Wednesday, February 5, 2014

Walang hanggang pasasalamat

Pasasalamat

Kay God, sa lahat ng biyaya. Sobra na ‘to, ha? Pero di po ako nagrereklamo. Thank You po talaga sa lahat.

Sa Visprint lalo na kay Mam Nida Ramirez sa paniniwalang may kakayahan ang aklat na ito na magdagdag ng kislap-diwa sa kabataang Filipino at kay Kyra Ballesteros, na nagtiyaga at
nagpasensiyang makipag-ugnayan sa amin ni Poy para lang matapos at mabuo na ang Boys2mens.

Kay Eros Atalia at sa Atalia brothers sa pag-imbita sa akin na maging mangkokolum ng lingguhang pahayagan (print at online) na Responde Cavite.

Sa mga mambabasa ng Responde Cavite na nag-text o nag-email sa akin para sa pagtitiwala. (Sana ay nakatulong sa inyo ang mga kalokohan sagot ko.)

Sa mga dati kong co-faculty at estudyante sa USTe sa pagbibigay ng ilang tanong at problema na itinampok ko rito. (Binago ko naman ang mga pangalan n’yo, e. ‘Wag wori, ahehe.)

Sa lahat ng taong nagbigay sa akin ng alalahanin at problema mula 2009-2011. (Buti talaga at dumating kayo sa buhay ko dahil kung hindi, fiction ang kalahati ng librong ito. Imagine?)

More pasasalamat

Sasamantalahin ko na rin ang pahinang ito para magpasalamat sa mga naging naging bahagi ng aming bookish wedding na ginanap noong 30 Disyembre 2013 sa Simbahan ng San Agustin, Intramuros at Ramon Magsaysay Hall, Malate, Maynila.


(Copyright ng larawan: Vivian Limpin)


pagkatapos magbarong- mga pamangkin ko: Iding, Noah at
(Copyright ng larawan: Sean Elijah Siy)

Una, sa pamilyang Wico-Siy lalo na kay Tisay, na nagtawag ng mga kamag-anak namin sa Pangasinan, nakita ko ulit sila, in flesh! Kay Daddy Ed sa pagpapakalma kay Tisay. Kay Colay sa pagsipot sa kasal namin, nang naka-make up at gown, wow talaga. Kay Sak sa pakikipag-coordinate nang matindi para masigurong ready ang buong pamilya sa aming much awaited day. Kay Incha sa matiyagang pag-uukay-ukay sa Mindoro (kung sa’n siya naka-base) para lang masaplutan ng gown at barong ang lahat ng members ng aming pamilya. Kay Budang sa pakikipagbati sa nanay naming si Tisay after 100 years of solitude. Kina Ate Ronnie at Charina sa pag-aabay in their bright-colored gowns, ponkan na ponkan. Sa lahat ng pamangkin ko lalo na kay Iding sa pagiging bahagi ng aming entourage.


Si EJ sa isang sarado pang bar sa loob ng Orchid Garden umaga pagkatapos ng kasal
(Copyright ng larawan: Beverly Siy)

Sa best man ko (Yes, friends, wala akong maid of honor. Ang meron ay best man ng bride.) si EJ, ang aking bebe, na naglatag ng pagkahaba-habang pasensiya para lang unawain ang nanay niyang bridezillang gorilya, na ilang buwan ding naging fierce mula kilay hanggang bunganga. (Rawr.)


kami with the verzo family
(Copyright ng larawan: Sean Elijah Siy

Sa pamilyang Verzo para sa emotional (and most especially, financial!) support. Kay Mama Nerie para sa patnubay at pagbibigay ng Xanor (pampakalma) sa akin during the most trying/crying times, kay Papa Ronye sa presence, kay Ging sa paghahanda ng mga gagamitin sa kasal, kay Jo sa pagdisenyo ng bebpoy paper craft at Save-the-Date bookmark at kay Doc Rianne na nagbalot ng pandekorasyong aklat sa kanyang clinic. St. Therese Dental Center po sa tapat ng SM Bacoor, now open. Thank you po talaga, lalong-lalo na sa tatlong lechon, ahahay!

Sa paring nagkasal sa amin, Fr. Virgilio Saenz Mendoza, na bumiyahe pa mula sa Diocesan Shrine of the Immaculate Conception Naic, Cavite. Salamat po, Father Vir, pati na rin po sa homily ninyong nagbigay-halaga sa paggamit ng pambansang wika sa aming kasal.


pre-wedding meeting sa restawran na katapat ng san agustin
(Copyright ng larawan: Beverly Siy)

Kay best man Wendell Clemente sa walang sawang pagpapahiram ng sasakyan at/o pagmamaneho para magjowang walang alam sa kahit anong bagay na kinakargahan ng gasolina at diesel, sa Mt. Pulag Dokyu, at siyempre pa, sa presence kapag nag-e-emo ang forever emotional na groom. Salamat sa suporta kay Poy MULA PROPOSAL HANGGANG WEDDING DAY. Ang tatag, grabe. (Pa’no na kaya kung wala ka, Wend?) Pasasalamat pa rin kay Wendell’s love and only Lisa Que, para sa pangungunsinti kay W. Salamat din sa (business nilang) Rental Monsters para naman sa LCD projector at lights and sound system at kina Gab at Rangie para sa technical assistance.



Kay Mam Nida Ramirez at sa Visprint peeps para sa aming bookish na imbitasyon, weee! At sa pagiging bahagi ng mini-book fair. Love, love, love.


(Copyright ng larawan: Vivian Limpin)


(Copyright ng larawan: Erwin Lareza)

Sa aming mga ninong at ninang: Sirs Efren Abueg, NA Virgilio Almario (National Artist po. Hindi Not Applicable), Ricardo Lee, Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Jr., Jimmuel Naval, Pedro Cruz Reyes, Jr. at Mams Ruby Gamboa Alcantara, Jeanette Coroza, Elena Cutiongco, Ma. Crisante Nelmida-Flores, Alma Miclat at Matilde Santos para sa pagmamahal, guidance, suporta at mainit na pagtanggap sa tambalang Beb at Poy. (Saka po sa mga regalo, thank you, thank you po!) Karangalan po namin ang maging inaanak ninyo.


(Copyright ng larawan: Vivian Limpin)

Sa lahat ng Sir William’s Girls: Tisay, Sak, Biangks, Eris, Tabs & Abs Yap, Maru, Joshelle, Tin, Azee, Beng, Mars Mercado, Marie at Claire Agbayani, para sa pinakamakamundong bridal shower. Ang hairy ng macho dancer n’yo, ha?


prenup shoot sa balara
(Copyright ng larawan: Beverly Siy)

Kina Jon Lazam at Rap Ramirez para sa pagiging kaibigan kapag may gera ang bride at groom, sa pagiging manunulat, direktor at cinematographer ng pinakamahalimuyak na prenup film ng taon, ang “Bugambilya.” Thank you rin sa pagiging program director sa reception. At lalo na sa pagiging bahagi ng fun factory sa aming bahay.

Sa bespren kong sina Eris at Ronald Atilano para sa pagmamahal at sa pagbabayad ng pagkamahal-mahal na church fee. (Sa’n nga ba napupunta ang P25k/one hour wedding mass, Father? Sa kandila?) at sa anak nilang sina Una at Kali para sa pagpa-flower girls.

Sa Hilakboters/PanPilPipol: Mar Anthony dela Cruz, Rita dela Cruz (na kumuha pa rin ng retrato kahit nakabestida. Effort!), Wennielyn Fajilan, Lourdes Zorilla-Hinampas, at Haidee Pineda para sa assistance sa misa, pagiging wedding mass coordinator, readers, at offerors, at sa napakarami at makabuluhang mga bagay (isang nobela kung ililista lahat pero ang pinaka-worth mentioning talaga ay ang condomful na surprise bridal shower).

Sa talented dokyu team headed by Vivian Limpin. Heto ang members: Elmer Grampon, Karl Orit, Nel Avior, Jo Lontoc at Rayts. Ang gaganda ng mga picture. Alam naming marami sa mga shot diyan, buwis buhay: pilipit-leeg-kamay-braso-tuhod dome shots, tingkayad-to-the-heavens zoom out shot, at ngalay-ngilo-all-in-one-kelan-ba-matatapos-ang-piktyur-piktyuran-na-‘to-anak-naman-ng-kodak-di-pa-ako-nakakakain-baka-maubusan-ako-wag-naman-lord-please moments.

Kina Harold and Michelle Encomienda-Emnace at ang kumpanya nilang i-Digitizer para sa nakakatuwa/iyak na onsite video. (Sobrang gaan katrabaho ang team, highly recommended!)
Kay Anna Marie de Castro para sa pagiging wedding coordinator, OIC sa mini-book fair sa reception, “factory worker”, program assistant, shock absorber (Sponge Bob ang peg!), middle man, prenup wardrobe consultant, at higit sa lahat, cheerleader super friend.

Kay Mae Catibog para sa pagiging prenup production manager, assistant program director, venue designer at performer ng makabagbagdamdamin na, unforgettable pang song and dance finale sa reception.

Kina Dennis Gupa sa lahat ng uri ng suporta, Gideon Yebron para sa pagpapahiram ng ilaw for prenup shoot at kay Mam Edith ng UP LB Layb. Kay Bumbo Cruz para sa behind-the-scenes pictures ng prenup.

Kina Happy at Viva Andrada ng F*art o Fashion Art para sa bridal gown na ginamit noong photoshoot para sa imbitasyon.

Sa housemate naming si Erwin Lareza para sa pagpapasensiya sa mala-jungle na bahay noong wedding prep daze at sa pagiging member din ng dokyu team. (Gurls, single pa ‘to, seryoso. Matangkad siya, guwap… er, matikas, matikas lang, pero matalino at may matatag na trabaho, ano pa hahanapin mo? Sulit na ‘to. O, cellnumber: 0915-8632829.)

Kay Kuya Doni Oliveros at sa Pinoy Reads Pinoy Books Book Club members na sina Vonn Howard “Po” Villaraza, Jason Vega, Clare Almine, Zim dela Pena, Phoebe Andamo, Clai Flores, Ingrid Membrere, Yani Dimaunahan, Ella Betos at Reev Robledo para sa pagdadala, pag-aasikaso at pagbabalot ng mga libro, paggawa ng mga souvenir na bookmark (na nagsilbing table place holders na rin) at pagbibihis sa mobile library para ito ay maging isang bridal car na makulay ang buhay.

Kina Mams Zarah Gagatiga, Maricel Montero at Charlot Cachuela ng Museo Pambata para sa pagpapahiram ng mobile library na siyang naging bridal car namin. (Andaming natuwa, grabe, sa simbahan pa lang. Wari mo ay photobooth, nagpa-picture ang mga bisita (at turista!) sa bumper nito.)

Kay Azalea Barbero-Ramos para sa accessories at hair & make up ko mula prenup shoot hanggang sa araw ng kasal, sa pag-aalaga sa akin buong umaga HANGGANG SA aking bridal walk, at marami pa (Nasa ibaba, look down, young man, look down.).

Kay Juan Ramos para sa pagiging assistant sa aming prenup shoot at sa paggitara ng kantang Panalangin habang papalapit ako sa altar, at (with Azalea at Ivan>>>) sa paggawa ng poybeb paper crafts, paper bouquet ng mga abay, mga baso at vase na pang-table centrepiece, paper flowers sa mobile library at pagbabalot ng mga librong pandekorasyon sa mesa.

Kina Mams Carmencita Abella, Kiel Fernandez, Angeli Alba at Sir Manuel Hizon ng Ramon Magsaysay Foundation para sa pagpapagamit ng venue ng aming kasal, ang Ramon Magsaysay Hall.

Sa kapwa ko bride na sina Rio Brigino-Lim para sa Vibal Publishing presence sa mini-book fair namin at Tin Ocenar soon to be Misis Campos (para sa look # 1 bridal gown), daghang salamat din sa emotional support noong preps. Alam n’yo kung ga’no ka-stressful ‘yon kaya sobrang salamat talaga. Kay Ajie Alvarez-Taduran para sa pinagkaguluhang wedding shoes! Exceptional kasi ang disenyo, higit sa lahat, it was so us. Eyebags na eyebags pa lang, e.

Sa Kasing-kasing Kids para sa paggupit ng poybeb paper crafts at petals ng mock paper bouquet sa fun factory, gayundin kay Joshelle Montanano na tumulong din sa venue set up. Kay Marie Ganal na nagpahiram ng bookshelves na ginamit sa stage. Sa Imuralla ladies: Kristina Beltran, Lora Lynn de Leon, CJ Latosa at Jean Moleno para sa heart-shaped confetti na gawa sa (lumang) pocketbook, foreign pocketbook hehe, at emotional support thru FB chat.

Kina Eris Atilano at Eros Atalia para sa pag-e-emcee at pagbibigay-aliw on the spot sa mga bisita ng aming wedding reception.

Kina Mam Rebecca Anonuevo at Atty. JP Anthony Cunada para sa super sarap at super bigatin na wedding cake. Tatlong kilo. !!! Cake na tatlong kilo. !!! Kina Jenelyn Tabora at Nikka Osorio-Abeleda para sa caaaaaaaaaaaaaannnnnnnnnndddddddyyyyyyyyy buffet. Andami lang talaga. Umaapaw. Salamat! Kay Mam Imelda Lopez ng Kubiertos para sa fun pre-wedding meetings, yumyummysulit na pagkain at maasikasong catering services.

Kay Mam Karina Bolasco at Anvil Publishing para sa bookshelf na ipinangdisenyo sa venue. Kay Kulay Labitigan para sa bookish venue design (Waging-wagi!) at sa pagpayag na maging fun factory worker din sa aming bahay. Kay “very reliable” Darwin Senido para sa video services.

Sa mga nagperform: Danny Gabita, da singing bahista Ronald Paguta, da singing poet Ser Joel Costa Malabanan, da violinist John Carlo Tulinao at singer Ayra Mae Lising, da very Pinoy Lakbay-Lahi at Mam Mary Ann Salvador, da balagtaseros Dax Cutab, Loaf Fonte at RR Cagalingan, da balladeer ala-Marco Sison Sir Charlson Ong, Badong Biglaen, Adam David at Chingbee Cruz, Mae at EJ.

At siyempre kay Poy. (Ang BNH ko, my friends, as in brand new husband, mainit-init pa.) Super salamat sa pagbibigay sa akin ng isang natatanging kasal, na punumpuno ng dalawang klase ng pagmamahal: pagmamahal as in erotic love. Wekdefek? What I mean is, romantic love. At pagmamahal sa makabuluhang papel, as in love for books.

Only kids and books for us, Poypoy, foreverandeverloveyoutsuptsup. (Insert matang korteng lips at ang isa, korteng puso.) Ik-ik-ik-ik-ik-ik. (Iyan ang tunog ng kiligayahan.)

1 comment:

MRCCHAIR said...

Nice articles and your information valuable and good articles thank for the sharing information vergo office chair

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...