nagbebenta rin ako ng books. sideline namin ito dati pa. hoarder kasi kami ni poy. kapag may warehouse sale ang mga publisher, sumusugod kami sa warehouse tapos kahon-kahong libro ang iniuuwi namin. hindi naman namin binabasa ang lahat ng libro. kaya maraming-maraming libro sa bahay.
para mabawasan ang mga ito at makadagdag sa income namin, sumasali kami sa mga bazaar. nagtitinda kami sa mga event ng kaibigan. laging three for 100 ang aming aklat. kadalasan, hindi kami kumikita. kasi nagbabayad kami ng bazaar space at pamasahe sa taxi, nagbabayad din kami ng assistant na tagabantay at tagabuhat.
so ayun.
pero dahil mas advocacy namin ito, tuloy lang. sumasali pa rin kami sa mga event ng kaibigan, inuubos na lang namin ang mga aklat.
kaya anong saya ko nang ma-meet ko online ang filipiniana collector na si renz maninang. taga-angeles city siya, 22 years old na nag-oopisina. na-meet ko siya sa isang facebook group kung saan malayang nagpapalitan ng mga electronic copies ng aklat (thank god, mostly foreign titles) ang mga member. siyempre, na-high blood ako. pinagsabihan ko ang mga naroon, kako masama iyan, katumbas yan ng pagnanakaw. may ilang sumagot at ipinaglaban ang kanilang ginagawa at halos maubos ang energy ko sa pakikipagsagutan sa mga member na iyon.
anyway, biglang nag-pm sa akin si renz. nakita raw niya ang mga ipinost ko. puwede raw bang bumili ng aklat ko. aba, oo kako, salamat! tinanong din niya kung may alam akong nagbebenta ng filipiniana books sa internet. akala ko, ebooks ang ibig niyang sabihin kaya itinuro ko siya sa flipreads, vibe bookstore at buqo, pero hindi pala. printed na filipiniana books pala ang hanap niya.
sabi ko, ako, meron. nagtitinda ako.
doon na nagsimula ang aming transaksiyon. interesado raw siya sa kahit anong filipiniana book. collection daw niya iyon at para rin daw sa coffee shop/library na gusto niyang itayo sa angeles in the future. wow, at pareho pa kami ng pangarap.
agad kong hinanap ang pinakamagagandang filipiniana sa aming benta box (yun yung dinadala namin kapag nagbebenta kami ng books). tapos piniktyuran ko ang mga ito. pero dahil hindi ako marunong mag-download at mag-upload, tumagal nang 100 years bago nakarating ang titles kay renz. hinintay ko pa kasing mabakante si poy para gawin ang mga iyon sa laptop.
anyway, 30 books lahat iyon. 1000 lahat. plus lahat ng books ko (puwera ang mingaw), almost 1k din. sabi ko bibilhin mo pa rin? oo raw.
aba, big time ang batang ito.
sabi ko, heto ang bank account details ko. pakisabihan ako kapag na-deposit mo na, ha? opo raw.
ipapa-ship ko na sana kaya nag-research ako sa net ng murang courier services na aabot ng angeles. kaya lang mukhang mahal ang shipping dahil napakarami ng aklat.
bigla niyang sabi, mam, luluwas na lang ako. tutal, may isa pa akong imi meet na seller.
sabi ko sa isip ko, baka scam na to a. too good to be true! luluwas para lang sa aklat? huwatda...
pero dahil walang masyadong mawawala sa akin dahil nasa akin pa rin ang mga aklat ko no matter what, nagset na kami ng petsa, oras at lugar. oct.31 (yes, bago talaga mag undas), 9am, farmers cubao. kahit saan daw na kainan doon.
good. malapit sa akin.
a few days bago mag-oct. 31, humihingi na siya ng discount. kasi makakatipid naman daw ako sa shipping.
haha ayun pala. noong una, ayaw kong magbigay, kasi naiinsulto ako kapag aklat ang tinatawaran. isa pa, sobrang mura na ng 3 for 100, ha, tatawaran pa? anyway, kako, galing naman siya ng angeles, ibang rehiyon na iyon kaya sige na nga. pero pag nag-meet na kami, saka ko sasabihin kung magkano ang discount. okey lang daw, basta bigyan ko raw siya ng discount.
come oct. 31, tumatawag na siya't nagte-text. ang aga niya sa farmers. nasa tapsihan daw siya (naku nakalimutan ko ang saktong pangalan ng tapsilugan na to haha sori) lumarga na ako, bitbit ang mahigit 30 aklat (kasama ang mga aklat ko). (hindi nga pala alam ni poy na magbubuhat ako ng 30 filipiniana books. ang akala niya, yong mga aklat ko lang ang bibilhin ng buyer. kaya pinalarga niya akong mag-isa. ako naman, ayaw ko nang magpasama. dahil pag kaming dalawa ang lumarga sa cubao, siguradong mag-uubos kami ng oras doon. kakain kami, magbo-booksale. mag-e-nbs. hay naku. baka wala na naman kaming ma-accomplish buong araw!)
noong nasa cubao na ako, text ni renz, puwede raw bang hintayin ko siya kasi may imi-meet siyang isa pang seller. naku. e gusto ko na sanang umuwi pagkahatid sa kanya ng mga aklat. sabi ko, saan mo siya imi-meet, doon kita pupuntahan. kfc shopwise daw.
