Wednesday, March 6, 2013

Filipino Poetry by GK Cox Kids

Noong Pebrero 24, 2013, bumalik ako sa Gawad Kalinga Cox Community, Lupang Pangako, Payatas, Quezon City para magturo uli ng tula.

This time, karay ko si EJ para magturo naman ng wushu sa mga bata.

Pagkadating namin doon, iniwan ko na si EJ sa piling ng kiddos sa baba at agad silang nagsimulang mag-stretch-stretch para sa isang basic wushu lesson. Ako naman, umakyat na sa 2nd floor ng mga bahay-bahay doon para hanapin ang mga kasali sa writing workshop. Naabutan ko si Kuya CJ Cordova, isang volunteer din tulad ko. Katatapos lang niyang mag-facilitate ng unang part ng writing workshop.

Noong ako na, pinakuha ko ng notebook at lapis ang mga bata. Apat sila originally. Dumagdag na lang 'yong iba later. Tapos, pinaisip ko ang mga bata kung sino ang taong gusto nilang bigyan ng regalo at card ngayong buwan ng Pebrero. So, 'yong iba, mama nila, 'yong iba, sila-sila, magkakaibigan kasi, e. So lumabas ang pangalan ng isa't isa. Tapos, pinaisip ko rin sila ng isang bagay o kahit ano, na gusto nilang iregalo sa tao na 'yon. 'Yong iba, salamin sa mata, 'yong iba, hayop as pets, 'yong iba, laruan. Tapos saka ko sila pinagawa ng tula. Nag-umpisa uli kami sa mga tugma. Ambilis nilang gumawa this time! Ang tula nila ay tungkol sa regalong gusto nilang ibigay sa mahal nila sa buhay.

Heto ang resulta:

1.

Para kay Nicey:

"Barbie"

Maputi na parang gatas ang kanyang balat.
Maganda ang kanyang balikat.
Ang gown niya ay hanggang binti ang sukat.
Ang sapatos niya ay matangkad, kulay pula at may aratilis na apat.

Isinulat ni Jeralyn O. Libores, 9 years old.

2.

Para kay Jeralyn:

"Stop toys"

Ang stop toys ay kay Jeralyn ko ibibigay.
Maliit, cute, mabalbon at brown ang kulay.
Ang amoy ng stop toys ay kaamoy ng sinampay.
Masarap higaan kasi nakapikit na parang patay.

Isinulat ni Nicey Nicole Andres, 8 years old.

3.

Para kay Jessa:

Paggising ko sa umaga

Ang aking aso ay aking pinakain.
Pagkatapos itong pakainin, painumin
Puwede rin itong yakapin
At puwede rin itong palakarin.

Isinulat ni Shara Marie C. Andres, 10 years old.

4.

Para kay Shara:

Isang araw sa loob ng bahay

Binasa ng tuta ang book.
Nakaamoy ito ng masamang usok.
Lumabas ito at naligaw tuloy sa pook.
Gutom na gutom siya kaya kumain ng saging na bulok.

Isinulat ni Jessa Martinico, 12 years old.

5.

Para kay Mama

Eyeglass

Binigyan ko ng eyeglass ang aking mama noong siya ay paos,
At ang ulan ay biglang bumuhos
At ang tubig ay umaagos,
Kaya si Mama, kumain na lang ng labanos.

Isinulat ni Jhan Vincent dela Bajan, 12 years old.

6.

Para kay Inay:

Damit na Batik

Sa bawat araw na lumipas, ako ay nagsaliksik
Ng isang regalong babagay kay Inay na minsa'y mabagsik.
Ako ay napadpad sa isang tindahang antique
At doon aking nakita ang isang magarang damit na batik.

Isinulat ni Mark Anthony Cabrera, Miss Earthworm 2012. (Volunteer din itong si Miss Earthworm, nakigulo lang sa aming workshop hahahaha)

Pagkatapos nilang isulat ang kanilang mga tula, gumawa naman kami ng greeting card. Sa front page ang Para kay ______, pamagat at kung galing kanino ang card. Pagbukas ng card, sa kaliwa ang tula, sa kanan naman ay drowing ng bagay/regalo na gustong ibigay sa mahal sa buhay. Mabuti na lamang at nandoon si Kuya CJ upang magsilbing resident artist ng workshoppers. Siya ang nagdrowing ng mga bagay/regalo. Idinrowing ito sa ibang papel tapos ay ginupit ito ng mga bata at ipinaskil sa tinupi-tuping papel na parang accordion. Tapos yung kabilang dulo ng accordion ay dinikit naman sa kanan na page ng card.

Pag bukas sa card, parang tumitibok-tibok 'yong drowing ng bagay/regalo. Surprise!

Tapos hinintay na namin ang presentation ng kiddos. Habang naghihintay, dinagdagan pa nila ng dekorasyon ang kanilang mga gawa. Ang galing. Nagdagdag sila ng mga puso, teddy bear at iba pa. Pagsapit ng 1pm, binasa nila sa harap ng volunteers, workshoppers at residents ang kanilang mga tula at ipinakita rin nila ang kanilang mga card para sa mahal sa buhay.

All for the month of love 'yan, ha?

Ang mga akda sa itaas ay ni-repost sa blog na ito nang may permiso mula sa mga batang awtor.

2 comments:

Unknown said...

Good work everyone!

babe ang said...

Hello, Kuya CJ! Once again, thank you for your help! Kitakits po sa mga GK builds. Happy summer.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...