Wednesday, October 12, 2011

happy-sad, happy-sad, happy-sad

noong unang panahon, naniniwala ako na kapag masayang-masaya ka ngayon, mamya, malungkot na malungkot ka na. pag tawa ka nang tawa, asahan mong iiyak ka pagkaraan.

matagal na akong hindi naniniwala diyan.

nalimutan ko na nga na naniwala pala ako diyan once upon a time.

kahapon, nangyari uli sa akin.

ang saya-saya ko. kasi nakatapos ako ng trabaho at akda. at bihira 'yon, a. matagal kasi bago ako makasulat. kailangan munang may pagkalupit-lupit na deadline bago ako makatapos ng trabaho. at akda.

e, di lunoy na lunoy ako sa tuwa. nakatapos , e. yahoo. yahoo.

tapos kahapon din, nabalitaan ko, out of nowhere, na ang isang bagay na sobrang gusto ko noong-noong-noon pa, more than ten years old nang pangarap, ay hindi na pala puwedeng mapasaakin magpakailanman forever and ever magpasawalanghanggan.amen.

end. period. kaboom-bookzhdash-chuk-chuk-tongks.

naglaho ang happiness sa puso ko. hanggang ngayon, nangingilo pa ako sa lungkot.

hindi talaga puwedeng lagi kang masaya. 'yan ang isang palatandaan ng pagiging mortal.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...