Monday, March 11, 2013
Ilang Tips Para Lalo pang Mapaunlad ang Sariling Library
ni Beverly W. Siy, updated March 2013
beverlysiy@gmail.com
1. Sell the library as if you own it at malulugi kayo kapag hindi ito tinao.
2. Sell the library as if ito ang hottest destination sa buong campus o sa buong community.
3. May napanood akong MTV ng isang Korean band na kumakanta ng pop song. Wala akong naiintindihan sa kanta. Pero naagaw nito ang atensiyon ko dahil ang setting ng MTV nila ay isang library! Puwedeng magpa-contest ng ganito sa mga user ng library: MTV contest tampok ang sariling library.
4. Magpa-photo contest tampok ang iba’t ibang bahagi ng library.
5. Magpa-writing contest, puwedeng comedy/horror/love story, kahit ano actually. Sa library dapat ang setting.
6. Ang mga leaflet, bulletin board at ibang promotional material, ipagawa sa mga estudyante. They usually have the freshest visual aesthetics dahil babad iyan sa mga computer nila. Isa pa, gustong-gusto nilang gumagawa ng visual works using computer programs kaya hindi ito burden sa kanila.
7. Makipag-coordinate sa mga local business. Baka puwede nilang bigyan ng discount o freebies ang estudyanteng may library card, ipapakita lang ang ID at library card ng estudyante sa kanila. Halimbawa, free pearls sa Zagu, o kaya additional 10 minutes sa mga internet shop, o kaya 5% discount sa school supplies ng isang local book store.
8. Mag-introduce ng pa-contest o promo: may premyo para sa pinakamaraming nahiram na libro sa isang linggo o kaya walang overdue sa loob ng isang taon o kapag on time na nagsosoli ng aklat. Maaaring ang maging premyo ay serbisyo ng library. Halimbawa, extension sa paghiram ng aklat, imbes na isang linggo ay dalawang linggo na. O kaya free space sa loob ng library para sa mga libro ng nanalong estudyante for one month. Sa ganitong paraan, magkakaroon siya ng lagakan ng kanyang mga libro sa loob ng paaralan sa loob ng isang buwan.
9. Gawing mas exciting o mas makulay ang library card. Kung puwede, ipa-design sa mga estudyante. Bigyan lamang sila ng gabay para hindi masyadong funky ang maging produkto ng mga bata.
10. Magtatag ng book clubs at gabayan sila para magsagawa ng mga activity na siyang mag-i-involve ng mas maraming library user. Makipag-ugnayan sa mga book club sa labas ng paaralan. Marami sila online at bukas sila sa mga paanyaya mula sa publiko.
11. Let the users “own” the library. Pansinin ang ilang marketing slogan ng produkto/negosyo: My SM, MYX, My music, My Globe Plan, Your Rule, Your Style (fashion boutique na Y.R.Y.S.) Hindi ba ipinapaangkin sa market ang mga produkto?
12. Mas maganda kung may stake sa library ang mismong users nito. Coordinate with subject teachers. Ask them na mag-produce sila at ang mga estudyante nila ng mga akda para mailagay sa library bilang reading materials at bilang entries sa library catalogue. Makikita ng mga estudyante iyong section nila at school year, nandoon sa catalogue. Ito ang kanilang ambag sa library.
13. Magpaskil ng mga trivia tungkol sa sariling library. O gumawa ng activities tungkol sa library. Noong nagtuturo pa ako sa UST, pina-decode ko sa mga estudyante ko ang nakasulat na baybayin sa isang painting na may baybayin sa UST Central Library ground floor. Para kaming nasa Amazing Race nang araw na iyon. Nag-unahan talaga ang mga estudyante. Pinahanap ko rin sa mga estudyante ang dalawang orihinal na document na nakasulat sa baybayin na kabilang sa collection ng UST Central Library. May bonus points ang estudyanteng makakahanap o makakakita. Kailangan nila ng permiso ng Rector/Pangulo ng UST para lang makita ang document na ito, diskarte na ito ng estudyante.
14. Magpa-quiz bee tungkol sa library at sa collection nito. Ang premyo, books!
15. Library workers/staff should be seen as human din. Kumbaga, mga “ate at kuya” sa school, ipakitang may family sila at nag-elementary at high school din naman noong kabataan nila. Put out trivias about them sa inyong bulletin board.
16. Maghanap ng mga link sa internet tampok ang mga article, video o image tungkol sa ibat’ ibang books na mayroon ang library ninyo. Ipamudmod ang mga link na ito.
17. Know your books. Be updated sa mga bagong aklat. Make recommendations. Minsan mas marami pang alam ang mga estudyante kesa sa librarians/teachers tungkol sa mga bagong aklat. Huwag magpahuli. Tayo ang isa sa mga balon ng impormasyon pagdating sa mga sarili nating libro. Kaya dapat, tayo mismo ay updated lagi.
18. I-tsismis ang mga libro, ang mga collection, parang Boy Abunda type na kontrobersiya. I-blind item ang mga libro. I-blind item ang mga kuwento, i-blind item ang mga author. Hanapin ang weirdest habits, hobbies etc. ng mga author ng librong mayroon kayo. Ipaskil ang mga blind item
Halimbawa:
Sinong author ang nagtrabaho bilang waiter pagka-graduate niya ng high school?
Sinong author ang super pogi noong bata, napikot noong siya ay 19 years old pa lang?
Sinong author ang nagtrabahong tagaahit ng buhok sa ospital habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo?
Anong libro ito: isinulat noong 1950’s pero ang paksa ay 1980’s? Kumbaga futuristic fiction?
Sinong author ang nagsunog ng mga aklat bilang pagpapakita ng kanyang rebellion against the norms in the local literature?
19. Reach out hindi lang sa kapwa librarians kundi pati sa local businesses, local NGOs, local organizations at iba pa. Puwede rin kasing maging source ng mga aklat o local funds ang mga ito. O di kaya source ng mga speaker o expert tungkol sa isang subject na kailangan ng mga estudyante.
20. Check your alumni. Baka may successful writer o blogger na pala sa kanila o di kaya ay book reviewer, critique o teacher ng reading or literature. O napasama sa literary anthology. Gawin itong hype para ma-curious ang mga estudyante na magbasa ng aklat ng alumni ng inyong paaralan.
21. Kung nag-iimbita ng mga author ang paaralan/library, ask the students to invite the authors. O magbotohan kung sino ang gusto nilang imbitahan. Create buzz. The younger the writer, the better.
22. I-compile ang kopya ng school paper.
23. Makipag-coordinate sa mga organization ng school. Kung may pakontes ang mga ito, halimbawa ay essay writing contest, i-compile ang mga nanalong akda. Isama ito sa collection ng library. Gawin ito taon-taon at di ninyo mamamalayan, puwede na itong gawing book pagdaan ng panahon.
24. Makipag-coordinate sa theatre organization or performing organization ng school. Hingiin ang kopya ng CD o DVD ng kanilang performances. Isama ito sa collection ng library.
25. Gawing fountain of opportunities ang inyong library. Mas maganda kung dito makakabasa ng mga announcement about writing contests, reading contests, book making contests, workshops at iba pa. Update your bulletin board. Mag-Google every week. Napakaraming opportunity sa loob at labas ng bansa!
26. Coordinate with the campus paper. Dapat laging me feature article/photo about the library sa bawat issue ng campus paper. Kahit maiksi lang.
27. I-pattern sa local calendar ang activities at pagpo-promote ng books ng library. Kung Nutrition Month, cookbook, foodie books and magazines ang i-highlight. Kung may long weekend, magrekomenda ng mga aklat na naaayon sa ipinagdiriwang. Kung Pista ng Patay o Halloween, ‘yong mga nakakatakot na aklat ang ibida. Kung National Arts Month (February ito sa Pinas), books about artists, writers, performers, theatre, dance, Philippine arts at iba pa. Kung Women’s Month (March ito worldwide), women authors or books about women.
28. Mas local ang topics ng mga aklat, mas okey. I-boost ang works about the local community. Irekomenda ang iba pang library. Kung merong local library, papuntahin doon ang mga bata. Isang halimbawa ay ang Pasig City Library.
29. Update students about reading disabilities or other issues, halimbawa, iyong may kinalaman sa Braille-reading system, dyslexia, at pagkabulag. Hopefully, these will make them become more appreciative of what they have (para sa mga walang reading disability).
30. Gumawa ng Trivia of Worst na tampok ang mga library sa ibang bansa tapos ipaskil sa bulletin board ninyo. Ipakita ang hitsura at kalagayan ng iba pang library: pinakamaliit, pinakamainit, pinakapangit, pinakatago, pinakamahirap mapuntahan. Give the sources. This, hopefully, will make them become more curious about libraries. This might also make them more appreciative of what they have.
31. Ang Library of Congress (ng Amerika) ay laging nagpapadala ng mga email sa amin (naka-subscribe kami). Iba-iba ang sinasabi ng email. May tungkol sa bagong hire nilang trabahador o bagong administrator. May tungkol sa mga contest. Mayroon ding updates tungkol sa copyright. Minsan, may natanggap akong email na naglalaman ng picture at isang tula na tungkol sa naka-attach na picture. Kalakip ng tula at picture ay isang maikling talata tungkol sa isang partikular na collection ng mga libro na matatagpuan sa Library of Congress. Ang author ng collection ng libro ay si Walt Whitman, isang makata. Siya ang sumulat ng tula na may kasamang picture. Ang mga email update tulad ng ganito ay nakakatulong para manatiling informed ang general public o ang mga library user sa mga nangyayari sa library.
Ikaw, ano ang tips mo? I’m sure, may ideas ka rin para mapaganda ang inyong library at library services. Kindly insert them here. >
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment