Friday, June 22, 2012

Mula kay Rigolets Florendo

Bukod sa mga nobela nila Eros at Ricky Lee, ang aklat na ito ay isa sa mga pinananabikan kong bilhin at basahin simula noong una ko ito nalaman at sa kadahilanan na rin na ang may-akda ay naging propesor ko sa UST.

Noong ito ay nakita ko sa bookshelves ng isang bookstore sa Greenbelt, wala talaga akong ka-idea-idea kung tungkol saan ang aklat ni Mam Bebang hanggang sa nabasa ko sa likod nito na tungkol ito sa regla o ang pagdadalagang tao ni Colay. Subalit ang una kong impression ay mali pala. (Infairness kay Mam Bebang, magaling siyang pumili ng pamagat. Takaw pansin sa mga mambabasa.)

Ang It's A Mens World ay matuturing kong diary ni Mam Bebang sapagkat napapaloob dito ang mga hindi malilimutang gunita niya simula noong kabataan pa niya. Nagustuhan ko ang libro pagkat simple ang pagkakasulat, hindi nakakabagot basahin, nakakatuwa at nakakatawa ang ilan sa mga pahina at paminsan minsan ay nakaka-relate ako sa aking binabasa. Kung ako'y tatanungin, ito ang kaunaunahan kong non-fiction book na binasa.

Noong matapos ko ito, mas nakilala ko ang may-akda at dating kong propesor, hindi naiiba sa iba, simple pero matapang, family-oriented, may utang na loob, may pagkamausisa at pasaway at higit sa lahat, tulad ng mga ibang babae, rineregla rin.

Thank you, RV!!! -Mam Bebang

Ipinost po dito nang may pahintulot mula kay Ginoong Florendo. Makikita rin ang post na ito sa Good Reads Website.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...