Tuesday, November 27, 2012

Assignment

Merong project sa office ngayon na palagay ko ay napakaganda.

Gagawa kami ng writing journal kung saan naka-feature ang mga quote mula sa iba't ibang literary works. ang theme ay erotika. si cv ang head ng project. naghati kami sa quotes. tig 50 kami. sa kanya, english, sa akin, filipino.

yan ang assignment ko.

dahil saksakan ako ng hambog at akala ko e ang dali-dali ng assignment na ito, nag-suggest pa ako ng mas specific na qualification ng quotes. sabi ko, mula sa 50 na yun, dapat ang 25 ang contemporary, 10 ang klasiks, 5 ang mula sa luzon, 5 ang mula sa visayas at 5 sa mindanao.

naisip ko kasi, dapat kahit paano me representative ang iba't ibang sector. para mas alive ang journal. sa pagkakalap ko, hindi lang regions at panahon ang pinagbatayan ko, isinama ko na ang genre, kaya hindi lang tula at prosa ang makikita sa journal na ito. meron ding dula, screenplay at iba pa. pinagbatayan ko rin ang gender. me gawa ng lalaki, babae at bakla. naghahanap pa ako ng lesbian naman. 11 quotes na lang ang kulang ko. napakarami at napakadali ng contemporary siyempre. medyo mahirap ang sa klasiks. kasi kelangan kong magbasa nang pagkatagal-tagal bago ko matukoy ang mga erotikong linya ng akda. nakahanap ako ng mula sa luzon at visayas.

pero walang mindanao.

puro ingles ang akda mula sa mindanao. meron mang nakasulat sa orihinal na wika ay nakasalin naman sa Ingles. May ilan akong nakita mula sa mga antolohiya, text book at sa aklat ng kritisismo, pero pulos akdang pambata ang mga ito. either lullaby o bugtong na wholesome. at take note, iilan lang ang mga ito.

ngayon ko lang na-realize, napakakonti ng mga akda mula sa mindanao na nasusulat sa wikang Filipino. Kahit ngayon. kahit ngayong modern na ang panahon.

nananawagan ako sa mga taga-mindanao at sa mga gumagawa ng aklat ukol sa mindanao, sana ay isulat ninyo ang kultura ng islang ito sa sarili ninyong wika at sa wikang Filipino. malaon nang namayagpag ang wikang Ingles sa pagsasalaysay ng kulturang Mindanao. its about time para isulat naman ito sa sarili nating wika.

hindi ako hater ng Ingles. nagbabasa ako ng mga akda sa wikang Ingles. marami akong aklat sa wikang ingles. ang akin lang, kung marami na iyong nasa wikang Ingles, baka puwede ring paramihin din ang nasa wikang filipino. para balance lang ba.

ano sa tingin ninyo?

2 comments:

sherene said...

Maganda yan, nahiya naman ako kc khit minsan di pa ako nakapagsulat ng tungkol sa ating wika.

babe ang said...

Hello, Sherene! kelangan talaga magsulat sa wika natin! sayang kung hindi ito mae-expose! magandang gabi!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...