Draft #5
Comics script para sa Story #2
Manunulat: Beverly Siy, may suggestions mula kay Mam Normin Naluz
7 Nobyembre 2014, Kamias, QC
Topic: Ang pag-adapt ng mga magsasaka sa climate change
Title: Ang Kuwento ni Aldo
Setting: Contemporary times, rural at siyudad, isang season ng pagsasaka
Mga Tauhan:
1. Aldo, 40’s, magbubukid na magiging lider sa training para sa magbubukid
2. Amihan, 30’s, kasintahan ni Aldo, simple lang ang beauty, tauhan sa isang eatery sa Kutitap City
3. Maya, 30’s, farmer trainor, maganda
4. Ber, 40’s, kaibigang magbubukid ni Aldo
5. Ahente, 50’s, kakilala ni Aldo, ahente ng bahay at lupa, realty
6. Mga magbubukid, babae at lalaki
FRAME 1: Isang hapon, sa labas ng isang dampa, nakaupo sa isang maikling bench si Aldo, may kausap siya sa cellphone. Nakatanaw si Aldo sa malayo, nakakunot ang kanyang noo. Nakataas ang isang paa niya.
Ang kausap niya ay ang kasintahan na si Amihan. Nasa Kutitap City si Amihan, nagtatrabaho bilang tagaluto sa isang kainan.
CAPTION: Pinipilit na naman siya ni Amihan.
AMIHAN (off-frame): Dito ka na lang kasi magtrabaho, Aldo. Kailangan pa nila ng tao dito sa eatery. Okey ang sahod, makakaraos.
FRAME 2: Gabi na. Tapos na silang mag-usap sa telepono. Nasa loob na ng kanyang dampa si Aldo. Nakahiga siya sa banig sa isang sulok ng dampa. Mulat na mulat pa siya.
CAPTION: Pag sumunod si Aldo sa girlfriend, wala nang mag-aalaga ng kanyang bahay.
ALDO (Thought balloon): Pero tumatanda na kami. Gusto ko na ring mag-asawa.
FRAME 3: Umaga, mga alas-diyes. Nasa labas ng kanyang dampa si Aldo kausap ang ahente ng mga bahay at lupa.
May dalang bag at folder ang ahente. Halatang salesman sa itsura pa lang. Nakatingin ang ahente sa dampa ni Aldo, parang sinisipat.
CAPTION: Naisip ni Aldon na kausapin ang kilalang ahente sa kanilang lugar.
AHENTE: Oo, puwede nang ibenta! Pag napaayos, tataas pa ang presyo n’yan, malapit kasi sa highway.
FRAME 4: Same day, nakaalis na ang ahente. Nanatili si Aldo sa tapat ng kanyang dampa. Nakatanaw pa rin sa malayo.
ALDO (thought balloon): Sana maganda ang ani para mapaayos ko ‘to. Sapat na siguro ang mapagbebentahan ng bahay para makapag-umpisa kami ni Amihan.
FRAME 5; Flashback (puwedeng black and white ang frame na ito). Ang buong frame ay mas mahaba sa karaniwan. Hatiin sa tatlong makikitid na parihaba ang buong frame.
CAPTION: Ngunit maaalala ni Aldo ang…
Parihaba 1: Puno ng niyog na sinasabunutan ng napakalakas na hangin. Simbolo ito ng bukid na binabayo ng bagyo.
Parihaba 2: Bukirin na lubog sa baha.
Parihaba 3: Isang usbong ng palay na nakatanim sa lupa na sobrang tuyot at nagka-crack na.
FRAME 6: Close up ng mga kamay ni Aldo. Ipakita kung gaano na ito katagtag sa pagbubukid.
ALDO (thought balloon at off-frame): Sakaling pangit ang ani, ibebenta ko na ang bahay kahit di pa ito naaayos. Susunod na ‘ko kay Amihan.
FRAME 7: Umaga. Sa bukid, nagkakaingin si Aldo.
CAPTION: Di na nagpatumpik-tumpik si Aldo. Hinarap na niya ang bukid.
FRAME 8: Same scene sa Frame 7. Darating si Ber, isang kaibigan ni Aldo na magbubukid din. Ipakitang puno ng pagtataka ang mukha ni Aldo habang kausap si Ber.
CAPTION: Napadaan si Ber, kaibigan ni Aldo na isa ring magbubukid.
ALDO: Bakit? Anong problema?
BER: Masama na ang magkaingin, di mo ba alam?
FRAME 9: Close up ng isang tanim na wala nang bunga.
BER (off frame): Para lumaki ang pananim, kukuha ito ng mga sustansiya sa lupa. Pag nagsunog ka, ang tanim ay bumabalik sa lupa bilang abo. E, walang sustansiya ang abo.
ALDO (off frame): Napuputol nga ang pag-ikot ng sustansiya!
FRAME 10: Nag-uusap sina Aldo at Ber, same setting ng Frame 7.
CAPTION: Natuklasan ni Aldo kung bakit mas maganda ang ani ni Ber nitong mga nakaraang taon.
BER: May mga bagong paraan ng pagbubukid. Halika, ipapakilala kita sa trainor namin. Teka, di ba, Aldo, single ka pa? Maganda si Maya, single din!
ALDO: Ikaw talaga, Ber! Meryenda nga tayo. Ikukuwento ko sa ‘yo ang plano ko.
FRAME 11: Sa isang pagpupulong ng mga magbubukid, nakaupo ang mga magbubukid na babae at lalaki sa mga bench na gawa sa mga plank ng niyog. Isa roon si Aldo. May hawak na papel at panulat ang lahat. Lahat sila ay nakikinig sa babaeng farmer trainor na si Maya. Tanaw ang bukirin mula roon.
Note: ang suot nila ay pare-parehong pantaas. Parang uniform ng mga taga-Farmer Field School.
CAPTION: Unang araw pa lang, marami nang natutuhan si Aldo.
MAGBUBUKID: Maya, hindi lahat ng insekto ay peste?
FRAME 12: Same scene ng Frame 11 pero mas focused kay Maya. May hawak siyang mga larawan ng mababait na insekto.
MAYA: Oo, kaya ‘wag kayong bomba nang bomba ng pesticide. Pinapatay nito pati ang gagamba o tutubing kumakain ng pesteng insekto.
FRAME 13: Same day, same scene sa Frame 11. Pagkatapos ng pulong, magkausap sina Aldo, Maya at Ber. Magkatabi sina Maya at Aldo. Nakangiti lang si Maya, masayang-masaya siya.
ALDO: Andami ko na palang hindi alam. Lagi na akong pupunta rito.
BER: Dapat updated para lalong gumanda ang ani mo. Aldo, mapapaayos na ang bahay mo!
FRAME 14: Malakas ang ulan. Sa sarili niyang bukid, nakamasid si Aldo sa isang bahagi ng bukirin kung saan katatanim lang niya ng binhi ng “submarino,” isang variety ng rice na nabubuhay at yumayabong kahit lubog ito sa baha nang ilang araw.
Si Aldo ay nakasumbrero, pansangga niya sa malakas na ulan ang isang dipa ng plastic cover.
CAPTION: Mula noon, ginagawa na ni Aldo sa sariling bukid ang natutuhan sa mga training ni Maya.
ALDO (thought balloon): Buti at nakapagtanim ako ng binhi ng “submarine rice.” Kahit mababad ito sa baha, tutubo at lalaki pa rin ito.
FRAME 15: Sa meeting uli ng magbubukid, magkaharap sina Aldo at Maya. May inaabot na plastik si Aldo sa dalaga.
CAPTION: Dahil sa sinabi ni Maya tungkol sa pagpapalitan ng binhi na galing sa iba pang lugar, ginanahan si Aldo at iba pang magbubukid na magbigay din ng binhi para doon.
MAYA: Salamat. Makakarating ito sa iba pang magbubukid.
ALDO: Maya, ‘yon palang binhi na galing sa kabilang bayan, napakaganda ng tubo! Naobserbahan kong bagay sa lupa natin ang ganong binhi.
FRAME 16: Sa harap ng dampa, pinagmamasdan ni Aldo ang bunga ng kanyang mga halamang kamatis, kalamansi, papaya at paminta.
May ulo ni Maya sa gilid ng frame.
MAYA (parang caption ang itsura ng linyang ito): Magtanim ng perennials. Ito ‘yong mga halamang isang beses lang itatanim pero buong taon kung magbunga. May ulam na, kikita ka pa ng ekstra mula d’yan.
FRAME 17: Medium shot ni Aldo, nakatitig siya sa kanyang listahan. Kailangang mababasa ng reader ang nakasulat sa listahan.
ALDO (thought balloon): Ba’t nga ba ako aasa sa isang uri lang ng pananim? Para may maaasahan kahit may bagyo, baha o tagtuyot, magtanim ng marami at sari-sari.
Ito ang nakasulat sa listahan:
talong
kamatis
okra
sili
papaya
kalamansi
FRAME 18: Isang araw, pinuntahan ni Maya at ng iba pang magbubukid (babae at lalaki) si Aldo sa bukirin. Mayabong ang lahat ng pananim ni Aldo. Nakayuko ang ilan sa mga magbubukid at nag-eeksamin ng mga pananim habang nagsasalita si Aldo.
Ipakita na magkatabi sina Maya at Aldo.
CAPTION: Samantala, buo ang atensiyon ni Aldo sa bukid. Mapapaayos niya ang bahay para maibenta ito nang mas mahal. Makakaluwas na siya sa Kutitap City. Mapapakasalan na niya si Amihan!
ALDO: Naobserbahan kong ang ganitong binhi, na sinasabing mabubuhay kahit sa lugar na malapit sa tubig-alat, hindi kailangan ng maraming abono.
MAYA: Aba, tipid! Gaano kakonti ang abono para dito?
FRAME 19: Sa eatery sa Kutitap City, di mapakali si Amihan sa isa sa mga upuan. Matumal ang customer. Maluha-luha siya habang hawak nang mahigpit ang cellphone na luma at apron niyang lukot-lukot na.
CAPTION: Pero wala nang masagap na balita si Amihan tungkol kay Aldo.
AMIHAN (thought balloon): Ano na nga ba ang plano niya sa ‘min? Mahal pa kaya niya ‘ko? Baka may iba na siya…
FRAME 20: Sa harap ng taong pinagbentahan ng kanyang ani, nagbibilang si Aldo ng pera. Maluwang ang ngiti ni Aldo.
CAPTION: Di nagtagal, dumating ang tag-ani. Tumaas nga ang kita ni Aldo. Naalala niya ang orihinal na plano. Gagawin pa kaya niya ito?
ALDO (thought balloon): Isasabay ko lang lagi sa pagbabago ng panahon ang paraan ko ng pagbubukid!
FRAME 21: Sa tapat ng isang pondahan, kausap ni Aldo si Ber at isa pang magbubukid na lalaki. Kasama nito ang isa pang teenager na lalaki.
ALDO: O, P300 kada araw, mga pare. Sa Lunes ang materyales para mapaayos ang bahay. Asahan ko kayo, ha?
BER: Ekstrang kita rin ito, mga pare ko. Kina Aldo tayo pagkagaling sa bukid.
FRAME 22: Magkausap sina Maya at Aldo sa lugar kung saan idinaraos ang meeting. Sila lang ang tao roon. Medyo nahihiya ang itsura ni Aldo. May iniaabot siyang pera kay Maya. May hawak namang papel si Maya.
CAPTION: Sunod niyang pinuntahan ay si Maya. Nagpatulong siya para sa isang surpresa kay Amihan.
ALDO: Pasensiya sa abala, Maya.
MAYA: Okey lang, Aldo. May kaibigan akong nagtitinda ng alahas. Baka may singsing siya na maganda ang design! Dadalhin ko rin sa office sa bayan ang papeles na ‘to. Rekomendasyon para gawin kang farmer trainor dito sa atin. Congrats, ha?
FRAME 23: Pagdating ng Lunes, sa tapat ng bahay ni Aldo, may tatlong lalaking nagko-construction. Isa roon si Ber, may nakaumang na panukat sa isang tabla. Ang isa’y may hawak na yero, ang isa’y may pasan na sako.
Si Aldo ay nasa gitna nilang lahat. May kausap siya sa cellphone.
CAPTION: Naglakas-loob na si Aldo.
FRAME 24: Nakapikit si Aldo. Nag-i-imagine siya. Puwedeng luwagan ang frame na ito para ma-accommodate ang lahat ng laman ng imagination.
ITO ANG LAMAN NG IMAGINATION NIYA:
Maayos na ang kanyang bahay. Pero hindi lumaki ang bahay. Same size pa rin ito. Ang pawid na bubong ay napalitan na ng yero. Ang mga dingding ay naging plywood na. Mas malaki ang bintana at nakukurtinahan na ito. Maraming namumungang halaman sa paligid.
Magkaharap sina Aldo at Amihan pero nakatungo si Amihan. Nakatingin sa singsing na iniaalay sa kanya ni Aldo bilang simbolo ng pagmamahal at commitment ng lalaki.
Larawan ng kaligayahan sina Aldo at Amihan.
CAPTION: Inaabangan na ni Aldo ang pag-uwi ni Amihan sa kanilang bayan.
SPEECH BALLOON NG ALDO NA NASA LOOB NG IMAGINATION:
Amihan, tatanggapin mo ba ako bilang asawa?
Wakas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment