Monday, November 21, 2011

YA pala, ha?

Dear Mam, Thank you po.

Narito po ang aking mga sagot:

Dear Clarissa, Bebang and Samantha,

....

Here are some questions that may be asked during the forum. You may also wish to tackle them in your talk and/or narrate how you developed a certain story that addresses young adult readers.

What sorts of books did you enjoy as a girl?

Noong mga Grade 2 at Grade 3 ako, religious readings. Kasi 'yon ang pinakanaaalala kong binabasa namin sa Catholic kong eskuwelahan. Naalala ko ang mga drowing ng Satan at mga angel. Naalala ko rin ang hitsura ni Mama Mary at ni Jesus. Naalala ko ba ang mga kuwento? Hindi.

Noong Grade 4 ako, nakatira ako sa bahay ng nanay ko sa Paranaque at nag-aaral sa public school, ang binabasa ko ay 'yong mga nakakalat na diyaryo sa bahay namin. Ang mga diyaryo na ito ay pagmamay-ari ng pinsan kong security guard. Abante Tonite. Binabasa ko ang Xerex. Nalilito ako sa mga sinasabi ng author no'n. Hindi ko kasi akalain na bastos pala. Kasi parang tungkol sa armas, bolpen o lapis na matulis, bulaklak at saka kuweba-kuweba. Akala ko pa naman adventure.

Noong Grade 5 pataas, bumalik ako sa bahay ng tatay ko sa Maynila. Tambay ako lagi ng department store na Robinson's. Nandoon ang mga libro kasama ng stocking, lipstick, bag, sapatos at mga barong. Basa ako nang basa ng Sweet Valley Twins kasi 'yon 'yong binabasa ng mga kaklase ko. Nasa private school na ako neto. Tuwang-tuwa ako kasi ang sososyal ng mga tauhan. Saka tungkol lang lagi sa mga crush ang problema nila 'tsaka kung ano ang suot ng mga kaklase nila. Kako, okay 'to. Malimutan ko lang saglit ang mga pinoproblema namin sa bahay, ayos na rin.

What inspired you to begin writing?

'Yong pinakauna talaga? Palagay ko 'yong kapatid kong si Colay. Nabasa ko 'yong diary niya. Siyempre, pag kapatid mo, me diary, babasahin mo. E, ba't ba naimbento ang salitang maldita?

Tapos aasarin ko siya tungkol sa laman ng diary niya. Tapos magsasabunutan kami. Hahawakan ko ang makapal niyang buhok tapos iikutin ko ang kamay ko para 'yong ulo niya sasabay sa twist ng kamay ko. Kung hindi, iiyak siya sa sakit.

Pero nalungkot ako no'ng minsang makabasa ako ng tula niya tungkol sa paghihiwalay ng magulang namin. Siya rin pala, kako, apektadong-apektado. Hindi lang halata. Tapos nalungkot din ako kasi siya, nakakasulat ng tula, ako hindi. Kaya nagsulat na rin ako.

Pero diary entries lang din. Pinapaganda ko nang husto 'yong penmanship ko sa diary ko. Tinamad na tuloy akong magsulat. Antagal kasi matapos ang isang page. Pa-curl-curl pa ang mga letra ko, e. Arte.

Tapos no'n, nakabasa ako ng isang literary folio ng pinsan ko. Na taga-Chiang Kai Shek. Me tula siya do'n. Ang pamagat, Kisapmata. Tapos may pangalan niya. Sabi ko, ayos 'to, a. Ando'n ang pangalan niya. Gusto ko rin magkagan'to.

Mula noon, nagsulat na 'ko. Kaya sa tula rin ako nagsimula. Nagpasa ako sa Batubalani yata 'yon o Saranggola? Basta 'yong supplementary magazine sa eskuwela. 'Intay ako nang 'intay ma-publish. Hindi na-publish.

Could you please share with us some information about your early years and how they have impacted you as an author?

Mababasa po sa librong It's A Mens World ang sagot ko rito. Siguro din malaki din ang pagnanasa kong mabigyan ng tribute ang nanay ko para sa lahat ng paghihirap niya, kaya nagsusulat ako. Karamihan sa mga isinusulat ko ay tungkol sa struggle ng babae. Either naranasan ko or ng nanay ko.

Could you tell us about your own path to publication?

Dahil tuwang-tuwa ako na nakikita ang byline ko, sinisikap ko talagang ma-publish ang mga gawa ko. Ako ang naghahanap ng mga opportunity. Hindi ako naghihintay. Nagbabasa ako ng mga bulletin board, ng mga call for submission, nagtatanong-tanong ako. Makapal kasi mukha ko at malakas ang loob. Ba, kahit gan'to ako, alam ko naman kung ano ang maio-offer ko sa mundo.

Kapalmuks kahit no'ng bata pa 'ko.

Noong Grade 6 ako, sumulat ako ng tula tapos pinasa ko sa campus paper. May na-publish na dalawang tula na may byline ko, Ingles ang tula. Hindi ako ang may gawa. E, wala naman akong kasalanan doon. Hindi ko alam kung natuwa ako o nalungkot. Hanggang ngayon, hindi ko alam. Ang damdamin ko at kung sino 'yong orihinal na writer ng mga tula na 'yon.

Pagtuntong ko ng high school, gusto ko pa ring magsulat at ma-publish. 'Yon talagang work ko na siyempre. Pero hindi umuubra ang galing ko sa Filipino at lalo na sa Ingles. Ka-fu-fluent ng mga kaklase ko, e.

Kaya ang ginawa ko ay puro spoof na lang ng campus paper. Ako ang nagsusulat, nag-e-edit, nagle-lay out at nagpa-publish na rin. Sa halagang P2.00, magkakaroon ka na ng kopya ng spoof na gawa ko. Photo-photocopy lang. Pero 'onti lang ang bumili. Hindi elibs ang mga kaklase ko sa mga ginagawa ko no'n. Puro kasi joke lang ang laman ng spoof, e.

Kung may nakapagtago kahit ng isang kopya ng spoof na ito, bibilhin kong talaga. Sa halagang tatlong piso. Joke. Sa halagang sampu.

Many writers describe themselves as "character" or "plot" writers. Which are you? What do you find to be the hardest part of writing?

Pareho. Minsan, character. Minsan, plot. Ang importante kasi para sa akin, may gamit ang plot sa character at may gamit ang character sa plot. That way, lahat ng detalyeng gagamitin mo sa kuwento o sa akda, may saysay at hindi basta pampuno lang ng pahina.

Hardest part of writing para sa akin ay ang umpisa. Napakatagal kong mag-conceptualize. Pero kapag nariyan na, tuloy-tuloy na 'ko. Kaya naiinis ako kapag nai-interrupt ako sa pagsusulat. Kasi minsan, nawawala 'yong natural na flow ng mga ideya. Madalas akong malipasan ng gutom. Nami-miss ko tuloy ang nanay ko kapag gan'to, kasi kapag nando'n ako sa bahay niya, ipinaghahanda niya 'ko. Sulat, kain, sulat, kain lang ako. Sarap-buhay.

What would you like to say to writers who are reading this interview and wondering if they can keep creating, if they are good enough, if their voices and visions matter enough to share?

Ikaw, writer, kahit sino ka pa, importante ka. Importante ang ideas mo. Importante ang naiisip mo, nararamdaman mo at ang paraan mo ng pagsasalita at pagsusulat. Kaya kung ako sa 'yo, i-master mo ang basics as soon as possible, 'yan, grammar, spelling, structure, tapos sumulat ka ng top ten na pinakagusto mong bagay sa buhay mo. Tapos top ten ng pinakaayaw mong bagay sa buhay mo. Kung mahilig ka sa basketball, sumulat ka tungkol sa basketball. Kung pinaka-hate mo ang pumasok sa eskuwela kapag umuulan, sumulat ka tungkol dito. Kahit pa akala mo maliit na bagay at hindi papansinin 'yan, isulat mo. Sulat lang nang sulat. Ilagay mo ang buong puwersa ng mga red blood cell at white blood cell mo sa isinusulat mo. 100% of yourself kumbaga. This way, makakagawa ka ng superb na akda.

Tingnan natin kung hindi ka mahalin ng unang taong makakabasa sa produkto mo.

Do you have another story on the boiling pot?

Another book po. Collection ng mga problema at advice tungkol sa pag-ibig, relasyon at sexuality. So definitely pang mas matandang audience. Pero love ko ang pagsusulat para sa YA kaya I will be back very soon. With a vengeance.

Yakap at kiss,
Bebang

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...