doon na ako dumiretso. pagkaraan ng limang minuto, may tumawag sa akin. si renz. first time kong sinagot ang tawag niya. hello, nandito ako sa tapat, mam. ang cute ng boses. aba. totoo na itong filipiniana collector boy ko, a. mukhang hindi nga scam. tapos sabi ko, nandito ako sa loob. nakita na kita, mam, sabi niya.
ayan na!
sa labas ng kfc, may nakita akong lalaking naka-backpack. may dalang paperbag na malaki. puti ang kamiseta niya at naka-shorts lang siya. totoy na totoy. may ipinapasok siyang cellphone sa kanyang bulsa. binuksan niya ang pinto at direktang naglakad papunta sa akin. ngumiti siya. ngumiti na rin ako.
nako, ang pogi ng bata. bata kasi ang boyish ng dating. malamlam ang mata, katamtaman ang ilong. me braces. medyo kayumanggi. pero ang neat niya sa puting kamiseta. ako na ang teenager. sabi ko talaga, thank you, books!
inilabas ko na agad ang books ko. binilang ko ito sa harap niya. tinanggal ko pa ang price tag ng iba dahil iyong iba pala, hindi pa natatanggalan ng price tag! tanong ko, nag-meet na kayo noong isang seller? sabi niya, opo. heto po ang binili ko sa kanya. inilabas niya mula sa paper bag ang aklat na ptyk marcelo. malaki ito pero soft bound lang. hindi mukhang mamahalin. pero rare daw ang aklat na iyon kaya binili na niya. binigyan din daw siya ng mababang presyo ng seller. sinunggaban na niya ang pagkakataon.
nang mailipat na ang mga aklat sa bag niya at paper bag, sinabi kong P200 lang ang maibibigay kong discount sa kanya. natuwa naman siya. sabi niya, malaking bagay na iyon, mam. tapos nagkuwentuhan na kami. yes, di na ako umorder. di ko na rin siya inalok ng kahit ano. kasi ayokong mabawasan pa ang maliit kong kita for the day!
kaya raw siya maraming pambili ng aklat, kasi raw, wala raw siyang ibang pinagkakagastusan. may income daw ang parents niya, hindi rin daw siya kailangang tumulong sa mga kapatid, ang gf niya, nasa qatar (ay may gf naaaaa) kaya di raw magastos sa date date. kasi sa internet lang sila nag-uusap at nagkikita. iyong suweldo niya, kanya lang. dati raw, may isa pa siyang kinokolekta, anime. noong una, inis na inis daw ang parents niya dahil umaapaw na ang koleksiyon sa loob ng kanilang bahay. pero nakita naman daw ng parents niya, kalaunan, na nagiging source ito ng additional income para sa kanya. pinarenta raw kasi niya ang mga pelikula. wow, very entrepreneurial pa! magaling, magaling.
sa aklat, nag-umpisa raw siya sa pangongolekta ng psicom books. iyong horror. lahat daw ng philippine ghost stories, meron siya. sabi ko, meron kaming naisulat na psicom horror books. alam mo yung haunted philippines? hindi po, anya. ay pahiya ako hindi ko na muling binring up ito. anyway, ayun. pero mula raw nang mag -switch sa love-love at sa wattpad ang psicom, lumipat na raw siya sa visprint.
yey.
very good. ganyan ang magandang growth ng isang mambabasang pinoy!
nagsimula raw siya kay eros. then kay manix. kinokompleto raw niya ang mga aklat ni manix. goal din daw niyang makabili ng complete set ng pugad baboy. 6k daw iyon at puwedeng mabili kay pol medina mismo. iyon daw ang birthday gift niya sa kanyang sarili.
my gulay. may ganito palang tao sa pilipinas! naglalaan talaga ng pera para sa pop lit books! at koleksiyon talaga ang turing sa mga ito!
im so happy just being with him, listening about his collections. (love story in the making, ganon? hahaha)
sinusulit daw niya ang oras niya rito. binibili na niya ang mga kaya niyang bilhin. kasi raw sa susunod na taon, nasa qatar na rin siya. susundan niya ang gf niya doon. mag-iipon sila para pag-uwi rito, makapag-umpisa ng negosyo at mag-settle down. aba, mahusay na napalaki ang batang ito. may goal at ang linaw ng plano.
anyway, nagkuwentuhan pa kami hanggang sa lumabas kami ng kfc. sinamahan ko siyang mahanap ang terminal ng bus na sasakyan niya pabalik ng angeles. yes, saglit na saglit lang siya sa cubao. mga iang oras lang, mas matagal pa ang ibiniyahe niya. and for what? for filipino books! hay heaven talaga ang feeling.
pagkahatid ko sa kanya, tumawid ako ng foot bridge at lumarga na rin pauwi. sa bus, nag-text ako ng salamat at ingat. nag-reply siya agad, salamat din po mam.
nagtuloy ako sa bangko para mag-deposit sa isang kaibigan. kailangan ko siyang bayaran ng 900 para sa isang raket. tapos umuwi na ako.
kinumusta ni poy ang meet up. sabi ko, putsa, kakaiba. kakaiba! at ikinuwento ko sa kanya ang lahat. (siyempre, nagalit siya na nagbuhat ako ng maraming aklat!). pagkatapos niyon, nagpahinga ako saglit. paglampas pa ng halos isang oras, nag-text sa akin si renz. sabi niya, mam, nasa angeles na po ako. kung meron ka pa riyang filipiniana, bilhin ko uli ha?
wah. adik.
paano mong makakalimutan ang lalaking katulad niya?
well, ako'y naglilihi na yata.
Wednesday, November 5, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment