Sabi nila, God is in the details. Ang ibig sabihin daw nito, 'wag na 'wag kakalimutan at babalewalain ang mga detalye kapag nagsusulat ka. Iyan daw kasi ang pinakaimportante!
At totoo nga. Hindi lang sa pagsusulat kundi pati sa kasal-kasal.
Kahapon, dumalaw sa bahay namin sina Mae at Jon. Si Mae ay isang writer/researcher sa Army (hindi ko alam masyado ang detalye) na girlfriend ng high school bestfriend ni Poy. Si Jon naman ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Poy. Magkaibigan din sina Mae at Jon. Si Jon ay isang film maker. Award-winning (proud lang, vaket vah?)
Kaya ang regalo ni Jon sa amin ay ang aming pre-nup AVP. Ang dating napag-usapan ay parang In the mood for love na peg. sabi ko, wow, maganda yun. at madali lang maghanap ng cheongsam. at si poy, me hawig talaga kay tony leung. pareho sila ng hmm... leeg. payat.
so usap-usap na kaming apat kahapon. nag-umpisa kami ng 230 pm. umuwi sina mae at jon, 7pm na! grabe. at ambigat-bigat ng ulo ko after mga 2 hours pa lang ng usap-usap. hindi pa naaalis yung bigat ng ulo ko hanggang ngayon (kaya di muna makalarga ng editing).
anyway, heto ang mga napag-usapan.
* buong love story namin (kasama ang mga sexy scenes, me ganon? ahahahaha)
* venue ng pre nup AVP shoot. library daw. old library kung puwede.
suggestions:
uplb layb c/o mae
ust layb c/o bebang
marikina city library c/o bebang
pasig city library c/o bebang
c and e bookstore c/o bebang
* story arch ng avp.
* casting (kailangan daw ng dalawang bata na kamukha namin)
* details ng production
* mga gagamiting aklat, tigsampu kaming title ni poy. ito ang una naming assignment
si mae ang tatayong production designer at assistant ni jon.
hindi ako masyadong nakahirit nung usap-usap namin. wala akong masyadong idea kung paano ito ie-execute. isa ko ngang tanong e bakit hindi na lang slideshow ng photos naming dalawa yung avp? mas madali pa? hahahaha kaya lang daw, wala man lang kaaart-art yun. oo nga naman! so ayun. magkaka avp talaga kami. paaaktingin pa raw kami. o good luck na lang kay jon the director. pang famas material ata kami ni poy
after ng avp talk, nagkuwentuhan naman kami tungkol sa design ng venue, stage at mga centerpiece. si mae daw, gagawa ng paper craft centerpiece na couple na kamukha namin. papatak na sa 250 ang bisita namin kaya meron kaming 25 tables. so 25 na paper craft couples ang gagawin niya. puwede itong iuwi ng mga bisita, parang as souvenir na rin.
re: design ng venue, puwede raw kausapin si kulay. si kulay ay production/set designer na kakilala ni mae, jon at poy. ito ang gumawa ng set design ng liwanag adaptation ni poy. at maganda nga. enchanting. as of today, nakausap na raw ni mae si kulay at pumayag na ito. pag-usapan na lang daw ang honorarium ni kulay.
ipinakita ko kina mae at jon ang design ng stage na gusto ko. shelves of books ang nasa background sana namin. nagustuhan din naman ito nung dalawa at sabi nila, yung free flowers para sa guest table centerpiece na magmumula sa caterer, hingin na lang daw namin sa caterer at yun ang ilalagay sa shelves sa stage.
so ang mga centerpiece ay nakabuklat na libro. dun nakapatong ang mga paper craft ni mae. tapos paligiran daw namin ng pagkain like mani-mani or cupcakes. wag na flowers. oo nga, i agree. sayang ang pera sa flowers hahahaha kahit iuwi ng mga tao, malalanta rin naman. nagtingin-tingin naman ako ng cupcakes, ang mahal pala! 40-60 pesos each. kumusta ang bulsa? hahahaha pero me nakita rin ako 18.75 ang isa. pero kasi promo kaya ganyan kamura. at hindi aabot ng december ang promo nila. so hihintayin ko na lang uli. balak ko, tarakan ng toothpick ang bawat cupcake. yung toothpick me minibook. sa front cover ay cover ng filipiniana book at pagbukas ay isang quotation mula sa book na yun. so ang dating ay parang fortune cookies!
sabi rin ni mae, dapat ngayon pa lang, itanong ko na kung kasama sa patahi ng gown ang mga accessory ng bride like garter, veil (dalawa pala yun!) at unan ng singsing. tapos sabi ni poy, sa book na lang daw ilagay ang singsing. wag na sa unan. sabi ni mae, bumili raw kami ng maliit na book at butasin ito sa gitna. doon itatali ang mga singsing. saka pagdikitan ang lahat ng pahina para solid siya. magandang idea! so gagawin namin ito. pero sa best man daw talaga ibibigay ang singsing kasi baka mawala ng ring bearer (si dilat ito, sigurado yun, mawawala ang singsing hahahaha)
re: souvenir, bumalik na kami sa journal. ang naisip namin ay katulad nung mga ibinebenta ni maru. kaya lang sabi ko, ayoko ng soft bound. nag skype kami ni mae kagabi mga 10pm, para maipakita ni mae ang maliliit na journal na nabili niya sa divi for 10 pesos each. nakakatakam! kasi ang ganda ng quality. medyo lang maliit. maliit pa sa 1/4 sheet of intermediate. at saka sabi ko, malaki ang spring kaya kitang kita kung tatakpan yung harap at likod. sana kung may hard bound na secret lang ang binding, hindi hard ring binding or something like that).
sabi ko kay poy nung papatulog na kami, gusto ko kung journal na nga, me quotation pa rin about love mula sa mga filipiniana books. magpapa print talaga kami tipong ganun. maganda sana at mas mura yung sa divi kaya lang wala namang kinalaman sa advocacy namin iyon, e.
tapos sabi niya, kampante na raw siya sa daloy ng wedding preps. kampante raw siya kay kulay. at sa mga ideya nina mae at jon. dati kasi hindi raw niya alam kung magiging ano ang wedding. ako naman, parang sabi ko, ang OA ni poy. ang aga aga pa. pero napakabilis na ng panahon! kung di namin asikasuhin yun nang ganito kaaga, baka magulat na lang kami, disyembre na! inay!
kagabi, na-realize namin na para palang malaking stage production ang gagawin namin. Na super tight ang budget at kami ang bida, producer at mga direktor. mabuti na lamang at may mabubuting kaibigan na laging nariyan para saluhin ang napakaraming technical at creative needs ng venture naming ito.
maraming salamat sa inyo, friends. makakaganti rin kami sa inyo. after december 2013. We swear!
Copyright ng photo: tindera sa bakery sa tapat ng isang simbahan sa Cavite.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
2 comments:
Excited ako para sayo, mula sa kaliit liitang detalye tlgang kailangang hands on ang mga ikakasal:)
Masuwerte kayo may mga friendships na willing ilaan ang oras pra sa nalalapit na kasal:)
Oo nga, Sherene! hahaha kinakabahan na kami dahil ang kailangan ay medyo malaking datung at di pa namin naaaninaw ito hahaha!
Anyway, thank god talaga for friends. will always be grateful.
hugs and kizzez,
bebang
Post a Comment