Saturday, June 30, 2012

From Gazelle Macaida of FEU Advocates

Wednesday, June 27, 2012
It's A Mens World (Book)]

"Isang sulyap sa mundo ng alaala (Isa lang ha!)"

"Manghihinayang ka, tapos maiinis ka sa buhay tapos maiiyak ka tapos magagalit ka. Tapos mare-realize mo, wala ka palang magagawa. Hanggang ganyan lang ang papel mo: ang makaramdam ng ganitong emosyon sa ganitong pagkakataon," Bebang Siy, Emails, 158, It's A Mens World.

Alaala ang nagsisilbing patunay na tayo ay dumanas ng kaginhawaan at kahirapan. Ito ang saksi sa pagbabagong ating napagdaanan sa ilang taong pamamalagi natin sa mundong paikot-ikot. Walang kasawa-sawang umiikot at iniikot ang buhay ng mga taong nakatira sa kanya. Bawat alaala ay may matamis at mapait na kwento. Bawat luha at tawa ay may kaniya-kaniyang pinagmulan. Ngunit higit sa lahat ng ito, kung sino ka 'ngayon' ay nagmula sa 'noon'.

Halu-halong istorya ng buhay na bumuo sa mapa ng Maynila ang nilalaman ng It's A Mens World ni Bebang Siy. Iba't ibang istorya na may kaniya-kaniyang flavors kulay (ideya mula sa Pinyapol, 38) na siya namang papatok sa panlasang pinoy with a touch of chinese.

Magmula sa lugaw hanggang sa pagnanakaw, pangingidnap, pakikipag-date at piso, nailarawan ni Siy hindi lamang ang Maynila kun'di pati na rin ang mga binibigay ng mundo, pananaw ng mundo, paningin ng mundo, panlasa ng mundo, kahit ang third sense ng mundo at ang uncommon common sense ng mundo patungkol sa mga babae. Lalo't higit pa sa buwanang dalaw. Sa pagkakataong ito, sa wakas! Babae ang bida sa Mens World.

Hindi nakapagtataka kung ang mga kuwentong ibabahagi natin ay patungkol sa kagandahan ng buhay. Kay dali nga namang i-kuwento na nagpunta ka sa Disneyland at nakipag-hotdog kay Mickey Mouse. Masaya nga namang alalahanin ang mga wapak na bonding niyo nina nanay at tatay. Higit sa lahat, hindi mo ba ipagmamalaki kung hahalikan ka ni Johnny Depp sa pisngi? Pero sa librong ito, hindi nagpunta ang bida sa Disneyland kun'di sa Divisoria, hindi rin si Mickey Mouse at hotdog ang kasama niya kun'di si Manong na may binubutingting sa tenga at ang malamig na pinyapol. Ang wapak na bonding niya sa kaniyang mga magulang ay ang pangingidnap sa kanya ng tatay niya na tila nakikipaglaro ng pingpong sa nanay niya---sila ang bola. Lalo't higit hindi si Johnny Depp ang humalik sa kanya. Naisip ko tuloy kung may mens ba siya noong sinusulat niya ito. Siguro oo, dinatnan siya ng regla ng buhay.

Lahat tayo may mens. May maruming dugo. May maruming alaala na kailangang mailabas dahil hindi na natin ito kailangan. Ang mens ng buhay ay parang pagpapatuli ng lalaki, pwedeng isahang beses lang. Pwede rin namang buwan-buwan. Taon-taon. Unti-unti. Ang mahalaga ay mailabas ito.

Ang mga bagay na ito ay mga alaalang hindi na makakatulong sa kung ano tayo ngayon. Para silang mga dugong minsan nating ginamit para mabuhay, pero dahil marumi na ito, kailangan ng ilabas para mapalitan ng bago. Ng mas bago at sariwang ikaw.

Para magkaroon ng mens, maraming bagay ang dapat isaalang-alang. Gaya ni Colay, dapat bibo ka, malakas kumain, at mahilig sa softdrinks. Pero ang pinaka-importante sa lahat, dapat handa na ang iyong katawan. Handa na ang puso't kaluluwa mo na humarap sa mens. Hindi lang ang panahon kun'di ang sariling kahandaan mo rin ang magdidikta ng mens mo.

Gusto mo ba magka-mens? Ako, gustong gusto ko. Hindi ko nga lang alam kung kailan, irregular kasi ako e.

Maaaring maging iritable tayo bago pa man harapin ang mens, 'wag mag-alala, PMS lang 'yan. Pre-menstrual syndrome, HINDI pre-marital sex. Ang kailangan lang natin gawin ay tiisin ito. Ganun talaga, parte 'yan ng paglalabas mo ng lahat ng marumi mong dugo.

Bago lumabas ang dugo, marami pa itong pinagdadaanan. Tulad ng mens ng buhay, marami kang dapat malampasan bago mo masabing kaya mo na talagang bitawan ang mga mapapait na alaala. Kung ano man 'yung pagdadaanan na 'yun, hindi ko alam. Hindi kasi ako mahilig sa science, basta ang alam ko, may dugo (ang iyong alaala), masakit sa puson (oo, masakit ang pagdadaanan mo, pero kailangan mong masaktan para malaman mong kailangan mo na itong bitawan, minsan kasi may pagka-t**** din tayo e. Kailangan pang masaktan bago matauhan.), at kailangan ng napkin (kung sino man siya na tutulong para saluhin ka habang pinagdadaanan mo ang malakas na agos ng pagsubok).

At dahil dito, iniisip ko tuloy. Sa dalawampung istorya na mayroon sa libro, gaano kaya kadaming dugo ang nailabas ng may-akda? Sa lahat ng ito, tibay at lakas ng loob ang kailangan. Para siyang si Captain Barbell(a). At ang tibay din ng napkin niya.

"Mas naintindihan ko ang sarili ko. Mas naintindihan ko ang nangyari. Biktima ako. Hindi ko kasalanan ang nangyari sa akin. Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin. Wala akong ginawang masama. Hindi ako marumi, ibulong man ng sanlaksang daluyong ng malamig na hangin. Pero kahit nalaman ko ang lahat ng ito ay hindi pa rin natanggal ang imbisibol na pabigat sa puso ko," Bebang Siy, Sa Ganitong Paraan Namatay Si Kuya Dims, 111, It's A Mens World.

Minsan, hindi sapat na maintindihan mo lang ang mga bagay para masabing tapos na ito. Minsan, kailangan din natin ng closure. Minsan din, ang closure ay hindi lamang natatagpuan sa sarili.

For the "First Week-sary" special of my blog, I chose this book as the review because it is one of the books that inspires me, not just as a writer, but also as a person. Looking at the brave work that Ms. Bebang did in revealing the mysteries of her life, and looking at how she turned out to be now, little by little, it pinches my heart, reminding me of how beautiful the future will always be.

Past never defines our entirety, not even our future. Not only the book but the author herself has inspire my life, and surely others' too. No one could reach immortality unless one has able to mark into other's life, and able to prove it with their remarkable work-of-art. With this, Ms. Bebang Siy is one of the goddesses who's punished to be a human in order to share their powers to mankind.

One thing I desire the most now is to make a Wedding Review of this candid author. How I wish... Still, best wishes in the future, soon-to-be Mrs. Verzo. hihi. :)

This was reposted with permission from the author. (Gazelle, salamat po!)

Gazelle's blog entry can be found here:
http://gaziie33.blogspot.com/2012/06/its-mens-world-book.html?zx=588dd2825efcaf6b

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...