Friday, March 15, 2013

Top 10 Bebang Facts



ni Orly Agawin

Una ko siyang nakita matapos ibinulong sa akin ni Peter na nariyan ‘un mananalo ng Readers Choice Award sa 2nd ReaderCon noong August.

“Sino? Ung Bebang?” tanong ko agad.

“Correct,” bulong ni Peter. “Nandyan siya. Basta dyan sa loob,” sabay turo sa loob ng main hall ng Heritage Library.

“Kabibili ko lang ng libro n’ya kahapon. Dun sa Glorietta. Nakita ko ang title, binili ko kasi sabi: Men.” Un ang kwento ko kay Peter. “Pag uwi ko ng bahay, hindi pala tungkol sa lalake. Tungkol sa mens pala! Tungkol sa REGLA!”

“Dali, hanapin mo siya!” sabi agad ni Peter. “Dala mo ba libro mo?”

Buti na lang at lagi kong dala ang mga librong binabasa ko kahit saan. ”Yes! Asa kotse!”

Nakita ko siya sa may bukana ng bookshop. Pumipirma ng libro. May tatlo pang taong nakapila, hindi siya magkamayaw.

Maliit lang siya. Maganda, maputi, matangos ang ilong, at naka-pony tail ang buhok. Naka itim na sweat shirt at naka-pants. Simple lang ang sapatos. Flat shoes pa ata.

Pumila na rin ako. Kahit hindi ako nagpapapirma sa mga author ng librong hindi ko pa nababasa o natatapos, sayang ang opportunity na ‘to. Lalo na ngayong alam kong siya ang mananalo ng Reader’s Choice Award.

“Hello, ako si Orly,” sabi ko sa kanya. “Papa-autograph sana ako ng libro.”

“Ay hello, Orly!” bulas nya. “Salamat sa pagbili ng libro, ah! Kailangang kailangan ko yan!”

Maingay, galgal, magaslaw, malakas ang boses.

“Salamat! Salamat! Salamat!”

Tumawa ako.

Tumawa din siya.

Parang lalaki kung tumawa – ‘ung lalaking bakla.

“Nagustuhan mo ba ‘ung libro?” tanong n’ya habang inaabot ang copy ko ng It’s a Mens World.

“Ay…”

“Ay mali!” banat ni Pandak. “‘Di ko pala dapat tinatanong yan! Sori-sori!”

Ang ingay mo, ah!

“Alam mo, ang gwapo mo!” sabi n’ya. “Ang gwapo mo talaga!!!” Sabay yakap sa akin.

Nakakabastos ka na, ah!!

Yumuko siya sa may booth ng bookstore para sulatan ang libro ko. May bagong pumila sa likod ko. May dala ring libro.

“Alam mo, natutuwa ako,” sabi n’ya habang nagsusulat. “Tinatangkilik n’yo libro ko. Salamat talaga!”

Isa pang salamat….’e makikita mo na, talaga!

“Taga san ka? Dun sa bookclub nina Peter?” tanong n’ya habang nakayuko pa rin sa libro. “Alam mo, andami n’yo. Nakakatuwa kayo! Hindi ko alam may mga ganyan pala dito.”

“Yeah, kina Peter.” Magsulat ka na lang kase.

“Alam mo, ang gwapo mo talaga!” Pero nakatingin pa rin siya sa libro.

Isa pa! Isa pa talaga!!!

“O, ayan. Napahaba yata ang sulat ko. Pasensya na,” sabay abot sa akin ng copy ko ng libro n’ya.

“Thank you, Bebang.”

“Ang gwapo mo!!! Promise!” sabay tingin kay Peter. “Di ba? Ang gwapo n’ya?”

Nabibingi na ‘ko.

“Picture kayo!” sabi ni Peter. “Dali! Picture-picture!”

Inilabas ko ang telepono ko. Inabot ko kay Peter. Biglang ibinaling ni Pandak ang baba n’ya sa balikat ko. Kinunan din ako ni Rhett gamit ang mamahaling SLR.

“Ang gwapo mooooo!!!” bulong n’ya.

Pasalamat ka, plastik ako. Kung hindi, kanina pa kita kinulutan ng kinky, alam mo?

“Salamat, Bebang,” sabi ko ng nakangiti.

“Naku, salamat din! Salamat sa pagbili n’yo sa libro ko,” sagot n’ya. “Kahit ‘di tayo magkakilala.”

As Peter mentioned, nanalo siya noong hapon ding ‘un. Pumalakpak lahat, pero mas malakas ang palakpak n’ya. Di siya maniwala. Seryoso daw ba ‘ung mga judges? Paki-check daw uli ng resulta.

She won the 2nd ReaderCon Readers’ Choice Award. Isang sa mga bagong pagkilala sa isang bagong manunulat tulad n’ya.

***

Pinili ng Flips Flipping Pages (ung bookclub kung saan kasama ko sina Peter) ang It’s a Mens World for our line up of books this year. Ako daw ang mag-mo-moderate. Matagal ko nang natapos ang libro. August pa lang, nabasa ko na ang lahat ng istorya ni Bebang.

Masaya ang libro. Kasing saya n’ya. Iba’t ibang kwento about her coming-of-age. Mala Bob Ong ang form, pero babae ang feel. Babaeng-babae nga, na madalas mong madaanan ang mga salitang “tagos,” “pekpek” “regla” at “Newtex (with wings),” and “bestfriend,”

Pero kung minsan, may lalim ang mga istorya nya. Parang may gustong sabihin, na parang ewan.

I can only do so much. Sa ayaw ko’t sa gusto, lalaki pa rin ako. May ibang dimensyon ang pagiging babae, na tanging sila lang ang nakakaalam at nakaiintindi.

Sinabi ko noon na sa March 2013 sana ang discussion. Women’s Month. Para may relevance. Para may concept.

“Ay game!” sabi ni Gege – ang Hermana Mayor ng Flippers.

***

Bukas na ang discussion. Sa isang restoran sa Ongpin. Pinili ko ang Maynila as the venue dahil doon lumaki si Bebang. Nag-aral siya sa Ermita Catholic School, lumipat at nagtapos sa Philippine Christian University – Union High School of Manila kung san naging mag-schoolmates pa kami! Buti na lang at hindi ko siya nakilala noon. Dahil kung nakilala ko siya noon, ay tinapalan ko nang bonggang-bongga ng Bunsen Burner ang bibig n’ya.

We’ll discuss our thoughts on the book. Aalamin namin kung may saysay pa rin ba talaga ang isyu na inilalatag nya sa mga Pilipinong mambabasa. Hihimayin ang mga istorya at uusisain kung may karugtong pa ang mga ito.

Darating si Bebang. Tulad namin, excited din siya.

But the discussion will not be about her. It will be about her work and her other works.

Kaya ko sinusulat ito.

This is a pre-discussion post about Bebang. These are interesting facts about her as a writer, a daughter, a student, a mother and a woman. Mga bagay-bagay na lately ko lang nalaman, nang interbyuhin ko siya, which made me love her even more.

Dear, Jellicle Readers…I present to you, the Top 10 Bebang Facts!

(ang haba ng Introduction ko, diba?)

Fact # 10: Like everyone else, her first attempts to write was rejected

Noong High School, sinubukan n’yang magsulat sa School Organ. Nagpasa siya ng isang piyesa. Na-deny. Masayado daw makulit, patawa. Hindi seryoso. She ended up writing for the School Paper’s Lampoon Issue.

Dun bumenta siya.

Fact # 9: Muntik na siyang maging Geodetic Engineer o Film Maker

Unang tapak n’ya sa Diliman as an UPCAT passer, pumila siya sa may Palma Hall. Dun sa Registration, dala-dala ang listahan ng mga piniling kurso (any Non-Quota Course). Nung mga oras na ‘un ay hindi pa rin n’ya alam kung anung pipiliing kurso. Nasa listahan ang Geodetic Engineering, Speech Pathology at Film Making at iba pang mga kurso na ‘ni sa hinagap ay hindi n’ya mage-gets.

May pila papunta sa nakasarang pinto. Sa likod nito ang future career n’ya sa susunod na apat na taon.

“Di mo pa rin alam kung anung pipiliin mo?” tanong ng katabi n’ya.

Umiling lang siya.

“Yang Film na lang. Kasi dyan, manonood lang kayo ng sine, pasado na kayo!”

Kaya naman nung kabuuan ng pagpila n’ya, alam na n’ya na siya na ang susunod na Laurice Guillen, o Marilou Diaz Abaya, o Soxie Topacio.

Nung malapit na siya sa pinto, tiningnan n’ya uli ang papel na hawak n’ya. Undecided pa rin. Until she made a radical decision. Pinili n’ya ang sa tingin n’ya ay may konti siyang baon na dala dala.

B.A. Malikhaing Pagsulat.

And the rest was HERstory.

(To be continued. Pagod na ‘ko. Bakit ba?)


Ito ay ni-repost nang may permiso mula kay Ginoong Agawin. Paki-check ang kanyang akda dito sa http://www.jellicleblog.com/top-10-bebang-facts/.

Si Orly Agawin ay aktibong kasapi ng Flip Flipping Pages (FFP), ang isa sa pinakamasigasig na book clubs na nagtataguyod ng pagmamahal sa pagbabasa at mga aklat. Sa FFP, tampok ngayong buwan ng kababaihan ang It's A Mens World at si Orly ang moderator ng book discussion nito. Unang beses niyang magmo-moderate ng book discussion kaya kinarir niya ang iba't ibang pakulo for the enhancement of the event. Ito ay gaganapin sa Salido Restaurant, Ongpin, Maynila from 3pm to 5pm. Magkakaroon ng reading (as in vagina monologue na reading), talakayan at kuwentuhan with the members (and the author, yay!). Mayroon ding inihandang loot bag (si Gege) at t-shirt( si Orly) para sa lahat ng FFP members na dadalo. Bawat shirt ay may isang salitang mula sa Mens. Ilang halimbawa nito: regla, chiclet, 'nyemas, tong-its at iba pa. Tiyak na riot ang book discussion na 'to.

Maraming salamat talaga, Orly! At siyempre pa sa Flippers!

Mabuhay ang mga nagmamahal sa aklat!


No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...