Alaala ng nakaraan nating lahat
Ni Chen Sarigumba
Ang panahon ng ating kabataan ay punung-puno ng nakakatuwang mga alaala. Kapag nagugunita natin ang mga bagay na ginawa natin noon, madalas ay napapangiti tayo o minsan naman ay nahihiya tayo. Ganito ang damdaming naramdaman ko nang basahin ko ang “It’s a mens world” na isinulat ni Bebang Siy. Ito ang lupon ng mga sanaysay na naglalaman ng mga alaala ng kaniyang kabataan.
Sa unang kwento pa lang na kaniyang inilatag ay naalala ko na rin ang aking sariling karanasan. O mga bagay na naganap nang ako ay bata pa lamang. Nakatutuwa sapagkat damang-dama mo ang katotohanan sa kaniyang mga kwento. May kwento ng pagdadalaga, kwento ng mga nakaw na sandali, pinyapol, at tungkol sa kung saan saan pa.
Ang bawat karanasang nakapaloob sa kaniyang aklat ay tunay na may pinanggalingan. At hindi mo ito makukwestiyon sapagkat nakikita natin itong nangyayari sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw. Sa mga kaibigan pa lamang natin ay sari-saring kwento ang ating naririnig na kaparis ng mga sinabi sa nasabing aklat. Nagmistulang sine ang mga pangyayaring nabasa ko mula sa aklat ni Bebang Siy. Lahat ay malinaw kong nakikita sa aking sariling isipan.
Ang librong “It’s a mens world” ay tunay na nakakaaliw. Walang pahina kang palalampasin. Puro tawa, ngiti, halakhak at bungisngis ang tugon mo sa pagbabasa. May ilan ring maselang paksa (o ako lang ang nag-iisip na maselan iyon) na naiidaan niya sa isang nakakatawang pagsasalaysay. O nailalahad niya sa mas magaan na paraan.
Sa akin ngang isipan ay nakikita ko ang itsura ng mukha ni Bebang Siy sa kanyang mga sanaysay. Kung paano niya inilarawan ang mga kaganapan ay ganoon ko rin nakikita ang kaniyang mukha sa aking utak. May mga panahon kasing nagkakaroon kami ng pagkakataon na magkasama. Sa akin ngang pakiwari ay larawan niya ang bawat sanaysay na mababasa mo sa kaniyang libro.
May maaalala ka ring pamahiin na palaging nababanggit ng mga nakakatanda kapag nabasa mo ang librong ito.
Sa aking palagay ang librong “It’s a mens world” ay hindi lamang naglalayong ibahagi sa atin ang mga karanasan ni Bebang Siy. Isa rin itong kalabit sa atin upang balikan ang ating mga karanasan. Mga sariling alaala na kusang babalik habang binabasa natin ang libro ng manunulat na si Bebang Siy.
Ito ay nirepost nang may pahintulot mula kay Chen Sarigumba mula sa gurlispinays.wordpress.com/2011/11/10/tapang-sa-mga-pahina-ng-it’s-a-mens-world-alaala-ng-nakaraan-nating-lahat/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment