Tuesday, September 4, 2012

Lapatan ng Ritmo ang Pagbubungkal



Lapatan ng ritmo
Ang pagbubungkal
At itanim nang taimtim
Ang liriko ng butil.
Tiyak na ipaghehele ng lupa
itong malamyos na punla.

Pagkatapos ay tabunan ang pangako
Ng kinabukasan. At diligan
ng lunting awitin ang araw-araw.

Matining ang tinig ng panganay
na usbong.
Makinig.
Makinig sa tahimik
nitong pag-ugat sa sarili.
Tutubo,
Lalago,
ang sanga-sangang sagot sa paghihintay.
Hindi maglalaon, ang bawat dahon
ay buong siglang sasayaw
sa saliw ng mapagpalang hangin.




Ang copyright ng larawan ay kay Sean Elijah Siy.

2 comments:

sherene said...

Ang ganda nakakainspire.

babe ang said...

Sherene, maraming salamat! bisi-bisita ka lang ha! happy you year!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...