Tuesday, August 26, 2014

Mula kay MAM LUALHATI BAUTISTA

dahil napapangiti ako ng mga kuwento mo, pag nagkita tayo, ibibili kita ng chicklet. 20 August 2014

nabasa ko na nang buo ang it's a mens world. hindi pala ako mangingiti sa lahat. naiiling akong natatawa sa "hiwa" at galit na galit kay kuya dims. salamat, patay na siya.

Good, good, nakabalik ka na sa Pangasinan. Enjoy ako sa paraan mo ng pagkukuwento, lalo na nang tinuruan mo pa ako ng tamang tawag sa mga kamag-anak hahaha! Isusunod ko ang Nuno sa Punso. 25 August 2014


OMG OMG OMG THE BEST FEEDBACK. E.V.E.R. haaaaaaay puwede na akong mamatay!

Monday, August 25, 2014

Pasasalamat para sa Book Launch ng Nuno sa Puso sa WTC

Matagumpay ang paglulunsad ng una naming kambal, ang Nuno sa Puso I at II! Ginanap ito sa World Trade Center noong 23 Agosto 2014, 2:00 ng hapon. Kasabay namin sa paglulunsad si Prop. Joselito delos Reyes na nagpakilala sa kanyang unang aklat: Istatus Nation.

Nagpapasalamat nang buong puso ang Team Nuno na binubuo nina Bebang Siy, ang awtor, Ronald Verzo II, ang book designer, at Sean Elijah Siy, ang illustrator.

Salamat po sa buong Visprint, Inc. lalo na kina Mam Nida Ramirez, na siya ring gumawa ng lay out ng twin books, at kay Kyra Ballesteros, na walang sawang nakipag-coordinate sa amin mula pa noong umpisa hanggang sa paglulunsad.

Salamat sa Responde Cavite Team sa pagbibigay ng pagkakataon na magka-column sa kanilang diyaryo:

Eros Atalia
at ang Atalia brothers

Salamat sa mga sumulat ng intro:

Ronald Verzo II
at Eros Atalia

Salamat sa mga sumulat ng blurb:

Orly Agawin
Lora Lynn de Leon
Mitch Cheidjew
Juan at Azalea Ramos
Clarence Almine
Lester Dimaranan

Salamat sa nagtanghal ng excerpt mula sa aklat:

Orly Agawin!

Salamat sa mga sponsor na nagbigay ng freebies at discount coupons na sina Pauline Apilado ng Human Nature, Bumbo Cruz at Mae Catibog ng Lucky Bean Coffee Bar, Nowellyn Pahanel ng Nowellyn Pahanel Beauty Salon, at Balangay Books para sa Nuno sa Puso stickers.

Salamat sa mga dumayo at bumili ng aklat:

Sir Angel Alfonso ng PCU High Manila (bitbit ni Orly, grabe! gulat ako!)
Darwin Medallada ng Paranaque City
Lora Lynn de Leon ng Imuralla Ladies at Flips Flippin' Pages
Beltran family headed by Kristina Karen Beltran at Alex
Fajardo family headed by Fiona and Anton
Jofti Villena ng FWGP
Danilo Calalang ng Vibal
Rem Tanauan ng LIRA
Claire Madarang ng LIRA
Mam Donabel Calindas ng St. Benilde
Mark Anthony Cabrera ng Gawad Kalinga
Ryan Pesigan Reyes ng iAcademy at PRPB
Jayson Fajardo ng PRPB
Jhive ng PRPB
Paul Castillo and friend
Rommel ng UST Engineering
Paulo ng UP Diliman
Ate Ena Galang ng NBDB
Pauline Hernando of UP Diliman
Colleen Roa of Royal Review Center
Mama Hernando
to follow po ang iba pang pangalan

Salamat sa BebPoy Wedding Team na ever present sa mga gawain naming magjowa:

Anna Marie de Castro
Vivian Limpin
Mae Catibog
Domingo Lazam III
Rap Ramirez
Juan Angelo at Azalea Ramos
Joshell Montanano

Salamat sa mga kaibigan ni EJ na nakisaya sa amin:

Abigail Faniega
Eunice Romanillos
Sara Regacho

Higit sa lahat, salamat sa family members namin na dumalo at bumili (hahaha! walang choice, pipilitin namin silang talaga)

Wico-Siy family

Budang Adriano at Kiss Bucol
Joshua Dominic Siy
Ressie Tisay Wico
Veronica Siy at Aze

Verzo family

Mama Nerie Verzo
Rianne Verzo
Ronier Verzo

Nakakataba ng puso ang suporta. Super daghang salamat. Diyos na ang bahala sa inyong biyaya.
-from the Team Nuno

Sunday, August 24, 2014

Mula sa mambabasang si Darwin Medallada

Nuno sa Puso na inakala kong Nuno sa Punso: Isang Rebyu

Iniisip ko kung paano ba ako makakagawa ng rebyu tungkol sa isang libro sa kauna-unahang pagkakataon. Kunwari na lang marunong ako. Isa. Dalawa. Tatlo. Inhale. Exhale. Game.

Noong una ko pa lang makita ang Nuno sa Puso (oo, tama ka ng nababasa) inakala kong kwentong kababalaghan ang laman nito, dahil Nuno sa Punso ang pagkakabasa ko. Ilang araw bago magkaroon ng lunsad aklat ay nalaman kong mali pala ang inakala ko, dahil ang inaakala kong librong tumatalakay sa kwentong kababalaghan ay tumatalakay pala sa iba't - ibang problema. Doon na muna tayo sa unang librong nabasa ko: may sky blue na pabalat. Dalawa ang librong may pamagat na nuno sa puso pero hindi ko alam kung ano ang una o ikalawa dahil walang pamagat. Ang unang librong nabasa ko ay tungkol sa mga sulat ng mga taong problemado sa pag-ibig. Napakalaking problema hindi ba? Kasi halos naman tayo ay nakaranas na ata ng ganito. Kung paano umibig, ibigin, mabasted at kung anu-ano pang bagay na may kinalaman sa love at sekswal na usapin.

Sa Nuno sa Puso ay sinagot/pinayuhan ni Beverly Siy ang mga problema mula sa boyfriend na bilmoko nun, bilmoko niyan, babaeng may gusto sa bestfriend niyang ikakasal na, lalaking nahuling pumupunta sa club ng asawa, tips kung paano manliligaw, sa asar sa tahimik na kadate, asar sa girlfriend/ boyfriend, kung paano iiwan ang girlfriend at hanggang sa text messages lang nagkainlaban. May mga pahinang natatawa ako at nalulungkot na lang dahil sa mga hinaing ng mga sumulat. Hindi ko alam kung mababaw ako pero mula umpisa ay napapangiti ako ng palihim sa bawat pahina, (Hindi ako humalakhak nung malaman kong may jejemon na sumulat sa pahayagan. Pramis!) at sinusundot nito ng paunti-unti ang puso ko na para bang nakikisimpatya ako sa mga taong may problema na ni anino nga ay hindi ko kilala. Madaling intindihin ang salita ng aklat (maliban na lang doon sa jejemon) walang sensorship dahil ang titi ay titi at ang pekpek at pekpek. Pangit naman kung etits at kipay, tunog tambay. Siguradong matatapos mo ang pagbabasa sa isang upuan lang dahil maganda ang pagkakasulat ng aklat, apat na oras ko lang tinapos ang aklat dahil nga tuwang - tuwa ako, ang daming tips para sa mga ayaw gumastos sa date, sa mga kuripot dahil aminadong kuripot ang nagsulat at kung paano manligaw at kung paano malamang ayaw sa'yo ni girlaloo. Hohoho!

Shit. Ang hirap gumawa ng rebyu! hahaha! Maganda ang libro pramis!

PS: Mula sa puso at puyat na utak ang rebyu na to. Mamaya yung ikalawang nuno sa puso naman ang babasahin ko. JEJEJE



************************************************************************************************************
Kay Ginoong Verzo, natatawa din ako doon sa payong sinabi mo na hindi lalabhan ng isang buwan ang brip o di kaya'y lagyan ng asukal para langgamin.

At dahil tumalon ka sa barbwire, ililibre mo ko ng susunod na libro ni Mam. Beverly Siy! At bibili ka ng Nuno sa Puso 1 at 2.

Salamat sa pagbabasa.

Inilathalang muli ang piyesang ito nang may pahintulot mula kay G. Darwin Medallada.

Maraming salamat, Darwin. Lalo na sa pagpunta mo sa book launch! Nakakatuwa itong isinulat mo, na-inspire akong kumatha pa ng mga aklat. At... alam mo, isa ka sa mga unang gumawa ng rebyu ng Nuno. Mabuhey!

Wednesday, August 20, 2014

Tanong ng Magbubukid (Isang Dalit tungkol sa Climate Change)

Pagkatanggal n'ya ng ukis*,
"Bakit maputla't maliit?"
Ang itinuro ng mais
Ay ang nagbabadyang langit.

-Beverly Siy

* ukis-balat ng mais sa wikang Ilokano

Saturday, August 16, 2014

Ang Filipinong Pangkolehiyo



ni Bebang Siy para sa KAPIKULPI column

Nagulantang ang mga guro sa Filipino sa kolehiyo nang matanto nilang mawawalan sila ng trabaho dahil sa implementasyon ng K to 12 program, pagsapit ng 2016.

Wala na kasing Filipino courses sa kolehiyo. Ang mga ito ay ituturo na sa Grades 11 at 12 sa bagong programa.
Nitong mga nakaraang buwan, masigasig na ipinagtanggol ng mga Filipino teacher ang kanilang kurso para mapanatili ito sa kolehiyo. Ano ba namang uri ng bansa ang itinatatwa ang sariling wika sa edukasyong pang-tertiary? Tanging Pilipinas lamang!

Ngunit sa aking palagay, may batayan ang paglalagay ng mga education expert sa pangkolehiyong Filipino courses sa antas ng high school. Masyado kasi itong basic! Ano ba ang laman ng Filipino 1 na pangkolehiyo? Kasaysayan ng wikang Filipino at mga sistema nito tulad ng Ponolohiya (tungkol sa tunog ng wikang Filipino) at Morpolohiya (tungkol sa kung paanong nabubuo ang mga salita sa wikang Filipino). Kasama rin sa Filipino 1 ang paglilinang sa apat na kasanayan (pagbabasa, pagsusulat, pakikinig at pagsasalita) at introduksiyon sa konsepto ng komunikasyon.

Ang Filipino 2 naman ay hinggil sa dagdag na kasanayan sa pagbabasa at pagsusulat. Research ang oryentasyon nito. Ang output ng kurso ay isang pananaliksik sa wikang Filipino.

May suspetsa ako na kaya ganito ang pangkolehiyong kurso sa Filipino ay dahil ang ginagaya nito ay ang takbo ng English 1 at English 2 sa kolehiyo. Pag pinagtabi ang mga syllabus na hawak ng mga guro sa dalawang kurso na ito, makikita na parang isinalin lamang sa Filipino ang syllabus sa Ingles. At gayundin ang Ingles, patungo naman sa Filipino. Kung pareho ang daloy, paksa at hangarin (maging malay sa ugnayan ng wika at kultura) sa likod ng pag-aaral ng dalawang kurso, bakit kailangang kunin ng estudyante ang Filipino 1 at 2 at English 1 at 2 sa kolehiyo? Sayang lang ang tuition dito. Sayang din ang effort at panahon ng estudyante. Wika lang naman ang ipinagkaiba nila sa isa’t isa.

Para sa akin, ang Filipino 1 (at ang English 1 at 2) ay pang-high school level kaya dapat ay itinuturo na ito sa nasabing antas. Dapat, bago makapasok ng kolehiyo ang isang estudyante, alam na niya ang kasaysayan ng kanyang wika, alam na niya ang mga sistema nito, at expert na siyang magbasa, magsulat, makinig at magsalita lalong-lalo na sa sariling wika.

Ang Filipino 2 naman, puwedeng manatili sa kolehiyo. Pero dapat ay gawin itong parallel sa kurso na kinukuha ng isang college student. Kung Criminology, ay di dapat nakakiling na agad sa mga terminong pangkriminolohiya ang Filipino 2! Pagpasok pa lang ng estudyante, ituro na agad ang mga angkop na termino na may kinalaman sa kanyang kurso. Build up agad ng vocabulary! Sa pagtatapos ng kurso, dapat din, ang lahat ng output ay pananaliksik sa kriminolohiya sa wikang Filipino. Dapat ang bawat departamento ng Filipino sa lahat ng kolehiyo at pamantasan ng bansa, kada taon ay may inilalabas sa publiko na koleksiyon ng mga pananaliksik sa Filipino na gawa ng mga estudyante. Ito ang tunay na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. (Sad to say, 97% ng mga pananaliksik sa bansa natin ay hindi nagagamit, walang pakinabang. At may teorya ako na ito ay dahil sa wika kung saan nakasulat ang pananaliksik. Kung tungkol sa agrikultura, bakit isusulat sa Ingles? Para kanino ba ang pananaliksik? Sa Amerikanong magsasaka?)

(Ang tanong ko lamang dito, sino ang tamang guro para sa ganitong uri ng Filipino subject? Ang gurong eksperto sa kurso ng estudyante o ang karaniwang Filipino teacher? Kung ang gurong eksperto sa kurso ng estudyante, baka hindi sapat ang skills niya sa sariling wika at sa pagsulat ng pananaliksik! Pero kung karaniwang Filipino teacher naman, baka hindi sapat ang alam niya sa kurso ng estudyante.)

Ang pagpapanatili ng Filipino courses sa kolehiyo ay dapat na maging output oriented. Dapat ay mayroong kongkretong output ang lahat ng estudyante sa bawat pagtatapos ng kurso. Sa ganitong paraan, ine-encourage natin ang pag-produce ng intellectual properties at siyempre, ang paggalang dito.

Kaya ang isa pang kursong iminumungkahi ko (puwedeng ipamalit sa Filipino 1) ay malikhaing pagsulat sa Filipino para sa mga college student. Ang kursong ito ay hindi lamang output oriented kundi makakapaglinang din ng pagiging malikhain ng bawat estudyante. Sa paglikha, makikita ang pinakamataas na antas ng pagkatuto ng isang estudyante. Mapipilitan silang mag-identify, mag-sort, mag-analyze, mag-predict, at iba pa. Lahat ito ay kailangang daanan ng isang taong gusto (o kailangang lumikha).

Isa pa, makakatulong din ito na mapunan ang dahop na mga libro at materyales sa sarili nating wika. In time, kaya na nating mabaliktad ang sitwasyon sa loob ng mga library at bookstore kung saan ang majority ng mga aklat ay nasa wikang banyaga, gawa ng mga banyaga.

Kaya palagay ko, habang isinusulong ng mga guro sa kolehiyo ang karapatan ng Filipino courses sa tertiary education, pag-isipan na rin nilang maigi kung paanong babaguhin ang mga ito (at ang mga atake, kagamitan, silabus, estilo, etc.) para maging mas angkop at kapaki-pakinabang sa mga estudyante mula sa iba’t ibang kurso. Sa hinaharap, makakatulong ito nang malaki sa ating bayan dahil… major production ito ng mga intelektuwal na produkto.

Kung may tanong, komento o mungkahi, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

Monday, August 11, 2014

inspirasyon

gusto ko lang magpasalamat sa mga taong ito. natanggal ang writer's block ko dahil lang sa pakikipag-usap ko sa kanila.

HAHMPers- Hay, Ang Hirap Maging Pinay FB group members

24 hours after ko silang makausap, my God, natapos ko ang storyline na antagal-tagal kong ni-labor. Another 24 hrs passed, natapos ko ang buong comics script.

Thank you, mga mareng diyosa at bru at the same time!

Vic Ejanda

nawala sa isip ko na food and science ang expertise ng manunulat na ito na FB friend ko. so noong nagra-rant ako sa kanya tungkol sa hirap ng kasalukuyang proyekto, suggest siya nang suggest ng mga puwedeng ilagay sa comics. Isa roon ay ang ...

submarino, isang uri ng palay seed na kahit mababad nang matagal sa tubig ay tutubo, yayabong at mamumunga pa rin.

ni-research ko ang detalye ng submarino at iyon nga, inilagay ko na ito sa aking comics script.

Salamat, Vic! laking tulong!



hay, buti na lang at fountain of inspiration ang mga kaibigan ko sa FB. sana ako rin nakakatulong sa kapwa kong nasa FB hehe. let's pay it forward. kung meron diyang nahihirapan sa kanilang sinusulat, email or FB n'yo lang ako, ha?

beverlysiy@gmail.com
beverly wico siy

i am so willing to help! hugs!

Translating Ambeth Ocampo

Noong 1st quarter ng taon, nag-propose ako kay Mam Karina ng Anvil ng isang translation project. Nakabili kasi ako ng Chulalongkorn book ni Sir Ambeth Ocampo at natuwa ako sa aking nabasa. Napakagaan din ng kanyang wika. Sabi ko, kayang-kaya ko itong isalin.

Kaya sinabi ko ito kay Mam Karina. Sagot niya, tamang-tama, gusto ni Ambeth na magkaroon ng Filipino column sa mga tabloid.

Tipong katabi raw ng column ni Dr. Margie Holmes (na tungkol sa sexuality, hahaha)! Wow! Sabi ko, serendipity! At sa 2015, ika-25 anibersaryo daw ng Rizal Without the Overcoat (RWTO) ni Sir Ambeth. Gusto rin daw nitong magkaroon ng Filipino version para dalawa ang ilulunsad nito. Isang Filipino at isang 25th anniversary edition.

Wow uli! Sabi ko, sige po, sige po. Sabi ni Mam Karina, magpadala raw ako ng sample translation.

Agad kong hinanap ang RWTO na kopya namin. Nahanap ko ito kaya lang pagkatapos lamang nang ilang araw, nawala na ito. Sa sobrang desperate ko, nagtanong-tanong na ako sa ilang kaibigan para makahiram ng aklat na ito. Kaya lang, hindi rin daw nila mahanap ang kanila! Hay.

Pagkaraan pa ng ilang linggo, email sa akin ni Mam Karina, nasabi na raw niya iyong proposal ko kay Sir Ambeth at hinihintay na nga raw ako nito.

Naisip ko kailangan ko na talagang i-bribe si EJ para halughugin niya ang buong bahay namin, ahahha!

Pero isang araw, bigla na lang itong sumulpot uli at binasa ko na nga nang paisa-isa at paputol-putol.

Nakakatuwa talaga ang wika ni Sir at tinuturuan din niyang maging critical thinker ang kanyang mambabasa. May mga tanong sa karamihan sa mga akda, tulad ng Do you believe this? I think... what about you? Ini-spark din niya ang pagiging inquisitive ng reader and I think effective naman ito kasi kahit ako, napapa-Google ako sa mga sinasabi niya sa kanyang mga akda.

Di ba kapag affected ang reader, effective ang writer?

Andami kong nalaman uli tungkol kay Rizal. Kontrobersiyal ang ating pambansang bayani! Exciting ang kanyang buhay!

Hindi deserve ni Rizal ang atakeng ginagamit ng karamihan sa mga Social Studies at P.I. 100 teacher natin. I'm sure, sinadya ni Rizal na maging exciting ang buhay niya para mapanatili tayong nakatuon at mapagmasid sa ating kasaysayan. Tapos ay ano? ipe-present siya bilang amboring-boring na tauhan sa kasaysayan ng Pilipinas?

utang na loob.

Anyway, finally nakapag-submit na ako ng sample translation ko kay Mam Karina. para na rin ito sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng aking blog.

Heto po:


Ang mga Sulat nina Gettie at Pettie
ni Ambeth Ocampo
Salin ni Beverly W. Siy

Lagi kong naiuugnay ang buwan ng Agosto kay Manuel Quezon dahil laging walang pasok noon pagsapit ng ika-19. At sa eskuwela, lagi naming ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika.

Sa panahon ngayon, malamang na nasa loob lang ng bahay ang mga bata dahil sa ulan na dulot ng habagat, hindi dahil kay Quezon. Pero sigurado akong itinuro rin sa kanila ang kasabihang:

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika
Ay mahigit pa sa hayop at malansang isda

Ito marahil ang pinakasikat na taludtod na gawa ni Rizal, pumapangalawa sa “Adios patria adorada;” pero kapag sinilip muli ang mga kopya ng tulang “Sa aking mga kababata,” ang sabi ni Rizal doon ay “sariling salita” at hindi “wika.”

Binusisi ko ito ngayon dahil napapaisip ako kung si Rizal nga ba talaga ang may-akda ng simpleng tula na ito sa Tagalog samantalang wikang Espanyol ang kadalasang gamit niya sa pagsusulat. Nasa wikang Tagalog nga ang mga personal na liham ni Rizal at isang nobelang inumpisahan niya ngunit hindi natapos, pati na ang salin niya sa William Tell ni Schiller at ilang fairy tale ni Andersen, pero nasa wikang Espanyol ang karamihan sa kanyang mga akda.

Walong taong gulang daw si Rizal nang isulat niya ang tulang ito. Hindi naman sa nagdududa ako sa pagiging genius ni Rizal sa murang edad, pero mula sa punto de bista ng isang historian, kulang na kulang kasi ang dokumentasyon patungkol sa nasabing tula. Parang walang natirang bahagi man lang ng manuskritong ito, kung tatanggapin nating may ganito ngang manuskrito.

Unang nalathala ang tula noong 1906, isang dekada mula nang pumanaw si Rizal. Lumabas ito sa isang aklat na pinamagatang Kun Sino ang Kumatha ng Florante ni Herminigildo Cruz. Dahil sa katiting lang ang dokumentasyon para matukoy kung sino ang tunay na may-akda ng “Sa aking mga kababata,” ipinagpalagay na lang na ito ay gawa ni Rizal, sang-ayon sa tradisyon noon.

Pero posible kaya na noong ideklara ang Tagalog bilang Pambansang Wika noong 1930s ay ginamit lamang ang pangalan ni Rizal – at lalo na ang tulang ito – para mapadali ang pagtanggap ng mamamayan sa Tagalog bilang Pambansang Wika?

May mga burador si Rizal na nasa wikang Tagalog at Espanyol para sa (pinaniniwalaan kong) ikatlo sana niyang nobela, pagkatapos ng Noli me tangere at El filibusterismo. Nang ma-reconstruct ko ang mga burador na ito, may nagtanong sa akin kung ito na ang huling piyesang matutuklasan natin na bahagi ng kamangha-manghang Rizaliana collection. Sabi ko, a, walang nakakaalam niyan.

Baka nga bukas, bigla na lang may maglantad ng isang baul ng manuskrito. At iyon pala ang magiging dahilan para i-revise natin nang todo ang mga aklat natin tungkol kay Rizal!

Nakakalungkot lang talaga at inabot ng malas ang napakarami nating historical document nang masira ang mga ito noong panahon ng digma. Ang iba naman, nasira dahil lang sa kapabayaan, o di kaya dahil sa klima, o dahil sa mga peste (insekto at tao ang tinutukoy ko rito).

Dahil dito, hindi na natin malalaman kung gaano kapusok ang naging pagsusulatan nina Rizal at Leonor Rivera. Sinunog kasi ni Leonor ang lahat ng sulat nila, pagkatapos ay isiniksik niya’t ipinatahi sa laylayan ng kanyang wedding gown ang abo ng mga ito.

Sa kaso ng “Sa aking mga kababata,” tradisyon lamang at hindi dokumentasyon ang nababalikan natin. Sa kaso ng love life ni Rizal, may dokumentasyon tayo nito noon, pero tradisyon na lamang ang nananatili sa atin ngayon.

Alam n’yo bang ang palayaw ni Rizal sa London ay “Pettie,” at “Gettie” naman ang sa “girlfriend” niyang si Gertrude Beckett na anak ng kanyang landlord doon?”

Talagang nakakaintriga ang mga sulat nila sa isa’t isa, ito nga ang dahilan kung bakit sinunog ang mga ito. Para daw mapanatiling malinis ang image ng ating bayani.

Sa isang award-winning biography na lumabas bago maganap ang digma laban sa Hapon, isinama ng awtor nitong si Carlos Quirino ang bahagi ng isang liham ng tambalang Gettie-Pettie.

Ito ang nakasaad doon:

Mahal kong Ginoong Rizal:

Sana ay huwag mong isipin na pasaway ako o di kaya ay malilimutin, dahil lamang sa hindi ko sinagot ang sulat mo noon, pero ang totoo, naghihintay kami ng tugon mula sa iyo, sapagkat hindi namin alam kung ligtas ngang nakarating sa iyo ang iyong kahon, isa pa’y hindi ako sigurado kung tama ang tirahan na pinagpadalhan namin, lagi ka namang lumilipat ng tirahan, kakaiba ka talaga, kung sumama ako sa iyo, disinsana ay mayroon na tayong sarili nating kuwarto, maliit pero kaaya-ayang kuwarto, mapipirmi ka na at di na maaaligaga pa.

Nag-alala ka ba noong hindi mo natanggap ang unang sulat na ipinadala ko sa iyo? Noong makalawa, gumawa ako ng paraan para bumalik ito sa akin, parang hibang lang, ano?, isinulat ko ang liham pagkaalis na pagkaalis mo, matatanggap mo sana ito nang sumunod na umaga. Ang lungkot-lungkot ko noong mga oras na iyon, hindi ko na napigilan, sumulat na ako sa iyo, huwag kang mag-alala, wala namang nakakaalam nito. Maraming salamat sa pagpapadala mo ng babasahin tungkol sa fashion pero wala naman akong nakitang magandang damit sa babasahin na iyon, walang-wala ang mga naroon sa kalingkingan ng English fashion. Tinanggap na ba nila ang busto na ginawa natin? Malamang ay tinanggap na nila iyan, napakaganda ng iyong paglikha sa mga bagay-bagay, tiyak na hindi sila tatanggi.

Ipinapaliwanag ng liham na ito ang isang dahilan kung bakit nagmamadali si Rizal noong nilisan niya ang London. Nawawala na sa kanyang kontrol ang ilang bagay!

Sabi pa ni Rizal kay Antonio Regidor, “Hindi ko siya kayang lokohin. Hindi ko siya mapapakasalan dahil may iba pa akong obligasyon na nagpapaalala sa aking bayan, at siya ring dahilan kung bakit hindi ko siya mapapakasalan. Walang dignidad sa pagpapasyang unahin pa ang aking nilulunggati kaysa sa dalisay at busilak na pag-ibig na maaari niyang ialay sa akin.

Talaga namang napakadakila ni Rizal. Pinaniniwalaan n’yo ba ito? Anyway, nakakaaninag ng iba pang kahulugan mula sa mga palayaw na Gettie at Pettie ang medyo mahalay at pang-20th century kong huwisyo. Kayo, ganon din ba?

Ito ay isa lamang sa napakaraming paraan para bigyang-kahulugan ang dokumentasyon na matatagpuan.

End of translation.

copyright ng salin: beverly w. siy


Sa pagsasalin ko nito, naisip ko ang ilang bagay.

1. Kailangan ng mahabang panahon para ito maisalin nang maganda at maayos. Ilang oras ko lang itong isinalin (pero ilang oras ding in-edit), pero ito na kasi ang pinakasimpleng piyesa sa aklat (sa opinyon ko, ha?). Napakaraming piyesa ang may passages mula sa Noli at El Fili, may passages mula sa mga aktuwal na liham, at may passages mula sa mga aktuwal na aklat. Marami din ang nasa Espanyol ang orihinal na akda. Sa RWTO, nasa Ingles na ito. Pero kung iyon ang isasalin ko, ay di ba magiging salin na lamang ng salin ang aking gawa? Ibig sabihin, kailangan kong konsultahin ang orihinal na bersiyon, iyong nasa Espanyol. At pagkaganon, kailangan kong mag-hire ng eksperto sa Espanyol. Dahil kinakalawang na ang Espanyol na natutuhan ko mula kay Prop. Beatriz Alvarez ng UP.

2. Kailangan kong magbasa ng marami. Siyempre, kailangang balikan ang Noli at El fili. Kailangan ko ring basahin ang mga nababanggit na aklat na tinalakay sa ilang piyesa. Halimbawa nito ay ang Animal Farm ni George Orwell. Kapag tinalakay ang mga pamosong tao, halimbawa si Ho Chi Minh, kailangan kong magbasa nang bongga tungkol sa kanya. Hindi puwede ang stock knowledge dito.

3. Kailangan kong kumonsulta lagi kay Sir Ambeth. May mga linya kasi na wala talaga sa orihinal niyang akda pero kapag in-apply-an ng common sense ay saka lang mauunawaan nang lubos ang linyang iyon. E, ito pa namang common sense ko ay NPA! hahaha no permanent address, minsan lumilipad palabas ng bintana!

Halimbawa nito ay iyong ...

Lagi kong naiuugnay ang buwan ng Agosto kay Manuel Quezon dahil laging walang pasok noon pagsapit ng ika-19. At sa eskuwela, lagi naming ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika.

Sa panahon ngayon, malamang na nasa loob lang ng bahay ang mga bata dahil sa ulan na dulot ng habagat, hindi dahil kay Quezon. Pero sigurado akong itinuro rin sa kanila ang kasabihang:

Ang orihinal nito ay:

I associate August with Manuel Quezon because we always had a holiday on the nineteenth, and in school we always celebrated Linggo ng Wika.

This year the monsoon rains kept the children indoors, but I'm sure they were taught the saying:

Kung isasalin ko nang literal ang ikalawang linya, "This year the monsoon rains kept the children indoors, but I'm sure they were taught the saying:" hindi ko na kailangang sabihin ang "hindi dahil kay Quezon." kasi wala namang ganon na nabanggit sa naturang linya. Pero dahil parang pinaghahambing ng awtor ang kanyang childhood experience of August sa experience ng mga bata sa ngayon, idinagdag ko na rin ang "hindi dahil kay Quezon."

Proud ako sa bahaging ito ng salin ko. Kasi na-detect ko ang maliit na unwritten part na iyon sa akda ni Sir Ambeth. Pero paano kung iyong ibang ganito ay hindi ma-detect ng aking NPA na common sense? Hala, lagot!

Kaya palagay ko, matinding konsultasyon ang magaganap para magawa ko ang proyektong ito. Sana lang ay di makulitan sa akin si Sir Ambeth.

Hmmm... dito na muna. Dasal ko lang ay sana matuwa dito si Sir Ambeth at Mam Karina. Kagabi ay nabanggit sa akin ni Poy na mayroon na raw na tinanggihan na translator si Sir Ambeth. Si ano raw. Sabi ko, bakit kaya? Kilala ko pa naman ang writer/translator na iyon at napakahusay niyon. Ngi. Bakit kaya hindi nagustuhan ang gawa niya? OMG kinabahan na naman tuloy ako :(

Pero hindi man matanggap ang proposal/sample ko, keri lang.

Mantakin n'yo, nabisita kong muli ang kaloob-looban ng pambansang bayani!


Friday, August 8, 2014

Comics script tungkol sa climate change: Ang Kuwento ni Aldo

Draft #1
Comics script para sa Story #2
Manunulat: Beverly Siy ng Kamias, QC

Topic: Ang pag-adapt ng mga magbubukid sa climate change

Working Title: Ang Kuwento ni Aldo

Setting: Contemporary times, rural at siyudad, isang season ng pagsasaka

Mga Pangunahing Tauhan:

1. Aldo, 40’s, magbubukid na magiging lider sa training para sa magbubukid
2. Amihan, 30’s, kasintahan ni Aldo, simple lang ang beauty, tauhan sa isang eatery sa Kutitap City
3. Maya, 30’s, farmer trainor, maganda
4. Ber, 40’s, kaibigang magbubukid ni Aldo
5. Prospero, 50’s, kakilala ni Aldo, ahente ng real estate


FRAME 1: Isang hapon, sa labas ng isang dampa, nakaupo sa isang maikling bench si Aldo, may kausap siya sa cellphone. Nakatanaw si Aldo sa malayo, nakakunot ang kanyang noo. Nakataas ang isang paa niya.

Ang kausap niya ay ang kasintahan na si Amihan. Nasa Kutitap City si Amihan, nagtatrabaho bilang tagaluto sa isang kainan.

CAPTION: Pinipilit na naman si Aldo ng kanyang nobyang si Amihan.

AMIHAN (off-frame): Sabi ko na sa ‘yo, dito ka na lang sa magtrabaho. Kailangan pa nila ng tao dito sa eatery. Okey naman ang sahod, makakaraos. Ang importante, magkasama tayo rito sa Kutitap City.


FRAME 2: Si Amihan, sa loob ng isang eatery, nakaupo sa dining area, walang kumakain doon sa kasalukuyan. Bakas din sa mukha ni Amihan ang pagod at katandaan. Medyo inis din siya.

ALDO (off-frame): Binibiro ka na naman ba ng cook n’yo? Susuntukin ko ‘yan pagdating na pagdating ko d’yan.

AMIHAN: Ay, oo. Akala ay puwede pa akong pormahan. Single pa raw kasi.


FRAME 3: Gabi na. Tapos na silang mag-usap sa telepono. Nasa loob na ng kanyang dampa si Aldo. Nakahiga siya sa banig sa isang sulok ng dampa. Mulat na mulat pa siya.

CAPTION: Dahil sa pagkakalayo nila ni Amihan, inalihan na naman ng kaba si Aldo.

ALDO (Thought balloon): Matagal na ring naghihintay si Amihan. At isa pa, hindi na rin naman kami bumabata. Sa magkakapatid, ako na lang naman ang naiwan dito. Pag sumunod ako kay Amihan sa Kutitap, wala nang titingin sa bahay namin.


FRAME 4: Umaga, mga alas-diyes. Nasa labas ng kanyang dampa si Aldo kausap ang kaibigang si Prospero, ahente ng mga bahay at lupa.

May dalang bag at folder si Prospero. Halatang salesman sa itsura pa lang. Nakatingin si Prospero sa dampa ni Aldo, parang sinisipat.

CAPTION: Naisip ni Aldo, ibenta na lang ang kanilang bahay. Kinonsulta niya ang kilalang ahente sa kanilang bayan, si Prospero.

PROSPERO: Puwede nang ibenta. Pero, Pareng Aldo, kung maipapaayos mo ito, tataas pa ang presyo ng bahay mo. Mga ilang daang libo rin. Marami ang magkakainteres diyan kasi malapit-lapit sa highway.


FRAME 5: Same day, nakaalis na si Prospero. Nanatili si Aldo sa tapat ng kanyang dampa. Nakatanaw pa rin sa malayo.

CAPTION: Pagkaalis ni Prospero…

ALDO (thought balloon): Tama. Sana maganda ang ani ko para maipaayos ito. Sasapat naman na siguro iyong mapagbebentahan ng bahay para sa amin ni Amihan. Saka kakayod naman kaming dalawa sa Kutitap City. Di na siguro kami magugutom.


FRAME 6; Flashback (puwedeng black and white ang frame na ito). Hatiin sa tatlong makikitid na parihaba ang buong frame.

CAPTION: Ngunit maaalala ni Aldo ang mga nagdaang sakuna: bagyo, baha, tagtuyot.

Parihaba 1: Puno ng niyog na sinasabunutan ng napakalakas na hangin. Simbolo ito ng bukid na binabayo ng bagyo.

Parihaba 2: Bukirin na lubog sa baha.

Parihaba 3: Isang usbong ng palay na nakatanim sa lupa na sobrang tuyot at nagka-crack na.



FRAME 7: Close up ng mga kamay ni Aldo.

ALDO (thought balloon): Huli na ito. Sakaling pumalpak ang ani, ibebenta ko na ang bahay kahit hindi pa ito napapaayos. Susunod na ako kay Amihan sa Kutitap City.


FRAME 8: Umaga. Sa bukid, nagkakaingin si Aldo.

CAPTION: Di na nagpatumpik-tumpik si Aldo, hinarap na niya ang mga trabaho sa bukid.


FRAME 9: Same scene sa Frame 8. Hahangos si Ber, isang kaibigan ni Aldo na magbubukid din.

CAPTION: Napadaan si Ber, kaibigan ni Aldo na isa ring magbubukid. Sinita nito si Aldo.

ALDO: Bakit? Anong problema?
BER: Masama ang kaingin, di mo ba alam?


FRAME 10: Close up ng isang tanim na wala nang bunga.

BER (off frame): Kasi para yumabong ang pananim, huhugot ito ng napakaraming sustansiya sa lupa. Kapag sinunog mo ito pagkatapos anihin ang puwedeng maani, ang tanim ay bumabalik sa lupa bilang abo. Wala nang masyadong sustansiya ang abo.

ALDO (off frame): Oo nga. Napuputol ang pag-ikot ng sustansiya mula sa lupa papunta sa mga pananim at mula pananim pabalik sa lupa!

FRAME 11: Medium shot ni Ber. Nakangiti ito.

CAPTION: Naisip ni Aldo na baka ito ang dahilan kung bakit mas maganda ang ani ni Ber kaysa sa kanya nitong mga nakaraang taon. Nagtanong pa si Aldo pero iba na ang mungkahi ni Ber.

BER: Kailangan talaga, alam natin ang mga bagong paraan ng pagbubukid. Sumama ka na kasi sa ‘kin. Ipapakilala kita sa farmer trainor namin. Teka, di ba, Aldo, wala ka pang asawa? Maganda si Maya. Single pa.

ALDO: Ku, ikaw talaga, Ber! Meryenda nga muna tayo. Ikukuwento ko sa ‘yo ang mga plano ko sa buhay.

FRAME 12: Sa isang pagpupulong ng mga magbubukid, nakaupo ang mga magbubukid na babae at lalaki sa mga bench na gawa sa mga plank ng niyog. Isa roon si Aldo. May hawak na papel at panulat ang lahat. Lahat sila ay nakikinig sa babaeng farmer trainor na si Maya. Tanaw ang bukirin mula roon.

CAPTION: Unang araw pa lang ng pagkakakilala ni Aldo kay Maya, marami na itong natutuhan.

MAGBUBUKID: Maya, hindi lahat ng insekto ay peste.

MAYA: Tama. Kaya ‘wag tayong bomba nang bomba ng pesticide. Dahil pinapatay nito ang lahat, pati na gagamba o tutubi, mga insektong nakakatulong sa atin. Pinupuksa din nila ang mga pesteng insekto.


FRAME 13: Same day, same venue. Pagkatapos ng pulong, magkausap sina Aldo, Maya at Ber.

MAYA: Mabuti‘t nahila ka na ni Ber dito.

ALDO: Oo nga, Maya. Lagi na akong dadalo rito. Ang dami ko na palang hindi alam.

BER: Tiyak na lalo pang gaganda ang ani mo, Aldo. Mapapaayos na ang bahay mo!



FRAME 14: Malakas ang ulan. Sa sarili niyang bukid, nakamasid si Aldo sa isang bahagi ng bukirin kung saan katatanim lamang niya ng binhi ng “submarino,” isang variety ng rice na nabubuhay at yumayabong kahit lubog ito sa baha nang ilang araw.

Si Aldo ay nakasumbrero, sangga niya sa malakas na ulan ang isang dipa ng plastic cover.

CAPTION: Mula noon, ginagawa na ni Aldo sa sariling bukid ang mga natututuhan niya sa mga pulong na pinamumunuan ni Maya.

ALDO (thought balloon): Tamang-tama pala itong pagkakatanim ko ng binhi ng submarino mula kina Maya. Bumaha man o mababad sa ulan, tutubo pa rin ito at yayabong.



FRAME 15: Sa pulong uli ng magbubukid, magkaharap sina Aldo at Maya. May inaabot na dalawang plastik si Aldo sa dalaga.

CAPTION: Dahil sa paliwanag ni Maya tungkol sa pakikipagpalitan ng binhi sa magbubukid mula sa iba pang lugar, ginanahan si Aldo at iba pang dumalo sa pulong na magbigay ng binhi para rito.

MAYA: Salamat dito sa mga itlog, Aldo. Iluluto ko bukas ng umaga. Salamat din dito sa mga binhi, makakarating ito sa iba pang magbubukid!

ALDO: Walang anuman. ‘Yon ngang binhi na ibinigay ninyo sa amin, iyong galing sa kabilang bayan, ay, napakaganda ng tubo! Naobserbahan kong hiyang sa lupa natin ang binhi nila.



FRAME 16: Sa harap ng dampa, pinagmamasdan ni Aldo ang bunga ng kanyang mga halamang kamatis, kalamansi, papaya at paminta.

May ulo ni Maya sa gilid ng frame.

MAYA: Magtanim ng perennials. ‘Yon bang mga halamang namumunga buong taon kahit isang beses mo lang itanim. Me pang-ulam ka na, kikita pa ng ekstrang pera mula riyan.

ALDO: Oo nga, ba’t ako aasa sa iisang uri lang ng pananim? Para mas maraming maaasahan kahit panahon ng bagyo, baha o tagtuyot, magtanim ng marami at iba’t ibang uri.



FRAME 17: Gabi, sa dampa, nagpapahinga na si Aldo. Medium shot ng text ni Amihan sa cellphone ni Aldo.

CAPTION: Pagdaan ng ilang ulan at bagyo, isang gabing nagpapahinga si Aldo, nag-text si Amihan. Pero hindi niya ito ma-reply-an dahil wala siyang load.

ITO ANG TEXT NI AMIHAN:

Kmusta jan? Bkit d k n nagttxt o tumatawag?



FRAME 18: Isang araw, pinuntahan ni Maya at ng iba pang magbubukid (babae at lalaki) si Aldo sa bukirin. Mayabong ang lahat ng pananim ni Aldo. Nakayuko ang ilan sa mga magbubukid at ine-eksamin ang mga pananim habang nagsasalita si Aldo.

Ipakita na magkatabi sina Maya at Aldo.

CAPTION: Samantala, buo ang atensiyon ni Aldo sa pagbubukid. Magkakapera siya rito. Mapapaayos niya ang bahay. Makakapagbenta siya ng bahay sa mas mataas na presyo. Makakaluwas na siya sa Kutitap City. Mapapakasalan na niya si Amihan.

ALDO: Alam n’yo, ang obserbasyon ko sa ganitong binhi na sinasabing mabubuhay kahit sa lugar na malapit sa tubig-alat, hindi kailangan ng maraming abono.

MAYA: Aba, maganda ‘yan. Tipid! Gaano kakonti ang abono na kailangan dito, Aldo?



FRAME 19: Sa eatery sa Kutitap City, di mapakali si Amihan sa isa sa mga upuan. Matumal ang customer. Maluha-luha siya habang hawak nang mahigpit ang cellphone na luma at sa apron niyang lukot-lukot na.

CAPTION: Pagkaraan pa ng ilang buwan, matagal nang walang komunikasyon galing kay Aldo. Halos araw-araw nang napapaiyak si Amihan.

AMIHAN (thought balloon): Ano na nga ba ang plano niya sa ‘min? Mahal pa kaya niya ‘ko? Baka may iba na siya…



FRAME 20: Sa harap ng taong pinagbentahan ng kanyang ani, nagbibilang si Aldo ng pera. Maluwang ang ngiti ni Aldo.

CAPTION: Di nagtagal, dumating ang tag-ani. Tumaas nga ang kita ni Aldo kaysa noong nakaraan. Naisip niya ang orihinal niyang plano. Gagawin pa kaya niya ito?

ALDO (thought balloon): Di ko na yata kailangang pumunta ng Kutitap! Kung isasabay ko lang lagi sa pagbabago ng panahon ang paraan ko ng pagbubukid, makakaraos naman at makakaranas din ng ginhawa!



FRAME 21: Sa tapat ng isang pondahan, kausap ni Aldo si Ber at isa pang magbubukid na lalaki. Kasama nito ang isa pang teenager na lalaki.

ALDO: Okey na? P300 kada araw, mga pare. Bale, sa makalawa ang dating ng materyales. Asahan ko kayo sa bahay, ha? Alas-nuwebe.

BER: Okey na okey. Ekstrang kita rin ito, mga pare ko. Doon na tayo dumiretso ke Aldo pagkagaling sa bukid.

ALDO: O siya, una na ako. Pupuntahan ko pa si Maya.


FRAME 22: Magkausap sina Maya at Aldo sa lugar kung saan sila nagpupulong lagi. Sila lang ang tao roon. Medyo nahihiya ang itsura ni Aldo. May iniaabot siyang sobre. Pera ang laman niyon. May hawak na papel si Maya.

CAPTION: Pinakiusapan ni Aldo si Maya na bumili ng kanyang surpresa para kay Amihan.

ALDO: Pasensiya ka na. Kailangan ko kasing tutukan ang pagpapagawa ng bahay. At palagay ko, mas maganda ang mapipili mo. Dahil babae ka, tiyak na alam mo ang gusto ng kapwa babae.

MAYA: Walang problema, Aldo! Paluwas din naman ako, ipapadala ko kasi sa office itong rekomendasyon na gawin kang farmer trainor dito sa atin. ‘Tsaka may kaibigan ako sa bayan, nagtitinda ng alahas. Baka may singsing doon na maganda ang disenyo!


FRAME 23: Pagdating ng makalawa, sa tapat ng bahay ni Aldo, may tatlong lalaking nagko-construction. Isa roon si Ber. Ang isa’y may nakaumang na panukat, ang isa’y may hawak na yero, ang isa’y may pasan na sako.

Si Aldo ay nasa gitna nilang lahat. Kausap niya sa cellphone si Amihan.

CAPTION: Buong pananabik niyang sinabi kay Amihan ang nasa isip.

ALDO: Kung puwede sana’y hindi na ako pupunta riyan... Mungkahi ko, dito na lang tayo sa atin… Oo, alam ko na kung paano tayong mabubuhay dito nang maayos at maginhawa… Siyempre. May plano ako para sa atin.



FRAME 24: Nakapikit si Aldo. Nag-i-imagine siya.

ITO ANG LAMAN NG IMAGINATION NIYA:

Maayos na ang kanyang bahay. Pero hindi lumaki ang bahay. Same size pa rin ito. Ang pawid na bubong ay napalitan na ng yero. Ang mga dingding ay naging plywood na. Mas malaki ang bintana at nakukurtinahan na ito. Maraming namumungang halaman sa paligid.

Nakaluhod si Aldo sa harap ni Amihan. Nakatungo si Amihan. Nakatingin sa singsing na iniaalay sa kanya ni Aldo bilang simbolo ng pagmamahal at commitment ng lalaki.

Larawan ng kaligayahan sina Aldo at Amihan.

CAPTION: Abang-abang ni Aldo ang takdang araw ng pag-uwi ni Amihan sa kanilang bayan. Nasa isip na rin niya ang kanyang gagawin at sasabihin sa pinakamamahal.

SPEECH BALLOON NG ALDO NA NASA LOOB NG IMAGINATION:
Amihan, tatanggapin mo ba ako bilang asawa?



Wakas.

Wednesday, August 6, 2014

pera problems

bukas, kailangan na naman naming magbayad ng renta ng apartment: P9,500.

maliit lang ang sahod ko bilang guro sa philippine cultural college. P220+ per hour. nitong katapusan, ang nakuha ko sa ATM ay nasa P3,800. last month, P2,900. ganyan kaliit dahil sa dami ng walang pasok na dulot ng bagyo at holiday. dagdag pa iyong isa kong absent nang ilibing si pa. (once a week at 8 to 6pm ang klase ko. dalawang section na binubuo ng 20-30 students each at isang piraso as in one on one kami.)

every month, mayroon akong gospy at gospel komiks assignment. ang range ng natatanggap ko mula sa publisher nito ay P1,400-P1,900.

iyan na ang pinaka-regular kong mga sahod. the rest of the salapi, depende na sa dating ng raket.

kapag may mga speaking engagement ako, ang range ng natatanggap ko ay wala up to P5,000. siyempre, mas madalas iyong wala. at sobrang rare ang P5,000. as in tatlong beses pa lang sa buong buhay ko, hahaha. sa isang buwan, maraming-marami na ang apat na speaking engagement. pinakakonti naman, isa. awa ng diyos, wala pa naman iyong total zero.

nitong nakaraang buwan, naitawid kami ng kita mula sa stock market. in-invest namin doon ang 1/3 ng perang natanggap namin sa kasal. dumoble ito in a few months! actually more than double pa nga. from 30k naging 100k! (hindi kami expert sa stock market. pero nag buy and sell kami ng stocks sa ilalim ng patnubay ng mama ni poy, na dating stock broker.) wininthdraw namin ang kalahati ng 100k at iniwan ang kalahati para sa pag-buy and sell uli ng stocks. akala namin, tatagal nang bongga ang 50k na winithdraw namin.

after more than a month, halos naubos na ang 50k! agad-agad!

paano, nagbigay kami kay tisay, na nagsisintir nang bongga nang time na iyon. feeling niya, inaabandona siya ng mga anak niya. total: 5k.

ito rin yung time na na-ICU ang papa ni poy at eventually nga ay pumanaw. nagamit ko ang credit card ko noong na-emergency room si pa. mahigit bente mil ang bill sa lourdes hospital. P11.5k ang sinalo namin that night.

pagkatapos niyon ay nagninang pa ako sa kasal ng inaanak ko. matagal ko na itong naoohan at napaka-generous din ng mga kamag-anak namin mulang pangasinan, kaya hindi na ako nag-back out. pamangkin ko sa pinsan na taga-pangasinan ang aking inaanak. noong kasal namin, lumuwas pa talaga sila para dumalo, nagbigay pa sila ng ampao sa amin kahit hindi rin maalwan ang buhay nila sa probinsiya.

nang dumalo nga kami sa kasal ng inaanak ko sa pangasinan, napagastos din kami. pamasahe naming tatlo papunta, 750. pamasahe namin pabalik, 1250 (kasama kasi sina mami at dadi ed). gift sa mga auntie at uncle, 2k. motel, 300. pakimkim sa ikinasal, 3k. pasyal sa manaoag, pagkain, rosary at iba pa, 500. total: 7,800

renta ng apartment last month: P9.5k

baon ni ej sa isang buwan: P1.6k

internet bill: P800.

kuryente: P2.5k

cake noong birthday ng kapatid ni poy: 500

total: P39.2k

saan napunta ang difference na 10,800?

hindi rin namin alam. siguro sa pagkain, pamasahe, unplanned lakwatsa, gifts sa mga kaibigan, pagbili ng mga aklat at iba pa.

ngayong buwan na ito, para makabayad sa rent, binawasan na namin ang 50k na naiwan para pam-buy and sell ng stocks.

kung saan kami kukuha ng pang-araw-araw, naku ewan ko na lang :(

minsan, naiinggit ako sa mga kaibigan kong may regular na trabaho. anlalaki ng suweldo nila. meron silang mga bonus at meron din silang mga pang-retirement pagdating ng panahon. madali rin silang magka-property dahil nakakapag-loan sila.

pero ako, kami, naku, sahod sa kapalaran ang bawat buwan. hindi namin alam kung saan kami makakarating. hindi namin alam kung ano ang mangyayari. hindi namin alam kung may darating bang salapi o wala.

iyan ang hirap ng freelance. iyan ang hirap ng manunulat.



Copyright ng larawan: beverly w. siy








PRPB with Mam Lualhati Bautista

Grabe. Sobrang saya ko na makadaupang-palad muli si Mam Lualhati noong August 2.

On time siyang dumating sa UP Center for Women's Studies. 1:30 ng hapon.

Ang bungad niya sa amin, 'wag kayong didikit masyado. May sakit ako. baka mahawa kayo. naku, si mam pala ay may sipon at medyo nilalagnat. pero dumating pa rin siya para sa amin!

(Hanggang ngayon ay nawiwindang pa rin ako sa nangyari. napaka-accommodating ni mam lualhati!)

At dahil kakaunti pa lang kami nang panahon na iyon (wala pang 10, samantalang 15 members ang inaasahan namin), nagpapirma na muna kami at nagpa-picture kasama si Mam. Pagkatapos niyon, inumpisahan na namin ang informal na Q and A with Mam Lualhati. Ipinakilala ni Kuya Doni Oliveros, ang PRPB founder), ang aming book club at ikinuwento rin niya ang mga activity para sa members. Tapos isa-isa na kaming nagtanong.

Narito ang ilan sa mga tanong na sinagot niya.

Q. Sino po ang paborito ninyong tauhan sa lahat ng aklat na inyong isinulat?
A. Ayokong pumili pero siguro masasagot ang tanong na iyan sa pamamagitan ng aklat kong In Sisterhood -Lea at Lualhati.

(Si lea bustamante, ang bida ng bata... bata... paano ka ginawa? ang "sumulat" ng aklat na In Sisterhood.)

Q. Nakaranas po ba kayo ng anumang uri ng abuse?
A. Hindi. Napakabait ng aking tatay. Hindi rin ako nakaranas niyan noong may asawa na ako. Pero alam n'yo, noong araw kasi, umibig ako nang todo...

(naghiyawan ang audience. ayun, hindi na tinuloy ni mam ang kanyang sasabihin!)

Q. Wala po bang plans ang publisher na i-publish ang mga aklat ninyo sa Ingles?
A. May nag-alok sa akin dati. Ipinakita niya sa akin ang salin niya ng Dekada 70. ay, hindi ko nagustuhan. Kaya, wag na lang. Ang iba ko namang aklat ay naisalin na sa Japanese. Happy naman ako doon.

Q. May balak po ba kayong gawing e-book ang inyong mga aklat?
A. E, natatakot ako kasi baka ma-pirate sa internet. Ano ba ang proteksiyon ko diyan? Mahirap na. Kaya hindi na muna.

Q. Bakit po kayo nagdesisyon na mag-self-publish this time?
A. Hindi naman bago sa akin ang self-publish. Ako ang naglabas ng Bata.. bata... bago napunta sa Cacho. Bale itong In Sisterhood,
sinelf-publish ko dahil nagme-merge na ang Cacho at Anvil. Medyo hindi ako kampante noon. Kaya ako na lang ang naglabas nito. Ibebenta ko sana sa National kaya lang, andami na nilang hinihingi ngayon tulad ng ISBN. Wala nga 'yang ISBN, e. Kaya ibinebenta ko na lang ito nang mag-isa. So far, bumebenta naman. Kabibili lang ng Miriam College ng 800 copies.

Q. Kung gagawin pong pelikula ang buhay ninyo, sino po ang gaganap na bida?
A. Naku, hindi ko naman naiisip 'yan. Wala akong idea!

Q. Gaano po kayo katagal nanirahan sa Olongapo bago ninyo naisulat ang nobelang Gapo?
A. Isang gabi lang ako nandoon. Nagkatuwaan noong nag-iinuman kami ng mga kaibigan ko ring manunulat. Ayun, bumiyahe kami tapos nag-barhopping kami doon nang isang gabi. 'Yon na 'yon.

(manghang-mangha kaming lahat!)

Q. Meron po ba kayong ritwal bago sumulat?
A. Dati, wala. kahit nariyan ang mga anak ko sa tabi ko at nag-aaway sila, hinayahaan ko lang silang mag-away. tapos sulat lang ako nang sulat. pagkaraan, kailangan tahimik na ang paligid ko. minsan nga, nagrenta pa ako sa may sikatuna para lang makapagsulat. sa ngayon, ayaw ko na nang naiistorbo ako, ayoko iyong may biglang magri-ring na telepono. kahit natutulog ako, ayaw ko ng may manggigising sa akin. ang tanging nakakaistorbo sa akin ay ang mga apo ko. kaya yung mga anak ko, pag kailangan akong gisingin, ipapagising ako sa mga apo ko.

Marami pa kaming mga (walang kuwentang!) tanong na game na game pa ring sinagot ni Mam Lualhati. Pagkatapos ng isang oras, nagpaalam na siya dahil nga hindi pa maganda ang kanyang pakiramdam.

ibinigay namin ang aming regalo at nag-pose kami para sa isang group photo. inihanda namin ang pagkain para kay Mam pero sabi niya ay iuuwi na lamang daw niya iyon. Pinagbalot din namin ng pagkain ang kanyang anak, na siyang nag-drive sa kanya that afternoon.

Sabi ni mam, sa susunod daw, kung ganon lang din kami kakaunti (may dumating pang apat, sina Mae, Blue, wendell at lisa) sa bahay na lang daw niya kami mag-meet and greet. wah! yes na yes ang sagot namin, haha!

bago umalis, buong pagmamalaki pang ipinakita ni mam lualhati ang taxi ng kanyang anak na siyang sinakyan nila papunta sa UP. ang name ng taxi ay pangalan ng dalawang babae na nag-uumpisa sa L. (im sorry nalimutan ko!) im sure inspired by Mam Lualhati iyon and Miss Lea Bustamante!

pagkahatid namin kay mam, bumalik kami ni Clare sa conference room ng UP CWS. sobrang high pa sa tuwa ang bawat isa sa amin dahil sa pagpapaunlak ni mam. kumain kami at halos mabilaukan sa sobrang saya at excitement habang nagkukuwentuhan.

Ang susunod naming meet and greet ay ang bagong national artist for literature, si Sir Cirilo Bautista. Sana ay mapaunlakan din kami. Amen.

this is just one of the reasons why i love my book club! mabuhay prpb! mabuhay, mam lualhati!









Tuesday, August 5, 2014

Mula sa mambabasang si Lenaur Abbot ng Davao

"I've just read your work again, Bev, Marne Marino. Napangiti ako. I want to use it for my kiddie TV program. Feature kita as a writer. Pero sa ito ay sa local TV channel lang namin, ha? Local kids would surely love to hear your story. Maraming bata sa school namin ang may seaman na father."

Si Lenaur ay kaibigan ng asawa kong si Poy. Siya ay may-ari ng isang theater arts production company sa Matina, Davao. Nakasama ko na sa isang proyektong pang-children's theater si Lenaur. Bagama't hindi namin napanood nang personal ang stage play, tuwang-tuwa ako rito dahil maganda raw ang response ng manonood at ang ku-cute din ng mga bata sa ipinadala niyang retrato.

maraming salamat sa suporta mo, Lenaur. excited na ako, haha! at sana ay magkaroon uli tayo ng proyekto na stage play.

Friday, August 1, 2014

Meet and greet with Mam Lualhati Bautista

Bukas, meron kaming meet and greet the author event. At... si Mam Lualhati Bautista lang naman ang aming guest.

OMG. OMG. OMG talaga.

Hanggang ngayon, di ako makapaniwalang umoo siya sa amin. (Ganyan kagaling ang book club namin, ang Pinoy Reads Pinoy Books, hehe.)

Anyway, 1:00 ng hapon ito, sa Conference Room ng UP Center for Women's Studies, Diliman, Q.C.

Open sa lahat ng interesado. Walang babayaran na kahit magkano. Magsuot lamang ng dilaw na damit at magdala ng lalafangin. Mag-text sa akin kung may katanungan: 0919-3175708.

Bilang paghahanda bukas, pinanood ko uli ang Bata... Bata.. Paano Ka Ginawa?

Muli, naiyak ako, natawa, at na-inspire. Mamyang gabi, tatapusin ko naman ang latest na aklat ni Mam Hati, ang In Sisterhood. Isinulat naman ito ng mga tauhan na nilikha ni Mam. O di ba, kakaiba?

Weee, mabuhay ang mga book club!

timpalak sa paggawa ng dalit

Ipinaaalam ng United Nations Information Centre (UNIC) -Manila ang 2014 bilang International Year of Small Island Developing States (SIDS) sa pamamagitan ng Patimpalak sa Pagsulat ng Maikling Tulang Dalit (Tulang may tigwalong pantig ang bawat isa sa apat na taludtod na magkakatugma):

Paligsahan sa Textula
Sa sarili nating Wika
Mayroong sukat at tugma
Sa anyong 'Dalit' ang katha.

'Dalit' ay may disiplina:
Apat lamang itong linya
Walong pantig bawat isa
Sa pagbuo ng 'stanza.'

Susulating mga tula
May susunding mga paksa
Bawat obrang malilikha
May kakamting gantimpala.

Mga paksa'y naaayon
Sa 'Nagbabagong Panahon'
Mga islang nilalamon
Unti-unti ng daluyong.

Bansa nati'y binubuo
Pitong libong mga pulo
Nanganganib na maglaho
Kung hindi tayo kikibo.

Mga paksang susulatin,
Dapat ayon sa layunin.
Papaano haharapin,
Napipintong suliranin?

Tatagal nang limang linggo
Ang paligsahan ngang ito
Buong Buwan ng Agosto
Bawat linggo, may panalo.

Unang linggo ng Setyembre,
Idaraos ang 'Finale.'
Ang mga unang nagwagi,
Sila lamang ang kasali.

Premyo sa Lingguhang Patimpalak:
Unang Gantimpala- P1500
Ikalawang Gantimpala- P1000
Tatlong Karangalang Banggit- Tig -P500 ang bawat isa.

Premyo sa Finale:
P3000 sa Kampeon.

Ipadala ang inyong mga lahok sa:
0917-500-0622 o sa unic.manila@unic.org.








update sa ay, peke project proposal

approved na sa director general's office.

pero under review na ito sa finance dept. oh my god! ekzoyting!

sana maaprubahan na. kinontak ko na rin uli si othoniel neri, ang visual artist para sa pambatang aklat na ito. game na game siya. sabi ko, isipin na niya ang cover. yey!

update sa translation project ng John Green novel

nagpunta ako sa anvil last week. at di ko na napigilan ang sarili ko. tinanong ko si mam ani habulan kung meron siyang alam sa proyektong ito.

sabi niya, nagresign na raw ang kausap ko. si mam sharon. kaya ang project (na originally ay sa NBS publishing) ay ibinigay na sa cacho/anvil.

omg. kaya pala walang update tungkol dito. akala ko kasi, nahihiya lang si mam sharon na sabihin sa akin na reject ang aking sample translation.

sabi pa ni mam ani, sa ngayon daw, hindi pa maharap ng cacho/anvil ang proyekto. sabihan na lang daw ako kapag may napili na silang translator.

hay. sana matanggap ako!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...