong buhay, nagsu-supply at nag-e-enhance ng ideya ang mga babae sa bidang lalaki. Aminin.

4. Natuwa rin ako sa pagkaka-develop ng love story nina WW at Capt. Steve sa gitna ng digma. Logical na ma-in love sila sa isa’t isa, bukod sa ke ganda’t pogi nila, haha. Marami silang bonding moment (sa bath area ng mga Amazon, sa boat mula Themyscira patungong war zone, sa UK, sa mismong war zone, sa village, na kalaunan ay sinalanta ng German gas). Kung wasak ang kapaligiran, pag-ibig ang isa sa magbibigay ng kaayusan dito. Doon ko naisip na hindi rin talaga malayo na magkaasawahan ang mga tibak na namumundok. Yes, para sa akin, sila ay mga example ng WW at Capt. Steve sa Pilipinas.

5. I love the tiara. May meaning pala iyon. Ang tiara ni WW ay originally pag-aari ng kanyang auntie na si General Antiope. Si Antiope ang pinakamahusay na mandirigma sa Themyscira, ang paraiso ng mga Amazon na siyang lahi nina Antiope at WW. Ito rin ang nag-train kay WW simula pagkabata nito. Namatay na bayani si Antiope nang saluhin niya ang bala na dapat ay para kay WW. Ang tiara ay ipinamana ng nanay ni WW kay WW bago siya pumalaot sa mundo ng karaniwang tao. It’s like saying, may the spirit of the best Amazon be with you always. O, di ba, familiar eksena sa bahay bago tayo umalis? Me pabaon lagi si Nanay na makakatulong sa atin sa matitinding bakbakan sa labas: medalyon na galing kay Lola Lusing o rosaryo ni Auntie Ningning o baunan na binili ni Tatay Marcial o payong galing kay Papa Ronye. Lahat iyan, hindi lang basta medalyon, rosaryo, baunan o payong. Special sila kasi galing iyan kay Nanay, pamana ng kamag-anak, at may pintig ng ating kadugo, may kahulugan sa ating puso.

6. tawa ako nang tawa sa linya ni WW na, we realized that men are necessary for pro-creation but they are not really needed for women to experience pleasure. yeba! you go, baby! haha, anlakas talaga ng tawa ko sa sinehan!

Bad points:

1. Siyempre, sa mga eksena sa war zone, pumapasok sa isip ko ang Marawi. Marami akong kaibigan sa Marawi (na ngayon ay nasa Iligan na) at nakakapag-post sila ng picture ng mga kaibigan nilang di pa nakakalikas sa nasabing siyudad. Tadtad ng bala ang mga pader. May umuusok na kabahayan (dahil binomba ang mga ito). Nagkalat ang armadong kalalakihan. Sa WW, isang babae ang nakayakap sa isang bata, nagsusumbong sila kay WW tungkol sa sarili nilang village. Ang naiisip ko ay ang mga babae ng Marawi at ang kanilang mga anak. Walang masulingan sa gitna ng digma.

2. Ang chemist na nakaimbento ng poisonous gas ay isa ring babae. Si Doctor Maru. Though, nakakatuwa na chemist siya, matalino at determinado, ay evil naman. Ano ba? Sana ginawa na lang siyang lalaki. Wala namang kaso kung lalaki ang chemist na ito. Parang tanga ‘yong gumawa ng kuwento. Hindi pa itinodo ang women empowerment chorva.

3. Ano talaga ang super powers ng kontrabidang si Ares? Mala-Magneto ba na nakakapagmanipula ng metal/bakal? Mala-Night Crawler ba na nakakatagos kung saan-saan? E, parang walang sariling identity ang tao na ito. Ni walang special weapon. Inggitero lang sa human kind.

4. Hindi ko nagustuhan na gumagamit din ng dahas si WW. Para makapunta siya at masagip ang women and children sa village, nakipaglaban siya sa mga sundalong German. Ano kaya iyon, pumatay din siya? What if taga-kabilang panig ng digma si Capt. Steve? E, di mga British na sundalo ang dinahas at pinatay niya? May mali sa aspekto ng pagkatao na ito ni WW. Sana maayos ito ng creators para sa susunod na WW films.

Overall, maganda talaga ang pelikula. 500 stars ang rating ko rito. Panonoorin ko uli siya kasama si Papa P at si Bianca. (Libre naman, thank you sa aming magic sine card, kaya okey lang na magpaulit-ulit.)

Monday, June 5, 2017

Resorts World Lone Gunman Kuno

I am not buying the story of Resorts World Manila lone gunman.

Ilang araw ko na itong sinusubaybayan. Ang hatol ko: scripted ito.

Heto raw ang nangyari ayon sa mga report ng pulis at media.

1. May pumasok na lalaki, na mukhang foreigner, sa RW.
2. Walang nakapigil na security officer sa kanya.
3. Pagkapasok, saka niya inilabas ang armalite at pinaputok ito patungo sa kisame.
4. Dumiretso siya sa isang room na puro casino table, wala nang mga tao roon.
5. Niliyaban niya ang dalawang mesa.
6. Nagpunta siya sa taguan ng casino chips at nanguha ng chips.
7. Nagpunta sa hagdan (fire escape nga ba ang tawag dito, e ba’t walang tao, samantalang may sunog sa casino?).
8. Nakipagpalitan ng putok. Natamaan sa binti ang lalaki.
9. Nagtanggal ng maskara, umakyat pa more, umupo sa hagdan, paharap sa CCTV.
10. Umakyat sa 5th floor, pumasok sa room 510.
11. Nagbuhos ng gas, nagbalot ng kumot, niliyaban ang kumot at saka binaril ang sarili.
12. Beyond recognition ang natagpuang bangkay sa room 510. Beyond recognition dahil sa sunog na sunog ito.
13. Samantala, 37 ang patay dahil sa suffocation.
14. Sabi ng pulis, si Jessie Javier Carlos daw ang gunman, isang ex-employee ng Department of Finance, lulong sa sugal, napatalsik sa trabaho, baon sa utang.
15. Inilabas ang kanyang picture.
16. Inilabas ang kanyang magulang, na nag-sorry pa sa mga pamilya ng mga namatay.
17. May suspect, patay ang suspect, nagsori ang pamilya ng suspect. Magbabayad ng P1M ang RW sa pamilya ng bawat biktima. Tapos ang problema.

Pero ako, duda sa ipinapalabas na kuwento.

Ito ang mga naiisip ko:

1. May nagplano nito, at malamang ay hindi ito iisang tao, hindi si Jessie Javier Carlos.
2. Si Jessie ay either inakit ng pera, o tinakot na papatayin, pati na ang sarili nitong pamilya. Pero, definitely, siya ay nabayaran.
3. Siya ang nasa hagdan. Siya ang nagtanggal ng maskara.
4. Posibleng siya ang pumasok sa Room 510.
5. Pero ang natagpuang bangkay na beyond recognition ay hindi siya. RIP sa tao na binaril at sinunog ng mga nagplano ng kagaguhan na ito.
6. Si Jessie ay buhay at nagtatago somewhere. Iniisip niya kung paano ipapaliwanag sa mga anak ang lahat ng ito.
7. Ang bangkay na beyond recognition ay hindi nagsunog ng sarili bago nagbaril. Nauna ang baril bago ang sunog. Patay na ito bago nasunog. Dahil naniniwala ako na likas sa tao ang kumilos habang siya ay nasusunog. Hahakbang iyan, gagapang, definitely hindi mananatili sa iisang posisyon.
8. Ang natagpuang bangkay ay nakahiga, nakapatong ang armalite sa bandang dibdib. Wow, solemn ang kanyang kamatayan. Ganon?
9. Bakit magsusunog sa sarili ang suspek? Kasi ayaw niyang makilala siya. Pero bakit nagtanggal siya ng maskara sa hagdan? At paupo-upo pa siya roon? Dahil nagpapa-ID siya sa CCTV. Sadya iyon.
10. Bakit alam niya kung saan nakatago ang casino chips? Dahil may nag-tip sa kanya. Ang scriptwriter ng black comedy show na ito. Imposible ang sinasabi ng iba na dahil matagal na siyang nagka-casino doon ay nakabisa na niya ang taguan ng casino chips. Kung normal sa lahat ng regular casino goer ang makabisa o kahit man lamang malaman ang taguan ng casino chips, regular ang nakawan o attempt ng nakawan sa mga casino sa Pilipinas.
11. Pero may good news naman ako. Hindi sinasadya ng scriptwriter na may inosenteng madadamay. Nagulat sila na may mamamatay sa suffocation. At ang dami pa, 37. They instructed the gunman very well. “Wala kang babarilin na tao, wala kang papatayin. Magsusunog ka lang, para matakot ang mga tao at sila mismo ang lalayo sa iyo. Tatakas na ang mga iyan palabas ng casino. Then, follow the rest of the instructions.” Ang problema, marami pala ang mata-trap. Hindi ito na-foresee ng scriptwriter.

Palagay ko, a scriptwriter was hired to do this. A script that will serve as distraction sa mga nagaganap ngayon, particularly sa Mindanao. Maraming nagaganap doon na human rights violation, dulot ng kung sino-sino, mula sa gobyerno, rebelde at iba pang grupo.

Imbes na na-distract lang ang mga Pilipino, nagalit sila. Because they want justice. Justice that the body beyond recognition cannot bring forth. Justice that Jessie Javier Carlos story cannot deliver.

In short, akala ng scriptwriter, tanga ang lahat ng Pilipino, at agad na maniniwala sa kanilang kuwento.

Well, dear scriptwriter and your team, congratulations. Thirty seven, actually thirty eight, (isama na natin si beyond recognition guy), ang nasayang na buhay.

I am one of those who can tell the process of your writing.

