Sunday, June 24, 2012

para sa mga guro: the power of group work

Noong nagtuturo pa ako sa uste, isa sa mga characteristic na napansin ko sa mga estudyante ay ang pagiging team oriented nila.

kapag individual ang quiz, napansin ko na walang pakialam ang ilang estudyante sa makukuha nilang score. hindi sila careful sa pagsagot, basta makapagpasa lang. pero kapag may sangkot nang ibang tao, nag-e-effort sila nang kaunti. palagay ko ay dahil nahihiya sila sa kagrupo nila.

at itong hiyang ito ang sinamantala ko. nang maraming-maraming beses.

naaalala ko ang ilang group quiz namin.

the baybayin quiz

by row ang grouping (lahat ng estudyante ko tinuruan ko kung paanong sumulat ng baybayin, im so proud of this talaga hahahahaha). bawat group ay may hawak na isang white board marker at may nakalaan na space sa white board na nasa harap ng classroom. bawat member ng team ay magkakaroon ng pagkakataon na sumagot at sumulat ng baybayin sa harap.

anong nangyari? pati ang mga kolokoy kong estudyante na hinihikaban ang pag-aaral ng baybayin, biglang nag-aral, nagpraktis at nagsulat. instant bibo kid!

palagay ko ay dahil nahihiya silang malaman ng iba na bano sila sa lesson na yun. imagine, buong klase ang makakakita ng paraan nila ng pagsulat ng baybayin. na sa totoo ay napakasimple lang naman. kaya nakakahiyang talaga na malaman ng iba na ang ganito kasimpleng bagay ay hindi nila magagawa nang tama.

isa pang palagay ko ay dahil nahihiya silang maging reason ng mababang score ng kanya-kanyang team. aba'y siyempre, ok lang kung sariling score lang ang apektado. pero apektado ang score ng buong team dahil lang sa iyo? hindi yata katanggap-tanggap yon! yan ang naisip ng mga kolokoy na to. kaya nag-aral sila at nakita ko sa harap ko mismo, nagpapaturo pa ang iba kasi nga naman, baka may maling hook o kaya maling curve silang maisulat.

ang mga estudyante na nasa pinakakanan ng bawat row ang unang pumupunta sa board. bibigyan ko sila ng salitang isusulat sa baybayin tapos bibilang ako ng 5 seconds habang mabilis nilang isinusulat ito sa board. hindi magkakaroon ng score ang team member na mahuling nagsusulat pa after kong bumilang.

madadali lang naman ang mga salita sa quiz na ito:

1. kita
2. tingi
3. utang
4. Filipino
5. negosyo -(commerce students kasi ang mga estudyante ko)
6. puhunan
7. deposito
8. ekonomiya

lahat yan, one point each. bihira ang nakakatama sa lahat ng yan, sa walong yan. kaya naman ang numbers 9 at 10 ay two points each at may privilege ang bawat grupo na magpadala ng best member nila. mayroong sampung segundo ang bawat member para isulat ang sasabihin ko.

(at sinisiguro ko na wacky ang mga salita/phrases/sentences sa 9 at 10 hahahahaha)

9. Bababa ba? Bababa.
10. Papaypay-paypay pa.

at sa puntong ito, lahat ng members ng group, nagchi-cheer na sa kanilang representative, kahit pa iyong pinakawalang interes sa baybayin.

hahahaha masaya na ako sa ganon. nagawa kong makita niya ang baybayin in a different light? na masayang aralin ang baybayin? di boring tulad ng inaakala niya? achieve!

dahil sa pagnanais ng mga estudyante na maka-ten over ten, bigla, ang classroom ko nagpaparang matinding session ng larong charades hahahaha riot talaga. kanya-kanya silang coach sa representative nila. hindi na ako nagsasaway o nagbabawal kasi siguradong sa gulo nila, wala namang maiintindihan ang bawat isa.

minsan, sa faculty room, tinanong ako ng co-teacher ko. bat daw ang ingay namin? at nakatayo pa ang maraming estudyante. sabi ko, me quiz kasi kami hahahaha nambibilog ang mga mata niya. quiz? bat ganon? hahahahaha hindi ko na ipinapaliwanag dahil baka sitahin pa ako.

the weekly task quiz

usong-uso noon ang pinoy big brother. kaya ginamit ko ang phrase na weekly task sa classroom. ang 2nd sem ng Filipino subject sa college ay devoted sa reading and research. linggo-linggo, me binabasang text sa wikang Filipino ang mga estudyante ko. iba-iba: me komiks tungkol sa epekto ng kahirapan sa paggaling ng isang maysakit, me essay tungkol sa wika na isinulat ng isang sikat na writer (si Gilda Olvidado), me informative essay ni Francisco Colayco tungkol sa tama at maling pangungutang (dahil nga commerce students ang aking mga estudyante), me tungkol sa work ethics, Ang Trabahong Stapler ni Rio Alma, me tula tungkol sa ecology "Larawan ng Isang Labak" ni Rio Alma uli (obvious ba kung sino ang paborito kong writer), me essay tungkol sa politika, tungkol sa wikang Filipino at marami pang iba.

dati, me reaction paper ang bawat estudyante ko sa bawat text. at na-realize ko na ito ay nakakaubos ng oras sa part ko (pagbabasa at pagge-grade ng lahat ng essay bawat week will cost me two days a week, kumusta naman? wala na akong ibang buhay kundi pagche-check ng papel?), ginawa ko na lang itong weekly quiz sa loob ng classroom. ginagawa ito every monday or every first school day of the week para may time silang mabasa ang text for the rest of the week.

pero may twist ang weekly task quiz na ito. nakabatay sa dice ang bilang ng magku-quiz sa isang grupo. tuwing pupunta ako sa classroom, bitbit ko ang isang higanteng dice. kasinlaki ng isang personal TV. pipili ang klase ng representative nila para ipagulong ang dice mula sa teacher's desk hanggang sa pader ng classroom sa likuran. kung ano ang lumabas na number, say 3, tatlong tao sa isang grupo. sila na ang pipili ng mga kagrupo nila. tapos saka kami magku-quiz, one to ten. isang papel lang para sa bawat grupo. pero kapag ang lumabas na number sa dice ay 1, individual ang quiz. at sinisisi nang buong lupit ang estudyanteng nagpagulong ng dice. iniismiran na siya nung mga hindi nag-aral, pinandidilatan nung mga hindi nagbasa at binabantaan ng mga walang pakialam sa klase.

kaya kadalasan, ang pinipiling mga tagapagpagulong ng dice ay iyong mga siga at sanggano ng klase. para wala silang ibang sisisihin kundi ang mga sarili nila, silang mga hindi nag-aral, hindi nagbasa at mga walang pakialam sa klase.

sa quiz na ito, ang riot na part lang ay yung pagpapagulong ng dice. lilinya ang mga estudyante sa pathway na tatahakin ng dice. para lang silang mga bouncer at bodyguard ng celebrity. at ang celebrity ay ang humble kong dice. nakasungaw ang mga ulo ng ibang estudyante sa mga puwang na nalilikha ng mga katawan ng bouncer at bodyguard. nagchi-cheer ang lahat.

Siiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiix!

minsan, mas mabilis ang cheer.

sixsixsixsixsixsixsixsixsixsix

at matatapos sa masigabong palakpakan ang lahat. kahit hindi pa pinapagulong ang dice. if only the dice could talk, sasabihin nito, "pressure naman kayo, classmates."

kapag pinawalan ng tagapagpagulong ang dice, mamamayani ang kakaibang katahimikan. ito ang uri ng katahimikan na mae-experience kapag hinuhugot na ang huling bola para sa lotto draw. ito ang uri ng katahimikan mula pagkatapos ng UPCAT hanggang i-announce ang results. ito ang uri ng katahimikan bago i-announce kung sino ang first runner up at ang bagong miss universe. ito ang uri ng katahimikan sa pagitan ng tanong na puwede pang pautang ng limang libo? at sa sagot ng inuutangan.

ganyan.

at paglagpak ng dice, ang maririnig ay depende sa lumabas na number sa dice. kung 1 ay puro ungol ng kinakatay na baka, atungal ng binibiyak na baboy at iyak ng hinihiwang palaka. kung 6 ay hiyaw, sigaw ng tagumpay. wala pa man ang tunay na laban, ang quiz, nagbubunyi na ang lahat. feeling nila perfect na ang score nila sa parating na quiz!

celebrate the times, c'mon!

dahil siguro sa paniniwalang mas marami, mas kayang-kaya.

sabi ko minsan sa mga estudyante ko, wag naman kayong masyadong maingay at wag masyadong masaya. baka me sumilip na teacher at tanungin tayo, anong nangyayari dito? anong sasabihin natin? magku-quiz po kami. di ba? quiz? bat parang casino? in a winning streak? o, e ang saya saya nyo, mapagkamalan pa kayong sinto-sinto. quiz!

totoong masaya naman, di ko rin masisi ang mga estudyante ko. dahil sa dice-dice na ito, bawat quiz para sa weekly readings ay inaabangan na nila, with matching excited wriggly bodies. pagpasok ko pa lang ng kuwarto, dala-dala ko ang dice, tumatayo agad sila, ang sigla-sigla ng kilos, nakangiti pa. ayan na, ayan na, sabi ng iba. parang hindi ako magpapa-quiz. parang ang bitbit ko ay isang malaking kahon ng goldilocks.

saan ka nakakita ng mga estudyante na ganito ang attitude sa isang quiz? hahahaaaha imagine, hindi na sila natatakot dito, in fact, nae-excite sila.

4 comments:

Nortehanon said...

Madalas po kasi, teacher factor talaga ang dahilan ng iba-ibang attitude ng mga estudyante sa pag-aaral. Masasabi kong totoo ito para sa sarili ko. Kapag terror nayung teacher, hindi ako nai-encourage mag-aral. Ewan ko ba, pero kahit anong pilit kong i-motivate ang sarili ko ay talagang balakid para sa akin yung pagiging terror ng teacher ko. Alam ko, talo ako sa ganun kasi ako ang estudyante. Pero yun nga, sana yung environment sa classroom ay hindi nakakatakot.

Epektibo nga ang collaborative na mga gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na kung ang nature ay parang naglalaro lang sila at hindi yung tipong pag nagkamali sila ay talaga namang may parusa. Pero siyempre, kailangan din i-exercise ni teacher ang authority para hindi naman rowdy ang crowd. Kumbaga, may order pa rin sa chaos. Mas madali nang matututo ang mga estudyante, mas ma-i-enjoy nila ang pag-aaral, at tiyak kong mas ma-a-appreciate nila ang kanilang guro.

Sana po ay naging propesor kita noon sa UST. Kaya lang sa commerce ka po pala. Ako, sa ibabang floor ng commerce at blue ang palda ng uniform ko hahaha!

Lady Fishbone said...

hahaha.. nakakaaliw naman.. masarap sa pakiramdam iyan bilang guro. kanya-kanyang diskarte ng guro kung paano magiging interesting ang subject. hihihihihi

Anonymous said...

gusto kong gawin 'to! haha :P -beans

babe ang said...

nortehanon, salamat! ay oo lagi kong nakakakita ang mga nakablue na palda sa baba ng building natin! hahahahaha

Jessica, salamat sa pag-comment mo. naku ang riot namin sa klase!

anonymous/beans, go lang. para mas may buhay ang ating mga estudyante!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...