Tuesday, October 14, 2014

P4,032.00

Kanina, finally, nakapag-remit kami ng pondong nakalap mula sa sales ng aklat ko noong ikalawang launching ng Nuno sa Puso I and II. Ginanap ito noong Set. 16, 2014 sa LIRAHAN poetry event sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Quezon City.

Ang P4,032 ay inihatid namin ni poy sa bahay nina Sir Vim sa Sikatuna Bliss, Quezon City kaninang pagkahapunan. Tinanggap ito ni Dr. Elay Nadera, ang maybahay ni Sir Vim Nadera. Ang mag-asawang Nadera ang nagtatag at namamahala ng Foundation for Advancing Wellness, Instruction and Talents, Inc. o Foundation AWIT. isa itong non-profit organization na nagtataguyod sa wellness ng kabataang Filipino.

Ang halagang P4,032 ay author's discount. so marami-rami rin ang aklat na nabili noong ikalawang launch, yey!

masaya kami na nai-remit na namin ito dahil matagal itong nabinbin sa amin sa sobrang nakakalokang iskedyul nang buong Setyembre. Masaya rin kami na malaki-laki ang halaga na naibigay namin kina Sir Vim. (Kamakailan ay pumanaw ang ina ni Sir Vim at noong dumalaw kami sa burol ay wala man lang kaming naiabot na kahit magkano.) Kung galing lang sa bulsa namin, malamang ay maliit lang ang naibigay namin sa kanila, haha!

kaunting background...

pagtuntong ng setyembre, naisip ko na sana ay magkaroon ng QC launch ang nuno sa puso. marami kasing kaibigan ang hindi nakapunta sa world trade center sa pasay para sa unang launch ng kambal na aklat noong agosto. so para sa mga kaibigang taga norte, sabi ko'y isa pa ngang launch!

naisip namin na isabay na lang sa lirahan ang launch para libre ang venue, ang Conspi. ang lirahan ay isang poetry reading na pinangungunahan ng lira, ginaganap ito tuwing ikatlong martes ng bawat buwan sa Conspiracy Bar. iyong concept namin sa launch na isang dating game ay sasahugan na lang ng "poetic qualities" haha para naman ma-justify ang pakikiisa sa poetry event ng launch na iyon.

pumayag naman sa mga nais naming gawin sina phillip kimpo jr, ang presidente ng lira, christa dela cruz, ang PR, dax cutab at rr cagalingan, ang mga tagapamahala ng lirahan.

naisip din namin na ibigay kay sir vim ang author's discount (ito ang discount na ibinibigay ng publisher kapag ang mismong author ang bumibili ng kanyang aklat) sa bawat aklat na mabebenta sa ikalawang launch. bilang abuloy sana namin sa yumao niyang ina. nang sabihin namin ito sa kay sir vim, sabi niya, wag na lang daw as abuloy. iyong pondong makakalap ay sa foundation awit na lang ibigay. iyon ang ipapampremyo nila sa mga mananalo sa contest nilang textanaga.

ay mas maganda kako! dahil related pa rin iyon sa writing! at tula. tamang tama sa lirahan poetry/book launching event!

kinausap namin ang publisher, visprint, tungkol sa pondong mapupunta sa Foundation Awit sa gabi ng launch. payag din si mam nida ramirez, ang publishing manager at si kyra ballesteros, ang editor.

so ayun. nairaos nang maayos at super saya ang ikalawang launch ng nuno sa puso. napakaraming dumalo at bumili ng aming aklat. yey, yey.

kaya... nakapag-raise kami ng ganitong amount P4,032.

sa lahat ng nabanggit ko sa itaas, muli, maraming salamat!

ngunit pinakamalaki ang pasasalamat namin sa mga dumalo, nakisaya at bumili ng nuno. I owe you P4,032. wala iyan kung wala kayo.salamat, salamat.

padayon!



5 comments:

BabyPink said...
This comment has been removed by the author.
BabyPink said...

Hello, Ms. Bebang Siy! :-)

Nahanap ko ang blog mo through Google! I wrote a little fan letter for you and posted it on my blog. Medyo dyahe pero, WTH, I might as well show it to you. Hehe:-)

Muli, salamat! :-)

Ito ang link sa blog entry:
http://bago-a-raga.blogspot.com/2014/10/who-run-world-mens.html

:-)

babe ang said...
This comment has been removed by the author.
babe ang said...
This comment has been removed by the author.
babe ang said...

OMG, Diandra/Baby Pink! Nakakaiyak ang iyong blog etry na may liham para sa akin. I am so happy to meet you, te! hahaha! ang liit ng mundo. si Sir Flores ay isa sa pinakamatalik kong kaibigan! Si Mam Mye ay lagi naming kausap dahil sa pagpa-publish niya ng aklat sa Balangay ni hubby. email mo ako please beverlysiy@gmail.com! paano ba kita makokontak?

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...