Okey na sana, kaso, kulang sa research ang script. Katawa-tawa na nakalimutan ninyong sa Pilipinas, hindi sineseryoso ang mga fire safety and evacuation drill. Kaya marami sa atin ang hindi alam ang gagawin, marami ang natataranta, marami ang namamatay, kapag nariyan na ang tunay na sunog.

Sana tinanggal na lang sa script ang pagsusunog ng mga casino table. Sa pagpapaputok pa lang ng armalite ay tatakbo na ang mga tao. At proven naman na laging huli ang pagresponde ng awtoridad. Kaya may sunog man o wala sa casino area, aabot pa rin ang bida ng script ninyo sa room 510 at magbe-beyond recognition pa rin sa pagkatusta ang inilagay ninyo roon na bangkay.

endangered species

may ipinost ako sa FB wall ko tungkol sa sitwasyon ng Pilipinas at ang propriety ng pinakamataas na opisyal ng bansa. dinagsa ng haters ang aking wall. hindi ko ito inaasahan. akala ko ay marami sa FB friends ko ang pareho ko ng pananaw. at di ko man kapareho ay at least, matalino at may respeto ang pagpapahayag ng pagsalungat sa aking binitawang mga salita.

pero, hindi. nakakagulat ang naging batuhan ng salita: tanga ka, bobo ko, dutertards ka, dilawan ka, bayaran ka. at sari-saring mura.

nang panotoryus nang panotoryus ang mga salita, nagdesisyon akong ipatanggal sa wall ko ang aking post. yes, ipatanggal dahil hindi ako marunong mag-unpost, haha. ang ginawa ni papa p ay ginamit niya ang setting na only me, para ako na lang daw ang makakakita niyon. ito ang naging desisyon ko dahil nae-expose ako at ang aking pamilya sa haters, at... sa mga panganib.

baka bigla akong matokhang. o kahit sinong miyembro ng pamilya ko, dahil lang sa post na iyon.

mahirap na.

panahon pa naman ngayong cheapangga ang buhay.

Thursday, June 1, 2017

commute from cavite

mula nang manirahan kami rito sa bacoor, sari-sari nang paraan ang natuklasan ko para makarating ng CCP. ang pinakamahaba ay 2.5 hrs, limang sakay. ang pinakamaikli ay 1.5 hrs, 2 sakay lang.

noong tuesday, 5 hours ako sa kalsada. 2.5 hours sa umaga, umalis ako ng bahay nang 7am, nakarating ako sa fairmont hotel nang 10am. um-attend ako ng launch ng national ip strategy of the philippines, event ng IPOPHL. natapos ito nang 5:30pm. umalis ako sa hotel, 5:45 pm, nakarating ako sa bahay nang 8:45 pm. umulan pa nang pagkalakas-lakas, bandang alas-otso.

imagine, ano, 5 hours sa kalsada. siyempre pagdating ko sa bahay gusto ko na lang humilata sa pagod. dahil hindi naman tuloy-tuloy ang biyahe na yun, palipat-lipat, patayo-tayo, palakad-lakad, pahabol-habol kaya. tas dagdag din sa pagod yung init.

mas malayo ang anonas sa ccp pero nakahanap ako ng paraan para mapabilis at maging convenient ang commute ko mula anonas pa-ccp. average travel time is 1 hr and 15 mins. rush hour yan sa lagay na yan ha.

itong galing sa cavite, tinutuklas ko pa. sabi ng mga opismeyt ko na taga cavite rin, ang tanging paraan to cut the travel time is to leave early. as in 5am daw ang alis sa bacoor. potah, 5am? bakit, sa batangas ba ang punta ko?! di ko talaga matanggap. 5am? seryoso? hay. there must be another way!

napansin ko na sobrang puno na ang mga bus na pa-lawton at baclaran pagdating sa bacoor. so kung sasakay ako ng bus, tatayo ako, makikisiksik ako at mahihipuan ako at magagalit ako sa kapwa ko pasahero hanggang sa baclaran. mga 40 minutes din yan ng buhay ko. pagdating sa baclaran, mababawasan ang mga pasahero pero malamang na nakatayo pa rin ako sa sobrang dami naming nakatayo. sa libertad na ako makakaupo. pero useless na rin kasi malapit na ang bus niyon sa ccp. P25.00 nga pala ang pamasahe, cheap, di ba?

kaya ang ginagawa ko ngayon, para maiwasan ko ang nakakagutay-gutay na sitwasyong pangkababaihan ay sumasakay ako ng baby bus (P9.00) sa tapat ng bukana ng perpetual village 8 (ito ang 2nd starting point, ang tunay na starting point ay ang bahay namin, sasakay ka ng P10 na pedicab mula sa bahay hanggang sa bukana ng perpetual village 8, bahagi ito ng brgy habay ng bacoor). so baby bus mula sa habay hanggang zapote or zapote kabila. yes as in dumadaan ang baby bus sa palengke! nakakaasar kasi sobrang sikip dito pero mas maigi na ito kasi sa baby bus, ako ay nakaupo at halos wala nang laman ang baby bus pagdating sa area na yun. minsan nga, ako na lang ang pasahero. and i like that.

pagdating sa zapote, minsan, sumasakay ako ng dyip pa-baclaran coastal P15.00 ang pamasahe. minsan, ang dyip ay ume-exit agad sa may zapote patungong coastal road. bawas, 30 minutes sa biyahe yun! pero kadalasan, ang dyip ay pumapasok pa ng las pinas. meaning, dadaan ng pulanglupa, bamboo organ (teritoryo ni tisay!) at kabihasnan ng paranaque. sa kabihasnan siya lalabas patungo sa coastal road. sa rutang ito, mula zapote hanggang baclaran ay 50 minutes. natitiis ko ito kasi nakaupo ako the whole time. so puwede akong matulog, magdasal, magmuni-muni etc.

pagdating sa baclaran, maghahagilap na ako ng FX o bus na pa-lawton. kung FX, P15 hanggang CCP. mahirap makipagbalyahan sa mga sumasakay ng FX. fierce sila ineng. so let them be na lang. mas preferred ko ang bus na galing ng alabang/las pinas kasi P12 lang hanggang CCP at madalas ay may upuan nang bakante ang mga ito (nagsisibabaan talaga ang mga utaw sa baclaran, it's the cubao mrt station of the south, laging pinakamarami ang bumababa diyan). mga 25 minutes ang biyahe mula baclaran hanggang ccp.

so medyo bangenge na ang lola pagdating sa work. lagi kong complaint ito nowadays. hindi ako makapaniwala kasi na magiging buhay ko ito araw-araw. No! hindi ko kaya. parang ngayon pa nga lang gusto ko nang sumuko. ang mahal, physically ang hirap, aksaya sa oras, ang commute mula bacoor to ccp.

pasensiya na, antagal-tagal kong walang blog entry tapos rant pa sa aking pagbabalik! hay, i just have to let this out. im sorry, my friend. this too shall pass. sana.



Service Charge

matagal ko nang alam ang service charge na ipinapataw ng restaurant sa mga customer. lagi kong nakikita iyan sa mga resibo at menu. dahil naging waitress ako noon, noong college days ko, natutuwa ako kapag ang isang restaurant ay nagpapataw ng service charge mula sa customers para sa mga empleyado nito.

pero recently, napag-isip-isip ko na isa na naman itong scheme ng mga kapitalista (mga may ari ng restaurant) para makaiwas sa pagbabahagi ng kanilang kita sa sariling empleyado. so imbes na kunin mula sa kanilang profit ang dagdag na kita para sa kanilang empleyado ay ipinapataw nila ito sa customer. intact ang profit ng may-ari ng restaurant. ang nagdurusa ay ang customer. samantalang, duty ng isang restaurant at ng mga empleyado nito ang magbigay ng magandang serbisyo sa customer. given iyon, given ang magandang serbisyo.

isa pang reason kung bakit hindi maganda na may service charge ang isang restaurant ay dumadaan pa sa may-ari ng restaurant ang perang kinukuha niya sa mga customer na dapat ay para naman sa mga empleyado nito. so naiipon ang pera na iyon sa kaha ni restaurant owner. at ang me hawak ng mga computation diyan ay ang restaurant owner dahil puro resibo naman ang pinag-uusapan (sa resibo nagre-reflect ang service charge, dito makikita ang amount na kinuha sa customer na siyang amount na dapat ay mapunta sa mga empleyado). so kung magkano ang compute ni restaurant owner as service charge, kung magkano ang ideklara niya, iyon ang ipapamahagi niya sa mga empleyado.

e, paano kung hindi siya honest? paano kung gahaman siya? which i think tama, as in gahaman siya, kasi ayaw nga niyang magalaw ang profit niya e kaya ipinapataw niya ang service charge sa customer. di ba? so, ano na? magkano ang tunay na nakakarating sa mga empleyado mula sa mga ibinabayad na service charge ng customer?

hay, ang mga kapitalista nga naman, kung ano-ano ang naiimbentong paraan para mapalagong lalo ang salapi. At kapangyarihan.

Monday, May 22, 2017

Panayam para sa Pagsasaling Pambata

Ang Tagasalin bilang Manlilikha:

Bibliyograpiya at Panunuri ng mga Saling Pambata sa Filipino

Isang Disertasyon para sa PhD Filipino Major sa Pagsasalin

Wennielyn F. Fajilan, PhD Fil: Salin

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

0948-4409502/wenniefajilan@gmail.com

TALATANUNGAN PARA SA MGA TAGASALIN
Magandang araw! Pakisagutan po nang buong katapatan ang sumusunod na tanong para sa binubuong pag-aaral ukol sa pagsasaling pambata sa Filipino. Maraming Salamat!
PANGALAN: BEVERLY SIY
TRABAHO/OPISINA: SENIOR CULTURE AND ARTS OFFICER, INTERTEXTUAL DIVISION, CCP

I. Background sa Pagsasalin
1. Paano ka nabigyang-pagkakataon na magsalin ng akdang pambata?
Nagkaroon ng call ang Anvil Publishing para sa translators para sa mga nobela ni John Green. At ng iba pang nobelistang Amerikano na nagsusulat ng YA. Isa ako sa mga tumugon at nagpakita ng interes dito, kinontak ko si Mam Ani ng Anvil at sabi niya, proyekto daw ito ng National Book Store. Nagpadala ako ng sample na salin at natuwa naman sila kaya pinapili na ako ng nobela ni John Green. Pinili ko ang Paper Towns dahil magkakaroon ito ng pelikula at naisip ko na makakatulong iyon sa sales ng librong salin sa Filipino.
2. Gaano ka na katagal sa gawaing ito?
2006 pa lang ay nagsasalin na ako. Pero karamihan ay teknikal na mga akda ang isinasalin ko. Nang mabigyan ako ng pagkakataon na makapagsalin ng mga profile ng Ramon Magsaysay Awards recipients, mas nahasa akong magsalin na ang target market ay kabataan. Kasi ang target reader ng salin ng RM awardees profiles ay kabataan at guro.
3. Ano-ano ang mga preparasyong teknikal o akademiko gaya ng mga workshop, training o kurso na dinaanan mo bilang tagasalin?
Marami na akong napuntahan na mga seminar tungkol sa pagsusulat ng akdang pambata at YA, hindi ko na matandaan ang lahat. Pero mas pokus ako sa pagsusulat, hindi sa pagsasalin. Noong kolehiyo ako ay may subject akong pagsasalin. Marami akong natutuhan doon. Sa LIRA workshop (na nilahukan ko noon), may talk na tungkol lamang sa pagsasalin ng tula. May mga aklat din ako tungkol sa pagsasalin, na binasa ko maski noon pa, bago pa ako magsalin ng YA na akda.
Nitong nakaraan ay sumali ako sa Seminar sa Pagsasalin ng Komisyon sa Wikang Filipino. Batayang antas pa lamang daw iyon. Magpapatawag daw sila para sa susunod na level.
I believe, mas umuunlad ang kakayahan ko sa pamamagitan ng patuloy na pagsasalin. Hindi ako tumitigil sa pagtanggap ng mga teknikal na salin, at nagsalin din ako ng mga literary-historical na sanaysay ni Ambeth Ocampo. Para sa akin, mas mabigat ang mga iyon kaysa sa mga seminar o training o kurso.
4. Bahagi ka ba ng isang grupo ng mga manunulat o tagasalin? Ano-ano ang mga ito?
Manunulat, FILCOLS, FWGP at LIRA. Tagasalin, hindi.
5. Bukod sa pagsasalin ng akdang pambata, nagsasalin ka rin ba ng ibang uri ng panitikan o babasahin?
Oo.
6. Ano-ano ang mga ito? Aling mga wika?
Leaflet na nasa loob ng kahon ng gamot.
Biography o profile.
Sanaysay.
Rules and regulations para sa isang unyon.
Ingles patungong Filipino lamang.
7. Bahagi ng aking pananaliksik ang pagbuo ng annotated bibliyography ng mga aklat pambata na isinalin mula sa Ingles patungong Filipino. Maaari po kayang ilista ang inyong mga aklat upang mailagay sa kauna-unahang talaang ito? Pakitukoy po ang pamagat, awtor, taon ng publikasyon.
Ang Paper towns pa lang ang napa-publish. Ang salin ko ng Ambeth Ocampo book ay hindi pa inilalabas ng Anvil.
Siy, Beverly W. at Verzo II, Ronald V., Paper Towns, Salin sa Filipino ng Paper Towns ni John Green, National Book Store, Mandaluyong City, 2015.
8. Para sa iyo, ano ang kahulugan ng pagsasalin?
Ang pagsasalin ay pag-unawa at pagpapahayag sa isang akda mula sa pinagmulang wika patungo sa target na wika.
9. Ano- ano mga katangian ng isang mahusay na tagasalin?
Matiyaga, masipag, mabusisi, malikhain, determinadong matapos ang pagsasalin, bukas sa kultura ng isinasalin, mahusay sa kultura ng target na wika, sensitibo sa pangangailangan ng readers
II. Karanasan sa Pagsasaling Pambata
1. Sa tingin mo, mayroon bang pagkakaiba pagsasaling pambata sa ibang gawain ng pagsasalin? Bakit?
Mayroon. Ang target audience. Siyempre, iko-consider mo ang kakayahan nilang umunawa. Factor ang edad dahil hindi pare-pareho ang kakayahan ng bawat age group ng mga bata.
2. Bakit kailangan ng pagsasaling pambata?
Dahil napaka-specific ng needs para dito.
Importante rin na dumami ang nagsasalin ng pambatang akda para mas marami ang makatawid na mga akda mula sa iba’t ibang kultura. Mas maraming akda na nagmumula sa ibang kultura, mas maganda. Mas nagiging tolerant ang mga reader, nagiging sensitive sila sa culture ng iba.
3. Ano ang layunin ng publikasyon na kinabilangan mo at paano nakaambag ang iyong saling pambata dito?
Sa tingin ko, isa sa mga layunin ng nobelang Paper Towns ay ang ipadama sa reader na normal ang mga isipin at usapin na tinalakay dito: halimbawa, identity crisis, pagtatapos ng high school life, kababawan ng mga tao, superficiality ng society, etc. Normal lang na pag-isipan ito ng kabataan, normal lang na malungkot siya sa kanyang mga natutuklasan. At hindi dapat tinatalikuran ang mga ito. Bagkus, dapat nga ay hinaharap ang mga iyan, sino-sort out. Tulad ng ginawa ng mga bida ng nobela.
Palagay ko, nakatulong ang salin ko sa nobelang iyan na maipakita sa mga mambabasang Pinoy na hindi naman masyadong naiiba ang issues natin sa issues ng mga teenager na Amerikano. Na mabababaw din ang mga Amerikano, mukha lang hindi hahaha!
(Sa totoo lang, isa yan sa dahilan kung bakit ako nagpasyang isalin si John Green. Gusto kong huwag nilang diyusin si John Green at napakababaw lang din minsan ng mga dialogue ng characters niya, ‘no? Andami kayang bayag-bayag doon sa original. As in betlog, betlog ganon. Sa Ingles kasi, balls at scrotum ang tawag, parang sosyal at the same time, scientific hahaha.
4. Bilang tagasalin, ano ang iyong layunin sa pagsasalin ng akdang pambata?
Maipakita na kaya ng ating wika na maging carrier ng kaisipan/insights ng ibang kultura.
Maipakita na kapag isinalin ang ilang akda, ang akda sa ibang bansa ay hindi naman pala superyor, gaya ng unang impresyon natin doon.
Maipakita sa mambabasang Filipino na napakalaki at lawak ng mundo, kailangan ay may sense din siya ng mundong ito. para di naman siya mabalagoong sa kung ano lang ang nakikita niya sa kapaligiran.
5. Ano-ano ang mga prinsipyo sa pagsasalin na naging gabay mo sa iyong pagsasaling pambata?
a. huwag isalin lahat. Sa paper towns, may eksena doon na napapansin ni Q, ang bida, ang lahat ng pisikal na bagay sa gf ng kanyang bespren. Umabot na sa punto na napakaseksuwal ng pagkaka-describe niya sa girl. Ang ginawa ko, binawasan ko iyon, ang pagka-sensual at sexual, kasi naisip ko, hindi mahalaga iyon sa pinakakuwento ng nobela. Siguro nga, manyak si Q kasi 18 yrs old guy siya at napakaganda ng gf ng kanyang bespren, pero additional na isipin lang ito for the reader. Masyado nang complicated ang sitwasyon ng mga tauhan, kaya di ko na isinama ang “pagkamanyak” ni Q. Ginawa ko itong mas tame.
Example, pag talon ni Q papasok sa van, sumubsob siya sa kandungan ng girl (original)
Pag talon ni Q papasok sa van, sumubsob siya sa paanan ng girl (salin)
6. Ano-ano ang iyong karaniwang hakbang sa pagsasalin ng akdang pambata?
Basa muna ang buong nobela. At least twice (binasa ko ang Paper towns nang mga 15x before and during the translation)
I-check ang iba pang nobela ni John Green (wala lang, para lang makita ang style ng writer).
Consult with publisher. Itinatanong ko na lahat ng puwede kong itanong.
Google John Green. Check feedback of young readers all over the world about Paper Towns.
Salin. Nasa tabi ko ang mga dictionary, naka-open din ang internet ko.
Nag-i-skip ako kapag di ko maisalin ang isang word or isang line. I ask Poy to do it kung kaya niya. Kung hindi, binabalikan ko siya after na ng buong nobela.
After salin, isang pasada ko, kasama na riyan editing.
After isang pasada at editing, isa pang basa.
After isa pang basa, proofreading naman.

Then usap kami ni Poy to settle any challenging words or phrases.
Then type uli, encode lahat ng changes, print and another pasada!
I-encode ang mga iwinastong mali.
Print.
Submit.
7. Mayroon ka bang sinusunod na mga teknikal na kahingian gaya ng haba ng salin, antas ng wika at anyo ng mga pahayag? Bakit?
Wala. Hindi ko sinasanto ang haba ng pangungusap o ng talata. Isasalin ko ang isang sentence sa paraan kung paano ito sinasalita. Conversational, iyon ang sinusunod ko.
Sa idioms, ang una, hanap ng katumbas dito. Kung wala, isalin o as is tapos ilalagay na lang sa baba ng pahina ang meaning ng original na idiom.
Sa idioms, ang kinokonsulta ko ay si Poy at ang ate niya. Very familiar sila sa American lit kasi. So alam na alam nila ang mga idioms ng Americans.
8. Ano-ano ang mga hamon at balakid na naranasan mo sa iyong pagsasaling-pambata?
Idioms tulad ng sleep with the fishes. Ayon sa researc h ko, new idiom daw ito. Ang hirap, nahirapan kami sa pagsasalin nito.
Tula ni Walt Whitman, shet ang haba niyon. Ang naging solusyon ay di namin ito isinalin. Kasi dapat ibang bayad na iyon para isalin namin. At isa pa, American literature naman ang ipino-promote ng Paper Towns so let the readers feel and hear the said poem.
Sa America, importante sa kanila ang pag-aari sa isang bagay. Kaya tadtad ng salitang my ang buong nobela.
Example: She went through my window, rolled over my floor, hopped on my bed, etc. etc.
Hindi ko sinunod diyan ang sobrang paggamit ng my. Mawiwirdohan lang ang reader sa bida (siya yung nagsalita sa example ko).
9. May papel ba ang awtor sa proseso ng iyong pagsasaling pambata?
Unfortunately, hindi ko nakausap ang awtor na si John Green. Pero sobra kasi ang online presence niya. May blog siya at may videos, so parang nakakausap ko na rin siya kahit paano kasi ni-research ko siya nang maigi at binasa ang mga link na may kinalaman sa kanya at sa Paper Towns.
Kung makakausap ko siya, magtatanong ako siyempre.
Noong isinasalin ko ang libro ni Ambeth Ocampo, hindi ko kinausap si Sir Ambeth. Once lang, at thru publisher pa iyon. Na hindi rin naman nasagot ang tanong ko.
10. Bago mo ipasa ang salin sa editor, paano mo tinitimbang ang iyong salin?
Ipinapabasa ko kay Poy. Pinapasadahan namin ito nang maraming ulit. As in, mga 5. Ipinabasa naming kay EJ ang Paper Towns kasi graduating din siya nang time na iyon, katulad ng mga bida sa nobela. Gusto naming malaman kung makaka-relate ba si EJ sa mga tauhan.
Binabasa ko rin nang malakas ang salin ko para ma-check ang cadence ng mga pangungusap lalo na ang mga dialogue.
11. Bukod sa editor, mayroon pa bang ibang taong sangkot sa pagtanggap ng kaangkupan ng iyong saling pambata?
Oo, si Poy ang resident editor ko.
12. Tumatanggap ka ba ng kaparehas na bayad at royalty sa pagsasaling pambata gaya ng mga awtor at ilustrador? Hindi.
Kung hindi, ilang porsyento ang pagkakaiba ng iyong bayad?
Outright payment ang sa amin. One time payment. Walang royalty. 30k after ng submission ng lahat.
Sang-ayon ka ba sa pagkakaibang ito? Bakit?
Actually, mas malaki nga ang bayad dito, e. kasi kapag ikaw ang author ng libro mo, kikita ka lang thru royalty, ibig sabihin, hihintayin mo muna ang libro mo na mabili ng madlang pipol bago ka kumita. E, paano kung hindi ito naging mabili? Dito sa rate nila sa translators, kahit hindi pa nalalathala ang libro, may bayad na agad sa iyo. Ang problema ko lang dito ay ang usapin ng copyright. Dapat, intact ang copyright ni tagasalin at dapat ibigay ito sa kanya.

III. Mga Pananaw ukol sa Pagsasaling Pambata sa Filipino
1. Sa iyong palagay, makabuluhan bang laging isalin sa Filipino ang mga akdang Ingles na isinulat ng mga Pilipinong manunulat pambata? Bakit?
Oo, para mas malaki ang market. Parehong reader sa Ingles at reader sa Filipino.
2. Nakatutulong ba ang pagdami ng salin ng mga orihinal at muling pagsasalaysay na mga aklat pambata sa pagsusulong ng panitikang pambatang Filipino? ng wikang Filipino? Bakit?
Oo naman, kasi mas dumarami ang publikasyon o edisyon ng iisang materyal. Mas marami din ang subjects (English at Filipino) na puwedeng paggamitan ng akda kung may salin ito. Kapag mas maraming reader, mas marami ang posibleng maging manunulat balang araw. Kumbaga, parang investment itong pagpaparami natin ngayon ng publikasyon o libro. At kapag marami ang manunulat sa isang lipunan, mas malaki ang tsansa na makagawa ng matataas pang kalidad na mga akdang pambata para sa Pinoy.

Tungkol sa wikang Filipino, siyempre, dapat may balance din. Dapat ang mga akda sa Ingles, isinasalin din sa Filipino. Ang mga akda sa ibang rehiyon, isinasalin din sa Filipino. Nakakatulong ito sa pagsulong ng wikang Filipino dahil nagiging tulay ang wika para makakilala tayo ng iba’t ibang kultura. At dahil nagiging tulay ito, nakikita ng reader ang halaga nito. Hopefully, magiging kaisa ang reader sa pagtataguyod ng wikang Filipino. Siyempre, mas exposed ka sa isang wika, mas likely na gamitin mo ito at mahalin mo ito.
Isa pa, ang bata, kapag exposed sa isang wika, natututo siyang mag-experiment gamit ang wikang ito. So nagiging kakambal ng haraya niya ang nasabing wika. So sana ay ganito ang mangyari sa wikang Filipino kasabay ng pagdami ng mga publikasyong nagtatampok ng salin, para sa kabataang Filipino.
3. Ano ang palagay mo sa di paglalagay ng pangalan ng tagasalin sa mga pabalat at kahit sa copyright page ng mga aklat pambata?
Mali iyan, kasi ang salin (lalo na ang akdang pampanitikan) ay isang creative expression. May karapatan ang tagapagsalin sa kanyang salin, may karapatan siyang makilala bilang tagasalin dahil creative expression niya ito. So... dapat ilagay ang pangalan ng tagasalin sa mga pabalat at sa copyright page. Maaaring naipagbenta na niya ang economic rights niya so wala na siyang karapatan na kumita mula sa kanyang salin pero ang moral rights (isa roon ay ang makilala bilang tagapagsalin) ay forever! At dapat nire-reflect ng copyright page ito!
4. Naniniwala ka ba sa palagay ng ilang kritiko na kapag sinusuri ang isang salin, dapat bigyang-pansin ang papel ng tagasalin lalo na sa mga akdang pambata? Bakit?
Yes! Kasi inuunawa ang akdang pambata batay sa salin. Ibig sabihin, may sining din at likot ng imahinasyon ng tagasalin ang mahahalo sa salin. Kailangang i-acknowledge ito: ang sining at talino ng tagasalin na mababakas sa salin.
Maganda rin na tingnan ang background ng tagasalin. Kasi nakakaapekto rin ito sa pagsasalin niya. Ako, halimbawa, mulat ako sa karapatan ng kababaihan. Doon sa ibinigay kong halimbawa tungkol sa pagka “manyak” ni Q... Kaya hindi ko na isinama sa isinasalin ko ang very subtle na pagkamangha ni Q sa mga bahagi ng katawan ng gf ng kanyang bespren kasi hindi naman importante sa buong nobela at palagay ko, mas nakakasama pa ito sa images ng babae na ipino-portray sa panitikan.

5. Kung magkakaroon ng isang samahan para sa mga tagasaling pambata, bukas ka bang maging bahagi nito? Ano-ano ang tingin mong nararapat na unahing proyekto ng mga ganitong uri ng inisyatiba?
Oo!
Kung may mga akdang pambata ang mga national artist for literature natin, iyon ang unahin. Kasi iilan pa lang ang National Artist natin na nagsusulat sa wikang Filipino. Karamihan pa rin sa mga NA for Literature ay nagsulat sa Ingles. Ito ay isang baul ng kayamanan na dapat nating tuklasin at ibahagi sa marami.

Magkaroon ng sarbey tungkol sa pagbibigay ng rates, para Makita natin ang minimum at maximum amount ng kapwa natin tagapagsalin.
Magdaos ng mga seminar, workshop, at events tungkol sa karapatan. Unahin ang karapatan. Overflowing na tayo sa talento, huwag na muna iyan ang unahin.
Maglabas ng best practices.
Maglabas ng guidelines para sa mga publisher. Tungkol ito sa pakikipag-transact with translators ng mga akdang pambata. Kasama sa guidelines ang paglalagay ng pangalan ng translator sa cover at copyright page ng book, and at least one compli copy, etc.
Establish network with other publishing professionals, and govt agencies such as NBDB, KWF, CCP Intertextual Division, NCCA, IPOPHL Copyright Bureau, DepEd, CHED, etc.
Establish ties with ASEAN counterparts para mas dumami pa ang mga akda mula sa mga bansang ito sa wikang Filipino.
6. Sa pangkalahatan, may pangangailangan para sa propesyonalisasyon ng pagsasalin sa bansa, ano ang tingin mong maiaambag ng pagsasaling pambata para sa pagsusulong nito?

Dahil sa particular na pagsasalin na ito, mabibigyang-pokus ang mga pangangailangan sa at ng mga tagapagsalin ng akdang pambata.

Mas magiging sensitive ang mga tagasalin sa particular market na ito: ang mga bata. Mas magiging specific ang pagtugon sa mga pangangailangan nito.

Mapapayaman nito ang mga koleksiyon at library ng mga pagsasalin. Kumbaga, ma-expand ang repertoire, pati pambata ay kasama na.

Makakatulong ito para makapag-forge ng network ng writers ng children’s literature at ng mga tagasalin.




7. Ano pa ang inyong ibang mga obserbasyon at karanasan ukol sa pagsasaling pambata na maaari mong maibahagi?
Bata pa ito, sana ay makatulong ang lahat sa pagsusulong nito. Sana ay bigyan din ito ng puwang sa mga liteary, creative writing and translation conferences, workshops at iba pang venue.