Hi po ms. Bebang! Ako po si Theresa Eloriaga. Isa po akong 4th year Fine Arts student sa UST. Isa po sa mga requirements upang makatapos ay ang paggawa ng thesis at ang category po na pokus ng aking thesis ay Book Illustration. Kakapalan ko na po ang mukha ko. Nais ko po sanang humingi ng permiso mula sa inyo sa paggamit ko ng It’s A Mens World bilang librong gagawan ko po ng mga illustration. Sinabihan po kami na magpadala ng pormal na sulat sa publisher ng napili naming libro upang ipaalam na tampok ang isang libro sa ilalim ng kanilang publishing house sa thesis na nais namin gawin. Kaya naman naisip ko rin po na sumulat sa inyo at humingi ng paalam bilang may akda at hati kayo ng Anvil Publishing sa karapatang-ari ng It’s A Mens World. Nakalakip din po sa email na ito ang pormal na sulat na ipinadala ko sa Anvil.
Kung nagtataka po kayo kung bakit ang libro niyo ang nais kong gamitin, simple lang po ang dahilan. May nagrekomenda sa aking basahin po ang It’s A Mens World at nang mabasa ko po ito ay naging instant fan niyo po talaga ako. Alam ko pong marami na po kayong narinig na papuri at komento tungkol sa inyong libro pero sasabihin ko pa rin po na bilib ako sa’yong angking tapang na ibahagi ang buhay mo sa aming mga mambabasa at syempre bonus na ang napakakwela niyo pong paraan ng pagkukwento. :D Nakarelate ako at sobrang nainspire kaya talagang mula sa umpisa, bawat titik, bawat salita, bawat pangungusap sa bawat pahina ay inabangan ko po talaga hanggang sa dulo ng iyong pasasalamat. Pramis! :D
Kaya po isang napakalaking karangalan po sa akin kung papayag po kayong mafeature ang It’s A Mens World sa thesis ko po. Mahalaga po kasi at sa tingin ko ay makakaapekto kung may basbas po mula sa’yo ang paggamit ko ng iyong libro. Nais ko rin po sana kasi kayong makunan ng panayam.:D Bilang paglilinaw po pala ay anumang bahagi ng It’s A Mens World ay hindi ililimbag at ipagbibili sa kahit anong paraan. Tampok lamang po ito bilang libro na gagawan ng illustrations at advertising campaign. Sana po ay pag-isipan niyo. :) nakuha ko po pala ang email address niyo sa inyong blog. Kung may nais po kayong linawin o itanong ay maaari niyo po akong replyan sa email na ito o makontak sa numerong 091XXXXXXXX. Maraming salamat po sa inyong oras!
Lubos na humahanga,
Theresa :)
Maraming salamat dito sa makabagbag-damdaming liham, Tere! Email-email, ha? See you soon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment