Saturday, August 25, 2012

Mula sa kapwa manunulat

Hindi pa ako tapos, pero ang dami ko nang tawa. Parang baliw matalik na kaibigan lang si Miss Bebang na nagki-kwento sa iyo ng mga kakaibang karanasan niya: noong naunang magka-regla sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid (“It’s a Mens World”), noong “kinidnap” siya ng sariling ama (“Ang Lugaw, Bow”), noong akalain ng kanyang mga kamag-anak na nasugatan niya ang pekpek niya (“Hiwa”). Oo, pekpek. Diretsong magkwento si Bebang (o di ba parang close na kami). Walang hiya-hiya. Marami akong naalala habang binabasa ang mga sanaysay niya. Tulad niya, hindi rin kami mayaman. Pero hindi siya nagsusulat ng poverty porn (siguro medyo porn lang hehe). May kaunting muni-muni, kaunting hindsight, pero sa huli, gusto lang niya sabihin sa iyo ang naramdaman nya noong nangyari ang mga pangyayari. Ganun naman yun e; kapag bata ka, hindi mo naman maiisip na kawawa ka. Maiintindihan mo na mahirap kayo, oo, pero masaya ka pa rin. Na para bang lahat e laru-laro lang. -Eliza Victoria, author, A Bottle of Storm Clouds Reposted with permission from Miss Eliza.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...