Nais kong ibahagi sa inyo ang ilang obserbasyon ko sa akda ng ilang Tomasino nang ako ay maimbitahan ng Commerce Journal para sa isang palihan sa fiction noong 25 Enero 2014.
kaunti lang ang dumalo pero okay lang, mas madali at mas malalim ang palihan sa bawat akda kapag kaunti ang kalahok. saan ginanap ang palihan? sa isang classroom sa College of Commerce and Business Administration, 4F, Gusaling St. Raymund, UST, Maynila.
Ly-anne- ang strength ay structure ng kuwento, pacing ng pagkukuwento, language and i think, tone, pinakamahusay ang akdang ito sa tone. the whole story was quiet at parang grieving. ang galing talaga. isa sa dalawang best pieces sa buong workshop. ang weakness, cliche ang topic, cliche ang ending, characters. ly-anne should learn from ...
Jehan-ang strength ay ang manner of presentation ng mga tauhan. very unconventional ang mga ito. may pagka-experimental at sa ganyang edad, importante ito kasi bihira ang batang manunulat na may lakas ng loob na magkuwento ng mga akdang may ganitong uri ng mga character. ang weakness mo ay ang structure at pacing ng kuwento. jehan should learn from...
Joshua-ang strength ay structure. mahusay sa structure ang akda. ang weakness naman ay ang paglikha ng scene at paglalagay ng detalye dito. joshua should learn from...
Reinalyn- ang strength ay paglikha ng eksena at paglalagay ng detalye dito. mahusay ka rin at very observant sa buhay ng ordinaryong mga pinoy. ang weakness ay ang wika ng mga tauhan.
Dominique- ang strength ay structure ng kuwento, pacing ng pagkukuwento. sobrang galing din ng twist ng kuwento. ito yung isa pang best piece. very refreshing para sa akin ito. i think ang weakness ay ang pagta-title. haha! give away kasi.
Carlo- sa unang basa, iisipin mong isa ito sa best pieces. pero parang andami loophole pag inisip nang maigi ang mga pangyayari sa kuwento. i think ang strength ng akda ay yung tone. very mysterious from start to finish. ganda ng sentences. mapagtimpi. pero ang weakness, may mga problema sa details pag ikukumpara ang mga ito sa realidad. i think kulang sa pag-aaral sa psychology ng babae at ng isang pari.
Jhordya- ang strength ay wika. mahusay ang grammar, punctuation etc. yung basic na mga bagay sa writing, magaling. ang weakness, i think is the topic, the setting. kulang pa sa research. i strongly suggest, go for something local.
Mas marami pa kaming natalakay kaysa sa mga nakasaad dito. Pagkalipas ng ilang araw, isinulat ko ito at ipinadala sa kanilang coordinator (si Joshua Generoso). Bale, ito ay buod ng pangkalahatang obserbasyon ko sa bawat akda ng bawat estudyante. Sana ay nakatulong ito sa kanila, hehe.
narito naman ang aming best workshopper, si reinalyn domasig(nasa gitna siya. yong nagtatakip ng mukha. yong isa ay si Joshua, yong isa, ako, hehe!). maganda ang mga comment at suggestion ni reinalyn sa mga akda ng kapwa niya estudyante. at very active siya sa palihan. Hindi rin siya umalis kahit na tapos nang isalang ang kanyang akda. Mabuhay ka, Reinalyn!
Copyright ng mga larawan: Beverly W. Siy
Copyright ng larawan ni Joshua at ni Bebang: nakalimutan ko na
Copyright ng huling larawan: Dominique (UST Commerce student)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment