Wednesday, March 13, 2013

Sinauna



ni Beverly W. Siy

Sa panahon ng babaylan,
Kalatas ng sampagita
Sa isang munting ibon:
Katutubo
Ang rosas bilang rosas
Sa parangal ng bayani.

Sa panahon ng babaylan,
Kuwento ng mga tubigan:
Pangangarap-ulap,
Pagbabalik ng mga tagak
Isang umaga sa tabing-dagat.

Sa panahon ng babaylan,
Kuwento ng gabi:
Isang musmos
Sa kapritso ng apoy
Ang babaeng minsang lumusong sa putik.
May isang bulaklak na dilaw
Ang putik na ito.
Mortal?
Ang totoo:
Ginto ni Makiling.

Sa panahon ng babaylan,
Pagbukad ng liryo, kamya’t gumamela,
Sa gitna ng ulan,
Sayaw ng hamog,
Halimuyak ng pulo:
Kahulugan ng buhay.

Sa panahon ng babaylan,
Tinuturuan tayong magpigil at maghintay.



*Ang pamagat at bawat taludtod ng tulang ito ay pamagat ng mga tula ni Rio Alma na nasa Talaan ng Nilalaman ng aklat na Una Kong Milenyum. Inilimbag ito ng UP Press, 1998.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...