sa paraan ko ng pananalita, sa kilos ko, galaw, pananamit, legs, kilikiling laging litaw, hindi na ako dapat magulat kung natsitsismis ako. na, a...ano ba? malandi? kiri? flirt? mahilig sa lalaki?
di na ako magugulat sa ganyang paratang. at magtatawa lang ako. hindi ako napipikon sa ganito. babanatan ko pa ito ng isang oras na joke. iuutot ko lang ito sa katatawa.
pang-aaping harap-harapan lang ang makakapagpapikon sa akin. harap-harapang pang-aapi sa manunulat. at iba pang inaaping nilalang.
ang ikinagulat ko lang ay nang malaman kong pinagtsitsismisan ako ng isang elite na grupo. yung mga kagalang-galang at napakaraming dapat asikasuhin bukod sa pagpaparami ng pera. at pagtsitsismis. ito kasi yung mga tipo ng tao na napakaraming hawak na kapangyarihan.
at ano ang pinag-uusapan? lagi ko raw kasama ang boypren ko. ano pa? na lagi kaming magkasama sa FILCOLS office.
may malisya? ahahahaha gulay. hindi talaga ako makapaniwala na issue ito sa ibang tao. lalo na sa katulad nila. hangang-hanga pa naman ako't napakatatalino at napakalalayo na ng narating. at mga higante ito sa isang industriya sa pilipinas (putcha sige pa clue pa para na talaga tong blind item kesa blog entry tungkol sa damdamin)
hindi ko akalaing issue rin na lagi kaming magkasama ni boyfriend. sa buong buhay ko, nitong huling dalawang taon lang ako nagpakilala ng boypren sa madlang pipol. ngayon ko lang nae-enjoy talaga ang pagboboypren, kaya napakasaya ko na kasama ko siya sa karamihan sa aking ginagawa at nasusundo niya ako sa FILCOLS pag libre siya.
pero ang gawin itong issue against me? at sa kakayahan kong magtrabaho?
GULAY. ANAK NG PATOLA AT SINGKAMAS.
ano kaya ang tumatakbo sa isip nila pag nakikita kami? san kaya galing ang dalawang to? bat pawisan? bat parang gusot-gusot ang damit nila? at kusot-kusot ang buhok? at basa ang mga labi?
pano kaya tumakbo ang usapan nila? hahahaahaha
natatawa ako pero antotoo, naiinis ako, nakaka-disappoint, e. sa kanila kasi nanggaling. i can't help but utter these words: ang cheap lang. ang cheap pala netong mga hinahangaan ko.
di ba nila naisip na kahit lagi kong kasama si boyfriend ay natatapos ko naman ang inaasahan sa akin? nagagawa ko naman nang maigi ang trabaho ko, at higit pa? na nakakapag-ambag pa rin ako sa mga dapat kong pag-ambagan? ba't ganon ang tingin kay boyfriend? di ba nila makita na parang lucky charm ko ito? at source ng strength kapag nalo-lowbat na ako?
pati pagpunta (at pagtambay) niya sa office namin!!! yown talaga ang di kow matanggap hahahahaha
iniisip ba nila, me ginagawa kami sa opis?
bat ko gagawin doon, ay bukas naman ang sarili kong bahay bente kuwatro oras siyete days a week? me bahay din si boyfriend na bente kuwatro oras at siyete days a week ding bukas para sa aming dalawa, sa aming dalawa lang dahil walang taong nakatira dun, puwedeng puntahan anytime!
ay, ay, ay.
ang hirap nga naman kapag ang pino-project mo talagang personality ay approachable, masiyahin, accommodating, madaldal, all out at open-minded. akala yata nila kapag ganyan ka e ganyan ka na sa lahat ng aspekto ng pagkatao mo. at akala yata nila, kahit makarating sa akin ang mga itinae ng mga bibig nila, ok lang. hindi ako maiinsulto.
ay totoo naman. wala silang ibang ininsulto kundi ang kanilang mga sarili at ang mga bibig nilang ubod ng baho.
Wednesday, July 4, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment