Sunday, March 31, 2013

Kontra-ruta



ni Beverly W. Siy

Tanghali sa Smokey Mountain,
Si ordinaryong tao ng lungsod,
Nakalutang.
Mga sulat sa pader
Sa ilalim ng araw
Ang mga istambay.

Ulat-pampamilya:
Sa iba’t ibang panahon,
Tinali
Ang batang ito.
Madalas, kapag nasa dilim,
Siya
Ang rosas bilang rosas.
Imadyin:
Isang ama, isang anak,
Erotika sa Hunyo.
Tag-ulan ni Inay.


Kumusta
Ang terorista sa bangkete,
Sa loob ng Megamall,
Poblasyon,
City park?
Doon po sa amin sa maralitang bayan
Sa baryo ng alikabok,
Araw-araw na taglagas
Sa punerarya.

Masdan ang magsasaka,
Sa tambakan ng kasaysayan,
Mga tuyong dahon
Sa gitnang bukid.
Libing sa tag-araw.
Ang putik na ito,
Bahala na
Kapag panahon ng kidlat at kulog.
Takot sa tubig
Ang bangkay.

Kuwentong pambata:
Ang manyikang naglaro ng apoy
Sa kabaret.
Ang babaeng kumain ng asawa,
Isang linggo sa sirko.

Peryodiko sa almusal:
Daigdig sa tabing-riles,
Trahedya sa pabrika,
Kuwento ng mga paghihiwalay,
Mga bagyo,
Lindol.
Propesiya
Ang pagpatay sa bathala.

Masama, masama na talaga ang lagay ng mundo.

Kalatas ng sampagita:
Darating ang sandali,
Masasayang gunita
Luksampati.

Wika nga,
Modernisasyon
Sapagkat napapanahon?

Estremelenggoles!

Isang musmos
Ang nayon ko

Sa kapritso ng apoy.


*Ang pamagat at bawat taludtod ng tulang ito ay pamagat ng mga tula ni Rio Alma na nasa Talaan ng Nilalaman ng ilang piling aklat niya.

Saturday, March 30, 2013

Eksperimentalmario

ni Beverly W. Siy

Yes to Favoritism

Mahigit sampung taon na akong nagsusulat ng malikhaing akda sa iba’t ibang genre: tula, kuwento, sanaysay, comics script, dulang pambata, kuwentong pambata, nobelang erotika at talumpati. Ang ilan sa mga akdang ito ay nalimbag o nai-produce na, sa kaso ng mga dulang pambata, sa loob at labas ng akademya. Karamihan sa pagsusulat ko sa mga genre na ito ang siyang pinagmulan ng kabuhayan ko at ng aking anak na si EJ.

Ang ibang genre ay batis ng kabuhayan naming mag-ina, masasabi kong ang tula ay hindi. Bihira akong mabayaran para sa paglalathala ng aking tula at kung mabayaran man ay hindi naman masyadong malaki. Halimbawa nito ay ang bayad sa akin sa tula kong nailathala sa journal na inililimbag ng isang pangkulturang ahensiya ng pamahalaan, tumataginting na tatlong daang piso. Baka tumaas na ang rate na ito, ilang taon na rin naman ang lumipas mula nang ma-publish ako doon.

Ayon kay Abdon Balde, Jr., isang manunulat at dating consultant ng National Book Store, ang mga koleksiyon ng tula sa National Book Store ang isa sa mga uri ng aklat na kakaunti ang mamimili.




(Abdon Balde, Jr.)

Kadalasan ay napu-pull out daw ang mga koleksiyon ng tula dahil hindi “moving,” ibig sabihin ay madalang ang bumibili nito. Malungkot oo, pero ito ang katotohanan para sa mga makata.

Pampalubag-loob na ring malaman na hindi lang naman koleksiyon ng mga tula ng mga makatang Filipino ang kapiranggot ang merkado. Ayon kay G. Balde, kahit daw ang mga aklat ni Billy Collins, isang makata (at propesor!) sa US ay hindi naman “blockbuster.” Kung tutuusin, international author na ito at talaga namang sikat hindi lamang bilang manunulat kundi bilang tagapagtanghal ng tula. “Slow moving” pa rin daw ang mga koleksiyon nito ng tula sa National Book Store.

Noong isang buwan, natuklasan ko naman na ganon din ang kaso ng mga makata sa Australia. Sa isang di pormal na panayam ay ibinahagi ni Ken Spillman, isang children’s book author mula sa Australia, na kumikita lamang ang mga makata sa kanilang bansa sa pamamagitan ng pagtuturo. Karamihan sa mga makata ay propesor sa unibersidad. Bakit? Kasi hindi rin daw sapat ang kita ng makata mula sa kanilang mga tula kaya kailangan nilang maghanap ng iba pang ikabubuhay.

Natuwa ako at nalungkot at the same time nang marinig ang mga kuwento ni G. Spillman hinggil sa pagiging makata sa kanilang bansa. Natuwa dahil normal pala ang ganitong sitwasyon ng mga kumakatha ng tula. Akala ko, sa Pilipinas lang ito nangyayari! Karamihan ng kaibigan at kakilala kong de kalidad na makata ay nagtuturo sa unibersidad, nagtatrabaho sa Malakanyang, nagsusulat sa malalaking TV network, nagsasalin, nagsusulat ng mga dulang pampelikula, nagko-call center, nag-eedit, nagpo-proofread at nagtatrabaho sa kung saan. Kung aasahan nila ang kita mula sa kani-kanilang tulang nakalimbag, ay, malamang taong-grasa ang kahihinatnan nila, hilahod sa hirap. At nalungkot akong talaga. Kahit saan palang bahagi ng mundo, kabuntot ng mga makata ang pagdaralita.

Ngunit ganito man ang pang-ekonomiyang estado na ibinubunga ng pagtula, ang genre pa rin na ito ang aking pinakapaborito. Sa pagsulat kasi ng tula, natuto akong pumili ng mga angkop na salita para sa gusto kong ipahayag, na-appreciate ko ang tunog ng bawat salita, at natuto akong magtipid sa salita pag may gusto akong sabihin. Sa tuwing sumusulat ako ng tula, nag-iiba ang tingin ko sa bawat salita, bigla itong nagkakaroon ng sariling buhay.

Kaya ito na ring genre na ito ang pinili ko para sa huling kahingian ng kursong Malikhaing Pagsulat 215 sa ilalim ni Prop. Vladimeir Gonzales. Ba’t lalayo pa ako sa aking pinakapaborito?

Bukod diyan, mahaba na rin ang karanasan ko sa pagsulat ng tula. Sa kolehiyo, sa kursong BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino na kinuha ko sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, nahasa akong magsulat ng tula batay sa kahingian ng subject. Pag sinabi ng guro na magsulat ng tula tungkol sa EDSA Dos, sulat, submit. Pag sinabi ng guro na magsulat ng tula tungkol sa mga comfort women noong panahon ng Hapon, sulat, submit. Marahil ay nakadalawampung tula rin ako sa kolehiyo. Di pa kabilang dito ang mga isinulat ko nang dahil sa katangahan sa pag-ibig, pagkainis sa ermats, pagkaburyong, pagka-emo at iba pang personal na dahilan. Di pa rin diyan kabilang ang mga tulang isinali ko sa mga poetry writing contest sa unibersidad. Manalo, matalo, at least, nakatula ako.

Bago ako magtapos ay nakapasok ako sa UP National Writers Workshop bilang fellow sa tula. Lalong lumakas ang loob ko. Feeling makata na talaga ako.

Ilang buwan bago ako magtapos sa kolehiyo, pumasok ako sa taunang palihan sa pagtula ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Hunyo 2002 ito. Noon ko nalaman na hindi naman pala ako marunong magsulat ng tula. Nakakatsamba lang pala ako sa mga pinagsususulat ko noon.

Sa ilalim ng patnubay ni Sir Rio Alma (o Prof. Virgilio S. Almario na noo’y hindi pa Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan kundi isang masungit na ama sa lahat ng fellows), isang buong batch kaming sumubok na kumatha ng tula. Bawat Sabado, sa maliit na bahagi ng Adarna House sa may Tomas Morato area, isang buong maghapon kaming nag-aaral ng tula. Actually, madalas ngang maghapon-magdamag ang mga session na ito dahil nauuwi sa inuman ang mahahabang talakayan ng tula. Tula naming mga fellow ang pulutan. Noon na-develop ang malalim kong pagmamahal sa mga bula ng San Mig Light, pati na rin sa sariling wika, sa mismong craft ng pagtula at sa panitikang Filipino. Tulad ng anumang pag-aaral, nagsimula ang batch namin sa basics- tugma’t sukat, tanaga, bugtong, diona, villanelle, sestina, soneto at marami pang iba hanggang sa tumuloy kami sa malayang taludturan. Nag-aral din kami ng elemento ng tula, pagsasalin ng tula, tulang pambata, tula noon, tula ngayon, tula mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig at pati buhay ng makata, inaral din. Nakabungguang-baso namin sina Lamberto Antonio, Rogelio Mangahas, Krip Yuson, Teo Antonio, Fidel Rillo, Bienvenido Lumbera (na noo’y hindi pa Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan) at napakarami pang dakilang makata ng bansa. Aba’y, hindi na masama. Lalo na at libre naman ang palihang LIRA nang time na ‘yon.

Ngayong 2013, isang dekada na ako sa piling ng LIRA. Bagama’t madalang na akong tumula, naia-apply ko naman ang mga elemento nito sa ibang genre at mahilig pa rin akong magbasa ng tula. Binabasa ko ang mga ka-LIRAng sina Dr. Rebecca Anonuevo, Jerry Gracio, Nikka Osorio, Luna Sicat-Cleto, Maningning Miclat, Faye Cura, Salvador Biglaen, Erwin Lareza at iba pa. Binabasa ko rin sina Dr. Eugene Evasco at Allan Popa. Malaon ko nang paborito ang tapang ng talinghaga nina Joi Barrios, Marra Lanot at Elynia Mabanglo, ang siste ni Jose Lacaba at ang lumbay ng dila ng Eraserheads.

Utang ko ito sa LIRA at siyempre pa sa ama nitong si Sir Rio Alma.

May kagat ang bawat pamagat

Ang final project ko para sa MP 215 ay isang tula na pinamagatang Kontra-ruta. Ito ay binubuo ng 61 linya na aktuwal na pamagat ng mga tula ni Rio Ama mula sa sari-sari niyang aklat ng tula. Inareglo ko ang mga pamagat hanggang sa makabuo ng isang tula na nagbibigay ng komento sa pagiging modernisado ng sangkatauhan. Wala akong binago ni isang salita sa lahat ng pamagat ngunit nagkaltas ako o nagdagdag ng punctuation marks. Para sa akin, wala namang bago o eksperimental sa mismong anyo ng aking proyekto. Tula pa rin ito, malaya ang taludturan, paminsan-minsang nakakatsamba sa tugma pero wala talagang tugma ang mga saknong. Ang bago ay ang proseso ng pagsulat ng tula. Unlike sa conventional na pagsulat ng tula kung saan ang building blocks ay mga salita, ang akin ay mas advanced nang konti. Ang building blocks ko ay mga pamagat na ng tula.

Na-inspire kasi ako sa ipinost ng kabataang makata na si Mark Angeles noong 5 Enero 2013 sa Facebook Wall niya: isang retrato ng patong-patong na mga librong Filipino. Spine Sonnet ang tawag niya rito.

Wala rin namang bago rito sa proseso. Ito ay book spine poetry. Ayon kay Amanda Nelson ng bookriot.com, “the concept of book spine poetry appeared in 1993 with Nina Katchadourian’s Sorted Books project. Katchadourian began collecting interesting titles and arranging them in clusters so the spines could be read like a sentence. Maria Popova of Brain Pickings adapted the spine sentences into poetry, and the idea quickly spread around the interwebs.”

Ngunit ang bago sa ginawa ni Mark ay ang paggamit ng mga librong Filipino para sa kanyang soneto at book spine poetry. At naisip kong puwede ko rin itong gawin pero this time, pamagat naman ng mga tulang Filipino.

Napili kong gamitin sa munting eksperimentong ito ay ang mga pamagat ng tula ni Sir Rio Alma. Kilala ko na kasi ang kanyang mga akda. Napapag-aralan namin ito sa kolehiyo, sa LIRA at maging sa masters: MA Filipino major in Panitikan. Dagdag pa rito, noong 2011, nagsubok kami ng aking nobyo na magnegosyo. Sabi ko’y hindi naman aklat lamang ang hantungan ng tula, dapat ay mina-market ito sa iba pang paraan. Naisip niyang maglagay ng tula o bahagi ng tula sa mug at ibenta ang mug. Sa pamamagitan ng kanyang kompanyang Balangay Productions, sinimulan namin ang Berso sa Baso project.

Ano ngayon ang ilalagay sa mug? Sabi ko, ako ang maghahanap. Sinuyod ko ang mga aklat ng tula ni Sir Rio. Nakahanap ako ng mga sampu. Ipinaalam namin ito kay Sir Rio (May porsiyento siya sa bawat mug na mabebenta, nakasaad ito sa kontratang inihain namin sa kanya. Siyempre, ayaw kong naaagrabyado ang makata.) at iyon ang pina-design namin sa graphic artist na kuya ng nobyo ko. Heto ang resulta:

Nakatatak sa mukha ng mug ang

“Aanhin ang dambana kung walang Bathala?” mula sa tula niyang Ugat ng Lahat ng Obligasyon.

Bagama’t walang masyadong nabentang mug ang Berso sa Baso project, nagkaroon naman ako ng pagkakataong mabasa nang walang puknat si Sir Rio. At napakasarap namang talagang basahin ng kanyang mga akda. Sa sobrang sarap, pamagat pa lang, ulam na.

Kaya naman, isinama ko na sa puhunan ang kariktan ng mga pamagat ng tula ni Sir Rio para sa aking final project. Tutal, libre naman. Ayon kay Atty. Mark Robert Dy, dating abogado sa Copyright Support Services ng Intellectual Property of the Philippines (IPOPHL) at ngayo’y isang creative industries lawyer, walang copyright ang mga pamagat ng akda. Ibig sabihin, libre itong gamitin ng kahit na sino, kahit di magpaalam sa unang gumamit nito.

Isa pa ay wala pa akong kilalang manunulat sa Pilipinas na gumawa ng prosesong ito para makabuo ng tula: ang mag-areglo ng mga pamagat ng tula. Kaya’t talagang eksperimental ito para sa akin.

Ilang araw kong ginawa ang unang draft ng Kontra-ruta. Hirap na hirap akong aregluhin para makabuo ng saknong na may sense. Ang pinaghanguan ko ng mga pamagat ay isang aklat lamang ni Sir Rio: ang Una kong Milenyum na inilimbag ng UP Press noong 1998. Mayroon siyang 276 na tula rito na kinatha niya mula noong siya’y 20 taong gulang lamang hanggang sa siya’y sumapit ng 50 taong gulang at lumabas sa siyam niyang kalipunan ng tula at apat na antolohiya:

Mga kalipunan:

Makinasyon, 1968
Peregrinasyon, 1970
Doktrinang Anakpawis, 1979
Retrato at Rekwerdo, 1984
Palipad-Hangin, 1985
(A)lamat at (H)istorya, 1986
Katon para sa Limang Pandama, 1987
Mga Retaso ng Liwanag, 1990
Muli sa Kandungan ng Lupa, 1994

Mga antolohiya:

Parnasong Tagalog, 1964
Manlilikha, 1964
Talaang Ginto, 1971
Talaang Ginto, 1991

Nang ipasa ko sa aking propesor ang unang draft ng Kontra-ruta, tinanong niya kung bakit ang Una kong Milenyum ang pinili kong aklat at ano ang significance ng makata sa eksperimento ko. Hindi ko ito nasagot agad kaya binasa ko nang paulit-ulit ang tula ko. Inisip ko rin kung paano pang maikokonekta ang aking tula sa aklat at makatang pinaghanguan nito.

At ito ang naging resulta ng aking pagbubulay-bulay: Kilala si Sir Rio bilang makatang wagas kung makalingon sa pormalismo at tradisyon. Marami sa kanyang mga akda ang may tugma’t sukat at may ritmo ng pagtula ng mga sinaunang makata. Heto ang
halimbawa:

Diona sa Unang Gabi

Kung ako ay kutsinta
Payag na sa binatang
Pagkatamis ang dila;

At kung mag-eksperimento man siya ay sa anyo pa rin ng tula. Heto ang halimbawa na kahugis ng aktuwal na kawayan:

Kawayan
Pagsungaw
Ng
Labong,
Agad
Itong
Sumilip
Sa
Puyo
Ng
Hangin;

Kahit sa LIRA, idinidikdik ni Sir Rio sa kabataang gustong tumula ang halaga ng tradisyonal at katutubong anyo. Bago ka maka-Grade 2, magpakahasa ka muna sa Grade 1, ang walang kamatayang tugma’t sukat. Ngunit itinuturo niya ito para malaman ng kabataan kung ano ang dapat basagin na mga tuntunin sa pagkatha ng tula. Dahil siya mismo, si Rio Alma, ay nagrebelde sa tradisyonal na pagtula.

Bumuntot si Rio Alma kasama sina Lamberto Antonio at Rogelio Mangahas (ng campus paper na Dawn ng University of the East) sa mga ama ng Modernismo sa Panulaan sa Pilipinas na sina Jose Garcia Villa at Alejandro G. Abadilla. Sina Sir Rio at ang mga kapanabayan niyang manunulat sa campus paper ng FEU, UP, UST, Lyceum, MLQU at iba pa ang nagtulak sa ikalawang daluyong ng modernismo sa panulaan ng Pilipinas.

Mahilig din talagang mag-experiment si Sir lalo na sa form. Kahit sa paksa ay ginagawa niya ito. Isang halimbawa ay ang pinakabago niyang aklat ng tula, Ang Romansa ng Pagsagip ng Osong Marso na inilimbag ng UST Publishing House ngayong 2013 na siyang pinakaunang aklat ng speculative poems sa Pilipinas. Ang paksa nito ay Osong Marso, isang nilalang mula sa sinaunang daigdig na malaon nang inabandona, noon pang pagkaraan ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig, at iba pang nilalang na katulad nito. Ang setting ng pagkadakip sa Osong Marso at ng iba pang mangyayari sa nilalang na ito ay sa isang solar system na may dalawang araw.

Nang mag-ulat ako sa klase ng aking progreso para sa final project na ito, inirekomenda ng isang kaklase na damihan ko pa ang mga aklat na pagbabasehan ng aking tula. Gayon nga ang ginawa ko. Idinagdag ko sa aking hanguan ang pinakahuling aklat ni Sir Rio, ang Osong Marso, at binuklat ko rin ang sumusunod na mga aklat upang makakuha pa ng mga dagdag na pamagat: Ang Hayop na Ito (Anvil, 2004), Estremelenggoles (Anvil, 2004), Sentimental (Anvil, 2004), Mga Biyahe, Mga Estasyon (Anvil,
2008) at Dust Devils (Adarna House, 2005).

Para sa akin, nararapat lamang na paghanguan ng building blocks ng isang eksperimental na tula ang mga tula ng isang makatang eksperimental din, sa anyo at paksa. (Iyon nga lang, mas kilala talaga si Sir bilang may akda ng mga tulang nasa tradisyonal na anyo.)

Tumula ako hinggil sa pagkabulok ng ubod ng lipunan habang tumatanda ang daigdig, nagkakagulang ang sangkatauhan at nagiging moderno ang lahat. Ipinakita ko sa tulang Kontra-ruta ang mga nagaganap ngayon at ang ilan sa mga problema natin: kahirapan, terorismo, pagkonti ng mga magsasaka (na magsasanhi ng food shortage sa hinaharap), pag-deteriorate ng relasyong pampamilya,
isang indikasyon nito ang mga seksuwal na pang-aabusong nagaganap sa loob nito at napakaraming iba pa. Kadalasan, ang mga tula ni Sir Rio ay may ganito ring tema, ang pagkamoderno ng mga tao ngunit pagkabulok ng ubod nila. Halimbawa ay:

Di na tayo Umiibig Tulad Noon

Di na tayo umiibig tulad noon,
Dibdib nati’y walang init ng bituin
Pagkat puso’y mga plastik at de-motor.

At hinggil naman sa kahirapan, o, hindi ba’t mahirap pa rin tayo ngayon kahit napakayaman ng ating bansa sa natural resources? Sabi ng dating Pangulong Corazon Aquino hinggil sa Pulse Asia data (2004-2006), “three out of every four adult Filipinos consider their families to be poor; more than half our countrymen think their quality of life will worsen in the next year; and 23% believe that our country is hopeless.”

Kabi-kabila naman ang banta ng terorismo, hindi lang sa mga liblib na probinsiya kundi maging sa mga mall at mataong lugar. Ayon nga sa isang ulat sa Bombo Radyo noong 2009, “Inamin na rin ni DILG Sec. Jesse Robredo, na tatlong lugar umano ang posibleng target ng mga terorista na kinabibilangan ng Isetann, ang shopping mall na nasa tabi mismo ng Recto LRT Station at Carriedo LRT Station; 168 Mall na karaniwang dinadayo ng mga mamimili at sa Quiapo area mismo kung saan nagpupunta ang milyon-milyong deboto.” Hindi nawala ang terorismo, lumipat lang sa mas mataong lugar para mas marami ang maapektuhan ng kanilang pagsalakay.

At katulad ng iniulat noong 11 Mayo 2010 ni Helen Flores ng Philippine Star, parami nang parami ang nagiging biktima ng seksuwal na pang-aabuso ng sariling kapamilya, “The Child Protection Unit-Philippines on Thursday expressed concern over the high incidence of incest cases in the country. CPU legal consultant Katrina Legarda said 33 percent of the total child abuse incidents recorded in 2009 were incest.”

Ilan lamang ito sa isyu na kinakaharap ng sangkatauhan ngayon habang patuloy tayong umuunlad batay sa mga bagong tuklas at paggamit ng teknolohiya. Ito rin ang ginawa kong basehan sa realidad na itinatanghal ng bawat linya ng tulang Kontra-ruta. Ang totoo, hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi tayo umuusad kasabay ng ating mga likhang teknolohiya at modernong mga infrastructure at kagamitan. Bakit nga ba hindi tayo nagpo-progress kahit sa piling ng pinakakumbinyenteng yugto ng
ating mga buhay (kung ikukumpara sa buhay ng ating mga ninuno)?

Isa lang ang tiyak ko, may ginagawa tayong mali sa araw-araw nating pag-iral.

Ako at ang aking eksperimento, ang Kontra-ruta, ay umaasang paglilimian ng mga mambabasa ang posibleng kalutasan sa inihaing mga suliranin.


SANGGUNIAN

Almario, Virgilio S. Mahigit Sansiglo ng Amerikanisasyon at Nasyonalismo. Sansiglong Mahigit ng Makabagong Tula sa Filipinas. Pasig City: Anvil Publishing, 2006.

Aquino, Corazon C. A Reality Check. Understanding Poverty. Makati City: Institute for People Power and Development of the Benigno S. Aquino, Jr. Foundation, 2007.

Balde, Abdon Jr. Panayam para sa FILCOLS Huntahan na ginanap sa Conference Room, Malong Building, Pangasinan Provincial Capitol Complex, Lingayen, Pangasinan noong 28 Enero 2011.

Dy, Mark Robert. Copyright Basics, FILCOLS IP Made E-Z na ginanap sa Little Theater, Arellano University (AU) Main Campus, Legarda, Maynila noong 17 Marso 2012.

Flores, Helen ng Philippine Star. Number of incest cases in Philippines increasing na inilathala sa http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/05/10/number-incest-cases-philippines-increasing noong 11 Mayo 2010.

Nelson, Amanda. The Best of Book Spine Poetry na inilathala sa http://bookriot.com/2012/10/26/the-best-of-book-spine-poetry/ noong 26 Oktubre 2012.

Walang awtor. Banta ng terorismo sa NCR, nananatili na inilathala sa http://www.bomboradyo.com/story-of-the-day/92492. Walang eksaktong petsa ang nakalagay.

Pagkilala

Copyright ng larawan: Alvin Buenaventura.

Ginamit ang larawan nang may permiso mula sa may ari ng copyright.

Thursday, March 28, 2013

10 Big Myths about Copyright

Gusto ko ang article na ito. Simple, diretso at madaling maintindihan. Read on!

http://www.templetons.com/brad/copymyths.html

Wednesday, March 27, 2013

Suicide Prevention is Everybody's Business in Every Society

by Foundation Awit

The recent death of a college freshman due to suicide is indeed a sad news. Any death due to suicide is alarming. For every suicide death, there are scores of family and friends whose lives are devastated emotionally, socially and economically.

Suicide is a huge but highly preventable public health problem. (WHO, 2007) Suicidal behaviors are complex - ranging from suicidal ideas to planning and attempting suicide and ultimately, suicide itself. They are influenced by biological, psychological, social, environmental and situational factors.

Since suicidal behavior is multifactorial, we can not attribute a suicide death to a single clear and identifiable cause. While we believe that the University of the Philippines should review its policies on admission and tuition, we can not continue to capitalize on the death of a student to push the administration to do so. We must be careful not to glorify the suicide death for this cause. This is not to mean too that we dismiss the incident. This event should make us think of other ways to prevent suicide deaths more in a more coordinated, intersectoral and scientific approach. Whatever happened to the Senate Bill No. 1946 or Student Suicide Prevention Act of 2005 entitled An Act to Empower the Department of Education (DepEd), the Commission on Higher Education (CHED), and the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) to require all the school heads to report all incidents of student suicide in their respective schools, whether consummated, frustrated or attempted, and to provide a program for student suicide early intervention and prevention?

Had there been clear available and accessible services in place that are known to students, the recent suicide deaths and the many others in the recent years could have been prevented. Suicide prevention is everyone’s business in every society.

Suicide First Aid Guidelines for the Philippines can be downloaded from www.foundationawit.com. Hard copies of the guidelines may be requested from foundation.awit@gmail.com. If you or anyone you know is thinking about suicide, you may call 804 4673 or 0917 558 4673

Reposted here with permission from Vim Nadera.

SUICIDE IN THE PHILIPPINES: A SECOND LOOK AT RATES AND RATIOS

by Dinah Pacquing- Nadera M.D., M.Sc.[1]



Introduction

The Philippines is cited to have one of the lowest male (2.5) and female suicide rates (1.7 per 100,000) in the Western Pacific Region[2]. Many attribute this data to the Filipinos’ grounding in the Catholic faith, natural resiliency, and gregariousness as a people and as a nation. “Connectedness” as being preventive for suicide is a concept that needs no proof in the Philippines. Filipinos are known for close family ties, extended family structure, and a nation of connections, the Philippines being called the texting (SMS) capital of the world.

There is, however, a general perception of an increasing trend in suicide rate recently based on suicide reports not from hospital records but from print and broadcast media. Such growing awareness alerts public health workers to consider it a problem. However, the said “perceived increase” requires a burden of proof to aforementioned “actual data.”

The overall purpose of this paper is to take an objective look at suicide reporting in different settings and draw implications to what Philippine suicide trends may be. Specifically, it presents some suicide data gathered from different studies in the Philippines. It also tracks down actual reporting process of suicide in a medico-legal setting, examines media reporting, and an analyzes the process through which suicide figures seem to get lost in hospital statistics.

Currently, there is no suicide prevention program in Philippines. Major barriers to the development/implementation of national suicide prevention plan include 1) lack of factual data to cite magnitude of the problem, hence, lack of evidence to support need and fund for program; 2) competing interests within the Health System where budget is limited; and 3) strong Catholic faith which frowns upon suicide discouraging families from reporting.

This descriptive study, which is a situationer on suicide reporting in the Philippines, will hopefully shed light into a practical approach to generate the much- needed reliable data to establish a national suicide rate. In addition, this will enable more appropriate interpretation of current suicide data. In the end, availability of factual data to cite the real magnitude of the problem may entice the necessary support needed for a national suicide prevention plan.

Suicide Research Data

Local data on suicide in different settings were reviewed: mental hospital, general hospital, police reports, school and community.

An unpublished paper by Jularbal (1994)[3] presented a review of suicide cases among in-patients at the National Center for Mental Health during a period of 10 years. During this period, there were 17 suicidal deaths in a hospital whose average number daily in-patient was 3,700. Hospital records of 11 of the suicides were reviewed.

The most vulnerable age group was between 20-29 years old, mostly single males, unemployed, and most had some years in high school. A majority of the patients were diagnosed to have Chronic Schizophrenia, Unspecified Type. Majority of the suicides manifested depressed, anxious, withdrawn, and agitated behavior prior to their committing suicide. Most of the suicidal deaths occurred during the months of July (23.5%) and May (17.6%), and usually during the night shift between 11 pm and 7 am.

Data from a private university general hospital (1986)[4] showed a predominance of females admitted at the emergency room for self-harm. The most common methods of inflicting self-harm were overdose (isoniazid, paracetamol, and pesticides), shooting, jumping and hanging. Although there were more female admissions, mortality was higher among males.

In the Philippines, suicide has been a medico-legal more than a health issue. Morales (1979)[5] reviewed 30 cases of completed suicide among adolescents in three Metro Manila cities from 1972-1977 police records. Two thirds (67%) were between 18-21 years old. Most have indicated intentions of committing the act or showed signs of psychiatric disorders. Personal crises due to a threatened loss or separation of any kind and private hopelessness were cited as the paramount motives for suicide. Methods of committing suicide included shooting oneself (40%); hanging (30%); poisoning (16.7%); and jumping from high places (13.3%). In 73% of the reported cases, suicide was committed in their own homes.

The 2003 Philippine Global school based health survey (2003)[6] conducted in 10 countries (including the Philippines) surveyed students 7,338 students in the 2nd, 3rd, and 4th years of high school between the ages 13 to 15 years. The survey measured alcohol and other drug use; unintentional injuries and violence; hygiene; dietary behaviors and overweight; physical activity; tobacco use; mental health; and protective factors. Results of the data analysis on selected mental health indicators were as follows:


Table 1. Percentage distribution of selected mental health indicators
among high school students, 13-15 years old , Philippines


Males
Females
Both sexes
Felt lonely most of the time or always during the past 12 months
9.8 ± 1.4
9.5 ± 1.7
9.9 ± 2.0
Seriously considered attempting suicide
16.1 ± 2.7
17.4 ± 3.7
15.3 ± 2.6
Have no close friends
2.9 ± 0.8
3.3 ± 1.2
2.6 ± 0.9
Source: 2003 Philippine School-based Global Health Survey


The above data shows that even among adolescents who are considered to be in a “regular” environment are at risk of committing suicide.

At a larger population base, Mcdonald (2003)[7] documented ands analyzed a unique suicide phenomenon observed over a period of 20 years in a small population of tribal inhabitants of Kulbi, Southern Palawan, The yearly established was one of the highest in the world (136 per 100,000 between 1990 and 2000, and 173 between 1990 and 2001). The rates are second only to the Aguaruna of Peru (180 per 100,000).
Macdonald grouped the suicides into "melancholy suicides" (common among older people), "gender relations suicides," "passionate and angry suicides," "multiple suicides out of grief" (a chain of suicides, or cluster suicides) and "impulsive suicides of teenagers." Generating a theory for such staggering figures, Macdonald concludes, as far as the population is concerned that:
“1. Current views hold that suicides are the result of stress and emotional pressure combined with conscious, rational, albeit faulty, thinking; and

2. Suicide is not conceivably committed with fear or hope based on local eschatology, nor with a notion of supernatural sanction, positive or negative. It is just consistent with the inherent secular nature of this society that the only cultural model offered is a judicial one, not a religious one. Suicide is framed in terms of social behavior and law. The anthropological model called for should then be premised on concepts inherent to customary one.”[8]

With the above local data in pockets of diverse population in the country, what can now be said about Philippine suicide rates? In a WHO document on reporting suicide in general, one is guided into considering specific issues that need to be addressed when reporting on suicide:[9]

1. Statistics should be interpreted carefully and correctly;
2. Authentic and reliable sources should be used;
3. Impromptu comments should be handled carefully in spite of time pressures;
4. Generalizations based on small figures require particular attention, and expressions such as “suicide epidemic” or “the place with the highest suicide rate in the world” should be avoided;
5. Reporting suicidal behaviour as an understandable response to social or cultural changes or degradation should be resisted.


Table 2. Suicide Rates (per 100,000), by country, year, and gender.
Most recent year available, as of May 2003 (WHO)

Rank
Country
Year
Males
Females
1
LITHUANIA
00
75.6
16.1
10
SRI LANKA
91
44.6
16.8
20
POLAND
00
25.9
4.9
30
ROMANIA
01
20.8
3.9
40
UNITED STATES OF AMERICA
99
17.6
4.1
50
SINGAPORE
00
12.5
6.4
60
EL SALVADOR
93
10.4
5.5
70
BRAZIL
95
6.6
1.8
80
TAJIKISTAN
99
4.2
1.6
83
PHILIPPINES
93
2.5
1.7
90
JAMAICA
85
0.5
0.2
100
SAINT VINCENT AND THE GRENADINES
86
0.0
0.0



Revisiting the published suicide rates for the Philippines, it is noted that the figure dates back to 1993. The overall suicide rate of 2.1 ranks a low 83 of 100 countries. In many recent reports and press releases, this figure is consistently cited. It is unfortunate that current reliable data for a national suicide rate is not available.

Suicide data can however be generated from emergency wards ( for poisoning and other suicide attempts), in-patient settings, and the Police Department since suicide reports are considered as medico-legal cases.

Suicide Reporting Process

In order to track down suicide reporting process, a key informant interview with a staff of the Homicide Division of the Manila City Police Office was conducted. Suicide reporting process elicited from the interview is shown in Figure 1.

In the event of sudden and/or unexplained death of a person at home, in a building, public place, or a hotel, the person who discovers the death may report the incident to the Homicide Division of the Police Department , bring the body to the hospital for declaration of death, or to the morgue/funeral parlor. Any report to the Homicide Division will be investigated and a Spot Report will be accomplished and posted in a bulletin board that is accessible to media. This explains how news on suicide, murder, or accidents is reported on the news, either broadcast or print. The Spot Report contains information on the nature of the case, identification of a victim, suspect over the death, date, time and place of the incident, facts of the case, and recommendation.

The investigation of the case and the final statement of the possible crime surrounding the death rests upon the Criminal investigation and Detection Unit of the City Police Office. In most cases, sudden and/or unexplained death is classified under the category “Death Under Inquiry”. This category includes foul play, suicide, natural death, or any undetermined death. Although suicide is strongly suspected when there is a witness to its commission, previous history of suicide, suicide notes or verbalizations of it, the classification of “suicide” still does not appear in the police records. Suicide statistics based on homicide reports, to be established, requires one to go through spot reports and follow-up cases that seem to be suicide incidents. An annotation stating “probably suicide may appear in some Spot Reports though. However, it has been more of a practice not to indicate such upon the request of relatives of the deceased for insurance purposes. Anyway, in the final collaed statistics, only “Death under Inquiry”, and not “Suicide “ is an acceptable entry




Figure 1. Suicide reporting process, Homicide Division,
Manila City Police Department


Spot reports from January to June 2007 at the Homicide Division of the Manila City Police Department were reviewed to identify possible cases of suicide. Only 2 of 30 reports indicated probable suicide.

It is important to remember that only deaths are reported to the above Homicide Division. Suicide attempts are usually brought to the hospital and should be reported to the precinct in the catchment area of the hospital.

Suicide Media Reporting

Media play a significant role in providing a very wide range of information in varied ways. It has an equally significant influence community attitudes, beliefs and thus may play a role in suicide prevention. There is evidence that media report on suicide cases can influence other suicides. One of the earliest known associations between the media and suicide arose from Goethe’s novel The Sorrows of Young Werther, published in 1774. In that work the hero shoots himself after an ill-fated love, and shortly after its publication there were many reports of young men using the same method to commit suicide. Television newspaper and radio reports on suicide, particularly if it is a celebrated case, influence suicide behavior of the population. More recently, the internet has become a venue for discussing suicide among people who do not even know each other. There are now websites where those committing suicide are written about, some even revered, and affect other people’s perception of suicide. Suicide now poems hound the internet.

In a study on media representations of mental health and mental illness, over a two week period, there were three reports of suicide in tabloid front pages. There were similar reports in broadsheets but in the “Crime Columns” or “Police Beats”. Interview of reporters on information source on suicide revealed that all were from police blotters. With the posting of Spot Reports in the precinct, it is no wonder why details, even names, addresses and other personal details of the deceased, are out in the papers. In the same media monitoring period, a popular radio station aired and interview with a wife whose husband hang himself. With the wife crying over the radio, blaming herself for her husbands death, the issue was obviously mishandled.

Hospital Suicide Reporting

Two cases were studied to illustrate suicide reporting in the hospital, showing how the statistics get lost in the course of treatment.

Case 1 is an 18 y/o female, college student, who was being treated for depressive disorder. On her first week of treatment, after being scolded by her mother, she took 10 tablets of an antidepressant. She was noted to have laughing spells and poor sleep. She was brought to the emergency room of a government medical center. She was given gastric lavage while at the emergency room. Because there was no hospital bed available, she stayed at the emergency ward throughout the course of her 3-day stay. She was discharged improved as a case of Antidepressant overdose (venlafaxine). No referral to a psychiatrist was made during her hospital stay. She was however advised to seek psychiatric consult upon discharge. The hospital has a Section of Psychiatry under the Department of Internal Medicine and has regular out-patient psychiatric services.

Case 2 is a 17 y/o male college student who slashed his wrist for the first time. The cut was so deep that it required surgical intervention to prevent nerve injury. The adolescent, having had no previous history of psychiatric disorder, was admitted at the Surgery Ward of a teaching and training hospital that has its own Department of Psychiatry with accredited residency training program. After 7 days of hospitalization, the patient was discharged. No psychiatric referral was ever made. One year after attempting suicide, the patient sought consultation with a psychiatrist but refused pharmacologic intervention.

The above two cases clearly illustrate how the diagnosis of suicide gets lost in the process of hospitalization. In the first case, there is no existing referral procedure for admitted patients with self-inflicted conditions. The psychiatrists are engaged mostly at the out-patient clinics. In the second case, there is a Consultation Liaison Section with a referral procedure in place for in-patient suicide cases. The case was however missed in this instance. Further probing of the hospitalization circumstances revealed that the admitting surgeon was a relative of the patient and did not refer the patient. In this hospital, there is no referral system for cases treated at the emergency room who are not admitted to the wards.

In both instances, suicide statistics from hospitals become problematic, too. But beyond the statistics is the mental health service that was due these patients but were missed.

Review of the diagnoses recorded in the referral sheets, psychiatry ward and emergency ward census showed the inclusion of only the Axis 1 diagnosis. Although the charts may indicate suicide attempt of deliberate self-harm, the information is lost when data is collated.

Conclusion and Recommendation

The number of suicides is often underestimated, with the extent of underestimation varying from country to country. Reasons for underestimation, aside from f\gross i\under-reporting and lack of a reporting system include inability to ascertain suicide as the cause of death, stigma, social and political factors, and even insurance regulations.

The issue of reporting may treated in two ways: first is the reporting of a case of suicide by media, that is, depiction of suicide; and second, reporting of the incident to come up with a measure of magnitude. For purposes of this paper, the latter is discussed.

Suicide rates are difficult to establish. The nature of suicide in itself lends it to difficulty in reporting. Reasons have been mentioned above. While deaths are difficult both to track and to ascertain, the situation is more difficult with suicide attempts. Non-fatal suicide behavior are difficult to document partly because of stigma, and social and cultural issues.

Suicide rates are frequently compared across countries. In situations where comparison of suicide rates and ratios are done, one must remember that procedures for recording mortality data (for example, being entered as Death Under Inquiry), seriously affect comparability. Extra caution should also be observed in deriving rates for small populations such as the ones presented in this paper. For example, the 17 deaths at the National Center for Mental Health where there is an average daily in-patient of 3,700 can not be extrapolated to generate the suicide rate of 7/100,000 population which is correctly derived mathematically. Non-fatal suicide behavior are difficult to document partly because of stigma, and social and cultural issues. If reported rates refer to small populations (e.g. cities, provinces or even small countries) their interpretation requires extra caution, since just a few deaths may radically change the picture.[10]

Based on the above description and analysis of suicide rates and ratios, it is possible to initiate a reporting system in the police department and hospital setting. Reporting system in the police department may entail more work. It will have to involve reviewing spot reports, identifying likely cases of suicide, following through relatives or key informants of the deceased, doing psychological autopsy, and eventually ascertaining suicide behavior. At the hospital setting, institutionalization of a referral system with clear guideline, and urging the use of multi-axial diagnosis for psychiatric patients, may generate more reliable data.

While there appears to be no immediate plan to design a national suicide prevention program, there is a dire need to establish reliable suicide rates and ratios. Macdonald’s work is an example of how keen observation can generate hypotheses on suicide behavior. Knowledge and understanding of suicide behavior can contribute to public health, for example, suicide prevention. The Macdonald study now even challenges us to think if we do have a “low” suicide rate or how suicides seem to be reported more in urban settings in the Philippines.

In a recent happiness index survey, Filipinos were found generally happier than other people. Using “Measuring Progress of Societies: Would You Rather Be Rich Or Would You Rather Be Happy?” , from a scale of zero to 10, Filipinos’ happiness rating according to the World Database of Happiness was at 6.4, tying at the 40th to 43rd place with Czechoslovakia, Greece and Nigeria. Statisticians however think that “when one looks at the happiness data and the suicide rates among nations, it is quite clear that nations which score high in happiness do not necessarily have lower suicide rates,” [11]
MacDonald's study raises questions about the vulnerability of small communities like the Kulbi, as it does the vulnerability of the generally happy Filipino. If happiness is “cultural”, is suicide “uncultural”?
There is value in taking a second – and closer – look at our suicide rates and ratios.

[1] Associate Professor, Faculty of Management and Development Studies, University of the Philippines Open University, College, Los Baños, Laguna, Philippines. Email: dnadera@upou.net.
[2] World Health Organization, 2001
[3] Jularbal NAE (1994) Review of suicide cases among in-patients at the National Center for Mental Health: a 10 –year study. (unpublished)
[4] Enriquez, RY (1986) Suicide Patterns in the 80’s: The UST Experience.
[5] Morales, Imelda P. (1979) Suicide among Filipino Adolescents: A Study of Thirty Cases. The Philippine Journal of Psychiatry 1979 June; 9(1): 32-35

[6] Philippine global school based health survey (2003)
[7] Macdonald CJH (2003). Urug. An Anthropological Investigation on Suicide in Palawan, Philippines. Southeast Asian Studies, Vol. 40, No. 4, March 2003
[8] Macdonald CJH (2003). Urug. An Anthropological Investigation on Suicide in Palawan, Philippines. Southeast Asian Studies, Vol. 40, No. 4, March 2003
[9] World Health Organization (2000) Preventing Suicide: A Resource For Media Professionals
WHO/MNH/MBD/00.2

[10] [10] World Health Organization (2000) Preventing Suicide: A Resource For Media Professionals
WHO/MNH/MBD/00.2

[11] Filipinos happier than folk in most rich countries (Business Mirror, August 14, 2007)


--
www.foundationawit.com

Reposted here with permission from the author. Dahil napapanahon, period.

Monday, March 25, 2013

Ang Madugong Mundo ni Bebang: Isang Panayam Kay Beverly Wico Siy

Isang kahingiang papel para sa asignaturang Kontemporaryong Panitikan

Mga mananaliksik:

Palmera Alvarez-Isles
at Mark Joseph N. Rafal

Mga Mag-aaral ng
Masterado ng Sining sa Filipino
(M.A. in Filipino)

Paaralang Gradwado
P.U.P. Sta, Maynila

Ipinasa kay
G. Efren R. Abueg, Ph. D.

Maaari, sabihin na nating siya ang babaeng Bob Ong, mula sa estilong satiriko na kumakalmot ang mga punchline hanggang sa wit at humor na di mapapasubaling umaapaw sa kanyang mga akda lalong higit sa kanyang seminal na akdang “It’s A Mens World”, at tiyak, isama pa ang wikang pumapasintabi sa mga padron ng Pormalismo at Puristang Tagalog, masasabi natin at mapagkakasunduan na si Beverly Wico Siy o mas kilala sa pangalang Bebang Siy, ay mayroon nang tinutuntungang espasyo, na kanyang-kanya lamang, sa lupain ng Panitikang Filipino. At oo, hindi na niya kailangang magtago at umiwas sa madla, may kung anong gayuma ang manunulat na ito.

Ang Maynila Sa Mga Kuko Ni Bebang

Malaki ang kahalagahan ng lunan, ng lugar ng mga pangyayari sa isang akda. Ito ang lumilikha ng wika, ang tuntungan ng tunggalian at ugali’t kapasidad ng mga karakter sa isang akda. Sa mga akda ni Bebang, lalong higit sa It’s A Mens World, umiigpaw ang tatak ng urbanidad. Nilalaro tayo ni Bebang, inilalakbay sa kaniyang mundo: Ermita, Roxas Boulevard, Rajah Sulayman Plaza , Taft Avenue, Binondo, Intramuros. Ang Maynila para kay Bebang ay isang paraiso, gayon din, ito’y pinamumugaran ng mga impluwensiyang simbangis ng masasamang elemento.

“Lumaki ako sa maraming lugar,” ika nga ni Bebang. Ngunit partikular siya sa kanyang kinalakhan, ang Kamaynilaan. Kaya nga’t alam ni Bebang kung paano himayin ang bawat sulok ng Maynila, gamit ang kanyang panulat.

Ang mga lugawan, ang mga liblib na tindahan, ang mga prutasan, ang mga pasugalan, ang mga highway, ang mga bar at kapihan, ang mga plaza at kung saan pa. Dahil dito siya lumaki at namulat, nailalantad niya sa atin ang loob at labas nito, sa nakatutuwa at nakaiinis man nitong anyo. Sa nakatatakot o nakasisiya nitong mga lugar at espasyo. Doon tayo naaakit sa kanyang mga salita, dili nga’t may panghihinayang sa bawat sanaysay ng kanyang aklat sa mga sandaling natatapos natin ang pagbabasa. Hinahanap natin ang Maynila ni Bebang, ang mapulang mundo ng kaniyang Mens.

Mga Agos ng Mens: Ang Pagkababae at Identidad

Si Bebang ay produkto ng nasirang pamilya, ng broken home. Ang kanyang ama ay isang purong Chinese, samantalang ang kaniyang nanay ay purong probinsiyana. “’Yung nanay ko, isa s’yang probinsyana. Talagang she wanted to ‘make it big’ sa big city. Lumuwas s’ya nang maaga, bata pa lang s’ya nang lumuwas. Galing s’yang Pangasinan, ‘yung talagang probinsyana talaga.”

Kaya’t hindi na kataka-takang kaya niyang libutin ang mundo nang hindi na kakailanganing ipihit ang sarili sa paghahanda, dumadaloy sa kanyang dugo ang magkahalong mga kultura: bilang isang Tsinay at bilang isang Pinay. Pero, alam ni Bebang kung nasaan ang kanyang sarili, “Alam ninyo? I’m so Filipino, 100 %!”

Nauunawaan niya ang mga agwat at layo ng kaniyang sarili sa iba. “E, ako pag nagdamit ako, ang puti-puti ko, akala ng mga tao ang yaman-yaman ko. E wala ngang makain. Tapos akala ng iba, kapag isang syllable lang ang apelyido, akala mayaman ka na. No’ng nag-apply ako sa UP, inilagay ako sa dulong bracket, zero. Parang ang sabi: you don’t deserve any scholarship! Sabi ko, “Bakit? Pag pumunta kayo sa bahay namin, wala kaming gripo, ni wala kaming TV. ‘Yung kuryente namin, jumper.” At kung paano siya sinusubukang ikahon sa pamantayang pang-ekonomiya at pang-kultura ng dalawang kultura. “Actually, ‘yung mga kultura ng Chinese sa akda ko, ‘yun pa nga ‘yung kini-criticize ko.”

Bilang babaeng hinasa ng mga danas, alam ni Bebang kung paano ang maging babae sa isang lipunang patriyarkal. Solong ina sa kanyang anak na si EJ, bahagya lamang marahil ang pagsisisi sa panig ng kanyang mga pinagdaanan, ikaw nga niya, “Siyempre, naisip ko na may reason lahat ng karanasan. Lahat hindi patapon, for keeps. ‘Yung pinaghuhugutan ko rin, karanasan.”


Ang kanyang karanasan bilang babae ang nagpapatingkad sa kanyang mga akda, at sino pa nga ba ang makapagkukuwento nang tapat at nang walang anumang pretensiyon sa karanasan ng isang babae kundi ang isa ring babae? Kuwalipikado si Bebang kung magkakaroon man ng pamantayang makapagbibigay-buhay sa isang babaeng hinubog ng lipunang tumitimbang ng pagkatao sang-ayon sa kasarian.

Sanay sa Salaysay: Ang Totoo Bilang Hindi Totoo o Pagsisiwalat ng Sarili

Sa kasalukuyan, higit sa anumang genre ng mga sulating pampanitikan, ang dagli at sanaysay ang higit na kinahuhumalingan ng mga kabataang manunulat. Paanong hindi? Nariyan ang isang Bob Ong at ang creative non-fiction o ang isang Eros Atalia at ang kanyang mga dagli; dalawang pangunahing manunulat ng kasalukuyan na nakakasungkit sa panlasa ng mga kasalukuyang mambabasa at kabataan ng sinasabing Computer Age. Ano ngayon ang saysay ng mga salaysay ng isang Bebang Siy?

Madaling maunawaan, higit kaninuman, alam ni Bebang ang pangangailangan ng Panitikan. Isang sanay sa salaysay, sino nga ba sa kasalukuyan ang pangunahing babaeng manunulat na nagbabandila ng pagkababae ng isang babae sa lipunang Filipino? Masyado nang naiiwanan ng mabilis na usad ng panahon ang isang Lualhati Bautista, ngunit hinding-hindi naman ito manipestasyon ng paglimot sa kanyang mga akda. Lagi na at natatabunan ng bago ang mga luma. Kung gayon, nasaan nga ba ang mga babaeng manunulat sa kasalukuyan?

At diyan natin maipakikilala ang isang Bebang Siy. Ilan manunulat na nga ba ng bansa ang nangahas na magsiwalat ng kanyang sarili sa mga mambabasa? Lalo pa’t isang babae? Biktima gayundin ay suspek, bida gayon din ay kontrabida, babae gayo’y minsan di’y lalaki, ganyan ang kasalukuyang kalagayan ng mga kababaihan sa bansa, at naghubad si Bebang ng kanyang karanasan upang maunawaan natin ang mga ito. Isang katapangan, walang anumang itinago si Bebang, dahil maging ang kanyang Mens ay nakita natin. At hindi niya ito ikinahihiya. “100 % totoo ang nilalaman ng It’s a Mens World.”
Pag-uungkat: Panayam Kay Bebang

Upang higit na maunawaan ang impluwensiya at halaga, ang tradisyon at tinutungo ng panulat ni Bebang Siy, kinapanayam ng mga mananaliksik ang may-akda ng Mingaw at It’s A Mens World. Narito ang kabuuan ng panayam:


Sino at ano si Beverly Wico Siy?

Ako po si Beverly Siy. Yung Wico, apelyido ‘yan ng mama ko. 11 years na akong nagsusulat sa iba’t ibang publication, sa loob at labas ng academe. Mostly ng na-publish kong works ay popular literature. So ibig sabihin, ‘yung talagang mass produced.

Lumaki ako sa maraming lugar, kasi naghiwalay ang parents ko. Kaya, papalit- palit kami ng lugar. Kasi minsan, do’n ako sa nanay ko, minsan do’n sa tatay ko sa Ermita; tapos kukunin ulit ako ng mama ko, dadalhin kami sa Parañaque, sa Las Piñas. Tumira ako iba’t ibang place. Pero masasabi ko na Metro Manila naman. So very city, city girl ako, very urban ‘yung mga lugar na tinirhan namin.

Product ako ng broken home. Tapos no’ng bata ako, talagang dinadamdam ko s’ya, kasi everybody’s telling me broken ‘yung family ko. So, ako naman, wala akong idea sa broken home. Ang idea ko lang do’n ay nanggagaling din sa ibang tao. Lumaki ako sa ganoong pag-iisip na produkto ako ng broken home. Tapos, di ko na alam kung paano ako dapat mag-respond sa ganoong uri ng pagle-label. Parang ang naisip ko lang, I was no one, I was nobody; di ako masyadong nag-e-excel sa school pero hindi naman ako bumabagsak, hindi din ako sikat. Hindi ako nag-aral sa Chinese School, kasi, no’ng time na gusto sana kaming ipasok sa Chinese school, malalaki na kami. Kasi nga di ba, papalit palit kami ng bahay? So, until finally, nang mag-give up na ang nanay ko na makuha kami, ‘yung papa ko nag-decide na ipapasok ako sa Chinese school. E, Grade 5 na ako no’n, malaki na ako. Parang I have to go back to Grade 1 sa Chinese na grade, pero the rest of the subject, pang-Grade 5 naman. So, naisip nila na hindi naman ganun ka-practical, kaya umusad na lang ako sa isang protestant school.

Nag-aral ako sa Ermita Catholic School, sa Parañaque Elementary School, tapos PCU [Philippine Christian School], Union Elementary School at nagtapos ako ng hayskul sa PCU Integrated Science High School. Tapos, nag-college ako sa UP Diliman. Hanggang ngayon, doon ako nag-aaral, after more than a decade.

Mayroon akong apat na younger sisters, lahat kami babae. Ang papa ko ay babaero, so parang feeling ko, karma sa kanya ‘yun. Kasi di ba, parang kami, lahat babae. Puwede kaming buntisin at iwanan. May ganoong danger. ‘Yung nanay ko, isa s’yang probinsiyana. Talagang she wanted to ‘make it big’ sa big city. Lumuwas s’ya nang maaga, bata pa lang s’ya nang lumuwas. Galing s’yang Pangasinan, ‘yung talagang probinsiyana talaga. ‘Yung parang, ang sepilyo daw niya e ‘yung sanga ng guava, bayabas, ‘yung mga ganyang uri. Tapos pagdating niya dito, ginawa s’yang maid ng kanyang kamag-anak. Di ba usually, ganun naman ang entry level ng mga taga-probinsiya para makarating dito? After that, nag-waitress s’ya. Tapos nakilala n’ya ‘yung papa ko. Dun sa kung saan s’ya nag-waitress. Batang-bata s’ya no’n, as in teenager. Tinanan siya ng tatay ko. E ‘yung tatay ko, ang laki ng gap nila. Mga, I think 10 years siguro. So, anlaki talaga, kaya parang pedophile ang papa ko. Kasi, sobrang bata pa ng mama ko no’n e, and I think 20 something na ‘yung papa ko. So kung ngayon, iisipin mo, kunwari, 14 years old saka 24 years old, nagkarelasyon, anong iisipin mo dun sa 24?

So, itinanan n’ya ‘yung nanay ko tapos ‘yung nanay ko, tumira s’ya doon sa bahay ng parents ng aking tatay. Tapos, ‘yun na, ‘yun na ‘yung simula ng It’s A Mens World, di ba? So, nagkaroon sila ng anak. Ako yun. Tapos sunud-sunod kami, ang dami namin, apat. Tapos nadagdagan kami, kasi, no’ng maghiwalay sila, ‘yung mama ko, nagkaroon ako ng stepfather. ‘Yung mama ko ay nakisama sa isang guy. Tapos nagkaroon pa sila ng isang anak. So ‘yun, lima kaming puro babae. Mukhang ano talaga, talagang hindi nakatakdang magkaroon ng lalaking anak. Pero halos lahat ng apo, ay lalaki. Ang weird nga e, pero buti na lang din, kasi ako, halimbawa, dati gusto kong magpakasal sa tatay ng anak ko. Sabi ko, “Oh my God, anong sasabihin ng lipunan?” So no’ng time na ‘yun, buntis ako, sabi ko, magpakasal tayo kahit sa huwes. E, bata pa kami no’n, as in batang-bata. Teenager days. Di ko nga alam kung sinundan ko ‘yung yapak ng nanay ko o ano. College na ‘yon. Pero huminto kasi ako no’n sa college.

So anyway, sabi ko ano, magpakasal na tayo. Buti na lang, wala kaming pera. As in, zero balance. Tapos nung nagkapera kami, manganganak naman ako. 7000 pesos, sakto. So nanganak na lang ako. So after that, doon ko na-realize na, sabi ko, parang di ko gusto ang ganitong buhay. Kasi isang kahig, isang tuka kami. Ito ‘yung hindi ko pa masyadong nasabi doon sa interview sa PDI [Philippine Daily Inquirer]. Nagtrabaho akong waitress. Kasi ang nakalagay do’n, nurse, di ko nga alam kung bakit ang nakalagay do’n nurse.

So ‘yun nga, nag-waitress ako, nag-ahente ako ng Avon saka Sara Lee, tapos nag-clerk ako sa pawnshop, 6 months 6 months, ‘yung mga gano’n. Tapos nagbenta din ako ng kotse, nakapasok din ako sa Hyundai no’ng hindi pa ito sikat. Kung sinu-sino ang tinatanggap nilang sales do’n. A, alam n’yo ‘yung nagsu-survey? ‘Yung kumakatok sa pinto, “Survey po.” Naranasan ko ‘yun. Kaya ako mabait ako sa kanila, pinapapasok ko talaga, “o, ito magmeryenda ka.” Kasi, ang hirap. Kasi, kunwari, ikaw, kinatok kita tumanggi ka. 5 houses bago ako kumatok uli. Imaginine mo. Rules ‘yun! Kasi random e. Random respondent chorva. Iba-iba ‘yung sinu-survey namin no’ng time na ‘yun e. May toothpaste, mga product. Halimbawa, kapag ginamit n’yo po ba ang toothpaste n’yo ay kinikilig po ba kayo? Gano’n ka-precise ‘yung questions. Tapos ikaw, gusto mo mabilis, kasi marami ka pang kailangan i-survey. Di mo na tinitingnan ‘yung ini-interview mo. Mabilis. Tanong ka na lang nang tanong. Naalala ko, no’ng time na ‘yon, buntis ako. Buti na lang, mabait sa akin ‘yung Diyos, ang bait ng naging boss ko sa survey-survey na ‘yun. Kasi alam nila, wala akong pera, tapos alam nila buntis ako, so alam nila wala akong pera. Kaya binibigyan nila ako ng maraming assignment. Kahit papaano, kumikita ako. Ano ‘yun e, 40-50 pesos per respondent. So makasampu ka, may 500 ka, kahit mainit. ‘Yun ‘yung buhay ko.

Saleslady, naging saleslady din ako, ng Blowing Bubbles, so alam ko kung gaano nakakabobo ang trabaho na ‘yun. As in, talagang feeling ko, nabubulok talaga ‘yung utak ko sa bawat maghapon. Nakatayo ka lang. Bawal umupo. Tapos, wala kaming pantry. Hindi kami sa loob ng department store e, boutique kami. So ‘yung boutique namin, cashier sa gitna, tapos may fitting room na dalawa. The rest, talagang damit, so wala kaming lugar para sa stock. Ando’n na mismo naka-display. Para kami makakain, sa fitting room kami kakain. Nakasalampak ka doon. Noong time na ‘yun, syempre, di ako naaawa sa sarili ko, kasi di ko naman alam. Akala ko, normal ‘yun e. Kakain ka, mag-isa ka lang, wala kang kausap, para kang nasa CR. Tapos, para makalipas ‘yung maghapon, magtutupi ka para lang na may ginagawa ka. Para gumana lang ‘yung utak mo. Dun mo malalaman na may art ang pagtutupi. Tapos minsan, walang customer, so walang manggugulo, ako nang maggugulo sa mga damit, para may matupi ako. Ganoon kami maghapon. Kaya di ba, kapag saleslady, naiinis kayo kapag sunod nang sunod sa inyo, kasi wala s’yang magawa, kaya ‘yung pagpasok n’yo, talagang susundan kayo kasi para may magawa naman, iba naman, maiba naman ‘yung hapon n’ya. 8 hours a day, ang hirap talaga. So ganoon mga naging trabaho ko, sari-sari.

Kailan at paano mo nalaman na isa kang manunulat?

Noong hayskul ako, mga 4th year, hindi ako napa-publish sa campus paper. Magaling ako sa English, hindi naman sobrang galing, pero maayos na, maganda naman ‘yung grammar ko. Nagsa-submit ako pero hindi napa-publish ng school paper namin na English. Sabi ko, “Bakit kaya?” 1st to 4th, wala talaga, zero. Pagdating ng 4th year, nainis na ‘ko. So, ang ginawa ko, gumawa ako ng spoof , sa Filipino ‘yun. ‘Yung newspaper na ‘yun, ako lahat sumulat. Niloko ko mga teacher namin, para lang clown. Loko talaga ‘yung newspaper na ‘yun, puro joke laman no’n, kung anu-anong joke. Tapos pino-photocopy ko, tapos ibinebenta ko, 2 pesos. Walang bumibili, kami-kami lang din. Hindi ‘yun alam ng school, mga kaklase ko lang din bumibili. Hindi nga ‘ata umaabot sa kabilang section ‘yun e. So ‘yun, dun ako nag-start. Ako nagle-lay-out, tapos di ko alam na “ano” na pala ‘yun. It was something different; ako ‘yung sa writing. Ako rin sa publishing, kasi ako ‘yung nagpapa-photocopy e. Sa halagang 2 piso, talagang tinatiyaga ko ‘yun.

Ay! Hindi ko pa doon na-realize [na manunulat ako]. Kasi ‘yung mga classmate ko, ang yayabang, exam-exam kami sa UP. Ang dami sa section namin ang nag-exam, isa ‘ko sa nakapasa. Then, ang first choice ko talaga is Psychology, kasi, ‘yung crush ko, ‘yun ang gusto n’yang course. Hindi ko s’ya schoolmate. Gusto n’ya magdoktor. Kaya ‘yun, inilagay ko, Psychology—sa UP Manila. 2nd choice, kasi malapit kami dun eh. Pero pagpunta ko d’on [UP Diliman], my God! Ang nakalagay, any non-quota course. So, tiningnan ko [ang mga choices], Agriculture, B.A. Malikhaing Pagsulat sa Filipino saka Geodetic Engineering. E, nakapila na kami. Magaling ako sa Math noon; may alam ako sa Math. Sinulat ko [‘yung Geodetic Engineering], e hindi ko naman talaga alam ‘yun. Binura ko ulit. Tapos sabi no’ng kausap ko sa pila, “B.A. Film and Audio Visual Communication, maganda d’yan. Manonood ka lang ng sine, tapos makakapasa ka na.” “Wow! Talaga?” [sagot ko]. Tapos sinulat ko na.

Tapos ito na, no’ng nakapili kami, naisip ko, wala kaming pansine. Patay na ‘yung tatay ko no’n. Sa mga kamag-anak ko, wala nang susuporta sa’min, kasi parang ‘yun na ‘yung last thread. They were just helping us because of my Dad. No’ng namatay na ‘yung Dad ko, nawalan na rin sila ng interes na tulungan kami. At no’ng time na ‘yun, umuwi na kami sa Mama ko. Parang you don’t see it, out of my mind, out of your life. So, wala akong pera pang-enroll, lalo na ng pansine! So, B.A. English Studies, B.A. Malikhaing Pagsulat [ang pinagpilian ko]. Kasi, siguro, wala namang masyadong pera d’on. Nag–toss coin ako. Ayon, B.A. M.P.! Ayon ‘yung sinabi ko sa admission. Sabi ko, “B.A. Malikhaing Pagsulat po.” Sabi niya, “Bakit writer ka ba?” Sabi ko, “Opo!”

So after that, ‘yung 1st year 1st sem ko, ‘yung usual na subjects na kinukuha ng lahat. Wala pang writing d’yan. Pero nakakuha naman ako ng grades karamihan sa subjects ko. Tapos naka-enroll ako, kasi nangutang ako ng pera sa tatay ng classmate ko n’ong hayskul, as in pinuntahan namin sa Paco. “Kailangan po namin ng 2 thousand.” Tapos ‘yung 3 thousand inutang ko sa UP. Sobra silang mabait sa pera. N’ong natapos ko na ‘yung isang sem, ‘yung 3 thousand hindi ko nabayaran! S’yempre natakot ako, kasi bata ka no’n e, baka idemanda ka. Hindi na ako pumasok.

Tapos do’n na nag-start ‘yung iba’t iba kong trabaho. Kahit ano pinapasok ko. Noong time na ‘yun wala kaming kapera-pera, tapos ako ‘yung panganay. ‘Yung nanay ‘saka ‘yung stepfather ko pa, parang pabagsak [na ang negosyo]. Nagtitinda sila ng ulam. Sa mga gambling joint, sa saklaan. Low-end talaga! Sa mga patay-patay, sugalan sa loob ng night club. Nagtitinda rin sila ng prutas. Naalala ko pa, kasi noon, kami ang taga-deliver ng prutas. ‘Yung prutas, kukunin n’ya nang 8 ibebenta n’ya ng 10. Tapos kaming mga bata’ yung pagdedeliverin [pagbebentahin] n’ya, para ‘yung mga nagsusugal, di makakatanggi. Sasabihin ng nanay ko, “Nakikita mo ba ‘yung may tuwalya na yun? Lapitan mo ‘yun, bigyan mo ng apple, sabihin mo 10 pesos.” Gano’n kami nakaraos. Tapos no’ng ako na ang puwedeng mag-work, do’n ko na pinasok ‘yung mga ikinuwento ko kanina.

So kinalimutan ko na ‘yung UP, kumikita naman ako kahit hindi naka-graduate. No’ng time na ‘yun, may boyfriend ako, ‘yung tatay ng anak ko [si EJ]. ‘Yung BF ko na ‘yun, parang sinusulsulan n’ya ako. Sabi n’ya, “Ano ba ‘yang nanay mo? Hindi ka ma-provide ng mga ganyan.” E ‘yung nanay n’ya supportive, ayon nagtanan kami. Hindi sila mayaman, front lang. ‘Yung mama n’ya, living more than what she can afford. Ganoon sila.

Tapos, nabuntis na ‘ko. Tumira kami sa maliit na kwarto. Sa Harrison. One time, ‘yung maid nila kasama namin sa isang mall—ang pangalan pa no’ng mall e, Manuela, sa Las Piñas. [‘Yung maid] may dalang dalawang anak, nagpapabili ng maliit na laruan over something, tapos hindi n’ya mabilhan. May anak na ako that time. Tapos naisip ko, “Ayaw ko namang dumating sa point na ganito, ‘yung anak ko, may gustong ipabili tapos hindi ko mabili.” Doon ko naisip na kailangan kong maka-graduate. So, dala-dala ko ‘yung anak ko [iniwan ko si boyfriend]. Goodbye!

Dinala ko ‘yung anak ko sa nanay ko, tapos nagtrabaho ako, kasi kailangan ko ng pambayad sa UP. ‘Yung pinagtrabahuan kong restaurant no’n, kung sino ‘yung unang dumating, sa’yo ‘yung unang table. Kung ilan kayo, halimbawa sampu, yung ika-eleven, ikaw na ulit. Talagang ako ang maaga no’n, pinakamaaga. Kasi ang suweldo namin, depende sa tip. Ang suweldo naming 100 a day, the rest manggagaling sa tip, saka sa service charge. So kailangan, marami kang ma-serve-an para marami kang tip. So, my God! Ang pasok namin, alas singko nandoon na ‘ko ng alas tres, natutulog ako sa waitress room. Tapos ayon, nakaipon ako. ‘Yung time na ‘yun, nagstruggle na ‘yung relationship ko with the guy. Kasi wala na ‘yung focus ko do’n, ang focus ko sa pera, pera.

So ‘yun, nakapagbayad na ako, nakapag-enroll ako. Pagka-enroll ko, gutom na gutom ako sa subjects. Sabi ko, “Bring it on! Sige!” No’ng time na ‘yun 18 units lang [ang puwedeng i-enroll], sabi ko, “21 units po”. E, bawal. Kaya 18 units [na lang]. ‘Yung mga grades ko pagpasok muli, pasado lahat. Tapos sumulat ako [sa admin office], “Puwede bang 21 units? Kasi may hinahabol akong oras.” E, nung time na ‘yun, ako na pinakamatanda sa classroom, tapos may anak pa, pero di nila alam. Nando’n lang sa Las Piñas ang anak ko. Umuuwi lang ako every weekend. So, ang buhay ko no’n, nag-aaral ako sa umaga, nagtatrabaho sa gabi. Then, uuwi ako ng weekend sa Las Piñas, hanggang sa mamatay ako!

Pero ang pinakanagustuhan ko sa trabaho ko e, parang it was like all manual. Lahat ng naaaral ko, napo-process ko sa gabi. Natututo ka na, kumikita ka pa. Halimbawa, may assignment kami, pagsulat ng tula. Si Vim Nadera pa teacher ko no’n. Sa gabi, iniisip ko na ‘yun, buo na s’ya. Eight hours ‘yung trabaho ko, eight hours ko rin s’ya iniisip. Di ko na nga maintindihan ang inuutos ng customer sa ’kin.

So, kailan ko naisip na isa akong manunulat? Hindi ako conscious e, hanggang hayskul to college. Pero, parang no’ng later years ng college, [iniisip ko] parang ‘yung gawa ko, mas maganda sa gawa ng mga classmates ko. Parang ‘yung gawa ko hindi rush, yung gawa nila parang rush. Sabi ko, “P’wede!” Naisip ko na may kembot ‘yung mga gawa ko. Kaya ‘yun, naisip ko na “Puwede kong career-rin ‘to a!”

Basta nung time na ‘yun nagra-rush ako, gusto ko nang matapos. Gusto ko nang matapos ‘yung course ko.

Kilala ka bilang isang masayahing tao, paano ito nakakatulong sa iyong pagsulat?

Ang palagay ko, dahil masiyahin ako, lagi kong naipapasok ‘yung hope sa mga isinusulat ko. Bihira ako sumulat ng mga defeatist na works.

After ko makatapos, napasok ako sa NGO tapos nag-freelance ako. Ang nakuha kong trabaho, nag-i-storytelling. Nag-i-storytell ako, sa Adarna [Publishing] ni Rio Alma. ‘Yung pag-storytell ng Pag-ibig ni Lam-ang, ‘yun ang favorite ko. Tapos naisip ko, parang nagbibigay ka ng joy. Maganda na habang nagsusulat ka, nagbibigay ka ng joy, happiness. So, habang nagsusulat ako, nagiging conscious ako do’n. Naipapasok ko s’ya, parang hindi ko rin kasi mapigilan. ‘Yung mga nauna kong na-publish [na gawa]: Hilakbot, Haunted Philippines 8 and 9, sa Palalim Nang Palalim, napansin ko na kahit horror, hindi ko mapigilang magpatawa. Pati nga ‘yung Mingaw, erotic s’ya pero may mga parts na nakakatawa. Kasi hindi ko talaga napigilan. Nakatulong sa’kin ‘yun. Kasi ang sinusulat ko e, popular literature.

‘Yung mama ko kasi [mas] wacky pa kausap sa ’kin. ‘Yung mama ko, mas maraming pinagdaanan, mas mahirap ‘yun, kasi lima ang ana,k e. Pero kahanga-hanga na kahit gano’n ‘yung buhay, ‘yung mind set niya e, masaya pa rin siya. Dinadaan n’ya parati sa joke, pag na-meet nyo ‘yung family ko, pag nagsama-sama kami, ako na ‘yung pinaka-tame.

Sinu-sino ang mga manunulat na nakaimpluwensya o inspirasyon mo upang maging isang manunulat?

Siyempre ‘yung mga teachers sa UP. No’ng hayskul, ang naituro sa akin love for reading. In-encourage nila ako, although hindi ako nagbabasa.

So, una sa lahat, si Sir Vim Nadera. Kasi si Sir, lahat ng project n’ya sa amin ini-involve n’ya talaga ‘yung estudyante n’ya sa outside world: sa buhay ng mga manunulat, pupuntahan namin ‘yung manunulat, pupunta kami sa mga book launch para ma-meet namin ang mga writer. Na-meet ko si Genoveva Edrosa Matute. Pinapunta kami [ni Sir Vim] sa talk ni Aling Bebang. ‘Yung mga project din ni Sir Vim, laging book. Kunwari tayong mga magkakaklase tayo, ang output natin, compilation ng outputs natin. Tapos, ilalaunch. May poetry-poetry reading pa.

‘Yung mga inspirasyon ko, siyempre, ‘yung mga nababasa ko. Si Lualhati Bautista, Luna Sicat-Cleto. Ang gusto ko pang writer ay si Rene Villanueva. Naabutan ko s’ya right after n’yang mabaril. Ang sungit-sungit sa klase pero ang galing, walang katulad maging teacher.

Siyempre si Sir Rio rin [Virgilio Almario]. Although, hindi ko s’ya naging teacher. Late ko na s’ya nakasalamuha, graduate na ‘ko ng college. Una ko s’yang na-meet no’ng nakapasok ako sa UP Writers Workshop, nung hindi pa ito upgraded . Na-meet ko siya sa UP. Ang sabi ni Sir Vim, “Ay, ‘yan po si Bebang!” Sabi ko, “Ako po ‘yung sumulat ng kantang-bayan.” Sa kantang-bayan ko kasi ibinase ‘yung mga tula ko para makapasok sa UP Writers Workshop. Tapos ang sabi n’ya sa akin, “Ikaw pala ‘yun! So, anong backgound mo, bakit ganyan mga tula mo? Kilala mo ba si Teo Antonio?” “E, hindi po e. Nabasa ko lang po sa books. Nabasa ko lang po, tapos inilalagay ko sa tula.” Mga anim na ganun [mga kantang-bayan] ang nagawa ko. “A, ganun ba? Mag-LIRA ka!” sabi niya. Tapos pagkababa ng Baguio [after ng UP Writers Workshop], do’n ako nag-start mag-LIRA. Doon ko uli s’ya na-meet. Very inspiring talaga, kasi nakikita mo ‘yung dedication n’ya sa young poets. Basta willing kang matuto at may time ka, pupuntahan ka. Tapos ‘yung aral ko sa LIRA, every Saturday ‘yun, buong araw. Alam mo, kahit mag-isa ka lang, ando’n s’ya, rain or shine. Di ba? Nakakakilabot. Pero no’ng time na ‘yun hindi pa s’ya National Artist, papunta pa lang s’ya.

Mas mahigpit s’ya [Virgilio Almario] sa amin—sa attendance, lates. Kaya nagkaroon s’ya ng rules, na bago ka maka-graduate, kailangan may certain number of attendance ka. Parang regular school. Actually, ang best description ng LIRA e, para itong MA Level ng poetry. Lahat nando’n: Filipino Poetry, English poetry, mga salin, pag-aaral sa tula mula lumang panahon hanggang makabagong panahon.Very hands on si Sir Rio, kaya love s’ya ng mga bata ng LIRA kasi talagang nakatutok s’ya. Dati, Sabado’t Linggo, ‘andoon s’ya; ngayon, every Sunday na lang. Kasi, ang Sunday ay workshop, ang Saturday ang lecture.

Si Bob Ong, inspiring ‘yung una n’yang aklat, ABNKKBSNPLAKO? Nasa UST na ako no’n. Napansin ko ‘yung isang estudyante ko, hindi nakikinig. Nilapitan ko, kasi naiinis na ako. Nakita ko, binabasa ‘yung kay Bob Ong. So binasa ko s’ya. Naku! Naka-apat akong libro! Hiniram ko nang hiniram sa UST. No’ng nabasa ko s’ya, sabi ko , “Ito ba ‘yung pinagkakaguluhan nila?” E no’ng nabasa ko, tungkol lang sa storytelling ng childhood. Kaya naisip ko na, “Kaya ko ‘to, a? Pero iba, tungkol naman sa pagiging girl.”

Actually, naispire talaga ako do’n sa sinulat ni Bob Ong. Kaya si Bob Ong talaga is “a very important [writer] sa Philippine Literature”, kahit hindi sa Phil. Lit. e. Sa reading na lang, e. Tinalo n’ya ang sales ng Noli at Fili, sang-ayon sa NBS. Ganun s’ya kagaling. Hindi s’ya lumalabas, baka kasi mawala ang kinang.

Sa Foreign, nagbabasa rin ako, si Raymond Carver.

Ano ang tradisyon ng Panitikang Filipino ang nakaimpluwensya sa iyong panulat?
Sa LIRA, itinuturo sa amin ‘yung traditional forms of poetry sa Philippines. So, lahat yan nadaanan namin. Hinasa kami nang hinasa. Dahil do’n, natuto akong maging very careful sa pagpili ng mga salita. It was a training for me when I was writing horror stories at iba pang genre. So, language talaga.

Sa tradisyon din ng pagsulat ng kababaihan. Kasi, ‘yung time na nag-aaral ako sa UP, boom na boom ‘yung women-women. Actually, sa sobrang boom, sabi ng teacher ko na si Luna Sicat-Cleto pag may nagsa-submit sa kanya ng paper, “Women na naman?” So, parang namulat talaga ako sa pagsulat ng mga kababaihan, lalo ng Filipina writers. Sina Lilia Quindoza-Santiago, etc., sila na naging mga teacher ko rin.

‘Yung course ko kasi, parang binubuksan lahat. Hindi lang s’ya isang genre, pati sa dula at iba pa, binabalikan. Anong itsura ng dula noon? Ngayon? Sarsuwela? Sa tingin ko, lahat ng napag-aralan ko nakatulong sa pagsusulat ko, nagiging visual ka, natututo kang magplano. Paano kung ito’y visual na? Anong itsura? Kaya kung mapapansin n’yo, visual din ang aking telling pero may mga emotions at nilalagay ko ang mga ito sa tangible na mga bagay.

Ano ang papel ng pagiging babae sa iyong pagsulat?

Ako, dahil na-expose ako sa literature ng kababaihang Filipino writers, naging conscious ako sa image ng women sa mga isinusulat ko, kung paano ko ipino-portray sa panulat ko. Halimbawa, sa erotic, I make sure na hindi s’ya inaapi: may consent ‘yung sex, ‘yung babae ang nag-u-urge gumamit ng condom, ‘yung babae ang nagde-decide kung anong gusto n’ya sa buhay, pinaglalaban n’ya yung karapatan n’ya bilang asawa saka bilang nanay. ‘Yung tipong hindi passive ang babae. ‘Yan ang mga iniisip ko everytime I write, anong puwedeng gawin ng women character?

Recently, nagsusulat ako for children, sinisiguro ko pa rin na hindi oppressed ‘yung mga women character: matatalino ‘yung mga character ko,nag-iisip, very promising, may leadership skills. Nagsusulat ako ng horror, ang mga women character ko ay usually curious, very investigative, matapang, very vocal.

Paano nakatutulong sa iyong pagsusulat ang mga pansariling mong karanasan?

Siyempre, naisip ko na may reason lahat ng karanasan. Lahat hindi patapon, for keeps. ‘Yung pinaghuhugutan ko rin, karanasan.

Halimbawa, may kuwento ako about sa waitress. Nagamit ko [ang pagiging waitress dati] no’ng ako ay nagsusulat na ng radio drama. Oo, nagsulat din ako ng radio drama, pagka-graduate ko ng college. Ang karakter ko do’n ay isang saleslady ng mga facial-facial [mga make-up]. Nasisante ang bida. Nasisante dahil sa anak n’ya. Maliit pa ang anak n’ya e, walang magbabantay. So, nawalan s’ya ng work. Galing sa karanasan ko ito e; pag nanghihingi s’ya [‘yung bida sa radio drama] ng tulong sa tatay ng anak n’ya, bibigyan sya ng 100 pesos. Tapos sasabihin ng guy, “Sige, magba-basketball pa ko e!” E, pamasahe pa lang ng saleslady ‘yung 100 pesos e, kulang. Then, isang araw, nag-apply ‘yung bida as waitress, ipinasok s’ya ng friend nya. ‘Yung uniform ng waitress, sobrang ikli, baba siya nang baba ng palda. Tapos may nkita s’yang guy, ‘yun pala ‘yung may ari ng restaurant. Kaklase n’ya pala no’ng hayskul, tapos may crush sa kanya, gustong-gusto s’ya. So, ang ginawa sa kanya, ginawa s’yang cashier.
Alam ko ‘yung sitwasyon—paano kung gusto akong i-table? Nando’n ‘yun sa radio drama. Sinasabi ko kung paano lumalaban ‘yung babae, kung paano s’ya nagsasalita against things na ayaw n’ya.
Mayroon din akong story about clerk sa pawnshop. Halimbawa, I know what a vault inside the pawnshop looks like, which is very bihira. Halimbawa kayo, karaniwang mamamayan, hindi n’yo alam [what inside the vault looks like]. May isa akong horror story na ikinulong ko ‘yung clerk na magnanakaw [sa loob ng vault]. D’un sa napasukan kong pawnshop, papasok ka ng vault, puwede ka mag-alahas. No’ng writer na ako, naisip ko, may problema don sa rule na ‘yun. Halimbawa, kung may nagsanla, tapos ako ‘yung maglalagay sa vault, paano kung i-switch ko? ‘Yun, madaling ipuslit, ‘yung singsing. Hindi naman kasi tsini-check, hindi naman tutunog.
Nangyari ‘yun e, sa Baclaran pa ako no’n, may mga nakaw talagang isinasangla, tinatanggap naman. Mayroon kaming naging guest sa pawnshop na ang ganda-ganda, siya ‘yung nag-uuri. Parang one day pa lang siya or 2 days, pero matagal na s’yang nag-uuri, galing sa ibang branch. May nagpunta, magsasanla, ang pangalan Gigi Cruz tapos nakatira sa Gigi Cruz Street. Ang dala, makapal na makapal na bracelet. Inuri n’ya, tapos ang binigay niya: 12, 500, times two pa y’un so 25, 000 ‘yung bracelet. Nakatira raw ‘yung Gigi Cruz sa Baclaran. Maya-maya, parang di mapakali ‘yung taga-uri namin; alam n’yo, kiniskis n’ya ‘yung isinanlang bracelet at nalaman niyang fake! ‘Yung surface lang ‘yung gold. So, hinanap nila ‘yung Gigi Cruz Street. Sabi ko sa isip ko, “Bobo ka e, Gigi Cruz? E, halatang fake naman ‘yung address.” Pinuntahan nga nila, walang Gigi Cruz sa Gigi Cruz Street.
Alam n’yo, nagpasama ‘yung boss namin sa isang staff. “Isanla n’yo ‘yan sa ibang lugar,” sabi n’ya. Nasanla naman, kaso hindi ganun ‘yung amount, ‘yung discrepancy, bayad s’ya, para hindi lugi si may-ari ng pawnshop. ‘Yan ‘yung mga bagay na di ko malimutan, in the future, isusulat ko yan. Si “Uri”.
Nakaaapekto ba ang iyong pagiging Tsinay (half Filipino, half Chinese) sa iyong pagsulat? Anong kultura ang umiiral o pinaiiral mo sa iyong mga akda?
Alam ninyo? I’m so Filipino, 100 %! Actually, ‘yung mga kultura ng Chinese sa akda ko, ‘yun pa nga ‘yung kini-criticize ko. “Ang yabang n’yo naman porket ang nanay ko, 100 % Pinay, super tisay naman nanay ko, e!”

100 % Pinay ako. Sa It’s a Men’s World ko lang naman naipakita kung paano naapi ang half breed na tulad ko na hindi marunong mag-Chinese at mahirap. Kasi, kami lang naman ‘yung gano’n sa pamilya, hindi naman kasi lahat ng half-Chinese o ng pure Chinese ay mayaman. E, ako pag nagdamit ako, ang puti-puti ko, akala ng mga tao ang yaman-yaman ko. E, wala ngang makain. Tapos akala ng iba, kapag isang syllable lang ang apelyido, mayaman ka na. No’ng nag-apply ako sa UP, inilagay ako sa dulong bracket, zero. Parang ang sabi: you don’t deserve any scholarship! Sabi ko, “Bakit? Pag pumunta kayo sa bahay namin, wala kaming gripo, ni wala kaming TV. ‘Yung kuryente naming, jumper.” Tapos, hinihingian kami ng resibo sa tubig, sa kuryente, e wala nga kaming ma-present. So, ang nangyari, pina-imbestigahan ako. Pumunta sila sa bahay namin. Pumasok sila sa bahay. “O, naniwala na kayo na umiigib kami sa balon? ‘Ayan kami, per container, piso. Isang galon, bayad.” Gano’n kami maligo. Tapos, ‘yun binigyan nila ako scholarship.

‘Yun, gusto ko lang ipakita dy’an ‘yung discrimination. Hindi lang siya nangyayari sa inyo, nangyayari ito sa ating lahat.

Ang kulturang umiiral sa ‘kin ay siyempre, 100 % Pinoy.

Bilang isa sa mga itinuturing na kabataan/bagong manunulat, paano mo maipaliliwanag ang puwersa o lakas ng iyong estilo sa kontemporaryong panitikan?

Batay sa mga sumusulat sa akin na gusto ring maging manunulat, napansin ko na kapag nagpapa-check sila sa email ko at ipinapabasa ang mga gawa nila, napansin ko na ang laman, laging very personal and very conversational, at parang confessional. Pero naisip ko na after nila mabasa ang It’s a Mens World, kaya rin pala nilang gumawa ng katulad nito.

At recently, every time na nai-invite akong magsalita, parati kong sinasabi na hindi ko alam kung paano ako makakaimpluwensya sa ganitong paraan o ganyang paraan, pero tingnan ninyo na lang ‘yung nangyari sa akin, hindi ako nag-give up. May mga work akong nare-reject, hindi ko ‘yun inaalintana.

More on… inspirational ‘yung It’s a Mens World, hindi s’ya confessional. Kasi ang confessional, may drama-drama. ‘Yung sa molestiya isa lang ‘yun, pero kung titingnan mo ‘yung aklat as a whole, play siya sa emotions ng reader.

100 % totoo ang nilalaman ng It’s a Mens World. Pero may mga pangyayari doon na hindi ‘yung eksakto. Halimbawa, ‘yung sa ninakaw kong chiclet, ‘yung kinain ng mga pinsan ko: Taquitos, etc., etc., hindi na ‘yun ‘yung eksakto. Pero no’ng time ko na ‘yun, ‘yun talaga ‘yung kinakain e, kaya malamang na p’wede naman silang kumain ng gano’n. Hindi ko talaga ni-reveal ‘yung ninakaw ko. Hulaan na lang nila, hanggang sa end. May isa ngang writer, ‘yun ‘yung unang binasa, ‘yung “Nakaw na Sandali”. Akala niya kasi, erotic. Kasi kilala ako sa mga erotic-erotic e.


Sa iyong palagay, may mga elemento/nilalaman/paraan ba sa iyong aklat na It’s A Mens ang makaaangkop sa pamantayan ng Kontemporaryong Panitikan? Ang Mingaw?

Sa palagay ko, contemporary ang It’s A Mens World. Nasa panahon e, kung ano ang mga issues ngayon, kung anong wika ang ginagamit. So sa tingin ko, para matawag na contemporary, nakakabit siya sa panahon kung saan siya nag-e-exist. Parang yung “Mga Agos sa Disyerto”, no’ng time nila.

Kasi, ‘yung word na contemporary, new! Very fluid adjective. Sabihin mo kung ano ‘yung time, language, malalaman mo kung anong panahon. ‘Yung Mingaw, it’s about immigrants, hindi ‘yun tungkol sa cyber-sex tulad ng nakalagay sa pabalat. Mali nga ‘yung inilagay nila. Saka, hindi nga ako marunong nun e [ng cyber sex]. Paano ka magsusulat ng isang bagay na hindi mo alam, di ba?

Sa kuwento ng Mingaw, nag-asawa ‘yung characters, 20-22 years old sila. Kainitan ng sex life nila, naghiwalay sila. Kailangan, para makapag-abroad ‘yung isa. So, paano ‘yung longing for each other? Kaya lahat ng gusto nilang sabihin, lahat ng sex position, sa email nila sinasabi lahat. So, ang kuwento nila dy’an, anong ginagawa nila kapag binabasa nila yung email? Kaya ang topic, OFW problems. ‘Yung language ng Mingaw, very contemporary. I think yung genre n’ya kasi, ‘yung erotic, is not very luma sa atin. Although, may mga erotic na noon, pero pasundot-sundot lang e. Ang Mingaw all-out, para nga siyang porn. Sinabi ko rin doon ‘yung oppression, mababa kasi ‘yung sahod. Halimbawa sa Korea, sa factories, may iba’t ibang lahi. Mas malaki ang sahod ng isang lahi kaysa sa ibang lahi, so may discrimination. Ipinakita ko rin [sa Mingaw] kung paano sila nagwo-work do’n. Halimbawa, sira ‘yung heater nila, they have to buy thick clothes. Pero hindi sila binibigyan ng pera ng company to buy, sa ipon pa nila kinukuha. So, talagang lugi. Tapos, minsan, hindi pa sila pinapasahod sa tamang oras. Ni-research ko talaga ‘yun, ni-research ko. Nag-interview ako sa mga Korean, sa mga OFW.

Maaari mo bang talakayin kung bakit humantong sa It’s A Mens World ang titulo ng iyong aklat?

Maikli lang ‘to, ang corny. Nakasakay ako sa jeep, bigla ko lang naisip, “It’s A Mens World!” Hindi s’ya hango sa kanta. ‘Yung bago kong lalabas na aklat, “It’s Raining Mens”, hango ‘yun sa kanta, pero naisip ko na ‘yun after ma-publish ng It’s A Mens World.

Nag-umipsa kasi ‘yung Mens as essay, ‘yung title nga ‘yung It’s A Mens World. Ang original title nga n’ya, Regla Baby, galing sa Regal Baby, kina Mother Lily. Tapos, hindi ma-publish-publish, walang nangyayari. Tapos pinalitan ko ng title, ‘yun nga no’ng nasa jeep nga ako.

Nang isang buong collection na siya ng essays, tungkol din naman sa babae lahat, ‘yung It’s A Mens World na lang ‘yung ginamit kong title.

Sinong kabataang manunulat sa kasalukuyan ang iyong hinahangaan? Bakit mo sila hinahangaan? Paano sila nakaiimpluwensiya sa iyong pagsulat?

Puros lalaki e, konti lang babaeng writer: Adam David, Eros Atalia, Norman Wilwayco, Sir Jerry [Gracio], ‘yung mga kasama ko sa LIRA, ‘yung mga ka-batch ko sa UP Writers Workshop. Si Vladimeir Gonzales, si Angelo Suarez, si Ariel Tabag, Si Anna Sanchez.

Ang suwerte ko lang, sa akin napunta ‘yung mga wala. ‘Yung mga genre na walang nagsusulat. Kasi sinong nagsusulat ngayon na babae [sa Filipino]? Di ba puro mashoshonda na?

‘Yun pa, sina Russell Mendoza. Siya si Alvin, siya ‘yung sumulat ng Emails, ‘yung last na part sa It’s A Mens World. Pag binabasa ko ‘yung email n’ya sa akin, para kang nagbabasa ng isang akda, magaling siya. Ginawa kong last part ‘yun kasi matanda na kami do’n, pero may hook pa rin sa childhood.

‘Yung mga batang writer din from the regions: Ariel Tabag, Jason Chancoco, Christian Sendon Cordero. Itong mga tao na ‘to sobrang naka-inspire sa ‘kin, hindi masyadong nagkaka-market and yet they strive, they fight the center by writing.

Paano mo tinitingnan ang hinaharap ng Panitikang Filipino? Ano ang mga mensahe mo sa mga bagong manunulat o sumusubok na maging manunulat?

Mas marami ngayong mga manunulat na nagsusulat, mas marami. It’s because of Bob Ong. Parang si Jun Cruz Reyes, na sa tingin ko, counterpart ni Bob Ong; no’ng isinulat niya ‘yung Utos ng Hari, sa academe siya, inaaral natin siya sa academe. Pero si Bob Ong, siya ‘yung number 1 book na Non-School Book Read. Ibig sabihin nito, hindi nire-require sa school. Dahil sa kanya, nakita ng mga bata na it’s possible na magsulat ka about childhood kahit di ka pa masyadong matanda. Mas naging malaya ‘yung paggamit ng language. Kasi, ang akala ng iba ay the only way to write is the formal way, kasi influence din ng school, hindi n’ya [si Bob ong] ipinapakilala kung saan siyang galing na school.

So, I think there will be more about our culture, our existence, ‘yung mga bagay na akala natin hindi na kailangang pansinin. I think, younger writers will write about these things. Kasi nga parang na-pave ni Bob Ong ‘yung daan para pansinin itong mga bagay na ito na maliit kung titingnan pero malaking bagay sa mga taong nakaka-experience nito.

Mensahe sa mga bagong manunulat? Magsulat ka lang. Kung marami kang excuses, hindi ka talaga makakasulat. ‘Wag mo munang isipin ‘yung editing, ‘wag munang tumalon kaagad.

Magbasa nang magbasa! Ang maganda kasi sa mga writers, tulad ni Eros, maraming nabasang libro bago makapagsulat, so, alam niya ‘yung mga naisulat na at ‘yung wala pa. Hindi tulad no’ng iba na hindi palabasa, so, akala nila na bago ‘yung isinusulat nila, ‘yun pala hindi na bago.

Halimbawa, ‘yung pagsulat sa kahirapan, puro na lang ba kahirapan? Anong bago? ‘Yung Ungaz Press: PAK U, gusto ko ‘yun. Maganda. Kasi they talked about poverty, violence, yung inefficiency sa Educational System, drugs—it’s so 3rd world. Tapos ipinackage nila ‘yung book nila na hindi glossy at hindi maganda—it’s so 3rd world. Kaya ikaw, ramdam na ramdam mo ‘yung nao-offer ng publishing na walang editing, walang proofreading, ‘yung quality ng papel naka-stapler lang. ‘Yun ‘yung sa tingin ko na hindi nagagawa ng ibang writers na sumulat about kahirapan. They [Ungaz Press writers] made the reader experience the real 3rd world. Pati ‘yung violence sa wrong spelling, mali-mali, ang pangit ng grammar. Di ba, ikaw as a reader naba-violate ka rin? E, ‘yung kanilang book ay about violence.

Maganda rin ‘yung paraan para ka makabili ng book, para kang bumimili ng drugs. Kailangan palihim, underground. Hindi mo mabibili kung saan-saan lang. So what we’re talking about is that they made the readers experience the 3rd world. ‘Yun ang nagagawa ng Ungas Press: PAK U na sa tingin ko ay hindi pa nagagawa ng kahit na sinong sumulat about what they wrote about. At siyempre maganda ‘yung nilalaman, very contemporary ‘yung language saka kaunti ‘yung melodramatic.

Noon, takot na takot ako e [as a writer], pero ngayong taon na ‘to, hindi na. Kasi alam ko na ito na ang magpapasaya sa akin, ang pagsusulat. So, iniwan ko lahat. Walang monthly suweldo. Writer ako ngayon, full-time.
Kanino mo inaalay ang akdang It’s A Mens World?
Sa nanay ko. Gusto kong sabihin na kahit na dysfunctional siya—totoo naman di ba? Napakasugarol, ang daming naging boyfriend. Tingin ko kasi, way of survival n’ya ‘yun e. Pero madiskarte siya, kahit gano’n siyang magulang, napalaki naman niya kami na hindi salot sa lipunan. Kahit broken home, may chance kang umunlad at hindi maging ganun. Hindi naman kami lumaki bilang basura ng lipunan. Kahit na naging mahirap ang buhay namin, mabubuting tao naman kami. Hindi salbahe. Honest, kahit mahirap kami. Nakatira kami sa maliit na kuwarto, gaya no’ng naikuwento ko sa It’s A Mens World. Nagnakaw ako ng Chiclet—gusto kong sabihin na, she will not tolerate that. Parang tribute ko ‘yan [ang It’s A Mens World] sa mama ko, na nakapagpalaki siya ng maayos na tao kahit na mahadera siya.

Nabasa ng Mama ko ang Mens. No’ng nabasa n’ya, ‘yun, galit na galit siya sa akin.

Saturday, March 23, 2013

Pagsusuri sa mga Tauhang Babae sa Tatlong Nobelang Ukol sa Opresyon

Isang panunuring pampanitikan ni Beverly W. Siy

Ang papel na ito ay batay sa tatlong nobela mula sa iba't ibang panahon at isinulat ng tatlong manunulat na Filipino. Ito rin ay nasusulat sa tatlong wika: Filipino, Iloko at Ingles. Binasa at ginamit ko ang salin sa Filipino ng nobelang Iloko bilang batayan sa pagsuri ng nobelang Iloko. Ang tatlong nobela ay nagpakita ng matinding pang-aapi sa mahihirap: uring manggagawa (sa planta at konstruksiyon), magsasaka, mangingisda at marami pang iba.

Susuriin sa papel na ito ang treatment at pananaw ng mga manunulat ng tatlong nobela sa mga tauhan nilang babae at kung paanong nakakapag-ambag pa ang mga ito ng maling persepsiyon sa kababaihan sa lipunang Filipino. Peminismo ang ginamit na lente para sa pagbusisi.

ANG NOBELANG WITHOUT SEEING THE DAWN

Ang unang nobela ay ang Without Seeing the Dawn ni Steven Javellana na inilathala noong 1947 at ang bersiyon na ni-reprint noong 1976.

Ito ay kuwento ni Carding na isang karaniwang magsasaka mula sa kanayunan (isang sityo sa Baryo Sta. Barbara, Manhayang, Panay Island.) Ang nobela ay nahahati sa dalawa: Book One Day at Book Two Night. Ang una ay tungkol kay Carding at sa mga tao sa Manhayang bago dumating ang mga Hapon at ang ikalawa naman ay ang Manhayang at iba pang karatig na lugar nang sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.

Bago at halos perfect na couple/mag-asawa sina Carding at Lucing. Maligaya ang lahat ng tao sa baryo nang magkatuluyan sila. Subalit napakaraming pangyayari ang sumubok sa kanilang relasyon at pagkatao: pagkakaroon ng kalaguyo, pagsilang at pagkamatay ng mga anak, matinding bagyo, baha, digma at marami pang iba. Sa dulo ay nagkahiwalay sila. Si Carding ay tuluyang naging pinuno ng bolo battalion at sila ay lumusob sa mga kaaway. Samantalang si Lucing ay naiwan sa kanilang bahay habang ipinagdadasal ang kaligtasan ng mga susuong sa digma.

Ang buo nga palang pangalan ng bida ay Ricardo Suerte. Maparikala!

ANG NOBELANG SILANG NAGIGISING SA MADALING ARAW

Ang ikalawang nobela naman ay Dagiti Mariing Iti Parbangon o Silang Nagigising sa Madaling Araw na isinulat ni Constante C. Casabar. Inilathala ito sa Bannawag bilang serialized na nobela mula 1956 hanggang 1957.

Ito ay tungkol sa binatang si Salvador na tubong-Guilang. Ang Guilang ay fictitious na bayan pero ayon kay Prop. Noemi U. Rosal sa kanyang introduksiyon sa nobela, ito raw ay kumakatawan sa Narvacan, Ilocos Sur, ang mismong bayan ng may akda. Ang nobela ay isang naghuhumindig na komento sa paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino noong panahon na ma-publish ang akda. Isang eksena ang katibayan nito: ‘yong pag-uumpukan ng mga tao kapag may naaksidente hindi para tumulong kundi para lang mag-usyoso.

Si Salvador o Adoy ay isang napakatalinong binata mula sa mahirap na pamilya. Sa sobrang talino niya ay napapansin niya ang di magagandang ugali ng kapwa at mga pagbabagong nagaganap sa kanyang bayan. Masugid niyang pinupuna ang mga kamalian at kabulukan sa paligid. Naniniwala siyang ang ugat ng lahat ay ang katatapos lamang na digma.

Nagkautang siya kay Apo Julian nang maaksidente ang kanyang lolo sa pangingisda. Para makabayad ng utang, sapilitan siyang pumasok sa planta pagkatapos mag-high school. Doon ay ginawa siyang lider ng isang lihim na pangkat laban kay Apo Julian.

Umibig kay Mering itong si Adoy. Si Mering ay dalagang mula sa mas maalwan na pamilya mula sa isa pang baryo. Masugid ang pagmamahal ni Mering kay Adoy at humantong ito sa pagbubuntis ng dalaga at sa pagpapakasal nila. Ang kapatid ni Mering na si Julian ang naging problema. Ito ay maagang naging kawatan at naging tauhan ni Apo Julian. Nang matuklasan ni Apo Julian ang lihim na pangkat sa planta, inutusan niya si Julian na patayin si Adoy. Nabaril nito sina Mering at Adoy ngunit nakaligtas naman ang dalawa. Nagwakas ang nobela sa pagpatay ni Julian kay Apo Julian samantala ay naghahanda naman ang munting mag-anak ni Adoy para lumipat sa Cagayan, Mindanao.

ANG NOBELANG SA MGA KUKO NG LIWANAG

Sa Mga Kuko ng Liwanag ang ikatlong nobela. Isinulat ito ni Edgardo M. Reyes at unang inilathala noong 1986 ng DLSU Press.

Ito ay tungkol kay Julio Madiaga, isang mangingisdang nakipagsapalaran sa Maynila para hanapin ang kanyang nobyang si Ligaya Paraiso. Dumaan si Julio sa pinakamararahas, pinakamasasaklap at pinakamapapait na karanasan habang nasa lungsod. Nanakawan siya, nabugbog, niloko sa suweldo sa construction, namatayan ng matalik na kaibigan at tinalikuran ng isa pang kaibigan kung kailan niya kailangang-kailangan ang tulong nito. Sari-sari ang mga taong kanyang nakilala. Karamihan ay masama ngunit may iilang mabuti na siyang tumulong para mabuo ang kuwento ng paglaho ni Ligaya pagtuntong nito sa Maynila.

Hindi lang nagpokus kina Julio at Ligaya ang buong nobela. Ipinakita at idinetalye nito ang buhay ng mga construction worker at iba pang karaniwang Filipino. Ipinakita rin dito ang napakalaki at lalo pang lumalaking puwang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap at kung ano ang papel na ginagampanan ng mayayaman para manatiling mahirap ang mahirap.

Napakanipis ng plot ng nobela pero napakaganda ng pagkakalarawan sa buhay ng mahihirap lalo na ng mga construction worker at ang kanilang pamilya. Halos maaamoy at mauulinigan ang mga amoy at tunog mula sa kanilang mundo sa pamamagitan ng nobela.



INTRODUKSIYON

Ang tatlong ito ang napili ko dahil lahat ay nagpapakita ng di makataong kondisyon sa lipunang Filipino at makatotohanan ang pagtatanghal ng mga pangyayari (bagama’t fictional ang bayan ng Guilang ng nobelistang si Constante Casabar ay realistiko naman ang lahat ng nangyari sa akda).

Ang mga bidang tauhan sa tatlong nobela ay puro lalaki at galing sa uring mahirap. Silang lahat ay nakaranas ng opresyon mula sa kapitalista’t may hawak ng pera o kapangyarihan. Si Carding ay ilang ulit na pinalayas ng maylupa sa kanyang sinasakang lupa at nakaranas ng kalupitan sa kamay ng mga Hapon. Samantala, ginagawang gatasan ni Apong Julian ang mga tulad ni Adoy na sapilitang namasukan sa pabrika para makabayad ng utang sa kanya. Si Julio naman at ang mga tulad niyang construction worker ay ninanakawan at minamaltrato ng mga big time (pati ng small time) sa mga construction firm at iba pang tagasiyudad.

Nais kong suriin kung ano ang pananaw sa babae ng mga manunulat ng mga akdang ganito ang lalaking pangunahing tauhan. Ano kaya ang role ng kababaihan sa mga kuwento ng opresyon? Ginagamit ba sila ng mga may akda para lalong kuminang ang mga lalaking pangunahing tauhan? Nakakatulong ba ang mga akda para ma-empower ang babaeng mambabasa na nakakaranas ng opresyon gaya ng mga lalaking pangunahing tauhan?

Pinili ko rin ang tatlong nobelang ito dahil nasa iba't ibang wika na ginagamit sa Pilipinas ang bawat isa sa kanila. Tatlong panahon din ang kinakatawan ng mga nobela (panahon ng Hapon, pagkatapos ng panahon ng Hapon at dekada sisenta). May nangyaring pag-usad sa panahon, umusad din kaya ang paraan ng pagtingin ng mga lalaking manunulat sa kanilang tauhang babae at sa mga babae sa lipunang Filipino?

PAGPAPAKILALA SA MGA PANGUNAHING TAUHAN NA BABAE AT KATUWANG NA TAUHANG BABAE SA MGA NOBELA

Mula sa nobelang Without Seeing the Dawn ay sina Lucia at Rosing

Pangalan/Palayaw: Lucia /Lucing
Okupasyon: Housewife
Karelasyon: Carding
Magulang: tenyente (o lider ng baryo nila) at maybahay
Lugar ng kapanganakan: Manhayang (lalawigan)
Edad: 16
Pinakamataas na natapos sa pag-aaral: elementarya

Narito ang ilan sa katangian ni Lucia:

1. Kulang sa self-confidence

Maraming nanliligaw kay Lucing noong dalaga pa siya. Naging barrio fiesta queen din si Lucing kaya sikat siya sa kanilang lugar. Ngunit may mga pagkakataong kulang siya sa self-confidence. Bagama’t napakaganda niya ay pangit pa rin ang tingin niya sa kanyang sarili. Nang magkaanak sila ni Carding ay nadismaya siya nang makitang kamukha niya ang sanggol. “He has my snub nose and my eyes. …He has taken after my ugly features. Now, if he looked more like Carding,” ani Lucing.

2. Masipag

Noong dalaga pa lang si Lucing, babae ang nagtatrabaho ng gawaing-bahay sa kanilang bahay. Siya at ang nanay niya ang nakatoka dito. Makikita sa nobela ang eksenang ito: si Lucing ay naghuhugas ng pinggan habang ang tatay niya ay nakaupo, relaxed na relaxed, sa may tabi ng bintana, nagto-toothpick. Ang dalawang kapatid na lalaki ay tulog na.

3. Hindi vocal

Kahit walang muwang ay very sensual mag-isip si Lucing lalo na pag naaalala si Carding. Pero hindi niya sinasabi ito gaya ng marami pa niyang iniisip. Hindi siya vocal sa kanyang thoughts at feelings. Kahit noong naghamon ng tanan si Carding, hindi niya nasabing game siyang sumama rito kahit gustong-gusto naman niya.

4. Submissive

Masunuring anak itong si Lucing. Kagaya ng nanay niyang si Pia, madalas ay sumusunod lang sila kay Tiniente Paul, ang haligi ng tahanan. Hindi kataka-taka na napakamasunurin din niya kay Carding nang maging mag-asawa na sila. Sobra din siyang magmahal ng asawa. Sa lahat-lahat ng pinagdaanan niya sa piling ni Carding, nag-standby pa rin siya dito. Hindi siya umalis kahit lumilikas na ang lahat ng kababaryo niya. Gusto niyang manatili sa bahay nila, para lang maghintay sa pagbabalik ni Carding, na isa nang lider ng bolo battalion.

Napakaraming pangit na karanasan ni Lucing. Sa tatlong pangunahing tauhang babae, siya lang ang nakaranas ng digma. Iyon pa lang ay napakahirap at napakasakit nang karanasan. Ilan sa kanyang mga kaibigan at kapamilya (ang kanyang tatay) ay nilapastangan, sinaktan at pinatay. Naranasan din niya ang maloko ng asawa. Nambabae si Carding! Naranasan din niya ang isang baha. Nabuntis din siya nang tatlong beses at namatayan ng tatlong anak. Naranasan din niya ang gahasain ng maraming sundalong Hapon. Suerte ang apelyido ng kanyang asawa. Sumalungat dito ang kanyang kapalaran.

Pangalan/Palayaw: Rosita/Rosing
Okupasyon: mananayaw sa kabaret
Karelasyon: Carding at pagkatapos ay si Nestong

Narito ang ilan sa katangian ni Rosing:

1. Napakaganda at seksi

Si Rosing daw ay kasingganda ng isang fairy. Madali para sa kanya ang magkaroon ng customer sa kabaret. Hindi rin nagtagal, narahuyo si Carding sa kanya. Nang dumating naman ang mga Hapon, siya naman ay naging star ng putahan dahil sa kanyang ganda.

2. Malalim magmahal

Mabilis siyang na-in love kay Carding at magmula noon ay gumagawa siya ng paraan para ito ay mapagsilbihan at mapasakanya. Ang sukdulan ng kanyang pagmamahal at ipinakita niya sa pamamagitan ng pagsunog sa hotel (at eventually ay nadamay sa sunog ang tunay na target: ang ammunition dump ng mga Hapon). Alam niyang delikado ito at maaaring buhay niya ang kapalit ngunit ginawa pa rin niya ito para lang kay Carding.

Mula sa Sa Silang Nagigising sa Madaling Araw ay sina Emerita at Baket Basil.

Pangalan/Palayaw: Emerita/Mering
Okupasyon: estudyante
Karelasyon: Adoy
Magulang: magsasaka
Lugar ng kapanganakan: Bimmikal (lalawigan)
Edad: teenager
Pinakamataas na natapos sa pag-aaral: nakatuntong sa kolehiyo

Narito ang ilan sa katangian ni Mering:

1. Napakaganda at seksi

Si Emerita o Mering ay isang maganda at seksing dalaga, (ayon sa nobela, tila ipinaglihi sa tuktok ng Bundok Tirad ang kanyang mga dibdib). Noong 3rd year high school, napili itong maging mutya ng foundation day celebration ng eskuwela. Maganda rin ang kanyang boses. Very sensual din siyang tao. Nakaramdam siya ng pagnanasa nang makita niyang maglakad sa dagat ang hunk na si Adoy.

2. Matalino, mas mataas ang pinag-aralan at mas may kaya kaysa kay Adoy (ang lalaking gustong-gusto niya)

Bagama’t sa paanan ng bundok naninirahan si Mering, kumikita nang sapat ang kanyang mga magulang para mapag-aral siya sa Maynila. Nakaabot siya sa kolehiyo pero hindi ito natapos dahil sa siya ay nabuntis.

Makikita rin na malalim ang unawa ni Mering sa ugnayan ng mga taga-Guilang sa isa’t isa. Nang magkuwentuhan sila ni Baket Basil nang unang dumayo sina Mering kina Adoy, ikinuwento niya ang pagsasaka ng mga taga-Bimmikal para ipalit sa asin ng taga-Sabangan

3. Assertive

Alam niya ang gusto niya at assertive siya. Matagal na siyang may gusto kay Adoy. Nagawan niya ng paraan na matuloy sa pakikipagtalik ang kanilang pagliligawan. Nagbunga ito at siya’y nabuntis. Noong buntis na siya, nang magpasya siyang magbenta ng isda para makatulong kay Baket Basil, pinanindigan niya ito kahit tutol sina Adoy at Baket Basil.

Sinubukan din ni Mering na kumbinsihin si Baket Basil na paluwasin ng Maynila si Adoy para mag-aral sa araw at magtrabaho sa gabi, iyon nga lang ay nakapangako na ang mag-ina kay Apong Julian.

4. May malasakit sa kapwa babae

Isang araw, nang nasa Maynila na si Mering, mula sa loob ng dormitoryo niya, may nakita siyang babaeng nakatayo sa kalsada at naghihintay ng dyip. Nilapitan ito ng isang lalaki at tiningnan ang katawan nito. Walang magawa si Mering kundi magbulalas ng saloobin habang nakadungaw sa bintana. Inis na inis siya sapagkat “Masakit para sa kanya ang ano mang nasasaksihang pagsasamantala ng lalaki sa kapwa niya babae,” sa isip ni Mering (sa pahina 203). Nang irapan ng babae ang lalaki na lumapit, nagdiwang si Mering. Binubuyo pa niya ang babae (sa isip lamang dahil malayong malayo siya sa babae) na sampalin ng mga aklat ang lalaki.

5. Totoo sa sarili

Ipinagmamalaki ni Mering ang kulay ng balat ng isang Ilokana. Binabatikos ni Mering ang mga taong hindi proud at hindi totoo sa kanilang pinagmulan tulad na lang ni Perfecta Maglianos, ang isa sa kanyang roommates na nagpapatawag na Perfie samantalang Pittang naman ang kinagisnan nitong pangalan. Pati ang pagtawag ni Perfie ng Mama at Papa sa sariling magulang ay binabatikos ni Mering sa kanyang isip. Anya, Tatang at Inang naman talaga ang tawag ng dalaga sa magulang, bakit kailangan pang baguhin pagtuntong nito sa Maynila.

Narito naman ang ilan sa mga katangian ni Baket Basil:

Pangalan: Baket Basil
Okupasyon: tindera ng isda
Karelasyon: Ama ni Adoy
Lugar ng kapanganakan: Sabangan (tabing-dagat)
Edad: marahil ay nasa 40’s

1. Mapagmahal

Si Baket Basil ay mapag-arugang ina kay Adoy, at mapag-arugang anak naman kay Apong Binoy. Pinagamot niya sa doktor si Apong Binoy nang maputulan ito ng binti kahit pa wala naman silang ibabayad sa doktor at mga gamot. Hangga’t makakaya ay binibigyan niya ng pera si Adoy para makapagdulot ng ginhawa kahit saglit (diyes sentimo pamasahe para hindi na ito maglakad pauwi).

2. Napakasipag

Tindera ng isda si Baket Basil at kung wala si Adoy ay siya lang ang nagbubuhat ng mga bakul ng paninda papuntang palengke at pauwing Sabangan. Nagko-complement ang katangiang ito ni Baket Basil sa kanyang malalim na pagtanggap sa kapalaran bilang mahirap. Nang unang magkakilala sila ni Mering, hindi siya nangimi sa kahirapan nilang mag-ina. Ipinagpaumanhin niya ito ngunit hindi niya itinago o ikinahiya. Di man sinabi sa nobela, madarama ang dangal ng taong mahirap sa tulad ni Baket Basil.

3. Responsable

Niyakag na ni Adoy ang kanyang ina na dumayo na lang sa Cagayan at iwan na lang ang utang kay Apong Kulian ngunit ayaw pumayag ni Baket Basil. Hindi raw nila maaaring takbuhan ang malaking utang sa lalaki. Siya rin ang nagpapaalala kay Adoy na mag-remit ng bayad kay Apong Julian.

4. Mapagtiis

Kahit napakahirap ng buhay sa Sabangan ay hindi umaalis dito si Baket Basil. Walang tigil siyang gumagawa ng paraan para maka-survive ang pamilya sa tabing-dagat. Kayod-marino siya sa pagbebenta ng isda at hindi miminsan na ginabi siya sa daan at naglakad pauwi mula sa palengke dahil wala nang dumadaang kalesa patungo sa kanila.

Mula sa Sa Mga Kuko ng Liwanag ay si Ligaya.

Pangalan/Palayaw: Ligaya Paraiso
Okupasyon: Babae sa kasa/Maybahay
Karelasyon: Julio, Ah Tek
Magulang: mangingisda
Lugar ng kapanganakan: Marinduque
Edad: hindi binanggit, tantiya ko’y wala pang bente
Pinakamataas na natapos sa pag-aaral: hindi binanggit

Narito ang ilan sa mga katangian ni Ligaya:

1. Maganda

Maganda siya kaya napili siya ng illegal recruiter na si Misis Cruz para dalhin sa kasa imbes na pagsilbihin bilang kasambahay. Sa kasa, natipuhan siya ni Ah Tek, ang Tsinong customer ng kasa. Binalik-balikan siya nito, sinuyo at tinakot hanggang sa maiuwi sa sariling bahay. Doon siya ay kinulong pagkatapos ay inanakan.

2. Matapang

Lagi niyang inaaway si Ah Tek noong dinadalaw pa siya nito sa kasa kahit alam niyang maaari siyang saktan nito o gawan ng masama. (Ngunit lubos siyang tinakot ni Ah Tek na patuturukan ng morpina at iiwan sa kasa kapag tuluyan nang nainis kay Ligaya kaya nasukol din si Ligaya sa huli. Naiuwi/nabili siya ni Ah Tek.) Ipinakita rin ni Ligaya ang katapangan niya nang subukan niyang tumakas mula sa bahay ni Ah Tek noong gabing makatagpo niya si Julio sa Central Market. Bagama’t kinumbinsi siya nang husto ni Julio para gawin ito, matapang niyang hinarap ang mga panganib ng pagtakas niya at ng kanyang baby. Iyon nga lang at hindi ito naging matagumpay. Nagbuwis din siya ng buhay kinalaunan.

Pangalan: Perla
Okupasyon: taga-gantsilyo/puta
Karelasyon: wala
Magulang: Mang Pilong Paralitiko
Lugar ng kapanganakan: Quezon City
Edad: 19

Narito ang ilan sa mga katangian ni Perla:

1. Maganda

Sa taglay niyang kagandahan, lagi tuloy siyang nabibiro ng mga lalaki kapag nag-iigib siya ng tubig. Nagkagusto rin sa kanya si Pol, ang kaibigan ni Julio. Ngunit hindi naman natuloy ang kanilang ligawan.

2. Masipag at maaruga

Naggagantsilyo siya kahit gabing-gabi na para lang makatulong sa gastusin sa kanilang bahay. Mabilis siyang nag-aasikaso ng mga bisita at handang maghain kung nagugutom ang mga ito. Inaasikaso niyang mabuti ang ama nilang paralitiko. Ito ang inuuna niyang pakainin bago ang sarili.

3. Kimi

Hindi masyadong palaimik, hindi niya nakakakuwentuhan ang mga kaibigan ng kuya niyang si Atong. Hindi nagrereklamo sa hirap ng buhay nila. Nang mapatay si Atong sa City Jail, hindi na niya inasikaso ang paghahabla laban sa maysala dahil mag-isa na lang siya at binalaan siya ng mga kapitbahay na huwag na lamang maghabla para hindi manganib ang buhay nila ni Mang Pilong Paralitiko.

PAGSUSURI

May pagkakatulad ang mga tauhang babaeng binanggit. Narito ang ilan:

a. Lahat sila ay mula sa lalawigan o probinsiya.

Karamihan ay mga anak ng mga lalaking nagtatrabaho sa bukid o sa dagat. Ang kanilang mga ina naman, bagama’t hindi tuwirang binanggit, ay maybahay ang okupasyon. Isinasaad sa mga nobela kung paano silang tumutulong sa gawain ng kanilang mga asawa.

b. Lahat din ng pangunahing tauhang babae ay maganda at kaakit-akit ang hubog ng katawan.

Marahil, ginawa itong katangian ng mga pangunahing babaeng tauhan para mas maging interesante ang personal na buhay ng mga pangunahing lalaking tauhan at upang sila ay bumagay sa mga bidang lalaki na inilarawan bilang may mga hitsura din (angat sa karaniwan) kahit paano at kadalasan ay matipuno ang katawan. Si Carding kasi ay magsasaka kaya banat ang katawan. Sina Adoy at Julio ay parehong mangingisda kaya maganda rin ang pangangatawan.

Hindi lang naman sa panitikan kundi maging sa iba pang anyo ng sining, madalas talaga ang tampok o bidang babae ay maganda at seksi. Wala namang problema rito ngunit kung ganito nang ganito, lagi na lang napapako ang atensiyon ng mambabasa sa pisikal na anyo ng bidang babae at hindi sa kanyang kabuuan bilang tao. Isa pa, paano naman ang mga bidang babaeng salat sa pisikal na kagandahan? Malamang ay nababawasan ang atensiyon na ibinibigay ng mambabasa sa tulad nilang bidang babae dahil nasanay na ang mambabasa sa maganda at seksing bidang babae.

Dagdag pa, ayon kay Thelma Kintanar sa akda niyang Babae: Bilanggo ng Kasarian o Babaylan?
“Napipirme sa ating isip ang larawan ng babae na laging maganda, laging mabango, laging maayos at nakangiti. Idinadambana natin na parang santo ang ganitong imahen at nalilimutan natin na ang babae’y tao: pinagpapawisan, nagugusot ang buhok, naapagod, umiinit ang ulo. At hindi lang iyon: na siya’y may sariling isip, sariling damdamin, sariling minimithi, sariling pinapangarap.”

Oo nga naman. May depth ang bawat tao, babae man o lalaki. Mahalagang masalamin ito ng panitikan para hindi flat ang mga tauhan at nang hindi pare-parehong mag-isip ang mga tauhan sa lahat ng akda.

Sa tatlong nobela, pinagtuunan din ng pansin ang pagiging seksuwal na tao ng mga pangunahing babaeng tauhan. Narito ang paglalarawan kay Mering: noong 3rd year, napili siyang mutya sa Foundation Day Celebration. Ipinagmamalaki ito ng mga kanayon sa Bimmikal. Hinog na allagat ang kanyang labi, kawangis ng balat ng hindi pa naaarawang buho ang kanyang kutis at tila ipinaglihi sa tuktok ng Bundok Tirad ang kanyang mga dibdib.

Narito naman ang unang banggit kay Lucing sa nobela: Hoy, Carding, do you know who finished taking a bath just now? You should have come earlier so you would have seen Lucing’s thighs as we did. I’ll tell you that they are big and white like the inside of the banna stalk; that is if you haven’t seen them already.

Narito naman ang kay Ligaya nang sa wakas ay matagpuan siya ni Julio sa Central Market: hinabol ni Julio ng tingin ang babae, tinanaw sa ulo, sa balikat, sa balakang, sa binti, pinanood ang mga hakbang at imbay.

Masasabi ko namang out of character ang isang pangyayari sa nobelang Without Seeing the Dawn. Muntik nang makipagtalik si Lucing kay Luis, ang tisoy na anak ni Don Diego. Si Don Diego ang may ari ng lupang sinasaka ni Carding. Kagagaling lang ni Lucing sa mundo ng pagdadalamhati dahil namatay ang panganay nila ni Carding. Sa pagtigil ni Luis sa bahay nila ay natukso na si Lucing na patulan ang pagfi-flirt ni Luis. Biglang dumating si Luis sa bahay nilang mag-asawa.

Marahil ay walang maisip ang manunulat kung paanong mapapaalis ang mag-asawa sa lupa nilang sinasaka kaya bigla niyang ipinasok ang steamy hot scenes nina Lucing at Luis. Nahuli kasi sila ni Carding sa akto kaya binugbog ni Carding si Luis. Nagsumbong, natural, si Luis kaya pinaalis na sina Carding at Lucing sa lupang sinasakahan.

Sa buong nobela ay ito lamang ang eksena na nagpakita ng kahinaan ng paninindigan ni Lucing pagdating sa sex kaya tingin ko ay out of character talaga ito. Siguro para maging kapani-paniwala ang mga pangyayari, isinalang na lang ng may akda ang dangal at karakter ni Lucing. Hinayaan niya itong matukso sa isa pang lalaki.

c. Ang mga nagtatrabahong babaeng tauhan ay alinman sa tatlo:

1. Mababa ang posisyon
2. Maliit ang kita
3. Walang kita o walang kapasidad na kumita kahit nagtatrabaho

Si Lucing ay nagtatrabaho sa bukid at sa bahay ngunit hindi siya kumikita mula rito. Ito ang paraan niya ng pagiging mabuting asawa at pagsisilbi kay Carding. Si Rosing naman ay mananayaw at kailangang gamitin ang katawan para mabuhay at kumita nang maayos.

Si Mering na siyang pinaka-promising sa lahat na pangunahing babaeng tauhan dahil siya lang ang may pinakamataas na naabot sa pag-aaral ay nabuntis naman. Nang siya’y buntis, sinubukan niyang magtinda ng isda sa palengke hindi para sa sarili kundi para makatulong sa mga gastusin sa bahay nina Adoy.

Si Baket Basil ay tindera ng isda sa palengke. Kailangan niyang magbenta hanggang maubos ang kanyang paninda para mabuhay sila nina Adoy at Apong Binoy. Minsan, kusa rin niyang binababaan ang presyo ng paninda para magkaroon ng tapat na suki tulad ng asawa ng doktor na gumamot kay Apong Binoy.

Si Ligaya naman ay mamamasukan sana bilang kasambahay sa Maynila. Ngunit niloko siya ni Misis Cruz na siyang nagkulong sa kanya sa kasa para ibenta sa mga lalaki. Wala siyang kinikita rito dahil kinukuhang lahat ng taga-kasa. Nang maging asawa siya ni Ah Tek, binigyan siya ng pera nito para ipadala sa probinsiya. Hindi siya pinagtatrabaho kaya’t maaaring isa sa dahilan kung bakit di siya makaalis sa kahindik-hindik niyang sitwasyon ay ang kawalan ng pinansiyal na kakayahan para gumawa ng anumang hakbang.

Si Perla naman ay pa-sideline-sideline na tagapaggantsilyo, kahit paano ay nakakatulong na panggastos nila ni Atong at Mang Pilo. Nang mamatay si Mang Pilo, natagpuan si Perla sa kasa.

May kasabihan sa Ingles na “women’s work is never done.” Sa US at maging sa iba pang bahagi ng mundo (lalo na dito sa Pilipinas), nagtatrabaho ang babae nang mas mahabang oras kaysa sa lalaki dahil bukod sa tunay niyang trabaho, “kasama” din sa trabaho niya ang gawaing-bahay (na hindi naman nababayaran) at ang pag-aalaga sa kapamilya. Dagdag pa rito, kung sumusuweldo naman siya, kadalasan ay mas mababa ang kanyang kinikita kaysa sa lalaki.

Ayon naman sa Rethinking the Nature of Work na sanaysay ng aklat na Feminist theory from margin to center ni Bell Hooks, “receiving low wages or no wages is seen as synonymous with personal failure, lack of success, inferiority…” Naniniwala ako na ang sinabi ni Hooks ay hindi lang sa tunay na buhay maaaaring i-apply kundi maging sa mga tauhan sa panitikan. Bakit nga ba laging hikahos ang mga babaeng tauhan sa tatlong nobela? May kakayahan mang kumita ang iba sa kanila ay napakaliit naman ng kinikita ng mga ito, di hamak na mas maliit sa maliit na ngang suweldo ng mga bidang lalaki.

Ayon kay Thelma Kintanar, ang malimit na paglalahad ng ganitong paglalarawan ay nagpapalakas at nagpapairal ng mga maling palagay at huwad na paniniwala tungkol sa babaeng Pilipino. Kung laging hikahos ang babae sa panitikan, laging mura ang pasuweldo sa kanya, laging libre ang kanyang paggawa, malaki ang tsansang tatanggapin ito ng mga mambabasa bilang isang katotohanan. Na okey at normal lang naman ang karampot o walang suweldo sa pagtatrabaho ng isang babae. At magpapatuloy pa lang itong mangyari. In fact, hanggang ngayon, ang paggawa ng babae sa bahay ay hindi naman itinuturing na trabaho. Wala itong katumbas na halaga sa ekonomiya samantalang oras at pagod din naman ng mga babae ang ipinantatapat nila rito, gaya ng ipinantatapat ng mga lalaki kapag sila ay nagtatrabaho halimbawa bilang tagahugas ng pinggan.

d. Ang mga pangunahing babaeng tauhan ay biktima o isang taong hindi hawak ang kanyang kapalaran.

Laging biktima ang mga pangunahing babaeng tauhan. Noon pa, 1920’s pa, ay ganito na ang pag-represent sa kababaihan sa panitikan. Ayon nga kay Helen Lopez sa akda niyang From the Outsider Within: The Cultural Representation of Women in Selected Tagalog Novels of the 1920’s, “women in works are represented as overwhelmed by life - by suffering, misfortune, poverty, tyranny, disloyalty, treachery, infidelity, oppression and thus often adrift or wallowing in a sea of emotion or powerful sensation.” Lahat na lang ng pangit na pangyayari na puwedeng idulot sa mga pangunahing babaeng tauhan ay itinambak na sa kanila ng mga may akda.

Si Lucing ay namatayan ng tatlong anak. Siya ay niloko ni Carding nang makipagrelasyon si Carding kay Rosing. Naranasan din niya ang bahain ang sakahan. Biktima rin siya ng digma. Pinatay ang kanyang ama at ginahasa siya ng mga Hapon. Nabuntis pa siya ng Hapon.

Si Mering, bagama’t mas may kontrol sa mga nangyari sa kanya halimbawa ay ang pagkakaroon ng relasyon kay Adoy at ang pagkabuntis nito sa kanya, ay marami ring ulit na naging biktima. Binaril siya ng sariling kapatid na si Julian Buligo.

Si Baket Basil naman ay isang balo. Biktima siya ng lubos na kahirapan. Wala siyang sapat na pera para mapag-aral ang tanging pag-asa niyang makakapagsalba sa kanila sa hirap. Biktima siya ni Apong Julian na napakahirap utangan at napakalaking magpatubo. Sa pang-araw-araw niyang buhay, biktima siya ng mapanamantalang empleyadong nagbebenta ng tiket ng puwesto sa palengke at ng iba pang barat na mamimili.

Si Ligaya ay biktima ng pamimilit ng kanyang magulang. Ayaw naman niya talagang lumuwas ng Maynila pero dahil sa pamimilit ng magulang ay sumama siya kay Misis Cruz, na isa palang illegal recruiter. Biktima rin siya ni Misis Cruz nang dalhin siya sa kasa para pagkakitaan at ipagahasa sa isang customer. Biktima rin siya ni Ah Tek, ang customer na “nakabili” sa kanya dahil inasawa/ginawa siyang kabit nito at pinatay pa sa pagsasara ng nobela.

