Thursday, June 14, 2012

Daddy

Fathers' Day na naman.

Katulad ng Mothers' Day, medyo kabado ako, or say, uncomfortable ako kapag paparating na ang araw na 'yan.

Kasi wala na akong maisip na ipanreregalo sa celebrant.

This year, hindi pa ako nakakadalaw sa puntod ni Daddy. Si Daddy, madaling regaluhan. Apo lang, masaya na 'yan. Lalo pa't lalaki ang apo. Joke. I mean, bulaklak lang, ok na sa kanya. Makakaangal pa kaya siya, e wala na siyang ibang maco-consume kundi ang samyo ng bulaklak?

Ang iniisip ko ngayon ay ang regalo para sa tatay ni Poy at kay Tatay, ang lolo ni Poy na 90 something na. Nitong mga nakaraang taon, ang iniregalo namin sa kanya ay shirt, shorts, tsinelas, tuwalya, 'yong mga ibinabalot na tela sa kamay para di mabalian at iba pa. Wala na akong maisip na regalo. Sabi ko kay Poy, cake na lang. Na hugis bola ng bowling. Mahilig kasi sa bowling 'yon, 'yong tatay niya, hindi 'yong lolo.

Sabi niya, mahal daw 'yon. Kung tunay na bola na lang ng bowling ang ibigay namin, mas sasaya pa raw 'yon. Oo nga naman. Kaya lang, ano naman ang alam namin sa bola ng bowling? Baka magkamali pa kami ng bili, ay naku lang.

Gusto ko rin palang mapuntahan ang uncle ko sa Ermita. Hindi pa ako nakapunta sa kanya uli. Last Christmas, di ko siya nadalaw. Noong death anniversary ni Daddy, May 16, sobrang nalimutan ko. Dati, nagdadala ako ng flowers sa altar niya sa Ermita at tuloy nadadalaw ko ang Uncle ko. Siguro dahil sa mga problema sa werk that time, nalimutan ko ang petsang ito.

Ang dami ko lang talagang backlog. Pati birthday ni Daddy, na-iskipan ko. March 1. Pero hindi ko naman nalimutan 'yon. Nagte-text din kaming magkakapatid. Parang sabi namin, o magdasal kayo. Daan kayo church para kay Daddy. Dati rin, nag-aalay ako ng flowers sa altar niya sa Ermita at tuloy nadadalaw ang Uncle ko. So di na naman ako nakapunta sa kanila.

I don't know how to thank daddies. Sapat ba 'yong mga regalo? Noong bata ako, puro handmade card lang ang regalo ko sa tatay ko. Nang lumaki-laki ako, t-shirt na may tatak na woody woodpecker sa harap. kahit na maliit sa kanya, sinuot yun ng tatay ko the day i gave it to him. the last birthday gift he received from me was a burger from Tropical Hut. Hawaiian burger, 'yong may pinya. Binili ko 'yon umagang umaga (24 hours ang Tropical sa may Padre Faura.) tapos inilagay ko sa mesa. sinulatan ko ng happy birthday dad yung styro na pinaglalagyan ng burger.

and for dramatic effects, nagsindi ako ng matangkad na kandila at ipinatong ko ito sa libreng baso mula sa Great Taste coffee. 'yon ang kanyang birthday candle.

Tapos umupo ako sa sofa at inabangan ko siyang magising. sa ganda ng upo ko, nakatulog ako. at paggising ko, wala na yung kandila. wala na rin yung burger. thank god, siya naman ang nakakain. hindi ko alam kung pano niya sinelebreyt ang birtday niya that day. Pero yun lang kasi ang natatandaan ko. hindi kami kumain sa labas. hindi nag-party. hindi nanood ng sine. hindi naghapunan sa bahay. Wala siya buong araw. malamang me sariling lakad.

after two months, ginamit namin ang same kandila na yun sa burol niya. wala talagang pasintabi ang kamatayan. ayan, boom. sino mag-aakalang ang ikli-ikli lang talaga ng buhay?

45 lang siya no'n. dapat 63 na siya ngayon.

18 years ko na pala siyang di nakikita. 18 years na pala akong walang tatay. ano ba ang pakiramdam nung walang tatay? e hindi ko made-describe kasi parang hindi ko naman alam kung ano ang pakiramdam nung meron. i mean, pano ko malalaman ang difference kung di ko naman alam ang pakiramdam ng meron akong tatay?

siguro para malaman ko, imaginin ko na lang na meron. so i'll know what im missing.

kung nandiyan siya, malamang, yun na ang nakikialam sa paparating kong kasal. baka ini-scrutinize na ang boypren ko nang bongga. kakausapin niya siguro, one on one conference over san mig light. tapos pa-text text din siguro kung kelan ang uwi ko sa bahay niya. o kung kelan dadalaw si ej sa kanya. papayagan ba ako nun na bumukod? malamang, hindi. kuripot yun, e. sasabihin nun, sayang pa pangrenta, pambayad sa meralco, nawasa. dito ka na lang.

so hindi ako magkaka-love life ever. kasama ko sa Ermita yung mga manang at manong kong pinsan. dadalas siguro ang away namin ni daddy tungkol sa pangangarera niya. part ng kita ko, mapupunta sa kabayo. kaya mahihilig siguro ako sa tapa ng kabayo.

ano na kaya ang itsura ng tatay ko ngayon? kalbo na, malamang. dati kasi me butas-butas sa buhok yun e. pinapalagyan pa niya ng iodine sa akin 'yung bawat butas bago siya magsumbrero at lumabas ng bahay. payat pa rin 'yon malamang. wala yata sa kanilang magkakapatid ang mataba. tingting ang hita at binti. maputi pa rin. malamang mas matangkad na ako sa kanya.

kung nandito pa siya, ang ireregalo ko sa kanya, yung electronic cigarette. mahal 'yon, mga dalawang libo. pero malamang kasi, di pa rin tumitigil ang tatay ko sa paninigarilyo. kaya 'yan na lang ang ireregalo ko sa kanya. 63 na siya, dapat maghusto na siya sa yosi, ano?

magyayaya yun mamasyal ngayong fathers' day. nung bata kami, bihira kaming mag-out of town. andami naming magkakapatid kasi, siguro kapos sa budget.

dadalhin ko siya sa silang, cavite. parang tagaytay na rin ang place na 'yon. ikakain namin siya sa isang healthy na kainan. kasi tadtad na siya ng sakit. sakit sa atay, baga, bato, apdo, balun-balunan, sakong. diabetic din siya. akala ko dati, normal na nilalanggam ang ihi ng isang tao. kapag me langgam ang toilet bowl, alam kong tatay ko ang last na umihi. akala ko normal yun. maski siya, walang alam sa mga sakit niya.

kung buhay pa siya, magpapa-party ako. fathers' day party. isasama ko ang uncle ko. ayan, para isang party na lang sa lahat ng tatay sa pamilya ko at sa pamilya ni poy.

PAPARTY. Puwede.

2 comments:

Lady Fishbone said...

HAPPY FATHER'S DAY :)

babe ang said...

Jessica, maraming salamat!!!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...