Hay, sa wakas, graduation na. Yey! Palakpakan naman diyan!
Ang sasabihin ko lang naman ay isang mahabang listahan ng thank you.
Thank you sa lahat ng mga teacher namin. Kung hindi dahil sa kanila, hindi kami matututong
-magbasa at magspell ng mga salitang stand, star, spoon at eat
-kumanta ng stop, look and listen at
-sumayaw ng upside down tuwing flag ceremony.
Thank you din sa lahat ng kaklase ko. Dahil sa inyo, lagi akong excited pumasok. ‘Tsaka dahil sa inyo, naging laro ang pag-aaral kaya hindi boring ang school. Sa mga kaklase ko nga pala na nanghiram ng lapis ko, pambura, papel ‘tsaka ilang crayon, pakisoli na, please. ‘Yong nangutang sa akin ng piso, andiyan ang nanay ko, nakikinig, kaya pakibayaran na. Please. Kahit tapos na ang graduation, talagang hindi ko kayo makakalimutan. I love you all. (Maggo-goodbye kiss.)
Thank you din sa mga mama, mommy at nanay namin. Thank you din sa papa, daddy at tatay namin. Thank you po kung hindi dahil sa inyo, wala kaming baon at walang gagawa ng homework, ay tutulong pala sa paggawa ng mahirap na homework. Thank you din sa paghatid-sundo sa amin araw-araw kahit sobrang init o kaya sobrang lakas ng ulan at putik-putik ang paa ninyo. At sa pag-aalaga sa amin kapag may lagnat kami. At pati na sa pagtatanggol sa amin kapag inaaway kami ng kaklase naming salbahe. Thanks a lot (Maggo-good bye kiss.)!
Thank you sa mga ate namin, kuya, tito, tita, lolo at lola at sa mga nag-aalaga sa amin. Kung hindi dahil sa inyo, hindi kami makakapagtapos ng pag-aaral. Sana po hanggang college ay tutulungan ninyo kami. Muchas gracias (Maggo-good bye kiss.).
Mami-miss ko kayong mga classmate ko, lalo na si Andreon, kasi hindi na kami ngayon makakapagmultu-multuhan, makakapaghabulan at saka makakapag-asaran. Mami-miss ko rin ang tindahan ng sago at pati na si Teacher Malou. Mami-miss ko ang school. Kasi wala nang pasok bukas. Sa June na uli. Pag may ulan na.
So ngayon, magbo-blowout ako pagkatapos natin dito. Maghahanda kami ng turkey, spaghetti at cake. (Pabulong.) Kasi first ako, e.
(Back to normal na boses.) Sa summer, magba-bike ako, maglalaro ako ng Tomas and Friends na train at maliligo araw-araw sa dagat. Pagdating ng pasukan, mag-aaral uli ako. (Pabulong.) Para maging first uli ako.
(Back to normal na boses.) Happy-happy lang tayo, classmates! ‘Wag munang mag-alala sa paparating na tag-ulan. Ilaan natin sa pamilya at mga kaibigan ang pagdiriwang na ito at ang susunod pang mga araw.
Mabilis lang ang paglipas ng panahon. Kaya dapat i-enjoy lang natin ang bakasyon.
Thank you po uli sa inyong lahat. At congratulations sa atin. Yey! Graduate na kami!
Ang speech na ito ay isinulat ni Bebang Siy batay sa interbyu niya kay Dilat. Si Dilat ay magtatapos ng nursery sa Bongabong, Mindoro ngayong 8 Marso 2013. Top 1 siya!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment