Ito ay galing sa binubuo naming Primer para sa mga Members ng FILCOLS:
Ano nga ba ang copyright?
Ito ang proteksiyon na ibinibigay ng batas sa mga author ng scientific, literary, at artistic works. Binubuo ito ng moral rights at economic rights.
Ang copyright (at ang lahat ng rights na nakapaloob dito) ay nasa batas natin, nasa
Intellectual Property Code of the Philippines (RA 8293).
Ano ang IP Code?
Ang Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act (RA) 8293 ay ang batas sa Patent, Trademark, at Copyright. Noon pang 1998 ay ipinapatupad na ito. Dahil dito ay nalikha ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), ang pangunahing government agency na nagtataguyod ng sistema ng Intellectual Property sa bansa.
Ano ang mga moral right ng author?
Ayon sa IP Code of the Philippines, Section 193:
-ang author ay may karapatan na ma-attribute sa kanya ang kanyang inakda.
-ang author ay may karapatan na baguhin ang kanyang akda bago ito ma-publish, may karapatan din siyang hindi ipa-publish ang kanyang akda.
-ang author ay may karapatan na tutulan ang anumang pagbabago o mutilation o iba pang modification na may kinalaman sa kanyang akda na maaaring makaapekto sa sarili niyang dangal o reputasyon. Maaari din siyang tumutol sa anumang derogatory action, kung ito ay may kinalaman sa kanyang akda.
-ang author ay may karapatan na tumangging ilagay ang pangalan niya sa anumang akda na hindi naman siya ang gumawa. May karapatan din siyang tumanggi sa paglalagay ng pangalan niya sa isang distorted na bersiyon ng kanyang akda.
Ano ang mga economic right ng author ayon sa IP Code?
Sabi sa Section 177…
1. Karapatan ng author (at ng author lamang) na i-reproduce ang kanyang akda o ang malaki/importanteng bahagi ng kanyang akda.
2. Karapatan ng author (at ng author lamang) na i-transform ang kanyang akda sa iba pang anyo. Halimbawa ay ang dramatization, pagsasalin, adaptation, abridgment, at iba pa ng kanyang akda.
3. Karapatan ng author ang unang public distribution ng orihinal (kung ito ay mga painting at sculpture) at bawat kopya ng akda (halimbawa ay mga aklat) sa pamamagitan ng pagbebenta nito o iba pang anyo ng pagta-transfer of ownership.
4. Karapatan ng author ang pagpaparenta ng orihinal o kopya ng pelikula, musika, o software.
5. Author lang ang may karapatan sa public display ng orihinal o kopya ng akda.
6. Author lang ang may karapatan sa public performance ng akda.
7. Author lang ang may karapatan sa anumang uri o paraan ng komunikasyon ng kanyang akda sa publiko.
Ano ang reproduction right?
Ang reproduction right ay ang exclusive right ng authors ng mga literary, scientific, and artistic work para magbigay ng awtorisasyon sa publishers o iba pang entity na gumawa ng mga kopya ng kanilang mga article, libro, drawing, retrato, at iba pang akda.
Ang reproduction right ay isang exclusive right, ibig sabihin, ito ay private right ng author. TANGING ANG AUTHOR lang ang may kapangyarihan na magbigay ng authorization sa kahit na sinong tao o entity para gumawa ng mga kopya ng kanyang mga akda.
Ang right na ito ay nakasaad sa IP Code of the Philippines.
Kung lahat ng ito ay exclusive rights ng author at ng author lamang, paano na ang iba pang tao na gustong gumamit o di kaya mag-transform ng akda ng author?
Kailangan nilang magpaalam sa author. Kapag ang author pa rin ang copyright owner, siya pa rin ang magbibigay ng permit. Ngunit kung in-assign na niya sa iba ang ilang karapatang iyan o ang lahat ng karapatang iyan, doon na hihingi ng permiso, hindi na sa author.
Kung walang permiso ang paggamit, ilegal ito, maliban na lamang sa iilang exception na naaayon sa batas.
Puwede bang imbes na tao ay organisasyon ang piliin ng author para pagkalooban niya ng awtorisasyon?
Puwede naman. Sabi sa IP Code, Section 183: Ang mga copyright owner o ang kanilang mga tagapagmana ay maaaring mag-designate ng isang society (o organisasyon sa karaniwang pananalita) ng mga artist, writer, o composer para ipaglaban ang kanilang economic at moral rights.
Ano ang collective management at ano ang connection niyan sa aming mga manunulat?
Ang collective management ay ang kolektibong pagma-manage ng mga copyrighted na akda. Masyado kasing marami ang users ng mga copyrighted na akda. Milyon-milyon. Masyado ring marami ang authors. Kung iisa-isahin ng mga user ang mga author para makahingi sila ng permiso sa pagpo-photocopy ng lahat ng kanilang akda, ubos ang panahon nila, ubos pa ang resources nila. Kung iisa-isahin naman ng mga author ang paghahabol sa lahat ng nagpo-photocopy ng kanilang mga akda sa ilegal na paraan, ubos ang panahon nila, ubos pa ang resources nila. Hindi sila makaka-concentrate sa pagsusulat at paglikha ng mga panibagong akda.
Dahil sa collective management ng copyright, nagkakaroon ng solusyon ang problemang laganap at massive na pagpo-photocopy ng mga copyrighted na akda.
Subok na ito sa buong mundo.
Ang mga organisasyon na ito na collective management ang pokus ay tinatawag na collective management organizations o CMOs.
Sana makatulong ito.
Friday, December 2, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
3 comments:
salamat po sir/maam, it helps a lot....
hello alastor698, walang anuman po. bisita ka uli dito ha? baka makatulong din ang blog na ito sa iyo sa iba pang bagay.
Post a Comment