Alamin kung paanong pumunta sa pupuntahan.
Dati, parang nawiwirdohan ako sa boss ko kapag inaaral niyang maigi at nire-research ang pupuntahan namin. May idea ako kung saan kami pupunta pero ayaw niya ng ganon. Ayaw niya ng vague. Gusto niyang makita kung ano ang mga katabing kalye, saan ang entrance ng building at iba pa.
Weird-weird, di ba?
Pero na-realize ko, tama siya. Praktikal lang. Kapag mag-isa lang ako at hindi ko alam ang pupuntahan ko, kumbaga vague knowledge lang din, nauubos ang pamasahe ko sa kakasakay sa mga maling sasakyan.
Noong nag-exam si EJ sa Pisay, ang inilagay ko ay ang address ng nanay ko sa Las Pinas. Kaya naman, ang venue ng exam niya ay hindi sa Pisay QC kundi sa Paranaque Science High School. Ang nakalagay na address sa exam permit ni EJ ay Paranaque National High School, San Dionisio, Paranaque.
Sabi ko, alam ko na 'to. Ito malamang 'yong school sa tabi ng St. Andrew's at katapat ng St. Paul Paranaque.
Lumarga kami mga 6:00 ng umaga.
Siyempre, naligaw kami. Antanga ba naman ng magulang?
Ipinilit ko sa jeepney driver na 'yong alam ko ang tama. Kahit na sabi niya, ito daw 'yong nasa Olivarez. Along Sucat Road. Kako, hindi naman San Dionisio ang area na 'yon. Ang San Dionisio, e itong nasa La Huerta.
Pagdating namin sa Paranaque High School na nasa La Huerta nga, ang sabi ng napagtanungan namin, Annex lang 'yon. At saka, anya, hindi lang daw kami ang nagkamali. Marami na raw ang nanggaling doon earlier.
Pinasakay uli kami ng dyip papunta doon sa tamang location. Tatlo pa naman kami. Ako, EJ at Poy. Sayang sa pamasahe talaga.
At nakaka-tense, in fairness. Ako na hindi naman mag-e-exam, e tensiyonado, si EJ pa kaya?
Wawa.
Kaya, alamin ang pupuntahan. 'Wag magdunung-dunungan. 'Wag mag-rely sa vague na alam. Mas sakto, mas okey. Mas mura ang mag-Google Earth (kung sino ka mang nakaimbento niyan, salamunch po.) at walang bayad ang magtanong sa lahat ng puwedeng pagtanungan. Tipid na, convenient pa!
Thursday, November 24, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment