Sunday, December 30, 2012

ang magpalaki ng nanay

kumana na naman si tisay.

last year, christmas eve, ginulat ako ng nanay ko. Bandang alas-onse ng gabi, dumating kami sa bahay ng nanay ko sa las pinas, nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay niya. tahimik na tahimik ang loob nito, total opposite sa kaliwa't kanang pagvivideoke at pagpapaputok ng mga kapitbahay namin. mula sa labas, binuksan ko ang bintana ng bahay ni tisay. at nakita ko si iding, naka-fetal position sa upuan sa sala.

ding!

NR, no response.

ding!

NR, no response pa rin.

DING!

naalimpungatan ang pamangkin kong si Iding. nag-angat siya ng mapungay na mukha at nang makilala ako ay agad na binuksan niya ang pinto. pumasok ako bitbit ang lahat ng regalo para sa kanya, sa nanay ko, sa mga kapatid ko't iba pang pamangkin. pumasok din si poy at si ej dala ang iba pa naming gamit.

asan si mami? tanong ko ke iding.

di ko alam, tita, sagot niya. tapos bumalik siya sa upuan at natulog uli.

asan si tisay?

anak ng tisay na patola. wala kaming kaaydi-idea kung asan ang nanay ko samantalang mag-aalas dose na. noche buena na. hindi lang 'yon, walang nakahain sa mesa, ni isang baso ng tubig.

hinintay namin si tisay hanggang 12 pero hindi siya dumating. ginising ko uli si iding at pinagbihis ng pang-alis na damit. kakain na lang kaming apat sa labas. at naglakad na kami sa gitna ng mga putukan sa kalsada ng compound palabas sa may sakayan ng dyip, sa may bamboo organ.

pagkaraan ng ten minutes, nakasakay kami ng dyip papuntang paranaque. sabi ko kung anong madaanan naming kainan, doon na lang kami. kumbaga, wala nang pili-pili. pero i was hoping, at the back of my mind, na sana talaga bukas ang maty's sa may pagkalampas ng san dionisio. tapsilugan yun na 24 hours. matamis ang tapa nila at nakakakilig sa sarap ang sawsawang suka.

pagdaan ng dyip namin sa maty's, sarado pala ito. kaya hindi na kami bumaba. nag-abot kami ng dagdag na bayad hanggang baclaran. kako, siguradong makakakain kami sa baclaran. andaming kainan dun, kabi-kabila.

pero himala nang himala, walang bukas na kainan sa baclaran.

ay! may isa, nag-iisa, bukas 24 oras, walang iba kundi ang chowking, sa may baclaran lrt station side. agad naming pinasok ito at nag-order na kami ng noche buena: mami, siomai, siopao, at value meals na may kanin at ulam. pansin kong napakadumi ng sahig at napakaraming mesang hindi pa nadadaanan ng crew na in charge sa pagba-bus out. siyempre, sino ba naman ang gustong mag-mop at magbasahan nang saktong noche buena time? kaya okey lang 'yon. simbolo naman 'yon ng pagdiriwang ng mga chowking crew sa pagkakasilang kay jesus. i mean, ang magpahinga saglit, kumain nang sabay-sabay, walang ibang iisipin kundi ang mag-happy-happy time.

mga 230 am na kaming nakauwi pagkatapos namin sa chowking. pero wala pa rin si tisay sa bahay pagdating namin.

asan ba siya?

walang makapagsabi.

natulog na lang kami at kinalimutan for the meantime na minsan kaming nagkamagulang.

nagising ako nang marinig na may kumalampag sa gate namin. 4 am na.

aba, si tisay!

san ka galing, ma?

diyan kila glo.

si mami talaga. sugalan yun, e.

hay, sabi niya. pagod na pagod ako. tapos tumalikod na siya sa akin at humiga sa upuang na-vacate ni iding. (pareho silang kasya sa upuang iyon dahil magka-height sila.)

mula nang moment na iyon, ipinangako ko sa sarili, hindi na kami magno-noche buena sa bahay ni tisay. dun na lang kami kina poy, tapos sa umaga ng dec. 25 tsaka na lang kami uuwi kay tisay.

akala ko suwail na talaga akong anak, akala ko kaya ko tong ipinangako ko sa sarili. HINDI PALA. pagdating ng dec. 24, 2012 nag-text ako kay tisay na doon kami magno-noche buena. sa kanya. sa bahay niya. di siya nag-reply baka walang handa. hindi nakapagluto o anuman. me nakahanda na kaming solusyon doon: kami na ang magdadala ng pagkain.

dec 24 ng mga 7 ng gabi, nagliwaliw kami nina poy at ej sa luneta, kumain sa aristocrat pagkatapos. dun na rin kami bumili ng cake at ng mga pagkain para sa noche buena kina tisay. me sinigang na baboy, fish fillet, dalawang order ng chicken barbecue (my favorite!), pansit palabok at chopsuey. yung cake, pinasulatan ko ng dedication: pasko, paksiw, tisay!

pagdating namin sa bahay ni tisay, punong-puno ng teenager ang sala. naglalaro sila sa mga piso net computer na business ni tisay. ang ingay ng kabataan, parang sabungan coliseum ang bahay namin. aba, nagno-noche buena sila sa harap ng mga computer! asan ang mga magulang neto? ba't di sila hinahanap?

doon pa lang, medyo naasiwa na ako, gayumpaman, ayokong ma-bad trip. sayang ang okasyon. krismas naman. masaya kong hinanap si tisay sa mga batang naglalaro sa pisonet.

ayun o.

nakita ko si mami, naka-fetal position sa pinagdikit-dikit na upuan sa may kusina, tulog.

hindi ko na ginising si tisay. mukhang puyat ito sa pagbabantay sa kanyang bagong negosyo.

sinalubong ako ng mga pamangkin ko, si noah at si iding. nakatira sila sa lolo nila sa father side at kaya nasa bahay ni tisay nang gabing iyon ay dahil namamasko sila kay tisay. pinagbantay daw sila ng pisonet para makatulog saglit itong si tisay.

sabi ko sa mga nagpipiso net, 30 minutes na lang kayo ha? kasi kakain sana kami, magno-noche buena, walang magbabantay sa inyo. um-oo naman ang lahat ng batang nagpi-piso net. umakyat na kami sa taas ng bahay para hintaying maubos ang 30 minutes.

after 30 minutes, nagising si tisay. bumaba ako at nakitang nagpapasok pa siya ng mga gustong maglaro sa computer. sabi ko, ma, kain na muna tayo. mamya ka na lang uli magpapasok ng customer.

hindi! sagot niya habang sinesenyasan ang mga teenager na gustong mag-computer.

ma, saglit lang. kakain lang tayo. bumalik na lang sila mamya o bukas.

ano? hindi puwede! sagot niya sa akin.

nakapuwesto na ang tatlong teenager na lalaki sa harap ng mga computer unit.

ano ka ba, ma? di bale sana kung karaniwang araw, e. pasko naman ngayon. kumain na muna tayo. mag-noche buena!

labas na muna kayo. mamya na kayo bumalik! sigaw ko sa mga teenager.

ay naku, beb! hayaan mo sila. ano ka ba? ba't ka nakikialam? alam mong diyan ako kumukuha ng panggastos ko, sa negosyong ito, ba't ka ba nangengelam?

ma naman! saglit ka lang magsasara, kasi kakain tayo, sama-sama.

e di kumain kayo kung gusto ninyo! ba't kelangan isara ang piso net? aber? gawin ninyo ang gusto ninyo! kumain kayo, matulog kayo, ba't kelangan maapektuhan ang piso net? di ko kayo aabalahin. kung gusto ninyo, sa taas pa kayo kumain, e, sagot ni tisay.

sa sobrang inis ko, umakyat ako sa taas. kinausap ko sina ej, iding at poy (naiwan si noah sa baba.) gusto ko nang umalis, ngayon na, sabi ko.

sa'n tayo? tanong ni poy. sa cavite?

mga alas-tres na yun ng madaling araw. kung magca-cavite kami (sa bahay nina poy), mabubulabog ang mga magulang niya, masa-shock pa dahil alanganin ang oras at ang dami naming bitbit na bata. hindi namin maaabisuhan ang parents niya kahit sa text dahil madaling araw na nga. isa pa, wala kaming matutulugan doon.

sa qc na lang tayo. balik kamias, sagot ko.

uuwi rin tayo ng cavite pagkaraan ng ilang oras, paalala ni poy.

oo nga parang magra-round trip kami kung uuwi pa kami ng kamias ngayon tapos tutuloy sa cavite afterwards.

e san tayo?

nang mga puntong ito, bad trip na bad trip pa rin ako sa nanay ko. ano ba 'tong babaeng 'to? inuuna pa ang negosyo kesa pamilya? inuuna pa ang pera kesa sa amin? ba't ba ako nagka-nanay nang ganito? puwede bang magreklamo sa diyos? puwede bang pakibalik na lang ako sa sinapupunan at habambuhay na lang akong walang malay sa ugali ng babaeng ito, na tatawagin kong nanay eventually? e, siya ba talaga ang nanay ko? baka ampon lang ako. okey lang kung ganon, ikatutuwa ko pa. anlayo-layo talaga ng values ng babaeng ito sa values ko, putcha, putcha talaga. pampalubag loob sana kung ibang araw nangyari ang lahat ng 'to, e. tipong hindi december 25.

ang sarap magpasko sa piling ni tisay, walang paulit-ulit na experience, pansin ko lang.

pero bad trip akong lalo sa mga nagco-computer. anlakas pa kamo ng tugtog nila: gangnam style. sakali ngang sundin namin ang payo ni tisay na kumain at matulog that christmas eve, makakatulog kaya kami sa gitna ng tugtog ng mga customer niya?

habang nag-iisip ng escape route para sa aming lima, napa-at home nang kaunti ang likod ko sa kutson ng aming kama. ilang minuto pa, di ko na namalayang nakaidlip na ako. good for me. mabuti raw na nakakaidlip bago magdesisyon ng malalaking bagay. power nap ang tawag dito.

pagdilat ko uli, alas-otso na ng umaga! nakaligo na sina noah, iding at ej. ako na lang ang hinihintay nila. si poy, gising na rin at ready to go na. lahat, gusto nang umalis sa bahay ni tisay.

e, si tisay, asan?

pagbaba ko, andun pa rin siya sa may kusina, tulog, naka-fetal position sa mga upuang pinagdikit-dikit.

naligo ako at nagbihis at nag-ayos ng mga gamit. iniwan namin ang mga regalo para kay mami, sa mga kapatid ko at sa mga pamangkin ko. pinaayos ko rin ang mga pagkain para mas madaling initin pag nagutom si tisay. biglang nagising si mami. o, aalis na kayo?

oo, punta pa kami ng cavite.

o sige, para makapamasko ang mga pamangkin mo. meri krismas na lang. wag mo akong alalahanin dito. maraming nagpupunta rito pag pasko, hindi ako nag-iisa. masaya rito.

hindi ako umimik. panong masaya? e hindi naman niya kaano-ano ang mga "dumadalaw" sa kanya.

kunin mo yung pabango sa taas tsaka mga damit, nakaplastik na. pasalubong sayo yun ni ate my.

nakita ko nga ang mga ito noong nag-aayos kami ng gamit.

akin yun?

oo.

dalhin ko na ngayon, matulin kong sagot. galing din ke ate my iyong pabango sa tokador mo?

oo, bigay niya sa akin. gusto mo 'yon 'no? tanong ni mami.

napangiti ako.

sige, iyo na. pakrismas ko sa yo. hindi naman ako nagpapabango.

kuting ka talaga, sabi ko tapos mabilis akong umakyat. at pagbaba ko, sabi ko, thank you, ma. meri krismas.

oo na, meri krismas kung meri krismas, ang arte mo, beb. alis na nga kayo, marami pang customer na aasikasuhin.








No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...