Noong 31 Oktubre 2011, alas-nuwebe ng umaga, ginanap ang isang Halloween Storytelling sa may amin. Sa may Kamias, Quezon City. Sa Joaquin Residence to be exact, 133 K-8th Street.
Dalawampu't apat na bata at mangilan-ngilang isip-bata (or matatanda for short) mula sa Kasing-kasing St., Kamias ang nakinabang dito.
Siyempre pa, dahil pakulo ito ng DDP, ako ang nagpakilala sa lahat ng naging tagapagtaguyod. Una, ang Dagdag-Dunong Project na siyang nagsilbing coordinator para sa proyektong ito, ang Isang Bata, Inc. na pinangungunahan ni Ime Morales na nagbigay ng mga laruan para sa lahat ng batang lumahok, ang Balangay Productions na nag-sponsor ng documentation at mga sertipiko at si Kagawad Dennis Joaquin na siyang nagpameryenda at nag-provide din ng venue.
Pagkatapos ipakilala ang mga tagapagtaguyod, ipinakilala ko naman ang unang storyteller, si Bb. Ahliya Alanna Miranda. Si Ate AA ay second year student ng Philippine Science High School Diliman Campus.
Nagpalaro muna siya. Pina-line up niya ang ilang bata sa harap pagkatapos ay nagpakontes siya ng "pinaka-nakakatakot na itsura o dating." Audience siyempre ang hahatol. Pare-parehong nag-akting na leon at tigre ang mga contestant habang nauutot na sa katatawa ang mga nanay nila.
Tatlo ang nanalo! Nag-uwi sila ng school supplies mula kay Ate AA.
Pagkatapos ay kinuwento na ni Ate AA ang Bruhahahahaha Bruhihihihi ni Ompong Remigio.
Ang sumunod naman na nagkuwento ay si Bb. Angelika Joyce Escobar. Si Ate Angelika ay katulad ni Ate AA. Second year student din ng Pisay. Ang ikinuwento naman niya ay ang Itim na Kuting ni Natasha Viscarra.
Pinagmiyaw naman niya ang mga batang nag-volunteer na maging contestant. Tatlo din ang nanalo. School supplies again from Ate Angelika naman.
Pagkatapos magkuwento ni Ate Angelika, nagpalaro pa kami. Charades. Noong una ay bata ang umaakting. Pero dahil pare-pareho ang konsepto (at akting) ng mga bata sa sari-saring Pinoy scary creatures, minabuti kong ibigay na lang ang trabahong pag-akting kina EJ, Ate Angelika at Ate AA.
Kaya mabilis pero masaya namang natapos ang laro.
Hinati sa dalawang grupo ang mga bata at ang grupong nanalo ay ang siyang unang makakapili ng sarili nilang laruan (mula sa Isang Bata, Inc.)
Pagkatapos ng mga laro ay nagsalita na si Kagawad Dennis Joaquin. Ginawaran din namin siya ng sertipiko ng pagpapahalaga. Gayundin ang dalawang storyteller na kuntodo pa sa costume parang kagagaling lang sa pelikulang Harry Potter.
Pinasalamatan din si Sean Elijah Siy sa kanyang pagtulong sa Halloween Storytelling. Siya ang nag-pick up ng mga laruan mula sa bahay ni Ime sa Delta, QC at siya rin ang nag-sort ng mga laruan. Tumulong din siya sa documentation ng event.
Pinasalamatan din si Ate Jane ng Brgy. East Kamias dahil sa paghahanda ng mauupuan ng mga kalahok at sa pakikipag-coordinate kay Kagawad.
Pinasalamatan din si Ronald Verzo ng Balangay para sa disenyo at pagpi-print ng sertipiko at pagkuha ng ilang mga retrato.
Nagtapos ang lahat habang kumakain ng meryenda.
Marami pong salamat at patuloy sana ang mga ganitong munting proyekto para sa kabataang Filipino.
Pauso pa rin ng Dagdag-Dunong Project.
Mga bata sa Halloween Storytelling:
Jonard Pineda
Angelika P. Cruz
Denmark P. Cruz
Ram Joshua Cruz
Denver P. Cruz
Oliver Flores
John Rey Ulip
Yshey Ulip
Mark Ulip
Kryzel Ulip
Jeremiane Ulip
Jumaine Jan Ulip
Dylan Jan Ulip
Christopher Angelo Flores
Cyver Nicole Flores
Cyril Aaron Flores
Jersee Mae Siping
Karl Graza
Arnie Graza
Kate Graza
Christian James Siping
Luis Justine Paz
Aldwin Graza
Jaden Miranda
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment