Wednesday, March 13, 2013

Gawing Mas Patok ang Panitikang Pinoy

Tips para sa mga Guro

ni Beverly W. Siy, Marso 2013
beverlysiy@gmail.com

1. Group project idea: MTV version ng isang literary work. Dapat ang mga estudyante ang stars sa MTV. Kolektahin ang pinakamahuhusay na proyekto sa bawat taon na gagawin ito. Ilagak ang nakolekta sa school library para maging bahagi ng collection/archives.

2. Group project idea: kung masyadong mahal ang mag-produce ng MTV, gumamit na lang ng mga photo at gawin itong slideshow. Bale collection of photos version ng isang literary work. I-type sa serye ng photos ang ilang mahahalagang bahagi ng literary work.

3. Magpa-short story writing contest, puwedeng comedy/horror/love story, kahit ano actually. Sa classroom ang setting at ang mga tauhan ay ang mga kaklase at guro. Puwede ring iba’t ibang genre: tula, kuwento, sanaysay, dula at iba pa. Parang mini-Palanca Memorial awards sa inyong paaralan.


4. Mag-introduce ng pa-contest o promo: may premyo para sa pinakamaraming nahiram na pampanitikang aklat sa isang buwan. Maaaring ang maging premyo ay isang aklat din.


5. I-encourage na magtatag ng book club ang bawat section at gabayan ang mga ito para magsagawa ng mga activity na siyang mag-i-involve ng mas maraming book reader sa klase. Makipag-ugnayan sa mga book club sa labas ng paaralan. Kadalasan ay online ang mga book club pero accommodating sila at bukas sila sa mga paanyaya mula sa publiko. Isang halimbawa ay ang Pinoy Reads Pinoy Books Book Club.

6. Kung magpapa-assignment ng sanaysay o iba pang malikhaing akda, kolektahin ang pinakamahusay, pagsama-samahin ito at i-folder, isipan ng pamagat, lagyan ng talaan ng nilalaman at ilagak sa school library ang koleksiyon. I-urge ang library na isama ito bilang reading materials at bilang entries sa library catalogue. Makikita ng mga estudyante iyong section nila at school year, nandoon sa catalogue. Ito ang kanilang ambag sa library.

7. Ipa-assignment sa mga bata: super iksing mga trivia tungkol sa literary work bago ito talakayin. Mas nakakaintriga, mas mahusay.

8. Bago magtapos ang school year, magpa-quiz bee tungkol sa literary works at sa mga manunulat na natalakay sa buong taon. Section versus section. Ang premyo, certificate at books!

9. Filipino authors should be seen as human din. Kumbaga, parang “ate at kuya,” “nanay at tatay,” “lolo at lola” ng mga estudyante. Ipakitang may family sila at nag-elementary at high school din naman noong kabataan nila. Put out trivias about their youth and family bago talakayin ang kanilang akda.

10. Maghanap ng mga link sa internet tampok ang mga article, video o image tungkol sa ibat’ ibang Filipino literary works na matatagpuan sa inyong library. Ipamudmod ang mga link na ito.

11. Know the books in your library. Be updated sa mga bagong literary work sa library. Make recommendations. Minsan mas marami pang alam ang mga estudyante kesa sa teachers tungkol sa mga bagong aklat. Huwag magpahuli. Tayo ang isa sa mga balon ng impormasyon pagdating sa mga sarili nating libro. Kaya dapat, tayo mismo ay updated lagi.

12. I-tsismis ang mga libro, ang mga collection, parang Boy Abunda type na kontrobersiya. I-blind item ang mga libro. I-blind item ang mga kuwento, i-blind item ang mga author. Hanapin ang weirdest habits, hobbies etc. ng mga author ng librong mayroon kayo. Ikalat ang mga blind items.


Halimbawa:
Sinong author ang nagtrabaho bilang waiter pagka-graduate niya ng high school?
Sinong author ang super pogi noong bata, napikot noong siya ay 19 years old pa lang?
Sinong author ang nagtrabahong tagaahit ng buhok sa ospital habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo?
Anong libro ito: isinulat noong 1950’s pero ang paksa ay 1980’s? Kumbaga futuristic fiction?
Sinong author ang nagsunog ng mga aklat bilang pagpapakita ng kanyang rebellion against the norms in the local literature?

(I-post as comment ang hula ninyo, dali!)

13. Reach out hindi lang sa kapwa guro kundi pati sa local businesses, local NGOs, local organizations at iba pa. Puwede rin kasing maging source ng mga aklat o funds ang mga ito (para sa literary project siyempre). O di kaya source ng mga speaker o expert tungkol sa isang subject na kailangan ng mga estudyante sa pagtalakay sa isang literary work. Halimbawa, tungkol sa ka-womenan ang aklat, baka may NGO for women na malapit sa inyong paaralan. Imbitahan sila na magsalita sa inyong klase.

14. Check your alumni. Baka may successful writer o blogger na pala sa kanila o di kaya ay book reviewer, critique o teacher ng reading or literature. O napasama sa literary anthology. Gawin itong hype para ma-curious ang mga estudyante na magbasa ng aklat ng alumni ng inyong paaralan. Sa ganitong paraan, maaaring mahikayat ang mga estudyante na pasukin ang publishing industry balang araw.

15. Kung puwedeng mag-imbita ng mga author sa paaralan/library, ask the students to invite the authors. Let them write the author. Puwede ring pagbotohan ng mga estudyante kung sino ang gusto nilang imbitahan. Then create buzz about it. Tip: The younger the writer, the better.

16. Makipag-coordinate sa school paper. Kung ang isang assignment ng estudyante ay napakaganda at ito ay tungkol sa literary work, ipasa ito sa school paper para malathala. Teacher na ang gumawa ng paraan para ma-publish ito. Kapag na-publish iyan, siguradong lalakas ang loob ng estudyante na magsulat pa tungkol sa mga literary work at mae-encourage naman ang iba pa niyang kaeskuwela na gawin din ito.

17. Makipag-coordinate sa mga organization ng school. Kung may pakontes ang mga ito, halimbawa ay essay writing contest, i-compile ang mga nanalong akda, i-folder, lagyan ng talaan ng nilalaman at ibigay sa library para maisama sa koleksiyon ng paaralan. Gawin ito taon-taon at di ninyo mamamalayan, puwede na itong gawing book pagdaan ng panahon.

18. Gawing fountain of opportunities ang inyong klase. Mag-assign ng isang row bawat linggo. Sila ang magko-compile ng mga announcement tungkol sa panitikan, manunulat, mga aklat. Bawat linggo, ibabahagi ito ng naka-assign na row sa buong klase (5-7 minutes lang.) May parusa ang row na hindi makakapag-research.


19. Coordinate with the campus paper. Dapat laging me feature article/photo about Pinoy authors, their literary works, and the Pinoy literary scene lalo na iyong may kinalaman sa Pasig. Kahit maiksi lang ang artik, okey na. Basta regular ang labas ng mga artik.

20. I-pattern sa local calendar ang reading at writing activities. Kung Nutrition Month, mga akdang tungkol sa pagkain ang talakayin. Kung may long weekend, magrekomenda ng mga aklat na naaayon sa ipinagdiriwang. Kung Pista ng Patay o Halloween, ‘yong mga nakakatakot na aklat ang ibida. Kung National Arts Month (February ito sa Pinas), books about artists, writers, performers, theatre, dance, Philippine arts at iba pa. Kung Women’s Month (March ito worldwide), women authors or books about women.

21. Mas local ang topics ng mga aklat, mas okey. I-boost ang works about the local community. Irekomenda ang mga akda sa sariling library at iba pang library. Kung merong local library, papuntahin doon ang mga bata. Isang halimbawa ay ang Pasig City Library! Yey!

22. Puwede ring ipa-assignment ang paggawa ng alamat ukol sa mga pangalan ng kalsada sa Pasig. I-compile ang pinakamagaganda, i-folder, lagyan ng talaan ng nilalaman at ibigay sa library. Ito ang ambag ng mga estudyante sa folk literature ng Pasig.

23. Update students about reading disabilities or other issues, halimbawa, iyong may kinalaman sa Braille-reading system, dyslexia, at pagkabulag. Hopefully, these will make them become more appreciative of what they have (para sa mga walang reading disability).

24. Para sa buong taon: magpagawa sa estudyante ng listahan ng kanilang mga nabasang akdang Pinoy. Ipa-rate ang bawat akda ng 1-10, 10 being the highest, at ipa-post sa isang blog ang listahan at ratings ng mga estudyante para makikita nila ang progress ng kanilang pagbabasa.

25. Kung maaari, i-expose ang mga estudyante sa iba’t ibang uri ng panitikang Pinoy. Nariyan ang kanon, kontemporanyo, sinauna, bago, eksperimental, ukol sa kababaihan, ukol sa kahirapan, pambata, mula sa iba’t ibang rehiyon, award-winning, panitikang Pasig (kung mayroon! Maghanap na ngayon pa lang), popular (ibig sabihin, komiks, romance novel, telenobela) at marami pang iba. Mas varied, mas maganda.

26. Kung magbabasa kayo ng sampung akda sa isang buong taon, ibigay ang ikasampu sa mga estudyante para sa kanilang choice. Sa ikalimang akda, magandang magkaroon ng assessment, kumustahin ang direksiyon ng pagbabasa ng buong klase. Kung may issue, i-address ang mga ito sa pinakaangkop na paraan.

27. Be open sa technology. Use technology to enhance the learning process. ‘Wag matakot kung FB sila nang FB o twitter nang twitter. Suggestion nga ni Prof. Eros Atalia, gamitin ang Facebook sa pagtuturo ng relasyon ng mga tauhan sa isang akda. Halimbawa, Noli Me Tangere. Bawat estudyante ay pipili ng isang tauhan sa akda at gagawa sila ng FB account nito. Aalamin niya ngayon kung sino ang puwede niyang i-friend at i-like batay sa katangian ng kanyang tauhan.

28. Mag-cosplay. Costume Play! Sa UST, ang pamosong si Prof. Ferdie Lopez ay nagsusuot ng bridal gown sa klase kapag tungkol sa kasal ang tatalakaying literary work. Maaari itong ipagawa sa mga estudyante. Pupunta sila sa klase suot ang angkop na costume batay sa literary work.

29. Mag-incorporate ng games kapag tinatalakay na ang akda.

Halimbawa:
a. Tanungan- hatiin sa dalawang grupo ang buong klase. Ang grupong mas konti ang unang magbibigay ng tanong. Ang estudyanteng magtatanong ang pipili mula sa kabilang grupo ng estudyanteng sasagot sa kanyang tanong. Isang point para sa tamang sagot. Uulitin ng kabilang grupo ang proseso. Ang unang grupo na maka-five points ang panalo.
(Ito ay isang bersiyon ng larong natagpuan ko rito> http://www.enotes.com/homework-help/best-practices-for-teaching-literature-388048.)
b. Pinoy henyo- ang ipapahula ay mga tauhan o bagay o salita na may kaugnayan sa akda.
c. Charades- ang ipapahula ay mga tauhan o bagay o salita na may kaugnayan sa akda.




• Note: puwedeng ipa-post sa internet ang gawa ng mga estudyante (mga photo, MTV, akda, at iba pa). Gusto nila ito, ang mai-share sa mas marami ang kanilang akda. Mas malaki rin ang chances na pagagandahin nila itong lalo dahil hindi lamang grade ang nakataya rito kundi ang mismong pangalan nila. At the same time, makakatulong pa ito sa pagpapalaganap ng kulturang Filipino sa internet community.

• Paalala: kapag magko-compile ng pinakamahuhusay na akda o winning pieces para ilagak sa library bilang isang collection, hingin ang permiso ng mga estudyanteng sumulat nito. Tiyak naman pong papayag sila. Ito rin ay isang paraan para maipakilala ang konsepto ng copyright sa mga estudyante.


Ikaw, ano ang tips mo? I’m sure, may ideas ka rin para lalo pang pumatok ang panitikan sa mga estudyante natin. Kindly insert the tips here. >





Ang talaan na ito ay ginawa ni Bebang Siy para sa Pasig City Teachers para sa Booklatan sa Bayan program. Ngunit kahit sino ay maaari itong kopyahin at gawing batis ng suggestion para maging patok ang Panitikang Pinoy sa paaralan. Gora lang! Para sa panitikan, para sa bayan.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...