Four Years with Flips Flipping Pages (part 1)
by Orly Agawin
Mantakin n’yo? Apat na taon na pala akong miembro ng Flips Flipping Pages! Dati rati, magisa lang ako kung magbasa. Ngayon, maingay na ang mga pagbabasa. May mga ka-inteact na ako. Hindi na malungkot. Kapag napangitan sa binasa, may madudulugan ng reklamo. Kapag maganda naman, may makakasama sa celebration. Kapag ok-ok lang, meron akong nakakasama sa kapihan.
September 2010 noong una akong naimbita na at nagka-schedule para um-attend ng book dicussion. Si Peter kasi ang moderator, kaya medyo nabawasan ang dyahe ko. Late pa kong dumating noon dahil sa Saturday dance class ko, kaya nasa labas ako ng big table nina Peter. Pero OK lang naman daw, sabi ni Peter. Observe-observe lang daw muna ako. I don’t need to participate kung ayaw ko. Basta tingnan ko lang daw kung magugustuhan kong sumali. Wala namang bayad. Walang membership fees. “Basta pumunta ka lang,” sabi nya. No strings attached. If you could read the book before the discussion, the better. No pressure.
WOMAN IN BLACK ni Shirley Jackson ang book of the month noon. Hindi ko na naabutan ang introductions ni Peter, pero nakaabot naman ako sa actual discussion.
Siempre, hindi naman porke bago ako, e hindi na ko mag-pa-participate, ano? Nabasa ko naman ung libro (which was the first book I read in e-format). Epal na kung epal. Bakit ba?
Flips Flipping Pages came to me at a time when I needed a new diversion. Noong mga panahon na yun kasi, I got into a depression that lasted for more than a year. Ayoko nang magtrabaho at magbasa at makipagusap at mabuhay. Kung sinusundan ninyo ang mga kwento ko dito, alam nyo ang sinasabi ko.
From then on, nagsimula akong magkaroon ng bagong diversion. Bagong mga kaibigan din. Ok silang lahat. Walang tapon.
Yes, payat pa ako noon. At mataba pa si Peter. Makikilala ako ng mga kapwa ko Flippers na katulad ng bola ang patalbog-talbog kong timbang through the years. At nagbayad ako sa mga panlalait ko sa timbang ni Peter noon.
Eventually, nakapag-volunteer akong mag-moderate ng discussion. Unang librong minoderate ko ay ang unang Anthology ni Bebang Siy. Yes, ang IT’S A MENS WORLD.
Nagpauso pa ako ng T-shirt Project. Pinapili ko ang mga miembro ng pinaka-bet nilang salita o phrase sa koleksyon ng mga kwento ni Bebang. Tapos gumawa kami ni Shani ng T-shirt design. Tapos pina-print namin. Tapos, yung mga shirts na yun ang pwede lang isuot sa mismong discussion. Ang hindi naka-T-shirt, pangit. O walang lovelife. O pagtsi-tsimisang klosetang-bakla, o lipstick-lesbian.
Ang pinili kong salita ay, Nyemas (para sa puñeta). Glitter-glitteran ang prints ko. Siempre, ako moderator e. Bakit ba? Ginamit ni Bebang ang salitang ito sa isa sa mga kwento nya noong nainis siya sa isang situasyong hindi niya kayang lusutan.
Yung ibang mga Flippers naman, kanya-kanya. May Chicklet (sikat na chewing gum noong 80s), Madugo, Tagos, Regla (usapang coming-of-age kasi ito ng babae, e), Kilig (sa first crush ni Bevs), Award (minsang ginamit ni Peter sa pagtatapos ng kanyang speech bago i-abot ang Reader’s Choice Award kay Bebang para sa IT’S A MENS WORLD), First Crush at marami pa.
At dahil naging malapit sa book club namin si Bebang, napaunlakan niya kami. Pumunta siya sa discussion. Kinabahan ako noong una. Hindi ako sangayon sa pagpunta ng awtor sa mga discussions ng libro nila. Mataas kasi ang pagtingin ko sa prinsipyong Reader’s Response. Mas mataas kaysa sa mismong awtor. Pa’no na magiging malawak ang talakayan kung naroon ang gumawa? E, pa’no kung meron may ayaw ng gawa n’ya? Pa’no kapag kailangan na naming bigyan ng kanya-kanyang ratings ang libro? Hindi man nakakahiya, hindi malabong mag-alangan. Parang nakatungtong ka sa numero. Nababawasan ang academic freedom.
Pero nagulat ako noong sinabi sa akin ni Bebang na gusto n’yang pumunta. Kung OK lang ba? “Hayaan mo, Orly.” Sabi n’ya sa akin noong ininterbyu ko siya ilang araw bago ang discussion. “Doon lang ako sa isang sulok. Promise, hindi ako magsasalita. Makikinig lang ako.”
Aba! Talagang hindi kumibo ni isang beses ang lola n’yo! Nakinig lang siya. ‘Ni hindi siya tumayo o nag-CR. Parang hiyang hiya pa siya. Considering na lahat ng mga nag-attend noon ay natuwa at naaliw sa libro n’ya. Mas tumaas ang respeto ko kay Bevs noon. Totoong nasusukat ang halaga ng gawa, hindi dahil sa kung sino ang nagsulat, kundi dahil sa kung papano ito tinatanggap ng mga mambabasa.
Tapos may mga actual readings kami. I randomly picked ten members to do interpretative readings of their most favorite stories from the book. Excerpts lang naman. Doon ko napatunayan kung gaanong ka-competitive ng mga Flippers. It actually became the highlight of the discussion.
Matapos ang discussion, binigyan siya ni Mother Flipper Gege ng boquet at ilang mga items na binanggit niya sa libro.
Hindi ko na ma-remember kung bakit sobra ang hagikhik ni Bebang dito. Lagi naman siyang ganun e.
Sa unti-unting pagkilala ko kay Bebang, nalaman kong pareho pala ang High School alma mater namin. Dalawang taon lang ang pagitan namin, kaya nagka-abot kami noon sa PCU-UHSM. Pero hindi ko siya nakilala noon. Siguro dahil matangkad ako at maliit siya. Maitim ako at maputi siya. Sa lowest section ako, at sa Cream Section siya. Pero naging favorite adviser niya ang favorite literature teacher ko noong High School, si Ma’am Espie. When we learned about it, mas naging matatag ang pagkakaibigan namin.
At dahil malawak na ang naabot ng technology natin ngayon, the least we can do is let her know how she has changed us wonderfully. Bebang, into an award-winning author, and me into an active reader.
Bebang Siy’s IT’S A MENS WORLD is an anthology of stories written by a Filipina-Chinese author that tackles the issues of growing up, falling in love, and finding one’s identity in a family and a society torn between judging and embracing womanhood. It won the READER’S CHOICE AWARD in 2012. Ngayon, marami nang mga lumabas ng libro si Bebang, ITS RAINING MENS, MARNE MARINO, at NUNO SA PUSO parts 1 and 2, but if you want to get a feel of how Bebang writes about her struggles and how she fights for her own identity, magandang simulan ang inyong Bebang (s)experience sa librong ito.
Siempre, may group photo kaming lahat with the author after the event.
Una pa lang yan. May sumunod pa akong discussion na ako rin ang nag-moderate. Abangan bukas.
Masyado na itong mahaba! To be continued.
P.S. Thank you, Rhett for the wonderful photos. Hanggang ngayon nakikita pa rin namin the fun that we had. I love you! Nanay and I are continually praying for you and your mom!
Ni-repost nang may permiso mula kay G. Agawin. Narito ang orihinal na link:
www.jellicleblog.com/4-years-with-flippers-part-1/
Daghang salamat lagi, Orly, kapatid. Aaat... kailan ang labas ng RTW project?!
Wednesday, December 31, 2014
Monday, December 29, 2014
Mula sa mambabasa at journalist na si Jord Earving Gadingan
Nabasa Ko Yung Nuno sa Puso
ni Jord Earving Gadingan
Mahal kong mga mambabasa (kung meron man):
Nabasa ko yung Nuno sa Puso. Kambal na aklat ni Bebang Siy mula sa mga advice columns niya sa Responde Cavite. Tungkol ito sa mga problema sa pag-ibig, relasyon, at praktikal na buhay. Dalawa ito (kambal nga e), isang kahel at isang asul ang pabalat. Kung personal mo 'kong kilala, malamang ito sabihin mo: "Si Dyord? Dapat binabasa n'yan hindi "Nuno sa Puso" kundi "Nuno sa Pusong Bato". Say what you want pero binasa ko talaga ito.
"Gawin mong light", ang gaan ng pabalat ng aklat na guhit ni Sean (anak ni Bebang) at cover design ni Poy (asawa ni Bebang). Gaya ng dapat pagsalubong at pagtingin natin sa mga problema sa buhay, kailangan magaan at may kulit.
Hindi ako mahilig sa mga advice columns dahil mukha namang obvious ang sagot sa mga problema noong senders. Hindi ko nga alam kung totoo ba yung mga letter senders. Pero mahalaga ang ganitong babasahin, sa dahilang: Una, kung totoong nag-eexist yung sender, nagkakaroon siya ng avenue para ilabas ang kanyang mga kabigatan sa life lalo na kung wala siyang mapag-kwentuhan. Kapag inipon kasi ito ng inipon, baka sumabog na lang siya one day. Pangalawa, kahit na minsan may desisyon na yung sender sa gagawin niya, nagkakaroon siya ng oras magtimbang-timbang at mag-consider ng mga mas mainam na sagot sa problema niya. Pangatlo, nagkakaroon ng pagsilip ang mga mambabasa sa buhay ng mga tao sa paligid niya at makikita niyang hindi pala isolated case ang problema niya dahil nararanasan din ito ng ibang tao. Kung ang problemang isinasangguni ay hindi pa nararanasan ng mambabasa, magkakaroon siya ng clue kung paano idi-deal ang mga ganitong problema sa hinaharap.
Maganda ang iba't-ibang pag-atake ni Bebang sa mga problema. Hindi siya preachy mag-payo. Bibigyan ka niya ng options na pwede mong subukan. Para ka lang nakikipag-usap sa tropapeeps mo. Ipapakita niya rin sa'yo na hindi siya palaging tama at nasa sa'yo ang huling halakhak kung tama ang desisyon mo.
Isa sa mga paborito ko sa mga isinangguni sa kanya ay 'yung tungkol sa two-timer. Rak na rak ako 'ron katatawa. Napaka-kwela rin ng kanyang mga closing (Ito talaga yung inaabangan ko sa bawat column). Ito ang ilan sa mga paborito ko: Nakalipstick ng itim, Empowering the Prince Charming, Ngumingiti kahit tag-ulan, at Patukso-tukso na lang.
Ang bonus pa rito ay matututo ka ng mga lugar sa Cavite kaya basahin mo na rin!
Ang blogger na walang reader,
Dyord
Ni-repost ito nang may permiso mula kay G. Gadingan. Narito ang orihinal na link:
http://tsa-tsub.blogspot.com/2014/12/nabasa-ko-yung-nuno-sa-puso.html
Daghang salamat, Jord. Kailan uli tayo pupunta sa SLSU?!

Saturday, November 29, 2014
Mula sa mambabasa at manunulat na si Ronald Lim
Book review: Bebang Siy’s “It’s Raining Mens”
by Ronald Lim
Three years ago, Bebang Siy blew the doors wide open and let the public take a glimpse into her life with her collection of essays, It’s A Mens World. At turns funny, poignant, and nostalgic of a Manila now slowly disappearing and changing into something else entirely, It’s A Mens World quickly developed a following and even snagged awards and nominations along the way.
Now Siy returns with It’s Raining Mens (I feel like there should be a Hallelujah in there somewhere), a collection of her work that now extends beyond the personal essay. Sprinkled throughout the book are short stories, movie treatments, a radio play, and emails and letter between Bebang and her best friend, Alvin. Will readers end up being spoiled for choice with this new collection, or would they rather seek shelter from this unusual downpour?
It mostly hinges on how much you liked this book’s predecessor. While both books still tackle the travails of the Filipino woman, the two look at it from very different angles. It’s A Mens World was Bebang looking at her life and flashing bits of it at her readers, It’s Raining Mens has Bebang looking out instead; she’s no longer talking about the Filipino Everywoman, now she’s talking about every woman.
When it’s good, it’s really good. The short story Birhen, about the relationship that blossoms between a karaoke bar’s guest relations officer – basically an escort – and one of her clients, is a great read, filled with sharp, pointed jabs at the male ego. It reads like Colette’s Green Wheat, with the woman holding the sexual power and wielding it however she wishes. It’s not a funny story, but it is fascinating. The short story Rabbit Love is also a great read, and very much in the vein of the personal essays of Siy’s previous book. The other works of fiction in the book, on the other hand, achieve varying measures of success.
This outward look also works in varying ways for the personal essays in It’s Raining Mens. Horror is a short and sharp jab aimed squarely at the public school system, and one that mothers may find themselves nodding their heads to. Sizzling Sisid is for anyone who’s ever thought about where our taxes go, and Thing To Do might as well be a template for single mothers looking for a way to introduce a new love to their children.
But the real treat is looking at these essays as a whole. Put together, it charts a journey of personal growth for Bebang, one that follows her from single motherhood to the discovery of a new love. It’s a narrative that was missing from It’s A Mens World, and one that makes It’s Raining Mens all the richer. It’s a really intimate view into Bebang’s life, and readers are lucky enough to be privy to it.
All in all, It’s Raining Mens is a worthy follow-up to It’s A Mens World. It may not have the mass appeal that the first book had, but it’s equally as rewarding. Go ahead and get yourself wet.
Ni-repost dito nang may permiso mula kay G. Lim. Narito ang orihinal na link:
http://ronreads.com/bookreview/book-review-bebang-siys-its-raining-mens/
Malaking-malaki po ang utang na loob ko sa 'yo, Ronald, alam mo 'yan! Isa ka sa mga unang nagbigay ng pagkakataon sa It's A Mens World. Maraming salamat. Wala ang sequel kung hindi dahil sa iyong napakainit na pagsuporta.
Dios mabalos, kapatid.

Friday, November 7, 2014
Contracts Counseling and Business Matching at the 5th PILF-BIS
The National Book Development Board (NBDB) invites you to attend the 5th Philippine International Literary Festival and Book Industry Summit (PILF-BIS) on November 12, 13, & 14 at the Bayanihan Center, Pasig.
A number of sessions during the PILF-BIS are designed to address the needs of our individual stakeholders, specifically:
- Contracts Counseling on November 13, 1:00 to 3:00 PM; and
- Business Matching with literary agents, publishers, booksellers, and cross-media firms on November 13, 4:30 to 6:00.
If you've ever wondered how to protect your rights in a contract or thought about how to expand your network, these sessions are for you. This is your chance to interact with lawyers and other publishing experts who will give you their professional advice.
Limited slots only. Pre-registration is required. NBDB-registered stakeholders can participate for FREE and will be given priority during enlistment. To sign up for these sessions, email Janelle Mae Flores at janellemaeflores@nbdb.gov.ph or pilfbis2014@nbdb.gov.ph.
Mga kaibigang manunulat, napakaimportante nito dahil dito natin malalaman kung patas ang mga kontrata, deal at negosasyon na pinapasok natin. go, go go na. para sa panitikan, para sa bayan.

halloween art workshop for kasing-kasing kids
oct. 31 pa lang, hapon, kinakalampag na ako ng kasing-kasing kids (mga 4) sa pangunguna ni jonard. doorbell sila nang doorbell. sigaw nang sigaw ng happy halloween, trick or treat!
nilabas ko sila. sabi ko, mamya na lang, balik na lang. wala kasi kaming maibibigay sa inyo. walang kaming kahit anong pambatang pagkain sa loob ng bahay. ayaw ko namang magbigay ng pera sa kanila. sa 13 taon ko sa kamias, hindi pa ako nagbibigay ng pera sa mga batang ito. laging goods ang tinatanggap nila mula sa amin.
lulugo-lugong umalis sina jonard at masigla akong bumalik sa aking ginagawa kong translation.
bumalik si jonard pagdating ng 7:00 ng gabi. e hindi pa ako nakakalabas noon para mamili ng kahit stork na candy. humingi uli ako ng sori kay jonard. sabi ko, balik sila bukas. sigurado na. meron na kaming maibibigay sa kanila.
siguro sa tampo ay hindi na nakuhang umoo ni jonard sa akin. tumakbo agad siya palayo. pabalik sa area nila, malapit sa barangay hall. nag-mental note na ako. te, buy goodies for the kiddos. please!
gabi, kinabukasan, may nag-doorbell uli. marami na sila. mga 5. nakow. e wala pa kaming kahit anong maibibigay. sabi ko, hintayin n'yo ako, bibili na ako. ngayon na. nag-bag ako at naglakad papuntang mercury drug sa kanto. pagdating ko sa mercury, wala namang mga kendi. tig-iisa ko pang bibilhin. puro sitsirya lang din at kakaunti lang ang mga biskuwit. naisip ko, sa anson na lang bumili, sa may aurora. nagdyip ako at bumaba sa tapat ng anson. pero habang nasa biyahe, naisip kong 'wag lang basta mamigay ng goodies sa kiddos. kailangang paghirapan nila ang mga ito. kaya naisip kong magpa-instant art workshop for undas sa kanila. may isa kaming kahon ng art materials, kasado na 'yon. kahit ilan pa sila, kasado na ang kahon namin ng art materials.
so maraming marami akong biniling pagkain sa anson. kasi maraming choices doon. meron pang toothbrush for kids! so bumili rin ako niyon para naman pagkatapos masira ang ngipin ng mga bata, makakapagsepilyo pa rin sila :)
pag-uwi ko, mga 15 minutes later, naroon pa rin sa tapat ng gate namin ang mga bata. ang kalat-kalat na dahil doon nila kinain at binalatan ang ilang natanggap na pagkain at inumin mula sa pagti-trick or treat maghapon. sinabi ko sa mga bata ang plano, tinanong ko rin sila kung may mesa sa brgy hall na puwede naming pagdausan ng art workshop. meron daw. kako puwede kaya tayo doon ngayon? puwede raw. sabi ko, sige mauna na kayo doon at magtawag pa kayo ng ibang bata. lumarga ang isa, naiwan ang apat. good. kelangan ko ng tagabuhat ng art box.
pagka-doorbell ko, lumabas agad si poy at ibinalita ko sa kanya ang pinaka-latest development sa aming all saints night. sabi niya, ha? e andami pa nating gagawin! wag na, bigay na lang natin ang mga pagkain. hindi ako sumagot. pagkatapos naming magtitigan sa harap ng mga bata, bumigay din siya. sige na nga. pero dito na lang sa bahay. ay, yon ang ayoko. kasi kailangan ko pang walisin ang sahig dahil doon magtatrabaho ang mga bata kung sakali. at feeling ko, baka lalong magtagal ang mga ito kung nasa bahay kami. no choice si poy. ibinaba niya ang art box at pinabuhat ko ito sa mga naiwan na bata.
tuloy-tuloy kami sa barangay hall. isang tanod lang ang nandoon at siyang nanonood sa sangkatutak na feed ng sangkatutak na cctv ng buong east kamias. aba meron na pala kaming cctv. ang galing. unfortunately kasi, kahit isang kandirit lang ay presinto na, marami pa ring krimen ang nagaganap sa mga kalye namin. walang takot sa pulis ang mga kriminal. maraming nananakawan doon, nababasagan ng side view mirror, meron ding natutukan na ng baril. so magandang development itong mga cctv.
anyway, pagdating doon, nag-set up na kami. hindi masyadong nagtanong ang tanod kasi doon lang kami sa labas ng brgy. hall. binigyan ko ng tig-iisang papel ang mga bata. sabi ko, mag isip kayo ng mahal n'yo sa buhay na namatay na. iyong mahal n'yo na namatay na. tapos i-drowing n'yo sila sa isang papel.
binuksan ko ang isang lalagyan ng biskuwit na ang laman ay puro krayola, color pencil, lapis, chalk at iba pang uri ng pangkulay. kanya-kanya sila ng gawa. ako, nagpaka-busy sa paggawa ng sertipiko na nagsasabing "Iginagawad ng Kasing-kasing Kids at ni Ate Bebang ang Sertipiko ng Kahusayan kay __________ sa pagpapamalas ng husay sa paggawa ng card ngayong Undas 2014, 1 Nobyembre 2014 sa Brgy. East Kamias, Kamias, Quezon City. Nilagdaan ni Beverly W. Siy -Guro. Naging abala rin ako sa paggawa ng medal-medalan na yari lang naman sa papel. Tinatakan ko ito ng salitang artist sa harap. Ibibigay ang sertipiko at ang medalya sa makakagawa ng pinakamagandang card sa lahat. Bukod pa sa meron siyang ekstrang matatanggap na mga pagkain.
Ilang saglit pa ay tapos na ang dalawa sa kanila. Si Angelika, ang ginawa ay tatlong stick figure, isang babae at dalawang lalaki. Nilagyan niya ng pangalan ang bawat stick figure. Tatay daw niya iyon, lolo at lola. Aba, three in one card! Iyong isang bata naman, ang iginuhit ay isang kabaong na may stick figure sa loob. Lolo raw niya ang nandoon. Oo nga naman, patay, e kaya nasa kabaong. Maryosep! Suggestion ko, kung kabaong iyan, dapat may bulaklak. Lagyan mo ng bulaklak! Tumungo uli ang bata para gumuhit.
Biglang may dumating na batang lalaki. Si Daniel. 9 na si Daniel pero hindi pa siya marunong magsulat at magbasa. pabalik-balik daw ito sa grade 1. kilala ko si Daniel. Kapag may activities kami para sa kasing-kasing kids, lagi siyang kasama at wala na siyang ginawa kundi uratin ang ibang bata at manghablot ng mga hindi kanya. pero that night, behave si daniel, kasi iilan lang sila, anim. nahalina rin siya ng isang bag ng goodies na ipapamahagi ko pagkatapos. binigyan ko siya ng papel at inutusang gumawa.
maya-maya pa, may dumating na babae. nanay siya ng dalawang batang lalaki na nag-i-struggle na matapos ang kani kanilang mga card. pinapauwi na niya ang dalawa. gabi na raw. umungot ang dalawa. saglit na lang daw, matatapos na sila. iniwan na sila ng babae.
Finally, natapos na ang mga card ng naunang dalawa. sabi ko, o sige, isulat nyo ang pangalan ng tao na yan doon sa isa pang papel. pababa nyong isulat ang letters ng pangalan niya, ha. iyong batang lalaki, ronald ang inilagay. si angelika, edward. iyon daw ang pangalan ng tatay niya. tapos sabi ko, bawat letra ng pangalan niya, tumbasan nyo ng mga bagay na paborito niya. halimbawa, paborito nyang gawin, paborito nyang pagkain, damit, pasyalan at iba pa.
sabi ng batang lalaki, L, laging nag-uutos. ayan, tama, kako, lagay mo, dali-dali.
Si angelika naman, inilagay ang pangalan sa A ng Edward. sabi ko, bakit? paborito po niya akong anak, e. oo nga naman. puwede iyon.
nakalimutan ko na ang iba pa nilang inilagay. pero ang isang naalala ko ay ang D ng Ronald. Daraiver daw, sabi ng batang lalaki. dahil noon daw, nagda-drive ng taxi ang kanyang lolo.
maya-maya pa ay iniwan na ng dalawang batang lalaki ang kanilang mga gawa at umuwi. natapos na rin sina jonard at daniel sa kanilang drowing. pare-pareho ang mga ito, stick figure na nasa loob ng kabaong. ang kay jonard ang may pinakamaraming bulaklak. para ngang gawa sa bulaklak ang buong kabaong. kay daniel naman, napakaliwanag ng mga ilaw na nakapaligid sa kabaong na idinrowing niya. edwardo ang isinulat ni jonard sa isang bagong papel. magkapatid pala sila ni angelika. ang E ng edwardo ay tinumbasan ni jonard ng Enlab kay Mama. wagi ang undas namin! si daniel naman, tinuruan naming isulat ang boyet sa isa pang papel. at ang una niyang tinumbasan ay ang letrang b. sabi niya, baboy. kasi mahilig daw sa baboy ang lolo niya. sabi ko, idugtong mo sa salitang baboy ang salitang pagkain. Dahil kapag iniwan iyon bilang baboy lang, parang hindi ka naman nagbibigay-respeto sa patay! kabaliktaran pa nga. at ginawa naman ito ni daniel. (ang tanging letter na kabisadong isulat at basahin ni daniel ay O).
ilang minuto pa ang lumipas, natapos na ang lahat. ilang tanod na ang dumating at umalis. inilatag ko ang mga gawa ng bata. pagkatapos ay tinawag ko ang isa sa mga tanod na noo'y nasa loob ng brgy. hall para magsilbing judge sa gawa ng mga bata. tingin-tingin siya. up down, up down. left right, left right. nakatitig lang ang mga bata sa gawa nila.
sabi ko, sir, so ano po ang maganda para sa inyo?
ito, sabay turo niya sa gawa ni angelika.
hurray! napapalakpak ako. kinuha ko ang isang krayola at idinagdag ko ang pangalan ng tanod sa sertipiko. it was something like rafaelo cleofilo. tapos inilagay ko sa ilalim ng pangalan niya ang salitang judge. sa may pintuan ng brgy. hall, sa may liwanag, tinawag ko si angelika para gawaran ng sertipiko at medalya. siyempre, kapiling namin sa "stage" si manong tanod at kinamayan naming dalawa si angelika.
pagkatapos niyon ay pinakuha ko na uli sa kanila ang mga gawa nila. sabi ko, ilagay ninyo sa altar ninyo para matuwa ang mga kaluluwa. si jonard, nangakong ibibigay ang gawa ng dalawang naunang umuwi.
eto na ang pinakaaabangang part ng instant halloween party slash halloween art workshop! bigayang na mga kendi at pagkain! isa isa kong binuksan ang bawat supot ng kendi at pagkain at hinati ko in equal parts (pati ang mga umalis ay ibinilang) plus 1 (for the winner, bale, 2 round ng candies at pagkain ang napunta kay angelika) ang lahat. ang sobra, ibinigay namin sa mga brgy. tanod. tuwang tuwa rin ang mga bata sa toothbrush!
bago tuluyang umalis sina jonard at angelika, sabi nila, ate babalik kami, tutulungan ka naming magbuhat ng art box papunta sa bahay ninyo. pagkaraan lang ng dalawang minuto, andiyan na nga uli sila. pero hindi na sila pinagbuhat ng mga tanod. isinakay ako sa parang tricycle na walang bubong. sila rin ang nagbuhat ng art box namin. nagpaalam na ako kina jonard at angelika. si daniel at iyong isang bata ay nauna nang umuwi pagkatapos ng hatian.
pagdating ko sa bahay, hindi pa rin ako iniimik ni poy. bilang ganti, sabi ko sa kanya, puwes, sa pasko, maghanda ka. may pa-christmas workshop tayo dito para sa mga bata.

Draft #5 ng Ang Kuwento ni Aldo, isang comics script tungkol sa climate change adaptation ng mga magsasaka
Draft #5
Comics script para sa Story #2
Manunulat: Beverly Siy, may suggestions mula kay Mam Normin Naluz
7 Nobyembre 2014, Kamias, QC
Topic: Ang pag-adapt ng mga magsasaka sa climate change
Title: Ang Kuwento ni Aldo
Setting: Contemporary times, rural at siyudad, isang season ng pagsasaka
Mga Tauhan:
1. Aldo, 40’s, magbubukid na magiging lider sa training para sa magbubukid
2. Amihan, 30’s, kasintahan ni Aldo, simple lang ang beauty, tauhan sa isang eatery sa Kutitap City
3. Maya, 30’s, farmer trainor, maganda
4. Ber, 40’s, kaibigang magbubukid ni Aldo
5. Ahente, 50’s, kakilala ni Aldo, ahente ng bahay at lupa, realty
6. Mga magbubukid, babae at lalaki
FRAME 1: Isang hapon, sa labas ng isang dampa, nakaupo sa isang maikling bench si Aldo, may kausap siya sa cellphone. Nakatanaw si Aldo sa malayo, nakakunot ang kanyang noo. Nakataas ang isang paa niya.
Ang kausap niya ay ang kasintahan na si Amihan. Nasa Kutitap City si Amihan, nagtatrabaho bilang tagaluto sa isang kainan.
CAPTION: Pinipilit na naman siya ni Amihan.
AMIHAN (off-frame): Dito ka na lang kasi magtrabaho, Aldo. Kailangan pa nila ng tao dito sa eatery. Okey ang sahod, makakaraos.
FRAME 2: Gabi na. Tapos na silang mag-usap sa telepono. Nasa loob na ng kanyang dampa si Aldo. Nakahiga siya sa banig sa isang sulok ng dampa. Mulat na mulat pa siya.
CAPTION: Pag sumunod si Aldo sa girlfriend, wala nang mag-aalaga ng kanyang bahay.
ALDO (Thought balloon): Pero tumatanda na kami. Gusto ko na ring mag-asawa.
FRAME 3: Umaga, mga alas-diyes. Nasa labas ng kanyang dampa si Aldo kausap ang ahente ng mga bahay at lupa.
May dalang bag at folder ang ahente. Halatang salesman sa itsura pa lang. Nakatingin ang ahente sa dampa ni Aldo, parang sinisipat.
CAPTION: Naisip ni Aldon na kausapin ang kilalang ahente sa kanilang lugar.
AHENTE: Oo, puwede nang ibenta! Pag napaayos, tataas pa ang presyo n’yan, malapit kasi sa highway.
FRAME 4: Same day, nakaalis na ang ahente. Nanatili si Aldo sa tapat ng kanyang dampa. Nakatanaw pa rin sa malayo.
ALDO (thought balloon): Sana maganda ang ani para mapaayos ko ‘to. Sapat na siguro ang mapagbebentahan ng bahay para makapag-umpisa kami ni Amihan.
FRAME 5; Flashback (puwedeng black and white ang frame na ito). Ang buong frame ay mas mahaba sa karaniwan. Hatiin sa tatlong makikitid na parihaba ang buong frame.
CAPTION: Ngunit maaalala ni Aldo ang…
Parihaba 1: Puno ng niyog na sinasabunutan ng napakalakas na hangin. Simbolo ito ng bukid na binabayo ng bagyo.
Parihaba 2: Bukirin na lubog sa baha.
Parihaba 3: Isang usbong ng palay na nakatanim sa lupa na sobrang tuyot at nagka-crack na.
FRAME 6: Close up ng mga kamay ni Aldo. Ipakita kung gaano na ito katagtag sa pagbubukid.
ALDO (thought balloon at off-frame): Sakaling pangit ang ani, ibebenta ko na ang bahay kahit di pa ito naaayos. Susunod na ‘ko kay Amihan.
FRAME 7: Umaga. Sa bukid, nagkakaingin si Aldo.
CAPTION: Di na nagpatumpik-tumpik si Aldo. Hinarap na niya ang bukid.
FRAME 8: Same scene sa Frame 7. Darating si Ber, isang kaibigan ni Aldo na magbubukid din. Ipakitang puno ng pagtataka ang mukha ni Aldo habang kausap si Ber.
CAPTION: Napadaan si Ber, kaibigan ni Aldo na isa ring magbubukid.
ALDO: Bakit? Anong problema?
BER: Masama na ang magkaingin, di mo ba alam?
FRAME 9: Close up ng isang tanim na wala nang bunga.
BER (off frame): Para lumaki ang pananim, kukuha ito ng mga sustansiya sa lupa. Pag nagsunog ka, ang tanim ay bumabalik sa lupa bilang abo. E, walang sustansiya ang abo.
ALDO (off frame): Napuputol nga ang pag-ikot ng sustansiya!
FRAME 10: Nag-uusap sina Aldo at Ber, same setting ng Frame 7.
CAPTION: Natuklasan ni Aldo kung bakit mas maganda ang ani ni Ber nitong mga nakaraang taon.
BER: May mga bagong paraan ng pagbubukid. Halika, ipapakilala kita sa trainor namin. Teka, di ba, Aldo, single ka pa? Maganda si Maya, single din!
ALDO: Ikaw talaga, Ber! Meryenda nga tayo. Ikukuwento ko sa ‘yo ang plano ko.
FRAME 11: Sa isang pagpupulong ng mga magbubukid, nakaupo ang mga magbubukid na babae at lalaki sa mga bench na gawa sa mga plank ng niyog. Isa roon si Aldo. May hawak na papel at panulat ang lahat. Lahat sila ay nakikinig sa babaeng farmer trainor na si Maya. Tanaw ang bukirin mula roon.
Note: ang suot nila ay pare-parehong pantaas. Parang uniform ng mga taga-Farmer Field School.
CAPTION: Unang araw pa lang, marami nang natutuhan si Aldo.
MAGBUBUKID: Maya, hindi lahat ng insekto ay peste?
FRAME 12: Same scene ng Frame 11 pero mas focused kay Maya. May hawak siyang mga larawan ng mababait na insekto.
MAYA: Oo, kaya ‘wag kayong bomba nang bomba ng pesticide. Pinapatay nito pati ang gagamba o tutubing kumakain ng pesteng insekto.
FRAME 13: Same day, same scene sa Frame 11. Pagkatapos ng pulong, magkausap sina Aldo, Maya at Ber. Magkatabi sina Maya at Aldo. Nakangiti lang si Maya, masayang-masaya siya.
ALDO: Andami ko na palang hindi alam. Lagi na akong pupunta rito.
BER: Dapat updated para lalong gumanda ang ani mo. Aldo, mapapaayos na ang bahay mo!
FRAME 14: Malakas ang ulan. Sa sarili niyang bukid, nakamasid si Aldo sa isang bahagi ng bukirin kung saan katatanim lang niya ng binhi ng “submarino,” isang variety ng rice na nabubuhay at yumayabong kahit lubog ito sa baha nang ilang araw.
Si Aldo ay nakasumbrero, pansangga niya sa malakas na ulan ang isang dipa ng plastic cover.
CAPTION: Mula noon, ginagawa na ni Aldo sa sariling bukid ang natutuhan sa mga training ni Maya.
ALDO (thought balloon): Buti at nakapagtanim ako ng binhi ng “submarine rice.” Kahit mababad ito sa baha, tutubo at lalaki pa rin ito.
FRAME 15: Sa meeting uli ng magbubukid, magkaharap sina Aldo at Maya. May inaabot na plastik si Aldo sa dalaga.
CAPTION: Dahil sa sinabi ni Maya tungkol sa pagpapalitan ng binhi na galing sa iba pang lugar, ginanahan si Aldo at iba pang magbubukid na magbigay din ng binhi para doon.
MAYA: Salamat. Makakarating ito sa iba pang magbubukid.
ALDO: Maya, ‘yon palang binhi na galing sa kabilang bayan, napakaganda ng tubo! Naobserbahan kong bagay sa lupa natin ang ganong binhi.
FRAME 16: Sa harap ng dampa, pinagmamasdan ni Aldo ang bunga ng kanyang mga halamang kamatis, kalamansi, papaya at paminta.
May ulo ni Maya sa gilid ng frame.
MAYA (parang caption ang itsura ng linyang ito): Magtanim ng perennials. Ito ‘yong mga halamang isang beses lang itatanim pero buong taon kung magbunga. May ulam na, kikita ka pa ng ekstra mula d’yan.
FRAME 17: Medium shot ni Aldo, nakatitig siya sa kanyang listahan. Kailangang mababasa ng reader ang nakasulat sa listahan.
ALDO (thought balloon): Ba’t nga ba ako aasa sa isang uri lang ng pananim? Para may maaasahan kahit may bagyo, baha o tagtuyot, magtanim ng marami at sari-sari.
Ito ang nakasulat sa listahan:
talong
kamatis
okra
sili
papaya
kalamansi
FRAME 18: Isang araw, pinuntahan ni Maya at ng iba pang magbubukid (babae at lalaki) si Aldo sa bukirin. Mayabong ang lahat ng pananim ni Aldo. Nakayuko ang ilan sa mga magbubukid at nag-eeksamin ng mga pananim habang nagsasalita si Aldo.
Ipakita na magkatabi sina Maya at Aldo.
CAPTION: Samantala, buo ang atensiyon ni Aldo sa bukid. Mapapaayos niya ang bahay para maibenta ito nang mas mahal. Makakaluwas na siya sa Kutitap City. Mapapakasalan na niya si Amihan!
ALDO: Naobserbahan kong ang ganitong binhi, na sinasabing mabubuhay kahit sa lugar na malapit sa tubig-alat, hindi kailangan ng maraming abono.
MAYA: Aba, tipid! Gaano kakonti ang abono para dito?
FRAME 19: Sa eatery sa Kutitap City, di mapakali si Amihan sa isa sa mga upuan. Matumal ang customer. Maluha-luha siya habang hawak nang mahigpit ang cellphone na luma at apron niyang lukot-lukot na.
CAPTION: Pero wala nang masagap na balita si Amihan tungkol kay Aldo.
AMIHAN (thought balloon): Ano na nga ba ang plano niya sa ‘min? Mahal pa kaya niya ‘ko? Baka may iba na siya…
FRAME 20: Sa harap ng taong pinagbentahan ng kanyang ani, nagbibilang si Aldo ng pera. Maluwang ang ngiti ni Aldo.
CAPTION: Di nagtagal, dumating ang tag-ani. Tumaas nga ang kita ni Aldo. Naalala niya ang orihinal na plano. Gagawin pa kaya niya ito?
ALDO (thought balloon): Isasabay ko lang lagi sa pagbabago ng panahon ang paraan ko ng pagbubukid!
FRAME 21: Sa tapat ng isang pondahan, kausap ni Aldo si Ber at isa pang magbubukid na lalaki. Kasama nito ang isa pang teenager na lalaki.
ALDO: O, P300 kada araw, mga pare. Sa Lunes ang materyales para mapaayos ang bahay. Asahan ko kayo, ha?
BER: Ekstrang kita rin ito, mga pare ko. Kina Aldo tayo pagkagaling sa bukid.
FRAME 22: Magkausap sina Maya at Aldo sa lugar kung saan idinaraos ang meeting. Sila lang ang tao roon. Medyo nahihiya ang itsura ni Aldo. May iniaabot siyang pera kay Maya. May hawak namang papel si Maya.
CAPTION: Sunod niyang pinuntahan ay si Maya. Nagpatulong siya para sa isang surpresa kay Amihan.
ALDO: Pasensiya sa abala, Maya.
MAYA: Okey lang, Aldo. May kaibigan akong nagtitinda ng alahas. Baka may singsing siya na maganda ang design! Dadalhin ko rin sa office sa bayan ang papeles na ‘to. Rekomendasyon para gawin kang farmer trainor dito sa atin. Congrats, ha?
FRAME 23: Pagdating ng Lunes, sa tapat ng bahay ni Aldo, may tatlong lalaking nagko-construction. Isa roon si Ber, may nakaumang na panukat sa isang tabla. Ang isa’y may hawak na yero, ang isa’y may pasan na sako.
Si Aldo ay nasa gitna nilang lahat. May kausap siya sa cellphone.
CAPTION: Naglakas-loob na si Aldo.
FRAME 24: Nakapikit si Aldo. Nag-i-imagine siya. Puwedeng luwagan ang frame na ito para ma-accommodate ang lahat ng laman ng imagination.
ITO ANG LAMAN NG IMAGINATION NIYA:
Maayos na ang kanyang bahay. Pero hindi lumaki ang bahay. Same size pa rin ito. Ang pawid na bubong ay napalitan na ng yero. Ang mga dingding ay naging plywood na. Mas malaki ang bintana at nakukurtinahan na ito. Maraming namumungang halaman sa paligid.
Magkaharap sina Aldo at Amihan pero nakatungo si Amihan. Nakatingin sa singsing na iniaalay sa kanya ni Aldo bilang simbolo ng pagmamahal at commitment ng lalaki.
Larawan ng kaligayahan sina Aldo at Amihan.
CAPTION: Inaabangan na ni Aldo ang pag-uwi ni Amihan sa kanilang bayan.
SPEECH BALLOON NG ALDO NA NASA LOOB NG IMAGINATION:
Amihan, tatanggapin mo ba ako bilang asawa?
Wakas.

Wednesday, November 5, 2014
meet up
nagbebenta rin ako ng books. sideline namin ito dati pa. hoarder kasi kami ni poy. kapag may warehouse sale ang mga publisher, sumusugod kami sa warehouse tapos kahon-kahong libro ang iniuuwi namin. hindi naman namin binabasa ang lahat ng libro. kaya maraming-maraming libro sa bahay.
para mabawasan ang mga ito at makadagdag sa income namin, sumasali kami sa mga bazaar. nagtitinda kami sa mga event ng kaibigan. laging three for 100 ang aming aklat. kadalasan, hindi kami kumikita. kasi nagbabayad kami ng bazaar space at pamasahe sa taxi, nagbabayad din kami ng assistant na tagabantay at tagabuhat.
so ayun.
pero dahil mas advocacy namin ito, tuloy lang. sumasali pa rin kami sa mga event ng kaibigan, inuubos na lang namin ang mga aklat.
kaya anong saya ko nang ma-meet ko online ang filipiniana collector na si renz maninang. taga-angeles city siya, 22 years old na nag-oopisina. na-meet ko siya sa isang facebook group kung saan malayang nagpapalitan ng mga electronic copies ng aklat (thank god, mostly foreign titles) ang mga member. siyempre, na-high blood ako. pinagsabihan ko ang mga naroon, kako masama iyan, katumbas yan ng pagnanakaw. may ilang sumagot at ipinaglaban ang kanilang ginagawa at halos maubos ang energy ko sa pakikipagsagutan sa mga member na iyon.
anyway, biglang nag-pm sa akin si renz. nakita raw niya ang mga ipinost ko. puwede raw bang bumili ng aklat ko. aba, oo kako, salamat! tinanong din niya kung may alam akong nagbebenta ng filipiniana books sa internet. akala ko, ebooks ang ibig niyang sabihin kaya itinuro ko siya sa flipreads, vibe bookstore at buqo, pero hindi pala. printed na filipiniana books pala ang hanap niya.
sabi ko, ako, meron. nagtitinda ako.
doon na nagsimula ang aming transaksiyon. interesado raw siya sa kahit anong filipiniana book. collection daw niya iyon at para rin daw sa coffee shop/library na gusto niyang itayo sa angeles in the future. wow, at pareho pa kami ng pangarap.
agad kong hinanap ang pinakamagagandang filipiniana sa aming benta box (yun yung dinadala namin kapag nagbebenta kami ng books). tapos piniktyuran ko ang mga ito. pero dahil hindi ako marunong mag-download at mag-upload, tumagal nang 100 years bago nakarating ang titles kay renz. hinintay ko pa kasing mabakante si poy para gawin ang mga iyon sa laptop.
anyway, 30 books lahat iyon. 1000 lahat. plus lahat ng books ko (puwera ang mingaw), almost 1k din. sabi ko bibilhin mo pa rin? oo raw.
aba, big time ang batang ito.
sabi ko, heto ang bank account details ko. pakisabihan ako kapag na-deposit mo na, ha? opo raw.
ipapa-ship ko na sana kaya nag-research ako sa net ng murang courier services na aabot ng angeles. kaya lang mukhang mahal ang shipping dahil napakarami ng aklat.
bigla niyang sabi, mam, luluwas na lang ako. tutal, may isa pa akong imi meet na seller.
sabi ko sa isip ko, baka scam na to a. too good to be true! luluwas para lang sa aklat? huwatda...
pero dahil walang masyadong mawawala sa akin dahil nasa akin pa rin ang mga aklat ko no matter what, nagset na kami ng petsa, oras at lugar. oct.31 (yes, bago talaga mag undas), 9am, farmers cubao. kahit saan daw na kainan doon.
good. malapit sa akin.
a few days bago mag-oct. 31, humihingi na siya ng discount. kasi makakatipid naman daw ako sa shipping.
haha ayun pala. noong una, ayaw kong magbigay, kasi naiinsulto ako kapag aklat ang tinatawaran. isa pa, sobrang mura na ng 3 for 100, ha, tatawaran pa? anyway, kako, galing naman siya ng angeles, ibang rehiyon na iyon kaya sige na nga. pero pag nag-meet na kami, saka ko sasabihin kung magkano ang discount. okey lang daw, basta bigyan ko raw siya ng discount.
come oct. 31, tumatawag na siya't nagte-text. ang aga niya sa farmers. nasa tapsihan daw siya (naku nakalimutan ko ang saktong pangalan ng tapsilugan na to haha sori) lumarga na ako, bitbit ang mahigit 30 aklat (kasama ang mga aklat ko). (hindi nga pala alam ni poy na magbubuhat ako ng 30 filipiniana books. ang akala niya, yong mga aklat ko lang ang bibilhin ng buyer. kaya pinalarga niya akong mag-isa. ako naman, ayaw ko nang magpasama. dahil pag kaming dalawa ang lumarga sa cubao, siguradong mag-uubos kami ng oras doon. kakain kami, magbo-booksale. mag-e-nbs. hay naku. baka wala na naman kaming ma-accomplish buong araw!)
noong nasa cubao na ako, text ni renz, puwede raw bang hintayin ko siya kasi may imi-meet siyang isa pang seller. naku. e gusto ko na sanang umuwi pagkahatid sa kanya ng mga aklat. sabi ko, saan mo siya imi-meet, doon kita pupuntahan. kfc shopwise daw.
doon na ako dumiretso. pagkaraan ng limang minuto, may tumawag sa akin. si renz. first time kong sinagot ang tawag niya. hello, nandito ako sa tapat, mam. ang cute ng boses. aba. totoo na itong filipiniana collector boy ko, a. mukhang hindi nga scam. tapos sabi ko, nandito ako sa loob. nakita na kita, mam, sabi niya.
ayan na!
sa labas ng kfc, may nakita akong lalaking naka-backpack. may dalang paperbag na malaki. puti ang kamiseta niya at naka-shorts lang siya. totoy na totoy. may ipinapasok siyang cellphone sa kanyang bulsa. binuksan niya ang pinto at direktang naglakad papunta sa akin. ngumiti siya. ngumiti na rin ako.
nako, ang pogi ng bata. bata kasi ang boyish ng dating. malamlam ang mata, katamtaman ang ilong. me braces. medyo kayumanggi. pero ang neat niya sa puting kamiseta. ako na ang teenager. sabi ko talaga, thank you, books!
inilabas ko na agad ang books ko. binilang ko ito sa harap niya. tinanggal ko pa ang price tag ng iba dahil iyong iba pala, hindi pa natatanggalan ng price tag! tanong ko, nag-meet na kayo noong isang seller? sabi niya, opo. heto po ang binili ko sa kanya. inilabas niya mula sa paper bag ang aklat na ptyk marcelo. malaki ito pero soft bound lang. hindi mukhang mamahalin. pero rare daw ang aklat na iyon kaya binili na niya. binigyan din daw siya ng mababang presyo ng seller. sinunggaban na niya ang pagkakataon.
nang mailipat na ang mga aklat sa bag niya at paper bag, sinabi kong P200 lang ang maibibigay kong discount sa kanya. natuwa naman siya. sabi niya, malaking bagay na iyon, mam. tapos nagkuwentuhan na kami. yes, di na ako umorder. di ko na rin siya inalok ng kahit ano. kasi ayokong mabawasan pa ang maliit kong kita for the day!
kaya raw siya maraming pambili ng aklat, kasi raw, wala raw siyang ibang pinagkakagastusan. may income daw ang parents niya, hindi rin daw siya kailangang tumulong sa mga kapatid, ang gf niya, nasa qatar (ay may gf naaaaa) kaya di raw magastos sa date date. kasi sa internet lang sila nag-uusap at nagkikita. iyong suweldo niya, kanya lang. dati raw, may isa pa siyang kinokolekta, anime. noong una, inis na inis daw ang parents niya dahil umaapaw na ang koleksiyon sa loob ng kanilang bahay. pero nakita naman daw ng parents niya, kalaunan, na nagiging source ito ng additional income para sa kanya. pinarenta raw kasi niya ang mga pelikula. wow, very entrepreneurial pa! magaling, magaling.
sa aklat, nag-umpisa raw siya sa pangongolekta ng psicom books. iyong horror. lahat daw ng philippine ghost stories, meron siya. sabi ko, meron kaming naisulat na psicom horror books. alam mo yung haunted philippines? hindi po, anya. ay pahiya ako hindi ko na muling binring up ito. anyway, ayun. pero mula raw nang mag -switch sa love-love at sa wattpad ang psicom, lumipat na raw siya sa visprint.
yey.
very good. ganyan ang magandang growth ng isang mambabasang pinoy!
nagsimula raw siya kay eros. then kay manix. kinokompleto raw niya ang mga aklat ni manix. goal din daw niyang makabili ng complete set ng pugad baboy. 6k daw iyon at puwedeng mabili kay pol medina mismo. iyon daw ang birthday gift niya sa kanyang sarili.
my gulay. may ganito palang tao sa pilipinas! naglalaan talaga ng pera para sa pop lit books! at koleksiyon talaga ang turing sa mga ito!
im so happy just being with him, listening about his collections. (love story in the making, ganon? hahaha)
sinusulit daw niya ang oras niya rito. binibili na niya ang mga kaya niyang bilhin. kasi raw sa susunod na taon, nasa qatar na rin siya. susundan niya ang gf niya doon. mag-iipon sila para pag-uwi rito, makapag-umpisa ng negosyo at mag-settle down. aba, mahusay na napalaki ang batang ito. may goal at ang linaw ng plano.
anyway, nagkuwentuhan pa kami hanggang sa lumabas kami ng kfc. sinamahan ko siyang mahanap ang terminal ng bus na sasakyan niya pabalik ng angeles. yes, saglit na saglit lang siya sa cubao. mga iang oras lang, mas matagal pa ang ibiniyahe niya. and for what? for filipino books! hay heaven talaga ang feeling.
pagkahatid ko sa kanya, tumawid ako ng foot bridge at lumarga na rin pauwi. sa bus, nag-text ako ng salamat at ingat. nag-reply siya agad, salamat din po mam.
nagtuloy ako sa bangko para mag-deposit sa isang kaibigan. kailangan ko siyang bayaran ng 900 para sa isang raket. tapos umuwi na ako.
kinumusta ni poy ang meet up. sabi ko, putsa, kakaiba. kakaiba! at ikinuwento ko sa kanya ang lahat. (siyempre, nagalit siya na nagbuhat ako ng maraming aklat!). pagkatapos niyon, nagpahinga ako saglit. paglampas pa ng halos isang oras, nag-text sa akin si renz. sabi niya, mam, nasa angeles na po ako. kung meron ka pa riyang filipiniana, bilhin ko uli ha?
wah. adik.
paano mong makakalimutan ang lalaking katulad niya?
well, ako'y naglilihi na yata.

Wednesday, October 29, 2014
Mula sa Mambabasang si Cindy Joy Sayo
Kakatpos ko lang po magbasa.. He he.. Madami ako natutunan. Haha.. Pinakagusto ko ung chapter ng 'a love story'- kakaibang love story. Di q agad na gets ung 'xerex' heje..
At as pagtatapos ng libro, npaisip tuloy ako, 'ako kelan mkakauwi sa bahay?? Kelan ko kaya masabi, 'I am home!' Hahaha. Ayan, miss Beb, na carried away na rin ako. Haha!
Maraming salamat po, Miss Cindy. Salamat uli sa pagdala ng mga aklat ko riyan sa Batangas.

Tuesday, October 28, 2014
Mula sa kaibigang editor, Sarah Bulalacao Grutas
Nuno sa Puso by Bebang Siy
by Sarah Bulalacao Grutas
In Philippine mythology, the Nuno sa Punso is a grumpy small creature with long beard living inside an anthill. The Nuno is easy to anger and will curse anyone who trespasses or destroys his (or her; sources say the nuno is male but I’d like to think otherwise, after all there are women who are also grumpy, small, and with facial hair!) mound. Nuno actually comes from the word ninuno or ancestor. The belief that dead grandparents come back as dwarf-like beings is essentially rooted in the animistic tradition of pre-colonial Philippines.
Bebang Siy is neither dead nor small but in her twin-book project titled Nuno sa Puso, she takes on the role of a person who’s lived a long, full life – like the strict but loving lola who always reminded you that “papunta ka pa lang, pabalik na siya”. The books are a compendium of letters of advice on love and relationship from Siy’s old column in a local newspaper in Cavite.
Siy’s combined wit and sarcasm make Nuno sa Puso an easy, enjoyable read. The pieces of advice are neither patronizing nor unrealistic. Reading Siy is like talking to the smart-ass old lady who owns a sari-sari store at the kanto near your house, who knows all the tsismis in your street, and who says leche ka a lot. You love her or you hate her because she tells it the way she likes it, frank and fair. If you come to ask her what you can do so your girlfriend does not find out that you’re seeing another girl, like this letter-sender in her book, don’t expect her to tell you that it’s all about insecurity or masculine over-compensation and to sing kumbaya or do yoga to get rid of all the nega-two-timing juice in your body (like what most Life Advice Books would say, which I think are way worse than a Paulo Coelho novel, but I digress), boy, you’re in the wrong sari-sari store. Instead, expect her to say “leche ka, ang libog mo”; and then she’ll put a curse on you, or your butt crack to have warts so itchy it will be embarrassing to scratch it in public. Yep, sounds very much like a nuno to me!
Sometimes grumpy but almost always affectionate, Bebang’s Nuno sa Puso is perfect for when you need a pep talk – not the Chicken Soup kind but the Bangketa Mami kind – or for when you just need to laugh your heart out. She gets you and she knows how to cheer you up. She’s got the long (facial) hair to tickle you with, after all.
Ni-repost dito nang permiso mula kay Bb. Grutas. Narito ang orihinal na link:
https://disislandgirl.wordpress.com/2014/10/24/book-review-bebang-siys-nuno-sa-puso-visprint-publishing/
Maraming salamat, Sarah. Isang karangalan ang ma-review mo, 'te!
Here's to more works from us!

Mula sa mambabasang si Vinny Jung
Greetings!
Hi po! I'm Vinny po, a frustrated writer slash fan of your work, and nais ko lang po magshare sa inyo.
Unang beses kong naencounter ang pangalan nyo sa blurb sa isa sa mga akda ng idol ko ring si Eros Atalia. Tapos nung nagtitingin po ako ng new books to read, nakita ko yung It's A Mens World ninyo, so I thought to buy kasi tingin ko maganda yung libro. I remember that was April 2013.
Nung binabasa ko yung book, naaliw ako, and madami din po akong natutunan. Ang kulit lang nung pagkukwento. Nagwish po ako nun na sana may kasunod pa.
Napakinggan naman po ni Lord ang mga dalangin kong masundan yung book ninyo. Di ko pa po sya nabibili. But I will po, pati yung Nuno sa Puso. Sana mapasignan ko sa inyo yung mga collection ko ng books ninyo.
More power po! God bless.
Vinny
Maraming salamat din, Vinny! Kitakits sa December.

Final version ng Ang Malayo ay Malapit Din, isang comics script tungkol sa ilang suliranin na kinakaharap ng climate smart na mga magsasaka
Final version ng STORY #3 para sa isang NGO na naglilingkod sa mga magsasaka sa Southeast Asia
MANUNULAT: Beverly W. Siy, 28 Oktubre 2014, Kamias, QC, may input ng mga taga-NGO
TENTATIVE TITLE: Ang Malayo ay Malapit Din
PAKSA: Ito ang future ng isang lugar ng mga magsasaka na natutong umayon sa climate change.
SETTING: Baryo pa rin nina Aldo at Ani Rosa pagkaraan ng sampung taon. Mas marami na ang tindahan. Mas marami na ang bahay. May mga tsinelas na ang mga bata. Nadagdagan na ang paaralan. Pangit ang kalsada dahil kadadaan lang ng bagyong Pedring.
NOTE TO ARTIST: Maraming batang magsasaka (20s’-40’s) sa grupong ito nina Aldo. Kakaunti na lang ang matandang magsasaka (50’s and above). Kalahati rin ng magsasaka sa buong komiks na ito ay babae.
FRAME 1: Umaga, sa isang seed fair, ipinapakilala ni Ani Rosa ang binhi na nalinang ng mga magsasaka sa kanilang baryo. Hawak niya ito habang siya’y nagsasalita sa harap ng magsasaka mula sa iba pang lugar. Naroon din sina Basil, Aldo at Danao. Karamihan sa mga kasamahan nina Ani Rosa at sila mismo (sina Ani Rosa, Basil, Aldo at Danao) ay suot ang kamiseta na ginagamit nila kapag sila ay lumalahok sa Farmer Field School o FFS. Ang kamiseta nila ay itinuturing nilang uniporme.
Sa isang sulok ay may lalaking iba ang itsura, may pagkapormal ang suot. Halatang hindi ito magsasaka. Tumitingin-tingin din siya ng mga binhi ng iba pang magsasaka.
CAPTION: Sa isang seed fair, ipinakilala ni Ani Rosa ang binhi mula sa kanilang baryo.
FRAME 2: Close up ng binhi.
CAPTION: “Opo, may bagyo man o baha, hindi ito apektado. Mula sa pagbi-breed namin, naging ganito ka-resilient ang aming binhi, ang Hagkis 10. Isa pang katangian nito ay…”
FRAME 3: Sa seed fair pa rin, pagkatapos ng presentasyon ni Ani Rosa, nag-usap-usap sina Basil, Aldo, Danao, Ani Rosa at iba pang magsasaka mula sa kanilang baryo. Ang misteryosong lalaki ay nasa bandang likod ng grupo, nakikinig sa kanilang usapan. May dalang folder at clutch bag ang lalaki. Ito ay ang walang iba kundi ang trader na si Mr. Pigapiga.
Si Basil ang nagsasalita, lubhang problematiko ang mukha at nagkakamot pa ito ng ulo.
BASIL: Hindi pa rin nakakarating ang palay at gulay natin sa maraming palengke…
FRAMES 4 and 5: Flashback. Puwedeng black and white ang Frames 4, 5 and 6. Ipakita ang aftermath ng bagyong Pedring. (Frame 4) Wasak ang post-harvest facilities ng kanilang baryo. (Frame 5) Warak-warak ang irrigation system at dike.
BASIL (out of frame): …mula noong bagyong si Pedring.
FRAMES 6: Pagpapatuloy ng flashback. Wasak ang mga daanan at tulay. Tungkab-tungkab ang kalsada, putol ang tulay. Walang mga bubong ang bahay.
BASIL (out of frame): Nagmahal pa ang mga produkto natin dahil sa hirap at haba ng biyahe papunta sa mga palengke.
FRAME 7: End of flashback.
Sa isang bigasan sa isang palengke, may ilang sako ng bigas na may tatak na HAGKIS 10, natutulusan ng presyong mas mataas sa iba pang sako ng bigas. Ito ay P48, P49, P50 per kilo. Samantalang ang ibang sako ng bigas na may tatak na NFA, ang presyo ay P25 per kilo. Isang ale ang itinuturo ang bigas na nakalagay sa P25 per kilo. Iyon ang balak nitong bilhin.
FRAME 8: Problematiko ang mga mukha nina Danao at Aldo.
DANAO: Masamang balita ‘yan, Basil. Kailangan ko pa naman ng pera sa mga susunod na buwan para sa panganganak ni Krissy.
ALDO: Ako man. Para mapabubungan ang bahay namin ni Amihan.
FRAME 9: Nag-uusap-usap ang buong grupo. Naroon pa rin si Mr. Pigapiga, nasa bandang likod pa rin ng grupo.
Si Aldo ay katabi ni Ani Rosa.
ALDO: Pero ‘wag tayong mag-alala, aayos uli ang biyahe ng mga produkto. Maibebenta uli ang mga palay at gulay natin sa dating presyo. May solusyon ang bawat problema!
FRAME 10: Di na makakatiis si Mr. Pigapiga. Sisingit na siya sa usapan.
Ang aura ni Mr. Pigapiga ay very dark. Dahil siya ay isang mapagsamantalang tao.
MR. PIGAPIGA: Ani Rosa, kamusta ka? Ang nanay mo? Ipakilala mo naman ako sa mga kasama mo.
FRAME 11: Magugulat si Ani Rosa pero ipapakilala pa rin niya si Mr. Pigapiga sa mga kasama.
CAPTION: Nagulat si Ani Rosa. Matagal na niyang di nakikita si Mr. Pigapiga, ang may ari ng lending company sa bayan. Magalang niya itong ipinakilala.
ANI ROSA: Buti at napabisita kayo rito sa aming seed fair, Mister…
FRAME 12: Pinutol ni Mr. Pigapiga ang pagsasalita ni Ani Rosa.
MR. PIGAPIGA: -May pagawaan na ‘ko ng suman. Gusto ko kayong kunin na supplier kahit di ko pa natetesting ‘yang palay n’yo.
FRAME 13: Magliliwanag ang mukha ng mga kasapi ng grupo nina Aldo at Ani Rosa. Nakangiti ang iba sa kanila.
MR. PIGAPIGA: Pauutangin ko pa kayo para makapagtanim uli kayo ng Hagkis 10 ngayong tagbagyo. Ako na rin ang bibili ng lahat ng aanihin n’yo.
ISANG MAGSASAKA: Maganda ‘yan! Payag ako!
FRAME 14: Biglang may ipapakitang papeles si Mr. Pigapiga.
MR. PIGAPIGA: Sampung piso kada kilo ng unmilled na palay, okey ba? Magkakapera na kayo, may sure buyer pa kayo. Pirmahan n’yo lang ang kontratang ‘to.
FRAME 15: Nagulat ang mga magsasaka sa presyo ni Mr. Pigapiga.
MAGSASAKA: Sampu?
ALDO: Ang baba naman! Teka ho, pag-uusapan muna namin iyang alok n’yo.
FRAME 16: Umaga, sa labas ng bahay nina Aldo (na natatabingan lang ng trapal ang natuklap na bubong), nagtipon-tipon ang mga magsasaka. May upuan na nakaharap kay Aldo. Pinag-uusapan nila ang alok ni Mr. Pigapiga at ang mga binhi na nakuha nila sa seed fair. Makikita sina Ani Rosa, Basil, Danao at Aldo rito.
Nakatayo si Aldo sa harap, may binabasang dokumento. May lapis na nakaipit sa kanyang tainga. May panulat at papel din ang mga kausap niyang magsasaka.
ALDO: Sabi rito, si Mr. Pigapiga lang ang puwedeng bumili ng palay natin.
MGA MAGSASAKA: Ano? Lugi!
MGA MAGSASAKA: ‘Wag tayong pumayag.
FRAME 17: Same scene.
CAPTION: Maya-maya ay ang mga binhi mula sa seed fair naman ang kanilang pinag-usapan.
ALDO: Ayon dito sa Standard Material Transfer Agreement, ang binhing ito ay galing sa kabilang lalawigan at maganda raw ang tubo kahit napakatindi ng init ng panahon.
DANAO: Tamang-tama. Di pa napapaayos ang sistema ng irigasyon natin mula nang daanan ng bagyo. Puwede ‘yan sa lupa natin ngayon.
FRAME 18: Same scene.
BASIL: Mag-follow up kaya tayo sa Municipal Agriculture Office tungkol sa pagpapaayos ng mga kalsada, tulay at patubig natin?
ANI ROSA: Oo nga po. Di na sila bumalik mula nang mag-assess sila ng mga nasira dito.
MGA MAGSASAKA: Tama!
FRAME 19: Kinabukasan, may sulat na pinapipirmahan si Aldo sa mga kapwa magsasaka.
CAPTION: Nagpasya ang lahat na sumulat sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng kanilang bayan.
MAGSASAKA (habang inilalagay ang salamin sa mata, masaya siya nang magsalita siya): Aba, babasahin ko muna bago ako pumirma!
FRAME 20: I-magnify ang isang bahagi ng sulat. “Ang pagpapaayos ng mga kalsada, tulay at post-harvest facilities sa aming baryo para sa produktong pang-agrikultura ay para sa tuloy-tuloy na kita ng magsasaka, iwas-gutom sa panahon ng sakuna.”
FRAME 21: Sa loob ng opisina ng MAO, maabutan nila ang isang babae. Si Mrs. Lasap. Paalis na ito pero naghahabilin pa sa municipal agricultural officer.
CAPTION: Isang araw, natuloy na nga ang meeting sa MAO.
MRS. LASAP: Baka may alam kayo, ha? Kontakin n’yo agad ako. Salamat!
FRAME 22: Sina Aldo na ang kausap ng Municipal Agricultural Officer. Naka-“uniporme” ang mga magsasaka.
ALDO: Nakapag-ani pa rin kami dahil nga resilient na sa bagyo ang aming binhi.
ANI ROSA: Pero, Mam, paano po maibebenta ang palay namin kung hindi naman ito maibiyahe?
FRAME 23: Pagkaraan ng ilang oras sa harap ng agriculture office sa kanilang bayan, ipakita ang mga magsasaka mula sa grupo nina Aldo, masaya sila, papalabas na sila sa MAO.
FRAME 24: Focus kina Aldo at Danao.
ALDO: Sama-sama tayo uli sa susunod na meeting, ha? Para mapabilis ang pagpapaayos ni Mayor! Danao, ikaw na ang kumontak sa Mrs. Lasap na binanggit ni Mam. Balitaan mo kami agad.
FRAME 25: Umaga, sa hapag-kainan sa loob ng bahay ni Danao. Kinabukasan, tinawagan ni Danao si Mrs. Lasap.
Magkatabi sina Danao at Krissy sa hapag-kainan. Sa isang papel, isinusulat ni Krissy ang mga sinasabi ni Danao sa cellphone. Mahahalata ang laki ng tiyan ni Krissy.
CAPTION: Kinaumagahan, tinawagan ni Danao si Mrs. Lasap.
MRS. LASAP (out of frame kasi over the cellphone ito): Oo, iyong dating supplier sa pagawaan namin ng puto, tinamaan ng bagyong Pedring. Di pa makabangon sa ngayon.
FRAME 26: Sa harap ng munisipyo, ipakita ang mga magsasaka mula sa grupo nina Aldo. Masaya sila, papalabas na sila ng munisipyo. Naka-“uniporme” sila.
Landscape ang frame na ito.
CAPTION: Nagpabalik-balik sila sa munisipyo para maaksiyunan ang kanilang liham.
FRAME 27: Mas focus sa magsasaka ang frame na ito, hindi na sa landscape.
CAPTION: Tuloy-tuloy din silang nakipag-ugnayan kay Mrs. Lasap.
ALDO: Para matesting ang ating produkto, padalhan natin ng sample si Mrs. Lasap. Okey ba sa inyo ‘yon?
MGA MAGSASAKA: Aprub!
Frame 28: Sa bahay nina Aldo, umaga, meeting nina Mrs. Lasap at ng mga magsasaka. May mga puto sa plato, hawak ni Mrs. Lasap ang plato. May mga dokumento sa mesa.
MRS. LASAP: Naku, Aldo, walang kasingsarap ang putong nagawa namin dahil sa ipinadala n’yong sample. Tikman n’yo, o! Todo kami sa sangkap kaya sigurado ako, magugustuhan n’yo ang presyong iaalok ko sa inyong palay.
ALDO: Salamat, Mrs. Lasap. Pag-uusapan po naming lahat itong inyong alok.
FRAME 29: Isang araw, ginagawa na ang kalsada sa baryo nina Aldo. Naroon ang mga equipment at mga construction worker. Sa karamihan ng tao, focus kina Aldo at Ani Rosa.
CAPTION: Di nagtagal…
ALDO: O, ba’t ang luwang ng ngiti mo?
ANI ROSA: Matagal at mahabang proseso ang solusyon pero kung sama-sama tayong kikilos, bumibilis pala talaga ang mga bagay-bagay, Ninong!
COLLAGE NG MGA FRAME. ANG COLLAGE NA ITO AY IN LIGHT AND HAPPY COLORS. MASAYA ANG MGA MUKHA NG BAWAT TAUHAN DITO.
Kinakamayan ni Mrs. Lasap si Aldo. Si Mang Aldo ay nasa harapan ng limang magsasaka mula sa kanilang baryo. Bawat magsasaka, may hawak na papeles at puting sobre (including Mang Aldo).
Si Danao at si Krissy sa loob ng hospital room. May hawak na baby si Danao. Masayang-masaya sila.
Inilalapat na ang bubong ng bahay nina Aldo at Amihan.
Inaayos na rin ang mga nasira sa baryo.
Wakas.
Friday, October 24, 2014
Mula sa Mambabasang si Jandell Uy
Magandang umaga po, Ate Bebang( sorry po kung feeling close ang dating nung "ate" feeling ko po kasi ay close na tayo sa kakabasa ng libro ninyo)
Una ko pong nakita yung libro ninyong it's a mens world nu'ng 11 ako. Nagtitingin ako ng mga libro sa NBS baguio nang makita ko 'yong cute na cover na may interesting na pamagat. Palihim kong binasa yung libro ninyo kasi baka i-judge ako ng nanay ko. Hook na hook na ako at gusto ko na sanang ipabili kay Mama kaso nagmamadali na siya. Hindi po ako oa, pero 'yon yung isa sa mga malungkot na ganap na nangyari sa booklife ko. Hehe, sipsip.
Fastforward: 10 years after, kaka-suweldo ko lang at naisip kong bumili ng libro. Habang nagtitingin tingin ng mga anvil book, nakita ko yung libro ninyo. Sobrang saya ko nu'n. Parang natapos ko ang isang unfinished business sa isang issue ko nu'ng bagets pa ako. Umuwi akong masayang masaya. Mas nasiyahan ako nang matapos ko ang libro ninyo at nalaman ko ang proper use ng "ng" at "nang" hehe. Salamat po!
Maraming salamat din sa facebook at updated na ako sa mga books mo. Binili ko po kagabi yung It's raining mens at tawa ako nang tawa du'n sa letter po ni Michael Perez. Nalungkot sa mga maiiksing kuwento at napapa-isip din sa mga pinaggagawa ko sa buhay ko. Wala lang, ang saya ko nanaman po dahil sa libro mo. Thanks po ulit. Hihi
Sana mapapirmahan ko po yung mga books ko sainyo. Kaso, ayaw pa po ni Bathala na i-clear ang mga gawain ko di tuloy ako maka-punta sa book signing mo
Sorry po ang haba nang message ko. Masiyado lang po akong na-overwhelm at kinailangan kitang i-message at baka mabaliw ako, hehe. Sana po mas marami pa kayong librong lumabas! Avid fan na ako nuon pa. Hehe sipsip ulit. Sige po, ingat po kayo palagi! Kaingatan po nawa kayo ni Bathalang lumikha.
Maniniwala na sana ako rito kaya lang after 10 years saka pa lang niya binili ang libro? hahahha wala pang 10 years mula nang ma-publish ang mens world! hahaha natawa si jandell nang sabihin ko sa kanya ito (pagkatapos niya akong i-private message sa FAcebook). sabi niya, ganon po ba? para po kasing antagal na noong una kong nabasa ang aklat ninyo, e.
hahaha! maryosep i feel so old !

Friday, October 17, 2014
Mula sa mambabasang si Pthia Valencia
Bebang,
Sa hindi malamang dahilan araw-araw walang mintis sinusuyod ko lahat ng aklatan para maghanap ng mga akda mo.Grabe na ito, simula ng matikman ko ang mga katha mo parang hindi ko mapigilan na di magbasa ng magbasa ng mga ito.
Nakakaadik to sum it all up.And I can't help it.Sakto lahat ng mga sinasabi mo.Mahilig ako magbasa and tagal ko ng naghahanap ng manunulat na kagaya mo.Mas naappreciate ko tuloy lalo ngayon yung mga manunulat na sariling atin.Salamat sayo Ate.Ive seen a part of myself sa lahat ng mga naisulat mo.Its as if Im reading my own thoughts.Sana makagawa ka pa ng maraming marami pa.Hays hindi ako makatulog gang ngayon I cant find a copy ng Its a Mens World mo.Im dying to read it.Wala ako mahanap eh.Saan pa ba meron?
Hahaha medyo uneasy pakiramdam ko habang gumagawa nito huwag naman sanang mapansin ang mga maling grammar or mga punctuations ko dito.Gaya dun sa 'Dumot' haha.Pero matutuwa din naman ako kung mabasa mo talaga ang mga ito.
Ate Bevz..Salamat ulit..Please allow me to share my life with you kahit sa simpleng paraang ito.Looking forward for more emails hehe..Kahit mapakinggan mo lang ang mga hinaing ko.But for now matutulog muna ko.Natutulog din naman ang mga Adik diba? (Adik sa katha mo).
Baka kasi ibang addiction maisip mo hehe.
Goodnight.Salamat Ulit.Godbless po.
Ps. Tiga Cavite din po ako.
Lovelots,
Pthia
Maraming salamat, Pthia, sa makapagbagbag-damdaming email na ito, haha! Keep in touch, kapatid.

Tuesday, October 14, 2014
P4,032.00
Kanina, finally, nakapag-remit kami ng pondong nakalap mula sa sales ng aklat ko noong ikalawang launching ng Nuno sa Puso I and II. Ginanap ito noong Set. 16, 2014 sa LIRAHAN poetry event sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City.
Ang P4,032 ay inihatid namin ni poy sa bahay nina Sir Vim sa Sikatuna Bliss, Quezon City kaninang pagkahapunan. Tinanggap ito ni Dr. Elay Nadera, ang maybahay ni Sir Vim Nadera. Ang mag-asawang Nadera ang nagtatag at namamahala ng Foundation for Advancing Wellness, Instruction and Talents, Inc. o Foundation AWIT. isa itong non-profit organization na nagtataguyod sa wellness ng kabataang Filipino.
Ang halagang P4,032 ay author's discount. so marami-rami rin ang aklat na nabili noong ikalawang launch, yey!
masaya kami na nai-remit na namin ito dahil matagal itong nabinbin sa amin sa sobrang nakakalokang iskedyul nang buong Setyembre. Masaya rin kami na malaki-laki ang halaga na naibigay namin kina Sir Vim. (Kamakailan ay pumanaw ang ina ni Sir Vim at noong dumalaw kami sa burol ay wala man lang kaming naiabot na kahit magkano.) Kung galing lang sa bulsa namin, malamang ay maliit lang ang naibigay namin sa kanila, haha!
kaunting background...
pagtuntong ng setyembre, naisip ko na sana ay magkaroon ng QC launch ang nuno sa puso. marami kasing kaibigan ang hindi nakapunta sa world trade center sa pasay para sa unang launch ng kambal na aklat noong agosto. so para sa mga kaibigang taga norte, sabi ko'y isa pa ngang launch!
naisip namin na isabay na lang sa lirahan ang launch para libre ang venue, ang Conspi. ang lirahan ay isang poetry reading na pinangungunahan ng lira, ginaganap ito tuwing ikatlong martes ng bawat buwan sa Conspiracy Bar. iyong concept namin sa launch na isang dating game ay sasahugan na lang ng "poetic qualities" haha para naman ma-justify ang pakikiisa sa poetry event ng launch na iyon.
pumayag naman sa mga nais naming gawin sina phillip kimpo jr, ang presidente ng lira, christa dela cruz, ang PR, dax cutab at rr cagalingan, ang mga tagapamahala ng lirahan.
naisip din namin na ibigay kay sir vim ang author's discount (ito ang discount na ibinibigay ng publisher kapag ang mismong author ang bumibili ng kanyang aklat) sa bawat aklat na mabebenta sa ikalawang launch. bilang abuloy sana namin sa yumao niyang ina. nang sabihin namin ito sa kay sir vim, sabi niya, wag na lang daw as abuloy. iyong pondong makakalap ay sa foundation awit na lang ibigay. iyon ang ipapampremyo nila sa mga mananalo sa contest nilang textanaga.
ay mas maganda kako! dahil related pa rin iyon sa writing! at tula. tamang tama sa lirahan poetry/book launching event!
kinausap namin ang publisher, visprint, tungkol sa pondong mapupunta sa Foundation Awit sa gabi ng launch. payag din si mam nida ramirez, ang publishing manager at si kyra ballesteros, ang editor.
so ayun. nairaos nang maayos at super saya ang ikalawang launch ng nuno sa puso. napakaraming dumalo at bumili ng aming aklat. yey, yey.
kaya... nakapag-raise kami ng ganitong amount P4,032.
sa lahat ng nabanggit ko sa itaas, muli, maraming salamat!
ngunit pinakamalaki ang pasasalamat namin sa mga dumalo, nakisaya at bumili ng nuno. I owe you P4,032. wala iyan kung wala kayo.salamat, salamat.
padayon!

Isang Tag-init sa Buhay ni Ani Rosa, Draft ng isang comics script tungkol sa epekto ng climate change sa agrikultura
Grabe, sa wakas, nakasulat uli. Haaay! bonggang labor ito.
Please, wag masyadong harsh sa comments, my friends. hahaha! Will post the third story soon.
Draft #3
Comics script para sa Story #1
Manunulat: Beverly Siy- 14 Oktubre 2014, Kamias, QC
Topic: Mga Epekto ng Climate Change sa Agriculture
Title: Isang Tag-init sa Buhay ni Ani Rosa
Setting: Contemporary times, rural, bakasyon sa eskuwela
Mga Pangunahing Tauhan:
1. Ani Rosa, 14 years old, Grade 8, batang magbubukid
2. Basil, 15 years old, Grade 9, dating batang magbubukid, naaadik sa pool
3. Danao, 16 years old, 4th year high school student, dating batang magbubukid, naaadik sa girlfriend
4. Krissy, 16 years old, 4th year high school student, girlfriend ni Danao
5. Nanay at Tatay, 40s, magbubukid
6. Aldo, 40s, ninong ni Ani Rosa, lider sa training para sa magbubukid
7. Babaeng speaker na taga- Lovely Face Collection, 30s, pustoryosa, nagpapakamoderno
8. Mister Pigapiga, 40s, trader, tagabayan
9. Mga magbubukid
FRAME 1: Naglalakad sa pilapil ang mag-inang sina Ani Rosa at Aling Resie. Papunta sila sa bayan para maghulog sa utang nila sa trader na si Mr. Pigapiga. Payak lamang ang suot nilang damit, nakatsinelas lamang na karaniwan. May payong na ay may face towel pa sa ulo sina Ani Rosa at Aling Resie dahil napakatindi ng sikat ng araw. Makikita rin sa background, bitak-bitak ang lupa. Ipakita ang matinding tagtuyot sa background.
CAPTION: Unang araw ng bakasyon sa eskuwela.
ANI ROSA: ‘Nay, parang di nababawasan ang utang natin kay Mr. Pigapiga.
Lakihan ang frame na ito. Ito ang establishing shot.
FRAME 2: Sakay ng isang karag-karag na tricycle, nagpahatid sa bayan ang mag-ina. Pawis na pawis sila sa loob ng tricycle.
NANAY: Mahigit trenta mil pa. Pero ang importante, nakakapaghulog tayo. Makakautang pa tayo sakaling pangit na naman ang ani natin.
FRAME 3: Sa opisina ni Mr. Pigapiga, nakatayo si Ani Rosa sa tabi ni Nanay. Si Nanay ay nakaupo sa silyang nasa harap ng mesa ni Mr. Pigapiga.
Si Mr. Pigapiga ay may inaabot na maliit na papel kay Nanay.
Makintab, malinis at magara ang opisina. May aircon.
Marami ang katulad nina Ani sa loob ng opisina. Nakaupo sila at walang bakanteng upuan. Ang iba’y nakaupo na sa sahig. Pawang magbubukid ang mga ito, maghuhulog din ng pambayad-utang kay Mr. Pigapiga.
ANI ROSA: Siguraduhin n’yo pong tama ang kuwenta n’yo, ha?
MR. PIGA-PIGA: Siyempre! O, ito ang resibo n’yo.
FRAME 4: Sa loob ng bahay nina Ani Rosa. Simple lang ang bahay, gawa na sa hollow blocks ngunit wala pang palitada. May mga sako pa ng semento sa sulok. Ang kagamitan nina Ani Rosa ay puro gawa sa kawayan (halimbawa ay ang mesa), wala ni isang kurtina sa bintana. Sobrang init sa labas, kita sa bintana.
Nadatnan nilang nag-iisa sa mesa si Tatay. Kumakain ito nang nakakamay at nakataas ang isang binti sa upuan. Butil-butil din ang pawis niya sa noo. Sa ibabaw ng mesa ay lalagyan ng diesel.
CAPTION: Pagdating sa bahay…
NANAY: Napakatindi ng init, ay! Nasaan sina Basil?
BERT/TATAY: Tinakasan na naman ako. Ayaw mautusang bumili ng diesel para sa water pump. Tuyot na ang palayan.
FRAME 5: Naglalakad sa bukirin si Ani Rosa. Papunta siya sa tindahan/bilyaran para sunduin ang kanyang mga pasaway na kuya. Tirik pa rin ang araw. Laging may pawis si Ani Rosa.
ANI ROSA (thought balloon lamang ito): Hirap na nga sa tubig ang buong bayan, pasaway pa sina Kuya sa pagpapaandar ng water pump?
FRAME 6: Sa gitna ng kanyang paglalakad, tumingala si Ani Rosa sa langit. Iniharang niya ang braso sa mga mata.
ANI ROSA (thought balloon): Itong langit na ‘to, kung makatodo ng init, nakakasira ng pananim. Kung makaulan naman, bagyo at baha ang dala.
FRAME 7: Close up ng mga dahon ng palay. Lahat ng pananim ay may sakit na tungro, isang sintomas nito ay matinding paninilaw ng mga dahon ng palay.
ANI ROSA (out of frame, thought balloon): May kinalaman yata ang matinding klima sa tungro!
FRAME 8: Pagdating ni Ani Rosa sa tindahan/bilyaran, nakita agad niya ang kuya. Sa isang tindahan na katatagpuan ng make-shift na bilyaran, may dalawang bench na gawa sa trunk ng puno at isang puno sa gilid. Nakatambay doon ang mga teenager. May dalawang babae doon, nakapambahay lang, nagpapaypay ng karton ng sigarilyo. May dalawang lalaki, nakasando na lang ang isa, ang isa’y nakahubad sa init. Nakasabit sa balikat ang kanilang mga kamiseta. Lahat sila’y pawis na pawis.
Si Basil ay may hawak na tako. Siya ang tumitira sa bilyaran.
FRAME 9: Sa likod ng puno sa tindahan, naroon ang isa pa niyang kuya, si Danao. Nakaakbay kay Krissy, ang girlfriend nito. Si Krissy ay maraming tigyawat pero makapal ang make up nito. Nagbabasa siya ng makulay na catalogue ng Lovely Face Collection. Naroon ang mga larawan ng make up, panty, bra at accessories for sale. Nakita rin sila ni Ani Rosa.
FRAME 10: Galit na galit si Ani Rosa. I-exaggerate ang mata, ilong at bibig. Mapapalingon kay Ani Rosa ang lahat ng kabataan sa tindahan na iyon.
ANI ROSA: Kuya Basil! Tuyot na ang mga palay, wala na tayong aanihin dahil iniisnab mo ang water pump natin! Ikaw, Kuya Danao, baon pa rin tayo sa utang, iba pa ang inuuna mo. Traktora muna, ay sus!
FRAME 11: Sa loob ng bahay, sa harap ng mesa, nagharap-harap ang tatlo. Malungkot ang kulay ng buong eksena. Nakasimangot lang si Ani Rosa.
CAPTION: Pagkauwi sa bahay…
KUYA BASIL: Ba’t di na lang ikaw ang bumili ng diesel?
KUYA DANAO: Nililinis naman ni Tatay ang traktora, ba’t iistorbohin mo pa ‘ko?
FRAME 12: Lalapit ang nanay at tatay nila sa mesa.
TATAY: Gusto lang ni Ani na tumulong kayo rito nang mabilis tayong makabayad sa utang.
FRAME 13: Close up kay Basil.
CAPTION: Biglang natauhan si Basil…
KUYA BASIL (mukhang nahimasmasan): Ganon po ba? Heto po… ‘yong ipon ko… P420. Galing sa mga panalo ko sa bilyar. Lalaro na lang po uli ako para tuloy ang kita.
FRAME 14: Close up ng pera sa palad ni Danao. Crumpled pa ang pera ni Danao.
CAPTION: … at si Danao.
DANAO (off frame): Me naipon din po akong P750. Nakapagbenta ako sa mga titser ko ng tsinelas na galing sa Lovely Face Collection. Isa po ‘yan sa negosyo ni Krissy.
FRAME 15: Malungkot na nagkatinginan lamang sina Nanay at Tatay.
CAPTION: Di malaman ng mag-asawa kung matutuwa sila o malulungkot. Masikap sa pera ang mga binatilyo, pero wala nang interes ang mga ito sa bukid. Sino ang papalit sa kanilang mag-asawa?
FRAME 16: Pagkaraan ng ilang araw, sa tindahan, magkatabing nakatayo sina Krissy at Danao. Nakasando lang si Danao. Si Krissy ay may hawak na catalogue ng Lovely Face Collection. Nagpapaypay si Krissy. Nasa tapat niya si Ani Rosa. Pawis na pawis silang tatlo.
CAPTION: Dumiskarte ang magkakapatid. Inalok ni Danao si Ani Rosa.
KUYA DANAO: Sa bawat mabenta mo, 25% ng presyo ang sa ‘yo.
FRAME 17: Same scene. Nakatitig si Ani Rosa sa malayo habang nakabuklat sa mga palad niya ang Lovely Face Collection catalogue.
ANI ROSA (thought balloon): Ito kaya ang solusyon sa problema namin sa pera?
FRAME 18: Umaga, sa may likod ng bahay, sinisipat ni Ani Rosa isa-isa ang mga lalagyan ng pesticide para sa pananim. May label na pesticide ang mga lalagyan nito. Mapapansin niyang halos wala nang laman ang mga ito. Alalang-alala ang mukha ni Ani Rosa. Pawis na pawis din siya. As usual, napakatindi ng init.
CAPTION: Isang araw, habang inihahanda ni Ani ang gamit ni Tatay…
ANI ROSA (thought balloon): Ubos agad? Humahaba yata ang buhay ng mga peste dahil sa sobrang init!
FRAME 19: Buhat-buhat ni Ani Rosa ang lalagyan ng pesticide. Kausap niya ang nanay niyang may tuwalya sa balikat at nagpapaypay. Init na init ito.
CAPTION: Nagpasya si Ani Rosa.
NANAY: Pupunta ka sa bayan para sa Lovely Face Seminar?
ANI ROSA: ‘Nay, puro gastos dito sa bukid. Maya’t maya, pesticide, diesel. Uutang na naman tayo pag nagipit.
FRAME 20: Nakalingon na sa bukid si Nanay.
NANAY: Gagaya ka na sa mga kuya mo? Lalayo ka na rin sa bukid?
FRAME 21: Sa loob ng selling area ng Lovely Face Personal Collection, maraming make up, pabango, pulbos at iba pang para sa mukha ang nasa shelves. Makikita ang malaking signage na Lovely Face Personal Collection.
Mukhang nakikinig sa seminar si Ani Rosa pero ang totoo, iba ang nasa isip niya. Seryoso ang kanyang maamong mukha.
May babae sa harap ni Ani Rosa at ng iba pang nakikinig. Ito ang speaker. Mukhang mga tagabukid din ang nakikinig sa speaker, karamiha’y kabataang babaeng morena at makapal ang make up.
SPEAKER: Sa lotion… blah…blah…blah…
ANI ROSA (thought balloon): Pa’no ang ibang magbubukid? Malakas din kaya silang mag-pesticide? Lagi din kayang sobra sa badyet ang gastos nila?
FRAME 22: Noong uwian na ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Sa labas ng Lovely Face, nakatayo si Ani Rosa kasama ang iba pang dumalo sa seminar. Malakas ang agos ng tubig sa kalsada. Ang iba sa kanila, may dalang payong, ang iba, tulad ni Ani Rosa, wala. Nakahilera sila at nagpapatila ng ulan.
ANI ROSA (malaki ang mga mata, alalang-alala) (thought balloon): Napakainit kanina tapos biglang babagyo? At baka bahain na naman kami tulad ng nangyari dati! Mabubulok ang palayan. Bakit mahirap maintindihan ang panahon?
FRAME 23: Sa kusina nina Ani Rosa, gabi, kausap niya ang kanyang nanay at tatay. Ang nanay ay nagbabalat ng sayote, ang tatay ay nagluluto. Nagpapaypay si Ani Rosa kasi mainit kahit umulan nang pagkalakas-lakas.
NANAY: Wala na rin kaming ekstra, Ani. Sama ka bukas sa PPB* training. Naroon ang Ninong Aldo mo. Magmano ka, baka sakaling bigyan ka ng pamasahe.
*Participatory Plant Breeding
FRAME 24: Close up sa mga paa nina Ani Rosa at Nanay. Puro crack ang lupa sa sobrang pagkatuyot nito. Mainit na mainit na naman ang araw.
CAPTION: Kinabukasan…
ANI ROSA (off-frame): Tatlong araw pa po pala ang seminar bago ako makapagbenta ng mga pampaganda, ‘Nay.
FRAME 25: Sa tumana, sa gitna ng araw, (hawak pa ni Ani Rosa ang catalogue ng Lovely Face Collection), sandosenang magbubukid ang nagkukumpulan sa gitna. Ang iba’y may dalang lapis at papel. Nakikinig sila sa isang kapwa nila magbubukid, si Aldo, ang ninong ni Ani Rosa. Si Aldo ay may hawak na binhi sa kanan at notebook sa kaliwa. Ballpen na nakaipit sa tenga. Medyo top view ang frame na ito.
FRAME 26: Hindi makalapit at hindi makahirit agad si Nanay sa ninong ni Ani Rosa. Dahil ito mismo ang nagsasalita sa harap ng lahat. Si Aldo.
ALDO: Tayo naman ang maglinang ng sarili nating binhi. Para di na tayo bili nang bili. Tulungan po tayong lahat dito, aralin kung alin ang uubra sa lupa natin ke sobra-sobra ang init o sobra-sobra ang ulan. Tulad ng nararanasan natin ngayon.
FRAME 27: Medium shot ni Aldo, ang binhing hawak niya, ang notebook niya at ballpen. Nakaumang ang ballpen sa notebook.
ALDO: Tiyagain lang ang pag-attend ng training. Para ito sa atin, sa mga anak at apo natin. O, sagot, tuwing anong oras po tayo magkikita rito?
FRAME 28: Si Ani Rosa, nakatitig sa Lovely Face Collection catalogue.
ANI ROSA (nakasimangot) (thought balloon): Ano bang naisip ko’t inuna ko pa ito? Ginto ba ang hanap ko? Aba, napagastos pa nga ‘ko, e, samantalang heto, at mas malapit sa puso ng pamilya ko ang tunay na ginto!
FRAME 29: Face off sina Ani Rosa at ang nanay niya, side-view shot. Magkahawak-kamay sila.
ANI ROSA (makikita sa mukha ang pagmamalaki sa sarili): ‘Nay, ‘wag na nating lapitan si Ninong. Di ko na kailangan ng pamasahe.
NANAY (tuwang-tuwa): Di ka na luluwas? Sasamahan mo na lang ako rito?
FRAME 30: Nakabukas na Lovely Face Collection catalogue, nasa loob na ito ng isang basurahan.
FRAME 31: Naglalakad mag-isa si Ani Rosa sa pilapil. Mainit na naman ang araw.
ANI ROSA (thought balloon): Kung ibang bagay pa ang iisipin namin, mapapalayo kami kina Nanay at Tatay. Balang araw, sino ba ang magmamalasakit sa sariling bukirin? Di ba, kaming mga anak din? Hmm… sana, mapa-oo ko sina Kuya. Puwede namang magbukid, magbilyar at magtinda ng tsinelas.
FRAME 32: Bukang-liwayway. Sa bukirin ng mag-asawa. May tumitilaok na tandang. Landscape view ng bukid at pilapil. Nakapila ang mga anino ng dalawang lalaki at isang babae, lahat sila ay nakasumbrero, naglalakad papunta sa pinakasentro at puso ng bukid. Makikita rin sa anino ang mga dala nilang gamit para sa pagsasaka.
Medyo landscape ang shot na ito.
Note to artist: Mahaba ang frame na ito.2/3 ng isang pahalang na space.
FRAME 33: Medium shot ng tatlo. Lahat sila, merong nakasampay na face towel sa balikat. Mukhang handang-handang harapin muli ang bukid.
DANAO: Bukas, magtatanim ako ng kalamansi.
ANI ROSA (tawang-tawa): Ay, oo. Sabi ni Ninong, pantanggal daw ‘yan ng taghiyawat. Bentahan natin si Krissy!
BASIL (tawang-tawa sa kapatid): Magandang negosyo ‘yan! Magtanim na rin tayo ng papaya at abokado. Balita ko, pampakinis ‘yan ng mukha.
Wakas.
Note to artist: Puwedeng mag-experiment sa size at shape ng bawat frame.

Monday, September 29, 2014
Mula sa mambabasang si Abbie Abs
Dahil mas gusto kong napaglalaanan ng oras ang komento ukol sa pagbasa (at katatapos na pagbasa) ng It's a Mens World at It's Raining Mens. Mas kakikitaan ng kariktan sa positibong pananaw ang parehas na libro ukol sa pagiging ina kay EJ. Hindi lahat ng ina marahil ganito ang reaksyon at pananaw ukol sa natatanging yugto sa buhay ng mga kababaihang iniraraos nang mag-isa ang kanilang mga anak. Salamat sa dalawang librong nagbigay-bahagi at sumasalamin sa iyo hindi lang bilang isang manunulat, kung hindi isang babae at isang ina. Salamat sa pagmulat sa katotohanan, pag-aaantig sa aming mga puso (at pagkiliti), at pagbigay ng halakhak sa iyong mga akda. Tunay ngang ang panitikan ay sumasalamin sa buhay ng bawat nilalang.
Friday, September 26, 2014
Mula sa mambabasang si Mark Joseph Arisgado
May kilig at kirot ang sense of humor ni Ms. Bebang sa kanyang aklat na It’s Raining Mens. Subalit sa kabila ng pait na maaaring ihatid ng iba’t ibang uri ng pagmamahal, maganda pa rin ang pangako ng pag-ibig sa atin. At masarap pa ring sumubok.
Mayaman sa karanasan --- maging totoo o likhang-isip --- ang aklat na mag-iiwan ng luha sa mambabasa, luhang dulot ng saya o sakit. Hahayaan ka ng aklat na sumilip sa buhay niya bilang ina, bilang anak, bilang nobya, bilang mangingibig. Isa ang aklat na ito sa mga nabasa kong aklat na ayaw kong bitiwan. Una ko itong binuklat sa MRT at LRT patungong Museo Pambata noong Miyerkules at di ko naramdaman ang hirap ng biyahe dahil sa aliw na ibinibigay ng bawat pahina! (Natapos ko siyang basahin kagabi.) Ito ang aklat na matapos mong basahin ay nais mong ipabasa sa iba upang sila rin ay maapektuhan --- kurutin at kilitiin.
Salamat, Mark! Wah, muntik na akong maiyak dito sa isinulat mo!

Wednesday, September 24, 2014
mula sa mambabasang si Janella Julio
good day po sobrang natutuwa po talaga ko sa mga gawa niyo lalong lalo na po yung its a mens world meron pong part na sobrang nakakarelate ako sa mga naging kaganapan sa buhay mo. ang cool po talaga , hindi nio po pinapahirapan yung mga mambabasa na intindihin yung gawa niyo. sana mameet ko din po kayo someday sana madami pa pong sumunod na librong ma publish mo
Maraming salamat, Janella! Magparami tayong mga uring mambabasa!

Mula sa mambabasang si Darwin Medallada
Mam, ang ganda naman ng It's Raining Mens, totoong mas mainam nga ito dun sa It's a mens world. Una, dahil ang karamihan sa kwento mo dito sa aklat ay iyong buhay single parent mo na at ang buhay may asawa. In short, matanda na. Tsarot lang.
Katulad ng dati ay may mga kwentong natatawa ako at binabalikan ko para basahin ng paulit - ulit (mga times three) tapos tatawa ulit ako. Hindi ko alam kung natural ang pagpapatawa at pagsundot sa puso ng mambabasa, pero nalungkot ako dun sa kwento ng things to do, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niyo sa anak niyong si EJ. At masama ba kung natatawa ako sa mga kwento ng Upa, It's Private, Sapin sa paa 1, 2 at 3 at hikaw at ako. Hindi ako babae pero bakit nagustuhan ko ang akda mo katulad ng mensahe mo noong pirmahan mo ang libro? May madyik ka nga talaga Mam. At isang tanong na lang, saan ka po kumuha ng malikhaing pagsulat sa Filipino? Naisip kong mag-aral ulit at kahit minsan naman sa buhay na 'to ay gawin ko man lang ang talagang gusto ko: ang pagkuha ng kursong gusto ko talaga noon pa.
Congrats uli dito ng marami sa bagong akda niyo Mam. Sulit ang bawat pahina ng libro, ang maiikling kwento, ang gagaling ng pagkakagawa nung Silent Movies at Birhen. Pati yung Love Story. huhuhu!
PS: Hindi ako naiyak pero talagang nakakapanggising po ng puso ang gawa mo. Inspirational. hehehe
Pahabol: Madaming aral sa libro. At sadyang mahilig mamroblema ang mga babae sa kanilang susuotin. Sapin sa paa. hahaha!
Darwin, daghang salamuch!

Mula sa mambabasang si Jam Cedeno
Grabe maam dalawa palang yung nababasa ko sa it's raining mens pero grabe sobrang nakakamangha na agad hahaha napaka kulit kung pano kayo magkwento ang galing maam! Salamat at congrats po pala sa isa nnmn na magandang libro!
Jam, salamat. Sana makalampas ka ng birhen hahahaha

Tuesday, September 23, 2014
Mula sa mambabasang si Von Howard "Po" Villaraza
Inuulan ng mga kalalakihan o mga lalake sa buhay ni Bebang (Michael, gangdee, Alvin, Ronald, Poy).
Pag-ibig, pag-asa, at pagbabago ang resulta sa mga pag-ulan ng karanasan sa buhay ni Bebang.
Dahil sa maalindog niyang kaalaman sa pagsusulat si Bebang ay sadyang inulan ng kalalakihan sa mga karanasan ng kanyang buhay at para magkaroon ng sequel ang It’s A Mens World.
Totoong magkakasakit ka kapag inulan ang iyong bunbunan lalot kung ikaw ay isa ng senior citizen.
Totoong biyaya rin ang hatid ng pag-ulan sa mga bukirin. (lalot bukirin ng kaligayahan, haha!)
Totoong ulan din ang makapag-papasaya o makapag-papalungkot depende sa iyong love life.
Hapdi, kirot, tuwa’t saya ang hatid ng ulan sa paglalakbay na mala-Maze runner sa buhay ni Bebang resulta’y positibong pananaw at katuparan ng mga pangarap.
Tara na! silong na sa payong ni bebang at uulanin ka ng swerte!...
Paborito ko ang Emails2, A Love story, Pa pa pa, The Proposal, There's beauty in darkness, Rabbit Love, Present, sizzling Sisid,, Silent movie, Happy sad, Ronald Everywhere, Pakiusap!...
Nakaguhit ba sa ating mga palad ang tadhana ng ating buhay pag-ibig at relasyon?.
Huminge na ng payo at tamang diskarte kay Binibining Bebang, ang super cool at Love Guru ng aklat.
Praktikal, walang keme, prangka, at positibong pananaw ang istilo niya sa pagharap sa mga suliranin at pagsubok sa buhay. Saan niya nakuha ang husay sa pagpapayo? ciempre sa kanyang karanasan at hilig sa pagbabasa.
Sa mga SMB jan o malamig ang magiging Pasko, eto na ang solusyon sa inyong problema sa pag-ibig o relasyon.
Sa akin pananaw kaya ito Nuno dahil dapat natin igalang ang mga payo sa atin ng mga nakakatanda at nakaranas na ng mga karanasan sabi nga ay "We learn from our experience".
Maraming salamat, Po! Patuloy tayong tumangkilik ng akdang Pinoy, mabuhey!

Sunday, September 21, 2014
Mula sa mambabasang si Danieson Gonzalvo
Ate Bebang! Sobrang ganda ng "It's Raining Mens" as in! Iyak-tawa ako eh. Napaka-totoo. Salamat sa mga kwento, tapos ko na yung libro :)
Sept. 19, 2014
Opo naman! Actually iba-blog ko itong libro. Grabe, hindi pa ako nakatawa nang ganun kalakas dahil sa isang libro. Buti na lang na sa loob ako ng kwarto at mag-isa, kasi kung sa cofee shop o sa restaurant ko siguro binasa, baka napagkamalan na akong baliw. Success sya, Ate Bevs. Salamat ulit sa sequel!
Sept. 20, 2014
Daghang salamat, Danieson. Sana magkasalubong uli tayo sa peyups.

Saturday, September 20, 2014
Mula sa pangulo ng Cavite Young Writers Association na si Karl Orit
Air and sounds lang tumbok agad! HAHAHAHA. Bentang-benta!
Sept. 18, 2014
9:13 pm
Yes, remember ateng letter sender na nagtatanong kung paano niya sasabihin sa asawa niya 'yong gusto niyang gawin nito sa kama. May pa-air-air pang sound effect sa salita! Hahaha! Kaya bentang-benta sa akin! Good morning!
Sept. 19, 2014
7:17 am
Natapos ko na parehas (yellow and blue nuno sa puso). Sobrang happy hormone inducing ang epek. Pero may amats - 'yong nagsulat. Joke. Haha, congrats nang marami ulit, Beb. Winner na winner ang gawa mo. :)
Sept. 19, 2014
7:20 am
Maraming salamat, Karl. Napakabuti mong kaibigan. hahaha!

Thursday, September 18, 2014
Mula sa mambabasang si Po ng PRPB
Nakaka-touch sa It's Raining Mens ay ang A Love Story. Ayaw ko nga lang ng titik. Gusto ko ng CENSORED. Hahaha! Gusto kong makagawa ng microscope!
Gusto ko rin ang Emails 2. Sana makatagpo rin ako ng magiging kasama ko sa aking paglalakbay.
17 Sept. 2014
11:05 pm
Hello, Po! Thank you, thank you. Makakatagpo ka rin ng para sa iyo. Gagawin kitang searcher, hahaha!

Thursday, September 4, 2014
Mula sa Mambabasang si Theresa Eloriaga
Hi po ms. Bebang! Ako po si Theresa Eloriaga. Isa po akong 4th year Fine Arts student sa UST. Isa po sa mga requirements upang makatapos ay ang paggawa ng thesis at ang category po na pokus ng aking thesis ay Book Illustration. Kakapalan ko na po ang mukha ko. Nais ko po sanang humingi ng permiso mula sa inyo sa paggamit ko ng It’s A Mens World bilang librong gagawan ko po ng mga illustration. Sinabihan po kami na magpadala ng pormal na sulat sa publisher ng napili naming libro upang ipaalam na tampok ang isang libro sa ilalim ng kanilang publishing house sa thesis na nais namin gawin. Kaya naman naisip ko rin po na sumulat sa inyo at humingi ng paalam bilang may akda at hati kayo ng Anvil Publishing sa karapatang-ari ng It’s A Mens World. Nakalakip din po sa email na ito ang pormal na sulat na ipinadala ko sa Anvil.
Kung nagtataka po kayo kung bakit ang libro niyo ang nais kong gamitin, simple lang po ang dahilan. May nagrekomenda sa aking basahin po ang It’s A Mens World at nang mabasa ko po ito ay naging instant fan niyo po talaga ako. Alam ko pong marami na po kayong narinig na papuri at komento tungkol sa inyong libro pero sasabihin ko pa rin po na bilib ako sa’yong angking tapang na ibahagi ang buhay mo sa aming mga mambabasa at syempre bonus na ang napakakwela niyo pong paraan ng pagkukwento. :D Nakarelate ako at sobrang nainspire kaya talagang mula sa umpisa, bawat titik, bawat salita, bawat pangungusap sa bawat pahina ay inabangan ko po talaga hanggang sa dulo ng iyong pasasalamat. Pramis! :D
Kaya po isang napakalaking karangalan po sa akin kung papayag po kayong mafeature ang It’s A Mens World sa thesis ko po. Mahalaga po kasi at sa tingin ko ay makakaapekto kung may basbas po mula sa’yo ang paggamit ko ng iyong libro. Nais ko rin po sana kasi kayong makunan ng panayam.:D Bilang paglilinaw po pala ay anumang bahagi ng It’s A Mens World ay hindi ililimbag at ipagbibili sa kahit anong paraan. Tampok lamang po ito bilang libro na gagawan ng illustrations at advertising campaign. Sana po ay pag-isipan niyo. :) nakuha ko po pala ang email address niyo sa inyong blog. Kung may nais po kayong linawin o itanong ay maaari niyo po akong replyan sa email na ito o makontak sa numerong 091XXXXXXXX. Maraming salamat po sa inyong oras!
Lubos na humahanga,
Theresa :)
Maraming salamat dito sa makabagbag-damdaming liham, Tere! Email-email, ha? See you soon.

Wednesday, September 3, 2014
Diona Mula sa San Joaquin
Noong 27-29 Agosto 2014, ako ay nasa Leyte para magturo ng basics ng tula at magkuwento tungkol sa aking paglalakbay bilang isang manunulat, sa mga elementary at high school student ng Leyte. National Book Development Board ang nag-imbita sa akin at pinamagatang Booklatan sa Bayan ang event. Kasama ko rito si Bb. Daryll Delgado na isang manunulat na tubong-Tacloban, at ngayon ay naninirahan na sa Quezon City.
Sa pag-iimbita at pag-aasikaso sa amin, nagpapasalamat ako kina Mam Ciela Cayton, Executive Director, Camille dela Rosa, Deputy Executive Director, Wilfred Castillo, Director IV, Salvador Briola, Project Development Officer III at Bb. Marfe de Castro, Project Development Officer I.
Kakaiba ang workshop na ito para sa akin. Dito ko naisip, may kongkretong silbi talaga ang tula kahit sa modernong mundo at panahon.
Kayrami kong natutuhan mula sa mga participant! Maraming salamat sa inyo, mga batang Leyte.
*******************************************************************************************************************************
Ang ikalawang session namin ay ginanap sa San Joaquin Central School sa Palo, Leyte.
Heto ang mga akda ng mga estudyante:
Diona mula sa San Joaquin
Madilim ang paligid
Nang ako ay mag-igib.
Tuhod ko ay nanginig.
-John Rey A. Tobias, 12
Liberty Elementary School
Sumusunod s’ya agad
Sa trabaho ma’y sagad
At sa araw ay bilad.
-Ma. Angelica G. Sevilla, 11
Tanauan II Central School
Ang bata’y nanganganib
Sa malulubhang sakit.
Dapat siyang masagip.
-Mickylla Claire M. Tupaz, 10
Macupa Central School
Ang batang sawingpalad,
Ayan, palaging tamad,
Kaya s’ya’y nakabilad.
-Kaye L. Vinculado, 10
Lamak Central School
Sa kuwebang masikip
Doon ay walang tubig.
Ayoko nang bumalik.
-Joesam T. Yu, 11
La Paz Central School
Akho si Nena Vavoy,
Nagsasalithang vulol.
Gustso ko nang uminom.
-Angelica Mae C. Salatan, 11
Tunga Central School
Kakauwi pa lang…
Pakibuksan ang ilaw.
Kukunin ko ang sitaw,
Ilalagay ko sa sabaw.
-Jyllyn Gayle Mendoza, 11
Tanauan I Central School
Nandiyan na si Edith,
Nakakita ng yagit.
Ito’y kanyang kinulit.
-Carl Joseph S. Fuerzas, 12
Matalom North School
Ang aso ay tumahol
Dahil ito’y nagutom.
Natakot tuloy si Boy.
-Mabeth M. Lugasan, 11
San Jose Central School
Sobrang ingay ng tambol!
Galit ang asong ulol!
Kahol ito nang kahol!
-Hannah Joy C. Kahano, 11
Daniel Z. Romualdez Memorial Elementary School
Mayro’ng dalawang langaw
Na palaging maingay
Sa ulo ng kalabaw.
-Nickson Andrew G. Tejones, 11
Binongtoan Central School
Guro ay laging galit
Sa malalaking bibig
Ng batang makukulit.
-Dawn Marie Julianna V. Murillo, 11
Palo I Central School
Daan
Ang kanyang mga damit,
Isinabit sa lubid,
Tuyong-tuyo sa init.
-Sherika Abundo, 11
Inopacan Central School
Nagsusulat si Dan-Mark,
Biglang may lumagapak.
May multong pumalakpak!
-Shama Becera, 11
Libertad Elementary School
Ang batang gutom,
Kumain ng lechon.
Ang panghimagas ay butong.*
*butong-kinayod na buko
-Maria Jansheen V. Semblante, 12
Hindang Central School
Tumayo na sa sapin,*
Magbenta ng kakanin
Upang may makakain.
*sapin-telang inilalapat bilang higaan
-Louise Raquim P. Verona, 11
Gabaldon Central School
Sa malaking bahay,
Maraming alalay,
Sa gawain ay sanáy.
-Justin Julienne Jo. Almeria, 12
Pawing Elementary School
Walang kamalay-malay
Si Tatay na may patay
Doon sa kapitbahay.
-Angelica A. Navarra, 9
Granja Central School
Mayroon akong biik.
Ito’y ubod ng liit.
Kulungan ay masikip.
-Nicolas M. Echavez, 10
Mac Arthur Central School
Nawala ang aking bag.
Hanap ako nang hanap,
Nandoon na sa dagat.
-Janine Clarisse Antaran
San Joaquin Central School
Pag-aaral ay dapat,
Mamaya na ang usap.
Tayo na at magsikap.
-Jean Lourd B. Misa, 11
Cassidy Elementary School
Tinapay na malaman,
Di naman malinamnam.
Hayun, nakatiwangwang.
-Cindy D. Luego, 29
Teacher, Palompon South Central School
Si Biki na makulit,
Ayaw niyang makinig
Sa may malaking bibig.
-Benjielyn L. Estremos, 27
Teacher, Palompon North Central School
Sa bundok na madilim
Nandoon si Mang Libid.
May bahay na maliit.
-Kemart E. Villegas, 10
Capoocan Central School
Mga lugar na liblib,
Mga bato ay dikdik,*
Hayop ay mababangis.
*dikdik-
-Mhel Christele P. Palmares, 10
Sta. Fe Central School
Ang aso ay nagutom
Kaya siya ay tumahol.
Napakain na ngayon.
-Mary Rose N. Abanes, 9
Leyte Central School
Si Rosa ay may hardin,
Tinaniman ng butil,
Tumubo ang yellow bell.
-Reina G. Aureo, 11
Bato Central School
Kain tayo ng pansit
Habang tayo’y naka-sit.
Ay! Nalaglag na! Wit it!
-Chezka Dannielle B. Alve, 12
Alang-alang I Central School
Si Jayson ay naratol*
Nang umiyak ang baboy
Dahil ito ay bahol.*
*ratol-nagulat
*bahol-malaki at mabigat
-Johanna Maraie F. Remandaban, 12
Tabango Central School
Ako ay nabibilib
Sa batang nasa tubig
Kahit s’ya’y nasa gilid.
-Herlyn A. Terano, 11
Burauen South Central School
Mayroong isang kawal,
Sobra ang kanyang yabang!
Lagi s’yang may kaaway.
-Darlene Jehan C. Balais, 11
Barugo II Central School
Sina Tatay sa bukid
Ay gumawa ng lubid
Na gamit sa pagtawid.
-Marielle Ann M. Atarca, 11
Barugo I Central Elementary School
Ilang tala:
Inedit ni Beverly W. Siy ang ilang akda.
Isinalin ni Daryll Delgado sa wikang Filipino ang ilang salitang Waray at ipinaliwanag niya ang ilang icon mula sa Leyte.

Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...