Si Perla at ang kanyang pamilya ay biktima ng pang-aagaw ng lupa. Siya rin ay biktima ng kawalang-katarungan nang mamatay ang kuyang si Atong dahil hindi naman nahuli ang suspek. At pinakahuli, biktima siya ng sunog, natupok ang kanilang bahay. Namatayan siya ng ama dahil sa sunog na ito. Isang araw, natagpuan na lang siya sa kasa, nagbebenta na rin ng katawan.

Lahat sila ay parang mga helpless na babae, damsel in distress, nangangailangan ng tulong at proteksiyon. Na siyempre kanino pa maaaring magmula kundi sa mga lalaking tauhan? Maaaring tinambakan ng mga may akda ang kababaihang ito ng kamalasan upang pagandahin ang imahen ng mga pangunahing lalaking tauhan. Sa umpisa’y laging timbulan ng lakas ni Lucing si Carding. Si Mering ay sinagip ni Adoy nang pakiusapan nito si Julian na huwag nang bariling muli si Mering. Si Baket Basil ay magkakaroon ng pag-asang guminhawa ang buhay dahil sa pagpapasya ni Adoy na magpa-Cagayan na lamang. Si Ligaya ay sasagipin sana ni Julio kundi lamang nahuli ni Ah Tek. Si Perla ay liligawan sana ni Pol kung hindi lang napunta sa kasa.

Wari ay isinulat ang mga kasawian ng kababaihang ito para lang magmukhang mga bayani ang pangunahing lalaki na bagama’t kinatawan ng inaaping uri ay simbolo pa rin naman ng sistemang patriyarkal. Sa madaling salita, maaaring ginagamit ng mga may akda ang babaeng tauhan para mapanatili ang paniniwala ng mambabasa sa sistemang patriyarkal.

Sa paglalarawan sa iba pa o minor na mga babaeng tauhan, makikita rin na parang iginigisa sa sariling mantika ang kababaihan. Halos lahat ay negatibo:

SA WITHOUT SEEING THE DAWN

a. Ayon kay Polo, isang minor na tauhan ni Javellana, “female children are such a nuisance. They grow up and want to have their hair curled and tempt young men to serenade them at night.” Makikita rito ang pagka-bias ni Polo. Mas gusto niya ang mga batang lalaki. Ini-imply niya na mas makabuluhan ang mga naiisip ng batang lalaki kaysa batang babae.

b. Si Nanay Pia, ang nanay ni Lucing, ay napilitan lang magpakasal kay Tinyente Paul. Ayaw pa niya sanang mag-asawa si Lucing dahil bata pa ito ngunit wala siyang nagawa. Napilitan siyang magbigay-payo kay Lucing hinggil sa pag-aasawa. Sabi niya ay sumunod na lamang itong lagi sa asawa dahil ito ang pinuno ng tahanan. Tinuturuan niya pang maging kimi at submissive si Lucing kay Carding!

c. Sabi naman ni Manong Marcelo, “use tongues to settle their differences. Which is the way of those who wear skirts. But it’s the civilized way. Truly civilization makes men effeminate.” Ito ay hayagang pagsasabi na bagama’t sibilisado ang paraan ng kababaihan (tinutukoy ng those who wear skirts) sa pag-aareglo ng gusot, hindi pa rin ito preferred way dahil sa himig ng pangungutya sa salitang “effeminate.”


d. Si Rosing, sa umpisa ng nobela, ay patay na patay kay Carding. Hindi siya mapakali hangga’t di niya nakikilala si Carding. Dumating sa punto na sa loob ng 30 minuto, akyat-baba, akyat-baba siya sa kanyang silid at tindahan para lang alamin mula kay Tia Bebang kung dumating na si Carding. Parang pusang di makapanganak ang babae dahil sa lalaki. Ito ay malinaw na pangungutya sa babae!

e. Si Alicia na kababata nina Lucing ay napakabusilak na babae. Sa gitna ng nobela, ginahasa siya ng mga Hapon. Sa bandang dulo naman, naging tanyag siyang puta at talagang pinipilahan siya ng mga sundalong Hapon. Naka-survive siya sa digmaan sa ganitong paraan. Ginamit niya ang seksuwalidad niya para makaganti sa mga Hapon. Nakikipagtalik siya sa pinakarami gabi-gabi para bigyan ang mga ito ng sakit na nakakahawa.

f. Sabi naman ni Gondoy ni Javellana, “nevertheless, when someone helps me I feel like an old man. Or a girl.” Sinabi niya ito noong maputulan siya ng paa at sinisikap niyang makaakyat ng hagdan nang mag-isa.

g. Ayon naman kay Ruben, “Don’t talk like a silly old woman.”

h. Heto naman ang kutya ni Carding sa taong mahinang uminom: He who cannot down six cups of tuba is a girl and not worth spitting upon. Sa madaling salita ay pangkutya nila ang imahen ng babae sa taong mahina uminom ng alak

Sa items f, g at h makikita na kahit malaki at mahalaga ang papel ng ilang mga babaeng tauhan sa digmang sinuong nina Carding, ang persepsiyon pa rin sa kanila ng mga lalaking tauhan ay mabababaw at hindi nila kaparehas o kapantay.

SA SILANG NAGIGISING SA MADALING ARAW

a. ‘Yong usiserang nagtanong kung anong pinagkukumpulan sa planta nang may mahulog na anluwage rito at bumagsak sa lupa. Tapos itong usiserang ito ay sumigaw na parang itsinismis niya sa iba ang nangyari. Dahil sa ginawa nya, naglabasan ang lalaki, babae at mga bata para makiusyoso din. Usyoso, hindi tulong.

b. Si Honorata Ubal/Onong na kasamahan sa pabrika ni Adoy. Lagi siyang nakakapatid ng sinulid kaya natatakot kapag ioobserbahan na siya ng supervisor. Lagi pa naman siyang nagkakamali sa pagsusulid. Hindi siya masyadong articulate sa Tagalog kaya natatakot na mapansin nang husto ng supervisor. Hindi rin siya binigyan ng mas progresibong isip, iyong tipong nagtatanong tungkol sa nature ng trabaho nya, sa nature ng pabrika o iyong mas kritikal na pag-iisp katulad ng mga lalaki sa pabrika.

c. Si Fe na kaibigan ni Mering ay minsan ding inilarawan sa paraang seksuwal, “sa alon, inangat (ni Fe) ang kanyang palda at lumabas ang mapuputing hita. Waring kumulo ang dugo sa mga ugat ni Salvador.”

d. Si Pittang o Perfie na taga-Cagayan, nakipagsabwatan sa lalaki sa kabila ng kalsada para maipa-date si Mering sa lalaki. Napakasinungaling nitong si Pittang at very scheming din. Manggagamit siya ng kaibigan at manipulative na tao. Sa sobrang husay niyang mag-manipulate, napapapayag niya si Mering kahit ayaw nitong sumamang manood ng sine.

e. Kung titingnan sa malayuan, si Mering ay naipit lamang sa away ng mga lalaki (Apong Julian, Julian Buligo, Adoy). Ngunit siya at ang kanyang nasa sinapupunan ang pinakanaapektuhan. Kung ia-apply natin sa realidad ang ganitong pangyayari, masasabing napakalimit nitong maganap. Mga lalaki ang magkaaway pero ang madalas na napapahamak ay ang mga mahal nila sa buhay na babae.

SA SA MGA KUKO NG LIWANAG

Hindi masyadong na-highlight ang mga babaeng tauhan dito. Ginamit lamang sila ng awtor upang mapalitaw ang kadakilaan ng pag-ibig ng isang lalaki (Julio) sa pinakamamahal niya (At Ligaya). Ginamit din ang kababaihan upang mapalitaw ang kabutihang puso ng kalalakihan (si Atong, hindi niya pinapabayaan si Perla). Lahat ng babae, kung hindi salbahe (tulad ni Misis Cruz) ay tragic ang ending (tulad ng nangyari kina Ligaya, Perla at sa mga puta) halatang lalaki ang gumawa ng nobela. Sina Saling at Edes, pangit kaya ginawa na lamang silang katulong
ni Misis Cruz. Si Misis Cruz, ang illegal recruiter, ay inilarawan sa nakakatawang paraan! “Tatlong suson ang baba, ang likod ay sinlapad ng likod ng kalabaw, ang mga braso’y tila dalawang patang hamon na nakabitin sa magkabilang balikat,” sulat ni Reyes. ‘Yong babae sa construction, puta. Payag siyang pilahan ng mga construction worker basta the price is right. ‘Yong kasambahay ni Ah Tek ay walang simpatya kay Ligaya. Parang naging tau-tauhan lamang ito ni Ah Tek, alagad, parang ganon. Idagdag pa rito ang mga babae sa kasa na adik sa morpina, yaya ng baby ni Ligaya, (isang Tsina) and at the same time, tapagbantay sa baby at nang hindi na makidnap ni Ligaya ang sariling anak. Isama na rin ang tatlong serbidora (description ni Reyes: hindi magagandang babae) sa isang maruming bar na walang jukebox, noon at doon ipinagtapat ni Pol kay Julio ang nangyari kay Ligaya

NEGATIBO

Halos lahat ng mga nabanggit na babaeng tauhan ay negatibo ang karakterisasyon at pagkakalarawan. Maitatanong natin, may sama ba ng loob ang mga may akda sa kababaihan? Bakit nga ba napakanegatibo ng portrayal nila sa babae? Na para bang ito rin ay kalaban ng kanilang inaaping bidang lalaki.

POSITIBO

Mabuti na lamang at may iilang paglalarawan sa kababaihan ang mga may akda na sa pagkakataong ito ay positibo naman.

 Sa Sa Mga Kuko ng Liwanag, ang matiyagang paggagantsilyo ni Perla kahit madilim na at gasera lang ang kanilang ilawan ay maaaring isang paraan ng paglalarawan ng mind set ng dalaga, na kahit anong mangyari patuloy niyang igagantsilyo ang kinabukasan niya, patuloy niyang bubuuin ang buhay niya, kahit mahirap kahit pa madilim na. Ang paggagantsilyo ay tinitingnan bilang passive na gawain, puwede ring sign of weakness pero maaari ding tingnan ito bilang simbolo ng tahimik na pakikipaglaban ng isang babae sa lahat ng puwersa sa paligid niya. “I will create. I will still create no matter what,” iyon ang isa sa maaaring kahulugan nito.

 Si Nanay Maria sa Without Seeing the Dawn. Ina siya nina Melchor at Gaspar na pinatay ng mga Hapon. Si Nanay Maria ang ilan sa mga babaeng gumawa ng paraan para maipaghiganti ang mahal nila sa buhay. Mahusay din niyang naplano kung paano silang makakaganti ni carding sa mga Hapon. Si Nanay Maria din ang naging boses ni Javellana nang sabihin niyang, “Even the civilians are victims of war.”

Ito ay patunay na hindi lamang tagaiyak ang kababaihan nang panahon ng gera. Hindi lamang sila saksi o biktima. Sila rin ay lumalaban. Kahit sa gitna ng panganib, aktibo silang naghahanap ng katarungan para sa minamahal na pinatay ng kaaway.

 Sa lahat ng babaeng tauhan na sinuri mula sa tatlong nobela, si Mering ang pinakakahanga-hanga bilang isang babae. Matapang siya at malakas ang loob. Kung gusto niya ay talagang pinu-pursue niya (tulad ni Adoy). Mas bukas ang kanyang isip kumpara kina Fe at Soling, ang kanyang mga kaklase. Very vocal din siya, sinasabi niya nang walang pangingimi ang kanyang nararamdaman.

Narito ang isang bahagi ng liham ni Mering para kay Adoy:

Marahil ay luluwas na ako patungong Maynila sa susunod na linggo. Kahit ngayon, dahil ayoko pang umalis, ay alam ko nang marami akong pangungulilahan. Pero babaunin ko ang paniniwalang mahal mo ako. lagi kitang nkikita sa aking panaginip, kagaya rin sa pagkakaalala ko lagi sa gabing naroon tayo sa kapandanan! O! Nalilipos ako ng kaligayahan!

Mahusay makipag-usap si Mering, halimbawa nito ay nang una niyang makilala si Baket Basil. Hindi niya pinadamang payak at maralita ang pamumuhay nina Baket at Adoy. Binanggit din niya ang pangangailangan ng mga taga-Bimmikal sa mga taga-Sabangan at vice-versa. Malay siya sa human ecology ng Guilang. Promising ang kanyang character dahil sa oportunidad na dumarating sa kanya, halimbawa ay ang pag-aaral sa Maynila. Pagkaluwas naman niya sa Maynila, intact pa rin ang kanyang identity (proud to be Ilokana siya) at ang values (mapagkumbaba pa rin, analitikal at mapanuri). Alam niya kung kailan napapagsamantalahan na ang isang tao o hindi. At umaalma talaga siya kapag nasasaksihan o nararamdaman niya ang pagsasamantala ng iba.

Sa madaling salita, kumpara sa iba pang pangunahing babaeng tauhan ng mga akdang sinusuri, si Mering ay ang pinaka-empowered sa lahat.

KONGKLUSYON

Tunay ngang malikhain ang paraan ng mga nobelistang sina Javellana, Casabar at Reyes para ipahayag sa pamamagitan ng prosa ang pang-aapi at pananamantala ng mga makapangyarihan sa magbubukid, factory worker, mangingisda, construction worker at iba pang walang kapangyarihan sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng lipunang Filipino. Di matatawaran ang ambag ng mga nobelang ito para maipaunawa sa mambabasa ang mga struggle ng mga walang kapangyarihan sa ating bansa.

Ang problema lamang, marahil ay sa laki ng pagnanais ng mga tampok nating nobelista na ma-expose ang ganitong mga di makatarungang pagtrato sa mga walang kapangyarihan, natuon ang pansin nila lalo na sina Javellana at Reyes sa tunggalian ng panginoong may lupa at sakada, sa tunggalian ng mananakop at ng mga sinasakop, sa tunggalian ng kapitalista at manggagawa, at sa tunggalian ng kapitalista at construction worker.

Sang-ayon sa ideya ni Bell Hooks, tinatalakay ng tatlong nobelista ang opresyon, oo, ipinakikita nila ang ugat nito, oo, at sinasabi nila na mali ito at hindi dapat na mangyari. Ngunit iminumungkahi rin ng mga akda nila (na may mababang pagtingin at defeatist na portrayal sa kababaihan) na ang paglaya sa ganitong opresyon ay para lang sa mga inaaping kalalakihan. Samakatuwid, ang mga inaaping kalalakihan lang ang nangangailangan ng kalayaan. Bakit? Nag-aalok ang tatlong nobelista ng isang pagsusuri sa lipunan, imperyalismo, piyudalismo at kapitalismo ngunit nakaligtaan nila (lalo na sina Javellana at Reyes) na isaalang-alang ang papel ng kasarian sa mga ito. Hindi nakapagbigay ng mas solidong pundasyon ang tatlong nobela para makabuo ng mas malawak at buo na pagtingin sa mundo kung saan talaga namang bahagi rin ang kababaihan.

At ang ang mga ganitong akda ang siyang bumubuo sa canon at tradisyong pampanitikan natin. Ayon pa kay Rosario Cruz-Lucero, sa tradisyong pampanitikan ng Pilipinas, masasabing ang babae’y tumatayo lamang bilang alegorikong simbolo ng kahinaan ng lalaki o di kaya’y ng mga karanasan sa buhay na nagsisilbing mga balakid sa paglalakbay nito tungo sa kaluwalhatian.

Sumasang-ayon din ako kay Cruz-Lucero nang sabihin niyang “hindi makakasalok sa ganitong bersiyon ng tradisyon at kasaysayang pampanitikan ang babaeng manlilikha. Hindi ito mapag-igiban ng mga pagpapakahulugang pambabae; bagkus puno ito ng mga imahen ng babaeng tauhang nagbibigay-kahulugan sa mga karanasang panlalaki lamang.”

Isang nakakalungkot na katotohanan, hindi ba?

REKOMENDASYON

Kaya naman, sang-ayon muli sa ideya ni Hooks, kung para sa pagsusulong ng tunay na pagbabago at pagwasak sa lahat ng anyo ng pananakop at pang-aapi ang hangad ng mga manunulat na tulad ni Casabar lalo na nina Javellana at Reyes sa pag-akda ng kanilang mga nobela, dapat ay binibigyang-pansin din nila at nilalabanan ang pang-aaping may kinalaman sa kasarian sa kanilang mga akda.

Para naman sa mga kapwa ko manunulat na babae, rekomendasyon ko’y kung hangad nating makatulong sa pagpapaangat ng kamalayang panlipunan ng mambabasa, at sa pag-agos at pagpapadaloy ng tema, imahen, karanasang pambabae at pagpapakahulugang pambabae sa kasaysayang pampanitikan ng Pilipinas, magsulat tayo nang magsulat. Damihan natin ng Mering ang ating mga akda. Malaon na tayong na-etsa puwera bilang mamamayan, manggagawa, asawa, ina, anak at tao ngunit hindi natin dapat ikalungkot ito. Maiging maging pro-active tayo at gamitin ang natatanging perspektibong ito para patuloy na suriin ang namamayaning hegemony sa tunggalian ng magkaibang uri: may kapangyarihan at walang kapangyarihan para patuloy na lumikha o sumulat ng counter-hegemony na patas at makatarungan sa lahat, babae man o lalaki (sang-ayon pa rin sa ideya ni Hooks).

SANGGUNIAN:

Casabar, Constante C. Trans by Duque, Reynaldo A. 1993. Silang Nagigising sa Madaling Araw. Quezon City: ADMU Press.

Hooks, Bell. 1984. Black Women: Shaping Feminist Theory. Nasa Feminist Theory from Margin to Center. Cambridge, MA: South End Press.

Javellana, Stevan. 1976. Without Seeing the Dawn. Quezon City: Phoenix Press, Inc.

Jose, Mary Dorothy DL Jose at Navarro, Atoy M., eds. 2010. Kababaihan sa Kalinangan at Kasaysayang Pilipino. Quezon City: C& E Publishing.

Kintanar, Thelma. ed. 1992. Babae: Bilanggo ng Kasarian o Babaylan? Nasa Ang Babae. Pasay City: Cultural Center of the Philippines.

Lucero, Rosario Cruz. 2007. Ang Talinghaga ni Mariang Makiling: Isang Panimulang Maka-Pilipinong Teoryang Feminista. Nasa Ang Bayan sa Labas ng Maynila. Quezon Ciy: ADMU Press.

Reyes, Edgardo M. 1997. Sa Mga Kuko ng Liwanag Ikawalong Limbag. Manila: DLSU Press.

Reyes, Soledad S. ed. 2003. Silid na Mahiwaga Ikalawang Limbag. Mandaluyong City: Anvil Publishing.

Shaw, Susan M. at Lee, Janet, eds. 2004. Women’s Voices, Feminist Visions Classic and Contemporary Readings. New York, U.S.A: McGraw Hill Companies.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...