Tapang sa mga pahina ng It’s a Mens World
isinulat ni Che Sarigumba
Karaniwan, kumbaga ang mga salitang ginamit sa It’s a Mens World. Pero ang hindi pangkaraniwan ay ang kakayahan ni Bebang Siy na magpatawa. Hindi lahat ng manunulat ay kayang gawin iyon. Lalo na sa mga seryosong pangyayari, mahirap man at nakakagulat ang mga pinagdaanan niya, nagawa pa rin niya iyong isalaysay ng magaan sa mambabasa. Mabigat na pangyayari pero magaan sa damdamin. Mas nakakaya mong dalhin. Mas naeengganyo kang basahin.
Ito na yata ang librong sa bawat pagbukas mo ng mga pahina ay tatawa ka na lang nang tatatawa nang tatawa. At sa sobrang kakatawa ko, hindi pa ako nakuntento, kinulit ko nang kinulit si Joel Pablo Salud, kahit na may tinatapos siyang mga articles. Nilalapitan ko talaga siya para lang basahin iyong nagpapakiliti ng sobra sa’kin. Atgayako, tawa na lang din siya nang tawa. Hindi na ako nagmukhang tanga sa kakatawa mag-isa, may karamay na ako.
Hindi lamang puro katatawanan ang nakapaloob na mga sanaysay sa It’s a mens world, marami ka ring mapupulot na aral. At siyempre, hindi rin nawawala ang kilig na sumasayaw-sayaw sa ibang parte ng mga pahina. “Makinis ang mukha ni Michael. Ang mga mata niya, malalaki, parang sa kuwago. Pero cute na kuwago. Iyong tipong puwedeng ilagay sa logo ng Sterling notebook.” Nakakatawang paglalarawan pero maaaninag mo na may pagtingin ang naglalarawan kay Michael.
Maganda ang pagkakasulat. Magaan sa mambabasa. Nakakapanabik ang bawat pangyayari. Nakakantig ng puso ngunit mapapangiti ka. At kapag kilala mo si Bebang Siy, mas lalong iindayog sa iyong kamalayan ang bawat salita. Sumasalamin ang It’s a Mens World, kay Bebang Siy.
Kung ilalarawan ko si Bebang Siy sa isang salita, para sa akin ang angkop na salitang iyon ay TAPANG. Bakit? Sapagkat, bihira lang ang taong magkakaroon ng lakas ng loob na ipaalam sa marami ang kanyang mga pinagdaanan lalo na ‘yung nahipuan siya… basahin n’yo na lang. May mga mag-iisip na nakakahiya kapag nalaman ng iba. Pero, iba ang umiindayog sa isipan ni Bebang, iyon ay ang imulat ang bata pati na rin ang mga magulang na may mga pangyayaring nangyayari nang hindi mo inaasahan. Kahit pa kamag-anak mo ‘yan. Pinitik tayo ni Bebang para ipaalam na posibleng mangyari ang mga ganoong bagay.
At sa katapangang ipinakita ng manunulat sa kanyang mga sanaysay, sumasalalim lamang iyon kung gaano siya kalakas. Hinulma na siya ng mga pangyayari, ng hirap at karanasan, kaya tiyak kong ano pa man ang pagdaanan niya sa hinaharap, kagaya ng mga sanaysay niya, tatawanan lang din niya iyon. At sasabihin niyang “kayang-kaya.”
Maikling talambuhay ang It’s a Mens World na isinulat ng kakaiba ni Bebang Siy.
Ang It’s a Mens World ay inilathala ng Anvil Publishing.
Ito po ay nirepost nang may pahintulot ni Che Sarigumba mula sa http://gurlispinays.wordpress.com/2011/11/10/tapang-sa-mga-pahina-ng-it%E2%80%99s-a-mens-world-alaala-ng-nakaraan-nating-lahat/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment